Chapter 44
Kiss
Pinanlakihan ko ng mata si Melanie bago ko siya hinila para makapagtago din. Kitang kita ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha dahil sa naging reaksyon namin ni Nanay. Mula sa akin ay nilingon din niya ang ayos ni Nanay sa pagtatago.
"Tita Fae, bakit nagtatago din po kayo?" tanong niya kay Nanay.
Hindi nakasagot si Nanay, alam kong nahihirapan siyang sumagot.
"N-nahila ko lang si Nanay," sabi ko kay Melanie.
Tumango si Nanay dahil sa sinabi ko, kaagad na napatango si Melanie na para bang tinanggap niya ang dahilan na ibinigay namin sa kanya.
"Akala ko po nagtatago din kayo kay Papa August, e..." natatawang sabi niya dito.
Napa-iwas na lamang ako ng tingin. Wala naman din kasi ako sa tamang posisyon para sabihin kay Melanie ang tungkol sa nakaraan ni Nanay at Tay Vinci. Ni hindi ko pa nga din alam kung gusto pang balikan ni Nanay ang tungkol doon, o mapag-usapan man lang.
Ilang minuto pa ang lumipas ay muli naming napagpasyahan na sumilip sa may bintana, pero ginawa namin 'yon ng nakaluhod kaming tatlo para siguradong hindi kami makikita.
Ramdam ko ang tingin ni Verity sa akin, na para bang kahit tahimik siya ay nagtataka pa din ang baby ko kung anong nangyayari sa aming tatlo.
"Baby...wag," malambing na suway ko sa kanya nang hawakan niya ang kurtina at hinila hila 'yon. Bukod kay Melanie ay mukhang balak din ni Verity na ibuko kami sa aming ginagawa.
Abala si August at Julio sa pag-uusap, para bang nagtatalo pa din silang dalawa. Tahimik naman si Tay Vinci sa kanilang tabi na panay ang lingon sa aming bahay.
Pa-simple ko tuloy na tiningnan ang tahimik lang na si Nanay, wala pa din siyang kahit anong emosyon na ipinakita. Mukhang ayaw talaga niyang pagpakita ng emosyon.
"Aalis na yung bisita. Ang gwapo nung kausap ni Papa August," sabi ni Melanie.
"Si Julio 'yon, kapatid niya," sabi ko sa kanya.
Sumakay na ng sasakyan sina Julio at Tay Vinci. Mukhang nakumbinsi sila ni August na umalis na. Base sa alam ko at sa kilos na din nila ngayon, alam ko naman kung gaano niya kamahal ang kapatid niya, at alam kong sa nangyayari ngayon, ayaw niyang madamay 'to.
Tinanaw ni August ang pag-alis ng sasakyan nito, nang mahusto siya ay nakita pa namin ang muli niyang paglingon dito sa bahay bago siya muling pumasok sa kanyang bahay.
"Bumaba na tayo," yaya ni Nanay sa amin.
Wala kaming imik na sumunod sa kanya pababa sa may living room kahit hindi din naman namin alam kung anong gagawin namin doon. Umupo kami sa may living room, nagpahatid si Nanay ng ma-iinom at mirienda. Habang naghihintay kami ay muling tumayo si Melanie sa may bintana, mukhang hindi pa siya tapos na maki-balita sa nangyayari sa kabila.
"Aalis na si Papa August?" tanong niya.
Nagkatinginan kami ni Nanay, pero hindi na kami nag-abalang tumayo pa. Wala na kaming lakas na lumapit pa doon at magtago sa likod ng mga bintana.
"Nilabas na ng mga guard ang mga maleta niya. Mukhang sasama na siya pa-uwi sa kanila," sabi pa ni Melanie. Hindi na talaga namin kailangang tumayo pa dahil siya na mismo ang nagsasabi sa amin ng mga nakikita niya sa labas.
Bumaba ang tingin ko kay Verity, tahimik niyang pinaglalaruan ang teether na nakasabit sa kanyang damit na bigay ng Daddy niya.
Kung sakaling ngang bumalik si August sa poder ng Lolo niya ay dapat lang na matuwa kami. Isa lang kasi ang ibig sabihin no'n, nagka-ayos na sila ng Lolo niya kaya naman wala ng rason para pahirapan pa siya nito.
Gustuhin ko mang tumayo at tumabi kay Melanie para makumpirma nga kung totoo ang sinabi niya ay pinigilan ko na lamang ang aking sarili. Tama na narinig ko 'yon, tama naman 'yon para wala na din siyang problema at ganoon din kami.
"Wala na, umalis na pati sasakyan ni Papa August," malungkot na sabi ni Melanie.
Nakita ko ang tingin niya sa akin na para bang gusto niyang malaman ang magigig reaksyon ko, pero nanatili lang ang atensyon ko kay Verity at nagkunwari na wala akong pakialam doon.
"Suportahan na lang natin si August kung anong maging desisyon niya. Alam na niya ang tama at mali," sabi pa ni Nanay.
Umupo si Melanie sa tabi ko at kumain ng mirienda kasama namin ni Nanay. Natawa na lamang kami dahil sa tuwing susubo ako at nililingon ako ni Verity na para bang gusto din niyang kumain. Masarap kasi sa mata ang kulay ng mga macaroon at maliliit na cupcake na nakahain s amay center table.
Kumuha ako ng maliit na icing at isinubo 'yon kay Verity.
"Ma'am may tao po sa labas, hinahanap po si Ma'am Vesper," sabi ng isa sa mga kasambahay kaya naman natigilan kami.
Nagkatinginan kaming sandali ni Nanay, wala naman akong inaasahang bisita. Hindi pa din naman ngayon ang pagpunta nina Ruth dito sa amin, at kung pupunta man sila ay siguradong magsasabi sila.
Napatingin kami sa isa pang kasambahay na sumunod na pumasok.
"Yung mga naghahanap po kay Ma'am Vesper kasama po ni Sir August," sabi nito.
Dahil sa kanyang sinabi ay nagkaroon na kaagad ako ng ideya. Ganoon din si Nanay dahil nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
Matagal kaming natahimik ni Nanay, napansin ko ang muling pagtayo ni Melabie at pagsilip sa may bintana.
"Nandyan si Papa August, hindi sya umalis!" anunsyon niya sa amin.
Sa hindi ko malamang dahilan ay gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Na para bang sumama ang loob ko ng malaman kong umalis siya at biglang hindi na ngayon. Hindi ko din ma-intindihan.
"Papapasukin po ba?" tanong ng isa sa mga kasambahay ng magtagal ang pananahimik namin ni Nanay.
Nilingon ko si Nanay ng marinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Sige, papasukin niyo..." pagsuko niya.
Saktong pag-alis ng mga kasambahay ay nagulat ako sa ginawa niyang pagtayo.
"Aakyat na muna ako. Marami akong kailangang tapusin na trabaho," paalam niya sa amin.
Gusto kong pigilan si Nanay, pinapasok niya ang mga bisita, hindi ko kayang harapin sila na ako lang mag-isa.
"Ako din po, Aakyat na," paalam ni Melanie.
Habang sinasabi niya 'yon ay kumukuha na siya ng nga pagkain na baon niya sa pag-akyat.
"Teka..." pagpigil ko sa kanilang dalawa.
Hindi ko kayang harapin ang mga bisita na ako lang mag-isa.
"Magandang araw po," pagpasok ni August.
Dahil sa nararamdaman kong kaba at pagkataranta dahil sa pang-iiwan nina Nanay at Melanie sa akin ay wala sa sarili kong na-irapan si August ng magkatinginan kami.
"Kasama ko po ang kapatid ko at si Tay Vinci. Kung pwede lang po sana na ipakilala ko sa kanila si Verity," paalam niya sa amin pero kay Nanay siya nakatingin.
Para bang may epekto sa kanya ang ginawa kong pag-irap kaya naman hindi na niya kinayang tumingin ulit sa akin.
"Walang kaso sa akin, pero kay Vesper ka magpaalam," sabi ni Nanay sa kanya.
Mula kay Nanay ay muling bumalik ang tingin ko kay August, sa pagkakataon na 'to ay nakatingin na din siya sa akin, may kung anong kakaiba sa tingin niya na hindi ko mawari, nangibabaw ang nararamdaman kong awa sa hindi ko malamang dahilan.
"Pwede ko bang ipakilala ang anak natin kay Tay Vinci at sa kapatid ko?
tanong niya sa akin.
Pinagmasdan ko siyang mabuti, bahagyang kumunot ang noo ko ng makita ko ang pamumula ng kanang pisngi niya. Hindi pamumula na parang nahihiya o ano, namumula na para bang tumama 'yon sa kung saan. Parang sinuntok.
Marahan akong tumango bilang pagpayag. Ngumiti si August at nagliwanag ang kanyang mukha dahil sa sagot ko. Lumapit siya sa akin at naglahad ng kamay para kuhanin si Verity, pero sa hindi malamang dahilan ay kaagad siyang tumalikod sa Daddy niya na ikinagulat namin.
"Verity..." tawag ni August sa kanya.
Hindi niya hinarap 'to, nanatili ang yakap niya sa aking leeg na para bang ayaw niyang magpakuha sa Daddy niya.
Tipid na ngumiti si August, pero alam kong nasaktan siya dahil sa pagtalikod sa kanya nito.
"Minsan moody talaga ang mga baby," sabi ni Nanay. Para bang alam din niyang masakit 'yon para kay August, pero tama naman siya. Minsan hindi talaga natin ma-iintindihan ang mood ng mga baby.
Mas lalo siyang lumapit sa amin, mas lalo kong na-amoy ang bango niya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa likod ni Verity dahil tumama ang kamay niya sa braso kong nakayakap sa baby ko.
"Halika..." malambing na tawag niya dito.
Nilingon siya ng anak namin pero ang kapit niya sa akin ay mahigpit pa din.
"Isama daw si Mommy,' sabi n Melanie kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata.
Ngumiti siya sa akin at nag-peace sign pa dahil sa panlalaglag niya sa akin. Ayos lang sa akin na ipakilala niya si Verity kay Tay Vinci at Julio, pero yung isama pa ako. Hindi ko ata kayang humarap sa kanila.
"Hinahanap ka din ni Tay Vinci..." sabi ni August sa akin, pagkatapos ay nilingon niya si Nanay.
"Kayong dalawa ni Nay Fae..." dugtong niya.
Nag-iwas kaagad ng tingin si Nanay.
"Pakisabi ay sa susunod na lang. Gusto ko man sanag makipag-usap sa inyo ay marami akong kailangang tapusing trabaho ngayon," sabi niya kay August bago niya ako nilingon.
"Sige na, Anak. Samahan mo na si Verity," sabi niya sa akin kaya naman napa-awang ang bibig ko. Hindi naman siguro seryoso si Nanay dito?
Tipid siyang ngumiti sa akin na para bang sinasabi niyang ayos lang 'yon, magiging ayos lang ang lahat.
"S-sige, susunod kami ni Verity sa labas," sabi ko kay August.
Nakuha naman kaagad niya ang gusto kong mangyari na mauna muna siya dahil mag-uusap pa kami ni Nanay. Mabilis siyang lumabas para balikan si Tay Vinci at Julio na nasa may veranda.
"Samahan mo si Verity, hinahanap ka din ng Tay Vinci mo kaya harapin mo siya," sabi ni Nanay sa akin.
"Kayo po?" tanong ko sa kanya.
Tipid siyang ngumit at humawak sa braso ko, matapos 'yon ay tiningnan niya si Verity at hinawakan ang ulo nito.
"Tsaka na ako haharap sa kanya. Marami pa akong kailangang asikasuhin ngayon," sabi pa ni Nanay.
Hindi ko na lang siya pinilit pa. Kailangan kong respetuhin ang gusto niya. Sabay silang umakyat ni Melanie para pumunta sa kani-kanilang kwarto.
Inipon ko ang lahat ng lakas ko bago kami tuluyang lumabas ni Verity. Tahimik lang din siya kagaya ko na para bang nagpapakiramdaman kami.
Narinig ko ang tawa ni Tay Vinci bago pa man nila kami tuluyang makita. Natahimik sila pagkalabas namin.
"Si Verity," nakangiting sabi niya kay Julio.
Lumapit siya sa amin, isang beses lang siyang naglahad ng kamay ngayon ay sumama na kaagad siya sa Daddy niya hindi kagaya kanina.
"Vesper," tawag ni Tay Vinci sa akin.
Lumapit siya sa akin at kaagad akong niyakap. Masaya akong makita siya ulit kaya naman niyakap ko din siya pabalik.
"Ang ganda mo lalo!" puri niya sa akin kaya naman hindi ko ma-iwasan makaramdam ng hiya.
Kinamusta niya ako, marami siyang baong kwento pero mas interisado siyang magtanong tungkol sa akin.
"Patawarin mo ako kung wala ako noong mga panahong kailangan mo ng makakatulong, kailangan mo ng kasama..." sabi niya sa akin. Muli, ay tipid akong ngumiti.
"Tapos na po 'yon, wala pong kaso sa akin," pag-amin ko.
Na-realize ko na may sarili din naman siyang mundo. Ma anak siya, kailangan din siya ni Vera noon kaya naman hindi ko siya masisisi kung wala siya sa tabi ko.
Hindi naman kasi pwedeng sa atin lang iikot ang mundo nila. Minsan dapat lang na matutunan nating kayanin ang mga bagay na tayo lang...na wala tayong ibang kasama kundi ang sarili natin.
Kung hindi ko pinagdaanan ang lahat ng 'to, hindi ako magiging ganito kalakas, ganito katapang.
Habang nakikinig ako sa kwento ni Tay Vinci ay nakita ko din kung paanong kinuha ni Julio si Verity dito. Kinarga niya ang pamangkin at ilang beses na hinalikan ito sa ulo.
Kita ko sa ngiti ni August kung gaano siya kasaya na ipakilala sa kapatid niya ang anak namin. Na para bang proud na proud siya kay Verity.
"May nakuha din naman sa akin ah," sita niya sa kapatid.
May sinasabi ito na hindi malinaw sa aking pandinig pero tumawa si August.
"Ang Nanay Fae mo nga pala?" tanong ni Tay Vinci sa akin kaya naman bumalik ang atensyon ko sa kanya.
Sa dami ng sinabi at kwento niya sa ain ay alam kong kanina pa niya 'yon gustong itanong.
"Nasa loob po. Hindi po makakalabas dahil madami daw pong kailangang tapusing trabaho. Pasencya na po..."
Marahan siyang umiling. "Walang kaso sa akin. Na-itanong ko lang dahil ang tagal din naming hindi nagkita. Ang mahalaga ay malaman kong nasa maayos siyang kalagayan ngayon," sabi niya sa akin.
Naging kumportable kaagad si Verity sa Tito Julio niya. Nakita ko ding kagaya ni Agust ay mukhang malapit din talaga si Julio sa bata.
"Ang gusto nga sana ni Vera ay babae ang sunod," kwento niya.
Ngumisi si August habang nakikinig sa kapattid.
"Pero kung ano naman ang ibigay ay walang kaso sa amin..." pahabol pa niya.
"Wala ding kaso sa amin kung ano ang susunod na ibibigay," sabi ni August at nakita ko kung paano niya ako nilingon.
Pinagtaasan ko siya ng kilay at sinamaan ng tingin. At bakit niya ako titingnan gayong wala naman akong kinalaman sa mga pinagsasabi niya.
Pinutol ko ang pagtitinginan namin sa isang irap. Kung ano-anong pinagsasabi.
"Ipapadala ko dito ang isa pang sasakyan para may magamit ka, Kuya."
Pasimple akong nakinig sa pag-uusap nilang magkapatid, mukhang nahalata 'yon ng katabi kong si Tay Vinci kaya naman nagsalita na din siya, siya na mismo ang nagkwento sa akin ng gusto kong malaman.
"Kinuha ni Joaquin ang ilang mga gamit at sasakyan ni August. balak din niyang bilhin ang bahay...sisisguraduhin talaga niyang walang matitira sa apo niya. Napakawalang puso," sabi ni Tay Vinci, ramdam ko ang inis sa boses niya habang sinasabi niya ang mga 'yon.
"Bakit hindi na lang po niya tanggapin ang alok ng kapatid niya?" tanong ko dito.
Ssapat lang ang lakas noon para sa aming dalawa ni Tay Vinci. Abala din naman ang dalawa sa sarili nilang pag-uusap kaya walang problema.
"Ayaw niyang madamay si Julio dito. Hindi ko alam kung anong mas higit na pagpapahirap pa dito ang kayang gawin ng Lolo nila, kung meron mang nakaka-alam no'n ay si August 'yon."
Humalukipkip ako at umayos ng upo. "Sumuko na lang kasi siya sa Lolo niya," sabi ko.
Ngumisi si Tay Vinci. "Ang pagsuko at kayong dalawa ng anak niya? Kahit gumagapang na siya sa lupa...hindi niya kayo bibitawan," sabi ni Tay Vinci sa akin.
Kumunot ang noo ko.
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Kung tatanggapin ni August ang lahat ng karangyaang kayang ibigay ng pagiging Escuel niya...kailangan niya kayong talikuran at kalimutan. Kailangan niyang bitawan ang pagiging asawa sa 'yo at ama kay Verity," paliwanag niya sa akin.
Nagtagal ang tingin ko kay Tay Vinci. Magtatanong pa lang sana ulit ako ng magsalita si August.
"Lolo Vinci," tawag niya dito habang karga si Verity.
Matamis na ngumiti si Tay Vinci at sinalubong ang anak ko.
"Akala ko ay hindi na bibitawan ng Tito niya e," parinig niya kay Julio.
Pinatayo niya si Verity sa hita niya, pinagmasdan niya 'tong mabuti bago niya ako muling nilingon.
"Ang ganda...kamukhang kamukha mo," sabi niya sa akin kaya naman tipid ko siyang nginitian dahil naguguluhan pa din ako sa sinabi niya sa akin.
"Anong nakuha sa akin, Tay Vinci?" tanong ni August.
Ngumisi si Tay Vinci at muling pinagmasdan si Verity.
"Ilong lang..."
Hindi din sila nagtagal na dalawa, kailangan pa kasi nilang bumyahe pabalik sa Sta. Maria. Nangako naman na babalik sila, at kung papalarin ay makita at makausap na daw ni Tay Vinci si Nanay.
"Sana kamo sa susunod na balik ko ay wala na siyang kilangang tapusing trabaho," nakangiting sabi niya sa akin.
Nagpaalam din si Julio sa akin. Nakakaramdam pa din ako ng pagkailang sa kanya, hindi pa nga din ako sanay na Julio lang ang tawag ko sa kanya at wala ng Senyorito.
"Sana makapunta kayo sa birthday party ni Vatticus. Matutuwa Siya pag nakita ang pinsan niya. My wife would love to meet your daughter too..."
Tipid akong ngumiti kahit hindi ako sigurado.
Karga ni August si Verity ng ihatid namin sila palabas, hanggang sa makasakay na sila sa kanilang sasakyan ay nanatili akong nakatayo sa tabi ni August. Hinawakan pa niya ang kamay ni Verity at pinakaway ito habang palayo ang sasakyan.
Nakangiti nila akong hinarap na dalawa. Mula kay August ay lumagpas ang tingin ko sa garahe niya. Wala nan ga doon ang sasakyan niya.
"Nasaan na ang sasakyan mo?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.
"P-pinagawa ko muna..may sira," sagot niya sa akin.
"Sinungaling."
"Kaya magkagalit kayo ng Lolo mo ngayon dahil ayaw mong lumayo sa amin, di ba?" diretsahang tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya, pero sa huli ay sumuko nalamang din siya at walang nagawa.
"Walang kaso sa akin kahit bawiin ni Lolo ang sa tingin niya ay pagmamay-ari niya."
"Pero ba niya ang pinambili mo doon?"
Marahan siyang umiling. "Pera ko, sariling pera ko..." sagot niya sa akin.
"At hinayaan mo siyang kunin 'yon sa 'yo?" giit ko.
"Hindi ko naman daw maaabot ang lahat ng meron ako ngayon kung hindi dahil sa pagiging Escuel ko. Kung kaya nga lang siguro niyang papalitan ang apelyido ko ay ginawa na niya," natatawang sabi niya.
Pero hindi nakakatawa 'yon para sa akin.
"Paano pag dumating ang oras na hindi mo na kaya ang pagpapahirap sa 'yo ng Lolo mo? Baka isumbat mo sa amin ni Verity 'yan," puna ko sa kanya na ikinagulat niya.
"Hindi 'yon mangyayari, Vesper."
Imbes na magsalita pa ulit ay nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya. Nagsalita si Verity, pakiramdam ko ay pinapagalitan ako ng Baby ko dahil sa pakikitungo ko sa Daddy niya.
"Hindi...hindi kami nag-aaway ni Mommy," malambing na pagkausap niya sa anak namin.
Gusto pa niyang makasama ng matagal si Verity kaya naman hinayaan ko siyang pumasok sa bahay. Hindi nagtagal ay bumaba na si Nanay.
"Akala namin ay aalis ka na," sabi ni Nanay.
Dahil sa sinabi niyang 'yon ay nagpabalik-balik ang tingin ni August sa amin.
"Bakit niyo naman po nasabi?'
"Nakita naming may inilabas na maleta ang tauhan ng Lolo mo," diretsahang sagot ni Nanay kaya naman gusto kong pagpakain sa lupa dahil sa hiyang naramdaman.
"Nakita niyo po 'yon?" tanong ni August.
Dahil don ay na-realize ni Nanay kung ano ang ibinulgar niya dito.
Napaayos siya ng tayo, ni sa akin ay hindi siya makatingin ng maayos.
"Hindi namin sinasadyang nakita sa may bintana," palusot pa niya pero huli na.
Ngumiti na lang si August at hindi na nagsalita pa.
"Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ni Nanay.
Pang-ilang tanong na niya 'yon. Hindi siya kuntento sa mga unang naging sagot ni August kaya naman paulit-ulit niyang tinanong ito.
"Kailangan ko po ng trabaho," diretsahang sagot niya dito na sa wakas ay sumuko na din.
"Bakit kailangan mo ng trabaho?" tanong ni Nanay sa kanya.
Bumaba ang tingin ni August kay Verity, pagkatapos ay tsaka niya ako nilingon.
"U-ubos na ang ipon ko dahil sa tumakbong investors, wala na ding natira sa akin bukod sa bahay..." pag-amin ni August.
"Lahat ng meron ako, sa tingin ni Lolo ay nanggaling sa kanya. Ipinamukha niya sa aking hindi ko deserve 'yon kaya naman hinayaan ko siyang kuhanin niya," kwento pa niya.
"Kahit ang sarili mong pera?"
"Ilang negosyo na po ang sinubukan kong itayo...naubos ang lahat ng 'yon," pag-amin niya.
Tinatanong siya ni Nanay na para bang nasa Job interview siya.
"Ibenta mo ang bahay para may pera ka...dito ka na muna tumira sa amin," diretsahang sabi ni Nanay.
Pareho kaming nagulat ni August dahil sa sinabi niya.
"Nay," tawag ko sa kanya.
"Masyadong malaki ang bahay na 'to. Kung gugustuhin niyo ay kayang kaya niyong hindi magkita na dalawa buong araw," sabi pa niya sa amin.
"Dumito ka na muna habang nag-uumpisa ka pa ulit. Pag kaya mo na at nakabangon ka na...bumili ka ulit ng bahay," suwestyon pa ni Nanay.
"A-ayos lang ba sa 'yo?" tanong ni August sa akin.
Hindi ako sumagot.
"Kung hindi po kumportable si Vesper..."
Hindi ko na hinayaang matapos niya ang sasabihin niya. Ayoko naman na sa huli ay ako pa ang magmukhang masama dito.
"Nakapagdesisyon na si Nanay," sabi ko at sagot na din sa tanong niya sa akin kanina.
Pikit mata kong tinanggap ang pagtira ni August sa amin.
"Isipin mong para na din 'to kay Verity. Gusto ni August na makabangon para sa anak niya...isipin mong para 'to kay Verity, Anak."
Naging abala si August ng mga sumunod na araw para ilipat ang ilang mga gamit niya papunta sa amin. Kung ano ang magiging trabaho niya ay hindi ko pa alam, si Nanay ang magde-desisyon no'n.
"More time with Papa August," sabi ni Melanie kay Verity habang karga niya 'to.
Hindi ko 'yon pinansin. Nakunwari akong walang epekto 'yon sa akin. Wala naman talaga.
Napahinto kami ng makarinig kami ng katok mula sa labas. Tumayo kaagad si Melanie habang karga si Verity para buksan ang pinto.
"Magg-good night lang sana ako kay Verity," sabi ni August.
Nilakihan ni Melanie ang pagkakabukas ng pintuan kaya naman napa-upo ako sa kama. Nahihiya akong makita niyang nakahiga ako.
Humalik siya kay Verity, pagkatapos ay nakita ko ang paglingon niya sa akin.
"Magg-good night kiss din ba kay Mommy?" tanong ni Melanie.
Narinig ko ang pagngisi si August.
"Pwede ba?" tanong niya bago sila nagtawanan na dalawa.
"Nasa baba ang kwarto mo di ba?" tanong ko kaya naman natigil ang tawa niya.
"Doon ka lang dapat at wag pakalat-kalat dito sa taas," seryosong sabi ko. Para isalba ang hiya ko.
Walang imik na nagpaalam si August, pagkasara ni Melanie ng pintuan ay kaagad niya akong sinita.
"Ang sungit naman ni Mommy, kinikilig lang e," pang-aasar niya sa akin.
"Hindi ako kinikilig," giit ko.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Nagulat ako sa nabasa kong message.
"Nandito na sa Manila si Damien!" sabi ko kay Melanie.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro