Chapter 18
Totoo
Dahil sa naramdaman kong hilo ay bumalik na lang ako sa pagkakahiga imbes na kumain. Buong araw akong nahiga at natulog, kahit nakaramdam na ako ng gutom ay hindi ko pa din nagawang tumayo para kumain man lang.
Tsaka lang ako bumangon ng mapansin kong nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa labas. Kailangan kong piliting bumangon kahit pa mabigat pa din ang pakiramdam ko para magluto ng hapunan. Siguradong pauwi na si August kaya naman kailangang may nakahaing pagkain na pag dating niya.
Buong akala ko ay kaya ko na talagang tumayo, matapos ko kasing makapaghain ng hapunan ay muli akong humiga dahil sa sobrang bigat ng ulo ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam.
Medyo umayos na ang pakiramdam ko kinaumagahan, ang kaso ay hindi pa din kami nag-uusap ni August. Mukhang may tampo pa din siya sa akin, hindi ko din naman masimulang kausapin siya...baka dahil sa pride ko? Hindi ko din alam.
Mukhang nagpapataasan na lang kami ng pride ngayon.
Kahit nasa palengke na kami ay wala pa din kaming pansinan. Napansin na nga 'yon ng mga kaibigan namin pero pinili na lang nila na manahimik.
"Magd-deliver na kami," paalam ni August sa akin.
Mas lalo akong nadismaya ng hindi kagaya ng dati ay wala ng halik o kahit ano. May nagbabago na sa kanya...unti-unti ng lumalabas yung tahimik na August Escuel.
Kung makikipag-laro ako ng pataasan ng pride sa kanya ay mukhang wala akong magagawa kundi ang sumuko. Kahit pag bali-baliktarin pa din ang mundo ay siya pa din si August Escuel. Unti-unti ding bumabalik yung nararamdaman kong panliliit sa tuwing nagkakaharap kaming dalawa, o kahit madikit man lang siya sa akin.
"Walang ng goodbye kiss?" tanong ni Ruth. Kanina pa sila nanunuod sa aming dalawa, mukhang hindi na din siya nakapagpigil at nagsalita na.
Narinig ko pang sinuway siya ni Jade pero nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanila. Medyo masama pa din kasi ang pakiramdam ko.
Bago magtanghali ay nagpaalam ako sa kanila na muling magd-deliver ng prutas.
"Ano nga ulit pinag-iipunan niyo?" tanong ni Ruth sa akin.
Sumulyap ako sa kanya, pagkatapos ay kay Jade bago ko ibinalik ang atensyon ko sap ag-aayos ng mga prutas na dadalhin ko.
"Pagpapatingin ni August sa hospital," sagot ko sa kanila.
"Payag ka na?" gulat na tanong ni Jade.
Nagulat din ako sa itinanong niya.
"Syempre naman payag si Vesper. Sino bang ayaw na gumaling ang asawa nila?" tanong ni Ruth dito.
Dahil sa tanong ni Jade, at sa mga ikinikilos niya nitong mga nag-daang araw ay nagkaroon ako ng konklusyon na may alam na siya. Hindi ko alam kung paano. Kung bakit hindi pa din siya nagsasalita kung talaga ngang may alam siya.
"A-alis na ako," paalam ko sa kanila.
Naglakad ako palabas ng palengke. Kagaya ng palagi kong ginagawa ay muli akong nag-abang ng jeep para makasakay.
Nakita ko ang pagdaan nina Susan at boyfriend niya habang nakatayo ako doon. Nag-iwas ako ng tingin. Iba ang awra niya ngayon, maraming nagbago sa kanya, at higit sa lahat ay mukhang masaya siya.
"Pagkatapos na ng trabaho ko!" natatawang sabi niya dito sa kung anong pinag-uusapan nila.
Napabuntong hininga na lang ako. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya sa nagawa ko noong isang araw. Alam kong hindi tama ang ginawa ko, alam kong mali ako, kaya naman humahanap ako ng tiempo na maka-usap siya.
Butil butil ang pawis na tumutulo sa noo ko dahil sa init ng panahon, at sama ng pakiramdam ko. Ilang beses akong napahinto para sandaling ibaba ang dalawang malaking plastick ng prutas na hawak ko.
Namumula ang mga palad ko, kitang kita ang bakas ng higpit ng hawak doon. Nanghihina din ang tuhod ko, kung hindi ako magpapahinga ay baka bigla na lang akong matumba sa gilid ng daan.
Matapos kong ma-deliver ang mga prutas ay muli kong nilakad ang palabas ng subdivision. Hawak ang pera na ibinayad sa akin ay hindi ko na-iwasang mamangha sa mga naglalakihang bahay na nandoon.
Napag-usapan namin noon ni August na gusto naming magkaroon ng malaking bahay pag nagkapamilya na kami, gusto nga din naming magkaroon ng sasakyan. Hindi naman impossible 'yon kay August.
Ang hindi lang sigurado ay kung kasama niya pa ako kung sakaling matupad na ang mga 'yon.
Bumaba ang tingin ko sa perang kinita ko ngayon at kaagad na itinago 'yon sa bulsa ko. Payag na akong magpa-check up siya sa hospital, payag na akong humingi ng tulong sa Doctor.
Gusto ko din naman talagang gumaling siya. Ang hindi ko lang gustong mangyari ay ang mawala siya sa akin. Ngunit alam ko din namang hindi 'yon ma-iiwasan.
Paglabas ng subdivision ay binati pa ako ng guard, mukhang namumukhaan na niya ako dahil sa ilang beses akong nag-deliver ng prutas doon.
Habang naghihintay ako ng jeep pabalik sa palengke ay napansin ko ang dalawang lalaki sa kabilang kalsada. Panay ang lingon nila sa akin habang nag-uusap silang dalawa. Bigla akong nakaramdam ng kung anong takot, nilingon kong muli ang guard sa may subdivision.
Kaya ko namang takbuhin pabalik doon kung sakaling kahina-hinala ang mga lalaking 'yon. Nilingon ko ang kalsada, mas lalo akong kinabahan ng makitang may papalapit ng jeep. 'Yon na ata ang pinakamabagal na jeep na nakita ko sa buong buhay ko dahil sa kaba.
"Para!" sabi ko pa kahit hindi na kailangan pa, gusto ko lang talagang makasakay na at maka-alis doon.
Kumalma lang ako ng makalayo na kami sa lugar na 'yon. Baka hindi naman talaga masamang tao ang mga taong 'yon. Baka halos lahat na lang pinagbibintangan ko.
Napabilis ang lakad ko nang makita kong nandoon na ang delivery truck na gamit nila August. Maaga sila ngayon at naunahan ako. Nakatayo siya sa tabi ng pwesto namin, nakapamewang at nakatingin sa akin.
Hindi niya inalis ang tingin niya hanggang sa tuluyan akong makalapit sa kanya. Nag-iwas na ako ng tingi ng tuluyang makalapit sa kanya dahil sa lalim at bigat ng tingin niya sa akin.
"Saan ka nanggaling?" marahang tanong niya.
Nakaramdam ako ng lambing sa boses niya kaya nawala ang lahat ng takot ko at muling tinanggap ang mga tingin niya sa akin.
"May pinuntahan lang..." sabi ko.
Bahagyang tumaas ang kilay niya. "Saan?"
Tumuro ako sa kung saan. "Diyan lang," sagot ko ulit.
Imbes na ma-inis sa sagot ko sa kanya ay nakita ko kung paano tumaas ang isang sulok ng labi niya.
"Kumain na tayo," yaya niya sa akin.
Nag-umpisa ng kumain ang mga kaibigan namin. Hindi pa siya nagsisimula dahil hinihintay pa niya ako.
"May binili akong empanada doon sa pinuntahan namin," sabi niya sa akin at inabot 'yon.
Nakangiti kong tinanggap ang pagkaing ibinigay niya sa akin.
"S-salamat..."
Bago kami nagsimulang kumain ay inilabas ko ang per ana kinita ko at ipinakita sa kanya.
"Pandagdag 'to sa pagpapa-check up mo," sabi ko sa kanya. Sandaling nagtagal ang tingin ni August doon.
"May iba ka pang trabaho bukod dito?" seryosong tanong niya sa akin.
Hindi ako kaagad nakasagot, alam ko namang hindi siya pabor sa ideya na 'yon. Pero gusto ko din sanang malaman niya na sinusuportahan ko ang mga desisyon niya. Ayos na sa akin, payag na ako kahit hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari pagkatapos ng lahat ng 'to.
"Hindi mo kailangang tumanggap ng ibang trabaho bukod dito. Sinabihan na kita," pangaral niya sa akin.
"Hindi naman 'to trabaho. Minsan lang naman may order, hindi naman palagi," laban ko pa din.
Tahimik kaming kumain ni August ng tanghalian. Matapos 'yon ay siya na ang bumasag ng katahimikan.
"Gusto mo bang sumama sa akin sa linggo? Nakilala ko yung anak ni Tay Vinci...si Vera," kwento niya sa akin.
Natigilan ako. Wala naman siyang sinabi tungkol kay Vera, pero iba ang dating na maranig mula sa bibig niya ang pangalan nito.
Dahil kung hindi naman nangyari ang lahat ng 'to ay si Vera sana ang asawa niya at hindi ako.
"Ayokong pumunta doon. At hindi ka din babalik do'n," pinal na sabi ko sa kanya.
"Vesper," may pagbabantang tawag niya sa akin pero nagmatigas din ako.
"Hindi ka na babalik do'n, August," giit ko.
Napabuntong hininga siya, alam kong may gusto pa siyang sabihin pero napili na lang niyang manahimik.
"Can't believe you," mahinang sambit niya na ikinagulat ko.
August Escuel is slowly coming back. I know, I feel it.
Wala nanaman kaming pansinan pagkatapos no'n. Hindi na siya ang dating August na hindi hahayaang magtagal ang hindi naming pagkaka-intindihan.
Kita ko ang saya sa mukha niya habang hinihintay na dumating ang araw ng sabado para makabalik siya doon.
"Wala na bang halaga sa 'yo ang opinion ko?" tanong ko sa kanya.
"May halaga. Gusto kong intindihin, Vesper. Pero hindi ko ma-intindihan, bakit moa ko pinagbabawalan na pumunta kay Tay Vinci?" giit niya.
"Dahil ayoko nga. Tapos ano? Pagbalik mo dito bukambibig mo nanaman si Vera!?"
Napaawang ang bibig niya, napahilamos siya ng palad sa kanyang mukha.
"Nagse-selos ka kay Vera?"
"At bakit hindi ako magse-selos!?" pag-amin ko.
"Vesper..." tawag niya sa akin. Hindi na niya alam ang susunod niyang sasabihin.
Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Mamili ka..." pag-uumpisa ko kahit ang totoo ay hindi din ako sigurado sa sinasabi ko.
"Hindi tayo pupunta diyan," bant ani August sa akin.
Tumulo na ang luha sa aking mga mata dahil sa sitwasyon namin.
"Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan," sabi ko.
Hindi siya umimik, nanatili lang siyang nakatingin sa akin.
"Sinasakal mo ako," agap niya kaya naman napasinghap ako.
"Saang parte?" naguguluhang tanong ko.
Saang parte doon ang hindi niya maintindihan na pwede siyang pumunta sa kahit saan wag lang kung nasaan si Vera.
Marahang napa-iling si August.
"Pupunta lang ako kita Bruce," paalam niya sa akin.
"Kila Bruce?" paninigurado ko.
Tamad niya akong tiningnan. "Hindi ako tutuloy kina Tay Vinci ngayon," sabi niya sa akin bago siya tuluyang umalis.
Mas lumalayo siya sa akin. Imbes na masigurado kong pipiliin pa din niya ako sa oras na magka-alaman na ay mas lumalayo pa siya. Hindi nasusunod ang mga plano ko, hindi nasusunod ang mga gusto ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Halos buong araw nasa kila Bruce si August, ni hind inga niya ako sinabayan sa tanghalian. Hindi din naman ako nakakain ng maayos dahil may iba akong gusto.
Lumabas ako ng bahay para humanap ng ibang makakain. Nitong mga nakaraang araw ay parang naging maselan ako sa pagkain, baka dahil sa nagkasakit ako.
Wala akong nahanap na gusto kong kainin kaya naman muli akong bumalik sa bahay at pilit na kinain ang pagkain na mayroon kami.
May problema kami ni August sa relasyon naming, pero hindi lan pala 'yon ang pagsubok na darating sa amin. Nagkagulo ang lahat ng ibalita sa amin na nawawala si Tay Vinci at nasa hospital si Vera.
"Kailangan kong pumunta doon," humahangos na sabi niya habang nagmamadali niyang inayos ang mga gamit na dadalhin niya.
Hindi ako makasunod sa galaw niya, masyadong mabilis. Parang ako na ang hinihingal dahil sa kilos niya.
"S-sasama ako," sabi ko.
"Ako na muna ngayon. Kailangan kong makarating kaagad para hanapin si Tay Vinci,' sabi niya sa akin.
Ni hindi na ako nakagalaw pa. Matapos niyang makuha ang bag na may lamang mga gamit niya ay mabilis siyang humalik sa pisngi ko at nagpaalam na.
Sandali akong napatulala habang nakatingin sa pintong nilabasan ni August. Wala sa sarili akong nag-ayos at nagplano na umalis din, susunod ako, hindi ako papaya.
Inayos ko din ang mga kailangan kong dalhin, bumyahe ako mag-isa papunta kina Tay Vinci. Nag-aalala din ako para sa kanya. Nasasaktan din ako habang iniisip na nawawala siya o kung may anong nangyari sa kanya.
Walang tao sa bahay kaya naman nagtanong tanong ako sa mga kaptibahay. Itinuro naman kaagad nila sa akin kung saang hospital dinala si Vera.
Nagkakagulo sa hospital pagkarating ko. Ang rinig ko ay may nangyaring barilan daw sa may taas. Sa takot at pag-aalala para kay August ay halos takbuhin ko ang second floor kahit ang totoo ay hindi ko din alam kung saan ako pupunta.
Nakita ko ang nurse station pagka-akyat ko sa hagdan. Hindi na natuloy ang pagtatanong ko nang makita ko sa dulo ng hallway kung nasaan si Senyorito Julio.
Para akong naubusan ng dugo dahil sa nakita. Kung nandito siya at nandito din si August...ibig sabihin ay nagkita na sila?
Muling nagkaroon ng kaguluhan ng dumating ang isang may edad na babae. Nagwawala siya sa labas ng kwarto ni Vera. Nakita ko pang lumabas si August para awatin siya kaya naman nagtago kaagad ako para hindi niya ako makita.
"Kasalanan mong lahat 'to. Punyeta ka talagang bata ka!" sigaw niya.
Ito ba si Veronica?
Hila ni August palabas ng kwarto si Veronica kaya naman mas lalo akong nagtago. Nagwawala pa din ang babae na pilit na sinusuway ni August.
Hindi nagtagal ay lumabas din si Jolina, magkasama nilang kinausap ang babae. Nanghihina akong napa-upo sa may bench ng hospital, nasa kabilang hallway ako malayo sa kanila.
Halos ilang minuto din akong naka-upo doon. Pinaglalaruan ang mga daliri ko, tahimik na ang lahat ng hallway, kalmado na ang lahat.
Wala sa sarili akong nagsend ng message kay August para mangamusta. May takot pa din sa akin na baka hindi na siya sumagot dahil nakaka-alala na siya.
Ilang minuto ang lumipas hanggang sa napasinghap ako ng mag-reply siya. Uuwi daw siya ngayong araw, ang kaso ay baka gabihin.
Mas ayos na 'yon sa akin kesa naman hindi.
Nag-stay ako doon ng ilan pang oras hanggang sa makatanggap ako ng message mula sa kanya na malapit na siyang umuwi. Na-una na akong umalis para hindi na kami magpang-abot.
Wala na akong lakas pa ng loob na ituloy 'to. Para bang sinasabihan na ako ng sarili kong wala na akong ibang choice kundi ang tanggapin na lang ang katotohanan.
"Pinaghahanap pa din si Tay Vinci," kwento ni August sa akin.
Tahimik ko lang siyang pinakinggan. Hindi na ako nagtanong pa, tinanggap ko na lang lahat ng gusto niyang sabihin sa akin. Para bang tinakasan na ako ng lakas na gumawa pa ng kahit anong bagay.
"Hey...alam kong nasasaktan ka din. Mahahanap din natin siya," marahang sabi niya sa akin.
Tinabihan niya ako sa kinauupuan ko at kaagad akong niyakap. Ginantihan ko ang yakap ni August, mahigpit. Mahigpit na yakap na para bang 'yon na ang huli.
"Sumama ka sa akin bukas," yaya niya sa akin.
Wala sa sarili akong tumango sa kanya. Suko na ako...tatanggapin ko na 'to.
"Mauna ka bukas...susunod ako, magdadala ako ng prutas para kay Vera," suwestyon ko.
Nanginginig ang kamay ko, maging ang boses ko nga ay ganoon din. Napansin 'yon ni August kaya naman hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.
Wala na ako sa tamang pag-iisip kaya naman heto't hand ana ata akong isuko ang sarili ko. Kung makikita ako ni Vera at Julio sa hospital bukas ay tapos na talaga ang lahat.
Pagod na akong magkunwari at magtago. Gusto ko ng malaman kung pipiliin pa rin baa ko ni August sa oras na bumalik ang ala-ala niya.
Malaki ang tiwala ko sa kanya, malaki ang tiwala ko sa pagmamahalan naming dalawa. Kahit tagilid, kahit nakakatakot...aasa ako na magagalit siya sandali, pero mapapatawad pa din niya ako.
Maagang umalis si August kinabukasan. Sumunod ako doon bago magtanghalian dala ang mga prutas para kay Vera. Buntis daw ito kaya naman maselan ang kalagayan.
Bawat hakbang ko sa hallway palapit sa kwarto ni Vera ay parang ramdam kong bibitayin ako. Hindi ko alintana ang bigat ng dala kong mga prutas, mas mabigat pa din ang dibdib ko at 'yon ang naghahari sa buong pagkatao ko.
Tatlong katok ang ginawa ko bago ko tuluyang binuksan ang pinto.
"Nandito na ang asawa ko," anunsyo ni August.
Ang gulat na mukha nina Senyorito Julio at Vera ang kaagad na sumalubong sa akin. Dahil sa takot ay nanghina ang kamay ko at mabilis na nabitawan ang plastick na hawak.
Nagkalat ang mga prutas sa sahig kaya naman napayuko ako para pulutan 'yon, tinulungan ako ni August.
"Matagal mo ng alam na buhay si Kuya August?" gulat man ay nandoon pa din ang galit sa boses ni Senyorito Julio.
"Wag mo ngang pagtaasan ng boses ang asawa ko," galit na suway ni August sa kapatid.
Hindi siya pinakinggan nito, mas lalong nalukot ang mukha nito dahil sa galit.
"Matagal mo ng alam, Vesper?" si Senyorito Julio pa din.
"M-magpapaliwanag ako, Sir Julio," ramdam ko maging ang takot sa boses ko.
Kumunot ang noo ni August nang lingonin niya ako.
"Kilala mo siya?" tanong niya sa akin.
Hindi ako nakasagot kaagad dahil si Senyorito Julio na ulit ang nagsalita.
"Niloloko mo ang Kuya August ko!"
Dahil sa sitwasyon, sa takot, at kaba ay na-iyak na lang ako.
Nagalit si August at kaagad na dinuro ang kapatid.
"Manahimik ka na!" banta niya dito.
Sinubukan niyang lapitan akong muli pero hindi na natuloy dahil kaagad siyang napa-daing dahil sa pagsakit ng kanyang ulo.
Hindi ako nakagalaw, hindi na din naman ako nakalapit dahil kaagad siyang dinaluhan ni Senyorito Julio.
Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Kinausap ako ni Vera dahil sa nangayari.
"And nagpakasal pa kayo? Walang maalala si August, you took advantage of him," giit niya.
Naikuyom ko ang aking kamao. "Wala ka ng magagawa. Kasal na siya sa akin, hindi na magiging kayo," laban ko sa kanya.
Mukhang lalao siyang na-inis at nagalit sa akin kaya naman natahimik siya. Kumalma din ako ng maglaon.
"Tahimik at masaya na ang buhay naming ni August," marahang sabi ko sa kanya.
"Life na puno ng secrets and kasinungalingan," pagtatama niya.
"Lahat ng ipinakita ko kay August totoo. Inalagaan ko siya...mahal ko siya,' laban ko.
"You still lied about his real identity."
Maraming tinanong si Vera sa akin tungkol sa kasal namin ni August, sinagot ko naman ang lahat ng 'yon.
Ilang sandali pa ay bumalik din silang dalawa, mas maayos na ngayon si August kesa kanina. Lumapit kaagad siya sa akin, pumulupot ang kamay niya sa bewang ko kaya naman narinig ko ang pagtikhim ni Senyorito Julio.
"Ayos na. Medyo sumakit lang ang ulo ko. Umuwi na tayo," yaya niya sa akin.
"Kuya..."
Hindi niya pinansin ang kapatid at muli akong niyaya na umalis na.
"Vesper, tama na ang pagsisinungaling mo," si Senyorito Julio.
Umalis na kami doon, walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang asawa ko.
"Kilala mo si Julio? Nagpapakilala siyang kapatid ko," sabi niya sa akin.
Hindi ako nakasagot, hindi niya ako hinayaang sumagot.
"Ibig sabihin...totoo nga?" tanong pa din niya sa akin.
"Totoo ba ang sinasabi niya? Niloloko mo nga lang ba talaga ako, Vesper?" seryosong tanong niya sa akin.
Mahinahon man ang pagkakasabi niya ay ramdam ko ang galit do'n.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro