13th Goodbye : Maybe After All
THIRTEENTH GOODBYE
Maybe After All
* * * * *
Come inside of my heart
if you're looking for answers.
* * * * *
PARIS' POV,
"IKAW munang bahala rito JM," bilin ni Nova nang madaanan namin 'yung kaninang barista nang maglakad kami papasok sa back door. Tumango naman ang barista bago nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa may counter, samantalang kami naman ay ilang beses pang lumiko hanggang makarating sa likod ng club.
It was a wide space with trucks and cars. Probably sasakyan ng mga nagde-deliver sa club at mga VIP customers.
"What took you so long to get Boo? For sure tampong-tampo na 'yon sa'yo ngayon," tanong ni Nova kay Sedric habang nangunguna sa paglalakad. Kung titingnan, tila runway model si Nova sa suot niya at sa estilo ng paglalakad niya.
Hindi kumibo si Sedric hanggang sa makarating kami sa harap ng isang itim na sasakyan. If I'm not mistaken, it was a dark blue pick up car.
Napatingin naman ako kay Sedric habang nilalapitan niya 'yung sasakyan, hanggang sa tuluyan niya na itong mahawakan.
Kaswal naman na hinagis ni Nova kay Sedric ang susi nito, and it seems like Sedric expected it dahil kaswal niya ring nasalo 'yon kahit mas nakatuon ang atensyon niya sa sasakyan. Metikoloso nitong hinimas at tinitigang mabuti ang sasakyan na tila ba chinecheck kung may nabago ba rito, kung may gasgas o kahit katiting na dumi sa kabuuan nito.
He then lifted my suitcase sa likod ng kotse.
Nang makasiguro na walang mali sa sasakyan, napangiti si Sedric at nag-thumbs up kay Nova bago buksan ang pintuan ng kotse at umupo sa driver's seat.
"You know me, Sedie, I'm a good keeper," proud na sabi ni Nova before gesturing his hands in the air, as if like a theater actor bowing to the audiences at the end of the play.
Sumunod siya kay Sedric at walang pag-aalinlangang pumasok sa tabi ng driver's seat. Nakita ko pa ang nagtatakang tingin ni Sedric na parang tinatanong si Niva kung bakit doon siya umupo. Pero hindi siya pinansin ni Nova at nagpatuloy ang huli sa pag-aayos ng upo niya bago nilagay sa katawan ang seatbelt.
Dumiretso naman ako sa backseat. Right after I made sure that my seatbelt was on and I'm comfortable enough, Sedric started the engine.
Thankfully, the seat's soft enough to comfort my buttocks.
Napatingin si Sedric sa wristwatch na suot niya bago lumingon kay Nova at sa akin. "Daan muna tayo sa drive thru so we can eat something first. Anong gusto niyo?"
"Ikaw."
Nagkatinginan kami ni Nova, bago kami napatingin kay Sedric dahil sabay at pareho kami ng sagot ni Nova. For a moment there was silence.
"I mean—ikaw. Ikaw bahala?" paglilinaw ko bago pekeng umubo. Binawi ko rin ang tingin ko at tinuon ang atensyon sa labas ng bintana.
"I mean it the way I said it," ani naman ni Nova bago mahinang tumawa. "Eme lang, kahit ano. I'm actually full dahil kakatapos ko lang kumain nang dumating kayo. But because it's been a while since the last time we met, you deserve to treat me better than the last time," dagdag niya.
"Gotcha," simple't maigsing sagot ni Sedric bago niya simulang paandarin ang sasakyan.
* * * * *
GAYA ng napag-usapan, dumaan kami sa drive thru sa isang fast food chain kaya habang binabagtas ang kahabaan ng EDSA, kumakain kami.
I found myself glancing at my phone every once in a while. Until Nova started a conversation. I didn't actually pay all my attention to what he's talking about, but when he opened something that I think he shouldn't have, the once again awkward silence became too loud that I had to break it.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko para maiba ang usapan. Tinago ko na lang sa bag ko 'yung cellphone ko, then I looked ahead kay Sedric and Nova.
"I want to try something I've never done before and I may not be able to do again the other time," Sedric casually said. I would've thought his statement was normal but it was blatantly intentional. Nova was talking about him earlier, and he out mindedly shared Sedric's condition, causing an uncomfortable atmosphere between us three. "You both know that I hate this vibe and it's not the vibe that I give off, right?" aniya kaya pareho kaming napalingon sa ibang bagay ni Nova.
And then there was silence again inside the car.
Habang walang nagsasalita sa aming tatlo, tanging ingay mula sa mga nagbubusinahang mga sasakyan at iba pang ingay mula sa labas ng kotse ang naririnig ko. There was also a couple of minutes na ingay lang mula sa dumaang tren ang nangibabaw.
Hanggang sa mag-ring ang cellphone ni Sedric.
His phone was placed in front to guide him with our location kaya nabasa ko sa screen ang pangalan ng tumatawag sa kaniya.
Sedric ignored the call hanggang sa mawala na ito.
"Shouldn't you answer the call?" asked Nova with a hint of concern.
"The reason why it took me so long to get Boo back is because of her. So obviously I wouldn't want to waste even a single minute talking to her while I'm away," sagot ni Sedric. "It defeats the purpose of running away, isn't it?" dagdag pa niya bago mahinang tumawa.
Ilang minuto pa nagsimula nang gumalaw ang mga sasakyan sa unahan namin kaya naka-abante na rin kami. Nanatili kaming tahimik sa loob ng sasakyan pero maya't maya kong nakikita si Nova na tumitingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero tingin ko may gusto siyang sabihin pero ayaw niyang marinig ni Sedric.
The familiar place greeted us as we entered the premises of the Megamall in Manila.
Dumiretso kami sa parking lot pero dahil puno na sa first two floors, nakarating kami sa third floor bago kami makababa sa sasakyan.
The mixed smell of the city air and smoke are the first things that welcomed us nang bumaba kami. Hindi naman mabaho, pero trademark na yata ng Pilipinas na ganito ang amoy ng hangin sa syudad.
Just right around the corner there's an elevator.
Nang makababa na si Sedric at Nova, we walked to the elevator. Nasa likuran kami ni Sedric at nasa unahan naman si Nova na siyang pumindot sa button para sa ground floor.
"Sana hindi mahaba ang pila," I heard Sedric whispering.
Tumaas ang kilay ko bago tumigin sa kaniya. Napatingin din siya sa akin kaya mahina siyang tumawa.
Kasabay nang pagbukas ng pintuan ng elevator at paglapag namin sa ground floor, naglakad si Sedric palabas bago ulit nagsalita. "Mag-iice skating tayo!" he said as if a kid.
Naunang maglakad si Sedric. Excited na excited na naglalakad papasok sa entrance ng mall habang kami naman ni Nova ngayon ang nasa likuran at sabay na naglalakad. Naramdaman ko ang paglapit lalo ni Nova sa akin kaya panandalian akong na-conscious sa kaniya.
"How long have you known each other?" deretsahang tanong sa akin ni Nova kaya saglit akong napatingin sa kaniya bago bumalik ang mga mga ko sa likod ni Sedric.
"Couple of days," sabi ko. I heard his exaggerated gasp.
"Kayo na ba?" sunod niyang tanong kaya agad akong umiling. "Pero ginawa niyo na ba 'yung—"
"No—!"
"Okay, okay. Kalma, just trying to know what's with you two if you're not that close pero bumalik si Sedric sa akin para kuhain ang sasakyan niya. Take note that it has been years since I last saw him, and a lot happened through those years. And when he visits me to get his car back, you're with him—and it's rare to see him with someone else. He's never done that before." His voice was calm yet sounded sophisticated at the same time. "Plus, the suitcase at the back of his car looks like you both ran away from your parents to live a secluded life."
Habang naglalakad kami, hindi niya tinatanggal ang tingin niya kay Sedric.
"He said that you're highschool friends," sabi ko kaya napatango siya.
"Ako lang naman ang pinakamagandang kaklase niya sa loob ng apat na taon sa highschool," aniya kaya tipid akong napangiti. "Back then, the only person who accepted me for who I am was this man walking ahead of us na akala mo teen ager pa rin hanggang ngayon," natatawa niyang saad bago lumingon sa akin.
Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako at napatingin sa kaniya.
"I know it may be weird for you lalo na't kakakilala niyo lang sa isa't isa, but for whatever reason, I think he trusted you this much to let you enter his decaying world." Saglit siyang napakagat sa labi niya bago siya muling maglakad. "He might be in so much pain right now but he's trying his best for his sufferings to remain hidden."
May iba pa siyang kinwento tungkol sa highschool days nila ni Sedric eventhough I didn't asked him to tell me. Aniya, maganda raw na mas makilala ko pa si Sedric para kung sakali na tumagal ang affiliation namin sa isa't isa.
The whole time we're walking, napaisip ako sa mga sinabi ni Nova.
Maybe after all, this kumag wasn't a lunatic.
Seeing how Nova enjoys telling more about Sedric instead of telling stories about himself, maybe Sedric isn't someone to cause harm but someone who is rather vulnerable.
Namalayan ko na lang na nasa top floor na kami. May karamihan ang tao at may pila.
"Ako na kukuha ng tickets to make sure na included ako at hindi lang ako manonood sa inyong dalawa sa labas ng rink," ani Nova bago niyo kuhain kay Sedric ang pambayad.
Nang makapunta siya sa unahan kung nasaan ang counter, naiwan kami ni Sedric na nakapila.
Tahimik kaming naghintay kay Nova habang nakatingin sa mga bata na nag-iice skating sa loob ng rink. Rinig ang tawanan maging ang mga malulutong na pagbagsak ng mga nag-iice skating.
Ilang beses akong napapangiwi sa tuwing naririnig at nakikita ko mismo ang pagbagsak ng mga bata sa sahig.
"Takot ka na niyan?" mapang-asar na sabi ni Sedric.
"I've never tried ice skating before. Kung madulas man ako at matumba sa sahig, that's normal," depensa ko habang nananatiling nakatingin sa rink.
"First time ko rin naman," sagot niya. "Should we count how many times one falls at ang pinakamaraming beses na matumba ang manlilibre for lunch?"
Napalingon ako sa kaniya at napa-iling na lang.
Nang makabalik si Nova sa kung nasaan kami nakapila, ilang minuto pa kaming naghintay bago tuluyang nakapasok sa rink.
* * * * *
SAMPUNG beses o higit pa—ganiyan karaming beses tumuba si Sedric sa sahig sa loob ng twenty minutes namin sa loob ng rink.
Ilang beses din namin siyang tinulungan ni Nova na tumayo, pero ilang beses din niya kami muntik na naipahamak kasama niya dahil hindi niya alam kung paano babalansihen ang sarili. Sa loob ng twenty minutes hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kaniya o matatawa—but I did the latter still.
"Teka lang, teka lang—"
Nova and I continuously laughed while bringing Sedric to the center of the rink. Iniwan din namin siya ro'n at pinaikutan siya.
I slipped a couple of times kaya tuwang-tuwa rin ang kumag.
On the other hand, Nova seems like a professional while skating. Ilang beses niyang naikot ang buong rink. He even had a small talk with some of the boys that are also skating alone inside the rink kaya natatawa akong pinagmamasdan ang mukha niya at ng mga lalaking nakaka-usap niya. He then will end the conversation with a gesture of 'call me' bago siya babalik sa amin ni Sedric.
"Paano ba 'yan, ikaw may sagot ng lunch?" sabi ko kay Sedric na sinusubukang maglakad.
"What? You didn't even agree in that deal—"
"Coming through!"
Natawa kaming pareho ni Nova nang mabangga niya si Sedric ng polar bear skate aid. This time, hindi natumba si Sedric dahil nakahawak agad siya sa polar bear.
Nang maka-isang oras, sinikap kong makapunta sa entrance papasok ng rink para saglit na magpahinga. Dali-dali akong umupo sa pinakamalapit na bench at ipinahinga ang paa ko. Hindi ko alam kung dahil ba masikip 'yung pagkakatali ko sa sapatos o dahil first time ko mag-ice skating kaya may ngalay at kirot sa bandang ankle ko sa parehong mga paa.
Meanwhile, I found Sedric riding the polar bear while Nova's pushing it.
Natawa ako lalo nang bumwelo si Nova at malakas na tinulak ang polar bear papalayo. Walang kamalay-malay si Sedric kaya bumubulusok siyang napadpad sa dulo ng rink.
Lumingon sa akin si Nova at sabay kaming napa-thumbs up kakatawa.
END OF THIRTEENTH GOODBYE.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro