Chapter 33
Luhod
Mas pinili kong layuan si August matapos ang pag-uusap naming 'yon. Aminado siyang nababaliw na, mas baliw ako kung hindi ko siya lalayuan matapos ang pagtatapat niyang 'yon. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya sa America. Baka na-alog ang utak kaya pagbalik niya dito ay akala niya maayos kami, kahit hindi naman.
"Ikaw na lang dito, Vesper..." sabi ni Ruth matapos niyang itulak palabas ng sasakyan si Bruce.
Tawang tawa ito, dahil sa ginawa ng kanyang asawa sa kanya.
"Paano ka?" tanong ko kay Bruce.
"Sa akin ka na sumabay, Bruce," yaya ni August sa kanya.
Dahil nakampante naman akong may masasakyan si Bruce papunta sa reception ay walang pagdadalawang isip na akong sumakay at umupo sa pwesto niya kanina katabi si Ruth.
Ramdam ko ang tingin ni August sa akin pero hindi ko na siya pinagbigyang pansin. Si Bruce na din ang nagsara ng pintuan ng van para sa amin.
"Gusto ka pang ma-solo," natatawang sabi ni Ruth.
Minsan galit din siya kay August, minsan naman ay ganito...inaasar niya ako dito.
"Sasakay na lang ako ng tricycle, kesa naman sumabay ako sa kanya. Nakakahiya naman sa sasakyan niya," laban ko.
Nag-make face ito bago tumawa ulit. Hindi ko din talaga ma-intintindihan ang isang 'to. Baka nalipasan lang ng gutom.
Tatlong tent na ipinahiram ng barangay ang sakop ng reception nina Jade at Lino. Ang unang plano talaga sana nilang dalawa ay ma-ikasal sa simbahan, ang kaso ay nagkaroon ng problema sa mag-kaiba nilang relihiyon kaya naman pinili nilang sa munisipyo na muna.
Sa dami ng bisita, sa dami ng handa at sa ayos ng lugar ay para na din silang ikinasal sa simbahan.
"Gutom na gutom na talaga ako," reklamo ni Ruth.
Gustong gusto na sana niyang lumapit sa buffet ng pagkain para makikuha na din, ang kaso ay hindi siya makatayo dahil tulog ang baby nila. Panay ang lingon niya sa daan na pinagpasukan namin. Mukhang hinhintay ang pagdating ng asawa.
Dahil sa ginagawa ni Ruth, wala akong nagawa kundi ang lumingon na din sa daan para hintayin ang pagdating ng mga 'to.
Hindi nagtagal ay nakita na namin ang pagdating ng itim na SUV na dal ani August, tinted ang mga bintana kaya naman hindi namin sila tanaw sa loob.
Unang bumaba si Bruce, hindi pa kasi nakakaparada ng maayos ang sasakyan ay panay na ang kaway ni Ruth at tinatawag ang asawa. Halos takbuhin tuloy nito ang pagitan nila.
"Ang tagal niyo naman," reklamo niya dito.
"Medyo hilo pa daw si August sa byahe kaya dahan dahan patakbo," sagot ni Bruce sa amin.
Mula sa kanya ay lumipat ang tingin ko sa kabababa lang na si August. Nagtama kaagad ang mga mata naming dalawa, gustuhin ko mang mag-iwas kaagad ng tingin ay hindi ko naman magawa dahil may kung anong pumipigil sa akin.
"Matagal na atang hilo 'yan," sabi pa ni Ruth na sinadyang iparinig sa akin.
Ibinigay ni Ruth kay Bruce ang baby nila bago niya ako hinila palapit sa may buffet table. Habang nakapila, hindi ko ma-iwasang hindi lingonin ang pinanggalingan naming dalawa. Kasama na ngayon ni Bruce si August, umupo na din sila sa lamesa para ma-reserve ang seats.
"Nahihilo pa ba 'yon? E, ginagawa nga nilang bayan ang ibang bansa. Nahilo lang 'yan kasi hindi ka nasabay," pang-aasar pa ni Ruth sa akin.
"Tigilan na natin 'yon. Wag na nating pag-usapan...wag na ding iugnay pa sa akin," suway ko kay Ruth.
Nagkibit balikat siya bago niya i-zinipper ang kanyang bibig tandan a hindi na siya magsasalita pa tungkol doon. Nakaramdam din ako ng gutom kaya naman hindi ko na din na-control ang kuha ko ng pagkain. Halos maghalo ang iba't ibang klase ng putahe sa pinggan naming dalawa.
"Ganito din naman magiging itsura niya sa loob ng tiyan natin," natatawang sabi niya sa akin.
Pagkabalik namin sa lamesa ay silang dalawa naman ang tumayo. Wala sana akong pakialam kung napadami ang pagkain sa pinggan ko, pero nakaramdam ako ng hiya nang makita kong nakatingin si August dito.
Nag-umpisa na kaming kumain ni Ruth, kahit karga na niya ang baby nila ay hindi pa din hadlang 'yon para makakain na kami.
"Ang sarap nung shanghai," puri ko.
Sumang-ayon si Ruth, natawa ako ng sabihin niya sa aking magbabalot siya. Hindi nagtagal ay bumalik na din sina Bruce at August mula sa pagkuha ng pagkain.
Nahirapan akong ngumuya ng mapansin kong sa katabing upuan ko mismo siyang umupo kahit medyo malaki naman ang lamesa at marami pa siyang pwedeng upuan.
Feeling close talaga ang isang 'to!
"Pare, inuman..." yaya ni Lino sa dalawa.
Inaaya na niya sina Bruce at August na mag-inuman sa kabilang tent pagkatapos kumain.
"Wag kang maglalasing...tatamaan ka sa akin," rinig kong bilin ni Ruth sa asawa.
Tipid akong ngumiti kay Bruce ng walang nagawa ito kundi ang mapakamot na lang sa kanyang ulo.
"Hindi pa nga umiinom," reklamo niya.
Muli kong ibinalik ang atenyson ko sa pagkain sa aking harapan, hanggang sa mapansin ko ang paghilig ni August sa akin.
"Hindi ako maglalasing," sabi niya sa akin.
"Bakit mo sinasabi sa akin 'yan? Kahit mag-swimming ka pa sa alak, wala akong pakialam," sagot ko sa kanya.
Dahil sa naging sagot ko ay narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Ruth na mukhang nakikinig sa amin kahit pa panay ang pangaral niya sa asawa kanina.
Sandali lang nagtagal ang tingin ni August sa akin bago siya bumalik sa pagkain. Tahimik lamang 'to. Nahalata ko na din ang mga mata niya, halatang puyat...inaantok. Kaya marahil siya nahihilo kagaya ng sinasabi ni Bruce.
Matapos naming kumain ay nagsimula na ang program na pinapangunahan ng pinsan ni Lino. Wala naman silang program mismo, pero sinisikap nilang bigyan ng magandang reception ang bagong kasal. Ang importante ay masaya ang dalawa kasama ang pamilya at mga bisita nila.
"Baka naman masamid si Bruce niyan," puna ko kay Ruth.
Lumipat na ang mga lalaki sa kabilang tent kung saan maaga pa lang ay mukhang nagsisimula na ang inuman.
Nagpaalam sandali si Ruth sa akin na pupunta siya ng banyo kaya naman iniwan muna niya sa akin ang baby nila. Hindi naman ako nahirapan dahil sanay na akong mag-alaga ng bata. Bigla tuloy gustong ko ng umuwi dahil na-miss ko na si Verity.
"Hindi pa pwede niyan," malambing na pagkausap ko dito.
Pilit kasi niyang inilalapit ang sarili sa lamesa, mukhang gustong isubo ang kung ano mang mahawakan ng kamay niya.
Marahan kong pinisil pisil ang maliit na kamay nito, maging ang mga daliri ng baby ay sobrang cute. Kung minsan ay hindi ko din maiwasang panggigilan si Verity.
Habang ginagawa ko 'yon ay ramdam ko ang bigat ng tingin ng kung sino. May ideya na ako kung sino, pero hindi ko napigilang tumingin sa gawi niya.
Muling nagtama ang tingin naming dalawa ni August, mukhang kanina pa niya pinapanuod ang mga ginagawa ko. Isang irap ang ibinigay ko sa kanya bago ako nagfocus sa ibang bagay.
"Lahat ng single na lalaki!" tawag ng pinsan ni Lino sa mga bisitang pasok sa hinahanap nila para sa susunod na laro.
Mabuti na lang din at karga ko ang baby nila Ruth. May dahilan ako para hindi sumali sa mga laro. May ilang dalaga na ang nasa harapan, mukhang by partner ang hinahanap nila. Nagkahiyawan sa harapan ng may dalawa sa mga babaeng kasali ang bumulong sa emcee.
"Oh, may special request. Yung mga mata talaga ng mga babaeng 'to pag may gwapo!" sita niya sa mga 'to.
Ang tingin nila ay nasa gawi nina August. Tiningnan ko si August na abala na ngayon sa pakikipag-usap kay Bruce at sa ibang ka-inuman. Bumaba ang tingin ko sa mga alak na nasa mahabang lamesa.
Alam ko namang umiinom siya, ang hindi lang sigurado ay kung kaya niyang makipagsabayan sa mga 'yon.
"Ang layo ng banyo," reklamo ni Ruth pagkabalik niya.
Bumalik siya ng upo sa katabi kong upuan, maging ang atensyon niya ay nakuha ng ingay sa harapan. Lumapit ang emcee sa gawi ni August, hanggang sa ang mga kausap na din niya ang nagturo sa kanya sa paglapit nito.
"May nagre-request po kasi sa inyo, Sir..." maarteng sabi ng emcee.
Ngumiti si August dahilan para magpakita ang maputi at kumpleto niyang ngipin. Ang ngiti ay akala mo nasa commercial siya ng toothpaste.
Pinatayo siya, nangunguna si Bruce sa pagtulak sa kanya patayo.
"Ano pong pangalan?"
"August," sagot niya.
Napahiyaw pa ang lahat dahil sa simpleng sagot niyang 'yon. Akala mo naman maganda ang boses. Normal na boses lalaki, wala namang especial.
"Busog talaga mata mo pag tiningnan mo 'tong ex mo, e. Sabog tenga mo pag nagsalita na," puna pa ni Ruth.
Sobrang manly kasi talaga ng boses niya. Alam mo yung kaya niyang magtunog strikto, at mag tunog malambing at the same time. Basta, hindi ko ma-ipaliwanag. May kung ano sa boses ni August na alam mong...may sinabi siya sa buhay.
Hinawakan ko ang kanang tenga ko at hinarap si Ruth.
"Maayos pa ang tenga ko," sabi ko at ipinakita pa 'yon.
"Gaga!" asik niya sa akin bago tumawa.
Hindi nagtagal ay sandali siyang napahinto na para bang na-isip siya. Sa klase ng ngiti niya ay alam ko na kaagad na hindi 'yon maganda.
"Paano pa kaya pag ungol na..." sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
Kaagad ko siyang hinapas sa braso, at talagang 'yan pa ang na-isip niyang topic samantalang karga ko pa din ang baby nila.
"Mag-kwento ka. Wala ka naman ng feelings kaya dapat wala na sa 'yo 'to," sabi pa niya sa akin kaya naman napabuntong hininga ako.
"Anong feeling pag umu-ungol si August sa mismong tenga mo?"
"Ruth, ang kalat mo..." suway ko sa kanya bago ako tumingin sa paligid. Baka mamaya ay may makarinig sa amin at kung anong isipin.
Tawang tawa siya, yung tawa niya may kasama kilig. Hindi ko din talaga ma-intindihan ang babaeng 'to. Boto ba o hind isa amin.
Dapat lang na hindi, dahil wala ng rason pa para maging boto sila sa amin ni August. Matagal ng tapos ang kung ano mang meron sa amin. Hangga't kaya kong itago mula sa kanya si Verity...gagawin ko. Wag lang ulit kaming magkaroon ng kahit ano pang ugnayan.
"Ugh...Vesper," paggaya niya sa kung ano.
Biglang nangati ang tenga ko kaya kaagad ko 'yong tinakpan. Naghari ang tawa ni Ruth kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Inirapan ko ang aking kaibigan, sap ag-irap kong 'yon ay muli nanamang nagtama ang mga tingin naming dalawa.
Nasa amin ang buong atensyon niya kahit pa kinakausap pa din siya ng emcee sa harapan.
"Ang tanong ng bayan...Si August ba ay single?" tanong ng emcee sa kanya.
Nagkaroon ng hiyawan. Hindi ko ma-intindihan ang mga taong 'to. Iba talaga ang nagagawa pag gwapo ka. Ni hindi pa nga nila alam kung mabait ba o hindi siya August. Pwes, hindi siya mabait.
Imbes na sumagot ay itinaas niya muna ang kamay niya. Halos bumagsak ang balikat ng lahat dahil sa ipinakita niya.
"Married," nakangising sagot ni August para sa lahat ng nagpapantasya sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng satisfaction dahil sa pagkadismaya nila. Pilit kong hindi ipinahalata 'yon.
"May asawa daw...sino kaya?" kantyaw ni Ruth.
Sinamaan ko ng tingin si Ruth.
"Yung totoo, si Bruce ba yung malalasing o ikaw na 'tong lasing?" tanong ko sa kanya.
Napahawak siya sa tiyan niya kakatawa.
"Wife reveal!" kantyaw ng iba kaya naman napasapo na lang ako sa aking noo.
"Banyo lang ako," paalam ko kay Ruth bago ko ma-ingat na inilipat sa kanya ang baby nila.
Unti unting nawala sa pandinig ko ang ingay doon. Tama nga si Ruth, medyo malayo nga ang banyo sa mismong reception area.
Matapos kong gawin ang kailangan kong gawin ay nag-stay muna ako doon ng ilang sandali para ma-contact si Melanie.
Sinabi ko sa kanya na medyo gagabihin ako dahil na din request ni Jade na manatili kami hanggang sa matapos.
"Kamusta si Verity?" tanong ko sa kanya.
"Kaka-dede lang. Busog...maya maya ay siguradong tulog 'to," sagot ni Melanie sa akin.
Napangiti ako habang ini-imagine ko ang itsura ngayon ni Verity.
"Sunduin n akita, delikado at gabi na..."
"Hindi na, kaya ko namang umuwi mag-isa. At baka may kailangan ka pang gawin. Hindi din naman pwedeng isama mo si Verity," sabi ko sa kanya.
"Ah basta," sagot niya lang sa akin bago niya ibinaba ang tawag.
Tatawagan ko sana ulit si Melanie nang magulat ako dahil sa pagdating ni August. Hindi pagdating...dahil mukhang kanina pa siya nasa paligid. Nakikinig?
"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya. "Sino si Verity?" tanong niya sa akin, hindi man lang pinansin ang una kong tanong.
"Hindi mo kilala," mabilis na sagot ko. Hindi ko na din alam kung ano pang isasagot ko sa kanya gayong nabigla ako sa pagdating niya.
Hindi kaagad siya nakasagot, susubukan ko sanang umalis na doon at lagpasan siya ng pigilan niya ako.
"Let's talk. Yung maayos na usapan...magpapaliwanag ako, Vesper."
Kaagad kong binawi ang kamay ko mula sa kanya.
"Ayoko ng makipag-usap sa 'yo, August," laban ko.
"L-let's give it a try...again. Let's fix this," giit niya.
Inaamin kong sandali akong natigilan dahil sa sinabi niya. Pero pilit kong ginising ang sarili ko, hindi pwedeng magpadala nanaman ako sa emosyon. Kailangan kong alalahanin lahat ng pinagdaanan ko.
"Bakit pa, August?" umpisa ko.
"Tapos na. Tapos na yung pagkakataon na 'yon para sa ating dalawa. Wala na tayong kailangang ayusin pa...dahil yung bagay na nasira sa ating dalawa, wala namang totoo do'n. Hindi totoo yung kasal, yung relasyon, kahit nga yung nararamdaman natin...wala ding totoo do'n," mahabang litanya ko.
Para bang paulit-ulit na lang kami. Parang hindi na natatapos, hindi ko magawang mag-move on ng maayos hangga't paulit-ulit niyang sinasabi sa akin 'to.
"Totoong mahal kita. Anong hindi totoo 'yon?" giit niya sa akin.
Imbes na makaramdam pa ng kung ano ay natawa na lamang ako.
"Mahal mo ako? Ang babaw naman no'n...dahil lang sa nalaman mo yung totoo ay nawala yung pagmamahal mo?"
"Hindi nawala ang pagmamahal ko sa 'yo, Vesper," laban niya.
Mas lalo akong natawa.
"Madaling sabihin hindi ba? Pero pag gagawin na...wala na. Kayang kayang sabihin 'yan ng kahit sino. Kahit ako..."
Hinarap ko siya ng maayos. "Mahal kita, August. Mahal na mahal pa din kita," sabi ko sa kanya bago ako natawa.
"Tingnan mo. Kayang kaya ko 'yong sabihin kahit ang totoo...wala na akong nararamdaman na kahit ano para sa 'yo. Wala tayong aayusin," pinal na sabi ko sa kanya at sumubok ulit na talikuran siya.
"May anak ba tayo?" tanong niya sa akin.
Parang biglang nag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Biglang lumamig ang buong paligid.
"Yung totoo, Vesper. May anak ba tayo? May itinatago ka ba sa akin?" tanong niya.
Na-ikuyom ko ang aking kamao dahil sa panginginig nito.
"Saan mo naman nakuha 'yan?" mapanuyang sabi ko sa kanya.
"Naisip ko lang...na baka iniwan kita noon na buntis ka, at hindi mo nasabi sa akin."
"Wala akong sasabihin sa 'yo dahil hindi naman ako buntis. Alam mo...sa tingin ko kailangan mong limitahan yung pagbili mo ng shares sa kung saan saang companya. Na-aapektuhan na 'yang pag-iisip mo," suwestyon ko pa sa kanya.
Isang hakbang ang nagawa ko hanggang sa muli siyang magsalita.
"Kung hindi ako umalis, kung hindi kita iniwan...may anak na din sana tayo ngayon," sabi niya sa akin, ramdam ko ang lungkot at labis na pagsisisi sa kanyang boses.
Pagak siyang natawa. "Dalawa siguro...kasi nga di ba, ang pangarap natin...malaking pamilya," sabi pa niya sa akin.
Uminit ang gilid ng mga mata ko, sumikip at bumigat ang dibdib ko. Tapos na ako sa parteng 'yan ng buhay ko. Tapos na akong magtanong ng paano kaya? Paano kaya kung hindi nangyari 'yon? Paano kung hindi siya umalis, hindi kami naghiwalay?
"Nasaktan ako, nung nalaman kong alam mo ang buong pagkatao ko, pero mas pinili mong ilihim sa akin. Nasaktan ako...nagalit ako kasi bakit hindi mo hinayaang ako ang magdesisyon para sa sarili ko?" tanong niya sa akin.
"Hindi lang ako ang nagsinungaling sa 'yo, Senyorito August...bakit si Tay Vinci? Bakit si Tay Vinci ang dali para sa 'yo na patawarin siya?" tanong ko. Gusto kong iparamdam sa kanya ang lahat ng hinanakit ko.
"Bakit ako hindi mo kaagad napatawad? Wala naman akong ibang ipinaramdam sa 'yo kung ang pagmamahal ko. Bakit parang sa akin ka lang nagalit? Bakit parang biglang kasalanan ko lahat?" tanong ko. Hindi ko na napigilang umiyak.
"Bakit parang ang sama sama ko. Ang sama sama ko dahil itinago ko ang katotohanan sa 'yo, nagawa ko 'yon para protektahan ka...kasi nga may gustong pumatay sa 'yo. Anong kapalit ng lahat ng 'to?"
Umiiyak na tanong ko. Hinarap niya ako, nakita ko ang pamumula ng mata niya.
Nandito na rin lang...ilalabas ko na ang lahat. Hindi sa nagbibilang ako, hindi ko 'to sasabihin para bilangan siya. Para magbilangan kami sa kung sino ang mas may nagawa para kanino.
"Gusto kitang habulin, gusto kong magma-kaawa sa 'yo na kung pwede...kung pwede wag mo akong iwanan kasi walang wala na ako. Wala na si Nanay, ikaw na lang ang meron ako ng mga panahong 'yon."
"Kahit hindi mo ako gustong makita, kahit iparamdam mo sa akin ang galit mo...tatanggapin ko, basta wag mo lang akong iwanan mag-isa," umiiyak na sabi ko sa kanya.
Ilang taon ko 'tong inipon.
"Pero naisip kong...deserve mo 'yon, na makapag-aral sa ibang bansa, na mabuhay ng marangya. Deserve mo 'yon, kaya sino ako para pigilan ka?"
Nakita ko kung paano tumulo ang luha sa kanyang mga mata, sinubukan niyang lumapit sa akin pero pinigilan ko siya.
"Deserve ko din naman siguro 'to. Yung makalaya sa 'yo...ayos na ako sa nalaman kong hindi ikaw ang may gawa ng pagpapahirap sa akin, ayos na ako doon."
"Pagpapahirap? Ano ba talaga ang nangyari? Sabihin mo sa akin," pamimilit niya.
"Itanong mo sa Lolo mo," asik ko sa kanya.
Buo na ang loob kong tatalikuran siya ng may gawin nanaman siyang nagpatigil sa akin.
"Mahal kita, Vesper. Mahal pa din kita...walang saysay ang lahat ng 'to kung hindi kita kasama. Kaya kong bitawan ang lahat ng 'to...bumalik lang tayo sa dati," pakiusap niya sa akin.
"Nagkamali ako na nagpadala ako sa galit. Nagkamali ako na nasaktan kita, na iniwan kita. Maling mali ako na nakipaghiwalay ako sa 'yo...tanggapin mo ulit ako," pakiusap niya.
Marahan akong umiling.
"Hindi ko lang natanggap...na ikaw, ikaw na pinkapinagkakatiwalaan ko...lolokohin ako. Hindi ko matanggap na nagawa mong maglihim sa akin, ikaw na mahal na mahal ko..." sabi niya.
Ang marahan kong pag-iling ay unti-unting naging marahas.
"Hindi 'yan totoo. Hindi mo ako mahal...hindi mo ako mahal," giit ko.
"Ayoko sa lahat ng 'to kung wala ka sa akin. Yung yaman, yung magarang sasakyan, yung magarang mga damit. Hindi ko 'yon kailangan, ikaw ang gusto ko..." pakiusap pa niya.
"Hindi na kita mahal...napagod na ako, August. Pagod na ako," pag-amin ko sa kanya.
Napasinghap ako ng lumuhod siya sa harapan ko.
"Hindi ako nagmahal ng iba bukod sa 'yo. Pero kung mahal mo na ang lalaking 'yon...hayaan mong lumaban ako. Paghihirapan ko...maubos man ang lahat sa akin," sabi niya sa akin.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro