Chapter 12
Handa
Panay ang sulyap ko kay August pagkatapos ng tanghalian. Nakikipag-kwentuhan siya kina Bruce at Lino. Masaya akong makita na nakikipag-tawanan siya sa mga ito. Mukhang na-adopt kaagad naming ni August ang buhay dito.
Hindi ko naman nakakalimutan si Nanay. May mga pagkakataon pa din na na-iiyak ako sa tuwing nagkakaroon ako ng pagkakataon na matahimik at mag-isa. Kung nasaan man si Nanay ngayon, wala akong ibang gustong sabihin kundi mahal na mahal ko siya.
Na kung papapiliin ako ng magulang sa susunod na buhay, siya pa din ang pipiliin ko. Na sobra akong nagpapasalamat sa kanya dahil kahit hindi naging madali ang buhay para sa aming dalawa ay hindi siya sumuko para sa amin.
Na kahit hindi kami minahal at inalagaan ni Tatay ay hindi naman ako nagkulang sa natanggap kong pagmamahal mula kay Nanay.
"Kailangan mo talagang bantayan ang asawa mo, Vesper. Yung mga ganyang galawan ni Susan...mga galawang hindi susuko hanggang hindi nakukuha ang gusto nila," sabi nina Ruth at Jade sa akin.
Hindi ako naka-imik, pakiramdam ko naman ay hindi ko kailangang mag-alala sa bagay na 'yon. Hindi din naman kasi ipinaramdam sa akin ni August na kailangang kong mag-alala, o mag-selos kay Susan at sa mga babaeng nagpapapansin sa kanya.
"Mukhang matino si August, hindi kagaya ng iba..." sabi pa ni Jade na kaagad kong sinang-ayunan.
Pakiramdam ko, kung may magiging dahilan man kung may pag-aawayan kami ni August ay hindi 'yon tungkol sa babae. Tungkol 'yon sa totoong katauhan niya.
Muli akong napatingin sa kanya, tahimik siyang nakikinuod sa pinapanuod nina Bruce at Lino sa mga cellphone nila. May cellphone na din naman kami ni August, de-keypad, hindi kagaya ng mga mayroon ang mga kaibigan namin.
"Bumili naman kayo ng cellphone na pwede kayong mag-picture. Mas matanda pa sa lola ko 'yang phone mo, e," sabi ni Ruth.
Hindi ko na lang pinansin, hindi pa naman importante 'yon ngayon. Nag-iipon din kami ni August, nagpapadala din kasi kami ng pera kay Tay Vinci para tulong na din sa kanya. Hindi naman namin siya kayang pabayaan kahit pa sabihin mong bumukod na kami sa kanya.
Si Tay Vinci pa din naming 'yon. Hanggang ngayon ay medyo ma-ilap pa din ako sa kanya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko dadamdamin ang pagkawala ni Nanay.
May isang delivery pa sina August bago sila bumalik sa palengke at tumulong na magligpit ng mga paninda para maka-uwi na kami.
"Nangingimbita ang tiyahin ko sa kabilang bayan, fiesta. Punta tayo..." yaya ni Ruth sa amin.
Sinasama din nila kami sa mga lakad nila, alam kasi nilang bahay at pwesto lang kami ni August. Kung may mapupuntahan mang ibang lugar ay dahil 'yon sa trabaho.
Kaagad na tumingin sina Bruce at Lino kay August para kuhanin ang sagot niya. Abala ako sa pagliligpit ng mga prutas pero naramdaman ko ang paglingon niya sa akin.
"Punta tayo?" tanong niya sa akin.
Tipid akong ngumiti at tumango. Dahil sa isinagot ko ay maging ang mga kaibigan naming ay natuwa.
Hindi ako mahigpit kay August, kung minsan nga ay pinapayagan ko siyang sumama kina Bruce at Lino na makipag-inuman. Umiinom siya, pero hind isa punto na uuwi siyang halos wala ng malay.
Kontrolado ni August ang mga ginagawa niya, alam niya kung kailan hindi na niya kaya. Hindi naman niya ako pinahirapan kahit pa nagkaroon siya ng mga kaibigan. Pinaparamdam niya sa akin na ako pa din ang priority niya.
"Bukas na lang!" paalam ng mga kaibigan naming ng kailangan na naming maghiwalay dahil iba ang daan pauwi sa kanila at iba din ang sa amin.
Kumaway ako sa mga kaibigan ko, ganoon din ang ginawa ni August. Natawa pa kami nang makita naming kung paano kumapit si Ruth sa braso ni Bruce na para bang tuwang-tuwa nanaman 'to na makakapag-solo na silang mag-asawa.
"Anong gusto mong ulamin?" tanong ni August sa akin habang naglalakad kami pauwi sa amin.
"Kahit ano," sagot ko.
Nagtaas siya ng kilay. "Kahit ako?" nakangising tanong niya kaya naman uminit ang magkabilang pisngi ko.
Napansin niyang namula ako kaya naman lalo siyang natawa.
"Wag lang ikaw," sagot ko at mas nauna nang naglakad sa kanya.
Ramdam ko ang pagtawa niya habang nakasunod siya sa akin. Dahil sa pagsama-sama niya kina Bruce ay lumalabas din ang pagiging pilyo niya.
Nag-ayos ako pagka-uwi sa bahay. Kinwenta ko ang kinita ko buong araw, isa-isa kong isinulat ang mga dapat isulat. Bukas ng umaga kukuhanin ni Nay Vilma ang kinita para ngayong araw.
Abala naman si August sa kusina para maghanda ng hapunan naming dalawa. Matapos kong makapag-ayos ay kumain na din kami. Ako na ang naghugas ng pinggan dahil siya naman ang nagluto, alam kong pagod din siya sa trabaho, mas mabigat pa nga 'yon dahil nagbubuhat sila.
Nauna akong naligo at nakapagbihis pagkatapos kong maglinis sa kusina, gumapang ako paakyat sa kama para humiga na. Mabilis kong tinabunan ng kumot ang kalahati ng katawan ko at humiga patagilid, patalikod sa pintuan...sa pwesto ni August.
Bigla nanaman akong kinabahan. Halos gabi gabi naman kaming nagtatabi sa kama, halos gabi-gabi din naming halos gawin ang bagay na 'yon pero heto't nakakaramdam pa din ako ng kaba.
Seryoso naman ako nang sabihin ko sa kanyang pwede na naming subukan. Handa naman na akong subukan ang bagay na 'yon kasama siya.
Ilang buwan na din, alam ko ding mahirap din para kay August ang pag-titiis.
"Vesper..." marahang tawag niya sa akin pagkapasok niya sa kwarto.
Kaagad ko siyang nilingon. "Gising pa ako," sabi ko.
Baka akala niya ay tinulugan ko na siya at kinalimutan ko na yung pinag-usapan namin. Isinabit niya ang tuwalya sa sabitan. Wala siyang suot na pang-itaas, tanging boxer shorts lang ang suot niya.
"Gusto mong patayin yung ilaw o hindi?" tanong niya sa akin bago siya tuluyang gumapang paakyat sa kama.
"Uhm...ikaw ang bahala," sabi ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay. Nagkibit balikat na lang siya at pinagpatuloy ang pag-akyat sa kama ng hindi pinapatay ang ilaw.
Umayos ako ng higa, humiga patagilid si August para harapin ako ng maayos. Hinalikan niya ang balikat ko, pagkatapos ay ang leeg.
"Subukan natin?" marahang tanong niya sa akin.
Para bang ngayon ay desidido na din siyang subukan naming, na para bang wala na ding makakapigil sa kanya.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Halos mapasinghap ako ng maramdaman ko ang mainit niyang palad sa itaas ng tiyan ko.
Siniil niya ako ng halik kaya naman kaagad kong naramdaman ang init sa paligid. Sinabayan ko ang klase ng halik na ibinigay ni August sa akin. Kung saan saan na din napunta ang kamay ko. Ang init ng katawan niya, malaya kong nahawakan ang hubad niyang dibdib, sobrang ganda ng katawan niya lalo na nung nagsimula siyang magbuhat.
"August..." daing ko ng maramdaman ko ang pagpasok ng kamay niya sa ilalim ng suot kong dress.
Naramdaman ko kaagad ang hawak niya doon, marahan niyang ginalaw ang mga daliri doon kaya naman napasabunot ako sa kanya. Nang mahusto siya ay sandali siyang humiwalay sa akin para harapin ako ng maayos.
Siya na mismo ang naghubad ng suot kong dress, na-expose kaagad sa harapan niya ang hubad kong dibdib, hindi naman kasi ako nag-susuot ng bra sa gabi.
Bayolente akong napalunok nang makita ko ang tingin niya doon, sandali siyang humilig para halikan ang gitna ng dibdib ko. Lumuhod siya sa harapan ko para hilahin pababa ang suot kong panty.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi nang hawaka niya ang binti ko, naramdaman ko ang init at gaspang ng kanyang mga palad nang paghiwalayin niya ang mga binti ko.
Gusto kong takpan ang pagkababae ko dahil sa ginawa niya, pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Nagtagal ang tingin niya doon bago muling lumipat ang tingin niya sa akin.
"Relax..." sabi niya sa akin.
Mukhang halatang tensed ako. Sandali siyang bumangon para hubarin ang boxer shorts niya. Nang bumulaga sa akin kung gaano kalaki, kahaba, at kahandan ang sa kanya ay nag-iwas ako ng tingin.
Narinig ko ang mahinang pag-ngisi ni August dahil sa ginawa ko. Nahawakan ko na 'yon, ilang beses ko na ding nakita pero hindi pa din ako nasasanay.
Isang beses niyang pinasadahan ng kamay niya ang sa kanya bago siya tuluyang naghanda para dumagan sa akin at pumwesto sa gitna ng mga hita ko.
"Uhm..." gusto kong mag-protesta, kinakabahan ako.
Tinukod niya sa gilid ko ang kanang kamay niya para sumuporta. Hindi sapat para sa kanya ang pagkakaparte ng binti ko kaya naman muli niyang inusog 'yon, ramdam na ramdam ko ang lamig mula doon dahil sa malaking pagkakaparte.
"Ah!" daing ko sa unang beses kong naramdaman ang dulo ng kanya sa akin.
Kita ko ang hirap at pagpipigil sa mukha ni August, ingat na ingat din siya sa susunod niyang galaw.
Ang dapat sanang paghawak ko sa dibdib niya ay naging kalmot.
"Aw! August," daing ko nang magtagal ang dulo ng kanya sa akin.
"Shh..." marahang sambit niya.
Halos mapakapit ako sa kumot, napa-awang ang labi ko ng muli niyang sinubukang pumasok.
Na-iyak ako sa sakit. Tip pa lang 'yon pero parang hindi ko na kaya.
Naramdaman niya ang pag-iyak ko kaya naman huminto siya. Nakita ko ang pagod sa mukha niya, pero napalitan 'yon ng simpatya, kaagad niyang inilayo ang kanya sa akin at humilig para humalik sa noo ko.
"Let's try next time," sabi niya sa akin at kaagad na umalis sa ibabaw ko.
Pagod siyang humiga sa tabi ko. Ni hindi man lang siya nag-abala na takpan ng kumot ang hubad niyang katawan. Namumula ang dibdib ni August, habol din niya ang hininga niya. Mariin siyang napapikit na para bang may iniindang sakit.
Kaagad kong pinagdikit ang mga binti ko. Bigla akong nakaramdam ng guilt dahil pinahirapan ko nanaman siya.
"August, sorry..." sabi ko.
Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko, hindi ko pa talaga kaya. Hindi pa ako handa. Gusto kong gawin 'yon kasama siya...pero hindi pa ngayon.
Ilang beses kong nakitang bayolenteng nagtaas baba ang adams apple niya. Mula sa dibdib niya ay bumaba ang tingin ko sa kanya, handing handa pa din.
Umayos ako ng higa, halos dumagan ako sa kanya para halikan siya sa labi. Nagmulat siya ng mata dahil sa ginawa ko.
Pinagpatuloy ko ang paghalik sa kanya hanggang sa dahan dahan kong pinagapang ang kamay ko papunta sa kanya.
"Vesper..." tawag niya sa akin sa gitna ng mga halik ko sa kanya.
Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy ako sa paghalik sa kanya. Halos lumiit ang kamay ko dahil sa pagkakahawak ko sa pagkalalaki niya.
Ramdam ko ang tigas no'n. Dahan dahang nagtaas baba ang kamay ko habang hawak 'yon. Napa-ungol si August dahil sa ginawa ko. Habang ginagawa ko 'yon ay bumaba ang halik ko sa leeg niya.
Hinila niya ako at kaagad na siniil ng halik, hindi naman 'yon naging hadlang sa akin para ipagpatuloy ang ginagawa ko.
Ramdam kong nagugustuhan niya ang ginagawa ko kaya naman binilisan ko pa. Namamanhid ang batok ko pababa sa braso habang pinapakinggan ko ang pag-ungol niya at pagtawag niya sa pangalan ko.
"Shit!" daing ni August ng mukhang marating niya ang sukdulan.
Nag-iwas ako ng tingin sa hawak ko ng maramdaman kong nabasa ang kamay ko ng kung anong mula sa kanya.
Hindi natuloy ang pagsubok namin ng gabing 'yon. Kahit ilang beses na sabihin ni August na ayos lang ay alam kong hindi. Kahit sabihin niyang walang problema sa kanya ay alam kong nadismaya siya.
"Ang tahimik mo...tapos ang tamlay ni August. Anong nangyari?" tanong ni Ruth.
"Uhm? W-wala naman..." sagot ko sa kanila.
Tumango na lang siya at nagkibit balikat, abala kaming tatlo sa pag-aayos ng mga paninda namin. Dumarami na din kasi ang mga tao sa palengke kaya nagmamadali na kami.
"Oh, Aling Resing," tawag ni Ruth sa suki niya.
Ito halos palagi ang nauunang bumili ng gulay sa kanya.
"Ang aga pa may shooting nanaman sa tindahan ng mga isda," kwento niya sa amin.
Dahil doon ay kaagad kaming napatingin sa kabilang gawi. May kumpulan nga ng mga tao.
"Ano nanaman pong meron?" tanong ng mga kaibigan ko.
"Edi si Susan nanaman. Ibang lalaki nanaman ata ang kinakalantari ngayon. Ayon, sinugod ng asawa," sabi niya sa amin.
Napa-iling na lang ang mga kaibigan ko, maging ako.
Maganda naman si Susan, maraming nagkakagusto sa kanya, kadalasan nga ay mga binata pa. Pero mas gusto niya talaga yung lalaking may asawa na. Hindi ko alam kung bakit siya ganya.
"Ang gusto daw kasi niyang si Susan ay yung may challenge. Kaya kayo..." sabi niya at isa-isa kaming tinignan.
"Ingatan niyo ang mga asawa niyo. Ang balita ay magaling daw kasi 'yang si Susan sa kama..." sabi pa niya sa akin.
Sa tinagal tagal na nagpaparamdam si Susan kay August ay ngayon ako nakaramdam ng kaba.
Halos hindi ko na narinig ang iba pa nilang pinag-usapan. Nilingon ko si August na tahimik na nagkakape habang nakikinig sa kwento ng mga kaibigan niya. Tama si Ruth, kita sa mukha ni August na para bang ang tamlay niya. Kahit nakikipagtawanan ay hindi 'yon matago sa kanya.
Matapos ang kumusyon sa kabilang parte ng palengke ay hindi na kami nagulat pa ng pumunta si Susan sa amin na malaki ang ngiti sa kanyang labi na para bang walang nangyaring pagsugod sa kanya.
Kita sa mukha niya ang pamumula ng kanyang pisngi, magulo din ang buhok na pilit niyang sinusuklay gamit ang kanyang kamay.
"Oh, Susan. Mukhang napa-action movie ka nanaman," mapanuyang sabi ni Jade sa kanya.
Ngumisi lang 'to.
"Nahuli, e," sagot niya sa amin na para bang wala lang sa kanya ang bagay na 'yon. Normal lang.
"Tigilan mo na kasi 'yang ginagawa mo. Buhay ka pa pero nile-lechon na sa impyerno 'yang kaluluwa mo," sabi ni Ruth sa kanya na ramdam kong may diin at galit.
Ngumisi si Susan. "Kaya nga i-enjoy ko na lang ang buhay ko dito," sabi niya sa amin.
Tumingin siya sa akin at ngumisi. Para bang wala na siya sa sarili niya, para bang tanggap na niya at pinanindigan na talaga niya ang bansag sa kanya.
"Bahala ka, Susan," sabi nito sa kanya pero nagkibit balikat lang siya.
Hindi ko siya pinanasin o kinausap man lang. Iwas din ang tingin ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit.
"Ang swerte mo kay August..." sabi niya kaya naman nagulat ako.
Ayoko talaga sa mga taong kagaya niya, mga taong walang ginawa kundi ang sumira ng relasyon ng iba.
"Swerte talaga 'yan kay August. Si August ay para lang sa asawa niyang si Vesper," laban ng mga kaibigan ko sa kanya.
Ngumisi si Susan. "Kaya nga crush na crush ko si August. Gusto ko talaga yung may challenge bago ko makuha," sabi niya sa akin.
Wala na talaga siyang takot. Bulgaran na talaga ang pagiging makasalanan niya.
"Tigilan mo ang asawa ko, Susan," seryosong sabi ko sa kanya.
Mas lalo siyang natawa dahil sa naging reaksyon ko.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nagtaas siya ng kilay sa akin na para bang may na-isip siya tungkol sa akin.
"Mukha kang boring...siguradong boring ka din sa kama. Kawawa si August sa 'yo," sabi niya sa akin kaya naman na-ikuyom ko na ang aking kamao.
Naramdaman ko ang paglapit nina Ruth at Jade sa gawi namin, para bang hand ana kaagad sila kung sakaling may mangyari.
"Susan, ang pag-aasawa...hindi tungkol sa kung magaling ka sa kama o hindi. Mahal naming ni August ang isa't isa kaya naman hindi masisira ng kagaya mo ang relasyon namin," laban ko sa kanya.
Mas lalo siyang ngumisi. "Tingnan natin," banta niya sa akin kaya naman mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya.
Nanghina ako sa galit ng tuluyang maka-alis si Susan. Kaagad na dumalo sina Ruth at Jade sa akin dahil sa nangyari.
"Hindi na talaga natuto ang babaeng 'yan. Gusto na ata talagang manghiram ng mukha sa aso," gigil na sabi ni Ruth.
Dinamdam ko 'yon, nanatili akong tahimik na kaagad din namang napansin ni August.
"May problem?" tanong ni August sa akin.
Nagpaalam na siya dahil may delivery sila nina Bruce ngayon.
Marahan akong umiling. Wala naman talagang dapat maging problem. Hindi naman dapat na problemahin si Susan dahil may tiwala naman ako kay August.
"May nangyari ba?" tanong niya.
Muli lang akong umiling, nakita ko ang tingin nina Ruth at Jade sa amin pero nanatili lang silang tahimik.
"Mag-usap tayo mamaya pag balik ko," sabi niya sa akin bago siya humilig para halikan ako sa labi.
"I love you," sabi niya sa akin.
Mas lalo akong na-guilty. Alam ko namang hindi nag-fo-focus ang buhay mag-asawa sa bagay na 'yon lang. Oo, parte 'yon pero hindi naman siguro ako ipagpapalit ni August dahil lang sa hindi ko pa kayang ibigay sa kanya ang pangangailangan niya.
Inabala ko ang sarili ko sa pagtitinda, pilit kong inalis ang mga sinabi ni Susan sa akin kanina.
"Baka may kakilala kayo, kailangan naming ng labandera, umuwi kasi sa probinsya yung labandera namin," Sabi ng kakilala nina Ruth.
Kaagad akong naging interisado sa pinag-uusapan nila. Nag-presinta ako na mag-e-extra ng trabaho, balak ko kasing bilhan si August ng cellphone na kagaya ng kila Bruce at Lino.
"Bakit kailangan mo pa? Hindi ba sapat ang kinikita niyo ni August?" tanong nina Ruth sa akin.
Sapat naman para sa amin ni August ang sweldo namin, ang kaso ay hindi kakayanin lalo na't gusto ko siyang bilhan ng phone, yung malaki yung screen, para naman hindi na siya nakikinuod lang sa mga kaibigan namin.
"Sige, habang naglalaba ka...ako na muna ang bahala sa pwesto mo," sabi ni Ruth na kaagad sinang-ayunan ni Jade.
Napangiti ako. Swerte kami ni August sa mga kaibigan namin.
Mas pinili kong itago kay August ang tungkol sa pagtanggap ko ng labada. Sa tingin ko ay hindi naman 'yon malaking bagay na dapat pa naming pag-awayan. At alam kong kung malalaman niya ang tungkol doon ay siguradong hindi siya papayag.
Tanghali nang bumalik na sila mula sa delivery. Kagaya nina Jade at Ruth ay inihanda ko na din ang pagkain namin ni August.
"Kahit saan naman tayo magpunta...hindi ka na nasanay," natatawang sabi ni Lino.
Alam ko na kaagad kung anong pinag-uusapan nila. Siguradong may nagkagusto nanaman sa asawa ko kung saan sila nag-deliver.
"Ang traffic," sabi ni August sa akin. Halata ang pagod sa mukha niya
Kinuha ko ang bimpo na nakasabit sa balikat niya, ako na mismo ang nagpunas sa pawis sa noo niya.
Ngumiti siya sa akin, kaya naman ngumiti ako pabalik.
Nag-umpisa na kaming kumain ni August, buong akala ko ay nakalimutan na niya yung sinabi niya kanina na mag-uusap kami. Hindi nagtagal ay nag-umpisa na nga siya.
"May sinabi nanaman ba si Susan sa 'yo?" tanong niya sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa kinakain namin, napanguso na din dahil sandali ko pang pinigilan ang sarili ko na magsalita...pero hindi ko na kinaya.
"Ang sabi ni Susan...ang malas mo daw sa akin," sumbong ko.
"At bakit naman niya nasabi 'yon?" tanong niya sa akin kaya naman sinimangutan ko siya.
"E, Syempre...may gusto siya sa 'yo," giit ko na ikinatawa niya.
"Alam mo na ang sagot ko diyan," sabi niya sa akin.
Sandali akong natahimik hanggang sa may muli akong ma-alala.
"At...At sabi niya," hindi ko matuloy, nahihiya akong ituloy.
"Anong sabi niya?"
Napabuntong hininga ako. "Mas bagay sa 'yo yung babaeng kagaya niya."
"Kagaya niyang?"
Tiningnan ko si August, nakita kong nasa akin ang buong atensyon niya.
"Kagaya niyang magaling sa kama..." pag-amin ko.
Napa-awang ang bibig niya kaya naman mas lalong hindi na ako makatingin sa kanya.
Marahang hinawakan ni August ang pisngi ko pababa sa baba para paharapin ako sa kanya.
"Kagaya mo ang gusto ko," sabi niya sa akin kaya naman nakaramdam nanaman ako ng kung anong kilig.
"Kahit..."
"Kahit walang ganoon sa relasyon natin. Hindi naman ang bagay na 'yon ang habol ko sa 'yo kaya kita pinakasalan, Vesper," sabi niya sa akin.
Dahil sa mga sinasabi ni August ay mas lalo akong nai-inlove sa kanya.
Mas lalo ko tuloy gustong ibigay kay August ang buong ako. Sigurado na ako sa nararamdaman ko, may takot man sa kung anong pwedeng mangyari pag nagkataon...sigurado na akong ipaglalaban ko siya. Ipaglalaban ko ang relasyon naming dalawa. Hindi ko bibitawan si August.
Hindi ko siya isusuko. Kahit anong mangyari.
"Sigurado ka?" tanong niya sa akin.
Kaagad akong tumango. Sigurado na ako ngayon, may takot man ay mas nangingibabaw na ngayon ang kagustuhan ko na gawin 'yon kasama siya. Na ibigay kay August...sa asawa ko, ang buong ako.
Naging ma-ingat ulit siya habang hinahanda niya ako. Ramdam ko ang lambing sa mga halik ni August sa akin.
Tipid akong ngumiti sa kanya para ipakitang ayos lang ako ng muli siyang pumwesto sa gitna ng mga hita ko.
"Baby are you sure about this?" malambing na tanong niya sa akin.
Tumango ako sa kanya bilang sagot. Mariin akong napapikit at napakapit ng mahigpit sa braso ni August ng muli kong maramdaman ang dulo ng kanya sa akin.
"Aw," daing ko.
Halos bumaon ang kuko ko sa braso niya.
"August," na-iiyak na tawag ko sa kanya.
Muli siyang huminto. He's huge, isang tingin ko pa lang ay alam ko na kaagad na hindi ko siya kakayanin. Masyado siyang malaki.
Naramdaman kong balak niya ulit tumigil pero pinigilan ko na siya. Gagawin na naming 'to ngayon.
"A-ayos lang, ituloy na natin," sabi ko.
Nag-hesitate pa siya nung una. Halos mapaliyad ako ng dahan dahan niya akong pinuno ng sa kanya.
Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata ng maramdaman kong parang may kung anong napunit sa akin.
"I love you, Vesper," sabi ni August kahit ramdam ko ang hirap sa boses niya.
Nang makapag-adjust na ako ay dahan dahan na siyang gumalaw sa aking ibabaw.
Napuno nang daing naming dalawa ang buong kwarto dahil sa paglabas masok niya sa akin. Hindi din naman nagtagal ang pagtitimpi ni August dahil halos mawala ako sa katinuan ko ng maging marahas siya.
Napaawang ang bibig ko ng maramdaman kong pinuno niya ako, hindi kaagad umalis si August sa ibabaw ko. Naramdaman ko pa ang malalambing niyang halik sa akin.
Para akong tinanggalan ng lakas dahil sa ginawa naming dalawa. Hindi naman siya nagkulang na aluin ako.
"Magiging mas masaya siguro kung...magkaka-anak na tayo," sabi niya na ikinagulat ko.
Parang biglang bumalik ako sa katinuan dahil sa sinabi niya.
"H-hindi pa ako handa sa bagay na 'yan," sabi ko.
Hindi pa. Hindi pa pwede hanggang sa hindi pa totoo ang lahat sa amin. Paano kung mabuntis ako at bigla siyang maka-alala? Ayokong madamay ang anak naming kung sakaling hind imaging maganda ang magiging pagtanggap ni August sa katotohanan.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro