Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Lead








"Vesper..." nahihirapang tawag ni Nanay sa akin.

Kahit nasaktan ako dahil sa pagtulak na ginawa ni Tatay ay pinilit kong tumayo para tulungan si Nanay. Nakangisi siya habang tinitingnan kung paano halos mahirapan si Nanay sa paghinga dahil sa pagkakasakal niya dito.

"Tay! Bitawan niyo po si Nanay!" umiiyak na pakiusap ko sa kanya.

Hindi siya nakinig sa akin kaya naman ginamit ko ang natitirang lakas ko para paluin at pagsusuntukin si Tatay para binatawan niya si Nanay.

"Aba't!" asik niya ng mapansin niya na ang ginagawa ko.

Hinawakan niya ako sa kwelyo, sa higpit nang pagkakahawak niya ay halos lumutang na ako sa ere. Dahil din doon ay nasakal ako.

"Victor...bitawan mo si Vesper!" suway ni Nanay sa kanya kahit hirap siyang magsalita dahil sa pagkakasal ni Tatay sa kanya.

Ramdam ko ang paglutang ko sa ere dahil sa ginawang 'yon ni Tatay. Halos magpumiglas din ako sa takot ng maramdaman kong halos mawalan na din ako ng hangin sa katawan.

Hindi nagtagal ay kaagad akong binitawan ni Tatay dahil sa pagdating ng isa pang lalaki. May hawak itong baril at nakatutok sa kanya.

"Hayop ka! Bitawan mo sila!" suway niya dito.

Imbes na matakot ay napangisi pa ito. "Bitawan? Madali akong kausap..." sabi ni Tatay dito at walang pag-iingat niyang binitawan si Nanay dahilan para matumba ito sa lupa.

"Nay!" umiiyak na tawag ko sa kanya.

Kaagad ako lumapit sa kanya at yumakap. Hindi na ako natakot pa kung malapit lang kami kay Tatay. Gusto kong tumakbo palayo sa kanya dahil sa pananakit niya sa amin pero hindi ko kayang iwanan si Nanay.

"Nay...ayoko na po dito," umiiyak na sabi ko sa kanya.

Kung pwede lang na tumakbo na lang kami ni Nanay ng malayong malayo kay Tatay. Hindi ko na kaya ang pananakit niya sa amin. Wala talaga siyang pagmamahal sa amin ni Nanay.

"Sino ka bang gago ka at nakikialam ka sa away pamilya?" inis na tanong ni Tatay.

Nilingon ko ang lalaki at doon ko nakitang si Sir Vinci 'yon.

"Layuan mo na sina Fae..." galit na utos niya dito.

Mas lalong tumawa si Tatay ng nakakaloko. Muli kaming napasigaw ni Nanay ng hawakan niyo ito gamit ang pagkakasabunot sa buhok.

"Tay! Tama na po," umiiyak na sabi ko.

Ayokong nasasaktan si Nanay. Ayokong sinasaktan niya si Nanay.

Sandaling natahimik si Tatay ng muli niyang padabog na binitawan ang buhok ni Nanay kaya naman mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.

"Wag mo sabihing...lalaki mo 'to, Fae? Ang landi landi mo talagang babae ka!" gigil na akusa niya kay Nanay.

Susubukan sana ulit niyang lumapit sa amin ng kaagad na sumugod si Sir Vinci sa kanya. Ipuputok na sana nito ang baril ng kaagad na tumakbo si Tatay palapit sa kanya para agawin ito.

Mas lalo kaming napasigaw ni Nanay sa takot ng magsigawan silang dalawa. Takot din kaming baka mataaman kami ng baril dahil sa ginagawa nilang pag-aagawan.

"Tama na po...Tama na po," paulit-ulit na sambit ko habang umiiyak.

Muling nagkasigawan sina Tatay hanggang sa mapaiktad kami ni Nanay nang marinig naming ang putok ng baril.

Kaagad kong nilingon ang kinalaglagyan nila Tatay. Pareho silang natigilan hanggang sa dahan dahang bumagsak si Tatay sa lupa.

"Tay..." umiiyak na tawag ko pero wala akong lakas na lapitan siya.

Mas lalo akong nataot nang makita kong may dugo sa kanyang tagiliran. Nilingon ko si Sir Vinci na halos nabato din sa kinatatayuan niya dahil sa nangyari.

"Victor," umiiyak na tawag ni Nanay.

Nang makabawi si Sir Vinci ay kaagad niya kaming nilapitan ni Nanay.

"Ayos lang ba kayo?" tanong niya sa amin.

Hindi ako nakasagot. Gusto kong magalit sa kanya dahil sa ginawa niya kay Tatay pero hindi din naman maalis sa isip kong kung hindi siya dumating ay baka hanggang ngayon sinasaktan pa din niya kami o ang mas Malala pa ay baka napatay niya kami ni Nanay.

"Vinci, napatay mo si Victor..." sabi ni Nanay sa kanya.

Mariing napapikit ito bago siya muling dumilat at napatingin sa akin. Kita ko sa mukha niya na para bang humihingi siya ng tawad sa akin at may kasama ding pagsisisi.

"Kung hindi ko nilabanan si Victor ay kayo naman ang sasaktan niya. Wala na sa tamang pag-iisip ang asawa mo, Fae. Kayang kaya niya kayong saktan ni Vesper," sabi niya sa amin.

Tinulungan niya kaming makatayo ni Nanay. Hindi ko naintindihan ang pinag-uusapan nilang dalawa pero alam kung tungkol 'yon sa mga Escuel.

"Kailangan nandito kayo pag dating ng mga pulis. Kung aalis kayo ay baka maging suspect pa kayo at paghinalaan," sabi niya sa amin.

Kita ko ang takot at gulat sa mukha ni Nanay, ganoon din naman ako.

"Ha? Wala kaming alam sa nangyari...hindi naming magagawa 'yon sa mga Escuel," sabi ni Nanay sa kanya.

"Alam ko. Ang kaso mo ay paniguradong maghahanap ang mga pulis ng suspect at alam kong isa na ako doon. Hindi ko kayo pwedeng itago kaagad...basta sundin niyo lang ang sasabihin ko," sabi niya sa amin na kaagad naming pinakinggan ni Nanay.

Naririnig ko ang pag-uusap nilang dalawa pero kagaya kanina ay wala akong ma-intindihan ni isa. Halos hindi ko din maalis ang tingin ko sa wala na atang buhay ni Tatay. Gusto kong umiyak, kahit naman hindi naging mabuti si Tatay sa amin ni Nanay ay siya pa din ang Tatay ko.

Kagaya ng inutos ni Sir Vinci sa amin ni Nanay ay nakausap nga kami ng pulis pagsikat ng araw at ng malaman ng buong Sta. Maria ang sinapit ng mga Escuel.

Tahimik ako habang umiiyak si Nanay na kinakausap ng mga pulis. Lahat naman ng sinabi niya ay ang pawang katotohanan lang sa mga nangyari kagabi. Ang hindi lang kasama sa kwento ay ang nagyari sa pagitan naming nina Tatay at ang pagkakabaril ni Sir Vinci sa kanya.

"Kawawa naman si Julio," rinig kong sabi ng mga taong nakiki-balita.

Bigla akong nakaramdam ng pamamanhid ng buong katawan ko. Hindi ko din maintindihan, hindi ako maka-iyak kahit gusto ko. Sobrang bigat ng dibdib ko sa tuwing paulit-ulit kong naririnig ang katagang...

Wala na ang mag-asawang Escuel...maging si Senyorito August.

Gusto kong pumasok sa bahay para tingnan siya, pero wala akong lakas ng loob. Ni hindi ko nga binitawan ang kamay ni Nanay, hindi din ako umalis sa tabi niya. Kung kakailanganin man niyang bitawan sandali ang kamay ko ay kaagad naman akong kakapit sa laylayan ng suot niyang damit.

Matapos kaming kausapin ng mga pulis ay dumating na din sina Ate Mina kasama ng iba pang mga kasambahay. Umiiyak sila ng lumapit at yumakap sa amin.

Tuluyan na din akong umiyak kasama nila ng marinig ko kung paano sila nasasaktan sa nangyari sa mga Escuel. Sa kung paanong hindi nila deserve ang ganitong klase ng sitwayson. Sang-ayon naman ako doon dahil saksi ako sa kung paano naging mabuting tao sina Madam Alexandra sa amin at ang pamilya niya. Ni kailanman ay hindi nila itinuring na iba ang mga taong nagsisilbi para sa kanila.

"Paano na si Senyorito Julio? Pati si Senyorito August ay wala na...ang bata bata pa niya para mawala sa mundo," sabi pa ng ilan.

Nakita ko pa ang pagdating ni Vera, umiiyak siya at diretsong tumakbo papasok sa loob ng bahay. Na-iinggit ako, gusto ko ding pumasok sa loob pero hindi ko kaya. Masyadong mabigat ang dibdib ko para gawin 'yon. Masyadong masakit ang puso ko.

Dumating ang iba pang mga Escuel. Dahil sa presencya daw ng mga Montero ay nagkaroon kaagad ng usap-usapan. Hindi na din naman kami nagtagal doon dahil sinabihan na din kaming kailangan na din naming magpahinga at ang grupo na nina Ate Mina ang bahala.

"Saan na kayo tutuloy niyan ngayon?" tanong nila sa amin bago pa kami tuluyang magpaalam muna.

Nilingon lang ko ni Nanay. Kung hindi dahil kay Sir Vinci ay wala din naman talaga kaming pupuntahan.

Muling nagkaroon ng komusyon ng mangibabaw ang iyak at sigaw ng isa pang batang babae. Sa kanyang likuran ay ang emosyonal na si Sir Cesar na kanang kamay ni Don David.

"Mama!" umiiyak na sigaw ng anak niyang si Crystal.

Dumiretso kami sa address na ibinigay ni Sir Vinci sa amin. Alam niyang wala kaming matutulyan pagkatapos ng nangyari kaya naman minabuti niyang isama niya kami sa kanya.

"Nay...wala na po ba talaga ang mga Escuel? Hindi po ba, pwede pa naman silang mabuhay kung dadalhin sa hospital?" tanong ko kay Nanay habang pigil na pigil ang aking pag-piyok.

Mas lalong nangibabaw ang lungkot sa mukha ni Nanay nang tingnan niya ako.

"Vesper..." tawag niya sa akin.

'Yon pa lang ang sinabi niya pero kaagad na akong umiyak dahilan para yakapin niya ako ng mahigpit. Mas lalong humighipit ang yakap ni Nanay sa akin sa tuwing nararamdaman niya ang panginginig ng katawan.

"Si Tatay po...wala na din," umiiyak na sumbong ko pa.

Hindi na naming nakita pang muli si Tatay, ang sabi ay si Sir Vinci na daw ang bahala.

Kahit malalim na ang gabi ang gising na gising pa din kami ni Nanay. Pareho kaming tahimik na nakatingin sa kawalan. Ilang beses niya akong sinabihan na kumain pero wala akong gana, hindi pa din kasi naming halos maisip na totoo nga ang mga nangyari.

"Fae..." mahinang tawag ni Sir Vinci mula sa labas.

Kaagad na tumayo si Nanay para pagbuksan siya ng pintuan.

Pinaulanan kaagad ni Nanay ito ng mga tanong. Kahit kita ang pagod ay pilit naman niyang sinasagot ang mga ito.

"May kinailangan lang ako bantayan..." sabi niya sa amin.

Buong akala naming ay mananatili si Sir Vinci doon. Umuwi lang pala siya para may kuhaning mga importanteng gamit.

"Pupunta ako sa hospital..." paalam niya kay Nanay.

"Si Victor? Hindi na naming ulit nakita si Victor," sabi niya dito.

Napabuntong hininga muna si Sir Vinci, sasagutin n asana niya ang tanong ni Nanay ng mapatingin siya sa akin.

"Sa...sa labas na tayo mag-usap," sabi niya dito. Ayaw niyang iparinig 'yon sa akin.

Lumabas silang dalawa ni Nanay para ihatid daw ito paalis. Naiwan akong mag-isa sa loob. Nanatili akong tahimik at nakatingin sa kung saan. Hindi nagtagal ay bumalik din si Nanay.

Nakatulog na lamang ako ng gabing 'yon ng hindi ko namamalayan.

"Pupunta po ba tayo sa burol, Nay?" tanong ko sa kanya.

Marahan siyang umiling. "Malalapit na pamilya lang ang tinatanggap ng mga Escuel. At nai-cremate na sila..." sagot ni Nanay sa akin.

Muling nanlabo ang paningin ko ng ma-isip kong hindi ko na ulit kailanman makikita si Madam Alexandra, Don David...at si Senyorito August.

Wala naman kaming kasalanan ni Nanay, pero kung paano kami magtago sa loob ng bahay ay parang kami ang may ginawang masama.

"Mas mabuti kasing dito lang muna tayo sabi ni Vinci," sabi niya sa akin.

"Nay...paano po kung masama din siya? Bakit po siya nandoon sa mansion nung gabi? Paano po kung siya ang pumatay sa mga Escuel?" tanong ko kay Nanay.

Parang nakalimutan din kasi niya na kahit ipinagtanggol lang naman kami ni Sir Vinci kay Tatay ay siya pa din ang bumaril dito.

"Vesper anak...mabait si Tito Vinci mo. At gusto niya tayong tulungan," pagpapa-intindi niya sa ako, pero wala akong ma-intindihan.

Lumipas pa ang ilang araw na uuwi lang si Sir Vinci para magdala ng pagkin, o kaya naman ay may kukuhanin lang na gamit. Ang palagi niyang sinasabi kay Nanay ay may inaasikaso siyang importante.

Hindi ko na din naman narinig pa si Nanay na nagtanong ulit sa kanya tungkol kay Tatay. Minsan ay hindi ko tuloy ma-iwasang magtampo sa kanya.

"Vesper, halika...marami akong biniling biscuit para sa'yo" tawag niya sa akin ng isang beses na umuwi ulit siya na may dalang mga pagkain.

Hindi ako nagsalita pero lumapit ako sa kanya para tingnan ang mga 'yon.

"Kamusta naman kayo ng Nanay mo dito?" tanong niya sa akin.

"A-ayos naman po, Sir Vinci," sagot ko sa kanya.

"Tay Vinci na lang ang itawag mo sa akin," nakangiting sabi niya sa akin.

Ilang beses ko narinig sa kanya na na-aalala niya ang anak na si Vera sa akin at miss na miss na daw niya 'to.

"Bakit hindi mo na lang kuhanin si Vera para magkasama na kayo?" tanong ni Nanay sa kanya ng minsang makapag-usap sila ng matagal.

"Maganda ng buhay ni Vera kung mananatili siya sa poder ng kapatid kong si Keizer. Hindi 'yon sanay sa hirap...ayokong maranasan niya ang mga ito," sagot ni Tay Vinci.

Kahit papaano ay nasasanay na din ako sa presencya niya.

Hanggang sa isang araw ay parang na-estatwa kami ni Nanay sa gulat ng umuwi si Tay Vinci na may kasama. Para akong naputulan ng dila ng makita ko kung sino 'yon, parang binuhusan kami ng malamig na tubig.

Nakatingin lamang din ito sa amin, walang ekspresyon ang kanyang mukha. Malayong malayo sa dating siya na sasalubungin ka kaagad ng ngiti.

"Anong ibig sabihin nito, Vinci?" tanong ni Nanay.

Sa aming harapan ngayon ay ang buhay na buhay na si Senyorito August. May bahid pa din ng mga sugat ang kanyang katawan, maging ang mukha, may nakalagay din sa ulo niya. Malayong malayo sa sinabi nilang patay na siya.

"Fae...Vesper, Si August...Anak ko," pagpapakilala ni Tay Vinci sa kanya sa amin.

Mas lalong nanlaki ang mata ko. Hindi naman 'yon totoo. Pero mas nagulat ako ng hindi man lang umalma si Senyorito August sa sinabi niya.

Dahil sa gulat ay kinusap niya kaming dalawa ni Nanay na hindi ito kasama.

"Wala siyang ma-alala, ang sabi ng Doctor ay malaki ang posibilidad na dahil 'yon sa trauma na nangyari sa ulo niya dahil sa malakas na pagkakapalo," pag-uumpisa niya.

"Ang alam din niya ay wala na siyang mga magulang at pamilya kaya naman inampon ko siya...Kaya ipinakilala ko siya sa inyo bilang anak ko," sabi pa niya.

"Pero hindi niyo po siya anak. At hindi naman niya po kayo Tatay..." sabi ko ng hindi ko na mapigilan.

Kaagad akong sinuway ni Nanay.

"Kailangan nating gawin 'to para din sa kalagayan ni August. Hindi siya pwedeng ma-pwersa dahil baka magroon ng posibilidad na hindi na siya maka-alala pa ulit," pagpapa-intindi niya sa amin.

"Pero Vinci, buhay pa naman si Julio. Nasa pangangalaga siya ng Tita Cynthia niya. Hindi ba dapat ay dalhin mo si August sa mga Escuel?" tanong ni Nanay.

Ni hindi ko nga alam kung paano nabuhay si Senyorito August, pero mukhang alam na 'yon ni Nanay dahil palagi naman silang nag-uusap ng palihim ni Tay Vinci at hindi pinaparinig sa akin.

"Kailangan ko si August. Kailangan ko siya para malinis ang pangalan ko," paliwanag niya.

"Wala ka naming kasalanan. Bakit kailangan mong linisin ang pangalan mo kung inosente ka naman?" tanong pa din ni Nanay.

"Maiintindihan niyo din. Hindi pa natin kilala ang totoong kalaban. Sa ngayon ay dito na muna siya sa atin...hindi ko din naman siya papabayaan," paninigurado ni Tay Vinci sa amin.

Simula ng dumating si Senyorito August at sumama sa amin ay halos hindi naman siya nagsasalita. Maririnig ko lang ang boses niya kung sasagot siya sa mga tanong ni Tay Vinci.

"Bakit hindi ka makatingin kay August?" tanong ni Tay Vinci sa akin isang umaga ng tumutulong ako kay Nanay sa paghahanda ng almusal.

Umalis na din kami ng Sta. Maria at nagtago sa kung saang lugar na walang nakakakilala sa amin, lalo na kay Senyorito August. Kung ano anong lead din daw kasi ang nakukuha ng mga naghahanap kay Tay Vinci kaya naman halos nagpapalipat-lipat na kami. Sana naman ngayon ay magtagal na kami dito.

"Po? Hindi naman po..." sagot ko sa kanya kaya naman mas lalong lumaki ang ngiti niya.

"Aba't dalaga na si Vesper namin," pang-aasar niya sa akin.

Simula ng sumama kami kay Tay Vinci ay parang bigla ulit akong nagkaroon ng Tatay. Parang anak na kung ituring niya kami ni Senyorito August.

Nagtatrabaho si Tay Vinci sa isang talyer samantalagang nagluluto naman si Nanay ng mirienda at magkasama naming inilalako.

"Vesper, dalhan mo muna ng turon si August," sabi ni Nanay sa akin.

Imbes na magreklamo pa ay sinunod ko ang sinabi ni Nanay. Abala kasi ito sa pag-aayos ng bisikleta. Bumili sila ni Tay Vinci ng sirang bisikleta at ngayon ay inaayos nilang dalawa para may magamit siya.

"Uhm...Senyorito August," tawag ko.

Mula sa ginagawa ay nilipat niya ang tingin niya sa akin.

"Wag mo na sabi akong tatawagin ng ganyan..." masungit na sabi niya sa akin.

"Uhm...pasencya," sabi ko sa kanya.

Bumaba ang tingin niya sa turon na hawak ko.

"Para sa akin 'yan?" tanong niya na kaagad kong tinanguan.

Inilapag ko 'yon sa may lamesa sa tabi niya. Nakita kong nagtagal ang tingin niya sa turon na dala ko. Halos uminit ang pisngi ko ng makita kong ilan lang 'yon sa mga gawa ko, hindi maayos ang pagkakabalot.

"Ikaw ang nagbalot niyan?" tanong niya sa akin at halatang nang-aasar pa.

"Hindi pa ako marunong pero malapit na akong matuto..." laban ko.

Nagtaas siya ng kilay at tipid na tumango. Kinuha niya ang basahan at pinunasan ang ma-grasa niyang kamay.

"Nag-mirienda ka na?" tanong niya sa akin n amabilis kong inilingan.

"Mamaya na ako kakain pag may natirang turon," sagot ko sa kanya.

Bumaba ang tingin ko sa platito ng hiwain niya sa dalawa ang turon gamit ang tinidor.

"Sa'yo ang isa," sabi niya sa akin.

Hindi ako kaagad na nakagalaw dahil sa sinabi niya. Nagtaas siya ng kilay sa akin ng mapansin niyang hindi pa ako gumagalaw para kuhanin ang turon na ibinigay niya sa akin.

"Kunin mo na," sabi niya.

Tipid akong tumango at kinuha 'yon.

"S-salamat..."

Mas lalo akong napanguso ng makita kong halos inisang subo niya lang ang kalahating turon na para sa kanya.

Habang kumakain ay hindi ko ma-iwasang tingnan si Senyorito August...ang bagong siya. Madumi at puno ng grasa ang mga kamay, lukot at malaki din sa kanya ang suot na tshirt, may mga butas din ito at ang suot na pantalon ay kupas na.

"Bakit?" tanong niya sa akin ng mapansin niyang tinitingnan ko siya.

Marahan akong umiling.

"Pag nabuo ko ito...iaangkas kita," sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

"Talaga?" excited na tanong ko sa kanya.

Tipid na tango lang ang isinagot niya sa akin.

Nang magpasukan ay pareho kaming pumasok ni August sa maliit na eskwelahan sa bayan. Katabi ng school nila ang school namin. Kaya naman palagi kaming sabay na pumapasok at hinihintay naman niya ako tuwing uwian.

"Vesper...ang gwapo gwapo talaga ng Kuya mo," sabi ng mga kaklase ko nang makita naming naghihintay si August sa labas ng eskwelahan, sa kanyang tabi ay ang bike na ginagawa naming service.

"Uhm...hindi ko siya Kuya," sabi ko sa kanila pero hindi na nila ako pinansin pa dahil masyado silang abala sa presencya ni August.

Hindi ko tuloy magawang tumingin sa kanya habang naglalakad ako palapit. Nakahawak ang magkabila kong kamay sa starp ng backpack ko.

"Tara na...baka maabutan tayo ng ulan," sabi niya sa akin at kaagad na kinuha ang bike mula sa pagkakasandal sa poste.

Tumango ako at hinintay siyang sumakay doon bago ako umangkas patagilid sa harapan.

"Mirienda mo," sabi niya sa akin at inilabas ang plastick na may lamang kutsinta.

Sandali akong napatingin doon. "Maraming yema yan," pagbibida pa niya.

"S-salamat," sabi ko sa kanya at kinuha yon bago siya umayos ng tayo para maka-angkas ako sa harapan ng bike.

"Tahimik mo," sabi niya sa akin habang nasa byahe kami. Hindi ako gumagalaw para naman hindi siya mahirapan sa pagpedal.

"Hindi ah," laban ko sa kanya kahit halos mapipi ako dahil nasa gitna ako ng mga braso niya at ramdam na ramdam ko ang dibdib niya sa likod ko.

"Anong problema? Inasar ka nanaman ng mga kaklase mo?" tanong niya sa akin.

Marahan akong umiling.

"Sabi nila Kuya daw kita," pag-amin ko.

Narinig ko ang mahina niyang pag ngisi.

"Ayokong maging Kuya ka," giit ko.

Nasa kalagitnaan ng ako ng highschool pero hindi naman nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Siya pa din ang gusto ko.

Mas lalo siyang ngumisi.

"Hindi tayo magkapatid...Ayokong ding maging kapatid ka, Vesper," sabi niya sa akin kaya naman sobrang init ng magkabilang pisngi ko.








(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro