Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 56

Ring








Dinaman ko ang init ng yakap ni August. Kahit ramdam ko 'yon, may kung ano pa din sa akin ang hindi makapaniwala na nandito nga siya. Naka-uwi siya...umuwi na ulit siya.

May mga pagbabalik na alam mong panandalian lamang. Na bumalik pero alam mong hindi magtatagal, ngunit ang yakap niyang 'yon, yung mga salitang sinabi niya...alam kong magtatagal. Alam kong sa pagbabalik niyang 'to, hindi na ulit siya aalis pa.

"Ehem...nauubo ako," pagpaparinig ni Melanie na may kasama pang pag-ubo talaga.

Narinig ko din ang tawa ni Tay Vinci na nanatiling nakatayo hindi kalayuan sa amin. Ramdam ko ang tingin nila sa amin ni August, sa kung paano ako halos tumakbo palapit sa kanya para yakapin siya.

"Umuwi ka..." mahinang sambit ko ulit. Hindi pa din ako makapaniwala.

Humigpit din lalo ang yakap niya sa akin. Ramdam ko ang marahan niyang pagtango.

"Umuwi na." paninigurado niya sa akin.

Tsaka lang ako dahan dahang humiwalay ng yakap sa kanya ng mahusto na ako. At narinig ko na din ang boses ni Nanay mula sa loob ng bahay. Mukhang nalaman na din nila ang pagdating nina August kaya naman lumabas na din sila. At alam kong wala akong mukhang ihaharap kung sakaling maabutan niya ako sa ganoong sitwasyon.

"Kamusta ang naging byahe niyo?" tanong ni Nanay sa kanila pagkalabas niya mula sa bahay.

Dahan dahan akong lumayo kay August, ramdam ko ang tingin niya sa akin habang ginagawa ko 'yon. Para bang nagtataka din siya dahil sa paglayo ko, samantalang kanina ay kung makayakap ako sa kanya ay parang ayoko na siyang bitawan.

"Maayos naman ang naging byahe. Medyo na-traffic lang kami pauwi kaya inabutan ng dilim," mahabang paliwanag ni Tay Vinci kay Nanay.

Nilingon ko silang dalawa, sandali pang nagtagal ang tinginan nila bago nag-iwas ng tingin si Nanay at itinuon 'yon kay August.

"August, Anak..." tawag niya dito.

'Yon na ang naging hudyat ko para tuluyang lumayo sa kanila.

"Vesper..." tawag niya sa akin pero hindi ko na siya pinakinggan.

Rinig ko pa ang mga binubulong ni Melanie, hindi ko na kailangan pang marinig 'yon ng malinaw dahil halata namang puro pang-aasar 'yon.

"Puntahan ko lang po si Verity," paalam ko kay Nanay.

Hindi na din nagtagal ang tingin ko sa kanya, pakiramdam ko kasi ay kung magtatagal pa ay aasarin niya lang ako kagaya ni Melanie.

"Mommy Vesper saan ka pupunta? Magp-propose ka pa," pang-aasar niya sa akin.

Kaagad ko siyang pinandilatan ng mata kaya naman mas lalo siyang natawa. Habang naglalakad papasok sa bahay ay ramdam ko ang tingin nila sa akin, para bang kahit hindi ko makita ay ramdam 'yon ng likuran ko.

"Asaan na ang pag-propose?" rinig kong tanong pa ni Melanie kay naman mariin na lamang akong napapikit.

Hindi talaga mapigilan ang bunganga ng isang 'yon. May sinasabi pa siya, mas lalo ko na lamang binilisan ang lakad ko kesa naman marinig ko pa 'yon.

Saktong pagpasok ko sa may living room ay kabababa lang din ng kasambahay na may karga kay Verity.

"Si Mommy..." sabi niya dito.

Halatang kakagising lang ng baby ko, panay pa ang pagkusot nito sa kanyang mata gamit ang likod ng kanyang palad. Nang marinig niya ang salitang Mommy ay kaagad siyang nagpalinga-linga para hanapin ako.

Nagliwanag kaagad ang mukha niya nang magtagpo ang aming mga mata. Itinaas ng kamay para kaagad na magpakarga. Walang pagdadalawang isip kong kinuha ang baby ko, yumakap kaagad ang maliliit niyang braso sa leeg ko at humalik pa sa pisngi ko.

"Ang sweet ng baby ko..." malambing na sabi ko sa kanya.

Ilang beses ko din siyang pinaulanan ng halik sa kanyang leeg at pisngi. Ramdam ko ang kiliti niya doon, pero mukhang may iritasyon pa din dahil kakagising lang niya.

"Nagpahanda ako ng pagkain..." rinig kong sabi ni Nanay.

Sa lakas ng boses niyang 'yon ay alam ko na kaagad na papasok na din sila dito sa loob ng bahay. Bahagyang humigpit ang hawak ko kay Verity. Umayos siya ng pagkakakapit sa akin, kaagad niyang nilingon ang pinanggalingan ng boses.

"Tamang tama...gutom na din ako," rinig ko pang sabi ni Tay Vinci.

"Walang nagtatanong..." sagot ni Nanay.

Mula sa may front door ay narinig ko ang pagtawa ni Melanie at ni August dahil sa isinagot ni Nanay kay Tay Vinci.

Nag-ingay si Verity at halos pilit na kumawala sa akin ng makita na niya ang Daddy niya.

"Verity..." tawag ni August sa kanya.

Mabilis niyang kinain ang malalaking hakbang para makalapit sa amin. Walang pagdadalawang isip na sumama ang baby ko sa Daddy niya. Pagkakarga sa kanya ni August ay itinaas pa niya ito sa ere at tiningnan bago hinalikan sa pisngi at niyakap ng mahigpit.

"Na miss ka ni Daddy..." malambing na sabi niya dito.

Tahimik ko silang pinanuod na dalawa, maging sina Nanay, Tay Vinci, at Melanie ay pinapanuod ang tagpong 'yon nilang mag-ama.

Nagtagal ang tingin ko kay Melanie na nakahawak sa kanyang dibdib at naka-nguso pa habang nakatingin kina August at Verity.

Hindi nagtagal ay napansin niya ang tingin ko sa kanya kaya naman nagtaas siya ng kilay na para bang may na-isip nanaman siyang kalokohan niya.

"Si Mommy hindi na-missed?" pagpaparinig niya kay August.

Naramdaman ko kung paano namanhid ang magkabilang pisngi ko dahil sa pag-init nito. Kung kanina ay halos manigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagtatama ng mga balat naming dalawa sa pagkuha niya kay Verity ay mas lalo na ngayon.

Narinig ko ang mahinang pag ngisi ni August, inayos niya ang pagkakakarga kay Verity bago niya ako nilingon. Ganoon na lamang ang gulat ko ng ang isa niyang braso ay kaagad na pumulupot sa bewang ko para hilahin ako palapit sa kanya.

"Syempre..." sagot niya bago siya humilig ang humalik sa ulo ko.

Mas lalong namilipit si Melanie sa kinatatayuan niya para kunwaring itago ang kilig. Nakita ko din kung paano ngumiti si Nanay, maging si Tay Vinci ay alam kong gusto ding tumulad sa dalawa at mang-asar.

"Kumain na tayo, siguradong gutom na si August," sabi ni Nanay.

Kahit mahigpit pa din ang kapit niya sa bewang ko na mukhang gustong gusto niya ay ako na mismo ang lumayo.

"Kain na..." sabi ko at tinangkang kukuhanin si Verity sa kanya pero nilayo niya ito sa akin.

"Gusto pa sa akin," nakangising sabi niya.

Bahagyang tumalim ang tingin ko sa kanya, wala sa sarili akong napa-irap kaya naman mas lalo siyang napangisi.

"Suplada," sambit niya bago niya binalik ang pagkakakapit ng braso niya sa bewang ko.

Ganoon ang posisyon namin habang naglalakad kami papunta sa may dinning room.

Kaya naman nasa amin ang atensyon ng lahat. Hindi ko na lang sinalubong ang mga tingin nila sa amin, nanatili ang tingin ko sa mga pagkain na nakahain sa itaas ng lamesa.

"Sweet..." parinig ni Melanie.

Natawa si Nanay Fae.

"Nung cake..." pahabol pa niya kaya mas lalo silang natawa.

Hindi ko na lamang pinansin pa. Binitawan niya ang bewang ko ng ipaghila niya ako ng upuan. Walang kahirap hirap niyang ginawa 'yon kahit pa buhat niya si Verity.

Kita sa mukha ni August ang ilan pang mga sariwang sugat at mga pasa. Hindi din lingid sa kaalaman namin na hanggag ngayon ay may iniinda pa din siyang sakit ng katawan dahil sa mga nangyari.

Kaya naman pagkatapos kumain ay mabuti na 'yong magpahinga siya at matulog. Siguradong wala din siyang maayos natulog simula ng mapunta siya sa kulungan. Sino ba naman kasi ang makakatulog ng maayos sa lugar na 'yon.

"Pinahanda ko ang lahat ng paborito ko...sabi ni Vesper ito daw yung mga 'yon," sabi ni Nanay.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Naramdaman ko pa kung paano ako nilingon ni August, sandaling nagtagal 'yon na para bang inaasahan niyang lilingon ako pabalik, pero hindi ko 'yon magawa.

Para saan pa? Kanina pa niya alam na pinaghandaan ko talaga ang pag-uwi niya ngayon kahit wala namang kasiguraduhan. Kahit nagduda ako na darating nga talaga siya ay nagawa kong paghandaan pa din.

"Ito nga po..." nakangiting sagot ni August sa akin.

Habang nasa hapagkainan ay napag-usapan din nila ang tungkol sa kaso, hindi ko man masyadong nasundan 'yon ay naging malinaw naman sa akin ang ibang detalye. Kagaya na lamang ng pagkakasangkot ni Dennice sa lahat ng 'to.

"Hindi ko din akalain. Iba ang pagkakakilala ko sa kanya noong nasa ibang bansa pa kami," sagot ni August sa mga tanong ni Nanay sa kanya tungkol kay Dennice.

Malungkot na tumango si Nanay na para bang may naalala din siya.

"Hindi ko din inakala na magagawa niya 'to. Buong akala ko ay kilala ko na siya...masyado akong nagtiwala sa kanya."

Si Dennice kasama ang mga dating investors ni Don Joaquin na malaki ang galit sa kanya ang may pakana ng lahat ng 'to. Medyo magiging mahirap lang mahuli ang mga ito dahil hindi kagaya ni Dennice ay nagtatago sa ibang bansa ang mga ito.

Sa madaling salita ay si Dennice ang ginamit nila para mag-espiya dito, at gawin ang lahat ng plano nila.

"Kailangan nating tanggapin na may mga tao talagang hindi pa natin lubos na kilala. Na sa kabila ng lahat ng kabutihan na ipinakita mo sa kanila ay sasaktan ka pa din...at hindi mo kasalanan 'yon."

Marahang paliwanag ni Tay Vinci kay Nanay. Matapos kasi itong magsalita tungkol kay Dennice ay bigla na lang siyang natahimik na para bang kinain siya ng lalim ng iniisip niya.

"Iniisip ko lang kung baka nagkulang ako sa kanya? Kung may pagkakataon bang na-iparamdam ko sa kanya na iba siya...kaya niya nagawa sa akin 'to?" malungkot na tanong ni Nanay.

Dahil sa pagiging malungkot nito ay nakita namin kung paano siya marahang hinaplos ni Tay Vinci sa kanyang likuran para pakalmahin.

"Hindi ka nagkulang sa kanya. Marahil siya ang hindi nahusto sa pagmamahal at tiwalang ibinigay mo sa kanya," paliwanag pa ni Tay Vinci.

Matapos niyang sabihin 'yon kay Nanay ay nakita ko kung paanong dahan dahang umaliwalas ang kanyang mukha na para bang nabawasan ang bigat na nararamdaman niya kahit papaano.

May sinabi pa si Tay Vinci sa kanya na silang dalawa na lang ang nakarinig. Matapos kasi 'yon ay humilig siya kay Nanay at ibinulong na lang halos ang mga sumunod pa.

Nilingon ko si Melanie na kanina pa din nakangisi habang pinapanuod silang dalawa. Hindi ko na kailangang magsalita pa. Nagkatinginan lang kaming dalawa ay alam na kaagad naming dalawa kung bakit.

Mukhang maraming nangyari nang mawala kami ni August. Maraming nagbago sa ilang araw na 'yon. Tunay nga pwedeng magbago ang lahat sa isang iglap lang, pwedeng sa mga pangyayari, pwedeng sa mga taong nakapaligid sa'yo...yung nararamdaman mo, yung pagmamahal mo.

Pwedeng magbago ang lahat sa isang iglap lang.

"Akin na muna si Verity. Kailangan mong magpahinga," sabi ko kay August matapos naming kumain.

Hindi kaagad niya inabot si Verity sa akin na para bang nagdadalawang isip pa siyang gawin 'yon.

"Gusto kong magpahinga, pero gusto ko din sana kayong kasama..." sabi niya.

Kumunot ang noo ko, medyo hindi nakuha kung anong gusto niyang mangyari.

"P-pwede naman mamayang pag gising mo," paalala ko sa kanya.

"Hindi 'yon sapat..." sagot pa niya kaya naman mas lalong kumunot ang noo ko.

Hindi ako naka-imik, hanggang sa siya na mismo ang sumuko at napangiti na lang.

"Sige sa susunod na lang," sabi niya pa sa akin.

Sandali niyang hinalikan sa ulo si Verity bago niya ito ma-ingat na inabot sa akin. Sumama naman kaagad sa akin ang anak namin, pero matapos niyang makalipat sa akin ay nilingon niya ang Daddy niya na para bang nagtataka siya, nagtatanong kung bakit kaagad siya ibinalik sa aking gayong gusto pa niyang magpabuhat dito.

Napangiti si August nang makita niya kung paano tumingin ito sa kanya. Marahan niyang hinawakan ang ulo nito.

"Magpapahinga muna si Daddy..." malambing na sabi niya dito.

Hindi na ako umimik pa at hinayaan siyang magpahinga. Kung sasagot pa kasi ako ay baka magtagal pa at hindi pa siya makapasok sa kwarto niya. Mukha kasing kung kakausapin ko pa ay sasagot pa.

Habang nagpapahinga si August ay bumalik kami ni Verity sa kwarto. Kinakausap ako ng baby ko na para bang sinasabi siya tungkol sa Daddy niya. Tumatango ako at ngumingiti na para bang na-iintindihan ko yung sinasabi niya kahit ang totoo ay hindi.

"Magpapahinga nga daw," sabi ko pa sa kanya bago siya natawa.

Dumapa siya sa itaas ng kama at pinaglaruan ang dulo ng unan. Kinuha ko ang mga rubber toy niya para may iba pa siyang pagkaabalahan.

Tahimik lang sana kaming magpapahinga ni Verity ng makarinig kami ng pagkatok, hindi pa man ako nagsasabi na pwede ng pumasok ay kaagad na bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Melanie.

"Asaan na ang proposal? Kanina pa ako naghihintay," giit niya. Matapos 'yon ay kaagad na tumawa kaya naman napa-irap ako sa kawalan.

Hindi pa siya nakuntento. Inilabas pa ang phone para kunwaring may hanapin.

"Maghahanap na ba ako ng wedding venue? Wedding coordinator?" sunod sunod na tanong niya sa akin.

Nagpabalik-balik siya ng lakad sa harapan namin ni Verity kaya naman kaagad kong dinampot ang isa sa mga unan at kaagad siyang binato.

Nang matamaan ay natawa na lamang din siya. Matapos 'yon ay tumili kaya naman sandaling napahinto si Verity sa paglalaro niya dahil sa gulat.

Nanigas siya habang hawak ang pinaglalaruan, namula ang mukha at badyang iiyak na sana ng kaagad na lumapit si Melanie sa kanya para aluin ang baby ko.

"Sorry na si Ninang. Kinikilig lang ako..." natatawang pagkausap niya kay Verity.

Tiningala siya nito na para bang na-iintindihan niya ang sinasabi ng Ninang niya. Namumula pa din ang mukha niya, may namuong luha sa kanyang mga mata pero hindi na natuloy pa ang dapat sanang pag-iyak.

Sa huli ay nakipagsagutan siya dito na para bang nagkaka-intindihan talaga silang dalawa. Biglang ako na ngayon ang hindi makasunod sa kanilang dalawa.

"Si Mommy kasi ang tapang kanina. Pag dating ni Daddy naputol ang dila..." natatawang kwento niya kay Verity kaya naman ilang beses akong napa-irap sa kawalan.

Tawang tawa siya habang sinasabi ang lahat ng 'yon sa baby ko. Sumasagot si Verity at suma-sangayon. Palibhasa ay mukhang kakampi na talaga siya ng Daddy niya.

Nang makapagphinga na si August at nakabawi na ng lakas ay nag-umpisa na sila ni Julio na ayusin ang lahat. Nalinis na din ang pangalan niya sa media at gumugulong na ngayon ang kaso para sa tunay na may sala.

Stable na din ang lagay ni Don Joaquin sa hospital kaya naman kahit papaano ay nagkaroon kami ng pag-asa lalo na ang magkapatid na magiging maayos din ang lahat. Na may chance pa na maging maayos ang relasyon nila sa Lolo nila.

"The company needs their CEO," sabi ni Julio sa kapatid niya.

Nakita ko kung paano bayolenteng nagtaas baba ang adams apple ni August, bahagyang lumukot ang noo dahil sa pagkakakunot nito. Pinaglalaruan ng kanyang mga daliri ang pang-ibabang labi habang malalim ang kanyang iniisip.

"Sa ating dalawa...ikaw ang higat na may kakayahang patakbuhin ang companya Kuya August," paliwanag pa ni Julio sa kanya.

Napabuntong hininga siya. Umayos ng upo at nilingon ako.

"You think I can do it?" seryosong tanong niya sa akin.

Napa-awang ang bibig ko. Hindi kaagad ako nakasagot hanggang sa ma-realize ko na seryoso siya sa tanong niya sa akin.

Na para bang ang magiging desisyon niya ay nakasalalay sa isasagot ko sa kanya.

Nilabanan ko ang tingin niya sa akin kahit pa para akong malulunog sa lalim no'n.

Marahan akong tumango. "Oo naman, kaya mo 'yan..." sabi ko sa kanya.

Tipid siyang ngumiti sa akin, hanggang sa magulat ako nang maramdaman ko ang kamay niyang humawak sa kamay kong namamahinga sa itaas ng aking binti.

"Samahan moa ko kung ganoon..."

"Huh?"

Hindi ko kaagad na-intindihan yung sinabi niyang 'yon. Hanggang sa dumating ang araw ng pagbabalik niya sa companya nila. Sinama niya kami ni Verity, si Nanay at Melanie ang pumili ng isu-suot ko.

Bagay lang 'yon sa suot ni August. 'Yon na ata ang pinaka-formal na damit na na-isuot ko. Kabado man ay ipinaalala naman sa akin ni Nanay na wala akong dapat ikabahala, at kasama ko naman si August. Kasama namin ni Verity ang Daddy niya.

Mahigpit ang hawak ni August sa kamay ko habang papalapit ang sasakyan sa kanilang companya. Hindi nagkakalayo ang kulay ng damit namin ni Verity.

"Ready?" tanong ni August sa akin.

Wala sa sarili akong tumango bilang sagot sa kanya. Palapit pa lang ang sasakyan ay nagkakagulo na ang mga reporter sa harapan ng companya.

Matapos kasi ang tungkol sa kaso ay ngayon na lang ulit nila makikita si August. Kaya naman hindi na nakapagtataka na pagkaguluhan siya.

"Sa likod tayo dadaan," sabi niya sa driver.

Kaya naman mas lalong nagkagulo ang lahat ng huminto sandali ang sasakyan sa harapan nila pero hindi naman kami bumaba. Halos habulin nila kami, mabuti na lamang at kaagad silang napigilan ng mga guard.

"Ayaw ng baby ko ng ma-ingay..." nakangising pagka-usap niya kay Verity.

Tumawa ang baby ko habang nakatingala sa Daddy niya na para bang sang-ayon talaga siya sa sinabi nito.

Nakakalula ang laki ng companya nila mula sa labas. Kaya naman hindi na ako nabigla pa ng makita ko ang loob. Hindi naman na ako dapat pang mabigla, alam ko naman na kung gaano sila kayaman.

Parang bata nga lang kung hawakan nina Vera at August ang gold bars, kung iba 'yon ay siguradong doble ang ingat.

"Verity will inhert this soon...with her siblings of course," sabi ni August at nilingon ako.

Hindi ako naka-imik, mas lalo lang siyang nagtaas ng kilay. Ako na ang bumitaw ng tingin dahil mukhang ako lang ang nahihiya sa sinabi niya.

Kasama namin sina Nanay at Tay Vinci para sa importanteng board meeting na 'to. Maging sina Vera at Julio, kasama ang anak nilang si Vatticus ay nandoon din.

Sa labas ng conference room kung saan gaganapin ang board meeting ay nandoon na ang ilang investors at board members. Natigil ang pag-uusap nila ng makita ang pagdating ni August.

"August..." tawag ng ilan sa kanya na may mas edad sa kanya.

Nilingon niya ako. Tumango ako bilang pahintulot na lapitan niya ang mga tumawag sa kanya. Kinuha ko si Verity sa kanya, hindi nagtagal ay lumapit na din sina Tay Vinci at Nanay sa amin.

"Mayaman talaga ang mga Escuel," sabi ni Tay Vinci. Ang kanyang mga mata ay gumagala sa kabuuan ng palapag kung nasaan kami.

"Malulula ka lang kung aalamin mo pa..." nakangising sabi ni Nanay.

Dahil sa mga pinaguusapan nila ay napatingin ako kay Verity. Baby pa lang siya ay alam kong hindi na siya maghihirap, hindi na niya halos kailangan pang problemahin ang kinabukasan niya.

Hindi na ako mangangamba na matutulad siya sa akin, hindi niya mararanasan yung mga naranasan ko noon.

Tahimik naming hinintay ni Verity ang pagbalik ni August. Sa paraan ng pag-uusap nina Nanay at Tay Vinci ay mas lalo kong nakumpirma na maayos na talaga ang relasyon nilang dalawa. Ramdam ko kung gaano na kakumportable si Nanay sa kanya. Kagaya na sila ng dati.

"Daddy..." tawag ng kararating lang na sina Vera at Julio. Karga ni Julio ang anak nilang si Vatticus.

Matapos humalik ni Vera kay Tay Vinci ay bumeso din siya kay Nanay bago niya kami hinarap ni Verity.

"What are you looking at? Nakakita ka nanaman ng maganda no?" nakangising tanong niya kay Verity.

Nilingon ko ang baby ko. Nakatitig nga talaga siya sa Tita Vera niya na para bang hindi niya maalis ang tingin niya dito.

"Para po sa family portrait," sabi ng isang babaeng nakasunod kay August habang naglalakad ito pabalik sa amin.

Habang nakikinig sa sinasabi ng babae na may suot na ID ay diretso ang tingin niya sa amin ni Verity.

"Para sa family portrait," sabi niya sa akin.

"Huh?"

Imbes na si August ang sumagot ay si Vera na ang nagpaliwanag sa akin. Kailangan naming magkaroon ng family portrait para ilagay sa company website o kung may paggagamitan man.

Naalala ko yung portrait nilang pamilya. Hindi ko alam kung paano gagawin 'yon, hindi din kasi ako maganda sa camera. Hindi ko alam kung paano ako magmumukhang maayos. Kung paano ako babagay.

"I'll help you," nakangiting sabi ni Vera sa akin.

Kabado akong ngumiti sa kanya. Ramdam ko ang tingin ni August sa akin, naramdaman ko din ang hawak niya sa likuran ko.

"Ok lang ba sa 'yo?" tanong niya.

Tipid akong tumango. Pumasok kami sa isang kwarto kung saan ayos na ang lahat. Uupo na loang kami sa nakahandang magarang upuan at kukuhanan ng litrato.

Tinuruan ako ni Vera ng mga pwede kong gawin. Habang kinukuhanan kami ay nagsasalita si August kaya naman hindi din ako makapag-concentrate ng maayos.

"Asaan na nga pala yung sinasabi ni Melanie na gagawin mo daw?" nakangising tanong niya.

"Wala akong alam diyan," agad na sagot ko.

Mas lalo siyang ngumisi.

"August, behave!" inis na sabi ni Vera.

Ilang photographer at may media din daw para gumawa ng maiksing interview.

"Tatayo naman," sabi ng photographer.

Buhat niya si Verity. Una akong tumayo, kaya naman ganoon na lamang ang gulat ko ng imbes na tumayo ay lumuhod siya.

Napasinghap ang ilan sa mga tao sa loob, pero sunod sunod na flash ng camera din ang sumalubong sa amin.

"Make this live," rinig kong utos ni Vera sa kung sino.

"August..." hindi makapaniwalang tawag ko sa kanya.

Nanatili siyang nakaluhod, habang karga si Verity sa isang kamay niya. Hawak niya sa kanang kamay ang isang diamond ring.

"Bago ko tanggapin ang lahat ng 'to...gusto ko munang masigurado na kasama kita simula ngayon...hanggang sa dulo," sabi niya sa akin kaya naman hindi ko na napigilan pang umiyak.

"Vesper, please let me be your husband again..." sabi pa niya kaya naman napatakip na ako sa aking bibig.

Marahan akong napatango kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata.

"Asawa pa din naman kita...mag-asawa pa din tayo," sagot ko sa kanya.

Hindi na siya umimik pa. Kaagad niyang sinuot ang singsing sa daliri ko.

"Mrs. Vesper Escuel..." He declared.











(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro