Chapter 7
Birthday
Natahimik ako dahil sa sinabi ni August. Iniisip ko pa lang na kung malaman niya na niloko namin siya at itinago naming sa kanya ang totoong pagkatao niya ay siguradong magagalit siya sa amin. Kung sakaling dumating ang pagkakataon na malaman niya at magalit siya sa amin ay ma-iintindihan ko.
Dahil sa ginawa naming kasinungalingan ay ipinagkait naming sa kanya ang lahat ng bagay na dapat ay meron siya. Maginhawang buhay, mga mamahaling gamit, sapat na pera para sa eduaksyon niya, nasa maganda at malaking paaralan sana siya, sasakyan sana ang gamit niya at hindi biskleta, hindi na din sana niya kailangang mag-tutor ng mga kaklase niya para lang kumita ng ekstrang pera.
"Vinci, baka maabutan tayo ng mga bata..." rinig kong natatawang sabi ni Nanay.
Hindi natuloy ang pagpasok ko sa loob ng bahay nang marinig ko ang mga boses nila sa loob ng kwarto ni Tay Vinci.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa nalaman kaya naman tumalikod ako at naglakad muli palabas.
Saktong papalabas ako ng makasalubong ko si August.
"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.
"B-bibili ng mirienda sa may kanto. Nagugutom ako," palusot ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. Niligon ang loob ng bahay.
"Hindi pa ba nakapagluto?" tanong niya sa akin pero hindi ko na siya sinagot at kaagad na siyang nilagpasan para makalabas na.
Ibinaba lang ni August ang mga gamit niya bago siya sumunod sa akin palabas.
"Sasama ako," sabi niya sa akin kaya naman hinayaan ko na lang siya na sumunod sa akin,
Tahimik ako habang naglalakad papunta sa may kanto kung nasaan ang mga tindahan ng mga pagkain. Hindi naman talaga ako nagugutom, gusto ko lang na umalis doon dahil baka takot lang ako para kay Nanay.
Kung totoong nagkakagustuhan na sila ni Tay Vinci ay suportado ko naman silang dalawa, kilala ko naman na si Tay Vinci pero hindi pa din maalis sa akin na mag-alala para sa kanya. Paano kung masaktan ulit siya? Ayoko ng masaktan si Nanay.
"Tahimik mo," puna sa akin ni August habang naglalakad kami papunta sa hilera ng mga tindahan.
"M-may iniisip lang," sagot ko sa kanya nang hindi man lang siya nililingon sa takot na baka malaman niya ang iniisip ko kung sakaling tingnan ko siya.
"Crush mo? May crush ka na?" tanong niya sa akin. Sa tono ng pananalita niya ay para bang galit pa siya na bawal ako magkaroon ng crush.
"Huh? Wala akong crush," giit ko.
Nagtaas nanaman siya ng kilay sa akin, nagtagal ang tingin niya na para bang sinisigurado muna niya na nagsasabi nga talaga ako ng totoo.
May crush ako, Oo. Siya. Pero hindi ko 'yon sasabihin sa kanya.
Nga-iwas siya ng tingin sa akin.
"Normal lang naman 'yon," sabi niya sa akin.
Humaba ang nguso ko. "I-ikaw ba'y meron?" tanong ko.
Gusto kong magtunog na parang kaswal na tanong lang 'yon, pero kung sasabihin niyang meron nga siyang nagugustuhan ay masasaktan ako.
Ipinasok niya ang magkabilang kamay niya sa loob ng kanyang bulsa bago niya ako sinagot.
"Meron," sabi niya sa akin kaya naman mas lalong tumulis ang aking nguso.
"Sino?" tanong ko kaagad na ikinagulat ko din.
Ngumisi siya sa akin dahil sa itinanong ko.
"Wag na nga, alam ko na," sabi ko habang sumisipa-sipa pa ng maliliit na bato.
"Alam mo na?" nakangising tanong niya sa akin.
Marahan akong tumango sa kanya habang nakatingin sa malilit na bato.
"Alam ko na," sabi ko sa kanya. Baka si Angel lang 'yon.
"Alam mo na? Hindi ko pa sinasabi sa'yo," rinig kong sabi niya.
Kumunot ang noo ko nang lingonin ko siya. Nakita ko ang pamumula ng tenga niya pero hindi ko pinansin 'yon.
"Kahit hindi mo sabihin...alam ko na," sabi ko pa at ramdam ko din ang lungkot sa boses ko. Hindi ko talaga mapigilan minsan ang emosyon ko.
"Anong masasabi mo?" tanong niya sa akin.
"Uhm...Normal lang 'yon," pagsuko ko na lang at pag-gaya sa sinabi niya.
"Tama," pag-sangayon niya sa akin bago kami nanahimik na dalawa.
Lumapit kami sa mga nagtitinda ng pagkain para pumili. Kahit hindi naman ako gutom ay pumili pa din ako, may sobra naman akong pera para sa pinag-iipunan kong regalo para kay August lalo na't malapit na ang birthday niya.
"Isaw sa akin...dalawa," sabi ko sa tindera.
"'Yan lang ang sa 'yo?" tanong niya sa akin.
Tumango ako at kaagad na inilabas ang sampung piso sa bulsa ko. Gustuhin ko mang ilibre siya ay hindi ko kaya sa ngayon, kanya kanya muna kami sa pagbabayad dahil may pinag-iipunan ako.
"Calamares?" alok niya sa akin.
Marahan akong umiling. Pareho lang na limang piso, pero masyadong bitin ang isang subuan na Calamares, hindi kagaya ng isaw na mahaba kahit papaano.
"Kumuha ka na, ako naman ang magbabayad," sabi niya sa akin.
"Hala, baka wala ka ng pera," sabi ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Papakuhanin ba kita kung wala akong pambayad?" tanong niya sa akin.
"Sabagay..." sabi ko naman.
Kumuha ako ng bagong stick at tumusok ng Calamares.
"Sige...kahit isang lang," sabi ko at tumusok ng isa.
Tumawa si August. "Kumuha ka kahit ilan ang gusto mo, sige na," sabi niya sa akin.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Tutusukin ko lahat 'to," pananakot ko sa kanya kaya naman lalo siya natawa.
Matapos ang pagkain naming doon ay umuwi na din kami. Nasa kusina na si Nanay pagkabalik namin. Nginitian ko siya na parang walang nangyari at umakto na hindi kami umalis para lang umiwas sa kanila ni Tay Vinci.
Tahimik lang ako habang kumakain kami ng hapunan dahil medyo busog pa din naman ako dahil sa naging mirienda naming ni August.
"Malapit na ang birthday ni August," sabi ni Tay Vinci.
"Kaya nga. May gusto ka bang ipaluto para sa birthday mo?" tanong ni Nanay sa kanya.
Tahimik akong nakatingin sa pagkain na nasa harapan ko ng maramdaman ko ang paglingon niya sa akin.
"Ikaw Vesper?" tanong niya sa akin na ikinagulat ko.
"Huh?" tanong ko sa kanya.
"May gusto kang pagkain para sa birthday ko?" tanong niya sa akin.
"B-bakit ako? E, ikaw ang may birthday," sabi ko sa kanya.
Nagkibit balikat lang din siya. "Baka lang may gusto ka. Kahit ano naman ay ayos lang sa akin," sabi niya.
Mula kay August at lumipat ang tingin ko kay Tay Vinci at kay Nanay na parehong nakatingin sa akin at nakangiti.
Biglang uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa tingin nila sa akin, hindi ko na lang sila sinuway sa takot na mas lalong mahalata 'yon ni August.
"Uhm...spaghetti," sagot ko na lang dahil sa kaba kahit ang totoo ay ayoko naman talagang mag-demand.
"S-sige, Spaghetti po," sabi ni August kay Nanay.
Pinagpatuloy ko pa din ang pagbebenta ng mga Pastillas at Polvoron sa loob ng classroom naming. Mabuti na lang at may ibang kaklase akong hindi nagsasawa kahit papaano. Bukod sa klase naming ay kumalat na din sa ibang section ang pagtitinda ko kaya naman minsan ay dinadayo pa ako sa room namin.
Hindi ako kumain kaninang recess at lunch dahil sa pagtitipid ko. Hawak hawak ko tuloy ang tiyan ko habang palabas ako ng school naming, naisip ko kasing kumain na lang ng madami mamayang hapunan para mas tipid.
Natanaw ko ang ilan sa mga kaklase ko na tumakbo palabas ng school dahil may bago daw tindahan ng shake sa labas ng paaralan naming. Hindi ko na lang pinansin nang marinig ko ang pinag-uusapan nila.
Umayos ako ng tayo at kaagad ko inalis ang pagkakahawak ko sa tiyan ko ng makita ko si August na nakatayo sa labas ng school habang hinihintay ako. Umakto ako na parang walang nararamdaman at naglakad ng maayos.
Mula sa akin at lumipat ang tingin niya sa nagkukumpulan kong mga kaklase.
"Gusto mo ng gano'n?" tanong niya sa akin.
Marahan akong umiling. Gusto ko na lang umuwi para makakain na kami ng hapunan. Gusto kong mamilipit sa sakit dahil sa pagkalam ng tiyan ko. Para bang kung yuyuko lang ako ay hindi ko mararamdaman 'yon.
"T-tara na..." yaya ko sa kanya.
Nagtagal ang tingin niya sa akin, mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya sa tiyan ko na pilit kong itinatago ang sakit.
"May masakit sa 'yo?" tanong niya sa akin.
Kaagad akong umiling bilang sagot pero hindi naalis sa mukha ko ang pagngiwi dahil sa sakit.
"Hindi ka nanaman kumain, Ano?" galit na tanong niya sa akin.
Hinawakan niya ako sa braso at kaagad na hinila papunta sa may tinadahan.
"H-huwag na! sa bahay na lang ako kakain," sabi ko sa kanya.
Hindi niya ako sinagot pero tumalim ang tingin niya sa akin. Ibinili niya ako ng burger na sa unang kagat tinapay lahat. Umupo kami sa harapan nung tindahan habang dahan dahan kong kinakain ang tinapay, baka naman kasi mabigla ang tiyan ko at mas lalong sumakit kung lalamanan ko kaagad.
Umalis siya sandal para ilipat ang bisikleta niya malapit sa amin. Tahimik lang si August sa tabi ko pero nakasimangot pa din siya.
Hindi ko na lang din kinausap dahil baka mas lalong magalit.
Habang naghihintay ay nakita ko ang paglabas ng ilang grupo ng mga lalaki mula sa school nila, tatlo sila at para bang may hinahanap. Ang isa sa kanila ay tumuro sa aming gawi kaya naman bigla akong kinabahan.
Lumapit sila sa amin at masama kaagad ang tingin nila kay August.
"Pare, mag-usap nga tayo," sabi ng isa sa kanila.
"Bakit? Anong problema?" tanong ni August sa kanila.
"Layuan mo ang girlfriend ko ha," sabi nito sa kanya kaya naman nilingon ko si August pero wala man lang akong nakitang kahit ano sa itsura niya.
"Sino ba ang girlfriend mo?" kaswal na tanong ni August dito kaya naman napangisi ang lalaki na para bang napahiya siya.
"Aba't gago pala 'yan, Pare. Sampulan mo na," panghihikayat ng isa sa kanila.
Bigal akong nakaramdam ng takot para sa kanya.
"Si Angel! Anong nababalitaan ko na palagi kayong nagkikita pag breaktime?"
"Tutor niya ako. Kahit itanong mo pa sa kanya," sagot ni August sa kanila.
Kumalma na sana ang nasa harapang lalaki pero masyadong sulsol ang mga kaibigan niya.
"Wag kang maniwala," sabi ng mga 'to sa kanya.
"Totoo! Tutor siya," giit ko. Hindi ko na kaya na manahimik lang.
"Vesper," tawag na suway niya sa akin.
Nilingon ko siya at sinimangutan. Gusto kong tumulong para ipagtanggol siya.
Dinuro ng lalaking nasa gitna si August. "Sa oras na may mabalitaan pa ako...tatamaan ka sa akin," sabi nito sa kanya bago nila kami tinalikuran.
Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya, nilingon ko siya at nakitang parang wala siyang pakialam sa mga bantang nakuha niya.
"Isumbong natin kay Tay Vinci," sabi ko sa kanya.
"Wag na. Hayaan mo na sila," sabi niya sa akin.
"Pero..."
"Hayaan mo na, Vesper. At wag mo ng uulitin 'yon," sabi niya sa akin kaya naman mas lalong bumagsak ang balikat ko.
"Paano kung suntukin ka?" tanong ko sa kanya.
Bumaba lang ang tingin niya sa tinapay na halos makalahati ko na.
"Tapos ka na bang kumain? Tara na..." yaya niya sa akin na hindi pa din pinapansin ang mga tanong ko.
Hindi na lang ako umimik. Tahimik kami habang nasa byahe pauwi.
"Wag ka ng mag-alala sa akin," sabi niya sa akin sa gitna ng aming pananahimik.
Humaba ang nguso ko. "Maruno ka bang manuntok?" tanong ko sa kanya.
Kaagad kong narinig ang tawa niya.
"August naman e."
"Oo, marunong," sagot niya sa akin habang natatawa pa din.
Halata naman 'yon. Sa tangkad at ganda ba naman ng katawan niya. Impossibleng hindi niya kayang labanan ang mga 'yon.
"E, umilag? Marunong ka?" tanong ko pa sa kanya na mas lalo niyang ikinatawa.
"'Yan hindi ako sigurado," sabi niya sa akin.
Gusto kong magmaktol, hindi ko lang magawa sa takot na baka pag naglikot ako ay matumba ang bike namin.
Magana akong kumain nang hapunan dahil na din sa gutom. Nakita ko ang panonood ni August sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Ilang beses ko siyang narinig na tumikhim dahil alam niya ang rason kung bakit.
"Kumain ng maayos at wag magpapagutom," paalala sa amin ni Nanay kinaumagahan bago kami pumasok sa eskwela.
Pagkatapos sabihin 'yon ni Nanay ay nakita ko ang paglingon ni August sa akin. Pinandilatan niya ako ng mata kaya naman nag-iwas kaagad ako ng tingin.
"Wag daw magpapagutom. Sino kaya?" pagpaparinig niya sa akin habang inihahanda niya ang bisikleta.
Hindi na lang ako umimik, tahimik akong umupo sa may bisikleta bago siya nagsimulang magpedal para maka-alis na kami.
"Pag kulang ang pera mo pambili ng pagkain...sabihin mo sa akin," sabi niya.
"Hindi naman kulang," agap ko.
"Wag ka na ulit magpapagutom. Ano bang pinag-iipunan mo?" tanong niya pa sa akin.
"S-secret..." giit ko.
Ngumisi siya. "Baka mampaganda 'yan ha," sabi niya sa akin.
"B-bakit, bawal ba?" tanong ko sa kanya.
Tipid siyang ngumisi. "Baka mas lalong magkagusto sa 'yo yung may crush sa 'yo," sabi niya sa akin.
"Walang may crush sa akin," giit ko pero hindi na siya sumagot pa.
Binilhan pa niya ako ng tinapay bago ako pumasok sa school naming para daw masigurado niyang kakain ako ngayong araw.
Araw ng sabado ang birthday ni August kaya naman biyernes ng hapon ay sumama ako kay Nanay para mamili ng iluluto para sa birthday niya.
"Nagbigay pa nga ang batang 'yon ng pambili ng Spaghetti. Hindi ko alam kung saan kumuha ng pera...dahil sobra 'to, bumili na lang din tayo ng kahit maliit na cake para sa kanya," sabi ni Nanay.
Bigla akong nakaramdam ng excitement para sa cake at spaghetti, pero ang isip ko ay nasa regalong ibibigay ko sa kanya.
"Nay, may pupuntahan lang po ako doon," paalam ko kay Nanay habang namimili siya ng mga sangkap.
"Saan? Baka mawala ka," sabi niya sa akin.
"Hindi po, alam ko naman po kung saan kayo sunod na pupunta," sabi ko sa kanya.
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Nanay. Kaagad akong kumaway sa kanya para magpaalam. Tumakbo ako papunta sa ukay-ukay kung saan ako nakakita ng sapatos kagaya ng gustong sapatos ni August.
Alam ko din naman ang size ng paa niya kaya naman hindi na ako mahihirapan. Una kong nakita ang kanang pares ng sapatos.
"Asaan na ang kaliwa?" tanong ko habang hinahanap ang kapareha no'n.
Nahirapan pa ako, muntik na akong sumuko hanggang sa makita ko na. Dumiretso ako sa may tindera at nagbayad.
Napaawang ang bibig niya nang iabot ko sa kanya ang plastick na may lamang mga barya. Kinita ko 'yon sa pagbebenta ko ng Pastillas at Polvoron.
"Ano 'to? Bibilangin ko isa-isa?" masungit na tanong niya sa akin.
"Sakto 'yan," giit ko.
Inirapan niya lang ako.
"Sakto 'to ha. Pag ito kulang hindi ka na lalaki," pananakot niya sa akin.
Sus, tinatamad lang siyang magbilang, E.
Nilagay niya sa plastick ang sapatos bago niya ako hinayaang umalis. Yakap yakap ko 'yon habang naglalakad ako pabalik sa loob ng palengke para hanapin si Nanay.
Hindi naman ako nahirapan na hanapin siya, halos kabisado ko na kasi ang palengke.
"Oh, saan ka nanggaling?" tanong niya sa akin, bumaba ang tingin niya sa hawak kong plastick ng sapatos kaya naman humigpit ang yakap ko doon.
Nagtaas siya ng kilay, mukhang alam na ni Nanay pero hindi na siya nagsalita pa.
Hindi ko na naabutan si August umaga ng sabado, August 6 ang birthday niya. Ang sabi ni Nanay ay maagang umalis para magsimba. Ayos na din 'yon na wala siya para makapag-ayos kami at makapagluto.
"Andito na ang cake," sabi ng kararating lang na si Tay Vinci na may dalang maliit na cake.
Nakapagluto na din si Nanay ng Spaghetti. Inihaw na tilapia, at biniling fried chicken ang ulam namin.
"Maya maya ay nandyan na si August," sabi pa nito.
Bigla akong na-excite para sa kanya. Masaya talaga ang birthday pag may cake.
Pasado alas dose ng dumating si August. Nawala ang ngiti sa labi naming ng makita naming ay sugat siya sa gilid ng kanyang labi, at namumula din ang pisngi niya.
"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Tay Vinci sa kanya.
"W-wala po 'to," sagot niy diyo.
"Sinong may gawa niyan?" tanong ni Nanay.
Nilapitan nila siya, pero hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at nanatili lang na nakatingin sa kanya.
Matapos sagutin ang mga tanong nina Nanay ay tumingin siya sa akin. Wala pa din akong imik, kahit nung nagsimula ang kainan ay ganoon pa din.
"Irereklamo natin 'yan. Paano kung sa susunod ay sobra pa diyan ang gawin nila sa'yo. Hindi pwedeng na-tripan lang. Hindi pwede pag trip ay mananakit ng iba," pangaral ni Tay Vinci.
Kahit masarap ang Spaghetti at ang mga ulam naming ay parang bigla akong nawalan ng gana. Birthday pa naman niya ngayon tapos mabubogbog lang siya.
"Kain ka pa...damihan mo," sabi niya sa akin ng iabot niya ang lalagyanan ng Spaghetti.
Nilingon ko siya, nginitian niya ako na para bang gusto niyang ipakita sa akin na ayos lang siya kaya hindi ko kailangang mag-alala.
Kinantahan muna namin siya ng Happy birthday bago niya hinipan ang candila sa cake niya. Siya na din ang nag slice no'n. Ang unang slice ay sa akin niya kaagad ibinigay.
Matapos ang kainan ay lumabas sila ni Tay Vinci. Naiwan kami ni Nanay sa loob para magligpit ng mga pinagkainan.
"Ako na dito. Ibigay mo na kay August ang regalo mo," sabi ni Nanay sa akin.
Hindi kaagad ako nakagalaw, nagdalawang isip pa ako kung susundin ko si Nanay. Pero sa huli ay sinunod ko siya. Saktong mag-isa na lang siya pagkalabas ko.
"Sinira nila ang bike mo?" gulat na tanong ko ng makita kong may pingkog ang harapang gulong ng bike niya.
Nilingon niya lang ako, matapos sa akin ay bumaba ang tingin niya sa plastick na hawak ko.
"Ano 'yang hawak mo?" tanong niya sa akin.
Gusto ko pa sanang itanggi pero hindi ko na nagawa.
"Uhm...r-regalo ko para sa 'yo," sagot ko sa kanya at tsaka inabot 'yon.
Nagliwanag kaagad ang mukha niya nang ilabas sa plastick ang sapatos na binili ko para sa kanya.
"Ito ba yung pinag-iipunan mo kaya ka nagpapagutom?" tanong niya sa akin.
Marahan lang akong tumango bilang sagot sa kanya.
Tumikhim siya, bumaba ang tingin sa sapatos.
"Iingatan ko 'to," sabi niya sa akin.
"Nagustuhan mo?" tanong ko.
"Gustong gusto ko," sagot niya sa akin.
"Kahit luma na 'yan?"
"Kahit luma na. Basta galing sa 'yo," sabi niya pa sa akin.
Sinukat niya 'yon sa harapan ko. Mas lalo kong napatunayan na worth it ang gutom ko dahil nagustuhan niya at bagay sa kanya.
"Bakit nila ginawa 'yon sa 'yo?" tanong ko habang ginagamot naming ang sugat niya.
Nagseselos daw ang boyfriend ni Angel, halata kasing may gusto ito kay August. Nakikipag-break na din daw si Angel dito.
"Baka alam ni Angel na crush mo siya kaya nakikipag-break na siya sa boyfriend niya," sabi ko.
"Hindi ko siya crush. Tutor lang niya ako," sagot niya sa akin.
"Sino ba kasi ang crush mo? Sabihin mo kay Angel para hindi na siya umasa," suwestyon ko.
Para hindi na din ako umasa.
Sandali siyang natahimik.
"Pag 18 na siya," sagot niya sa akin kaya naman nagulat ako.
"Bata pa ang crush mo?" tanong ko.
"Hindi naman masyado. Pero pag 18 na..." sagot pa niya, nakangisi.
"Kailan ba siya magb-birthday?" tanong ko.
Nagtaas siya ng kilay. "Kailan ba ang birthday mo?" tanong niya.
Humaba ang nguso ko. "September 3. Sabi ni Nanay kaya Aurora ang second name ko kasi mas maganda ang Aurora Borealis sa buwan ng March hanggang September. Alam mo yung Aurora Borealis?" tanong ko sa kanya.
Tipid siyang tumango sa akin.
Mawawala na sana sa isip ko ang pinaguusapan naming hanggang sa magtanong ulit ako.
"Kailan nga ang birthday ng crush mo?" pangungulit ko.
Ngumisi siya. "September 3," sagot niya sa akin kaya naman para nanaman akong binuhusan ng malamig na tubig.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro