Chapter 20
Utos
Matapos nilang masabi ang gusto nilang sabihin ay iniwan nila ako doon. Sa sobrang takot ay hindi ko na nagawa pang pulutin isa-isa ang mga nahulog na prutas.
Gusto kong tumakbo pabalik kay August para magsumbong. Sobra ang takot na nararamdaman ko, pero hindi ko din alam kung kanino ako hihingi ng tulong. Hindi ko alam kung kanino ako magsusumbong. Mas lalo kong naramdaman na mag-isa na lang ako.
Dumiretso ako sa palengke na wala sa sarili. Napansin kaagad 'yon ng mga kaibigan namin kaya naman lumapit sila sa akin para tanungin ako kung anong nangyari.
"Nakausap mo ba si August?" tanong ni Ruth.
Marahan akong umiling. Ramdam ko pa din ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa pananakot ng mga lalaki kanina.
"Hindi ka nanaman hinarap?" tanong ni Jade.
Kung minsan ay parang nawawalan na din sila ng pag-asa na magkaka-ayos pa kami ni August. Maging sila kasi ay napapagod na sa mga ikinikwento ko sa kanila.
"Alam...magpa-miss ka kasi. Wag kang pumunta ng ilang araw. Tingnan mo, magtataka 'yon," sabi pa ni Ruth.
Sinunod ko ang suwestyon nilang hindi magpakita kay August ng ilang araw. Pero wala namang nangyari, ako din ang sumuko sa huli.
"Ikaw na ang bahala dito, Rose," paalam ko sa bagong kasama. Siya yung sinasabi ni Ate Vilam na pamangkin niya na makakasama kong magbantay sa prutasan.
Mas bata siya ng ilang taon sa akin.
Naturuan ko naman na siya ng mga kailangang gawin kaya naman kampante na din akong iwanan sa kanya ang tindahan. Hindi naman ako nagtatagal sa tuwing umaalis ako.
Hapon na ng maka-alis ako. Madami kasing customer kanina kaya naman ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon.
"Nandito ka nanaman," inis na bungad sa akin ng mga bantay.
"Nandito ako para kay August," sabi ko sa kanila.
Bayolenteng napakamot sa kanyang batok ang lalaking palagi kong naaabutan doon.
"Ilang araw kang wala, akala namin ay hindi ka na ulit magpapakita. Nangungulit ka nanaman?" inis na sabi nila sa akin pero hindi ko sila pinansin.
Dahil sa pangungulit ko ay pumasok na ang isa para ipaalam kay August na nandito ako.
"Galit si Senyorito August. Pero papasukin daw," sabi ng kasama niya kaya naman nagbago kaagad ang mood ko.
Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa may sala nila ay nakita ko na ang pagsalubong niya sa akin. Malalaki ang hakbang niya, mukhang galit nga talaga kagaya ng sinabi ng lalaki kanina.
"Wag ngayon, Vesper. May importante kaming ginagawa," galit na bungad niya sa akin.
Hindi ko pinansin 'yon. Ang mahalaga sa aking ngayon ay nakita ko ulit siya.
"Gusto ko lang dalawin ka...at may dala akong mga prutas para sa inyo," sabi ko.
Ni hindi ko nga alam kung anong itsura ko ngayon sa harapan ni August. Ni wala na akong oras na mag-ayos pa ng sarili ko.
Bumaba ang tingin niya sa mga plastick ng prutas na dala ko, gumuhit ang iritasyon doon.
"Hindi naming 'yan kailangan," sabi niya sa akin kaya naman nakaramdam ako ng kirot.
Alam ko naman 'yon. Sa sobrang yaman nila ay kaya nga nilang bumili ng mismong taniman ng mga prutas.
Tinalikuran niya ako at naglakad pabalik sa may salas nila. Sumunod ako sa kanya kahit wala siyang sinabi. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya ng makita kong nandoon si Vera at Jolina. Ni hindi ko kayang suklian ang tingin nila sa akin.
"Upo ka," sabi ni Vera sa akin.
Nahihiya man ako sa kanya ay tipid akong tumango at umupo sa bakanteng upuan. Maganda na si Vera noong mga bata pa lang kami, pero mas maganda siya ngayon. Ang kanyang presencya ay nakakakaba. Para bang may artista sa harapan ko ngayon.
Ang ganda niya, halatang sobrang laki ng agwat ng pamumuhay namin. Hindi na talaga ako nagtataka na nagustuhan siya ng magkapatid na Escuel. Mas lalo akong nakaramdam ng panliliit sa sarili ko.
"Para dito 'yan? Dadalhin ko sa kusina," pag-presinta ni Jolina.
Kinuha niya ang mga dala ko. Nakita kong nahirapan pa siyang buhatin ang mga 'yon nung una.
"Nakaya mo 'yo?" gulat na tanong niya sa akin.
Tipid akong ngumiti sa kanya. Kahit ako nga minsan ay nagugulat din dahil nakaya kong buhatin ang ganoon kabigat.
"S-sanay na."
Tahimik lang kami tatlo ng umalis si Jolina. Abala si August sa bago niyang phone. Di hamak na mas bago at mas mahal 'yon kesa sa cellphone na ibinigay ko sa kanya noon.
Ramdam ko ang tingin ni Vera sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Ang pananahimik namin ay natigil ng magkaroon ng kaguluhan sa labas. Mabilis ang naging kilos ni August at kaagad na tumawag ng mga tauhan nila.
Sabay kaming napasigaw ni Vera nang makarinig kami ng sunod sunod na putok ng baril mula sa labas.
"Umakyat kayo," utos ni August sa amin.
Sa bilis ng pangyayari ay nagulat na lang ako ng makita kong may hawak na siyang baril, hindi ko alam kung saan niya nakuha 'yon. Ni hindi din ako nakagalaw kaagad.
"Si Jolina nasaan? Jolina!" sigaw na tawag niya dito.
Napatitig ako sa kanya, nakita ko kung paano siya mag-alala habang hinahanap si Jolina.
Pabalik na tumakbo si Jolina papunta sa amin. Ibinilin kaagad niya si Vera dito, nanatili pa din akong naka-upo sa kinauupuan ko. Wala akong lakas, halos naguguluhan na din ako sa nangyayari. Ang alam ko...hindi ako ang priority niya.
"Umakyat na kayo, akong bahala dito...wag kang hihiwalay kay Vera," mariing bilin niya kay Jolina.
Kung hindi pa ako nilingon ni Vera para yayain paakyat kasama sila ay parang walang makakaalala na nandito din ako.
Galit akong nilingon ni August, mukhang nabagalan siya sa galaw ko kaya naman siya na mismo ang lumapit sa akin at pinatayo ako.
"I told you," madiing sabi niya sa akin na para bang kasalanan ko pang dagdag ako sa aalalahanin niya.
"Sumama ka kila Vera."
Umakyat kaming tatlo para magtago, sumunod lang ako sa kanilang dalawa dahil hindi ko naman alam ang pasikot-sikot dito sa bahay nila.
Mas lalo kaming nakaramdam ng takot ng sunod sunod na putok ng baril pa din ang marinig namin mula sa labas.
"Paano si August? Baka kung mapa-ano siya," nag-aalalang sabi ko ng makapasok kami sa isang kwarto.
"Wala na ngang pake si August sa 'yo...dapat ganon ka din sa kanya. Hayaan mo siya, malaki na 'yon."
Para akong naputulan ng dila dahil sa sinabi ni Jolina sa akin. Hindi ko man gustong aminin ay bigla akong nagkaroon ng konklusyon, bigla akong nagselos, may namamagitan ba sa kanila ng asawa ko?
Sa sandaling pananatili namin sa pagtatago sa kwarto na 'yon ay natigilan kami ng gumalaw ang doorknob.
Hindi na din ako makapag-isip ng maayos. Halo-halo na ang mga naiisip ko.
"Ako 'to si August," sabi ng tao sa likod ng pintuan.
Dahil wala sa aking sarili ay kaagad akong napatayo para buksan ang pinto.
"Teka! Hindi 'yan si August!" pagpigil ni Jolina sa akin.
Mas lalo akong nakaramdam ng kung ano. Gusto ba niyang ipamukha sa akin na mas kilala niya ang asawa ko kesa sa akin?
Dahil sa ginawa ko ay napahamak kaming tatlo. Pumasok ang tatlong lalaki para kuhanin kami.
Sinubukang maglaban nina Jolina at Vera. Alam kong kasalanan ko ang paeteng 'to.
Hinila nila kami palabas ng kwarto hanggang sa bumaba kami mula sa may second floor.
Kaagad kong isinigaw ang pangalan ni August ng makita naming nakahiga siya sa sahig, nakatali ang magkabilang kamay sa kanyang likuran. Hindi ko na halos na-isip pa na sabay sabay kaming sumigaw nina Vera at Jolina.
Mas lalo akong nanlumo ng makita kong halos mapuno ng dugo ang kanyang mukha.
Mula doon ay may isang babaeng naghihintay sa amin. Nakangisi siyang nakatingin kay Vera. Pamilyar ang mukha niya sa akin.
"Hindi ka ba masayang makita ako?" nakangising tanong niya kay Vera.
"Walang may gusto na makita ka, Crystal," laban ni Vera sa kanya.
Tinawanan niya lang si Vera, maging kami ay minata niya.
"Gusto at ani August na bumalik sa ilalim ng lupa. Wish granted...konting hintay na lang."
"Baliw ka na!" sigaw ni Vera sa kanya.
Tumawa ang babae sa harapan namin na para bang aminado siyang masama talaga siya.
"August!" umiiyak na tawag ko sa kanya.
Gusto kong masigurado na may malay pa siya. Dahil sa pagsigaw ko ay nakuha ko ang atensyon ni Crystal kahit pa sinuway na ako ni Jolina wag mag-ingay.
Lumapit siya sa akin, hinawakan niya ng mahigpit ang aking panga.
"Ah, yung ambisyosa, manlolokong asawa ni August Escuel. Ang taas ng pangarap mo...e, hampaslupa ka lang naman," mapanuyang sabi niya sa akin.
Si Vera ang pakay ni Crystal kaya naman ipinaubaya niya na kami sa mga tauhan niya. Nagpumiglas kami ni Jolina ng dalhin nila kami sa likod na parte ng bahay.
"Patayin niyo na kaagad para tapos ang trabaho," utos ng isa sa kanila.
Tumawa ang dalawa. "Wag muna," nakakadiring sabi ng isa habang nakatingin sa amin ni Jolina.
"Mga hayop kayo!" sigaw ni Jolina sa kanila.
Nagtawanan silang tatlo hanggang sa manlaban na kami. Dahil sa ginawa nila ay sinaktan nila kami. Kaagad akong napasigaw sa sakit ng sampalin ako ng lalaki, halos umikot ang paningin ko dahil sa hilo. Sobrang lakas no'n. nalasahan ko na din ang dugo sa gilid ng aking labi.
Dumating ang grupo nina Senyorito Julio kaya naman mas lalong nagkagulo. Dahil nawala sa amin ang atensyon ng mga lalaking may hawak sa amin ay kaagad kaming nakatakas ni Jolina. Siya ang humanap ng pwede naming taguan.
Iyak ako ng iyak habang iniisip si August. Gutso kong bumalik kung nasaan siya, hindi ko kaya kung tuluyan siyang mawawala sa akin.
Pagkatapos ng pangyayarin 'yon ay nabaril si Senyorito Julio. Pareho kaming umiiyak ni Vera habang nakasunod ang sinasakyan naming sasakyan sa ambulansya. Sinubukan kaming pakalmahin ni Jolina pero walang kahit anong salita ang makapagpapagaan sa loob namin.
Habang naghihintay sa labas ng hallway ng hospital ay nag-angat kami ng tingin ng sumigaw si Vera dahil sa dumating. Maging ako ay nagulat din ng makita kong si Tay Vinci 'yon.
"Daddy!" umiiyak na tawag ni Vera sa kanya at kaagad na yumakap.
Masaya ako para sa kanila, kaya naman nag-iwas na lang ako ng tingin. Masyado akong nag-aalala para sa asawa ko, hindi ko na alam kung ano ang una kong iisipin.
"Gusto mong pumunta sa emergency room? Ipagamot natin 'yang sugat sa labi mo," sabi ni Jolina sa akin.
Nilingon ko siya, tiningnan ko siya diretso sa kanyang mga mata.
"May namamagitan ba sa inyo ng asawa ko?" tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. Hindi kaagad nakasagot si Jolina kaya naman mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya.
"W-wala, Vesper. Magkaibigan lang kami ni August," paninigurado niya sa akin.
Ramdam ko na nagsasabi siya ng totoo. Kaya naman mariin akong napapikit at nag-iwas ng tingin sa kanya dahil sa kahihiyan.
Naramdaman kong hinawakan ni Jolina ang kamay ko.
"Magkaibigan lang kami ni August. Wala akong gusto sa kanya, Vesper," paninigurado niya sa akin.
Marahan akong tumango at tinanggap na lang ang sinabi niya sa akin. Hindi din naman kasi 'yon ang tamang panahon para pag-usapan ang bagay na 'yon.
Matapos makapag-usap nina Tay Vinci at Vera ay ako naman ang nilapitan niya. Wala siyang imik ng lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit, hindi ko gustong umiyak pero ng maramdaman ko ang yakap ni Tay Vinci ay naging emosyonal ako.
Nitong mga nakaraang araw na naramdaman kong mag-isa ako ay sobrang hirap. Iba tuloy ang dating ng yakap niya sa akin. Pakiramdam ko ay nagkaroon ulit ako ng kakampi at kasama.
"Magiging maayos lang si August," pagpapagaan niya ng loob ko.
Sinabi ko kay Tay Vinci ang lahat. Alam na din niyang nakakaalala na 'to.
"Gusto na po niyang makipaghiwalay siya sa akin. Galit siya...ayaw niyang makinig sa paliwanag ko," sumbong ko sa kanya.
"Kakausapin ko si August. Ako ang may kasalanan sa kanya...wag kang mag-alala," sabi ni Tay Vinci sa akin.
"Salamat po..."
Marahan niyang hinaplos ang ulo ko. "Tahan na...hindi matutuwa si Faye pag nakita niyang umiiyak ka," malambing na sabi niya sa akin.
Matapos ang halos ilang oras na paghihintay ay na lipat na sina Senyorito Julio at August sa kani-kaninang kwarto.
"Sige, pumasok ka na..." sabi ni Jolina sa akin.
Hinayaan nilang mag-isa akong pumasok sa kwarto ni August para daw makapag-usap na din kami.
Nakahiga siya at nakatulala pagkapasok ko. Dahil sa pagdating ko ay nilingon niya ako. Nakita ko nanaman ang iritasyon sa mukha niya dahil sa presencya ko.
"What are you still doing here? Asaan sina Vera...si Jolina?" tanong niya kaagad sa akin kaya naman nasaktan nanaman ako.
Ipinagsawalang bahala ko 'yon. Nagawa ko pa din siyang ngitian kahit hirap ako dahil sa sugat sa gilid ng aking labi.
"Nasa kay Senyorito Julio sila. Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko.
Lumapit ako sa hospital bed niya, nag-iwas siya ng tingin sa akin.
Hindi niya ako sinagot sa itinanong ko sa kanya. Para bang maging ang pagtingin sa akin ay ayaw niyang gawin.
"Hindi ka pa ba pagod kakasunod sa akin?" seryosong tanong niya sa akin.
Pagak akong natawa kahit sobra akong nasaktan.
"Bakit naman ako mapapagod sa 'yo?" tanong ko sa kanya.
"Nakikipaghiwalay na ako, Vesper..." pagpapaintindi niya sa akin.
Sandali akong natahimik. Pinag-aralan kong mabuti ang reaksyon niya, wala akong nakitang kahit anong bahid ng pagsisisi sa kanyang mukha.
"Hindi pa ako pumapayag," laban ko sa kanya.
Ngumisi siya. "Payag ka o hindi...walang bisa ang kasal natin, wala akong ma-alala noong pinakasalan kita."
"Pero...may naaalala ka man o wala, hindi naman dapat magbago kung anong nararamdaman mo sa akin di ba? Kasi memorya mo lang yung bumalik, sa mga alaala mo lang may nagbago," giit ko.
Tahimik si August, muli siyang napatitig sa kawalan na para bang malalim ang iniisip niya.
"Hindi ko alam, Vesper..." marahang sabi niya na may kasama pang pag-iling.
"Anong hindi mo alam? Naguguluhan ka...normal lang 'yon. Na-iintindihan ko," sabi ko sa kanya.
Kaya ko namang maghintay hanggang sa maging maayos na siya.
"Hindi ganoon," pigil niya sa akin.
"Alam ko ang nararamdaman ko para sa 'yo," dugtong niya.
Tipid akong ngumiti.
"A-ano?"
Nilingon niya ako. Tiningnan niya ako diretso sa aking mga mata.
"Awa. Awa na lang ang nararamdaman ko para sa 'yo."
Hindi ko tinanggap 'yon. Hindi ko tatanggapin 'yon. Naguguluhan pa din si August sa mga nangyari, 'yon ang totoo. Mahal niya ako, alam kong mahal niya ako.
"Hindi ko 'yan matatanggap. Hihintayin ko na maging ayos ka na ulit. Pag handa ka na...mag-usap tayo. Ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat," sabi ko sa kanya.
Tumikhim si August. "Wag ka ng bumalik, Vesper. Ayoko na ulit na makita ka pa dito. Nagu-guilty lang ako sa tuwing nakikita ka. Pakiramdam ko kasalanan ko...kahit wala naman akong ginawa sa 'yo," paliwanag niya sa akin.
"Babalik ako kasi hihintayin kong maging ayos ka..." laban ko pa din.
"Wag ka ng babalik dito," matigas na sabi niya sa akin kaya naman nawalan na talaga ako ng lakas na magsalita pang muli.
"Umalis ka na," pagtataboy niya sa akin ng kuhanin niya ang pagkakataon na tahimik ako.
Wala akong nagawa kundi ang umalis doon. Hindi pa maayos ang pakiramdam niya kaya naman kailangan ko siyang pagbigyan sa gusto niyang mangyari.
Makulit na kung makulit, pero hindi ko talaga kayang tigilan ang pagpunta kay August. Wala na akong pakialam sa mga nananakot sa akin.
Palabas n asana ako ng bahay kinaumagahan ng may nakasalubong akong lalaki na mukhang ako ang sadya.
Mukha naman siyang disente, maayos ang suot, may dalang itim na atachi case, mukhang...abogado.
"Ms. Morano," tawag niya sa akin.
"Mrs. Escuel," pagtatama ko sa kanya. Kahit alam kong wala akong karapatang gamitin 'yon.
Tumikhim lang siya at hindi na pinuna pa ang ginawa kong pagtatama.
"Nandito ako para kausapin ka. Dala ko ang ipinaayos na annulment paper ni Mr. August Escuel," sabi niya sa akin na kaagad kong pinutol.
"Hindi ako pipirma," pinal na sabi ko.
"Pakinggan mo muna...maganda ang proposal ni Mr. Escuel para sa 'yo sa oras na pumirma ka. May malaking halaga, kung hindi pa sapat...bibigyan ka niya ng property para makapagsimula ulit," sabi niya na nagpatigil sa akin.
"Pera pera na lang ba ha!?" tanong ko sa kanya at pumiyok pa.
"Hindi ko kailanga ng pera niya! Ang kailangan ko yung asawa ko!" sabi ko sa Attorney, hindi ko na napigilang tumaas ang boses ko.
"Hindi ako pipirma," pagmamatigas ko.
Nilakad ko ang papunta sa hospital, hindi niya ako gustong makita pero pupunta pa din ako. Papasok ako sa hospital dala ang mga prutas nang makita ko ang nagtitinda ng sweet corn. Naaalala ko 'yon, paborito ko 'yong bilhin sa labas ng school tuwing uwian. Mas masarap pag madaming margarine at cheese powder.
Kumatok ako sa kwarto kung nasaan si Senyorito Julio. Doon ko na lang dadalhin ang mga prutas dahil ayaw naman akong makita ni August. Natahimik sila dahil sa pagdating ko, kahit nakaramdam ng hiya ay nagpatuloy pa din ako.
Mabilis na lumapit si Jolina sa akin para kuhanin ang dala kong plastick. Hindi siya nagbago sa pakikitungo niya sa akin kahit pa pinagbintang kong may relasyon sila ni August.
"Uhm...nagdala ulit ako ng prutas. Aaalis din kaagad ako," sabi ko sa kanila.
Iwas na iwas ako sa tingin ni Senyorito Julio, hiyang hiya pa din ako sa kanya.
"You can stay for a while para magpahinga," sabi ni Vera sa akin.
Hindi pa sana ako susunod sa sinabi ni Vera, hanggang sa maging si Senyorito ay ganoon din ang sinabi.
Napansin ni Vera ang hawak kong pagkain, sa tanong niya tungkol doon ay mukhang hindi pa siya nakakain ng ganoong klase ng pagkain.
Nagtanong si Senyorito tungkol sa naging buhay namin ni August. Sinagot ko siya ng totoo, wala naman ng rason para magsinungaling pa ako sa kanila.
"Yung prutasan...sa 'yo 'yon?" tanong nila sa akin na kaagad kong itinanggi.
Sinabi kong taga bantay lang ako doon, na naging delivery driver si August, naging mekaniko din, at madami pang naging trabaho.
"Saan galing yung mga fruits na dinadala mo sa amin? Libre?" tanong ni Vera.
Noong una akala ko snob siya at masungit, hindi naman pala. Mabait naman pala siya.
"Uhm...inuutang ko 'yan. Ibabawas sa sahod ko," sagot ko.
Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makita siya ng araw na 'yon kahit sa malayo. Ang sabi ay may pinuntahan daw.
Umuwi ako sa bahay mag-isa, bumili na din ako ng pagkain sa karinderya na nadaanan ko. Muling bumalik ang Attorney ng sumunod na araw para muli akong kulitin tungkol sa Annulment paper. Kagaya noong una ay ganoon pa din ang sagot ko sa kanya. Hindi ako makikipaghiwalay.
Nagtuloy tuloy ang pagsusuka ko ng mga sumunod pang araw, mapili din ako sa pagkain at medyo maselan. Pansin ko ding hindi pa ako dinadatnan ng buwanang dalaw kahit dapat ay mayroon na ngayon.
Dahil sa pagtataka ay naisipan kong gumamit na ng pregnancy test. Hindi ko pa alam kung paano gamitin 'yon ng una. Sinunod ko lang ang instruction sa likod ng pakete, hanggang sa malaman kong buntis ako.
Magkahalong saya at kaba ang naramdaman ko. Gusto ko kaagad tumakbo papunta kay August para ibalita sa kanya ang nalaman.
Hindi na ako nakapaghintay pa, hindi ko kayang ipagpaliban pa ang nalaman ko. Gusto kong malaman na niya ngayon.
Palabas na sana ako ng aming bahay ng makarinig ako ng marahas na pagkatok. Nagtaka ako nung una hanggang sa napalitan 'yon ng takot.
"Sirain niyo na ang pinto," sabi nila mula sa labas.
Sa ingay nila ay nakumpirma kong madami sila, at hindi nila ako gustong kausapin, may iba silang pakay sa akin.
Nagtagumpay silang masira ang pintuan ng bahay namin.
"Sino kayo? Anong kailangan niyo?" matapang na tanong ko sa kanila.
Hindi nila ako pinansin.
"Sirain niyo lahat ng makikita niyo," utos ng mukhang leader nila.
Nagulat ako at napasigaw ng umpisahan nilang sirain ang lahat ng gamit namin sa bahay.
Sinubukan kong pigilan sila pero hindi sila nakinig sa akin.
"Manahimik ka!" sigaw ng isa matapos niya akong sampalin dahilan para matumba ako sa sahig.
Hindi pa siya nakuntento, yumuko siya at tinapatan ako.
"Hindi ka masabihan ng isang beses. Talagang makulit ka?"
Tumulo ang masasagang luha sa aking mga mata. Halos bumaon ang kuko niya sa aking pisngi. Hindi siya nakuntento, ang kamay niya ay kaagad na lumipat sa aking buhok para sabunutan ako.
"Ito na ang huling beses na sasabihan ka namin. Layuan mo ang mga Escuel, sa oras na lumapit ka sa kanila...may kalalagyan ka," banta niya sa akin at sinadya niyang ipakita ang kanyang baril.
Padabog niya akong binitawan. Nanlalabo ang aking paningin dahil sa luha. Halos wala ng mapapakinabangan sa loob ng bahay namin dahil sinira na nila ang lahat.
Nagtawanan sila, halos yakapin ko ang sarili ko sa takot.
"Boss, ayos na po...hindi na 'to babalik," rinig kong sabi ng isa ng may tinawagan siya.
Muli silang nagtawanan, hanggang sa magpasya silang umalis na.
"Ayos na daw sabi ni Senyorito August. Umalis na daw tayo," yaya niya sa mga kasama kaya naman halos buhusan ako ng malamig na tubig.
Si August ang nag-utos na gawin 'to?
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro