Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

6th Goodbye : What Dying Means for Him

SIXTH GOODBYE
What Dying Means for Him

* * * * *

When you think about your forever now,
do you think of me?

* * * * *

PARIS' POV,

"What if I don't like to?"

"You don't have a choice," matapang kong ganti.

Sumeryoso ang tingin niya sa akin, pagkatapos ay sa libro. Maya-maya, binitawan niya ang libro. Mabuti nalang at hawak ko pa kaya hindi nalaglag sa sahig.

"Well, I have a choice," giit niya bago ako talikuran. Magsisimula na sana siyang maglakad paalis nang magsalita ako.

"Please, I need your answers," mahinang saad ko, pero sapat na para marinig niya.

"My answers to what?" Takang tanong niya nang lingunin niya ako. "I mean. Wala akong pakialam sa kung anong gusto mong itanong sa akin. Ayoko lang sa mga tanong. Ayoko lalo sa taong maraming tanong," saad niya.

Malalim na hininga ang pinakawalan ko.

I'm a stranger to him.

Kahit na alam na namin ang pangalan ng isa't-isa, we're still strangers to each other. I'm not expecting na magiging madali 'to para sa akin. Kung bakit ba naman kasi hindi ako makamove on sa last sentence niya no'ng huli kaming magkita.

"Hindi ako alam kung bakit, pero hindi ko maintindihan ang pangarap mo. Hindi ako mapalagay every time I think about your dream. Sabihin mo, adik ka ba? Binibiro mo ba ako no'ng time na 'yon? Joke lang 'yon 'di ba?" I honestly said.

Pumaweywang siya sa harapan ko bago tumaas ang isang kilay.

"Why? Do you care? Libre mangarap hindi ba? Kaya sinagad ko na. I'm not supposed to tell you this, pero ano bang pakialam mo sa pangarap ko? Mind your own dream," seryosong saad niya.

Tama.

Ano nga bang pakialam ko sa pangarap niya?

May sarili akong mga pangarap, doon dapat ako magfocus.

Gusto kong tawanan ang sarili ko.

Mukha akong tanga.

Ang tanga ko sa part na 'to. Iniisip ko na sasagutin niya ang tanong ko. Pero ano nga ba ako sa paningin niya? Hindi kami magkakilala. We only know each others name. Nothing else.

"H-hey, did I offend you?"

Mula sa pagiging seryoso, biglang lumambot ang mga tingin niya sa akin. Gusto ko talaga siyang sapakin. Gusto ko siyang tadyakan dahil pinaramdam niya sa akin na ang tanga-tanga ko.

Kaso kasalanan ko rin naman.

"A-ah... I-I'm fine. Kung ayaw mong sagutin ang mga tanong ko. Next time, 'wag kang magsasabi ng mga bagay na magiging dahilan para balikan ka pa ng tao. Masiyado kang pacurious. Leche ka!" Saad ko.

"Tulad ng I love you?" Nakangisi niyang saad kaya bahagya akong napahinto.

"Tulad ng fuck you!"

"Ouch," napahawak siya sa dibdib niya, still wearing his irritating smirk. "Kakikilala palang natin, you want to fuck me agad?"

Aba't---!

Sa sobrang inis ko, sinampal ko sa mukha niya 'yung librong hawak ko. Tumunog pa 'yon sa balat niya dahil more than 500 pages lang naman ang content nito.

"Iyo na 'yan! Nakokonsensiya lang ako tuwing nakikita ko 'yan. Naalala kong may nakilala akong kumag na makapal ang apog!" Sigaw ko bago siya talikuran. Narinig ko pa ang daing niya.

Pumunta ako sa freezer kung nasaan ang ice cream. Kumuha ako ng rocky road flavored ice cream bago ako magbayad sa cashier.

"Teka Paris!"

Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. "Call me Ms. Hermosa. Maging formal ka! Hindi tayo close!" Giit ko bago siya ulit talikuran.

Nang makapagbayad na ako, lumabas na ako sa 7/11.

"Teka! Oy!"

Sumigaw-sigaw pa siya pero hindi ko na siya nilingon pa. Bahala siya sa buhay niya! Siya naman ang magmukhang tanga!

* * * * *

"PUTANGINA," I said in defeat.

Bumaba ako sa bike na sinasakyan ko. Inistand ko 'yon bago ako umupo sa isang bench malapit kung nasaan ang bike.

Pagod na pagod ako kakabike.

Pero hindi ko naman napaandar ang bike ng hindi nakalapat ang paa ko sa sahig. Puro lang ako tulak gamit ang paa, ni hindi ko man lang nagamit ang pedal.

Paano ba kasi paandarin ang lintik na bisikleta na 'to!?

Nasa park ako ngayon. Actually, kasama ko kanina si Mavy at ang kapatid niyang mas bata sa kaniya. Tatlo kaming nagbibike kanina kaso nauna na silang umuwi.

After they left, I decided to continue practicing my biking skills.

Which I failed for the nth time.

Kung hindi mahuhulog sa bisikleta, nakakabangga naman ako ng mga bata sa park. Buti nalang talaga at magaling ako pagdating sa mga bata. Nagbaon ako ng candies dahil alam ko nang ganito ang mangyayari.

My father and mother was always over protective to me ever since I'm a kid. Only child kasi ako at tagapagmana ng Magus Vista kaya ingat na ingat sila sa akin.

Kaya naman mostly sa mga thrilling games noong kabataan ko, hindi ko nagawa.

Ang patintero. Tumbang preso.

Hindi nga rin ako nakapagtry na maglaro ng langit lupa, sekyu base, sipa--- in short, wala akong outdoor game na-enjoy no'ng bata pa ako.

Including bicycling.

Tuwing bumibisita lang si Mavy noon ako nakakapaglaro. 'Yun nga lang, it's either tagu-taguan sa loob ng bahay, o dolls and barbies lang ang mga nilalaro namin.

Pawis na pawis ako at hinihingal.

Parang tanga lang 'di ba.

Napagod ako ng hindi nage-enjoy sa pagb-bike.

Tumingin muli ako sa bisikleta. Akin 'to dahil gusto ko talagang matuto magbike no'ng college na ako. Pero dahil naging busy, ngayon ko nalang ulit nagamit. At aaminin ko, pudpod na ang gulong nito, at marami na ring gasgas kahit pa hindi naman nagagamit ng tama.

Ilang beses na kasi talaga akong bumangga.

Minsan sa tao, minsan sa puno. Pero madalas, sa tae ng aso.

"Ilang beses pa ba kitang sasakyan!? Pota. Parang may galit ka naman sa akin e! Kapag talaga hindi pa kita nagamit ng ayos! Never na kitang sasakyan! Never!" Bulyaw ko sa bisikleta. Bahala nang magmukhang tanga. Inis na inis na ko e.

"Ako nalang kasi sakyan mo."

Nanlaki ang mga mata ko. No'ng una akala ko nagsalita 'yung bike kaya med'yo lumayo ako.

Pero nang tumayo ako at umusog, may nabangga ako sa likuran ko.

And speaking of mukhang tanga.

Si kumag 'yung nasa likuran ko.

"Ikaw? Sasakyan ko?" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, at pabalik. "No way for jutay," saad ko bago dumistansya sa kaniya.

Bahagya siyang napatingin sa ano niya. Sa ano... sa gitna ng hita niya bago tumawa.

"Ako? Jutay?" He smirked. "Paano mo... nasabi," he said in almost seductive voice.

Tangina! 'Yung boses niya...

Nakaka-irita.


"Simple lang, walang bakat," matapang kong saad.

"So... tinitingnan mo pala kung may bakat ako," mas lalong tumaas ang kilay niya. Mas lalo ring lumawak ang ngisi sa labi niya.

Naginit ang mukha ko sa sinabi niya.

Doon lang nagsink in sa utak ko ang sinabi ko.

Ang bobo mo Paris! Gaga ka talaga!

I faked a cough bago ko siya talikuran. Hindi kinakaya ng sistema ko ang kahihiyan.

"Ba-bakit ka ba nandito? Sinusundan mo nanaman ba ako?" Pagiiba ko ng usapan.

"Bakit? Bawal ba?"

Kahit nakatalikod na ako sa kaniya, ramdam ko pa rin na nakangiti pa rin siya.

Aba ang kumag! Proud na proud! Akala mo naman talaga may bakat.

Hinarap ko siya bago tumingin sa suot niya.

"Hindi naman, p'wedeng-p'wede," sarkastik kong sagot. "Himala, hindi ka nakahospital gown," puna ko.

Tumingin lang siya sa damit niya bago ngumiti sa akin.

Kumunot tuloy ang noo ko. "Oy, laway mo tumutulo na," saad ko.

Tumawa lang siya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Ano bang gusto mo? Bakit nandito ka? Hindi ka naman siguro lalapit sa'kin kung wala kang pakay," sabi ko.

"I want you," diretsa niyang saad kaya bahagya akong napahinto.

"H-ha?"

"I want you to come with me," dagdag niya kaya nakahinga ako. Akala ko kung ano. Masiyado talaga siyang pacurious!

"Saan naman kita sasamahan? Tsaka... baka kidnapin mo ako, no way," saad ko kaya natawa siya. Ang happy niya today ah. Pansin ko lang, kanina pa siya nakatawa. Kanina pa siya nakangiti.

"I'm not going to kidnap you. Hindi kita type," saad niya.

"Ako rin. 'Di kita type."

"Glad to know," nakangiti pa rin niyang saad. Pero sa likod no'n, alam kong may ibig sabihin ang sinabi niya. "You want to ask questions right?"

Napahinto ako bago siya titigang mabuti.

Kagabi, hindi mawala sa isip ko 'yung mga tanong na hindi ko natanong sa kaniya. Sinabi niya kagabi na ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko. Pero nandito siya sa harapan ko ngayon, at tinatanong kung gusto kong magtanong.

Abnormal ba ang isang 'to?

"Kagabi 'yon. Moved on na 'ko," sagot ko.

"Come on. Alam kong marami ka pa ring tanong. And I'm willing to answer all of it. Alam kong na-offend kita kagabi. Gusto kong bumawi. Basta samahan mo lang ako," saad niya. Nakangiti pa rin siya pero mukhang sincere naman ang pagkakasabi niya.

Hmm...

Totoo. Marami akong gustong itanong sa kaniya. Curious ako sa kaniya. But not in a romantic way. Ayoko muna ng panggulo ngayon. Lalo't malapit na ang board exam. I need to relax.

"Saan nga?"

Natawa naman siya nang malamang interisado pa rin ako sa mga sagot niya.

"Kakain lang tayong fishball. My treat!" sabi niya.

"Fish ball lang? Walang kwek-kwek? Kikiam? Squid ball? Fish ball lang talaga?" Tanong ko sa kaniya kaya natawa siya ulit. Aba, kung libre niya, dapat sulitin ko na.

"Whatever you like," sabi niya.

Napatingin ako sa wrist watch ko.

4pm pa lang naman. Mamayang gabi nalang ako magrereview. Ayos lang naman siguro kung libangin ko muna ang sarili ko. Susundin ko muna ang utos ni mama. Magpapa-relax muna ako ngayon.

Nauna akong maglakad sa kaniya. "Ihanda mo na ang bulsa mo. Maling tao ang hinamon mo," saad ko nang lagpasan ko siya.

Sumunod naman siya sa akin bago kami pumunta sa isang street food stall na nakaparada sa gilid ng park. Kumpulan ang mga tao rito kaya nang kumonti ang mga bumibili, tsaka nalang ako tumusok ng kung anu-ano.

Kikiam, fish ball, squid ball at kwek-kwek.

"Whoa. Mauubos mo ba 'yan?" Tanong sa akin ni kumag pero hindi ako sumagot. Bagkus, sinawsaw ko sa sawsawan 'yung kikiam bago sinubo lahat 'yon. Pagkatapos, sinunod ko 'yung fish ball at squid ball. Hinuli ko talaga 'yung kwek-kwek dahil mabibilaukan ako kapag minadali ko 'yon.

Pagtawanan pa ako nitong kumag na 'to.

"Kumuha ka pa, baka bitin ka pa," aniya pero umiling ako.

"Palamig nalang," walang hiyang saad ko kaya nakangiti siyang umorder ng palamig. Maya-maya pa, may gulaman na akong bitbit sa kaliwang kamay ko. Sa kanan naman, isang plastic cup na may lamang suka, kung nasaan ang kwek-kwek.

Nagbayad si Kumag sa lahat ng mga nakain namin.

Aaminin ko, galante ang isang 'to.

Pero street foods lang naman ang kinain namin. Kaya siguro ang tapang niyang manlibre.

'Pag ako natuwa sa kaniya, dalhin ko siya sa mga restaurant. Doon ako magpalibre sa kaniya.

Umupo kami sa bench kung nasaan ako nakaupo kanina. Buti hindi nawala ang bike. At kung mawala man, I don't have regrets. 'Di ko naman kayang paandarin. Mapunta nalang siya sa mga marunong magbisikleta.

May pagitan sa aming dalawa ni kumag. Kumakain siya ng kikiam at may hawak ding palamig.

Dinama ko lang ang simoy ng hangin.

Hindi malamig, hindi mainit. Ito 'yung masarap sa balat na hangin. 'Yung parang nilalamig ka, pero may mainit na hanging dumaan. Ang gaan sa pakiramdam. Feeling ko, nasa probinsiya ako.

"I'm not joking when I told you that my dream is to die," sabi ni Kumag kaya napalingon ako sa kaniya.

Nakatingin siya sa akin at nakangiti pa rin.

Iniwas ko ang tingin ko. Ayokong makita ang mga mata niya habang nagtatanong ako. Baka makonsensiya ulit ako. Ewan.

"Bakit naman gano'n ang pangarap mo? Sa dami ng p'wede mong pangarapin, bakit 'yun pa ang pinangarap mo," tanong ko bago uminom ng gulaman.

"Hindi ba't ang pangarap, ay 'yung bagay na magpapasaya sa'yo? 'Yung masasabi mong sucessful ka dahil naabot mo na 'yung pangarap mo?" He said then paused. "Pangarap kong mamatay dahil 'yun ang magpapasaya sa akin. 'Yun ang success para sa akin," sagot niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Nakangiti siyang nakatingin sa mga bata na naglalaro sa harapan namin. Kung hindi ko siya kausap, aakalain kong kausap niya ang sarili niya.

"Bakit... bakit gusto mo nang mamatay?" Alanganin kong tanong sa kaniya.

Lumingon siya sa akin at muling nagtama ang mga mata namin.

"Dahil gusto ko nang matapos lahat ng mga problema ko. Dying means ending everything that exists in your sight. Dying means rest. Dying means no more pain. No more challenges. No more me. Dying means enough for living. Kapag namatay ako, wala na akong pasan na kahit ano. Sarili ko nalang ang dala ko. I'll be resting, without anyone even knowing."

END OF SIXTH GOODBYE.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro