Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48

Close




Nanatiling kumportable si Verity habang karga ng Daddy niya. Kita naman ang pagpinta ng iritasyon sa mukha niya sa kaonting paggalaw sa kanya. Andyan naman kaagad si August para patahanin siya sa oras na nagbabadya siyang umiyak.

"Hindi po ba talaga kayo makaka-uwi ngayon?" tanong ko kay Nanay.

Tumawag siya sa akin para kamustahin si Verity. Sandali akong lumayo sa may kama, tumayo ako at humarap sa may bintana habang kausap siya sa phone.

Sinabi ni Nanay sa akin na gustihin man niyang umuwi kaagad ay baka madaling araw pa ang pinaka-maaga. Kahit nakaharap ako sa may bintana at kita ko pa din naman sa peripheral vision ko ang marahang pagtapik ni August sa pwetan ni Verity para palalimin ang tulog nito.

Kung minsan nakakarinig niya ng mga mumunting hikbi ay kita ko kung paano niya marahang hinahaplos ang likod ng anak namin, hinahalikan sa ulo at may binubulong.

"P-pero wala po kasi kaming kasama ni Verity..." alanganing sabi ko.

Narinig ko ang mahinang pagtikhim ni August, sadya 'yon para kuhanin ang atensyon ko. Ibinigay ko 'yon sa kanya, nakita ko kung paano siya nagtaas ng kilay na para bang tinatanong niya ako sa pamamagitan ng tingin niya kung anong tawag ko sa kanya.

Bukod sa tingin ni August at narinig ko din ang mahinang tawa ni Nanay sa kabilang linya.

"Andyan si August di ba?" tanong niya sa akin.

Marahan akong napatango kahit alam kong hindi naman 'yon makikita ni Nanay.

"Opo. Nandito po," pagsuko ko.

"Kaya wala ka dapat na ikatakot. Nandyan si August, hindi naman niya kayo papabayaan," sabi ni Nanay.

Alam ko naman 'yon. Pero iba pa din kasi talaga kung nandito si Nanay. Iba pa din yung presencya niya, nakakakaba pag baby na ang may sakit, nakakagaan ng loob kung kasama ko si Nanay na nagbabantay kay Verity. Kahit papaano ay nababawasan ang kaba ko.

Matapos ang tawag ay nanatili ang tingin ko sa hawak ko phone kahit tapos naman na ang gagawin ko do'n. Hindi ko lang talaga alam kung ano pang pwede kong ibang gawin, at kung babalik pa ba ako sa kama at tatabi kay August para bantayan si Verity.

May ilang oras pa ulit bago ko i-check ang temperature niya, wala pa din kasing ilang sandali ng pa-inumin ko siya ng gamot sa lagnat.

Sa huli ay binitawan ko ang phone ko dahil hindi rin naman ako makapag-focus. Lumapit ako sa tv, binuksan 'yon at hininaan ang volume.

Ramdam ko ang panunuod ni August sa bawat galaw ko, sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko. Maging ang pagbubukas ko ng tv ay hindi nakatulong sa pagiging awkward ng paligid. Hanggang sa muling umiyak si Verity.

"Basa ng pawis ang likod niya," sabi ni August sa akin kaya naman kaagad akong kumuha ng pamalit niya, kumuha din ako ng mga lumang diyaryo, pinunit 'yon sa sapat na laki para ilagay sa likod niya.

Ganoon ang ginagawa ni Nanay sa akin noon. Nung mga panahong walang wala pa kami, sobrang epektibo no'n dahil mabilis ma-absorb ng diaryo yung pawis kaya naman hanggang ngayon ay ginagawa ko din kay Verity.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni August dahil sa diyaryong nilagay ko sa likod ng anak namin. Imbes na magsalita ay hinayaan niya lang ako.

"Masama siguro ang pakiramdam kaya ganyan," puna ko sa pagiging iritado niya.

Kaunting galaw ay iiyak na siya. Pero isang buhat lang sa kanya ng Daddy niya, sandali lang siya nitong isayaw ay tatahimik na siya kaagad. Na para bang nakaramdam siya ng comfort sa bisig nito.

"Naglalambing ang Verity ko?" pagkausap niya dito.

Nakatayo siya sa harapan ko, sa laki at tangkad ni August ay hindi ko inakalang bagay sa kanya ang ginagawa niyang pagsayaw para lang patahanin ang anak namin.

Habang ginagawa niya 'yon ay nakatingin siya sa akin, nagtagal ang tingin ko kaya naman bahagyang tumaas ang kilay niya.

Pero natanggal ang angas niya ng pareho naming marinig ang pagtunog ng sikmura niya dahil sa gutom.

"Uhm...kukuha ako ng pagkain," alanganing sabi ko.

Hindi ako nagugutom, pero parang biglang gusto ko na lang ding kumain. O baka naghahanap lang talaga ako ng pwedeng magawa. At 'yon ay ang kumain?

"M-may gusto ka bang kainin?" tanong ko sa kanya.

Hindi niya magagawang kumuha ng pagkain lalo na;t ayaw umalis ni Verity sa kanya, ako na lang ang kukuha sa baba para hindi ma-istorbo ang tulog ng anak namin.

"Kahit ano. Kahit anong ihain mo sa akin, Vesper..." marahang sabi niya sa akin.

Tipid na pagtango ang isinagot ko sa kanya. Bago ako tuluyang umalis ay marahan ko munang hinaplos ang likod ng baby ko para magpaalam sa kanya na lalabas lang ako sandali.

Ramdam ko nanaman ang pagsunod ng tingin ni August sa akin, na para bang gusto niyang tingnan ko din siya bago ako lumabas, pero hindi ko siya pinagbigyan sa pagkakataong 'to.

Diretso ang labas ko pababa sa may kitchen. Kaagad akong sinalubong ng ilang mga kasambahay para itanong kung anong kailangan ko. Tumawag na daw si Nanay sa kanila at sinabing tulungan ako kung ano man ang kailanganin.

"Uhm...hindi pa po kayo kumakain?" tanong ko sa kanila nang makita ko ang kakaligpit lang na mga pagkain. Mukhang hindi pa nga yon nagagalaw.

"Kumain na po. Pero si Sir August po hindi pa. Ang sabi po kasi kanina, e hihintayin daw po kayo..." sagot niya sa akin.

Ipina-init ko ang mga pagkaing dapat sana ay kakainin niya kanina. Wala namang nagsabi sa kanya na hintayin ako kaya kasalanan niya kung bakit siya nagugutom ngayon.

"Tsaka kung may soup po sana...para ma-initan yung sikmura kahit papaano," sabi ko pa.

Baka nalipasan na siya ng gutom, kung kakain siya bigla ay mas lalong sasakit ang tiyan niya.

Habang ginagawa nila 'yon at hinihintay ko ay naka-received ako ng message mula kay Damien. Tinatanong niya kung kamusta na kami ni Verity, nasabi din niyang may biglaan siyang dinner kasama ang mga college friends niya.

Hindi ko naman 'yon tinatanong pero siya mismo ang nagsabi sa akin kung nasaan siya.

Nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa pagkakasakit ni Verity, wala namang mali don dahil siya naman ang Doctor ng baby ko. Gusto nga sana niyang pumunta kaagad dito pero sinabi kong ayos lang kami.

Mariin akong napapikit nang makita ko ang pangalan niya sa screen ng phone ko dahil sa pagtawag.

"Pupunta ako diyan. Kamusta na siya? Ikaw?"

"Wag na, Damien. Huminahon naman na siya, mino-monitor ko din yung body temperature niya, ayos lang si Verity," sabi ko.

"Call me every now and then kung sakaling tumaas ulit...pupuntahan ko kayo kaagad. Andyan ba si Tita? Sinong kasama mong mag-alaga? Si Melanie?" sunod sunod na tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit biglang ang hirap sagutin ng mga tanong niya. Ang simple lang naman ng mga 'yon pero hirap na hirap ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Uhm...Oo, sina Nanay at Melanie," pagsisinungaling ko.

Ang kasambahay na naghahanda ng pagkain ay bahagya pang lumingon sa akin. Napanguso tuloy ako dahil bigla akong nakaramdam ng hiya sa kanya, nasaksikan kasi niya ang pagsisinungaling ko.

Umakyat din kami kaagad pagkatapos niyang ma-ihanda ang mga pagkain. Sinamahan na niya ako dahil dalawang tray ang pinaglalagyan ng mga pagkain.

Dahan dahan ginawa kong pagbubukas ng pintuan para hindi ma-istorbo si Verity. Pagkapasok ko ay naabutan naming nakapikit din si August, mukhang naka-idlip na din sa kanina pa ding pwesto.

Hindi siya nagising kahit pa nakapasok na kami, naging ma-ingat na ang galaw namin. Tahimik na sumunod sa akin ang kasama kong kasambahay, ibinaba niya ang tray na hawak sa may maliit na lamesa sa loob ng kwarto namin ni Verity, tsaka siya nagpaalam.

Bago tuluyang gisingin si August ay inayos ko na muna ang mga pagkain sa lamesa bago ako lumapit sa kanya.

Nagdalawang isip pa ako kung paano ko siya gigisingin, hanggang sa tinapik ko ang braso niya.

"August..."

Dahan dahan siyang dumilat, kita sa mga mata niya na galing talaga siya sa pagkaka-idlip.

"Akin na muna si Verity, kumain ka na..." marahang sabi ko.

Akmang kukuhanin ko si Verity sa kanya nang gumalaw siya at mukhang walang balak na ibigay sa akin. Nakita ko kung paano niya tiningnan ang lamesa.

"Kumain tayo," yaya niya sa akin.

"Mauna ka na. Mahihirapan tayong kumain ng sabay..." paliwanag ko sana.

"Sabay na tayo," sabi pa niya ulit ng hindi man lang pinansin ang ilang beses kong paliwanag na mauna na siya dahil mahihirapan kaming kumain ng sabay.

Wala na akong nagawa ng tumayo siya at lumapit sa may lamesa, buhat pa din niya si Verity, kontrolado na din niya ang galaw niya para hindi ma-istorbo ang tulog ng anak namin.

Para hindi na humaba pa ang usapan ay sumunod na din ako sa kanya, umupo ako sa harapan niya at nagsimula na ding kumain.

Tahimik lang kami nung umpisa hanggang sa binasag niya na ang katahimikan.

"Baka kaya nagkasakit ang anak natin dahil sa pagsama-sama niya sa mga hindi niya kilala," sabi niya na kaagad ko namang na-intindihan.

"Kilala niya si Damien. Hindi 'yon dahil don," laban ko.

Tumikhim si August. "Wag na muna siguro kayong lumabas ni Verity kasama ang Damien na 'yon," laban pa niya.

"Kaibigan ko si Damien. Doctor siya ni Verity...walang masama kung lalabas kami kasama siya."

"At manliligaw mo..."

Hindi na ako nakasagot pa sa sumunod niyang sinabi.

"At nagseselos nga ako."

Napabuntong hininga ako. Wala akong masabi, wala akong masagot.

Saktong tumunog ang phone ko dahil sa tawag ni Damien. Alam ko na kaagad ang sadya niya. Kakamustahin niya ang lagay ni Verity.

Nakita ko kung paanong halos dumikit ang tingin ni August sa pangalan ni Damien sa screen ng phone ko.

"Uhm..."

"Sige, sagutin mo..." sabi niya sa akin.

Sasagutin ko pa din naman kahit hindi niya sabihin. Ang inaalala ko lang naman ay kung kakailanganin ko pa bang tumayo at lumayo sa kanya, o pwede ko ng sagutin 'yon ngayon sa harapan niya.

Kagaya nang sinabi niya ay sinagot ko ang tawag ni Damien. Tama ako sa naisip na kakamustahin niya sa akin si Verity. 'Yon lang din naman kasi ang nakikitang kong dahilan para tumawag siya at wala ng iba.

"Kamusta na kayo? Bumaba na ba ang lagnat ni Verity?" tanong ni Damien sa akin.

"Uhm..." bago ako sumagot ay napatingin pa ako kay Verity.

Pagkatapos naming kumain ay tsaka ko pa lang ulit siya kukuhanan ng body temperature. Mahimbing ang tulog niya habang nakayakap at nakasandal ang ulo sa balikat ng Daddy niya.

Mula kay Verity ay dahan dahang lumipat ang tingin ko kay August, nagpatuloy siya sa pagkain na walang kahirap-hirap, limitado ang mga galaw niya pero medyo bayolente ang pag nguya...at naka-simangot pa.

Nagpapabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa pagkain niya. Lumalabas ang pagiging suplado niya, napapanguso pa kung minsan.

"Tulog siya. Medyo iritado lang pag nagagalaw siya...pero mahimbing na ang tulog niya ngayon," sagot ko kay Damien.

Marami pa siyang itinanong sa akin. Marami din siyang sinabing pwede kong gawin kaya naman panay ang tango ko. Habang ginagawa ko 'yon ay panay din ang sulyap ni August sa akin, nagtataka kung anong dahilan ng pagtango ko.

Matapos ang pagtawag ni Damien ay nagpatuloy lang kami sa pagkain hanggang sa mauna siyang matapos. Imbes na umalis sa harapan ko ay nanatili siyang tahimik na naghihintay na matapos ako.

"Mahina ka pa ding kumain," puna niya. Mukhang kanina pa niya 'yon gustong sabihin pero ngayon niya lang nasabi.

"Medyo busog pa kasi," sagot ko. Para lang magkaroon kami ng maayos na pag-uusap kahit papaano.

Nagtaas siya ng kilay. Itinaas niya ang isang kamay niya para marahang haplusin ang likuran ni Verity.

"Ano bang kinain niyo ng Damien na 'yon?" seryosong tanong niya.

Sandaling nagtagal ang tingin ko. Hindi pa ako sigurado kung sasagutin ko yung tanong na 'yon.

"Uhm...Chinese cuisine," sagot ko na lang.

Napatango-tango si August.

"Tapos..."

"Huh? Tapos ano?"

"Tapos saan kayo pumunta?"

"S-sa...sa Arcade," alanganing sagot ko.

Parehong tumaas ang magkabilang kilay niya.

"Arcade, Huh?" sambit niya habang may naglalarong ngiti sa labi niya.

"Oo. Bakit? Hindi na ba pwedeng maglaro sa Arcade ang mga matatanda?" tanong ko sa kanya.

"Pwede naman. Hindi mo sinabi sa akin na gusto mop ala ng ganoong date..."

Natigilan ako. "H-hindi 'yon date," laban ko. Hindi ko alam kung bakit nilaban ko pa 'yon.

Ang ngisi niya ay kaagad na napalitan ng ngiti.

"I'll take note of that."

Sinubukan niyang i-abot si Verity sa akin. Kailangan ko na kasi ulit siyang kuhanan ng body temperature. Nakahinga ako ng maluwag ng sumama siya sa akin ng hindi umiiyak. Si August na din kasi ang nag-presinta na magbaba sa kusina ng mga pinagkainan namin.

"Gustong gusto mo sa Daddy mo ha," malambing na pagkausap ko sa kanya.

Gumising siya at tahimik lang na nakatingin sa akin habang hawak ko ang braso niya para hindi matanggal ang thermometer na naka-ipit sa kili-kili niya.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong bumaba na kahit papaano ang body temperature niya hindi kagaya kanina.

Medyo sumigla na din siya at nakikipag-sagutan na nga sa akin. Pinalitan ko ang nakadikit na cool fever sa noo niya para masiguradong pababa na talaga ang lagnat niya. Pinalitan ko lang siya ng puting sando at hinayaang naka-diapers lang siya para mas maging kumportable.

Sandali akong napahinto sa pagka-usap sa baby ko ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan dahil sa pagbalik ni August. Hindi na ako nag-abala pang lingonin siya dahil alam ko namang siya 'yon at wala ng iba.

"Gising?" tanong niya.

Ramdam ko ang mabilis niyang paglakad palapit sa amin. Yumuko siya umupo sa gilid ng kama para humalik sa ulo ni Veirty.

"Pinapakaba mo kami ni Mommy...ayos na ang pakiramdam ng baby ko?" malambing na pagka-usap niya dito.

Mas lalong sumigla si Verity dahil sa presencya ng Daddy niya. Hindi ako umimik, tahimik kong pinanuod ang ginagawa ni August, para bang natural na sa kanya 'yon, na hindi na niya kailangan pang pag-aralan ang maging isang ama kay Verity dahil natural na sa kanya 'yon.

Nilingon niya ako dahil sa pananahimik ko.

"Kamusta ang body temperature niya?"

"Uhm...bumaba na. Paalis na ang lagnat niya," magulo ng sagot ko dahil sa pagiging malapit namin sa isa't isa.

Hindi man lang ako nakakita ng kahit anong pagka-ilang sa kanya. Para bang walang kaso sa kanya kung masyadong kaming malapit na dalawa.

Ngumisi siya. "Buti naman umalis na..." sabi niya sa akin kaya namana napapikit ako ng mariin dahil sa pang-aasar niya.

"Dito pa din ako matutulog," pinal na sabi niya na ikinagulat ko.

"Pero..."

Hindi na niya ako pinansin. Kinarga niya si Verity at iniayos ng higa sa gitna ng kama, balak pa niyang dito sa kama ko matulog habang nasa gitna namin ang anak namin. Dahil sa pagkaka-ayos niya ng higa ay doon ko napansin na nakapag-palit na siya ng damit.

Tumagilid si Verity paharap sa Daddy niya. Nakatingala siya dito na para bang gustong gusto niyang pagmasdan ang mukha nito.

Mariin na lamang akong napapikit at napabuntong hininga.

Para kay Verity, Vesper. Para kay Verity.

Humiga ako sa kaliwang bahagi ng kamay, gustuhin ko mang tumagilid ay nahusto akong tumitig muna sa may kisame. Abala ang baby ko sa Daddy niya, nakikipag-usap siya dito. Bukod sa ingay ni Verity ay rinig na rinig ko din ang mahihinang tawa ni August.

"Tanggalin daw 'tong nasa noo niya," sabi niya sa akin.

"Huh?"

Doon ko nakitang mukhang iritado nga si Verity dahil sa nakadikit sa noo niya. Sinabi niya 'yon kay August? naiintindihan siya ni August?

"Hindi pwede, Verity..." sabi ko sa baby ko.

Marahan ko siyang inayos ng higa para hindi lang siya sa Daddy niya nakaharap.

"Kailangan 'yan," pagkausap ko pa sa kanya. Marahan kong pinasadahan ng hawak ang cool fever na nakadikit sa noo niya para masiguradong nasa tamang dikit pa din 'yon.

Mula kay Verity ay pansin ko ang panunuod ni August sa amin. Kung makatingin ay akala mo nanunuod siya ng teleserye.

"I'm so proud of you, Vesper..." sabi ni August out of nowhere.

"Sobrang swerte ni Verity na ikaw ang Mommy niya," dugtong pa niya.

Namanhid ang buong katawan ko, ramdam ko ang pagtayo ng balahibo sa batok ko pababa sa may braso.

Hindi ako lalong nakapagsalita nang maramdaman ko ang kamay niyang humawak sa kamay kong nakahawak sa anak namin dahil sa ginagawa kong marahang pagtapik sa pwetan nito.

"Noon pa lang, alam kong ikaw na talaga yung gusto kong maging ina ng mga magiging anak natin."

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko, pero humigpit ang hawak niya dito.

"Kahit ngayon lang..." paki-usap niya sa akin. Hindi na ako nakapanlaban pa.

Hanggang sa nakatulugan ko nang hawak niya ang kamay ko. Sobrang lalim ng tulog ko ng gabing 'yon na hindi normal para sa akin. Ni halos hindi ko nga magawang umidlip man lang pag may sakit si Verity, pero kagabi au mukhang napasarap ang tulog ko...sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kung anong klaseng sekuridad dahil sa presencya ni August.

Kaya naman nang magising ako kinaumagahan ay ganoon na lamang ang gulat ko nang mapansin kong nakahiga na ako sa braso niyang nakayakap sa akin. Nakadapa sa kanyang dibdib ang anak naming mahimbing din ang tulog.

Hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganitong klaseng posisyon. Wala akong ma-alalang yumakap ako sa kanya. Ganoon na ba kalilim ang tulog ko?

Umalis kaagad ako sa yakap ni August ng makakuha ako ng pagkakataon. Hindi naman siya nagising dahil sa paggalaw ko. napahilamos na lamang ako sa mukha ko dahil sa pagkabigla.

Nanatili akong nakaluhod sa paanan ng kama, nakatingin ako sa kanilang dalawa. Mas lalo silang nagiging magkamukha na dalawa.

Napahilamos na lamang ako sa aking mukha, ramdam ko pa din ang kamay ni August sa katawan ko kahit pa hindi na siya nakayakap sa akin.

Napagpasyahan kong lumabas na ng kwarto para tingnan kung naka-uwi na sina Nanay at Melanie. 'Yon kaagad ang itinanong ko sa nakasalubong kong kasambahay.

Naka-uwi na daw si Nanay at nasa kwarto na niya. Bitbit ko ang ilang gamit na baby bottles ni Vertiy, mga palanggana na may lamang tubig para mahugasan na. Abala na din ang mga kasambahay sa paghahanda ng umagahan.

"Ma'am Vesper may bisita po kayo..." anunsyo ng isa sa mga kasambahay na ikinagulat ko.

Napatingin ako sa may malaking wall clock sa may dinning table. Kaagad pa akong napahawak sa mga mata ko para masiguradong wala na akong kahit anong muta doon kahit nakapaghilamos naman na ako at nakapag-toothbrush na din.

"Sige po, papasukin niyo po," paki-suyo ko.

Nakangiting si Damien ang naabutan ko pagkadating ko sa may living room. Mukhang kagagaling lamang nito sa pagtakbo, base na din sa suot niya.

"Pasencya na kung maaga akong pumunta. Dumaan na din ako para sana kamustahin ka at si Verity," sabi niya sa akin.

Nagpakuha kaagad ako ng kape para sa kanya.

"Ayos na siya, tulog pa din nga hanggang ngayon..." sagot ko.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni Damien ng sunod-sunod na bumaba mula sa kani-kanilang kwarto sina Nanay at Melanie.

Nagpabalik-balik ang tingin ni Damien sa aming tatlo na para bang may tanong siyang gustong sabihin.

"Sino ang kasama ni Verity ngayon?" tanong niya sa akin.

Napa-awang ang bibig ko. Nasa harapan niya kaming tatlo, kaya naman hindi nakapagtataka na isipin niya kung sino ang kasama ni Verity ngayon gayong may sakit ito. Alam ni Damien na hindi ko kayang malingat man lang dito sa tuwing may sakit siya.

Hindi ko na kailangan pang sagutin 'yon dahil sabay sabay kaming napalingon nang marinig namin ang ingay ng baby ko na para bang inaanunsyo niya ang pagdating nila ng Daddy niya.

"Magandang umaga po," bati ni August kay Nanay.

Ni hindi man lang binigyang pansin ang bisita.

"Si Papa August pala," sagot ni Melanie sa tanong ni Damien.

"Sa kwarto ka ni Vesper natulog?" tanong ni Nanay. Para bang maging siya ay nagulat dito.

Walang pagdadalawang isip na tumango si August, taas noo pa ng sandaling mapunta ang tingin niya sa bisita.

"Opo. Buong magdamag naming inilaagan ang anak namin," sagot niya sa mga ito.

Inimbita ni Nanay si Damien na kumain ng breakfast kasama namin. Pero bago pa man kami kumain ng breakfast ay sinabi ni Damien na titingnan muna niya si Verity.

Halos ayaw bitawan ni August si Verity para ibigay kay Damien. Nang mahawakan naman ni Damien si Verity para tingnan ay halos dumikit ang tingin ni August dito.

Kung tingnan niya ang bawat galaw nito ay para bang kayang kaya niyang tanggalan ng lisencya si Damien sa pagiging Doctor nito sa isang maling galaw lang.

"Ayaw mo na kay Tito? Sandali lang akong nawala...hindi na tayo close kaagad?" natatawang pagkausap sa kanya ni Damien.

Dahan dahang na-irita si Verity at handa ng umiyak. Bago ko pa man siya makuha kay Damien ay naglahad na kaagad siya ng kamay sa Daddy niya ng makita niya 'to.

Mahinang tumawa si Damien ng makuha niya 'yon. Siya na mismo ang lumapit kay August para ilipat si Verity dito.

"Kay Daddy pala ang gusto..."

"Kay Daddy lang dapat kasi close, di ba?" malambing na sabi ni August kay Verity ng tuluyang malipat ito sa kanya.

Hindi na lang umimik pa si Damien, nilingon niya ako at nilapitan.

"Siguradong hindi ka nanaman nakatulog ng maayos," puna niya sa akin na kaagad senigundahan nina Nanay at Melanie.

Ang totoo, nakatulog ako ng maayos dahil sa presencya ni August. Hindi ko lang 'yon masabi sa kanila.

"Balita ko ay may bago kayong company tie-up..." tanong ni Nanay sa kanya.

Tumango si Damien. "May bago kaming investors. Isang oil company."

"What company?" tanong ni Nanay.

Ngumisi si Damien. Nakita ko kung paano siya bahagyang lumingon sa likod.

"Escuel oil company."




(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro