Chapter 55
Uwi
Panay ang paki-usap ko sa kanila na wag saktan si August. Gustuhin ko mang maging matapang kagaya niya ay hindi ko magawa. Gusto ko din sanang pagaanin ang loob niya, pero hindi ko alam kung paano ko 'yon gagawin, gayong hindi ko ma-atim ang kalagayan niya ngayon.
Mahigpit ang yakap ko sa anak naming tahimik lang, ramdam ko ang pagkalito niya. Alam kong nakikita niya din ang kalagayan ng Daddy niya, pero masyado pa siyang bata para ma-intindihan ang lahat.
"Tama na. Hindi po siya lalaban..." umiiyak pa ding paki-usap ko.
Gustuhin ko mang mag-iwas ng tingin, para hindi ko siya makita sa ganoong sitwasyon ay hindi ko magawa. Para bang hindi ako pwedeng lumingat kahit sandali, maging ang pag-kurap ay hindi din.
Baka sa oras na mawala ang atensyon ko sa kanila ay may kung ano silang gawin sa asawa ko.
"Tama na..." pagpapatuloy ko.
Hanggang sa narinig naming pareho ang pag-iyak ni Verity. Kanina pa niya ako nakikitang umiiyak, kanina pa din niya naririnig ang pagmamaka-awa ko. Hindi ko na napansin pa kung ilang beses na rin siya marahil sumibi dahil dito.
"Bitawan niyo ako!" sigaw ni August.
Sinibukan niyang magpumiglas. Na para bang 'yon na ang hangganan ng pagtitimpi niya, ang marinig niya ang pag-iyak ni Verity.
"Bitawan niyo ako!" galit na utos niya sa mga ito.
Ang kaninang nakadagan sa kanya ay bahagyang nahirapan, muntik pang ma-out of balance dahil sa pilit niyang pagkawala sa higpit ng hawak ng mga ito.
Dahil sa ginawang 'yon ni August ay nakita ko kung paanong mas lalong hinigpitan ng nakahawak sa kanya ang pagkakadagan dito. Hindi na niya natago pa ang sakit sa mukha niya, mas nakita ko kung paano siya nahihirapan.
Dahil sa pagkakadagan sa kanyang likuran ay medyo nahirapan siyang huminga, pilit siyang kumukuha ng hangin dahil sa pagkakadagan sa likod.
"Shhh...Andito ako," malambing na bulong ko kay Verity.
Pilit ko siyang pinapatahan, hanggang sa ang mga nasa tabi naming pulis ay medyo na-irita na din dahil sa pag-iyak ng baby ko. Nilingon ko sila habang pinapatahan ko ang baby ko, kung kanina ay kampante ako dahil sa presencya nila ay nag-iba na ngayon.
Para kaming naka hanap ng kakampi dahil sa pagdating nila, hanggang sa makita ko kung gaano kadali para sa kanila na saktan si August. Pakiramdam ko ay kayang kaya din nila kaming saktan ni Verity.
"Nanlalaban na 'to," sigaw pa ng isa.
Kaya naman sandali akong napahinto ng lumapit ang isa pa para hawakan din siya.
"Wag!" umiiyak na sigaw ko ng makita ko kung paano siya sinipa ng isa sa kanyang sikmura, sa tagiliran para lang patahimikin siya.
Napadaing si August dahil sa lakas no'n, halos mamilipit siya sa sakit.
"Tulong!" sigaw ko.
Halos mag-echo ang boses ko, ibinigay ko ang lahat ng natitirang lakas ko para sumigaw. Kahit alam kong impossible, walang makakarinig sa amin.
Nagpatuloy ako sa pagsigaw. Halos pagtawanan na ako ng lalaking nasa tabi namin. Kahit siya ay alam na walang makakarinig sa amin.
Hanggang sa magulat na lamang kami dahil sa bilis ng pangyayari. Hindi ako nakagalaw habang nakatingin sa sunod-sunod na pagdating ng mga pulis. Hindi ko na tuloy alam kung totong pulis ba ang kasama namin ngayon...magkakasama ba sila?
Gulong gulo na ako.
Tinutukan nila ng baril ang mga lalaking may hawak kay August.
"Bitawan niyo siya," utos nila dito.
Hindi kaagad sila nakagalaw, ilang beses nagpabalik-balik ang tingin nila sa iba pang mga kasama. Parang ayaw pa din nilang sumuko at may balak pang manlaban, pero mas marami kesa sa kanila ang mga dumating kaya naman sabay sabay silang nagtaas ng kamay bilang pagsuko.
Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para makatakbo kami ni Verity palapit kay August. Itinatayo na siya ng mga kararating lang na pulis, nahirapan silang itayo siya dahil sa pagkakaposas ng kamay niya sa kanyang likuran.
Kahit hirap ay nagawa niyang harapin kami ni Verity. Gustuhin man niyang salubungin kami ay wala siyang magawa kundi ang hintayin kaming lumapit sa kanya.
Ramdam kong gusto kaming yakapin ni August, pero hindi niya magawa dahil sa sitwasyon niya. Ako na lang ang yumakap sa kanya. Naramdaman ko kaagad kung paano niya kami hinalikan ni Verity sa ulo, na kahit hindi ko ramdam yung yakap niya ay ramdam ko yung safety and security dahil sa presencya niya.
"Ayos lang kayo?" alanganing tanong niya.
Pilit niyang pinapagaan ang lahat, nagtanong siya na para bang hindi siya nasaktan. Siya ang lubos na nahirapan at nasaktan pero siya 'tong kung umakto ay parang walang nangyari.
"Shh...Ok na. Ok na..." malambing na pag-aalo niya sa akin.
Mas lalong bumuhos ang mga luha ko habang nakayakap ako sa kanya. Ganoon din si Verity. Nakita naming gustong magpabuhat ni Verity sa Daddy niya. Tipid na ngumiti si August sa anak namin, humalik siya ng matagal sa ulo nito.
"Mamaya..." malambing na sabi niya dito.
Gustuhin man niyang manatili pa sa amin ay hindi niya na magawa dahil hinila na siya palayo sa amin. Kahit halos wala sa sarili ay lumakad ako pasunod sa kanila.
"Kuya..." tawag ng kararating lang na si Julio.
Humahangos ito palapit sa amin, nakasunod sa kanya ang ilan pang armadong sibilyang pulis.
"Mag-ina ko..." bungad ni August sa kanya.
Iyon kaagad ang ibinilin niya dito, ni hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na magpaliwanag o ano. Kami kaagad ang inisip niya, kapakanan kaagad namin ni Verity ang inuna niya.
Mas lalong nahabag ang loob ko. Lalo na ng bumalik sa akin yung mga panahong iba ang trato ko sa kanya. Na-isip kong kailangan pa ba talagang mangyari 'to bago ko ma-realize ang lahat?
"Akong bahala sa kanila, Kuya. Ilalabas ka din namin kaagad sa kulungan," paninigurado ni Julio sa kanya.
Tipid na tango ang ginawa ni August. Kaagad siyang hinila ng mga pulis palayo sa amin. Ni hindi na niya nagawa pang lingonin kami, ramdam ko ang pag-iwas niya na magtagpo ang mga mata naming dalawa.
Hindi ko pa sigurado kung anong pwedeng maging rason, pero ang alam ko lang, ayaw niyang makita namin siya sa ganoong klaseng sitwasyon, ayaw niya na nag-aalala kami. Na hangga't maaari ay gusto niyang isipin namin palagi na ayos lang siya, na malakas siya, at hindi nasasaktan.
Nakatingin ako sa likuran ni August habang akay siya ng mga pulis. Kaagad na humarang sa harapan ko si Julio, kahit hindi ako sanay na nagpapakita siya ng kahit anong emosyon ay ramdam ko din naman ang pag-aalala niya sa amin ni Verity. Na kahit hindi siya magsalita, kayang kaya niyang iparamdam 'yon.
"Akin na muna si Verity," sabi niya sa akin.
Wala na akong nagawa ng kuhanin niya sa akin ang baby ko. Hindi naman siya nahirapan dahil sumama kaagad si Verity sa Tito Julio niya. Kahit ilang beses niyang nilingon ito ay hindi naman siya tumingin sa akin para magpakuha.
Malaki din naman ang pagkakahawig ni Julio sa Daddy niya, may lukso pa din siya ng dugo sa Tito August niya kahit papaano kaya naman hindi siya nangamba o natakot kahit kinuha siya nito sa akin.
"Ayos ka lang ba? May ginawa ba sila sayo?" tanong niya sa akin.
Marahan akong umiling. Kahit kalmado na kahit papaano ang lahat ay hindi naman tumigil ang luha ko sa pagtulo.
Marahan akong umiling habang pinapahiran ang luha sa aking mga mata.
"Pero si August..." pag-uumpisa ko.
Halos hindi ko na din mahabol ang mga sinabi ko kay Julio. Isinumbong ko sa kanya ang lahat ng ginawa ng mga lalaking 'yon kay August. Wala akong ibang gustong mangyari kundi ang pagbayaran nila lahat ng ginawa nila sa kanya.
Nakita ko kung paano siyang mariing nakinig sa lahat ng sinabi ko. Wala ako sa aking sarili habang nagk-kwento kaya naman kahit ang pinaka-maliit na detalye ay nasabi ko sa kanya.
Kaagad na puminta ang galit sa mukha ni Julio, na para bang ang lahat ng 'yon ay nai-imagine niya na nangyari sa Kuya niya at hindi niya 'yon matanggap.
"Pagbabayarin natin ang mga gumawa nito kay Kuya August. Hindi din ako papayag na matakasan nila 'to. Silang lahat..." mariing sabi niya sa akin.
Habang sinasabi niya 'yon ay para bang may iniisip na siyang tao. Kilala na ba nila ang tao sa likod ng lahat ng 'to?
Imbes na tanungin siya tungkol doon ay natahimik na lang muna ako. Pinagbuksan kami ng pintuan ng driver na kasama ni Julio. Hinayaan niya akong maunang pumasok bago siya ma-ingat na sumunod sa loob habang karga pa din niya si Verity na behave sa Tito Julio niya.
Tahimik lang ako habang nasa byahe, abala si Julio sa mga kausap niya sa phone. Tahimik at preskong nakasandal si Verity sa kanya. Halatang kumportable siya kaagad sa Tito niya.
"Hindi ba kailangang dalhin si Kuya sa hospital?" tanong niya sa kausap sa phone.
Dahil sa pagbanggit niya sa pangalan nito ay nilingon ko siya pero hindi naman siya lumingon pabalik.
"Sige, didiretso na kami sa presinto." Pinal na sabi niya dito bago ibinaba ang tawag.
Tsaka lang niya ako hinarap matapos niyang gawin 'yon.
"Magre-request pa din ako ng medical exam para sa kanya. Base sa mga kwento mo..." hindi na niya na-ituloy pa ang sasabihin, nagkaka-intindihan naman na kami sa parteng 'yon.
Naging mahaba ang byahe, pero hindi naman nakalayo ang sasakyan namin sa police car kung saan isinakay si August. This time sisiguraduhin daw ni Julio na walang makakalusot sa kanila, wala silang magagawang hindi maganda kay August.
Matapos ang halos ilang oras na byahe ay nakabalik na din kami sa Manila. Papasok pa lang sa presinto ay nakita na namin ang ilang kumpol nang naghihintay na media sa labas. Para bang ang pagdating namin ay alam na kaagad nila.
Doon ko napatunayan na hindi maliit na balita ang tungkol sa mga Escuel at sa gulo ng kanilang pamilya. Sino nga bang hindi mac-curious sa issues ng isa sa mayamang pamilya dito sa Pilipinas. Ilang beses na ding nakasama si Don Joaquin Escuel sa list ng pinakamayayaman dito sa atin.
Narinig ko ang mahihinang mura ni Julio dahil sa nakitang sitwasyon. Pero nagsisi siya ng ma-realize niyang hawak niya si Verity.
"Sorry..." malambing na sabi niya dito bago siya humilig para halikan sa ulo ang baby ko.
Dahil sa ginawa niya ay kaagad siyang nilingon ni Verity. Matapos siyang tingnan ng baby ko ay narinig namin ang mabigat at malalim niyang buntong hininga. Marahil ay inakala niyang Daddy niya 'yon. Pero ng makita niyang hindi ay iyon ang naging reaksyon niya.
Unang huminto ang police car sa harapan ng presinto. Kaagad 'yon dinumog ng mga reporter. Nakaramdam ako ng kaba para sa safety ni August, ganoon din naman sa amin.
"Pakisabi magdagdag ng tao sa paligid. Kay Kuya at sa atin..." utos niya sa lalaking naka-upo sa tabi ng driver.
Tumango ito sa utos ni Julio. Matapos 'yon ay kaagad siyang lumabas para may puntahan saglit bago siya bumalik.
Kahit nasa loob pa rin kami ng sasakyan ay narinig na namin ang sigawan at nakita pa kung paano sila nagtulakan ng ilabas na ng mga pulis si August sa police car para ipasok sa loob ng presinto.
Hindi naging madali para sa kanila na ipasok siya lalo na't maraming humaharang sa kanila. Ilang pulis na din ang lumbas mula sa opisina para tumulong sa pagpigil sa mga reporter. Marami ang gustong makuha ang pahayag niya. May nakatalukbong din puting tela sa mukha niya para hindi ma-exposed masyado ang mukha niya sa media.
"Paghumupa na ang mga reporter, tsaka tayo lalabas," sabi ni August sa akin.
Marahan akong tumango. Gustuhin ko mang bumaba na kami at sumunod kaagad kay August ay tama din naman siya. Kailangan din naming isipin ang kalagayan ni Verity. Pwedeng masaktan ang baby ko kung sakaling magpipilit kaming makasunod kaagad.
Nakatingin din si Verity sa may bintana na akala mo may tinatanaw siya doon na kung ano. Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para lingonin niya ako.
"Ayos lang si Daddy," malambing na pag-aalo ko sa kanya, para na din 'yon sa sarili ko.
Para pagaanin ang loob ko. Sumakit na din ang ulo ko dahil sa kanina pang pag-iyak.
Hindi nagtagal ay nag-ingay siya, hinarap ako at pilit na nagpapakuha. Nakuha naman ni Julio ang gustong mangyari ng baby ko kaya naman marahan niya siyang inilipat sa akin.
Yumakap kaagad siya sa akin, niyakap ko din siya ng mahigpit. Kailangan din naming maging matapang, malakas, at matatag para sa Daddy niya.
"Tara na..."
Lumabas kami ng makumpirma ng grupo nila Julio na safe na para sa amin ang pumasok sa loob. Mukhang naka-usap na din kasi ng mga pulisya ang media tungkol sa panggugulo nila sa labas ng presinto.
May i-ilang natira pero nakayanan na silang pigilan ng mga tauhan ni Julio.
Niyakap ko ng mahigpit si Verity at pilit kong itinago ang mukha niya sa dibdib ko para wala silang makuhang maayos na litrato ng baby ko.
Dumiretso kami sa isang private room kung nasaan si August, dalawang police, at ang abogado na kinuha ni Julio.
Marami silang itinanong sa kanya na walang pag-aalinlangang sinagot ni August.
Gusto ko pa sanang manatili doon para makinig sa kanila, ngunit mas minabuti nilang si August at ang Abogado niya lang ang nasa loob.
"Vesper," tawag sa akin ni Nanay.
Nagulat ako sa biglaan nilang pagdating ni Tay Vinci. Kaagad niya kaming sinalubong ng yakap ni Verity. Muli nanaman akong naging emosyonal dahil sa presencya nila. Mas lalong lumakas ang loob ko dahil marami na kaming nakasuporta ngayon kay August.
Alam kong hindi siya mapapahamak dahil hindi namin 'yon hahayaang mangyari.
"Kamusta ang imbestigasyon?" tanong ni Tay Vinci kay Julio.
"May lead na kami sa kung saan possibleng nagtatago si Dennice at ang mga kasabwat niya," sagot ni Julio sa kanya na ikinagulat ko.
"A-anong sabi mo?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
Nalipat ang tingin nilang dalawa sa akin, para bang nagdadalawang isip pa sila kung sasabihin nila 'yon sa akin. Kung kaya ko pang tanggapin ang mga ganoong klaseng balita.
"Si Dennice?" dugtong na tanong ko.
Narinig ko naman na ang pangalan niya sa unang sinabi ni Julio. Wala naman akong ibang pwede pang ma-isip kundi ang ideya na may kinalaman siya dito.
"May kinalaman siya dito?" pagpapatuloy ko. Hindi na ako makapaghintay pa na sumagot sila kaya naman sunod-sunod na ang tanong na ibinato ko sa kanila.
Tipid na tumango si Julio bilang kumpirasyon sa ideya na nabuo sa isip ko.
"Si Dennice ang nasa likod ng lahat ng pagmamanipula kay Lolo. Naging madali sa kanya ang pagkilos dahil sa pagiging malapit nil ani Kuya August. Mukhang maging ang pagiging magkaklase nila sa ibang bansa at pagiging close ay mukhang planado niya din," pag-uumpisa ni Julio.
"Inaalam pa namin ngayon kung sino pa ang kasabwat niya dito. May ilang nawalang investors din kaming pinaghihinalaan. Maraming malalapit na kilala si Dennice, lalo na't matagal din niyang hinawakan ang companya niyo."
Matapos sabihin 'yon ni Julio ay wala sa sarili kong nilingon si Nanay. Parang hindi naman na siya nagulat pa sa mga narinig niya. Mukhang bago pa ang araw na 'to ay alam na din niya ang tungkol doon.
She looks disasppointed but not surprised. Pero alam ko namang nakaramdam din siya ng lungkot. Alam naman ng lahat kung paano siya nagtiwala dito. Base na din sa kwento ng ilang matagal na sa companya ay halos ituring na niyang anak ito.
Muntik na nga akong makaramdam noon ng selos. Pero si Dennice mismo ang sumira ng sarili niya kay Nanay. Siya mismo ang nagbigay ng dahilan dito para mawala at masira ang tiwalang ibinigay ni Nanay sa kanya.
Masyadong maraming nangyari sa amin ng araw na 'yon kaya naman hindi nila hinayaang intindihin ko pa 'yon sa ngayon. Nagka-isa silang tatlo sa suwesyong i-uwi muna kaming dalawa ni Verity para makapagpahinga.
"H-hindi namin iiwan si August," pigil ko.
Naramdaman ko kaagad ang supporta ni Nanay at hawak niya sa magkabilang braso ko.
"Vesper..." tawag ni Julio sa akin.
Hindi niya na-ituloy ang sasabihin niya ng hinayaan niyang si Tay Vinci ang kumausap sa akin.
"Mas mapapanatag si August kung malalaman niyang nasa bahay kayo. Ayaw ni August na nandito kayong dalawa ni Verity sa presinto. Kahit nga noong kinuha siya ng pulis sa bahay niyo...ayaw niya din no'n," paliwanag ni Tay Vinci sa akin.
Naramdaman ko ang tingin ni Nanay sa akin. Nangungusap ang kanyang mga mata kaya naman wala na akong nagawa sa ngayon kundi ang magpa-ubaya sa mga suwestyon nila sa akin. Tama din naman sila, parang ano mang oras ay pwede na akong matumba.
Hindi naman pwedeng mag-breakdown din ako, kailangan kong magpalakas para kay August. Mas magiging malakas siya kung parehong matibay ang loob namin na harapin ang lahat ng 'to.
"Saan po ito?" nagtatakang tanong ko ng mapansin kong pumasok ang aming sasakyan sa ibang bahay.
"Sa atin din ang bahay na 'to," sagot ni Nanay sa akin.
Para na din daw sa seguridad nila ay lumipat muna sila sa isa sa mga bahay na pagma-may-ari ng pamilya nila Nanay. Hindi ko na din alam kung kaya ko pang malaman kung ilang bahay pa ang meron ang pamilya nila na halos kasing laki ng mansion na dati naming tinirhan.
Dahil sa pagod at ilang oras na pag-iyak ay kaagad akong nakatulog nang kuhanin nila si Verity sa akin.
Hindi ko alam kung halos ilang oras akong nakatulog, pero nang gumising ako ay ramdam ko pa din ang bigat ng ulo ko. Para bang walang kahit anong pahinga ang makakapawi no'n. Kahit gaano katagal ang tulog ay ganoon pa din.
Kinamusta kaagad ako ni Nanay nang makita niyang gising na ako. Bago ako bumaba ay doon ko din nalamang mahibing pa din ang tulog ni Verity. Mino-monitor na din ng mga tagapag-alaga niya ang body temperature niya. Base sa huli nilang monitor ay normal naman daw 'yon.
"Medyo masama lang po ang pakiramdam Nay. Mabigat ang ulo," sagot ko sa kanyang tanong sa akin.
Nagpahanda kaagad siya ng pagkain at nagpakuha ng gamot para sa akin.
Halos ilang araw nanatili si August sa presinto, hindi din naging madali ang paghahanap kina Dennice at sa mga kasabwat nito. Hindi din kami hinayaang pumunta doon dahil sa dami ng reporter, at malakas ang kutob nina Julio at Tay Vinci na hindi pa din safe sa paligid.
Si Dennice lang ang kilala naming kalaban namin, hindi naman alam kung sino pa ang iba. Pero sila, kilala nila kaming lahat. Mas marami silang pwedeng gawin sa amin kesa kami sa kanila.
"Nahuli na si Dennice at ang grupo niya," anunsyo ni Julio isang araw.
Ang lahat ng bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib ay kaagad na napawi. Para bang nabunutan din ako ng tinik sa dibdib.
Naging abala ang lahat ng araw na 'yon. Halos buong araw ding nagpa-rosaryo si Nanay para lang maging maayos ang lahat, para lang sa oras na 'to pumabor naman sa amin ang tadhana.
"Padilim na...baka sa lunes na 'yon," sabi ni Melanie sa akin.
Sinadya kong wag makibalita sa loob, nanatili ako sa labas ng bahay. Hihintayin ko si August dito.
"Hihintayin kong umuwi si August," sagot ko sa kanya.
Nakita ko pa kung paano siya napatingin sa suot niyang wristwatch. Tapos na ang office hours, biyernes din ngayon.
"Impossible na, Vesper. Baka sa lunes na. Padilim na...at huling araw ng August nga-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil sa hindi ko malamang dahilan.
Mas lalong humigpit ang yakap ko sa aking sarili.
September na bukas, ang bilis talaga ng panahon.
"Pag umuwi si August ngayong araw...magpapakasal kaagad ako sa kanya. Ako pa mismo ang magyayayang magpakasal kami," sabi ko kay Melanie.
Out of nowhere na sabi ko. Para lang pagaanin ang loob ko, para lang paasahin pa ang sarili ko. Kahit ang totoo ay gusto ko na ding sumuko at paniwalaan si Melanie na malaki ang tyansa na hindi uuwi si August ngayon.
"Daya mo. Nag-dare ka sa impossibleng pagkaka..." hindi natuloy ni Melanie ang sasabihin niya ng makita namin ang pagdating ng sasakyan ni Tay Vinci.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita kong hindi lang isang pintuan ang bumukas. Kasama ni Tay Vinci si August.
Matamis na ngiti ang isinalubong niya sa akin. Napasinghap ako, hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko at kaagad akong tumakbo palapit sa kanya para yumakap.
"Umuwi ka...umuwi ka," nai-iiyak na sabi ko.
Naramdaman ko ang pag-ganti niya ng yakap sa akin.
"Umuwi na ako. Hindi na ulit ako aalis," paninigurado niya sa akin.
Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.
"Uuwi na ako sa 'yo, Vesper. Naka-uwi na ako," sabi niya sa akin.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro