Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7th Goodbye : The Living Genie

SEVENTH GOODBYE
The Living Genie

* * * * *

Pangako sa isa't-isa ay 'di na mabubuhay
pa, paalam sa ating pagibig na minsa'y
pinag-isa.

* * * * *

PARIS' POV,

SAGLIT akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. O kung may dapat ba akong sabihin.

Again, I'm lost for words.

After a long silence between us, I decided to speak up, question him again.

"What if... someday... mamatay ka nga? What about your family? Paano sila? Hindi mo ba inisip na baka malungkot sila dahil wala ka na? Hindi mo ba naisip kung anong mararamdaman nila kung malaman nila 'yung pangarap mo?" I asked.

Umiling siya bago ngumiti. Pekeng ngiti.

"Actually, naisip ko na 'yan noon. Pero naisip ko, wala namang iiyak sa akin kapag namatay ako. Anak ako sa labas ng daddy ko. Ang daddy ko, dalawang taon nang patay. After his death, my mother, married another man. Gano'n kabilis siyang nakahanap ng bagong asawa. After my father's death, nawalan na ng time si Mommy para sa akin. She never treated me as her child anymore. Nagkaro'n siya ng bagong pamilya without including me. So if one day I die. Kumpyansa akong walang iiyak sa kabaong ko," he said like he is proud of himself.

Gusto kong sabihin na nagkakamali siya.

Pero ano nga bang alam ko sa buhay niya? Sa pamilya niya? Sa kung anong pinagdadaanan niya sa buhay niya?

"Wa-wala ka bang girlfriend... friends... or anyone you could lean on?" Tanong kong muli sa kaniya.

Umiling siya. "Simula nang malaman ko kung anong sakit ko. Agad akong nakipagbreak sa girlfriend ko. Ayokong kapag namatay ako, iyakan niya ako. Gano'n din sa mga kaibigan ko. Well, lahat naman sila pera ang habol sa akin. Kaya wala lang sa akin ang iwan sila," he then smirked, as if remembering something amusing.

P'wede pala 'yon.

Nabubuhay ka na ikaw lang magisa.

Walang kaibigan. O kahit sinong p'wedeng kapitan.

Paano niya nakayanan?

Isa ba 'yon sa dahilan kung bakit gusto na niyang mamatay? Kasi wala na siyang makapitan?

"Ba-bakit palagi kang nakahospital gown?" I asked. Instead of asking what's his illness, tinanong ko nalang kung bakit palagi siyang nakahospital gown.

I think, masiyadong sensitive ang topic about his illness. Baka hindi ko kayanin kapag nalaman ko.

"Like what I've said, lahat ng nakapaligid sa akin, pera lang ang habol sa akin---"

"Baka 'yun lang ang iniisip mo. Baka naman they really care for you pero iniisip mo lang na pera ang habol nila sa'yo," hindi ko na napigilan ang sarili ko, so I cutted him off.

Umiling siya. "I doubt," he said. "Nang mamatay ang daddy ko, iniwan niya sa akin ang lahat ng kayamanan niya. Wala siyang binigay sa nanay ko. No'ng nabubuhay pa si daddy, gusto kong gumaling. Masiyado na siyang maraming perang nagastos para sa akin, at gusto ko nang gumaling para matapos na ang pagbabayad niya sa hospital bills. Pero ayun nga. Namatay siya, leaving his wealth to me. After his death, ilang beses akong pinadala ng nanay ko sa ospital. She wants me to be treated---"

"Ayun naman pala eh. Mahal ka naman pala ng... mommy mo," pahina nang pahina ang boses ko nang sabihin ko 'yon.

"Gusto niya akong gumaling dahil kailangan pa niya ang kayamanang iniwan sa akin ni daddy. She wants my father's wealth, na ayokong ibigay sa kaniya. Kaya gusto kong mamatay nang hindi nalilipat sa kaniya ang lahat ng kayamanan ni daddy," he said.

"So... tumatakas ka sa ospital?"

"Exactly," tugon niya. "Kaya palagi akong nakahospital gown ay dahil palagi akong pinapadala ni mommy sa hospital. Pero palagi rin akong tumatakas. Then after kong tumakas sa hospital, hindi muna agad ako umuuwi. Kaya nakita mo ako sa 7/11 at sa National, suot ang hospital gown," pagpapaliwanag niya.

Now it makes sense.

Ang complicated naman pala ng buhay ng isang 'to.

Napabuntong hininga ako.

"Kung mamamatay ka nang hindi nililipat ang wealth mo sa nanay mo, mapupunta pa rin sa kanila 'yon kapag namatay ka. Dahil nanay mo 'yon e. Natural, sa kaniya ang bagsak no'n. Ibig sabihin, mahal ka talaga ng nanay mo. Hindi lang pera ang habol niya sayo. Dahil kung pera nga ang habol niya sa'yo, edi sana, pinatay ka nalang niya," giit ko pero muli siyang umiling.

"Hindi rin. Gusto lang niyang magamit ang pera ko habang nabubuhay pa ako. About naman sa 'pag namatay ako at nalipat sa mama ko ang pera, that won't happen," he said.

"What do you mean?"

"Bago ako mamatay, sinisiguro kong idodonate ko ang lahat ng pera ko. O kaya ipapamana ko sa kung sino man. Basta ibibigay ko sa kahit kanino, 'wag lang sa pamilya ng nanay ko," saad niya kaya bahagya akong nagulat.

"Sinasabi mo bang wawaldasin mo ang pera ng daddy mo para sa iba?" Paniniguro ko.

"Yup. It's for the good. 'Wag kang mag-alala," he smiled at me. "At gusto ko, samahan mo ako sa gagawin kong 'yon."

"A-ano?"

"Tulungan mo akong ubusin ang kayamanan ng daddy ko. Let's help other people by sharing them my father's wealth!" Excited na saad niya kaya napasapo ako sa noo ko.

"Bakit ako!?"

"Bakit hindi ikaw?" Nakangising sabi niya.

"G-gusto mo akong isama sa pagwawalwal mo?" Pagkaklaro ko.

Tumango siya kaya mas lalo akong umiling.

"Please. Tulungan mo na ako. I'll pay your time. Libre ko ang lahat. Your food and anything!" Saad niya.

Napaisip naman ako.

Sure kaya talaga siya sa gagawin niya?

Uubusin niya ang pera ng tatay niya?

Pero tutulong siya sa iba.

Kailangan ko ng assurance na may makukuha ako sa pagtulong ko sa kaniya. Well, wala nang libre ngayon. Tsaka hindi pa kami magkakilala ng lubos, baka niloloko lang ako ng isang 'to.

But he shared his side.

Umiling ako sa naisip ko.

P'wedeng gawa-gawa lang 'yon?

But he's sincere.

Potang konsensya ka.

"Fine. Pero sa isang kundisyon," I said, kahit hindi ako sigurado. Alanganin naman siyang ngumiti sa akin.

"A-ano 'yon?"

"You'll be my living genie."

"G-genie?" Nakangiti pero hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Again, you want me to be what?"

"Genie," maikling tugon ko kaya natawa siya. Kumunot naman ang noo ko dahil naniniwala akong walang nakakatawa sa sinabi ko.

"Hindi ko naman alam na fan ka rin ni Aladdin," he said in between of his laughs.

"Are you telling me na fan ka ni Aladdin?" Takang tanong ko. Tumango naman siya habang patuloy pa rin sa pagtawa.

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. This time, siya naman ang huminto sa pagtawa at kumunot ang noo. Hindi niya siguro alam kung anong nakakatawa sa pagtango niya.

"You're... you're telling me, t-that you're a Disney fan?" Sabi ko nang mahimasmasan na ako. Pinunasan ko pa ang ilang luha na lumabas sa mata ko dahil sa sobrang pagtawa ko. Ngayon nalang ulit ako tumawa ng ganito.

"Not really," normal na saad niya. "Just Aladdin," seryosong dagdag niya kaya umayos na ako ng upo.

"Tell me, anong meron si Aladdin at bakit fan ka niya?" Pinilit kong hindi matawa dahil mukhang seryoso si Kumag.

"Magic lamp. He has the Genie."

"Now what's with the genie?" Curious kong tanong.

"Noong bata pa ako, I always wished for a genie to serve for me. Lahat na yata ng lamps sa bahay, nalinis ko na. Pati sa kapitbahay namin. Pero wala talaga. Nakakatawa 'di ba?" Nakangiti niyang tanong kaya marahan akong tumango.

"So you're favorite song is, A whole new world?"

Tumango siya.

"I had lots of childhood memories from that song. And most of them... were not..." umiwas siya ng tingin bago bumuntong hinga. "Were not good."

"Pero favorite song mo pa rin?" Takang tanong ko.

"Yup. Dahil kasama ko pa si Daddy nang huli kong panoorin 'yong animated movie. First and last movie watch we had," saad niya.

Then, silence. Again.

Hinayaan kong hanginin ang natitirang hibla ng buhok sa mukha ko na hindi sumama sa pagkakatali ko sa buhok ko. Naglalaban na rin ang liwanag at dilim kahit pa magfi-5pm pa lang.

"So you want me to be your living genie huh?"

Napalingon ako sa kaniya kaya alanganin akong tumango.

"What do you want me to do, master?" Natatawa nitong tanong kaya nailang ako at umiwas ng tingin.

"Like a genie do. Make my wishes come true."

* * * * *

NILAYO ko nang kaunti ang cellphone sa tainga ko. Tingin ko, mababasag ang eardrums ko sa lakas ng bunganga ni Mavy.

[Aba ineng! Malapit na ang reunion! Wala ka pa rin bang balak pumunta!? Aba! Kulang nalang jowain mo na 'yang reviewer mo!]

Napangiwi nalang ako bago ilapit ng kaunti ang cellphone sa tainga ko.

Buti nalang talaga at bati na kami. I mean, the starbucks incident, 'yung araw na nagtampo siya sa akin. Ilang araw na rin nang mangyari 'yon. Pero kinabukasan lang nagsorry na siya sa akin.

And as peace offering, binigyan niya ako ng bagong set ng charcoal pencils. Kaya in good terms na kami nang pumunta kami sa orphanage.

"I told you Mavy, priority ko ang pagrereview ngayon," tangi kong saad bago napatingin sa kalendaryo.

Wala naman talaga akong gagawin sa araw ng reunion, pero ayokong magpakakampante dahil malapit na ang board exam. Nakakahiya kung babagsak ako ro'n. Sayang ang ilang buwang paghihintay ko sa board exam.

[Eh ano 'yung sinabi mo kay Sandra na, I will clear my schedules that day?] She mimic me that made me chuckled.

"Mavy, alam mo kung anong pakiramdam na ma-pressure 'di ba? Dapat alam mo ang nararamdaman ko ngayon," I said.

Pareho kaming pressured ngayon sa totoo lang. Ako, sa board exam, at siya, pressured dahil mamemeet na niya a week after reunion 'yung West, 'yung mapapangasawa niya.

Nakarinig ako nang buntong hininga sa kabilang linya.

[But couldn't we enjoy our lives before we got pressured? P'wede naman siguro tayong maging masaya bago natin harapin 'yung problema 'di ba?] She asked, causing me to pause for awhile.

Napabuntong hininga rin ako dahil may point siya.

Actually, I've been reviewing non-stop simula nang grumaduate kami ni Mavy. Nahihinto lang kapag may saturday bonding ang pamilya namin.

"Fine. But after the reunion, we'll get back serious about our lives okay?"

After that, I heard her yelling on the other line. Tuwang-tuwa ang gaga dahil magtatanggal muna kami ng stress kahit pansamantala lang.

Dahil sa pagsigaw niya, binaba ko na ang tawag. Ang sakit na kasi talaga sa tainga ng bunganga niya.

I tried to get back reviewing again, pero hindi na ako nakapagfocus kaya humiga na ako sa kama.

Tulala lang ako sa kisame habang nagmumuni-muni sa kahit anong random na bagay na nangyari sa akin recently.

Hanggang sa pumasok sa isip ko 'yung huli naming pag-uusap ni kumag.

Naalala kong binigay nga pala namin ang number namin sa isa't-isa bago kami maghiwalay no'ng araw na 'yon. Para raw kung handa na akong humiling sa kaniya, matatawagan ko siya.

At dadating siya.

Ang kumag, feel na feel ang pagiging genie.

Sinabi rin niya sa akin na dahil genie siya, may tatlo lang akong wish.

Three wishes huh?

Then I'll make it worth it.

* * * * *

THREE days before ang reunion, pumunta kami ni Mavy sa Mall para mamili ng mga bagong damit. Ewan ko ba sa kaniya, marami naman siyang damit pero gusto niyang bumili pa ng bago.

Marami rin naman akong damit sa bahay, pero dahil nahatak niya na ako, wala akong ibang nagawa kundi sumama sa kaniya.

"Masiyadong sexy. Wala ka namang p'wet. Hindi bagay," nakakunot ang noo niya at nakangiwi paglabas ko ng fitting room suot ang red two piece bikini.

"Aba! May p'wet naman ako ah," lumingon ako sa likod ko at tiningnan ang p'wetan ko. "Hindi lang halata sa bikini na 'to," dagdag ko bago bumalik sa loob ng fitting room.

Nagsukat pa ako ng ilang damit. Both bikini and summer dress.

Sa totoo lang, hindi talaga namin alam ni Mavy kung saan kami pupunta dahil nga road trip reunion 'yon. Ibig sabihin, most of the time nasa bus lang kami na means of transportation ng section namin papunta sa iba't-ibang lugar.

In short, parang field trip.

"May isasama ka na ba sa reunion?" Tanong ni Mavy sa akin habang kumakain kami sa isang ice cream parlor.

"Wala pa. Ikaw ba?" Tanong ko sa kaniya.

Nagkibit balikat siya kaya hindi ko alam kung may isasama na ba siya o wala pa.

Napaisip tuloy ako.

Sino namang isasama ko sa reunion?

END OF SEVENTH GOODBYE.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro