Epilogue
Evening
Ramdam ko ang pagod at hingal habang nakatingin sa may bukana ng palengke. Kakatapos lang namin sa pagbubuhat, idagdag mo pa ang init ng paligid dahil sa katanghaliang tapat.
Panay ang punas ko ng tumutulong pawis sa aking noo pababa. Gamit ang extrang tshirt na ginagawa kong pamunas.
"Kanina pa 'yon umalis. Pabalik na 'yon ngayon..." sabi pa ni Ruth sa akin.
May kaunting tampuhan kami ngayon ni Vesper. Sa totoo nga lang ay hindi ko din malaman ang puno, basta't bigla na lamang nagkaroon ng agwat sa aming dalawa nang mapagtalunan namin ang tungkol sa pagpapatingin ko.
Mahirap ang buhay, alam ko 'yon. Gusto kong intindihin ngunit gusto ko ding matapos na ang kalbaryong araw-araw kong kinakaharap. Pakiramdam ko ay hindi ko lubos na kilala ang sarili ko, pakiramdam ko ay kailangan ko ng tulong para maka-alala ako.
"Ayan na pala ang asawa mo," sabi nina Ruth.
Tsaka lang ako bumalik sa wisyo. Nang tingnan ko ang bukana ng palengke ay kaagad kong nakita ang paglakad niya palapit sa akin. Nanatili ang tingin ko sa kanya, pero ramdam kong hindi niya kayang tumitig sa akin, na para bang sa tuwing susubukan niya ay hindi niya kinakaya.
Guilty? Guilty saan?
Pero ang lahat ng tanong, nawala ng tuluyan siyang makalapit sa akin. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanyang presencya.
"Saan ka nanggaling?" marahang tanong ko.
Marahan sa paraang gusto kong iparamdam kay Vesper na hindi ko papayagan ang hindi namin pagkaka-intindihan na mas lalo pang lumala. Na hindi niya kailangang isipin 'yon dahil mas pa don ang pagmamahal namin sa isa't-isa.
Na kagaya ng ibang problema na hinarap namin...lilipas din ito.
Pero hindi 'yon lumipas. Mas lumala pa. Sa hindi ko malamang dahilan ay unti-unting may nagbago...nagbabago na ang lahat.
"Gusto mo bag sumama sa akin sa linggo? Nakilala ko yung anak ni Tay Vinci..si Vera," kwento ko sa kanya.
Kagaya kay Tay Vinci ay naging magaan din ang pakiramdam ko nang makilala ko si Vera. May kung ano kay Vera na para bang nagpapalapit sa akin sa mga bagay na gustong kong malaman.
At sa kung paano niya ako kausapin, sa kung paano niya ako pakitunguhan...pakiramdam ko ay marami akong malalaman tungkol sa aking pagkatao.
"May asawa ka na? Ako dapat 'yon e..." sabi ni Vera sa akin na ikinagulat ko. Nung una ay sinubukan kong iwasan siya, pero dahil nga magaan ang pakiramdam ko sa kanya ay hindi ko na din na-iwasan pa.
Wala akong gusto kay Vera, maganda siya...kahit sino ay magkakagusto, pero may asawa na ako at si Vesper 'yon. Kaya naman hindi ko ma-intindihan kung saan siya nanggagaling ngayon.
"Ayokong pumunta doon. At hindi ka din babalik do'n," pinal na sabi niya sa akin na ikinagulat ko.
Sinabi niya 'yon nang hindi man lang ako tinitingnan. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng inis.
"Vesper," tawag ko sa kanya. Hindi ko napigilan ang tunay ng tono ng boses ko. Hindi ko na nagawa pang maging marahan 'yon.
Kagaya kanina ay hindi pa din siya makatingin sa akin. Dahilan para mas lalo akong ma-inis.
"Hindi ka na babalik do'n, August," sabi pa niya sa akin.
Halos mawalan na ako ng pasensya. Pero pinakalma ko ang sarili ko. Intindihin mo na lang August. Ikaw na ang umintindi.
"Can't believe you," sambit ko na lang at sandaling lumayo para bigyan ang sarili kong maging mahinahon.
Hindi kagaya nung una ay nakatiis akong hindi kami magpansinan. Nang mga oras na 'yon ay alam ko na kaagad na pride ang umiiral sa pagkatao ko. Na para bang ang pagmamahal ko kay Vesper ay natatabunan na ng kung anong hindi pamilyar na pakiramdam.
Galit.
"Mamili ka..." pag-uumpisa niya. Pag-uumpisa nanaman niya.
Hindi ko na alam kung saan siya nanggagaling, o kung bakit din kaunting galaw niya ay iba na din ang nararamdaman ko. Nagduda na ako sa kanya, nagdududa na ako sa aking asawa.
Sinabi niya 'yon kahit ramdam kong takot din siya. Kita ko naman 'yon sa mukha niya, ramdam ko naman 'yon sa boses niya. Kaya naman hindi ko ma-isip kung paano siya humantong sa ganitong tanong, maybe she had enough.
"Hindi tayo pupunta diyan," banta ko sa kanya.
Kahit ang totoo, hindi ko din masagot ang sarili ko. May dapat nga bang katakutan si Vesper? Dapat nga ba siyang matakot sa kung anong pipiliin ko, pipili ba talaga ako? Kailangan ba 'yon?
Nakaramdam ako ng habag nang makita ko kung paano tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
Asawa ko siya, mahal ko siya...pero sa panahon na 'to, sa panahon kung kailan maging sa pagkatao ko ay hindi din ako sigurado...hindi ko alam.
"Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan," umiiyak na puna niya sa akin.
Hindi kaagad ako naka-imik. Nanatili ang tingin ko sa kanya. Baka kailangan ko ding aminin sa kanya ang totoo. Baka kailangan niyang malaman kung ano talaga ang nararamdaman ko, baka ma-aayos naman 'to nang pag-uusap.
"Sinasakal mo ako."
Napasinghap siya dahil sa pagsagot ko. Mas lalong dumoble ang sakit sa mukha niya. Itinanong niya sa akin kung saang parte, pero hindi ko din masagot. Hindi ko alam kung matatanggap niya ang kung anong sagot na nasa isip ko.
Sa lahat, Vesper. Nasasakal na ako sa lahat.
Mas lalo akong napalayo kay Vesper nang magkaroon ng hindi inaasahang pang-yayari. Doon ay nakilala ko ng tuluyan si Julio. Nagpakilala siyang kapatid ko na hindi ko naman pinaniwalaan noong una.
Pero kahit anong tanggi ang ginawa ko sa kanya ay ako naman itong hindi na magawang lumayo pa. Para bang may kung ano kay Julio na magpapakumpleto sa pagkatao ko, makakasagot sa mga tanong ko.
Pakiramdam ko ay naging buo ulit ako nang makilala ko si Julio, kaya naman nang minsang maka-uwi ako ay sinubukan kong makipagbati sa asawa ko. Inaya ko siyang sumama sa hospital, gusto ko siyang pormal na ipakilala sa kanila. Pero mukhang hindi nga talaga mangyayari ay gusto ko.
Dahil muling nagkagulo nang makita siya nina Julio at Vera. Nalaman ko mula sa kanilang dalawa ang katotohanang hindi ko alam kung matatanggap ko.
"Matagal mo nang alam na buhay si Kuya August?" galit na tanong ni Julio sa kanya.
Nagalit pa ako nung una, hanggang sa unti-unti kong na-realize ang lahat. Na may pinanghuhugutan naman pala talaga ang galit ko sa kanya. Ang tampo at kung bakit kaya kong tiisin siya.
"Ang nagpakasal pa kayo? Walang maalala si August. You took advantage of him," si Vera naman.
Dahil sa kaguluhan, sa dami ng mga salitang pumapasok at lumalabas sa tenga ko ay naramdaman ko ang pagsakit ng aking ulo dahilan para dalhin ako ni Julio sa Doctor.
Hanggang sa tuluyang lumayo ang loob ko sa aking asawa. Nawala ang lahat ng nararamdaman ko para kay Vesper. Inaamin kong nagawa ko siyang bitawan ng walang kahirap hirap.
Wala akong naramdamang guilt, awa, o pag-aalala. Nang mga panahong 'yon ay wala akong ibang na-isip kundi ang gusto kong malaman ang lahat sa akin. Gusto kong makilala kung sino talaga ako.
Isang araw nagising na lang ako sa lahat, parang tubig sa talon nang umagos ang lahat ng ala-ala pabalik sa akin. Ako si Don August Torrellano Escuel, ang panganay na anak nina Alexandra at David Escuel, nakakatandang kapatid ni Julio Alexandron Escuel, at apo ni Joaquin Escuel.
Ako ang nakatakdang magmana ng oil business ng aming pamilya. Matagal kong pinangarap 'yon. Bata pa lamang ay nakikita ko na ang sarili ko na kagaya ni Lolo, namamahala ng isang malaking companya. Kaya naman kahit noon ay nagsumikap na talaga akong malaman ang lahat tungkol sa negosyo.
"Maraming taon ang nasayang..." nanghihinayang na sabi ko kay Julio.
Kahit kasama ko na sila sa bahay ay may mga pagkakataon pa din na gusto kong mapag-isa. Masyadong malalim ang inisiip, sa dami ng bumalik na ala-ala ay hindi ko na alam kung alin sa mga 'yon ang uunahin ko.
Kung minsan ay nakatingala ako sa langit tuwing gabi. Matagal ng nangyari ang aksiedente kung saan nasawi ang mga magulang namin, pero heto't ngayon pa lang ako nagluluksa. Para bang nahuli ako sa lahat, hindi ako updated. Napag-iwanan ng panahon.
"Kasalanan ng babaeng 'yon. Siya at ng pamilya niya...ang mga Montero na din. Wala sa katinuan ang kapatid mo," galit na asik ni Lolo sa akin nang minsang dalhin ako ni Julio sa Manila para makita siya.
Nakita ko kung paano nagluha ang mga mata ni Lolo dahil sa muli naming pagkikita. Hindi din naman kasi lingid sa lahat na ako ang paborito niyang apo. Palibhasa ay una palang wala ng interest si Julio sa negosyo. Iba ang gusto niyang gawin kaya naman kaagad na nadismaya si Lolo sa aking nakababatang kapatid.
Simula ng magkita ulit kami ay wala akong ibang nasabi kundi proud ako sa kanya bilang Kuya niya. Alam kong hindi naging madali ang buhay ng kapatid ko dahil sa pag-aakala niyang nawala kaming lahat sa kanya.
At kung nasaan man siya ngayon, kung ano man ang narating niya...deserved niya ang lahat ng 'yon. At alam kong proud na proud din ang mga magulang namin sa kanya. At babawi ako para maging ganoon din sila sa akin.
"Pinakasalan ka para sa pera. Akala siguro ng babaeng 'yon ay dahil pinakasalan mo ay makaka-ahon siya sa hirap. Doon siya nababagay...sa putikan," galit na asik ni Lolo.
Mula sa kanyang mukha ay bumaba ang tingin ko sa nanginginig niyang kamay habang nakahawak sa baso ng alak. Ramdam ko ang labis na galit habang nakatingin siya sa malayo.
"Ang mahalaga ay hiwalay na kami," sabi ko pa.
Marahan siyang umiling. "Papirmahin ang babaeng 'yon. Wala siyang makukuha mula sa atin kahit isang kusing...ang kapal ng mukha niya," pagpapatuloy pa ni Lolo.
Hindi natapos tapos ang aming problema. Dahil sa inggit at habol ng mga sakim na tao sa kung anong mayroon kami ay muling nagkaroon ng kaguluhan dahilan para muli akong mabalik sa hospital at muling nanganib ang buhay ng aking kapatid.
Dahil sa paulit-ulit na gulo at kapahamakan ay wala ng ibang pang naghari sa buong pagkatao ko kundi galit para sa mga taong ganid, mga taong gustong magnakaw, makalamang, at manloko.
"Kung nagawa mo akong patawarin...bakit hindi mo 'yon magawa para sa asawa mo?" tanong ni Tay Vinci sa akin.
Pareho kaming nasa may veranda. Tahimik akong nakatingin sa malayo habang hawak ko ang baso na may lamang alak.
Hindi kaagad ako nakasagot, hindi ko din makuha ang sagot sa tanong ni Tay Vinci sa akin.
"Hindi ko alam, Tay Vinci..." sagot ko kalaunan.
Marahil ay dahil si Vesper ang kaisa-isang taong hindi ko inaasahan na lolokohin ako. Ibinigay ko sa kanya ang buong tiwala at pagmamahala ko, hindi ko matanggap na ito ang igaganti niya sa akin...ang lokohin ako.
Ilang beses ko siyang tinanong. Ilang beses ko siyang binigyan ng pagkakataon, pero sa lahat ng 'yon...mas pinili niya ang magsinungaling sa akin.
Mas pinili niya na itago sa akin ang lahat. Mapapatawad ko pa sana siya kung siya mismo ang umamin, pero hinayaan niyang mabalot ako ng galit. Hinayaan niyang mamuo ang takot sa buong pagkatao ko kaya naman wala na akong lakas para magtiwala pa sa kahit na sino.
"Mahal na mahal ka ni Vesper...mag-usap kayo, August."
Hindi ko kaya...hindi ko pa kayang kausapin siya. Masyado na akong kinain ng pride, nang takot.
"You should give her a chance. Siya na lang mag-isa...and she's your wife. Kawawa siya kung iiwan mong mag-isa...have mercy naman, August," mahabang pagpapa-intindi sa akin ni Vera.
"Masyadong inaabuso pag paulit-ulit mong binibigyan ng chance ang isang tao. Gagamitin ka, lolokohin ka...ano pa?"
"But she's not just ibang tao. She's your wife..." giit niya sa akin. Ramdam ko na ang inis sa boses niya.
"Ni hindi ko nga siya kilala ng lubos. Bakit ulit ako magtitiwala? Niloko na niya ako noon...lolokohin niya ulit ako," laban ko.
Sinong hindi takot sumugal kung minsan ka ng niloko? Sinong hindi matatakot magtiwala muli? Mahirap ibalik ang nasirang tiwala.
"Awa. Awa na lang ang nararamdaman ko para sa 'yo." sabi ko kay Vesper nang minsang makapag-usap ulit kami.
Pero kahit sarili ko muna ang pipiliin ko ngayon, hindi ko pa din naman kayang iwanan siya na walang wala.
"Sapat na ba ang halaga na 'yan para makapagsimula siyang muli?" tanong ko kay Attorney.
Mula sa akin ay napatingin din siya sa hawak na tseke na ako ang nagbigay sa kanya.
"Sobra sobra pa ito," sagot niya sa akin.
Walang kaso sa akin. Ang mahalaga ay hindi ko siya iiwang walang wala. Hindi siya maghihirap sa buhay, pwede niyang gawin ang kahit ano sa pera na iniwan ko para sa kanya.
"You are the future of our business, August. Maraming umaasa sa 'yo...and I know that you won't fail me. Make me, and your parents proud...you are born for this. Ipaglaban mo yung bagay na matagal ninakaw sa 'yo..." pagpapa-intindi sa akin ni Lolo.
Bukas ang schedule ng flight ko papunta sa America. Doon ko napiling mag-aral. Marami akong kailangang habulin, marami akong kailangang matutunan.
"You sure? Wala na talagang makakapigil?" tanong ni Vera sa akin.
Ngisi lang ang isinagot ko sa kanya habang abala ako sa pageempake. Dahil hindi naging maayos ang sagot ko sa kanya ay nainis siya at kaagad na nag-walk out. Kakalabas pa lang ni Vera nang sumunod namang pumasok si Jolina. Kagaya nito ay mukhang alam ko na kung anong pakay niya sa akin.
"Paano si Vesper?" tanong kaagad niya sa akin.
Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay. Para pagaanin ang sitwasyon ay nginisian ko siya.
"Hindi ba't gusto mo siya?" pang-aasar ko pa. Kahit ang totoo hindi naman bukal sa loob ko ang pang-aasar kong 'yon.
"Mahal ka nung tao..."
"Kung talagang mahal niya ako hindi niya ako lolokohin," laban ko.
"Kaya ka niloko dahil ayaw ka niyang mawala sa kanya," laban din ni Jolina.
"Hindi ako pagma-may-ari ng kung sino," giit ko.
"Aalis ka ng hindi man lang siya kinakausap? Iiyak 'yon..."
"May malaking halaga akong iniwan para makapagsimula siya."
Sandaling natahimik si Jolina. Para bang pinoproseso pa ng utak niya ang lahat ng sinabi ko sa kanya.
"Wala bang kahit kaunting pagmamahal?"
Dahil sa itinanong niya ay ako naman ngayon ang hindi kaagad na nakasagot.
"Masasaktan ko lang si Vesper kung hindi ako lalayo sa kanya. Paulit-ulit ko lang maaalala yung ginawa niya," sagot ko kay Jolina.
"Kaya iiwan mo. Tatakasan mo?"
"Tatakasan? Bakit ko siya tatakasan? Maayos akong nakipaghiwalay..." giit ko.
Natawa siya. Tawa na dahil sa pagkadismaya.
"Pagsisisishan mo din naman 'to. Darating ang araw na pagsisisihan mong lahat 'to," pinal na sabi niya sa akin bago niya ako iniwan doon.
Buo ang loob ko na umalis. Pero nang araw na 'yon sobrang bigat, desidido ako pero sobrang bigat. Hindi ko alam kung bakit panay din ang tingin ko sa labas. May inaasahan akong dumating. Inaasahan kong pupunta siya sa huling pagkakataon, para makita ako.
"May hinihintay ka?" tanong ni Julio ng siya mismo ang tumulong sa akin na maglagay ng iba ko pang mga gamit sa likod ng sasakyan.
Tiningnan ko siya at sinagot lamang ng iling.
"Paano pupunta si Vesper kung sa tuwing nandito siya tinataboy mo?" pagpapaalala niya sa akin.
Hindi ako naka-imik, hanggang sa bumaba ang tingin niya sa aking kamay.
"Nakalimutan mo bang suot mo pa din ang wedding ring niyo, o talagang ayaw mong hubarin?" tanong niya sa akin kaya naman bumaba ang tingin ko doon.
Gusto kong hubarin, pero masyado na akong sanay na nandoon siya. Pakiramdam ko may kulang sa kamay ko kung wala 'yon.
Hindi ko na lamang pinansin pa ang sinabi ni Julio. Umalis ako ng Pilipinas na hindi man lang siya nakikita. Siguro ay mas mabuti na 'yon para hindi din maging mahirap ang lahat para sa aming dalawa.
Ito nga siguro talaga ang tadhana.
Naging maayos ang mga unang araw, linggo, at buwan ko sa ibang bansa. Hindi naman ako nahirapang mag-adjust dahil bata pa lang naman ay sanay na din kami sa pagpunta sa iba't ibang bansa.
"Doon ba ulit tayo magl-lunch?" tanong ni Dennice sa akin.
Isa si Dennice De Galicia sa mga naging kabigan ko habang nag-aaral ako sa America. Bigla na lamang ding nabuo ang pagkakaibigan namin ng minsang magkasabay kaming mag-aral sa isang coffee shop.
"Oo. Sasabay sa atin si Daryl," sabi ko pa sa kanya.
Abala ako sa pagtipa ng mensahe para sa isa kong pang malapit na kaibigan.
"Baka mahawa ka na niyang kaibigan mo," nakangising pang-aasar sa akin ni Dennice.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. Isa si Darylgold Molina kaya naging mabilis ang adjustment ko sa bagong lugar.
"Mabait 'yon..." laban ko pero inirapan niya lamang ako.
Sa tuwing hindi ko kasama si Dennice ay si Daryl naman ang kasa-kasama ko.
"Iniwan mo?" tanong niya sa akin ng minsang kumain kami sa labas pagkatapos ng klase.
"Hiwalay na kami," tipid na sagot ko sa kanya bago ako sumimsim ng wine.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Dahil?"
Mula sa steak na hinihiwa ko ay nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Hindi mo masagot?" nakangising tanong niya sa akin.
"Hindi mo masagot dahil hindi mo naman talaga gusto yung ginawa mo..." paguumpisa pa niya.
"Pagmahal mo yung tao...magagawa mong patawarin siya, pipiliin mong manatili. Pwera na lang kung nagloko, nag-cheat ba?" tanong pa niya sa akin.
Marahan akong umiling. "Negotiable. Cheating lang ang hindi negotiable sa panahon ngayon," laban pa niya sa akin.
"Nagsinungaling," laban ko.
"Inintindi mo, pinakinggan mo?" sunod sunod na tanong niya sa akin.
Imbes na sagutin 'yon ay inirapan ko siya.
"Bakit ba ang dami mong alam?" nakangising tanong ko.
Nagkibit balikat na lamang siya bago din sumimsim ng wine.
"Mahirap ibalik ang tiwala. Pero mahirap ding ibalik yung taong minsang naging sayo na...pinakawalan mo pa." Pinal na sabi niya sa akin bago natapos ang usapan namin tungkol doon.
Matagal kong inisip ang sinabing 'yon ng aking kaibigan. Hindi ko pa din kayang magtiwala ng buo sa kahit na sino. Mahirap ibalik...pero isipin ko pa lang na babalik si Vesper sa akin ay alam kong mas mahirap na.
"Gusto mong bumalik pa siya sayo? Matapos ng ginawa niya?" natatawang tanong ni Dennice sa akin.
"Na-isip ko lang..." sagot ko sa kanya.
Ngumisi siyang muli at napa-iling pa.
"Hindi mo na dapat iniisip 'yon. Hindi na dapat binabalik pa sa buhay mo yung mga ganoong klaseng tao...mga manggagamit," sabi pa niya sa akin.
Naging mabilis lang ang panahon ng pamamalagi ko sa ibang bansa at napagpasyahang sa Pilipinas na lamang ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Habang tumatagal kasi ay hindi na ako nagiging masaya na malayo ako sa aking pamilya.
"May bagong asawa na 'yon," sagot sa akin ni Julio.
Kakatapos lang ng meeting namin at bigla ko na lang natanong sa kanya ang tungkol sa aking dating asawa.
"Sa tingin mo?" tanong ko.
Kaya naman nagpa-imbestiga ako. Hanggang sa namuo ang galit ko ng makilala ko si Damien Gallego. Ito na ba ang bago niya?
"May iba pa po kaming nalaman tungkol sa kanya..." sabi ng imbestigador sa amin.
Saktong kasama ko si Julio nang bigyan muli nila ako ng report.
Ang mga sumunod kong nalaman ay tuluyan ko ng hindi kita. Litrato 'yon ng mga sirang gamit, magulong bahay, at umiiyak na si Vesper habang nakalugmok sa sahig ng aming dating bahay.
"Ano 'to?" galit na tanong ko.
Hindi ko na-iwasang hindi magtaas ng boses dahil sa gulat.
Mukhang matagal ng nangyari 'yon, pero kahit pa...wala akong alam na ganoon. Maging si Julio ay nagulat din sa nakita.
"Binigyan ko siya ng malaking halaga para makapagsimula...anong buhay niya ngayon?" tanong ko pa sa imbestigador.
Sunod niyang ipinakita sa akin ang itrato kung saan nagt-trabaho na si Vesper sa isang companya. At companya 'yon na pagma-may-ari ni Damien Gallego.
Nilingon ako ni Julio, nanggaling din ang tingin niya sa mga litrato. Hindi din siya naka-imik, halatang wala ding alam tungkol doon.
Ilang gabi akong hindi nakatulog. Ilang araw kong inisip ang tungkol sa litratong nakita. Nanlumo ako, na para bang ang pagkakaroon ko ng simpatya sa dating asawa na matagal nang nawala ay bumalik ngayon.
"Hindi ako ang gumawa niya...at kung sino man ang gumawa sa kanya niyan. Tama lang ang ginawa niya...karma 'yon ng babaeng 'yan," sabi pa ni Lolo nang sumagi sa isip ko na may posibilidad na may kinalaman siya.
"Hindi niyo dapat ginawa 'yon. Iniwan ko na yung tao...dapat hinayaan niyo na lang na mamuhay siya ng tahimik," giit ko. Hindi ko matanggap ang sinabi niyang wala siyang kasalanan. Hindi ako naniniwala.
"Wala nga akong alam. Hindi ko pag-aaksiyahan ng panahon ang hampaslupang 'yon," laban pa din ni Lolo sa akin.
Nanginginig ang buong katawan ko, maging ang aking kamao.
"Sa oras na malaman ko..."
Hindi na niya ako pinatapos pa.
"Ano? Anong gagawin mo?" laban niya sa akin.
"Tatalikuran ko ang lahat ng 'to," banta ko.
Pagak na tumawa si Lolo na para bang may nakakatawa sa sinasabi ko.
"Hindi mo kaya," giit niya.
Sa sobrang sama ng loob ko, hindi ko napigilang suntukin ang pader sa gilid niya dahilan para magulat siya.
"Kaya ko." pinal at may diing sabi ko sa kanya.
"August..." tawag ni Vesper sa akin.
Kanina pa ako nakatitig kay Lolo. Dumalaw kami sa hospital, improving naman daw ang lagay niya sabi ng Doctor.
"Ayos ka lang?" tanong sa akin ng aking asawa.
Hinapit ko siya sa bewang, inilapit sa akin bago ko siys hinalikan sa kanyang ulo.
"Ayos lang," marahang sagot ko sa kanya.
Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa ako na ang nagsalita.
"Paano mo nagawang patawarin ako sa pang-iiwan ko sa 'yo?" tanong ko. Paulit-ulit. Hindi ata ako magsasawang itanong 'yon ay Vesper. Gustong gusto ko kasi ang mga isinasagot niya sa akin.
"Kasi na-isip ko...kaya siguro hinayaan ng tadhana na magkahiwalay tayo noon ay dahil gusto niyang matuto tayo. Matuto tayo nang magkahiwalay...yung hindi dedepende sa isa't isa," sagot niya sa akin.
"Kasi minsan...kahit gaano mo kamahal yung isang tao, kailangan mo ding palayain siya, bigyan ng oras para sa sarili niya, para sa mga pangarap niya."
Mas lalo akong natahimik, mas gusto ko na lamang na makinig sa kanya.
"Kagaya ng madilim na langit sa gabi...hinahayaan niya kung kailan gustong magpakita ng buwan at mga bituin."
"Na-realize ko nung nagkahiwalay tayo...na malalim yung pagmamahal ko sayo kasi kahit nasa malayo ka...hindi nagbago yung pagmamahal ko," dugtong pa niya.
Humigpit ang yakap ko sa aking asawa.
"Mahal na mahal kita, Vesper. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sayo sa lahat ng nangyari."
Marahan siyang umiling. "Parte 'yon ng pagmamahal...kagaya na lamang sa kung paanong hahayaang ng dilim na maghari ang liwanag...at sa kung paanong magpapakumbaba ang araw para dumilim."
Ngumisi ako. "Ang lalim..."
Napangiti siya bago muling sumagot. "Bigayan..."
"Pinagbigyan kita para sa isa pang pagkakataon dahil tinanggap ko na dumaan ka sa pinakamadilim na yugto ng buhay mo...nagpakain sa dilim, naghari ang galit sa puso mo," sabi pa niya.
Humigpit lalo ang yakap ko sa kanya.
It takes a strong person to accept that kind of understanding.
"Madilim na yugto ng buhay ko..." paguulit ko sa sinabi niya habang nakangisi.
Umirap si Vesper. "Parang gabi...paborito mo," pang-aasar niya pabalik sa akin.
Alam niyang gustong gusto ko ang gabi dahil doon ko lang siya naso-solo, lalo na sa tuwing tulog na ang anak namin.
"Alam mo ba ang ibig sabihin ng pangalan mo?" tanong ko.
"Ano?"
"Vesper means evening star...bagay sayo," sabi ko pa.
Natawa siya. "Bakit?"
Napabuntong hininga ako. "Because you stayed even in my darkest days..."
Vesper Aurora Escuel stayed like a light in the darkest Nights of August.
THE END
(Maria_CarCat_
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro