Chapter 30
Tensyon
Napa-irap ako sa kawalan matapos kong marinig ang pag banggit niya sa pangalan ng baby ko. Pakiramdam ko kasi ay wala siyang karapatan. Kahit ang banggitin lamang 'yon.
"Magandang batang po si Verity, at sobrang cute..." kinikilig na kwento ni Melanie sa kanya na ikinagulat ko.
Inihanda ko kaagad ang sarili ko, hindi ko hahayaang may masabi pa siya tungkol sa baby ko.
Nakita ko ding nakikinig si August, para bang interisado siya dito. Na gusto niya ding malaman kung sino ba talaga si Verity.
"Kamukha nga po kasi..."
Bago pa niya ma-ituloy ang sasabihin niya ay kaagad ko nang tinakpan ang bibig ng aking kaibigan. Humarang pa ako sa harapan niya para panlakihan siya ng mata.
"Kailangan na tayo sa booth," yaya ko sa kanya.
"Pero..." pigil niya sa akin.
Gusto niyang iparating na wag kong putulin ang pakikipag-usap ko kay August dahil si August 'yan, na mas mapapadali ang buhay namin sa mga De Galicia kung may kapit kami kay August.
Hindi ganoon 'yon. Hindi naman naging madali ang buhay sa akin, naging asawa ko pa nga si August.
"Tara na, Melanie." Yaya ko pa din.
Mukhang hindi pa din talaga siya magpapapigil. Masyado siyang natuwa dahil sa presencya ng kausap.
Hinarap ko na si August kahit labag sa loob ko.
"Excuse lang po, Sir. Babalik lang po kami sa trabaho," paalam ko sa kanya ng hindi man lang siya tinitingnan sa mga mata niya.
Kinuha ko na din ang baby dress na binili ko para kay Verity. Nag-alok si August na siya ang magbabayad pero hindi ako pumayag.
Walang nagawa si Melanie kundi magpaalam na lang din sa huli. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag nang makalayo na kami kay August.
"Ano ka ba. Nakikipag-chikahan pa ako kay Sir August e," sita niya sa akin.
Hindi kaagad ako umimik, sinigurado kong malayo na talaga kami sa kanya bago ko kausapin ang aking kaibigan.
"Melanie, pwede bang wag kang magk-kwento ng kahit ano sa ibang tao tungkol kay Verity?" marahang taong ko sa aking kaibigan.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya.
"B-bakit naman?"
Napabuntong hininga ako. Hindi ko din alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat. Hindi pa ako handing sabihin ang tungkol sa nakaraan namin ni August, pakiramdam ko kasi ay mas lalo lang gugulo ang lahat.
"Ayoko lang na pag-usapan tayo. Ayoko lang na madamay si Verity sa trabaho..." magulong sabi ko. Kahit ako ay naguguluhan din.
"Ayaw mo bang malaman na may anak ka?" tanong niya sa akin na kaagad kong inilingan.
"Hindi. Hindi ganoon. Mahal ko si Verity, hindi ko ikakahiya na may baby ako...ang hindi ko lang gusto ay ang may maka-alam pang ibang tao na hindi naman importante sa buhay naming mag-ina," pagpapatuloy ko pa.
"Ibang tao kagaya ni Sir August? Na-iintindihan ko," pag sang-ayon niya sa akin.
Tipid ko siyang nginitian. Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay.
"Para lang sa safety ni Verity," pahabol ko pa.
Hinigpitan niya ang hawak niya sa akin.
"Oo naman! Ititikom ko ang bibig ko para sa inaanak ko. Alam mo namang mahal na mahal ko 'yon," sabi pa niya sa akin kaya naman napanguso ako.
Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Kayong dalawa! Kayo na ang pamilya ko dito sa manila..." sabi pa niya sa akin.
Mas lalong humaba ang nguso ko at kaagad na yumakap kay Melanie.
"Mahal ka din namin ni Verity, Ninang Melanie..." nakangiting sabi ko sa kanya.
Tawang tawa si Melanie matapos ang pagyayakapan namin. Ginawa kasi namin 'yon sa gitna ng hall kung saan maraming tao. Kung minsan ay nagkakaroon talaga kaming dalawa ng sariling mundo. At hindi na namin iniisip pa kung anong pwedeng sabihin ng iba.
Sa dami ng hirap na pinagdaanan naming dalawa, isa sa mga natutunan namin ay ang mawalan ng pakialam sa opinion ng iba, na kung gagawa ka ng desisyon ay wag isipin kung anong masasabi ng mga 'to. Una mo palaging isipin ang kahihinatnan ng desisyong 'yon sa sarili mo.
Matapos naming magka-intindihan ni Melanie tungkol kay Verity ay bumalik na kami sa pag-aasikaso ng booth namin.
Nagkaroon lamang ng kumusyon ng muntikang bumagsak ang mga design na nakasabit sa itaas ng venue.
"Anong nangyari?" seryosong tanong ni August.
Malapit sa amin ang insidente kaya naman walang choice kundi ang lumapit din siya sa pwesto namin. Kagaya ng iba ay nakatingala din 'to para tingnan ang naging problema.
Gustuhin ko mang alisin ang tingin ko sa kanya ay hindi ko magawa, mula sa tungki ng ilong niya pababa sa adams apple niya na lalong na-depina dahil sa pagkakatingala...hanggang sa jawline niya ay biglang dumikit ang aking mga tingin doon.
Masyado siyang seryoso sa tinitingnan kaya naman malaya ko 'yong nagagawa. Nang magtagal ang titig ko at napansin kong nakakahalata na siya ay mabilis din naman akong nag-iwas ng tingin.
"May extra ladder pa?" tanong niya sa kung sino.
Isang beses akong sumulyap sa gawi nila. Kumunot ang noo ko nang makita kong lingon din siya ng lingon sa akin.
"Ang papables," sambit ni Melanie. Kasabay noon ay ang pagsinghapan ng iba pa naming kasamahan sa ibang booth.
Nilingon ko ang naging dahilan ng pagsinghap nila. Hanggang sa nakita kong hinubad ni August ang coat niya, natira na lang ang putting button down shirt na bukas ang unang dalawang buttones.
"Bakat ang muscles," rinig kong sabi ni Melanie na kausap na ngayon ang babae mula sa kabilang booth.
Nakahanap ng partner sa pagpapantasya kay August ang aking kaibigan. Hindi lamang silang dalawa, para kasing biglang tumigil ang ginagawa ng lahat dahil sa panunuod sa kanya.
Sus. Kaya namang gawin 'yon ng ibang nagta-trabaho doon, pero makikisali pa siya.
"Hindi na safe yung pantali na ginamit dito...lumang wire 'to, wala ba tayong bago?" seryosong tanong niya sa mga ito.
Halos lahat ay nakatingala sa kanya dahil sa pagkakasampa niya sa hagdanan. Nilingon ko na lang din, halatang halata kasi na ako lang ang walang pakialam sa ginagawa nila. Aakto na lang akong may pakialam kahit wala.
"Kami na po diyan, Sir August...madumi na po ang cable, madudumihan po ang kamay niyo," sabi ng isa sa mga nagt-trabaho.
Bumaba ang tingin ko sa nadumihan niya ngang mga kamay. Wala lang 'yon sa kanya, para bang sanay siya sa grasa...
Hanggang sa ma-alala kong naging mekaniko nga pala siya ng sasakyan noon. Na sanay siya sa mga ganoong klaseng trabaho. Dahil sinanay namin siya, hinayaan namin siyang gawin 'yon.
Imbes na manatili doon ay nagpaalam na lang ako kay Melanie na pupunta ako sa restroom. Hindi pa nga ata niya na-intindihan, basta um-Oo na lang siya.
Tapos na ang kumusyon sa venue pag balik ko, bumalik na din sa normal at kanya kanyang ginagawa ang lahat. Abala na din si Melanie na mukhang hindi naman ininda ang pagkawala ko.
"Nagpabili na ako ng lunch kay Kuya Arnold. Chicken na lang din ang inorder ko sa 'yo," sabi niya sa akin.
Tumango ako bilang pag sang-ayon. Muling nagkaroon ng maliit na kumsyon nang ianunsyo na nandyan si Ma'am Dennice De Galicia.
Kita ko ang kaba sa mukha ni Melanie. Wala naman akong kahit kaunting kaba na naramdaman, pakiramdam ko kasi ay kahit ano namang gawin namin ay hindi talaga niya kami magugustuhan...ano pang saysay noon kung hindi naman magbabago ang judgement niya.
"Ganda..." sambit ng ilan.
Nilingon ko siya, para siyang modelong naglakad papasok sa venue. Hapit ang suot na dress, malalaki ang kulot ng kanyang buhok, at kumpleto ang kolorete sa mukha. Para siyang artista kung ituring ng ilang mga taga doon.
Hindi ko naman sila masisisi, kahit sino namang makakita sa kanya ay talagang mapapahinto at magtatagal ang tingin sa kanya.
"Ang sweet..." mahinang tili ni Melanie.
Kinikilig 'to na para bang nakita niyang magkasama yung paborito niyang loveteam. Napa-irap na lang ako sa kawalan. Wala akong nararamdaman kung ano...masyado na ata talaga akong manhid para sa mga bagay na ganito.
Lumapit si Ma'am Dennice kay August, mula sa kanyang mamahaling bag ay naglabas siya ng panyo. Siguradong mamahalin din 'yon, pero hindi siya nagdalawang isip na punasan ang dumi sa mga kamay nito.
Nanatili ang tingin ko kagaya ng iba, pinapanuod ko ang bawat galaw nila. Hindi na din ako nag-abalang mag-iwas ng tingi nang makita kong nilingon ako ni August.
Gusto kong ipakita sa kanya na kaya ko silang panuorin buong araw at wala akong selos na maramdaman. Kahit maging itim pa ang puting panyo nito kakapunas sa kanya.
"Bagay din kay Verity yung maroon na 'yon," turo ni Melanie sa akin sa baby dress.
'Yon ang pinag-uusapan namin habang kumakain kami ng lunch. Nagpahinga na muna kami sa ginagawa dahil nakaramdam na din kami ng gutom.
"I like your booth, ang catchy..." puri sa amin ng head ng marketing.
"Hindi talaga ako nagkamali na isama kayo sa list. Tiwala talaga ako sa inyong dalawa," pagpapatuloy niya.
Mas dumoble ang say ani Melanie dahil sa natanggap na papuri sa booth na ginawa namin.
Konting tiis na lang at pwede na kaming mahiwalay sa mga De Galicia. Sa oras kasi na i-launch na nila ang product namin sa mall nila ay wala na kaming kailangang intindihan pa. Pwede na kaming mag-focus sa ibang project. Pwede na kaming lumayo sa kanila.
Magkasabay na umalis sina Ma'am Dennice at August sa venue. Nang magkaroon ako ng pagkakataon na mapag-isa ay tinanong ko ang sarili ko kung may galit man lang ba, o selos akong nararamdaman.
Ang sagot...Wala.
Wala ding ibang importante sa akin ngayon kundi si Verity. Kung paano ko siya bibigyan ng magandang buhay, kung paanong pilit ko hindi ipaparanas sa kanya ang mga paghihirap na naranasan ko noon.
"Ginising na talaga..." natatawang sabi ni Melanie sa akin.
Tulog si Verity pagka-uwi namin sa bahay. Sa sobrang excited kong ipasuot sa kanya ang damit na binili ko ay kaagad ko siyang kinarga mula sa crib at paulit-ulit na hinalikan hanggang sa siya na mismo ang magising.
Natawa na lamang ako. Hindi naman 'to umiyak, hindi ko naman kasi siya binigla.
"Ang ganda ng smile ng baby ko..." malambing na puri ko sa kanya.
Nang makita niya kasi ako ay ngumiti kaagad siya, dahil doon ay mas lalo kong siyang pinanggigilan. Naglikha siya ng mahihinang tunog dahil sa ginagawa kong paghalik, sobrang bango niya. Amoy gatas at pulbos.
"Masarap ang gising?" tanong ko sa kanya.
Kinarga ko muli siya ng maayos at pinatayo sa aking mga hita para paharapin siya sa akin. Patuloy pa din ang pagkukusot niya ng mata niya, pero kahit ganoon ay nakikipagsagutan na siya sa amin ni Melanie.
Itinigil ni Melanie ang ginagawa niya para tulungan akong isukat kay Verity ang damit na binili namin.
"Bakit hindi mo tinanggap ang alok ni Sir August. Siya na nga daw mag-babayad e," tanong niya sa akin.
"Bakit ko naman siya pagbabayarin ng damit ng baby ko? Sino ba siya?" tanong ko kay Melanie na ikinatawa din niya.
"Suplada ni Mommy Vesper," pagkausap niya kay Verity.
"At pareho naman ang itsura ng pera naming dalawa. May pambili naman ako," pagpapatuloy ko pa.
"Oh, tama na...masyado ng defensive," puna niya sa akin bago muling tumawa dahil sa pang-aasar.
"Naku, Naku...iisipin ko ng may crush ka kay Sir August. Ang sungit mo pag nandyan siya," sabi niya sa akin.
"Hindi ako masungit," laban ko pero hindi niya 'yon tinanggap.
"Eh, ano lang?"
"Ah basta...basta," pagtanggi ko.
Muli siyang ngumisi. Matapos 'yon ay muli siyang tumingin sa baby ko para ayusin ang suot nitong dress. Para siyang manika dahil sa ipinasuot namin sa kanya. Bago pa man ako manggigil sa baby ko ay nauna na si Melanie.
Kaagad niyang ikinulong sa kanyang magkabilang palad ang mukha ni Verity. Tuwang tuwa ang baby ko sa ninang niya.
"Ganda ganda ng baby namin...mag-aartista 'to," pagkausap niya dito.
Hinayaan ko na lang siyang kausapin ang baby ko habang hawak ko pa din 'to at nakatayo sa mga binti ko. Napansin kong sandaling natigilan si Melanie, hanggang sa magpabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Verity.
"Habang tumatagal may ibang nagiging kamukha si Verity...hindi na ikaw," sabi niya sa akin kaya naman nakaramdam ako ng kaba at gulat.
"Huh?"
Nagpatuloy ang pagtingin niya sa akin at kay Verity. Mabilis kong inayos ang pagkakakarga sa baby ko at hinarap sa akin para hindi matuloy ang kung anong konklusyong pwedeng ma-isip ni Melanie.
"Nasa dulo na ng dila ko, e..." sabi pa niya.
Kaagad akong tumayo para ibahin ang usapan at ilayo muna sa kanya ang baby ko.
"Anong uulamin natin?" tanong ko sa kanya kahit alam ko naman na.
Ilang sandali ding natigilan si Melanie. Pilit na iniisip kung sino daw yung kahawig ni Verity. Nang malibang si Melanie sa ibang bagay ay palihim kong tiningnan kung tama nga yung sinabi niyang may ibang kamukha ang baby ko.
Tiningnan din ako ni Verity, para bang may gusto siyang iparating sa tingin na 'yon.
"Si Mama lang ang kamukha mo, di ba?" tanong ko sa kanya bago ko siya hinalikan sa pisngi.
Mabuti na lamang at nawala ang isiping 'yon kay Melanie ng sumunod na araw. Busy pa din ang lahat, pero mas nangibabaw ang chismisan kasama ang iba pang may-ari ng booth.
"Marami talagang nagbago simula ng pumalit siya," kwento nila.
Si Ma'am Dennice at ang pamamalakad niya sa companya ang naging almusal namin sa venue. Tahimik lang kami ni Melanie na nakikinig sa kanila.
"Ang balita kasi nasa ibang bansa yung anak ng may-ari. Nagkasakit ata kaya nagpapagaling."
"'Yon sigiradong mabait 'yon. Totoong De Galicia 'yon, e," sabi pa nila kaya naman parang nagkaroon nanaman ng bubuyog dahil sa mga bulungan nila.
"Si Ma'am Dennice ba ay hindi?" tanong ni Melanie.
Dahil sa pakikisali ng aking kaibigan ay siniko ko na siya. Pero tingnan niya lang ako at pinanlakihan pa ng mata.
"De Galicia. Pero hindi para magmana ng companya," sagot pa nila dito.
Napa-awang ang labi ni Melanie na para bang manghang mangha siya sa mga nalalaman niya.
"Di ba nga, maraming spekulasyon na balak niyang angkinin ang buong companya. Aba't hindi niya kayang gawin 'yon. Nandyan pa yung anak...e, paano kung may anak din 'yon?"
"Kung baga sa linya...nasa pinaka dulo siya," pahabol pa ng isa.
Hindi ko alam kung tam aba 'tong nakikinig ako sa pinaguusapan nila. Pero hindi ko din kasi mapigilan ang sarili kong hind imaging kuryoso sa mga nalalaman nila.
"Halos kalahati ng shares ay ipinagbili na niya sa mga Escuel. Kaunti na lang ay baka may malaki na ang shares ni Sir August kesa sa kanya."
Mas naging seryoso ako sa pakikinig ng ihain sa amin ng isa sa kanila ang theory niya sa mga nangyayari at sa mga plano ni Ma'am Dennice.
"Aba...mag sa-sampung taon na ako dito sa companya. Alam ko na yung mga paligoy-ligoy dito. Mararamdaman mo talaga kung De Galicia o hindi ang namamahala...ang dami na kayang nag resign," giit pa niya.
Ipagbibili niya ang mas malaking parte ng shares kay August Escuel, para kung sakaling bawiin sa kanya ang pwesto ay may laban pa din siya. Dahil ang alam ng lahat ay magka-relasyon nga silang dalawa...na wala naman akong pakialam.
"Matanggal man siya sa pwesto...e, boyfriend naman niya malaking shareholder ng companya."
"Matalino, advance mag-isip!"
"E, ang tanong...boyfriend ba talaga niya?" singit pa ng isa.
"Parang siya lang ata 'tong feeling girlfriend ni Sir August. Pansin mo ba?"
"At...At!" sabi pa ng isa na may kasamang pagtili na para bang may dala siyang pasabog na balita.
Nagkumpulan sila. Mas lalong nagdikit para hindi marinig ng kung sino kahit ang totoo ay abala ang lahat at grupo lang namin ang may lakas ng loob na magchismisan.
"Pansin niyo ba yung singsing sa kamay ni Sir August? Naisip nga namin dati na baka nagpakasal na sila sa ibang bansa...hindi lang sinasabi. Pero wala namang singsing si Ma'am Dennice."
Natigilan ako dahil sa kanilang sinabi. Ang singsing na suot ni August hanggang ngayon ay ang wedding ring namin. Hindi ko alam kung ano pang rason niya, o kung ano pang pinanghahawakan niya para ipagpatuloy ang pagsusuot no'n.
"Kung ganoon, sino ang asawa ni Sir August?" tanong nila.
"Ako, syempre..." natatawang biro ng isa hanggang sa nag-away away na sila kung sino ang sikretong asawa nito.
Napa-iling na lamang ako. Akala siguro nila ganoon kadaling maging asawa ni August. Na pag hindi ka gusto ng Lolo niya ay kulang na lang patayin ka.
Wala si August sa venue ng buong araw na 'yon kaya naman naging mapayapa ang buhay at trabaho ko.
Nakatanggap din ako ng magandang balita mula kina Ruth at Jade. Luluwas sila ng Manila para dito na din manirahan. May nakuha daw silang bagong trabaho at gusto nilang magkita-kita kami.
"Susunduin ka namin diyan sa trabaho mo. Tapos ay mag-inuman tayo..." sabi ni Ruth sa akin na ikinatawa ko.
Hindi na siya nahusto sa text lang, tinawagan talaga niya ako pagka-uwi ko sa bahay.
"Hindi naman ako umiinom," laban ko sa kanya.
Bigla akong nakaramdam ng excitement dahil sa muli naming pagkikita. Na-miss ko silang lahat.
"Sino yung ma-ingay na 'yan?" tanong niya. Tukoy kay Verity.
Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa baby ko. Mas lalong na-excite si Ruth na magkita kami. Kasama din nila ang baby nila. Parang kailan lang...pareho na kaming may anak ni Ruth ngayon.
"At pupunta talaga kami ng Manila dahil diyan balak magpakasal nina Lino at Jade," balita niya sa akin.
Nagpaalam ako kay Melanie tungkol sa lakad ko kinaumagahan. Bago mag lunch pa naman nila ako susunduin sa venue, sabay sabay kaming kakain...bahala na daw kung saan kami mapadpad pagkatapos.
"Ayos lang. Ako na ang bahala sa booth. Kasama ko naman sina Kuya Arnold," sabi ni Melanie sa akin.
Hindi din masyadong nakakabisita si Damien dahil sa dami ng inaasikaso niya. Pero hindi naman siya nagkulang sa pagkamusta sa amin. Kung minsan nga ay magugulat na lang kami na may delivery ng pagkain sa bahay na galing sa kanya.
"Ikamusta mo ako sa kanila. Pag may libreng oras kain kamo tayo sa labas. Treat ko..." sabi niya sa akin nang tumawag siya sa amin. Na-ikwento ko na din ang tungkol sa pagkikita namin ng mga kaibigan.
Kilala naman niya ang mga 'to. Magkakasama kasi kami noong pumunta sa kanila nung birthday kuno ni Manang na mukhang hindi naman pala.
Halos ma-inip ako sa oras habang naghihintay sa booth kinaumagahan. Halos mabali ang leeg ko kakalingon. Ma-ingay sa loob ng venue dahil sa malakas na tunog mula sa mga speaker. Pero hindi natalo no'n ang tili nila Ruth at Jade nang magkita kita kami.
Kaagad nila akong niyakap na dalawa na may kasama pang pagtalon.
"Na-miss ka namin, Vesper!"
Niyakap ko din sila ng mahigpit. Kakaibang saya ang naramdaman ko ng muli kong makita ang mga kaibigan ko. Parang may kung anong bumalik na pamilyar na pakiramdam. Yung simpleng buhay no'n kasama sila...sa may palengke habang nagtitinda kami.
Ipinakilala ko sa kanila si Melanie. Kaagad silang nagkasundo na tatlo dahil hindi naman nalalayo ang character ni Melanie at Ruth. Matamis din ang ngiti nina Lino at Bruce sa akin.
"Hindi naman dinala si Baby...sa susunod na lang, pag kasama na din ang baby mo," sabi ni Ruth.
Medyo may kalakasan ang boses niya kaya naman napatingin pa ako sa paligid.
Sinabi ko na kaagad sa kanya ang tungkol dito. Alam na din nila na walang may alam na si August ang dati kong asawa, kahit pa si Melanie.
Zinipper niya ang bibig niya sa harapan ko kaya naman natawa ako. Muli ko silang niyakap na dalawa, sobrang miss ko sila.
Nag paalam na kami kay Melanie para umalis. Hindi pa nila alam kung saan kami kakain ng lunch kaya naman kailangan na naming umalis ng maaga para maghanap.
Palabas na kami ng venue nang makasalubong namin si August. Kita ko din ang gulat sa mukha niya nang makita ang mga kasama ko.
"August, pare..." kalmadong bat isa kanya nina Bruce at Lino.
Wala namang naging reaksyon ang mga katabi ko. Galit pa din daw sila kay August dahil sa ginawang pang-iiwan nito sa akin noon.
Naging kaswal naman ang pakikitungo ng mga lalaki sa kanya.
"Saan kayo ngayon?" tanong niya sa mga 'to.
"Kakain kami ng tanghalian sa labas...kakaluwas lang namin ng Manila. Sinadya talaga namin si Vesper dito," paliwanag ni Lino.
"Gusto mong sumama? Parang katulad ng dati..." si Bruce at out nowhere kaya naman napasimangot si Ruth.
Nakita ko ang paglingon ni August sa akin. Hindi naman ako nabahala dahil malakas ang kutob ko na hindi siya sasama.
"Oo ba. May alam na ba kayong makakainan?" tanong niya sa mga 'to.
Nalaglag ang panga ko dahil sa pagpayag niyang 'yon. Kaagad na itinaas ni Ruth ang kamao niya para ipakita sa asawa.
"Hayaan mo na. Hindi naman intensyon ni Bruce," suway ko sa kaibigan.
Ayoko namang masira ang araw namin dahil sa pagsama ni August.
Hindi ko na lang siya pinansin ang mga kaibigan ko lang naman ang kailangan kong kausapin at pansinin.
Dinala kami ni August sa isang mamahaling restaurant. Kita ko ang pamamangha sa mukha ng mga kaibigan ko dahil sa ayos doon.
"Mayaman pala talaga sila..." sabi pa ni Ruth.
Hindi ko na lamang pinansin 'yon. Ayokong maging alalahanin pa sa mga kaibigan ko, o magbigay ng kahit anong kumusyon sa pagitan naming lahat kaya naman nakisama ako.
Si August ang umorder ng pagkain para sa aming lahat. Hinayaan namin siya, masyado kaming abala nina Ruth at Jade sa pag-uusap.
"Lalaki, kamukha ko..." kwento ni Bruce tungkol sa baby nil ani Ruth.
Nakita ko ang titig ni August sa phone ni Bruce kung nasaan yung litrato ng baby nila.
"Yung sa 'yo?" tanong ni Bruce sa kanya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Maging ang mga kaibigan ko ay natigilan.
"Parang tanga..." inis na bulong ni Ruth.
Nakita ko ang pag kunot ng noo ni August. Mabilis na tumayo si Ruth at nilapitan ang asawa.
"Na-iihi ako. Samahan mo akong mag-cr..." yaya niya sa asawa.
Pinatayo niya si Bruce gamit ang pagkakayakap ng braso niya sa leeg nito kaya naman takang taka si Bruce sa mga nangyayari.
"May hang-over pa ata. Nagka-inuman kasi bago kami umalis kagabi..." paliwanag ni Lino.
Nanatili ang malalim na iniisip ni August, napa-inom tuloy ako sa baso ng tubig at nag-iwas ng tingin sa kanya.
Ramdam na ramdam ko ang tingin niya sa akin kahit halos nasa magkabilang dulo kami ng lamesa.
Tsaka lang nawala ang tension nang dumating ang mga pagkain, halos mapuno ang lamesa namin.
"Bigla ka na lang nawala...ang laki na ng pinagbago mo," puri ni Bruce.
Mas mukhang nahimasmasan na siya ngayon kesa kanina matapos nilang mawala ni Ruth.
May nagbago kay August, para bang tuluyan na siyang kinain ng lalim ng inisiip niya.
Mula kina Bruce ay lumipat ang tingin niya sa akin.
"Ako pa din yung dating August," sabi niya sa mga 'to.
Wala akong pinakitang emosyon.
Magandang kumain sina Ruth pero nagawa pa niyang sumabat.
"Hindi na ikaw. Kasi kung ikaw pa din yung dating August...hindi mo hahayaang maghirap si Vesper mag-isa," pagsisimula niya.
Kumunot ang noo ni August.
"Bumalik lang yung ala-ala mo noon, August. Pero wala dapat nagbago sa nararamdaman mo..."
"Ruth..." tawag ko sa kanya.
"Iniwan mo siya noong mga panahong kailangang kailangan ka niya."
Mas lalong napa-awang ang bibig niya.
"Sinigurado kong maayos si Vesper bago ako umalis," laban niya.
"Maayos ba 'yong hindi niyo tinigilan hangga't may buo pang gamit sa bahay niya?"
"What do you mean?" seryosong tanong ni August sa aking kaibigan.
"Oh, di ba...nag-utos ka ng mga lalaki para pahirapan si Vesper. Pinasok ang bahay niyo at sinira ang lahat ng gamit."
Wag niya sabihing wala siyang alam.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro