Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

Family








Napahinto si Nanay nang ma-realize niya ang lumabas sa kanyang bibig. Maging ako ay ganoon din. Hindi ko inaasahan na ganoon kadali niyang masasabi kay August ang tungkol kay Verity. Ayokong isipin na sinadya 'yon ni Nanay, alam ko namang masyado siyang nadala ng emosyon at galit niya.

Nang hindi siya nakakuha ng sagot kay Nanay ay ko naman ang nilingon ni August. Isang beses ko lang siyang nilingon, matapos 'yon ay hindi ko na siya muling tiningnan sa kanyang mga mata. Ni hindi ko din kaya ang bigat ng tingin niya sa akin.

Punong puno ng pagtatanong ang tingin niya sa akin. Nalulunod ako, hindi ko alam kung paano kumawala, ang bigat sa dibdib. May kung ano sa aking gustong bumigay na, pero malakas pa din ang kapit ko sa desisyon kong wag ipaalam kay August. Kahit alam na niya, kahit nadulas na si Nanay ay itatanggi ko pa din.

"Vesper, anong ibig sabihin ni Nanay?" tanong niya sa akin.

Ramdam ko ang pagmamaka-awa sa boses niya, na para bang halos lumuhod na siya sa harapan ko sagutin ko lang ang mga tanong niya.

"Ang alin?" tanong ko. Pilit na nagmamaang-maangan kahit huling huli na.

"Apo niya? Kung ganoon...totoo ngang may anak tayo?"

Hinarap ko siya, tiningnan diretso sa kanyang mga mata para mas makatotohanan.

"Saan mo nakuha 'yan? Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo, August," giit ko.

Ramdam ko ang tingin ni Nanay sa akin. Na para bang hindi siya makapaniwala na kaya kong gawin 'yon, nagsisinungaling ako sa kanyang harapan. Kung ganoon ay parang wala akong pinagkaiba kay Dennice...sinungaling din ako.

"Tama na. Aminin mo na lang...may anak ba tayo?" seryosong sabi ni August sa akin.

Kahit anong pilit kong maging matapang ay para pa din akong naputulan ng dila dahil sa tanong niya sa akin. Na para bang kahit ilang beses niyang itanong sa akin 'yon ay nandoon pa din yung kaba sa tuwing titingnan niya ako diretso sa aking mga mata.

"W-wala..." sagot ko at kaagad na nag-iwas ng tingin.

Hindi ko gustong itanggi si Verity. Pero hindi pa din ako hand ana umamin kay August. Masyado pang magulo, nag-uumpisa pa lang kaming ayusin ang sa amin ni Nanay dahil sa matagal naming hindi pagkikita...ayoko ng isa pang gulo.

"Vesper naman, tama na...wag niyo na akong gawing tanga. May anak ba tayo?" madiing tanong niya.

Kahit seryoso ang pagkakatanong niya ay para bang iiyak din siya ano mang oras kung sakaling tumanggi ulit ako.

"Ayoko nang pag-usapan 'to," sabi ko at tangkang iiwasan ulit siya nang humarang na siya sa daraanan ko.

"Hindi matatapos ang pag-uusap na 'to hangga't hindi mo inaamin sa akin ang totoo," giit niya. Nagmatigas siya kaya nagmatigas din ako.

"Wala akong aaminin sa 'yo," giit ko habang iwas na iwas na suklian ang ginagawa niyang titig sa akin.

"August, hayaan mo muna ang anak ko," seryosong suway ni Nanay sa kanya.

Marahas na umiling si August, halos mapahilamos siya sa kanyang mukha.

"Nay, gusto ko pong malaman. May karapatan po akong malaman ang totoo," giit niya.

"Mag-usap ulit kayo pag handa na si Vesper na kausapin ka. Mas lalo lang kayong hindi magkaka-intindihan na dalawa kung pareho kayong galit," paliwanag pa ni Nanay sa amin.

"Nay..." tawag ni August. At talagang nagawa pa niyang humingi ng tulong sa Nanay ko na akala mo naman ay tutulungan siya.

Hindi nagsalita si Nanay, nanatili lang siyang tahimik habang nakatingin kay August. Nang wala siya muling nakuhang sagot dito ay nilingon niya ako. Doon ko na napansin ang pamumula ng kanyang mga mata.

"Please, Vesper. Gusto kong malaman ang totoo...wag mo namang pagkait sa akin 'to," pakiusap niya muli sa akin.

Kung kanina ay handa siyang makipagmatigasan ay parang sumuko na siya ngayon.

Marahan akong umiling, kahit ang totoo ay mabigat din para sa akin 'to. Hindi naman ito tungkol sa aming dalawa, tungkol 'to kay Verity, tungkol sa kanilang dalawa bilang mag-ama.

"Wala akong aaminin sa 'yo, August," pag-uulit ko. Sa ngayon, wala akong aaminin sa kanya.

Marahil ay maraming magagalit sa akin sa magiging desisyon ko, pero tsaka lang naman malalaman ng iba ang pakiramdam ko kung sakaling naranasan na nila ang lahat ng 'to. Hindi madaling magdesisyon ng ganon na lang, hindi naman naging madali ang pinagdaanan ko para makarating kung nasaan ako ngayon.

Tapos na ang pakay namin sa companya para sa araw na 'yon kaya naman nagpasya kami ni Nanay na umuwi na. Panay ang hingi niya sa akin ng sorry dahil sa pagkadulas niya sa harapan mismo ni August.

Hindi ko naman pwedeng sisihin si Nanay, hindi naman tama 'yon. Alam kong nabigla lang din siya at hindi naman niya 'yon ginusto.

"Wag na po nating isipin, Nay. Ang mahalaga...hindi ko inamin kay August, bahala na siya kung maniniwala siya o hindi," sabi ko.

Sandali siyang natigilan. Hanggang sa hinawakan niya ang kamay ko.

"Hanggang kailan mo ba balak itago ang tungkol kay Verity? Alam mong hindi habang buhay matatago mo kay August ang tungkol sa anak niyo," paliwanag sa akin ni Nanay.

Marahan akong tumango. Alam ko naman 'yon, ang kaso ay hindi pa ako handa sa ngayon. Kahit pa sabihin nating kaya ko na siyang tapatan dahil sa estado ng buhay ni Nanay ngayon ay nandoon pa din yung takot ko.

Hindi na ata talaga maalis sa akin yung takot. Takot sa kanya at sa pamilya niya.

"Hindi ko din po alam. Pero hindi pa ngayon...hindi ko pa din alam kung gusto kong malaman niya ang tungkol sa baby ko. Gusto ko siyang ipagdamot," pag-amin ko kay Nanay.

Nakita ko ang lungkot at pinaghalong simpatya sa kanyang mukha. Alam kong hindi siya sangayon sa naging desisyon ko pero alam ko din naman na naiintindihan ni Nanay at alam kong kakampihan niya ako.

"Pag-isipan mo ulit mabuti," sabi niya sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang para kahit papaano ay matapos na ang pag-uusap namin tungkol kay August.

Kahit pagdating sa bahay ay hindi pa din maalis sa isip ko ang tungkol sa nangyari. Kahit magkunwari akong hindi apektado ay halos mawala naman ako sa aking sarili kaka-isip tungkol doon.

Nandoon yung takot, na kahit itinanggi ko sa kanya ay hindi pa din mapagkakaila na alam n ani August, kahit walang kumpirmasyon galing sa akin ay alam na talaga niya.

"Gusto mo ba siyang makilala?" tanong ko kay Verity.

Sandaling nagpaalam si Nanay na may aasikasuhin siya kaya naman na-iwan kaming dalawa ng baby ko sa loob ng aming kwarto. Naka-indian sit ako sa gitna ng aming kama habang nakahiga naman siya at nakaharap sa akin.

Nilalaro ko ang mga kamay niya, makulit na at mahigli nang humawak ng kung ano-ano.

Kinakausap din niya ako at nakikipagsagutan. Halos mabasa na din ang lampin niya kakapunas ko sa kanyang laway. Tatawa siya sa tuwing pinipindot ko ang matangos niyang ilong, baby pa lang ay kita na kaagad yung tangos no'n, napanguso ako dahil alam ko namang kay August niya nakuha 'yon.

"Sorry kung gusto kitang ipag-damot. Galit pa din ako sa kanya kaya..." paliwanag ko kay Verity.

Nanatili ang tingin niya sa akin, para bang naiintindihan niya ako at seryoso siyang nakikinig. Tutulis lang ang nguso niya sa tuwing handa na siyang makipagsagutan sa akin.

Ni hindi ko nan ga makumpleto ang paliwanag ko, alam ko kasi sa sarili kong wala naman talagang valid na rason para itago ko siya kay August, hindi naman siya nito itinaggi, hindi naman siya nito inayawan.

Hindi valid ang reason na galit ako sa Daddy niya. Ito naman ay tungkol sa kanilang dalawa bilang mag-ama. Kung may galit man ako kay August, labas ang pagiging ama niya kay Verity.

"Bahala na, pag-iisipan muna ni Mama," sabi ko sa kanya.

Lumhod ako sa itaas ng kama para mabuhat siya ng maayos, kinarga ko siya bago kami bumaba sa kama at lumapit sa may malaking bintana. Tanaw doon ang naglalakihang bahay na nakapaligid sa amin.

Hindi kagaya noong nasa apartment pa kami nila Melanie, bihira kang makakita ng taong naglalakad sa kalsada dito sa loob ng subdivision, palibhasa ay may mga sasakyan, kung may naglalakad man ay iilan lang, karaniwan pa ay dahil nagjo-jogging sila.

Nag-ingay si Verity at tinuro ang labas ng bintana, gustuhin ko mang ipasyal siya sa labas ay na-isip kong wag na lang muna. Hindi ito ang tamang panahon para lumabas kami. Natatakot akong baka nasa paligid lang si August at naghahanap ng tiempo na makalapit sa amin.

Napatingin ako sa kaharap naming bahay, kagaya ng bahay namin ngayon ay malaki din 'yon. Narinig ko sa mga kasambahay na artista ang may-ari, ibinibenta na daw ngayon dahil naghiwalay sila ng girlfriend niya.

"Oh, anong sabi ni Papa August?" gulat na tanong ni Melanie.

Sinabi ko kaagad sa kanya ang nangyari sa office, panay ang tanong nito kaya naman halos maging ang pinakamaliit na detalye ay sabihin ko na sa kanya. Gusto pa ata niya ay may kasama pang-action.

"Syempre, itinanggi ko," sabi ko kay Melanie kaya naman nakita ko kung paano bumagsak ang magkabilang balikat niya.

"Sayang. Akala ko pa naman come back na," nanghihinayang na sabi niya sa akin kaya naman napa-irap ako sa kawalan.

Hawak ko si Verity na pilit tumatayo sa taas ng kama, hawak ko siya sa bewang, mukhang maagang gustong maglakad ng baby ko.

"Anong comeback? Kahit naman malaman na niya ang tungkol kay Verity...hindi na kami magkakabalikan ni August," sabi ko sa kanya.

Pero nakita ko kung paano tumaas ang kilay niya at kung paano niya ako pinanlakihan ng mata, ang mukhang 'yon ay nagsasabing hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

"Hindi ako naniniwala. Pwera na lang kung may iba ka ng gusto. Bakit? Si Daddy Doc na ba ang gusto mo ngayon?" tanong niya sa akin at ilang beses pang nagtaas ng kilay.

Napabuntong hininga ako at nag-iwas nang tingin kay Melanie. Kahit ang simpleng tanong niyang 'yon ay hindi ko din masagot. Niyakap ko na lang nang mahigpit si Verity, siya lang ang importante sa akin ngayon.

Kumakain kami ng hapunan  nang mapag-usapan namin ni Nanay ang tungkol sa alok niyang pagpapa-aral sa akin sa ibang bansa, dahil sa mga nangyayari ay naging madali na lang sa akin ang mag-desisyon.

"Anong sagot mo?" nakangiting tanong ni Nanay.

Alam ko na ang sagot ko, nakapagdesisyon na ako. Pero pakiramdam ko ay baka madisappoint si Nanay dahil sa magiging sagot ko.

"Hindi ko po matatanggap ang alok na pag-aaral sa ibang bansa. Hindi ko po kayang umalis. Ayoko pong iwanan kayo at si Verity..." sabi ko kay Nanay. Nilingon ko si Melanie, alam kong may hinihintay pa siyang sabihin ko.

"...At si Melanie din," dugtong ko pa.

Lumaki ang ngiti niya dahil sa sinabi ko.

Gumaan ang pakiramdam ko ng hindi nawala ang ngiti sa labi ni Nanay. Para bang alam na niya ang sagot ko at hinihintay niya lang na manggaling mismo sa akin ang sagot.

"Naiintindihan ko. Maraming magagandang university dito sa atin...kahit saan mo gustong mag-aral, kung gusto ni Melanie ay pwedeng magkasama kayong bumalik sa pag-aaral," sabi pa ni Nanay.

Pero kaagad na tinanggihan ni Melanie ang alok, kahit daw gusto niya ay hindi na niya kailangan. Mas gusto niyang magtrabaho para sa pamilya niya sa probinsya kesa mag-aral pa.

"Sobrang sobra na po na kukuhanin niyo ako sa companya niyo. Hindi na po talaga...hindi na din kaya ng utak ko," natatawang sabi niya.

Tinanggap din namin ang sagot ni Melanie. Nangako din si Nanay na ibibigay namin kay Melanie ang kahit anong tulong na kakailanganin niya.

"What about Ateneo? You need to also pass the Ateneo Graduate school of Business entrance exam. And I know you can do it," sabi ni Nanay. Ramdam ko ang kumpyansa niya sa akin na makakapasa ako doon.

Marahan na lang akong tumango, alam ko namang mas alam ni Nanay ang makakabuti para sa akin.

"Ateneo, yayamanin!" sabi pa ni Melanie.

Dahil sa pagpayag ko ay kaagad na tinawagan ni Nanay ang ilan sa mga kakilala niya para mapadali ang pag-process at makakuha ako ng exam.

"I also need your college diploma," sabi pa ni Nanay kaya naman sandali akong napahinto. Nakapag-college naman ako, ang kaso hind inga lang ako natuloy sa pag-graduate.

Mukhang nakuha kaagad ni Nanay ang sagot sa pagiging tahimik ako.

"I can handle this. Ako na ang bahala," sabi niya sa akin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ni Nanay kaya naman ipapa-ubaya ko na sa kanya 'yon.

Nasa kalagitnaan pa din kami ng pagkain nang lumapit ang isa sa mga kasambahay hawak ang telepono.

"Ma'am may bisita daw po, nasa guard house...ipinapatanong po kung papapasukin daw po ba?" tanong niya sa amin.

Nagkatinginan kami ni Nanay, wala naman akong inaasahang bisita, mukhang wala din naman siyang inaasahan base na din sa pagkakakunot ng kanyang noo.

"Sino daw?"

"August Escuel daw po."

Kaagad akong tiningnan ni Nanay, para bang sa akin niya ibibigay ang magiging desisyon. Mula kay Nanay ay nalipat ang tingin ko kay Melanie. Pareho nilang hinihintay ang sagot ko, pagkatapos ay kay Verity na karga ng isa sa mga kasambahay hindi kalayuan sa amin.

"W-wag pong papasukin," sabi ko.

Dahil sa aking naging desisyon ay hindi pinayagan na pumasok si August Escuel sa loob ng subdivision.

Nang sumunod na araw ay naging abala kami ni Nanay para sa companya at sa pagbabalik ko sa pag-aaral. Pareho kaming nagtaka ng ilang araw ding hindi nagparamdam si August, nagpadagdag pa nga siya ng body guard dahil buong akala niya ay mahihirapan kami kay August dahil sa pangungulit nito.

Nang maayos ni Nanay ang mga requirements ko para sa masters degree ko ay pinaghandaan ko naman ang entrance exam para tuluyan akong makapasok.

"Pwede kitang patulungan para mas maging madali sa 'yo ang pagre-review," suwestyon ni Nanay kaya naman tinanggap ko 'yon.

Pagkauwi namin ng gabing 'yon ay sandali kong nilingon ang kaharap naming bahay nang sandaling huminto ang sasakyan namin dahil sa paghihintay ng pagbubukas ng gate. Napansin kong may ilaw na sa loob ng bahay hindi kagaya noon na pag madilim na ay madilim na din ang loob ng bahay.

"May tao na," sabi ko din kay Nanay.

Nagulat din si Nanay. Mukhang matagal na ding pansin ni Nanay na bakante ang bahay na 'yon.

"Mabuti naman at may kapit-bahay na tayo," sabi niya na sinang-ayunan ko.

Abala si Nanay sa companya ng sumunod na araw kaya naman mag-isa akong nag-ayos ng requirements sa university. Pinasamahan na lang ako ni Nanay sa driver dahil hindi ko naman kabisado ang lugar.

"Dito niyo na lang din po ako balikan Ma'am, para po hindi kayo mahirapan maghanap," sabi ni Kuya driver.

Ilang beses na pumunta kami ni Nanay dito ay naging madali na para sa aking ang step by step procedure. Maya't maya din naman akong hinihingan ni Nanay ng update para kung sakaling may kailangan ako ay matulungan niya ako kaagad.

Napahinto ako sa paglalakad ko sa may hallway ng may humarang sa harapan ko. Seryoso ang tingin niya sa akin. Ilang araw ko din siyang hindi nakita, kahit sa companya ay wala din. Hindi ko inaasahan na dito ko pa siya makikita.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Mag-usap tayo," seryosong sabi niya sa akin.

Inirapan ko siya. "Hindi ako makikipag-usap sa 'yo...at busy ako, August..." sabi ko sa kanya at tangkang tatalikuran siya nang pigilan niya ako.

"Gusto kong makita si Verity," seryosong sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

Sa pagkakasabi niya ay para bang siguradong sigurado na siya sa mga nalalaman niya. Hindi ako nakapagsalita, hindi ko na kayang itanggi ang bagay na 'yon.

"Ilang araw akong nawala para mag-imbestiga. Ayaw mong sabihin sa akin ang totoo kaya ako na ang gumawa ng paraan," sabi niya sa akin.

Kaagad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Ayokong kausapin ka," sabi ko at tangkang lalayo muli sa kanya pero hindi na niya ako pinayagan pa.

"Vesper, gusto kong makita ang anak natin," mas marahan na ang boses niya ngayon, ramdam ko na din ang pag-garalgal ng boses niya nang sabihin niya 'yon.

"August, tigilan mo na ako...pwede? Tigilan mo ako," sabi ko pa at pilit na umiiwas sa kanya.

"Please, gusto kong makita ang anak natin. Please, naman Vesper. Please..." paki-usap niya.

"Anong pwede kong gawin? Lumuhod sa harapan mo? Luluhod ako sa harapan mo," pakiusap niya sa akin.

Halos mag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko nang walang sabi sabi siyang lumuhod sa harapan ko, may tumulo na ding luha sa kanyang mga mata.

"Gusto kong makita ang anak natin. Payagan mo akong makita siya..." paulit-ulit na paki-usap niya.

Hindi ko na napigilan at na-iyak na din ako. Hindi ito ang tamang oras, ang tamang lugar para aminin ko sa kanya ang lahat pero wala na akong magagawa dahil nandito na.

"Maayos naman kami ng baby ko kahit wala ka. Magugulo lang kung hahayaan kong pumasok ka pa sa buhay namin, August...hayaan mo na lang kami," sabi ko sa kanya.

Mas lalo siyang umiyak, hanggang sa halos yakapin niya ang bewang ko habang nakaluhod. Wala na kaming pakialam kung may makakita man sa amin.

"Mahal ko siya...mahal ko siya, Vesper..." umiiyak na sabi niya sa akin.

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa nagbabadyang mga hikbi.

"Hayaan mo naman akong maging ama sa kanya. Alam kong marami akong pagkakamali sa 'yo...hindi ako naging mabuting asawa. Hayaan mo naman ipakita ko sa 'yo na kaya kong maging mabuting ama para sa anak natin..." pakiusap niya.

Sobrang higpit ng yakap niya sa bewang ko na para bang sa oras na lumuwag ang yakap niya ay mawawala sa kanya ang pagkakataong hinihingi niya.

"Mahal ko siya, mahal ko kayo...mahal ko kayo," paulit ulit na sabi niya sa akin.

Marahas lang akong umiling.

"Hindi lang ako yung paulit-ulit na tinaboy mo noong ilang beses akong nagmakaawa sa 'yo na kausapin mo ako. Pati si Verity tinaboy mo...August hindi magiging madali sa amin na tanggapin ka, dahil sanay naman kaming wala ka...kaya naming wala ka," pagpapaintindi ko sa kanya.

Halos marinig ko ang hagulgol niya. Ito ang pinaka-unang beses na grabe ang iyak niya sa lahat ng pag-iyak niyang nasaksihan ko.

"Gagawin ko lahat. Sabihin mo sa akin kung sa paanong paraan ako makakabawi, babawi ako..."

Nakawala ako sa yakap ni August, kaagad kong tinakbo ang layo papunta sa driver na naghihintay sa akin. Pinagmadali ko siya sa pagmamaneho para maka-uwi kami kaagad. Palabas pa lang kami ng university ay nakita kong nakasunod na ang sasakyan niya sa amin.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang makapasok na kami sa subdivision, hindi siya basta-basta makakapasok dito. Ilang sandali pa lang kaming nakakalagpas sa may guard house nang magulat ako dahil pinapasok ang sasakyan niya.

"B-bakit?" nagtatakang sambit ko.

Ni hindi ko na hinintay pang bumukas pa ang gate, bumaba na kaagad ako para takbuhin ang papasok sa amin. Mas lalo akong nagulat nang makita kong nasa labas si Nanay habang karga si Verity, nasa may garden sila.

Nang muli kong lingonin si August ay nakita kong gumarahe ang sasakyan niya sa kaharap na bahay. Wag niya sabihing...

"Anong nangyayari?" naguguluhang tanong ni Nanay.

Lakad takbo ang ginawa ko. Kaagad kong kinuha si Verity para sana itakbo papasok sa aming bahay, pero huli na dahil nakasunod na si August sa amin.

Hinarangan siya ng guard at mga bodyguard ni Nanay.

"Vesper..." tawag na paki-usap niya sa akin.

Humigpit ang yakap ko sa baby ko, halos itago ko ang mukha sa kanya.

"Let me hold her, please. Let me hold her," pakiusap niya.

Marahan lang akong umiling. Hawak siya sa magkabilang kamay ng mga boduguard ni Nanay. Sinubukan niyang kumawala kaya naman humigpit lalo ang hawak ng mga 'to sa kanya.

"Hayaan mo namang ipakita ko sa 'yo na kaya kong maging mabuting ama sa anak natin. Hindi ko siya sasaktan...mahal ko ang anak natin," pakiusap niya.

Dahil sa nangyayari ay umiyak si Verity kaya naman mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.

"Verity," nakangiting tawag niya dito.

Nilapitan ako ni Nanay, nangungusap ang kanyang mga mata.

"Anak...deserve nilang mag-ama na magkakilala...hindi natin ma-aalis na si August pa din ang ama ni Verity," paliwanag ni Nanay sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Hanggang sa nagpumilit siya kaya naman nakawala siya sa mga 'to. Tinakbo niya kaagad ang pwesto namin at niyakap ako habang yakap si Verity.

"Damn. What did I miss," nanghihinayang na tanong niya sa kawalan.

Halos mahabag ang dibdib ko nang makita kong ingat na ingat siya nang humalik sa ulo ni Verity.

"You don't know how happy I am..." sabi niya sa akin habang puno ng luha ang kanyang mga mata.

"I'll do everything for our family."








(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro