Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1st Goodbye : Cookies and Cream

FIRST GOODBYE
Cookies and Cream

* * * * *

Ang tagal ko nang nag-iisa
Andyan ka lang pala.

* * * * *

PARIS' POV,


"OH bakit hindi ka pa nagbibihis?"

"H-ha?" Wala sa sarili kong saad nang bumungad sa akin ang mukha ni Mama. Kanina pa siya kumakatok sa pintuan ng k'warto ko.

"Hindi ko ba nasabi sa'yo na lalabas tayo ngayon kasama 'yung family ni Mavy?" Tanong ni Mama sa akin kaya napatingin ako sa mini calendar sa tabi ng kama ko.

"Ngayon ba 'yon?" Walang gana kong saad nang maalala kong sabado pala ngayon.

Tumango si Mama. "Ayos ka lang ba? Bakit parang ang lamya-lamya mo? May lagnat ka ba?" Tanong niya bago ilapat ang likod ng palad niya sa leeg at noo ko.

"I'm fine," tugon ko pero pumaweyang lang si Mama sa harapan ko. Bahagya siyang napatingin sa study table ko kung nasaan ang mga makakapal na libro at notes ko.

"Paris Nicole Hermosa! Huminay-hinay ka naman sa pagrereview. Alam kong pressured ka dahil sa susunod na buwan na 'yon, pero kung ipagpapatuloy mo 'yang sobra-sobrang pagrereview, aba! Baka hindi ka na umabot sa board exam dahil tigok ka na," sunud-sunod na saad ni Mama. She's really the Rap Goddess.

"OA mo naman Ma. I'm fine. Okay?" I said again. "Now go! Maliligo na ako," ngumiti pa ako sa kaniya.

"Hmp! Bilisan mo ha. Malapit nang dumating ang family ni Mavy. Alam mo namang never nalalate ang mga 'yon," seryosong sabi ni Mama, pero para sa akin biro 'yon kaya bahagya akong natawa.

Naglakad na paalis sa harapan ng pintuan si Mama kaya sinarado ko na ito.

Pagkatapos ay naligo na ako.

* * * * *

"ANONG mas maganda sa dalawa?"

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa dalawang damit na hawak ni Mavy. Kahit na sa totoo lang, hindi ako magaling pagdating sa mga damit.

"Siguro 'yung kulay dilaw," sagot ko bago muling tumingin sa hawak kong damit. May collar 'yon pero dress siya. Sleeveless din at kulay lavender. Hindi siya masakit sa mata kaya mabilis nitong napukaw ang atensiyon ko simula nang pumasok kami sa botique shop na 'to.

Nasa mall kami ngayon dahil saturday bonding ngayon ng family namin ni Mavy. Nakasanayan na naming gawin 'to once a month para naman makapagrelax ang both parents namin. And I think Mavy and I need this too since malapit nang maging vice president si Mavy ng kompanya nila. At ako naman, malapit nang mag-board exam.

My father and her father are business partners. 'Yung mga magulang naman namin mahilig sa arts like paintings and sculptures kaya hindi naging mahirap para maging magkaibigan sila. Kami naman ni Mavy, simula elementary magkaibigan na.

Namulat kaming pareho na ang negosyo ay dapat pinapalago. Kaya naman sobrang pressured si Mavy because she's in the right age para maging vice president ng La Liondale, ang kompanya ng pamilya nila. Pagdating sa branded na bag, ang La Liondale ang first option ng lahat dito sa city namin.

But Mavy's too confident to feel the pressure. Aside from being perfectionist, mabait na tao si Mavy kaya alam kong deserve niya na agad ang spot na 'yon kahit hindi pa siya ang anak ng presidente ng kompanya.

"Bibilhin mo ba 'yan?" Tanong sa akin ni Mavy.

Tumango ako. "Bayaran na natin 'tong mga 'to. Hinihintay na tayo nila Mama sa Joseon," sabi ko.

"Korak! Knowing my one and only mother, for sure mapapansin niyang late na tayo," natatawang sabi ni Mavy kaya natawa rin ako.

Ang Joseon ang paboritong restaurant nila Mama at ng mama ni Mavy. Madalas kaming kumain do'n kapag saturday bonding. Obviously, isang korean restaurant 'yon dahil mahilig sa korean foods ang parehong Mama namin ni Mavy. And I don't know why, but they look sisters than Mavy and I. Magkasundong-magkasundo sila.

Pagkatapos naming magbayad sa mga pinamili naming damit ni Mavy, dumiretso na kami sa Joseon.

Naging madali ang paghahanap namin kila Mama dahil kaunti lang ang mga tao sa loob. Masiyadong mahal ang mga pagkain dito dahil masasarap naman talaga.

"You two are almost 5 minutes late," sabi ni Tita Dally, ang mama ni Mavy, nang makaupo kami sa harapan nila.

Bahagyang tumingin si Mavy sa akin. 'Yung tingin niya parang sinasabi sa aking, "see? I told you."

I giggled a bit because of that. She's really a happy pill to me. I can't afford to lose this crazy woman.

"Ma, alam mo namang kapag namimili ako ng mga damit matagal talaga ako. Eh kasama ko pa 'tong si Paris. Alam mo namang pihikan din 'to sa mga damit," natatawang saad ni Mavy kaya napailing nalang ako. "Well, we're here. Can we order now?" dagdag pa niya.

Tumango naman sila kaya umorder na kami.

Kumain kami habang naguusap tungkol sa mga random things like kung anong balak naming gawin sa darating na pasko, at kung saan namin balak pumunta sa new year. Sa buong dinner, doon lang umiikot ang mga usapan namin. Hanggang sa napunta sa akin ang usapan.

"After you pass your board exam, what will you do next?" Tanong ng papa ni Mavy sa akin.

"Basically, I'll start to work po. I'm looking forward to my first and major projects," sagot ko.

"Thomas, akala ko naman ay magiging parte ng Magus Vista si Paris. Sino ang magmamana ng kompanya mo kung magtatrabaho bilang architect si Paris?" Kaswal na tanong ni Tito Tim, ang papa ni Mavy, kay papa.

Napatingin si Papa sa akin. Ngumiti lamang siya kaya tumugon din ako ng ngiti.

"Napag-usapan na namin ito ng anak ko Tim. She will work as an architect hanggat gusto niya. Pero dadating pa rin ang panahon na siya na ang magpapatakbo sa Magus Vista. And she accepted it wholeheartedly," nakangiting sabi ni Papa.

Tumango naman si Tito Tim bilang tugon.

Magus Vista is our company. Kung ang La Liondale ang first choice ng mga tao sa city namin pagdating sa mga bag, ang Magus Vista naman ang first choice pagdating sa mga sapatos.

It may sound cheesy but my father and mother met each other because of a lost shoe. Yup, just like Cinderella.

'Yun nga lang, ang mama ko ang nagbalik ng sapatos kay Papa. That time, my mother had a crush on my father kaya alam niyang sapatos iyon ni Papa. It's weird that my mother became my father's stalker, pero ro'n nagsimula ang love story nila. Kaya nang maging mag-asawa sila, shoe company ang itinaguyod nila.

"Nga pala Mavy, we set an appointment for you and West next week. Para naman makapag-usap na kayo tungkol sa mga personal na bagay," saad ni Tita Dally.

Napatingin ako sa katabi kong si Mavy. Nakita kong pilit siyang ngumiti at tumango.

I know West. Ever since mga bata palang kami, kilala ko na 'yung West na 'yon.

Para sa kapakanan ng La Liondale, Tito Tim and Tita Dally decided na ipakasal si Mavy kay West sa tamang edad. Simula bata alam na ni Mavy 'yon, pero umaasa siyang magbabago ang isip ng mga magulang niya once na lumaki na siya at magdalaga.

Pero mukhang ipagpipilitan pa rin ng mga magulang niya ang fixed marriage para sa kaniya.

"Good," tugon ni Tita Dally bago bumalik sa pakikipag-k'wentuhan kay Mama tungkol kay Van Gogh at sa mga paintings nito.

I'm really thankful na iba si papa kay Tito Tim. Hindi kasi puro negosyo si Papa. Nakakatawa nga na si papa pa mismo ang nagsabi sa akin na gusto niyang maranasan ko na magka-boyfriend na ako mismo ang pumili. Pero s'yempre ipapakilala ko sa kaniya, para malaman niya kung deserving para sa akin.

Gano'n din si mama. Gusto niyang hayaan ko na ang puso ko ang mamili ng taong para sa akin. Ayaw niyang itulad ako kay Mavy na naiiipit sa sitwasyon at nasasakal.

Ugh.

I love my parents so much.

Kahit na minsan med'yo baliw sila.

Kahit na minsan busy sila sa trabaho.

They still find ways and time to have a quality time with me.

Lumingon ako kay Papa. "Pa, p'wede bang pumunta kami ni Mavy sa National? May titingnan lang akong libro. Baka kasi nakapaglabas na sila ng bagong stock nung hinahanap ko. Papasama lang ako kay Mavy," paalam ko.

"Hanggang anong oras?"

"I think 30 minutes lang naman," then I pouted. Alam kong sa kanilang dalawa ni Mama, he's the one that can't resist my charm. I'm his princess after all.

"Fine. Hintayin namin kayo sa Starbucks," sabi ni Papa kaya humalik ako sa pisngi niya dahil katabi ko siya.

Lumingon naman ako kay Mavy.

"Let's go," bulong ko sa kaniya.

"Saan?"

"Sa National. Samahan mo ako, may hahanapin lang akong libro," I said.

Tumango naman siya. "Ma, Pa, sasamahan ko lang po si Paris sa National," paalam niya.

Agad naman siyang pinayagan kaya in-excuse na namin ang mga sarili namin bago lumabas sa Joseon.

"Ano nanamang balak mo?" Tanong sa akin ni Mavy pagkalabas namin.

"Balak?" Inosente kong tanong.

"Hindi mo ako aayaing umalis do'n kung wala kang balak. Ano nanaman 'to Ris?" Tanong niya sa akin kaya humagikgik ako bago ko sinuksok ang braso ko sa braso niya.

"Ikaw naman. Gusto ko lang talaga magpasama sa'yo sa National dahil hindi ko pa rin nabibili 'yung libro ni Raphael Santos," sagot ko. "Tsaka... Mavy, kaibigan mo ako. Alam ko kung anong nararamdaman mo sa tuwing maririnig mo ang pangalan ni West."

Sumimangot siya at bumuntong-hininga habang naglalakad kami.

"See? Narinig mo lang ang pangalan ni West, naging Hulk nanaman 'yang mukha mo," natatawa kong saad kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Eh kasi naman! Alam mo naman kung gaano ko kaayaw si West."

"G'wapo at hot naman siya ah. Gentleman, tapos matalino. Mabait at masipag. Bakit ba ayaw mo sa kaniya?" Tanong ko.

"Alam ko. Pero kapag naging mag-asawa na kami, for sure hindi pa kami nago-one year, may kabit na siya. G'wapo at hot nga eh! Matalino pa! Ayoko sa lalaking halos perpekto na. Paano ko pa bubuuin ang nawawalang parte sa buhay niya kung buo na siya 'di ba?"

"Ang daming alam," sagot ko pero inirapan niya lang ako.

"And you're right Ris. West is too gentleman. Meaning, gentleman sa akin, gentleman sa'yo, gentleman sa lahat!"

"Ayuuuun. Selosa naman pala," natatawa kong saad kaya sinundot ni Mavy ang tagiliran ko, dahilan para bahagya akong mapaliyad.

Nakarating kami sa National. As expected, maraming tulad ko na namimili ng mga libro. 'Yung iba naman bumibili ng school supplies, at 'yung iba malay ko kung anong trip gawin sa loob ng National.

"Bibili lang ako ng canvas. Babalik ako agad," paalam ni Mavy sa akin kaya tumango ako bago kami naghiwalay.

If I'm into books, Mavy is into canvas. Pareho sila ng mama niya na mahilig magpainting. Well, I love sketching kaya ako nag-archi. Pero ibang level pa rin ang galing ni Mavy sa pagpa-paint.

Pumunta ako sa book stalls.

Sa bawat hilera, may mga nagbabasa.

'Yung ibang books kasi, wala nang seal kaya naging free reading area na rin ang ilang hallways.

Pumunta ako sa fiction area.

Plano ko talagang hanapin ang libro ni Raphael Santos, which happens to be one of my favorite author when it comes to romance and fantasy. Isang anonymous author na minsan lang nagpapakita sa mga book signing niya kaya never ko pa siyang natyempuhan sa mga book fair na pinupuntahan ko.

"Oh my god. I can't believe this!" Saad ko nang makita ko ang libro ni Raphael Santos na 'Falling like the Stars.'

Nag-iisa nalang 'yon at mukhang natabunan ng ilang mga libro kaya walang nakapansin.

Nang hawakan ko 'yon para sana bilhin na, may biglang umagaw nito.

Inis na inis akong lumingon sa lintek na umagaw ng libro sa akin. Mas lalo akong nainis nang makita ko ang takas sa mental hospital na lalaking nambwiset sa akin noong isang araw.

Nakasuot pa rin siya ng pang-ospital at wala siyang pakialam kahit maraming tao na ang nakatingin sa kaniya. Gano'n din siya noon sa 7/11.

Talaga nga kayang baliw siya?

"Ikaw nanaman?!" Asik ko.

Mas lalo akong nanggigil nang ngumisi siya sa akin.

"Well, hi, Cookies and cream."

To be continued...

END OF FIRST GOODBYE.

An : Yes, Raphael Santos from The Way She Look at Me! Hehe. I'm looking forward sa mga comments niyo, so please vote and comment! <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro