Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

Kabanata 2

Iniwas ko ang aking tingin at lumapit sa kinaroroonan nila France at Dani. Sa gilid ng aking mata ay nakatayo parin duon si Austin habang nasa ere ang kamay. Narinig ko ang ilang pag tawa ni Rhys at iling iling siyang tumingin sa akin.

"Attitude." Taas kilay na bulong sa akin ni Rhys.

"Shut up." I mouthed him.

Kinuha ko ang iilang poster ni Dani at France at binigay kay Rhys. Hindi naman siya nakaangal at agad na pinirmahan iyon. Medyo nawawalan ako ng gana dahil wala si Oliver. Siya lang naman ang pinupuntahan ko tuwing rehearsal. Tumingin ako sa gawi ni Kuya at nakita kong kausap nito ang lalaking kinamumuhian ko.

Biglang sumulyap sa aking gawi si Austin kaya agad kong binawi ang tingin ko.

"Kukuha lang ako ng makakain sa kusina."
Pagpapaalam ko sa kanila.

Mukhang di nila ako napansin dahil sa patuloy na pag stoloen picts nila sa mga lalake gamit ang dlsr ni Dani.

Dumeretso ako sa kusina at tanging si Manang lang ang naabutan ko. Tinabihan ko siya upang panuorin ang kanyang niluluto.

"Ang bango po!" Tanong ko.

"Oh dumating kana pala. Osiya kumain ka muna hanggang mainit pa yung sabaw.."

Nagsalin si manang ng sinigang sa isang mangkok at agad na ipinatikim sa akin. Tumingin sa akin si manang upang tanungin kung okay lang kaya agad akong tumango at nag thumbs up.

"Ansarap manang pede kana ulit mag asawa!" Biro ko.

Kinurot nya ang aking tagiliran kaya mas lalo akong napatawa.

"Kulit mo talagang bata ka. Osha, tawagin mona sila at kumain na kayo dito.."

"Ako nalang po ang mag hahatid sa itaas, manang. Busy papo sila e"

Umiling siya. "Gutom kana ata. Sige na ako na. Kumain ka muna dyan.."

Hindi na ako nakaangal kay manang dahil kumuha na ito ng tray at nagpatulong sa iba pang kasambahay. Naiwan ako magisa sa kusina at makaramdam ako ng gutom kaya dali dali akong kumuha ng pinggan at baso upang kumain mag isa. Gusto korin munang mapagisa dahil masyadong maingay at naaasiwa ako sa taas. Tinabig ko ang aking mahabang buhok at kumuha ng panali.

Habang tahimik akong kumakain ay naririnig ko ang malakas na tugtog sa itaas.

Bata pa lamang ako ay buo na ang The Trivalz. Simula pagkabata ay gustong gusto na ni kuya magkaroon ng sariling Banda at tumugtog sa harap ng maraming tao. Naging successful sila lalo na sa school at naging sikat. Hindi lang sila magkakabanda kundi magkakapatid rin. Long time crush kona si Oliver pero di expected na aalis rin siya at hindi iyon madali.

Mas lalong naging usap usapan pa ng dumating ang bagong kapalit ni Oliver.

Lahat sila ay pangarap ng maging singer simula pagkabata kaya ngayon ay masaya sila sa kanilang ginagawa. I think dapat pinupush rin nila ang pag audition sa mga recording studios para sa career nila.

Matapos kong kumain ay agad akong tumayo para hugasan ang aking pinagkainan pero bago ko payon magawa ay tumaas ang tingin ko sa imahe ng isang lalake na nakasandal sa ref at umiinom ng tubig.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat kong sabi.

"Obvious naman diba? Umiinom ng tubig." Pabalang nyang sabi.

Niyukom ko ang aking kamao at mabilisang tumayo upang hatapin siya.

"This is my house kaya wag mo kong aattitudan sa bahay ko."

Kumunot ang nuo niya habang tumingin sa akin. He's serious and calm at the same time pero sa paningin nya ay parang naguguluhan siya sa akin. Sa malapitan ay kitang kita mo ang pagkakagawa sa mukha niya.

Hanggang dibdib nya lang ako kaya hindi ko maiwasang tumingala habang kinakausap ko siya.

He chuckled. "What do you mean?"

"Shut up! Alam ko ang ginagawa mo! I hate you! Leave the group at bumalik ka sa pinangalingan mo! Sisirain molang lahat!"

Hindi kona napigilan ang aking sarili sa pagq sabog. Medyo nagulat siya sa aking inasta na kahit ako rin ay nagulat. Tumikhim ako nilikot ang mata.

Nagulat ako ng bigla siyang malakas na tumawa at halos mamula na. Mas Lalo akong pinangunahan ng inis dahil dito. Ilang sandali lang ay dahan dahan siyang tumigil at tinignan ako.

"Tama nga sila.." he whispered.

Humakbang ito palapit sa akin kaya agad akong napaatras. Unti unting nawala ang ngiti sa kanyang labi at napalitan ng nakakapangilabot na ngisi. Nang maramdaman kona ang lamig ng pader ay agad akong kinabahan.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya.

"You're cute.."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro