Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Monthsary





"Magka-birthday kami..." malungkot na sabi ko bago tumulis ang nguso ko.

Tiningnan ko si August, nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya papunta sa pagtulis ng nguso ko. Mas lalo siyang ngumisi dahil dito.

"Anong nakakatawa?" tanong ko sa kanya.

"Tumutulis nanaman 'yang nguso mo," puna niya.

Imbes na tanggalin 'yon ay tinakpan ko na lang ng kamay ko ang bibig ko para hindi niya makita. Mas lalong natawa si August dahil sa ginawa ko.

Hindi kaagad naayos ang bisikleta ni August dahil kailangan pa ng pera para mapalitan ang gulong niya. Kaya naman pagdating ng lunes ay nag-jeep na kami papasok sa school. Punuan na kaya naman halos sumiksik na lang kami para lang hindi ma-late.

Magkatabi kami ni August, halos kalahati na lang ng pwet niya ang naka-upo kaya naman panay ang tanong ko sa kanya kung ayos lang siya.

"Vesper, ito ang regalo naming sa Kuya mo," sab isa akin ng mga kaklase ko.

Hindi ko din ala m kung paano nila nalaman kung kailan ang birthday nito. Sumama ang tingin ko sa mga tsokolate at love letters na inabot nila sa akin.

"Fans din kami ni Ate Angel at Kuya mo," sabi nila sa akin at parang kinikilig pa.

Ginawan pa talaga nila ng loveteam ang dalawa. Sinimangutan ko sila, dapat ay tigilan na nila 'yon. Dahil sa paglalapit ng pangalan nilang dalawa ay napahamak tuloy si August. Baka marinig nanaman sila ng boyfriend nito at pag-initan nanaman si August.

Pagdating ng uwian ay muling ipinaalala sa akin ng aking mga kaklase na ibigay ko daw kay August ang mga regalo nila. Nag-duda pa sila sa akin na baka kainin ko ang mga tsokolate na para kay August.

"Oo na, hindi ko 'to kakainin," giit ko sa kanila.

Palabas na kami ng school, buong akala ko ay sasama sila sa akin palapit kay August, pero nang makita nilang nasal abas na 'to ng school at naghihintay sa akin ay para silang mga bula na bigla na lang nawala sa likuran ko.

Natawa ako, masyado silang nahihiya kay August.

Nakatingin siya habang hinihintay ang paglapit ko sa kanya, bumaba ang tingin niya sa mukha ko mula sa mga dala ko bago siya nag-taas ng kilay.

"Kanino galing ang mga 'yan?" masungit na tanong niya sa akin.

"Sa mga classmates ko," sagot ko sa kanya.

"Lalaki?"

Marahan akong umiling. Tsaka ko lang nakita ang pagaliwalas ng mukha niya dahil don. Nagtaka siya ng iabot ko sa kanya ang mga 'yon.

"Happy birthday daw sabi ng may mga crush sa 'yo sa classroom namin," sabi ko sa kanya.

Labag man sa loob ko ay hinayaan ko na lang. Para naman 'yon sa kanya, masaya kayang makatanggap ng mga regalo.

"Sabihin mo salamat," sabi niya sa akin.

"Ayoko nga. Ikaw na ang magsabi," pagtanggi ko.

"Sa 'yo na ang mga tsokolate," sabi niya sa akin.

Kinuha niya lang ang mga sulat at iniwan sa akin ang mga pagkain.

"Ayos lang ba sa 'yo na basahin ko?" tanong niya sa akin.

Syempre hindi. Pero wala naman akong magagawa dahil sulat lang naman 'yon. At mas lalo din akong humanga kay August dahil sa pagiging appreciative niya. Kung ibang lalaki lang 'yon ay baka hindi na pinansin ang mga sulat.

"Oo naman..." sabi ko na lang.

Tumango siya at ngumiti sa akin. Naglakad kami papunta sa may terminal ng jeep. Medyo may kalayuan kaya naman nagawa niya nang magbasa habang naglalakad kami.

"Dear August...ang gwapo-gwapo mo po," pagbasa niya ng pangalawang sulat.

Binabasa niya 'yon ng malakas para marinig ko din. Tawang tawa siya dahil 'yon halos ang laman ng sulat. Na gwapo siya at crush siya ng mga kaklase ko.

"Susuportahan po namin kayo ni Ate A..." humina ang sumunod niyang sinabi hanggang sa naramdam ko ang paglingon niya sa akin.

Kahit hindi niya dugtungan ay alam ko na kaagad kung ano 'yon. Vocal naman sa akin ang mga kaklase ko na fans daw sila ng loveteam nila.

"Tsaka ko na babasahin ang iba," sabi niya sa akin.

Hindi ko na lang pinansin at tahimik na lumakad.

"Marunong ka ding gumawa ng ganito?" tanong niya sa akin.

"Ang alin? Love letter?"

Tumikhim siya at tumango.

"Oo naman. Madali lang 'yan lalo na pag ibibigay mo sa crush mo," pagbibida ko sa kanya.

Mas lalo siyang tumikhim. "Bakit wala kang ganito sa akin?" tanong niya na ikinagulat ko.

"Bithday card?"

Hindi siya umimik.

"Kinantahan naman kita ng happy birthday, e."

Hindi na siya umimik pa. Mabuti na lang at hindi pa puno ang jeep pag dating naming sa may terminal. Nakapili pa kami ng pwesto. Kaagad akong umupo sa may dulo ng jeep malapit sa may pintuan, tumabi kaagad si August sa akin.

Mas gusto ko doon, nakikita ko ang mga lugar na dinaraanan namin.

"Ang ganda nung sasakyan, oh," turo ko sa kanya ng kulay pulang sasakyan na nakasunod sa jeep namin.

Hindi ko alam kung anong tawag sa sasakyan na 'yon. Nilingon din ni August ang sasakyan na itinuro ko.

"Gusto mo ng ganyan?" tanong niya sa akin.

Kaagad akong tumango.

"Gusto ko din magkaroon tayo ng sariling sasakyan para hindi na tayo makipagsiksikan sa jeep," natatawang kwento ko sa kanya.

Huminto ang jeep para magsakay pa kahit puno na ang loob. Babae na may kasamang bata ang sasakay, nagulat ako ng umalis si August sa tabi ko para bumaba, pinaupo niya sa pwesto niya ang babae at tsaka siya sumabit.

Dahil sa takot na mahulog siya ay hinawakan ko ang laylayan ng suot niyang uniform.

Nilingon niya ako ng maramdaman niya ang hawak ko, nginitian ko lang siya kaya naman nag-iwas na lang siya ng tingin.

Bumaba na din kami sa kanto papasok sa amin. Habang naglalakad ay napangiti ako ng makita kong suot niya na ang regalo kong sapatos sa kanya.

Matapos ang hapunan ng gabing 'yon ay lumabas ako ng makita kong magkausap sina Tay Vinci at August habang inaayos ang bisikleta nito.

"Mahamog na," sita ni August sa akin pero hindi ko siya pinansin. Dumireto pa din ako sa kanila at nagawa pang umupo sa tabi ni Tay Vinci.

Napunta sa kung saan ang pinag-uusapan naming tatlo hanggang sa nabanggit na ang tungkol sa lovelife ni Tay Vinci.

"Ang nanay po ni Vera ang first love niyo?" tanong ko.

Ngumiti si Tay Vinci sa akin, tinapik nito ang ulo ko. Buong akala ko ay hindi na siya sasagot sa akin pero tumingin siya sa malayo na para bang inaalala niya 'yon.

Nilingon ko si August na nakatingin lang din sa akin, pinanlakihan ko siya ng mata. Palagi siyang nakasimnagot sa tuwing nagtatanong ako tungkol sa lovelife, ano namang masama? Nagtatanong lang naman.

Pinanlakihan ko na lang siya ng mata at tsaka itinuon ang buong atensyon ko kay Tay Vinci.

"Bago ko makilala si Veronica, may iba dapat akong papakasalan..." pag-uumpisa niya.

"Uso kasi noon ang arrange marriage...dahil mayaman ang pamilya ng Ama ko, gusto ng Ina ko na ikasal ako sa mayaman ding pamilya," sabi niya pa.

"Gusto din naman ako nung pamilya nung mapapangasawa ko dahil may basbas naman ni Tatay. Montero pa din naman daw ako..." sabi pa niya at natawa pa.

"Ayos lang po sa inyo?" tanong ko. Hindi na ako makapaghintay na magtanong.

Tipid na tumango si Tay Vinci.

"Ayos lang naman sa akin. Kaso hindi ko nakilala yung babae dahil namatay si Nanay...pinigilan din ni Tita Cressida," sabi pa niya.

Natahimik kami, hanggang sa mapangiti siya.

"Pero ayos lang. Kung hindi si Veronica ang pinakasalan ko...wala sana akong Vera ngayon," sabi pa niya.

Ramdam ko sa boses niya ang saya at pagmamahal niya sa anak niya.

"Kahit hindi naging madali ang buhay ay ayos lang. Ang mahalaga ay nandyan si Vera," sabi pa niya.

"Hindi niyo po ba siya nami-miss? Bakit hindi niyo po siya kuhanin?" tanong ko sa kanya.

Nagtaas ng kilay si Tay Vinci sa akin, matapos sa akin at si August naman ang tinignan niya.

Bigla ko nanaman naalala na kung hindi nangyari ang trahedya ay si Vera ang dapat na mapapangasawa ni August. Mukhang alam 'yon ni Tay Vinci kaya naman tiningnan niya ako na para bang sinisigurado niya ang tanong ko sa kanya.

"Mahirap ang buhay dito. Hindi sanay si Vera sa hirap, ayoko ding maranasan niya 'to. Kaya naman kahit miss ko na siya ay nagtitiis ako," sagot niya sa akin.

Muli nanaman akong nakaramdam ng inggit kay Vera. Ang dami talagang nagmamahal sa kanya. Mahal siya ni Tay Vinci, hindi ko man lang 'yon naramdaman kay Tatay hanggang sa mawala siya.

Naisip ko din ang tinanong ko kanina. Paano nga kaya kung kasama namin si Vera dito ngayon? Ma-aalala kaya siya ni August? O baka kahit hindi maalala ay magustuhan pa din siya nito. Bago pa man siya mawalan ng ala-ala ay gustong gusto na niya si Vera.

Nawala ang isip ko tungkol kay Vera ng si August naman ang magtanong kay Tay Vinci.

"Mahal niyo pa ba ang asawa niyo?" tanong niya dito.

Bigla akong nagkaroon ng interest sa tanong na 'yon. Gusto ko ding malaman ang sagot ni Tay Vinci. Halata na kasi ang pagiging malapit nil ani Nanay. Hindi naman na ako bata para hindi isipin na wala silang relasyon.

Bago sumagot si Tay Vinci ay tumingin muna siya sa akin.

"Hindi na," sagot niya sa amin.

Hindi ako naka-imik.

"Kung papayag si Vesper ay magpapaalam sana akong ligawan si Fae..." sabi niya sa akin kaya naman nanlaki ang mga mata ko.

"Gusto niyo po si Nanay?" tanong ko kahit halata naman na ang sagot dahil sa sinabi niya.

Kaagad na tumango si Tay Vinci.

Mula sa kanya ay tumingin ako kay August na ngayon ay hinihintay din ang sagot ko.

"Pero kasal pa po kayo sa asawa niyo..." Sabi ko sa kanya.

"Sa mata ng batas, Oo...pero matagal na kaming hiwalay ni Veronica. May iba na din siyang mahal. Sa oras na magkita kami ay pormal na paghihiwalay na lang ang kulang sa amin," sagot niya sa akin.

Sandali akong natahimik. Hindi ko din alam kung anong sunod kong sasabihin.

"Basta po ay wag niyong sasaktan si Nanay. Palagi na po siyang sinasaktan ni Tatay...wag niyo po sanang gawin kay Nanay ang ginagawa ni Tatay dati," sabi ko sa kanya.

Ngumiti si Tay Vinci sa akin at hinawakan ako sa ulo.

"Aalagaan ko si Fae...at ikaw. Pag naging maayos na ang lahat...pwede na kayong maging magkapatid ni Vera," sabi niya sa akin.

Hindi ko alam ang parteng 'yon. Nakikita ko kasi si Vera na magiging kaagaw ko kay August pagnagkataon. Na sa oras na maka-alala si August ay matuloy na ang kasal nila. Alam ko naman na hindi din sa akin si August, pero baka pwede namang sa akin na lang siya? Marami namang nagkakagusto kay Vera...marami pang iba na pwedeng sa kanya.

Ako, si August lang ang gusto ko...wala ng iba.

Dahil sa pag-uusap naming ng gabing 'yon ay mas lalong naging close si Nanay at Tay Vinci. Masaya naman akong makita na masaya si Nanay.

May project daw si August na bibilhin sa palengke kaya naman kami na ding dalawa ang na-utusan na bumili para sa pananghalian namin ng araw ng linggo.

"Ang daming tao," sambit ko pagkadating naming sa palengke.

Hindi pa man ako nakakabawi ay naramdaman ko na kaagad ang hawak ni August sa kamay ko.

"Baka mawala ka pa..." sabi niya sa akin at mahigpit na pinagsiklop ang mga kamay naming dalawa bago kami pumasok sa may tiangge.

Halos walang usad papasok sa may palengke. Kahit dito ay may traffic pa din. Ayaw kasi magbigayan ng mga tao kaya naman halos wala ng maayos na daan.

Nanatili ang hawak ni August sa akin kaya naman nagpahila na lang ako sa kanya. Na-iwan ang tingin ko sa mga batang babae na nagkukumpulan sa isang bilihan ng mga ipit sa buhok.

Pagdating sa loob ng palengke ay binili na naming ang mga ini-utos ni Nanay sa amin. Tahimik lang ako habang pinapanuod si August, kahit ang pamimili ng mga karne at gulay ay marunogn din siya. Marunong nan ga din siyang tumawad.

"Sige, basta ikaw," sabi pa ng mga tindera.

Mukhang malaki-laki ang matatawad naming dahil ginagamitan niya ng ka-gwapuhan niya.

"Ano pa bang kulang?" tanong niya sa kawalan habang tinitingnan ang natitirang per ana hawak niya.

Tumingin din ako doon.

"Gusto mo ng saging?" tanong niya sa akin.

"Kasya pa ba ang pera natin?" tanong ko sa kanya.

Tipid siyang tumango sa akin. Lumapit kami sa bilihan ng saging at bumili.

Matapos doon ay may nakita kaming nagtitinda ng buko, bumili si August ng isa at kaagad na inabot sa akin.

Ramdam ko na din ang pagka-uhaw. Bukod kasi sa madaming tao at siksikan ay ma-init din. Isa na lang ang kasya dahil mamamasahe pa kami pa-uwi. Nang maka-inom na ako ay kaagad kong inabot 'yon sa kanya.

"Ubusin mo na 'yan," sabi niya sa akin.

Marahan akong umiling.

"Hati tayo..." sabi ko sa kanya.

Sa huli ay tinanggap niya 'yon. Nag-iwas ako ng tingin ng uminom din siya doon. Dahil sap ag-inom niya sa baso ko ay para na din kaming naghalikan.

Isip mo talaga Vesper!

Muli kaming naglakad palabas ng palengke. Si August ang may hawak ng pinamili naming, kung may ipapahawak man siya sa akin ay 'yong mga magagaan lang. Muli akong napatingin doon sa bilihan ng mga pang-ipit sa buhok.

Mas lalo akong nagulat ng hilahin niya ako papunta doon.

"Anong gusto mo?" tanong niya sa akin.

"Huh? W-wala..." sagot ko sa kanya.

Sandal niya akong binitawan para tumingin doon. Hindi ko ma-iwasang mapangiti dahil sa pagpili ni August.

"Itong headband bagay 'to sa 'yo," sabi niya sa akin.

Hindi na ako nakapalag pa ng siya mismo ang nagsuot no'n sa akin.

Mula sa sarili niyang pera ay binayaran niya 'yon para sa akin.

Sandali niya muna akong pinagmasdan bago siya ngumiti sa akin at muling hinawakan ang kamay ko para makalabas na kami at maka-uwi na.

Tahimik at masaya na ang buhay namin, pero hindi pala ganoon kadali 'yon.

Muling kina-ilangan ni Tay Vinci na lumayo sa amin ng may humabol nanaman sa kanya. Pinaghahanap pa din siya ng pamilya ng Escuel, at para hindi kami madamay at hindi makita si August at kinailangan niyang lumayo sa amin pansamantala.

"Mag-iingat ka," emosyonal na sabi ni Nanay sa kanya.

Maging ako ay nalungkot din dahil sa kailangang mangyari.

"Hindi naman ako lalayo ng sobra sa inyo. Kailangan ko lang ding lituhin ang mga naghahanap sa akin...at delikado na makita nilang kasama ko si August," sabi niya kay Nanay.

Nakita ko kung paano humalik si Tay Vinci sa labi ni Nanay bago siya tuluyang nagpaalam sa amin.

Ramdam ko ang lungkot kay Nanay. Nalulungkot din naman ako para sa kanya.

"Ikaw na muna ang bahala sa kanila..." sabi ni Tay Vinci kay August.

Tumango ito. "Ako pong bahala sa kanila...wag kayong mag-alala," sabi niya dito.

Humalik siya sa ulo ko, "Ang Nanay mo ha..." sabi niya sa akin.

Tumango ako. Hindi ko man totoong tatay si Tay Vinci ay napamahal na din siya sa akin.

Mabilis na lumipas ang panahon, nagtapos ako sa higschool at pumasok sa kolehiyo.

Nagkaroon ng trabaho si August sa isang maliit na business, habang nag-aaral pa din ako. Hindi man naming nakakasama si Tay Vinci kagaya ng dati ay hindi naman naming halos naramdaman na malayo siya dahil dumadalaw siya sa amin lalo na pag may importanteng okasyon kagaya ng lang ng 18th birthday ko.

"Ang dami nitong hand ani Vesper..." nakangiting puna ni Tay Vinci.

"Naku, si August ang gumastos ng lahat ng 'yan. Ang sabi ko nga ay magtira para sa sarili niya galing sa sahod niya," sabi pa ni Nanay.

Tumingin ako kay August na tipid na nakangiti sa akin. May cake din sa gitna ng lamesa, sobrang saya ko din dahil sa mga handa ko, at mas masaya dahil kumpleto kami.

Matapos ang kainan ay lumabas kaming dalawa ni August at naiwan naman si Nanay at Tay Vinci sa loob para na din makapag-usap sila.

"Salamat sa pa-birthday mo sa akin...at may cake pa," sabi ko sa kanya.

"Nagustuhan mo ba?" tanong niya sa akin na kaagad kong tinanguan.

"Sobra..."

Bumaba ang tingin ko sa kamay niya ng may kinuha siya mula sa kanyang bulsa. Nanlaki ang mata ko ng makita kong kwintas 'yon.

"Ito ang regalo ko para sa 'yo," sabi niya sa akin.

"P-pero sobra-sobra na 'yon..." sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya at umiling. Siya pa mismo ang nagsuot no'n sa akin.

"Happy birthday," sabi niya sa akin.

"S-salamat..." sabi ko. Sobrang saya ko.

Nasa third year college ako ng manligaw si August sa akin. Bago ko nalaman na manliligaw siya sa akin ay una na niyang ipinagpaalam 'yon kay Nanay.

"G-gusto mo din ako?" tanong ko, hindi ako makapaniwala.

Ngumisi siya. Kumunot ng bahagya ang noo.

"Matagal na..." sabi niya kaya naman halos mahigit ko ang hininga ko.

Gusto kong umiyak sa tuwa, gustong gusto ko din siya.

Napakamot siya sa kanyang batok.

"Pumayag na si Nay Fae...pati si Tay Vinci," sabi niya sa akin.

"Manliligaw sana ako sa 'yo, Vesper," sabi niya sa akin.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Gusto kong umiyak sa harapan niya habang tumatango ako. Nakita ko kung paano lumaki ang ngiti ni August dahil sa pagpayag ko sa panliligaw niya sa akin.

Hinayaan kong ligawan niya ako. Hindi ko din naman alam kung paano ako mag-re-react sa panliligaw niya dahil ito din naman ang unang beses na may manliligaw sa akin.

"Saan ka ngayon, Vesper?" tanong ng mga kaklase ko.

Pagdating ng college ay nagkaroon din naman ako ng mga kaibigan kahit papaano.

"May pupuntahan lang, mauna na kayo..." sabi ko sa kanila at kaagad ng kumaway.

Maaga ang uwian naming ngayon. Napag-usapan naming ni August na kakain kami sa labas pagkatapos ng klase ko. Dahil maaga akong natapos ay ako na lang ang pupunta sa trabaho niya.

Sumakay ako ng jeep papunta sa pinagta-trabahuhan ni August. Maliit na ticketing firm ang pinapasukan niya ngayon. Maayos naman ang pasahod kaya naman hindi na din siya umalis pa, at mahirap ding maghanap ng trabaho sa panahon ngayon kaya naman hindi na siya naging mapili pa.

"Magandang hapon po, Nandyan po ba si August?" tanong ko sa babae sa may receiving area.

Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa.

"B-bakit, anong kailangan mo?" tanong niya sa akin.

"Uhm..." hindi kaagad ako nakasagot.

Gusto ko sanang sabihing girlfriend niya ako pero hindi ko magawa dahil hindi pa naman kami.

Hindi na ako naka-imik pa ng may marinig akong tawa ng babae. Hinintay ko na lamang na makalabas ang mga 'yon hanggang sa magulat ako ng makita ko si August...kasama si Angel.

"Ayaw mong kumain muna sa labas?" tanong ni Angel sa kanya.

"Hindi na...may lakad din ako," paalam ni August dito.

Natahimik silang dalawa ng makita nila ako. Kita ko ang gulat sa mukha ni August.

"Vesper...anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin at kaagad akong nilapitan.

Hindi ako sumagot, nanatili ang tingin ko kay Angel na nakangisi habang nakatingin sa akin ngayon.

"Kukuhanin ko lang ang gamit ko..." paalam niya sa akin.

Hindi pa din ako umimik, nakipasukatan ako ng tingin kay Angel, nagtaas siya ng kilay sa akin at humalukipkip pa.

"Hi, Vesper..." nakangising sabi niya sa akin.

Hindi na lang ako umimik pa, lumakad siya sa harapan ko na para bang siya ang may-ari ng ticketing firm na 'yon.

"Kanina ka pa tahimik," pun ani August sa akin ng nasa kainan na kami.

Marahan akong umiling.

"Kanina ko lang nalaman na pamangkin ng may-ari ng ticketing firm si Angel," sabi niya sa akin kaya naman mas lalo akong napayuko.

"Galit ka ba?" tanong niya sa akin.

Marahan akong umiling, hindi ko din alam. Mas lalo akong natatakot...habang tumatagal na nagsisinungaling ako sa kanya ay mas lalo akong natatakot na sa oras na maka-alala na siya ay grabe ang galit niya sa akin.

"Tandaan mo ang araw na 'to..." seryosong sabi ko sa kanya.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya at pagtataka.

"Monthsary natin," sabi ko sa kanya.

Sandali siyang nag-loading bago nanlaki ang mata niya sa gulat.

"Sinasagot mo na ako?"

Kaagad akong tumango sa kanya. Bahala na, I-enjoy ko na muna ang pagkakataon na tayo hangga't gusto niya pa ako. Sana lang sa oras na maka-alala na siya ay hindi magbago ang nararamdaman niya para sa akin.








(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro