CHAPTER 5
Chapter Five
Our Little Secret
Our interactions saved us form being strangers again. Kuya Raegunn felt that he needed to stay close so that our friendship will not end. Kahit nga abala ito sa pag-aaral ay wala itong palya kung bumisita sa bahay dalawang beses sa isang linggo. I am happy about it. Gano'n rin si Kuya kahit na talagang iba na ang trip nila ngayon sa buhay.
"Are you going out tonight?" I asked when my brother was gone again. Kausap ang mga kaibigan niya sa telepono.
Marahang umiling si Kuya Raegunn. "Your brother is busy and I have to run some errands later kaya maaga rin akong uuwi ngayon."
"Errands again?" I asked.
Iyon na lang kasi palagi ang dahilan niya at hindi naman naipapaliwanag kung ano. Not that he needed to explain that to me, but it made me curious.
Tumango lang siya.
"You said we're going to Subic this weekend, tuloy ba 'yon?"
I heard him cursed under his breath. Napatuwid siya ng upo, nakuha ko na kaagad na pati iyon ay hindi matutuloy.
"It's okay," I said before he could say no. "Baka maging busy rin kami ni Gemini kaya okay lang kung hindi na matuloy."
"Where are you going?"
Nagkibit ako ng balikat. "I don't know yet. Maybe to a spa or somewhere more exciting than that."
"Somewhere exciting, huh?"
I nodded and smiled at him. "Magpapaalam naman ako tsaka kahit sumama si Kuya Cash pwede naman but I doubt that he'll come with us. Gaya mo, sobrang busy rin 'yon."
"Where are you two going?" pag-uulit niya ulit, tila hindi narinig ang mga sinabi ko.
"Hindi ko pa nga alam kuya–"
"I'll go with you." He cut me off. Muntik ko ng maibuga ang ininom kong juice.
"W-what?"
"You know what? why don't you come with me on Saturday?"
"Where?"
May pag-aalinlangan sa kanyang mga salita pero dahil mukhang tutol siya sa pag-alis ko kasama si Gemini sa lugar na hindi ko pa alam ay mas naging determinado siya sa sasabihin.
"To the place where I do my errands..."
I wanted to ask more about it, but my heart told me to stop. Baka kasi kapag nagtanong pa ako ay agad niyang bawiin.
Iyon ang naging topic namin ni Gemini nang magkita kinabukasan. Wala naman talaga kaming plano sa Sabado at sinabi ko lang 'yon para hindi mapahiya sa muling pag-atras niya sa mga out of town kaya safe pa rin kay Gemini kung sasama nga ako sa kanya.
"Naku, Thyla iba na talaga 'yan!"
"Shut up. Masyado na namang madumi ang utak mo."
"Ako pa ang madumi?! Ikaw ang malinis! You don't see the signs! Iba na ang nakikita kong effort sa 'yo ni Kuya Raegunn! Mukhang hindi na rin para kay Kuya Cashton ang mga pagpunta niya sa inyo kung hindi sa 'yo!"
"Sira! They're best friends. Of course mainly para sa kapatid ko 'yon at hindi lang sa 'kin."
"Then why he didn't invite Kuya Cash on that errand thing? Kung saan man 'yan?"
Pasimple akong napalunok sa naisip. "My brother is busy."
"Sus! Did he even asked Kuya Cash to join you two?"
Natigil ako sa pagtitipa ng kung ano sa aking laptop. I have not realized that until now. Oo busy nga ang kapatid ko pero hindi niya iyon binanggit. As if like the getaway was only for the both of us.
Ipinilig ko ang aking ulo bago pa pasukan ng kung anong masamang hangin ang aking utak. Nagpatuloy ang mga pangdedemonyo sa akin ni Gemini kaya kahit pag-uwi ay iyon ang nasa isip ko. I didn't really want to make a big deal about it, but I've come to realized that maybe it really was something more especially when he texted me that night.
Kuya Raegunn:
Are you ready tomorrow?
Ako:
Yes. Hindi mo pa rin sasabihin kung saan tayo pupunta bukas Kuya?
Kuya Raegunn:
It's a surprise. Have you told anyone about it?
Ako:
No one.
I lied. And of course, imposible ring hindi ko sasabihin kay Gemini kung ano ang mangyayari sa lakad namin bukas.
Kuya Raegunn:
Ipagpapaalam kita.
Ako:
There's no need for that. Nakapagpaalam na ako kanina.
Kuya Raegunn:
Alam ba ni Cash?
Ako:
Does he need to know?
Kuya Raegunn:
It's up to you, but you can't tell anyone about what will going to happen tomorrow.
Napalunok ako nang mabasa iyon. My eyes flicked twice when I read another text.
Kuya Raegunn:
It's going to be our little secret. You have to promise me, Thyla.
Pakiramdam ko ay natuyuan ako ng laway sa lalamunan dahil sa nabasa. Kahit na kabado sa kung anong mangyayari bukas ay um-oo na lang ako sa mga sinabi niya.
My conversation with Gemini and Kuya Raegunn didn't made me sleep properly. Maaga akong nagising at hindi napakali kung ano ang susuotin sa aming pag-alis. Mas lalo akong binalot ng kaba nang katukin na ako ng aming kasambahay at sabihing nasa ibaba na si Kuya Raegunn.
"Relax Thyla! It's just Kuya Raegunn! Walang mangyayaring masama sa 'yo..." I said on my reflection while gently slapping my face.
Shit... why would I even think about that? Kailan ko pa naisipan ng masama ang lalaking 'yon? Why would it even cross my mind?
Inayos ko ang sarili. Kahit na naitago ko naman ang kaba sa aking buong pagkatao ay nagpapasalamat naman akong hindi ako nahimatay nang magkita kami. Wala akong ginawa kung hindi ang kwestiyunin ang sarili ko habang nasa kanyang sasakyan at patungo sa kung saan. I never really felt nervous whenever I am with him pero ngayon ay iba ang kaba ko.
"How's your sleep? Nakatulog ka ba ng maayos?" pormal niyang tanong habang nagmamaneho.
Ngumiti ako at tumango. "Hindi masyado."
"Why is that?" kunot noo niya akong sinulyapan.
I was out of words for a second. Ano nga bang dapat kong isagot doon?
"S-si Gemini kasi pinuyat ako!"
"Oh... gabi-gabi ka bang puyat? You know you have to sleep at least eight hours a day right?"
"Right. Kagabi lang naman 'yon kuya."
He nodded. "Gaano kaimportante ang mga pinag-uusapan n'yo at napuyat ka?"
"About life?"
Natawa siya sa patanong kong sagot. "That's good. Huwag lang tungkol sa boys."
"Bakit naman kami mag-uusap tungkol sa boys?" kabado pa akong natawa sa tanong na 'yon.
I remember Gemini said something about Kuya Raegunn having feelings for me. Hindi naman daw kasi ito magiging ganito kaprotektado sa akin kung hindi na higit sa kapatid ang turing sa akin. I don't want to believe her. I mean this is Kuya Raegunn. I've basically known him my whole life so it was impossible... pero bakit minsan ay naiisip ko rin 'yon? Paano nga kung totoo ang mga sinasabi at haka-haka ni Gemini?
The car finally stopped at a big decent house far away from the highway. Mahabang daan ang binaybay namin patungo sa lugar na ito. The landscape was just astonishing and the place was quiet. Parang ibang mundo dahil malayo iyon sa ingay at gulo ng siyudad. Bukod sa natatanaw kong mga bundok sa likuran ng bahay ay hindi ko rin naiwasang mamangha dahil kahit na mukhang luma na ang iyon dahil sa disenyong yari sa mga malalaking lumber logs ay kitang-kitang alaga dahil buhay na buhay ang mga bulaklak sa harapan ng bahay.
"Sa inyo ito?" namamangha kong tanong nang pagbuksan niya ako ng pinto.
Marahan siyang umiling. "Let's just get inside."
Inilagay ko ang aking kamay sa kanya at nagpagiya na sa loob.
Kung ano ang pagkamangha ko sa labas ay mas lalo sa loob dahil bukod sa malinis, the ambience was just too welcoming. Walang tanong akong sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa basement pero bago pa kami makapasok doon ay nagtumalon na ang aking puso nang harapin niya ako.
With those dark eyes looking intently at me, parang ginagalugad ng utak ko ang lahat ng mga sinabi sa akin ni Gemini! Trumiple ang kalampag ng aking puso nang hawakan ni Kuya Raegunn ang aking kamay.
"Promise me you'll not tell a soul about my playroom, Thyla..."
"Kuya Rae–"
"Just promise me." he cut me off.
Ang kanyang hinlalaki ay humahaplos na sa likuran ng aking nanlalamig na palad. I didn't know what to do and how to react to that. Para akong mamamatay sa kaba pero hindi ko magawang hindian iyon. There was something in his eyes that wanted me to willingly give everything that he wanted.
"My parents will kill me if they knew about this so please let's keep it a secret. Ipangako mo sa 'kin."
Kahit na para akong naliligo sa invisible pawis lalo na sa binanggit niyang playroom ay nanatili akong kalmado sa panlabas.
I hate how Gemini feed my mind with such dirty thoughts! I was never into reading sexy romance novels pero ang kaibigan kong iyon ay nabasa na yata lahat ng libro tungkol doon. Her favorite was fifty shades of grey at iyon ang dahilan kung bakit nagwawala ang buo kong pagkatao ngayon!
Yes, I am still a virgin and I had a little knowledge about how sex works but I don't think I am ready for it! Lalo na kung kay Kuya Raegunn!
Oh my God!
"Thyla?"
Wala sa sarili akong tumango-tango kaagad sa kabila ng pag-aalburoto ng utak ko! Pinisil niya ang aking kamay at saka ngumiti.
Sa pagbitiw niya sa akin ay para akong malalaglag sa sahig! Kung hindi pa ako nakakapit sa dingding ay baka talaga nahulog na ako!
Ang kaba sa aking puso ay unti-unting napawi nang makapasok na sa silid. It was definitely not something I imagined! Thank God!
Napalitan ang pagiging aligaga ko nang pagkalito lalo na nang mahagip ng aking mga mata ang iba't ibang klase ng instrumento sa loob ng basement.
Inayos niya ang isang upuan para ibigay sa akin. Sa aking pag-upo ay doon ko lang lubos naisip na music room ito at malayong-malayo sa playroom na nasa utak ko.
There were different kinds of guitars and classic albums hanging on the wall. May drum set sa kabilang gilid, may piano, may mga electric guitars and microphones at ang kalahati naman ng silid sa likod ng salaming dingding ay naroon ang mga computer at ilan pang kagamitan. It was a music room and a recording studio.
Napalunok ako nang maupo si Kuya Raegunn sa upuang nakaharap sa aking pwesto. Sa gitna kung saan naroon rin ang mikropono.
I couldn't help myself but to check him out. Nakaangat ang isa niyang paa sa patungan sa ilalim ng upuan. Kahit nakaupo ay halatang matangkad ito. I am also tall pero kapag katabi ko siya ay hanggang balikat lang ako. He was six foot three inches or taller. He has a muscular body, too, palibhasa ay alaga sa exercise. His broad shoulders and hard biceps were visible under his white polo shirt without even flexing it. Kung gugustohin niya nga lang ay magiging sikat siyang model isang project pa lang dahil bukod sa katawan ay talagang pinaglaanan rin ng Diyos ang paghulma sa kanyang mukha.
Umangat ang mga mata ko patungo doon. He has dark eyes like his hair and thick but clean eyebrows. Mahahaba rin ang kanyang pilik, matangos ang ilong, but my favorite part of his face was his lips. He has a very sexy but comforting smile. Katamtaman lang iyon at mapupula rin. I never saw him touched a cigarette kaya siguro hindi iyon maitim gano'n na rin ang perpekto niyang mapuputing mga ngipin. Walang effort ang kanyang pagiging magandang lalaki. Many girls would always look twice, even thrice when they see him on the street.
Kung sabagay, pinagkakaguluhang mga artista ang kanyang mga magulang at natural ang ganda ng mga ito kaya kanino pa ba siya magmamana?
"What do you think?" marahas akong napabalik sa kasalukuyan sa kanyang pagsasalita.
Wala sa sarili kong pinasadahang muli ang kabuuan ng lugar. "I'm confused."
Natawa siya. "This is where I spent most of my hours, Thyla."
"What do you mean?"
He shook his head. Umalis siya sa pagkakaupo para kunin ang isang electric guitar sa gilid. He set it up and tuned it. Napalunok ako dahil ito ang unang beses kong nakita siyang humawak ng gitara at sa kanyang ginagawang pagtono rito ay mukhang bihasa siya doon. I have no idea that he plays guitar.
My heart skipped a beat when he started flicking his fingers on the the strings after turning the speaker where it was connected, producing a familiar tune of sweet child of mine. It was my family's favorite song!
Kinilabutan ako lalo nang sulyapan niya ako habang patuloy na kinakalabit ang hawak na gitara! And damn hindi nga ako nagkamali! He knew how to play it and he was so good at it!
My throat went dry when his eyes went back on the electric guitar and bit his lower lip as the first stanza approaches. He was smiling when he glanced back at me. Napangiti na rin ako at sa pagbuka ng kanyang mga labi ay nakangiting sinabayan ko siya sa pagkanta.
"He's got a smile that it seems to me reminds me of childhood memories where everything was as fresh as the bright blue sky."
He smirked and lick his bottom lip to stop himself from smiling from ear to ear, making my cheeks finally blushed. Mas lalong nagwala ang puso ko.
I stopped singing and started questioning myself, "Tama nga ba si Gemini na gusto ako ni Kuya Raegunn at higit na sa kapatid ang turing sa akin? o ako ang mauunang magkagusto rito?"
~~~~~~~~~~
Full version of this story is only available on Patreon and VIP group. Message our fb page Ceng Crdva to read all other stories and for full details.
(Gcash is accepted)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro