Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

8th Goodbye : Puppet Bride

EIGHTH GOODBYE
Puppet Bride

* * * * *

Or you'll be left in the dust
Unless I stucked by you,
you're the sunflower.

* * * * *

PARIS' POV,

PAGKATAPOS naming mamili ni Mavy ng mga damit, pumunta kami sa arcade.

Matagal na nang huli kaming napadpad dito. At dahil pareho naming gusto na magpatanggal ng stress, wala kaming ibang ginawa kundi maglaro nang maglaro sa loob ng tatlong oras. Tawa lang kami nang tawa kapag natatalo o kaya nananalo kami.

Naglaro kami ng basketball sa arcade. Para kaming baliw na kinakalaban 'yung katabi naming naglalaro rin ng basketball. Tawa tuloy kami nang tawa ni Mavy nang mag-walk out si kuya. Napansin niya sigurong nakikipaglaban kami sa kaniya, tapos nawirduhan sa amin kaya naglayas.

"Akala ko naman magaling mag-basketball. Mas magaling pa tayo sa kaniya. 'Di marunong mag-shoot ng ball si kuya," sabi ni Mavy na patuloy pa rin sa pag-sho-shoot ng bola. Pang-ilang laro niya na 'to ng basketball pero hindi pa rin niya tinitigilan. Balak niya raw i-beat 'yung high score.

"Tara na Mavy. Do'n naman tayo sa iba," pag-aya ko sa kaniya. Wala naman na siyang nagawa pa nang hatakin ko siya palayo sa basketball.

Pumunta kami do'n sa may dance floor. Hindi ko alam kung anong tawag dito sa pinuntahan namin ni Mavy. Ang alam ko lang, kailangan naming sundan 'yung sumasayaw sa computer na kaharap namin.

Nilapag namin sa gilid 'yung mga paper bags na dala-dala namin. Ito 'yung mga damit na binili namin kanina.

Nang sumayaw na kami, para kaming mga bata na nagwalwal sa birthday party. Wala kaming tinamaang step. At wala rin kaming balak sundan ang step dahil iniba namin ang lahat ng 'yon. Sinabayan lang talaga namin ang tugtog.

Kanina walang nanunuod sa ginagawa naming pagkakalat, pero ilang minuto pa, may mga nanuod na. 'Yung ilan sa kanila, mga hindi naglalaro sa arcade. Tamang nood lang.

No'ng una wala akong pakialam. Pero nang mas dumami pa, nahiya na ako. 'Yung iba, vini-video-han na kami kaya huminto na ako sa pagsayaw. Baka kumalat 'yung video at masira ang pangalan ng kompanya namin ni Mavy. Hindi naman kami kilala bilang anak ng mga may-ari, pero kung sakaling lumabas ang videos, malalaman na ng lahat.

Sira ang pinaghirapan ng mga magulang namin 'pag nagkataon.

Bigla tuloy akong nagsisi dahil hinatak ko pa si Mavy rito. Gusto ko nalang tuloy bumalik sa basketball, kahit si Mavy lang naman ang nakakapag-shoot. O kaya balik nalang kami sa claw machine kahit madaya 'yong laro na 'yon. 'Di naman gaanong worth it 'yung makukuhang stuff toy.

Mas mahal pa yata napapalitan kong token kaysa bumili nalang ako ng stuff toy. Baka mas malaki pa nabili ko kung sakali.

Napatingin ako kay Mavy na sobrang saya sa ginagawa niyang pagkakalat. Kung kanina nahihiya ako para sa sarili ko, ngayon mas nahihiya ako para kay Mavy. Kahit alam kong hindi naman tinatablan ng hiya ang babaeng 'to.

"Mavy let's go. Baka mamaya mag-viral ka na," I said. Parang biro sa kaniya 'yon pero seryoso ako.

Tinawanan lang niya ako.

Tumingin siya sa paligid tapos kumaway sa mga tao. "You want more!?" Tanong niya kaya naghiyawan 'yung mga nanunuod sa amin kanina.

Actually, nanunuod sa kaniya.

"Mavy! Anong more ka pa diyan? Anong oras na oh," sabi ko.

It's already 7pm. Dapat before 8pm nasa bahay na kami dahil 'yun lang ang paalam niya sa parents niya. 'Yun lang din ang alam nila Mama at Papa.

"More pa raw!" giit niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran. "Aray!"

"Tara na!" sabi ko bago ko siya hatakin palabas ng arcade nang makuha na namin 'yung mga paper bags sa gilid. Wala siyang choice nang ipahawak ko sa kaniya ang mga pinamili niya.

Kung kaya ko sanang buhatin lahat, gagawin ko. Eh kaso, mas marami pa ang nabili niya kaysa sa akin. Maliit lang ang kamay ko kaya hindi ko kayang buhatin lahat.

Nawala ang ngiti sa labi ni Mavy nang makalabas na kami ng arcade. Para rin siyang nagdadabog habang naglalakad kami. Halos malukot na rin ang mga paper bags na dala niya dahil sa marahas na paghawak sa mga 'to.

"KJ," bulong niya pero narinig ko pa rin.

"Eskandalosa," sagot ko kaya inirapan niya ako.

Hindi naman niya ako inaaway. Nabitin lang talaga siya.

Pero kung hindi ko siya pinigilan, for sure aawayin niya ako kapag nalaman niyang nag-viral na siya sa social media at wala man lang akong ginawa para pigilan siya. Daig pa niya ang lasing. Ang lakas ng amats.

Sumakay kaagad kami sa kotse ko. Last time, kotse niya ang gamit namin. This time, akin naman.

Walang gaanong traffic kaya mabilis ang takbo ng kotse.

Tahimik si Mavy. Kinabahan tuloy ako dahil kapag tumatahimik si Mavy, hindi ko alam kung anong iniisip niya.

Mabilis makabasa si Mavy ng mga emosyon. Kapag tahimik ako, at malalim ang iniisip, alam na niya kung anong nangyayari sa akin. It's either may problema ako, or wala ako sa mood.

Pero kapag si Mavy ang tumatahimik, hindi ko mabasa. Hindi ko alam kung mahirap lang siya basahin, o hindi ako kasing galing niya magbasa.

"Mavy, kung galit ka sa akin dahil pinigilan kita sa pagsayaw kanina, I'm sorry. Baka kasi---"

"Ang immature ko naman yata kung 'yun nga ang dahilan ko." Nakangiti niyang sabi. "Tsaka hindi ako galit. Thankful pa nga ako dahil sa ginawa mo. Kung hindi mo ako pinigilan kanina, baka na-discover na ako at ipinalit kay Yassi Pressman bilang Princess of the dance floor. Kawawa naman si Yassi, wala nang title," dagdag pa niya.

Kahit nagbibiro siya, alam kong may mali pa rin. Pero hindi ko alam kung ano.

I feel useless kapag ganito si Mavy. Kapag kasi may problema ako, nandiyan siya, nabibigyan agad ako ng payo. Pero kapag siya naman ang may problema, nandito nga ako, wala namang mabigay na kahit anong payo.

Bumuntong hininga nalang ako.

"Ris."

"Oh?" tanong ko. Bahagya akong lumingon sa kaniya.

"Inom tayo," diretso niyang saad kaya kumunot ang noo ko.

"Baka hanapin ka nila Tita. Hanggang 8pm lang din ang paalam ko sa parents ko."

This time, siya naman ang bumuntong hininga.

"Please Ris. Kahit ngayon lang, can we break the rules? Hindi naman na tayo minors. Twenty-one na tayo," she said, like she's not Mavy.

Ngayon ko na masasabi na talagang malalim ang problema ni Mavy. Mukha lang siyang strong and independent woman pero hindi talaga siya gano'n. Ngayon ko nalang ulit nakita ang ganitong Mavy. Ang totoong Mavy.

Naguguluhan lang ako.

Kanina lang, ang saya-saya namin sa Mall. Tuwang-tuwa kami sa arcade at halata naman sa kaniya na masaya siya dahil halos magkalat na siya kanina.

Pero biglang nagbago ang mood niya.

Dahil kaya sa pagpigil ko sa kaniya sa pagsasayaw?

Pero sabi naman niya hindi 'yon.

Mavy never lied to me.

Whatever the reason is, I must find it out.

Agad akong lumiko at nag-drive papunta sa pinakamalapit na resto-bar.

Tipid na ngumiti si Mavy sa akin, kaya nginitian ko rin siya.

Mavy needs me this time. Kung wala akong maibibigay na payo sa kaniya, sapat naman na siguro ang kasama niya ako. Sapat naman na siguro na alam niyang may masasandalan siya, at may makikinig sa kaniya.

Mavy's my friend. And I'm willing to take the risks just to make her happy. At kung kailangan niyang uminom, then I'll let her drink. Pero hindi ko siya hahayaang malasing.

Huminto kami sa tapat ng Two Leg Cube, isang bar na madalas naming puntahan ni Mavy kapag may okasyon. Pero ngayon, nandito kami para sa problema niya. Para kahit papaano, makalimot siya. Kung gano'n nga ang gusto niyang mangyari.

Pagpasok namin, maraming customer. Mostly mga teen agers na gustong magwalwal.

May mga adults din naman pero mas marami talaga ang mga minors. Alam kaya ng mga magulang nila na narito sila at nagpapakalunod sa alak?

Umupo kami sa isang bakanteng upuan. Mahabang sofa at may table sa harapan nito.

When I was about to take the drinks sa counter, pinahinto ako ni Mavy. Sabi niya siya na raw ang kukuha kaya hinintay ko nalang siya.

Kahit duda ako sa mga kukuhain niyang inumin.

Lumingon-lingon ako sa buong lugar.

Bago napunta sa stage ang mga mata ko.

Minsan may tumutugtog sa bar na 'to. Pero ngayon, hindi ko lang alam. Baka tapos na 'yung tugtog, o walang gig ngayong gabi.

Napabalik sa table ang tingin ko nang ilapag ni Mavy ang isang bucket ng alak. May mga yelo pa ro'n kaya for sure, sobrang lamig ng alak.

"Oh my god Mavy. Hindi ko kaya 'to," I said as I shook my head.

Masiyadong malakas ang tama ng alak na binili niya. Hindi ako magaling pagdating sa inuman. After our graduation celebration, never na ulit akong uminom. Pakiramdam ko, nawala ang ilan sa mga bituka ko nang sumuka ako. Kaya hindi na ulit ako nag-attempt.

"I don't asked you to drink. Ako ang iinom kung ayaw mo," she said.

Pagkatapos, marahas siyang uminom sa unang bote niya. Tuluy-tuloy ang lagok niya kaya para akong masusuka kahit pinapanood ko lang siya.

Napangiwi rin ako nang ibaba ni Mavy ang bote.

Nakangiti siya sa akin...

But her eyes stated otherwise.

Luminga-linga siya sa buong paligid. Pinakikiramdaman ang bawat isa, at tahimik na nakikinig sa malakas na beat ng musika.

"Pustahan, lahat 'yan kaya nandito, ay may problema," sabi ni Mavy bago muling tumungga sa bote na hawak niya.

Nang ibaba na niya 'yung bote, wala na 'yong laman.

"Kaya ka ba nandito ay dahil... may problema ka rin?" tanong ko.

I know I'm so stupid for asking her kahit na obvious naman na ang sagot. Pero gusto kong malaman mismo sa kaniya. In this way, malalaman ko na rin kung ano 'yung problema.

"When I was 7, gusto ko lang maglaro sa playground kasama ang mga bata na kapit bahay namin. Gusto ko lang maranasan kung paano magpadulas, mag-swing, maghabulan, magtaguan. But my parents didn't allow me," she started. Nagbukas siya ng bagong bote at muling lumagok.

Alam kong parehas kami ni Mavy na may over protective parents. But I kept silent as I feel she was about to unfold her problems.

"No'ng grade 7, gusto kong pumunta sa acquaintance. But my parents didn't allow me, again. Noon namang 16th birthday ko, I just want to have a simple celebration kasama ang family ko. But my parents didn't listen. Nalaman ko nalang, imbitado ang mga business partners nila na hindi ko naman kilala. Birthday ng 16 years old 'yon, pero parang ang nag-birthday mga adults," pagkukwento niya. Ngumiti siya nang mapait bago umiling-uling.

I was with her no'ng 16th birthday niya. Nando'n din sila mama at papa.

Pero hindi ko alam na ang gusto pala niya ay hindi nasunod. Akala ko, siya ang may gusto na maging gano'n ka-elegante ang birthday niya.

"Pagkatapos no'ng birthday ko, hinintay ko 'yung araw kung kailan magiging legal na ang age ko. Kung saan magagawa ko na ang lahat ng mga bagay na gugustuhin ko. Na hindi na ako p'wedeng utusan ng mga magulang ko dahil nasa tamang edad na ako," she said, before tears slowly went down to her cheeks.

Dulot siguro ng alak, nagkukulay pula na ang buong mukha niya.

Napayuko siya at tahimik na umiyak.

At dahil hindi ako sanay sa mga ganito, wala akong nasabi. Ang tanging nagawa ko lang, ay yakapin siya.

"Ris... bakit gano'n? Akala ko kapag nasa tamang edad na ako... makakapag-decide na ako para sa sarili ko. Akala ko... my decisions for my self will all be valid. P-pero..."

Mavy cried hard. Habang ako, nakayakap lang sa kaniya at hinahagod ang likuran niya.

"Ris... I can't marry someone I don't love. I don't want to be a wife to someone who knows nothing about me. Ayokong magkaro'n ng asawa... na hindi ko naman kayang mahalin," she said in between of her silent cries.

Gusto kong sabihin na naiintindihan ko siya.

Pero hindi dapat.

Hindi ako magaling sa advice pero alam kong maling sabihin sa kaniya na alam ko ang nararamdaman niya.

"Ris... I don't want to marry West," madiin niyang saad bago nagpakalasing.

Kung sinu-sino ang mga lalaking nilalapitan niya. Sa tuwing aawatin ko siya, inaaway naman niya ako.

Wala akong ibang nagawa kundi pagmasdan siya sa gusto niyang gawin. Pero ibang usapan kapag may mangyayaring halikan. Hindi ko hahayaan 'yon dahil mas magagalit si Mavy kapag nalaman niyang hindi ko siya pinigilan sa kalandian niya.

I feel pity for her.

Hindi niya deserve ang masaktan ng ganito.

Hindi pa siya nagmamahal, wasak na agad ang puso niya dahil sa mga magulang niyang sumasakal sa kaniya.

END OF EIGHTH GOODBYE.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro