Chapter 60
Wedding
Hindi tumigil si Nanay sa pang-aasar sa akin dahil sa naging tawag na 'yon mula kay August. Pilit ko namang itinatago ang kung ano mag emosyon dahil hindi siya lalo titigil kung makikita niyang may epekto 'yon sa akin.
"Mukhang kay Lola matutulog si Verity mamaya," natatawang pagkausap niya sa baby ko.
Panay ang tili nito, sinasagot niya ang Lola niya kahit hindi pa naman niya totoong nai-intindihan ang mga sinasabi ito. Gustong gusto ni Verity sa tuwing kinakausap siya, kahit kung ano lang ang sabihin mo ay siguradong sasagutin ka niya.
Natigil lamang ang pag-uusap namin ni Nanay nang makita namin ang pagdating ni Melanie. Malaki ang ngiti nito pagkapasok pa lang niya, kung maka-ngiti ay akala mo nakalutang sa ere. Kung hindi pa namin sisitahin ay mukhang hindi pa niya kami mapapansin.
"Aba't panay ata ang labas mo," biro sa kanya ni Nanay.
Nagulat pa siya nung una dahil sa biglaang pagpuna sa kanya nito. Kaagad siya napa-ayos ng tayo at lakad. Mabilis niyang itinago ang malaking ngiti niya kanina. Naglakad siya palapit sa amin at bumeso kay Nanay maging sa akin.
"Daldalera," tawag niya kay Verity na malaki kaagad ang ngiti nang makita ang Ninang Melanie niya.
Kay Melanie ata natuto ang baby ko na maging madaldal. Kung ano-ano din kasi ata ang ikinikwento niya dito sa tuwing hawak niya ang baby ko.
"Kumain lang po kami sa labas ng mga kaibigan...po," alanganing sagot niya kay Nanay. Natawa si Nanay dahil sa pagiging kabado ni Melanie sa pagsagot. Pabiro niyang hinampas ito sa braso.
"Walang kaso sa amin. Ang gusto lang naming masigurado ay mabuting tao ba 'yang kasama mo. Sigurado ba 'yan? Dahil pag sinaktan ka niyan...aba," sabi pa ni Nanay sa kanya.
Napanguso si Melanie at kaagad na naglahad ng kamay para yumakap kay Nanay. Sa tagal na naging magkasama kami ay napalapit na din talaga ang loob nila sa isa't-isa. Kung ituring din kasi ni Nanay ito ay parang anak na din niya kaya naman parang nagkaroon na din ako ng kapatid.
"Ikaw talaga Tita...kaya sa'yo ako e. Supportive!" sabi niya dito.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Supportive din naman ako ah," laban ko. Nagtawanan silang dalawa dahil sa sinabi ko. Matapos 'yon ay kaagad akong hinila ni Melanie para pareho niya kaming mayakap ni Nanay. Natawa kami nang makita naming nakikiyakap din si Verity sa amin. Napapagitnaan namin siya at mukhang gustong gusto niya 'yon.
"May boyfriend na si Ninang..." sumbong ko kay Verity.
Muling natawa si Melanie yung natawa na para bang may kasamang kilig pero pilit niyang itinatago.
"Wala pa..." depensa niya na mas lalo naming ikinatawa ni Nanay.
"So, magkakaroon na nga?" tanong ko. Hindi ko mapigilan ang maging excited para sa kanya. Nasaksihan ko noon kung paano siya umiyak dahil sinaktan siya ni Jericho. Kung paanong matapos niyang makabangon ay bumalik yung sakit nang malaman niyang may bagong girlfriend na ito.
Muling humaba ang kanyang nguso. "Nanliligaw..." maiksing sagot niya sa amin.
Mas lalo kaming kinilig ni Nanay dahil para sa kanya. Ikinwento ni Melanie sa amin tungkol sa businessman na nakilala niya sa party. Dahil interisado si Nanay sa manliligaw ni Melanie ay inimbita niya ito na papuntahin sa bahay para makilala din namin ng maayos.
"Sige po. Sasabihin ko po sa kanya," sabi ni Melanie sa amin.
Nagpahanda na din ng dinner si Nanay matapos namin makitang may dumating na message sa kanya. Mukhang may darating din itong bisita at kahit hindi niya sabihin ay alam na kaagad namin kung sino.
Hindi na lang kami nagsalita ni Melanie, pero nagkaintindihan naman kaagad kami dahil sa simpleng pagtitinginan lang.
Hindi nagtagal ay umuwi na din mula sa trabaho si August. Napatingin ako sa suot kong wrist watch. Masyado nga 'yong maaga sa normal na uwi niya. Hindi ko tuloy alam kung totoo ngang umalis siya sa kalagitnaan ng meeting nila.
"Meron din ako niyan..." natatawang pagbibida ni Melanie at ipinakita ang bouquet ng bulaklak na dala niya.
Pareho kaming hindi naka-imik ni Nanay nang makita namin ang pagdating ni Tay Vinci at August. Pareho silang may dalang bulaklak. Malaki kaagad ang ngiti ni August habang nakatingin sa akin. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang dalawang bulaklak. Ang isa doon ay malaki samantalang ang isa naman ay maliit, alam kong para kay Verity ang isang 'yon.
"Alam naming meron ka," nakangising sabi niya kay Melanie tukoy sa hawak niyang bulaklak. Hindi na ako magtataka pa kung kilala ni August ang manliligaw ni Melanie.
Lumapit kaagad siya sa akin at humalik sa pisngi matapos niyang iabot sa akin ang hawak niyang bulaklak. Matapos sa akin ay kinuha ni si Verity kay Nanay at inabot din sa anak namin ang bulaklak para sa kanya.
Mabilis na yumakap si Verity sa Daddy niya, humalik kaagad ito sa kanyang pisngi bago niya sinubukang isuot ang bulaklak na hawak kaya naman natawa kami.
"Dito ako kina Tay Vinci at Nay Fae," parinig ni Melanie.
Kaagad kong nilingon si Nanay na katabi na ngayon si Tay Vinci. Malaki din ang ngiti niya habang tinatanggap ang bulaklak na galing dito.
"Anong meron ngayon?' tanong ko.
Wala naman akong naalalang may espesyal na okasyon. Hindi ko alam kung bakit pareho silang may dalang bulaklak.
"Hindi naman kailangan ng okasyon para magbigay ng bulaklak," sagot ni Tay Vinci habang ang buong atensyon niya ay nakatuon lamang kay Nanay na titig na titig ngayon sa hawak niyang bulaklak.
Nawala lang ang atensyon ko sa kanila nang maramdaman ko ang paglapit ni August sa akin.
Kaagad kong naramdaman ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko, pilit na iniaalis ang kahit anong pagitan sa aming dalawa. Tahimik ang karga niyang si Verity, abala sa pagtingin sa hawak na mga bulaklak.
Bahagya din akong humilig kay August para marahang pisilin ang pisngi ng anak namin para sana kuhanin ang kanyang pansin. Hindi naman ako nabigo dahil sandali niya akong nilingon, may sinabi siya sa akin bago niya muling itinuon ang buong atensyon sa hawak na bulaklak.
"Meron din si Mommy," natatawang sabi ko sa kanya at ipinakita din ang hawak kong bulaklak.Dahil sa pagkausap ko sa anak namin ay narinig ko ang mahinang pagtawa ni August na para
bang naaliw siya dahil sa interaction na 'yon.
"Syempre meron pareho..." sabi pa niya sa aming dalawa.
Sabay sabay kaming nag dinner ng gabing 'yon. Napag-usapan na din ang tungkol sa wedding preparation at sa gaganaping dinner kasama sina Julio at Vera.
"Sa akin na muna si Verity," sabi ni Nanay pagkatapos ng dinner. Tulog na si Verity sa bisig niya. Mukhang mahimbing na din ang tulog ng nito kaya naman kahit kuhanin ko siya kay Nanay ay mukhang hindi naman siya magigising pa.
"Sa amin na lang po, Nay..." sabi ko.
Mas makakatulog si Nanay ng maayos kung hindi niya aalalahanin ang maya't mayang paggising para bantayan ito.
"Sa akin na muna. Mas gusto kong katabi si Verity, mas nakakatulog ako ng maayos," sagot niya sa akin.
Matapos niya sumagot sa akin at nakita ko ang tipid na pag ngiti niya sa katabi kong si August. Para bang sa simpleng tinginan at ngiti nilang 'yon ay nagka-intindihan na sila.
"Sigurado po kayo, Nay?" nagtatakang tanong ko. Para kasing baliktad 'yon sa naiisip ko.
Kaagad na tumango si Nanay bilang pag-sangayon. Dumiretso sila ni Verity sa kwarto ni Nanay. Sandali akong nagpaalam na kukuhanin ko sa loob ng kwarto namin ang ibang gamit niya para ilipat doon.
"Can I sleep here?" tanong ni August na nakasunod pala sa akin.
"Huh?"
Nagtaas siya ng kilay. "Tulog ako dito," pag-uulit niya. Ngayon hindi na tanong kundi sigurado na siya.
Hindi na ako naka-imik pa. Mabilis ang kilos ko sa pagkuha ng mga gamit ni Verity para ilipat sa kwarto ni Nanay. Walang lingon-lingon akong lumabas ng kwarto, hindi na din naman na nagsalita pa si August.
Naka-ayos ng higa si Verity sa gitna ng malaking kama ni Nanay. Hindi na talaga mapipigilan ang pagtulog niya dito dahil halatang kumportable na masyado ang baby ko sa higa at tulog niya.
"Sigurado po talaga kayo, Nay? Kung dito na lang din po kaya ako matulog?" tanong ko sa kanya.
Para sana kung sakaling magising si Verity ay ako ang babangon at hindi siya.
Lumapit na si Nanay sa akin, siya na mismo ang kumuha ng mga gamit na dala ko.
"Iiwan mo ang asawa mo mag-isa doon?" tanong ni Nanay sa akin.
Walang pagaatubili akong tumango bilang sagot.
"Malaki na po si August, Nay. Kaya na po niya ang sarili niya," sagot ko pa. Tinawanan ako ni Nanay, ngunit habang ginagawa niya 'yon ay pansin ko din ang marahang pagtulak niya sa akin palabas ng kanyang kwarto.
"Nay, hindi po ako pwede dito?" tanong ko sa kanya. Sinadya kong iparinig sa kanya ang pagtatampo sa boses ko.
"Pwede naman. Pero hindi ngayon...bonding namin 'to ni Verity," sabi pa niya sa akin.
Huli na ang lahat dahil sa isang iglap ay napansin ko na lamang na nasa labas na ako ng pintuan, hawak na din ni Nanay ang doorknob, para bang handa na talaga siyang pagsarhan ako ng pintuan para lang umalis na ako at bumalik sa aking sariling kwarto.
"Ilang araw abala ang asawa mo sa trabaho. Umuwi siya ng maaga para magkaroon ng oras para sa inyo ni Verity. Hindi palaging ganito...hayaan mong ma-solo ka ng asawa mo," sabi ni Nanay sa akin.
Mas nagulat ako ng matapos niyang sabihin 'yon ay nakita ko pa kung paano siya kumindat sa akin.
Wala na akong nagawa pa kundi ang maglakad pabalik sa aking kwarto. Saktong pagpasok ko ay kalalabas lamang din ni August sa banyo.
Nakita ko kung paano siya humikab. "Tulog na tayo?" tanong niya sa akin.
Saling nagtagal ang tingin ko sa kanya, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit imbes na mapanatag ako ay parang nakaramdam pa ako ng pagkadismaya.
Ano pa ba kasing inaasahan mong ibang mangyayari Vesper?
"Mag-aayos lang ako sandali," paalam ko sa kanya.
Nag-aayos na siya at mukhang naghahanap na ng pwesto para makatulog nang pumasok ako sa banyo. Dahil sa kung anong nararamdaman ay kaagad akong lumapit sa may sink para maghilamos. Baka kailangan ko lang mahimasmasan...baka kailangan ko lang malamigan.
Hindi na ako nagtagal pa sa banyo at kaagad na lumabas. Maayos na ang higa ni Auguts sa kanang bahagi ng kama, ramdam ko ang tingin niya sa akin at ang pagsunod no'n hanggang sa makalapit ako.
Siya na mismo ang naghawi ng comforter para makapasok ako sa loob.
"Balita ko uulanin tayo buong linggo ngayon dahil sa bagyo," sabi niya sa akin.
Hindi ko 'yon alam, masyado kasi akong abala sa wedding preparation kaya naman pati ang balita ay wala na din sa oras para mapakinggan ko pa. Napanguso ako, pwede na maging reporter. Gusto ko sana siyang asarin tungkol doon, pero naisip ko na normal lang naman 'yon lalo na't importante din sa trabaho niya na malaman ang lagay ng panahon.
"At medyo malamig na din," pahabol ko pa.
Nagtaas siya ng kilay. Hindi ko alam kung bakit parang biglang nagkaroon ng nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa dahil sa sinabi ko. Wala namang mali doon. Totoo namang malamig ang paligid.
Nag-iwas na lamang ako ng tingin sa kanya at umayos na din ng higa. Ang nakuha kong kumportableng higa ay nakatalikod sa kanya. Matutulog lang naman kami kaya wala naman sigurong kaso kay August kung tatalikod ako sa kanya gayong...matutuglo lang naman kami.
"Uhm...ok," sambit niya.
Hindi ko alam kung para saan 'yon. Ngunit ng sinubukan kong lingonin siya para sana itanong kung para saan yung sinabi niya ay hindi na ako naka-imik at nakagalaw pa ng maramdaman ko ang paggalaw niya, umusod siya sa aking gawi para yakapin ako ng patalikod.
"Uhm...teka," sambit ko.
Akala ko ba tulog lang?
"Why?" marahang tanong niya.
Dahil sa rahan no'n ay ramdam ko ang hininga niya sa likod ng tenga ko. Ramdam ko din kung paanong tumaas ang balahibo sa buong katawan ko dahil sa kakaibang sensasyong dala no'n.
"W-wala..." pagsuko ko na lamang at kaagad na umayos ng higa patalikod sa kanya. Hinayaan kong yumakap siya sa akin, wala namang kaso. Pwede namang yumakap kahit matutulog lang kami.
Pero ang posisyong 'yon ay nagbigay sa akin ng madaming ala-ala. Lalo na nang maramdaman ko kung paano dumikit ang sa kanya sa bandang pwetan ko. Na para bang siya mismo ang nagdidikit no'n sa akin. Gusto niyang maramdaman ko.
Kasabay no'n ay ang mas lalong paghigpit ng yakap niya sa akin.
"I miss you..." marahang bulong niya, doon mismo sa aking tenga.
Hindi pa ako nakakasagot ng kaagad na dumampi ang maiinit niyang labi sa aking balat, sa parte na pinaka sensitibo sa lahat.
"Uhm...August," tawag ko sa kanya. Sinubukan kong lingonin siya pero hindi na niya ako hinayaan pa.
Nagsimula na siyang humalik sa leeg ko dahilan para mapahawak ako sa braso niyang nakapulupot sa bewang ko. Humigpit ang hawak ko doon dahil sa kakaibang sensasyong dala ng ginagawa niya sa akin.
"I miss you..." pag-uulit niya. Kahit halos ilang araw lang ang nakalipas ng huling may nangyari sa amin.
"Ahh..." mahinang daing ko.
Ang kanang kamay niya ay kaagad na naglakbay pababa sa gitna ng aking mga hita para pagpartehin ito. Hindi naman siya nahirapang gawin 'yon dahil tanging puting satin night dress lang ang suot ko.
"Uhmm..." impit ng ungol na daing ko.
Mabilis nahanap ng kanyang mga kamay ang lugar na gusto niyang mahawakan.
"August!" daing ko.
Bukod sa nararamdaman ko ay mas lalo ko din siyang naramdaman sa likuran ko. Ramdam ko ang umbok ng sa kanya.
"This is spooning..." sabi niya, ramdam ko ang ngisi doon.
Marahan akong napatango habang halos mabaliw ako sa sensasyong dala ng paglalaro ng kamay niya doon sa akin.
"A-alam ko..." laban ko kaya naman muli kong narinig ang pag ngisi niya.
Walang kahirap hirap na nahubad ni August ang suot kong underware. Sa isang iglap lamang din ay wala na siyang suot na kahit na ano pa.
"Ughh..." mahinang daing ko. Matapos kasi niyang pasadahan ng hawak ang sa akin ay kaagad niyang itinaas ang kanang binti ko.
Ramdam ko ang lamig at basa doon dahil sa ginawa niyang pagparte.
Napa-awang na lamang ang aking bibig ng dahan dahan niyang pinag-isa ang sa amin sa paborito niyang posisyon.
Hindi ko halos malaman kung saan kinukuha ni August ang lakas niya ng gabing 'yon. Hindi ko na halos mabilang pa kung ilang beses naming narating ang sukdulan. Napapakapit na lamang ako ng mahigpit sa kumot sa tuwing ramdam ko ang panggigigil niya.
Dumagan na siya sa akin pero pilit niyang pinapanatili ang posisyon naming 'yon.
"Mahal na mahal kita, Vesper..."
Gusto kong sumagot. Pero dahil sa hingal ay pagod ay napatango na lamang ako, habol ko pa ang aking hininga ng siilin niya ako ng halik, pero nagawa ko pa ding suklian 'yon.
Tunay ngang mabilis lang lilipas ang bawat araw. Dahil habang abala kami sa lahat ng bagay ay unti-unting nagsi-sink in sa akin na halos ilang araw na lang ay muli kaming haharap ni August, hindi lang sa tao kundi sa Diyos para mangakong magsasama habang buhay.
"Pero, Si Damien na kasi talaga ang Doctor ni Verity noon pa man," paliwanag ko sa kanya. Hanggang ngayon ay parang allergic pa din siya sa presensya ng aking matalik na kaibigan. Na-iintindihan ko naman na hindi madali, lalo na't muntik na ding mahulog ang loob ko kay Damien.
Dahil sa mga panahong nahihirapan ako, sa mga panahong mahina ako...si Damien ang nandyan para tumulong. Dahil sa kabila ng lahat ng 'yon ay wala siyang hiningi na kahit anong kapalit sa amin.
"Papa August...sayong sayo na si Mommy Vesper. At hindi na din iba si Damien sa amin...para na nga kaming magkakapatid na tatlo," sabi pa ni Melanie.
Sinubukan niyang tumulong na pagaanin ang sitwasyon. Pero pareho kaming napatahimik ng tumikhim si August at magtaas ng kilay matapos niyang marinig ang sinabi ni Melanie na magkaptid ang turing naming tatlo sa isa't isa.
"Am I really welcome here?" nakangising tanong ni Damien pagkadating niya.
Mukhang pansin niya ang nakabusangot na mukha ni August.
"Oo naman..." alanganing sagot ko sa kanya bago ko nilingon si August na hawak si Verity ngayon.
Sa klase ng pagkakakarga niya sa anak namin ay para bang ayaw niya ding ibigay ito kay Damien.
Pero wala na din siyang nagawa sa huli. Kailangang ma-check-up ni Verity.Kung abala kaming nitong mga nakaraan ay mas doble ang magiging preparasyon para sa aming kasal.
"Magkapatid nga kayo ni Julio," sabi ni Damien.
Natawa na lamang kami ni Melanie. Hanggang sa muling magsalita si Damien.
"Wag kang mag-alala...may iba na akong gustong ligawan," sabi ni Damien habang ang buong atensyon niya ay nasa kay Verity pa din.
"Talaga?" tanong ni August.
Mukhang ngayon lang siya naging interisado kay Damien. Mas inunahan pa niya kami ni Melanie na magtanong.
Ngumisi si Damien, mukhang maging siya ay nagulat din na kay August niya nakuha ang tanong na 'yon at hindi sa amin ni Melanie.
"May liligawan pa lang..." sagot naman ni Damien sa kanya.
"Ligawan mo na," si August pa din. Isa't kalahating sigurista talaga ang magkapatid na Escuel na 'to.
Hindi kaagad nakasagot si Damien. Ngumisi muna siya bago niya sinuguradong ayos na si Verity at ibinalik na niya ito kay August.
"Hindi pa pwede," sagot ni Damien sa kanya.
Kaming tatlo ay nakatingin sa kanya. Patuloy na naghihintay ng sagot. Ramdam niya 'yon kaya naman kahit hindi na kami magtanong pa ay nagpatuloy na siya sa pagsagot.
"Nasa maling tao pa..." sabi niya at tsaka natawa sa kanyang sarili.
"Kuhanin mo na..." inis na sabi ni August. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging interisado kay Damien.
Hindi namin nakuha ang eksaktong sagot kung sino ang babaeng tinutukoy ni Damien. Pero alam namin ni Melanie na darating ang araw na magiging masaya din si Damien kasama ang taong 'yon. Sobrang swerte ng babaeng mamahalin niya.
"Nay...wala pa po," natatawang puna ko kay Nanay.
Nasa loob pa lamang kami ng bridal car. Panay na ang iyak niya. Na-iiyak din ako, pero sa sobrang kaba ay halos walang luha na lumabas sa mga mata ko.
"Sobrang saya ko lang..." natatawang sabi niya sa akin habang panay ang pagpahtid ng luhang patuloy na tumutulo sa kanyang pisngi.
Inilabas ko ang kamay ko para abutin ang pisngi niya.
"Salamat po sa lahat Nay..." sabi ko.
Halos pumiyok na din ako.
"Wala po ako ngayon dito kung hindi dahil sa inyo. Wala po ako ngayon dito kung hindi niyo ipinakita sa akin kung paano maging matapang...kung paano maniwala na darating din ang araw na magtatagumpay ka," sabi ko sa kanya.
Marahan siyang umiling. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang pisngi.
"Sayo ako dapat magpasalamat, Vesper. Hindi ako magiging matapang kung ako lang mag-isa...ikaw ang nagbigay ng lakas sa akin. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko," sabi pa niya sa akin.
Doon na tuluyang namuo ang luha sa aking mga mata.
Dahan dahang bumukas ang pintuan ng simbahan. May kung anong nabuhay sa loob ko, sunod-sunod na nag-flash ang mga ala-ala. Masasaya man hanggang sa pinakamasakit.
Hindi man natin gustong alalahanin ang ibang parte ng buhay natin, hindi natin 'yon ma-iiwasan dahil kasama 'yon sa bumuo kung ano tayo sa kasalukuyan...at kung magiging ano tayo sa hinaharap.
Looks like we made it
Look how far we've come, my babyWe mighta took the long wayWe knew we'd get there someday
Tumugtog ang kanta na napili namin ni August hudyat na kailangan ko ng maglakad sa harapan ng altar, palapit sa lalaking pinili kong makasama habang buhay. Sa hirap man o sa ginhawa.
They said, "I bet they'll never make it"But just look at us holding onWe're still together, still going strong
Tunay ngang hindi palaging papabor sa 'yo ang tadhana. Pero hindi din palaging kokontra ito sa atin. Sadyang may mga bagay na kailangan lang nating hintayin, kailangang tanggapin, at kailangang pagsumikapan.
As long as you moved with pure intention, you'll always gonna win in every aspect of life. Because the best view comes after the hardest climb.
"Tama ang naging desisyon ko noon," sabi ni Nanay habang naglalakad kami palapit sa altar.
Malaki ang ngiti ni August, halos hindi maalis ang tingin niya sa akin. Nilingon ko si Nanay at tipid na nginitian. Tadhana? Naniniwala kami doon, pero minsan kailangang ikaw mismo ang gumawa ng tadhana mo.
Muling nagbalik sa akin ang naging dahilan para mapalapit kami sa mga Escuel.
"Nay, saan na po tayo pupunta?" tanong ko sa kanya matapos naming layasan si Tatay dahil sa pananakit nito sa akin. Kita kong wala na din sa tamang pag-iisip si Nanay. Gulong gulo na din siya.
"Ang babait talaga ng mga Escuel...sobrang swerte, paano kaya maging parte ng pamilya nila? Magpapa-ampon na lang ako," rinig naming sabi ng dalawang babaeng dumaan sa harapan namin.
Hindi ko na sana papansinin pa. Pero nag-angat ako ng tingin kay Nanay ng mapansin kong imbes na dumiretso ay hinila niya ako sa gawi kung saan nanggaling ang mga babae.
"Alam ko na kung saan..." sabi niya sa akin.
Hindi nabigo si Nanay, dahil ang pagliko namin sa ibang direksyon ay nagbigay ng daan para makapasok kami sa mansion ng mga Escuel, makapasok sa buhay nila...at ngayon magiging parte na.
"Bago mo pa naging pangarap si August...nauna akong nangarap na makasal ka sa kanya," pag-amin niya pa sa akin.
"Wala tayong ginawang mali. Sadyang umayon lang sa atin ang pagkakataon." sabi ni Nanay na kaagad kong sinang-ayunan.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro