Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

New




Iyak ako ng iyak habang nasa byahe kami ni August, tahimik lang siya sa aking tabi. Ramdam ko ang yakap niya sa akin dahil sa pag-iyak ko. Tahimik na lang akong nagdasal na sana kagaya ng mga dati naming naging pagtakas ay maging maayos lang din ngayon.

Na panghahawakan ko ang pangako ni Tay Vinci, hindi niya papabayaan si Nanay. Ganon din ang pangako ni Nanay na magkikita pa ulit kami. Hindi ko din alam kung bakit ganito ako mag-isip, marahil ay masyado lang akong natakot sa isiping mawawala sa akin si Nanay.

Na kagaya nang sinasabi ng iba, na pag masyadong masaya ay lungkot ang kapalit.

Matapos ang matagal na byahe ay nakarating kami sa Sta. Rita Pampanga. Doon ang usapan na magkikita-kita bago kami sabay sabay na pupunta sa Florida blanca.

"Kumain ka muna," marahang sabi ni August sa akin.

Hindi kami umalis sa bus terminal para hintayin ang pagdating nina Tay Vinci at Nanay. Ramdam ko pa din ang kaba, ni hind inga ako mapakali sa kina-uupuan ko dahil sa pag-aalala.

"Darating din sila," sabi ni August sa akin.

Hinapit niya ako sa bewang, iginaya niya palapit sa kanya ang ulo ko para malambing na humalik doon.

"Nandito ako, Vesper..." sabi niya sa akin.

Halos nakatulugan ko na ang paghihintay kina Nanay. Mas lalo akong kinabahan ng abutan na kami ng dilim na dalawa.

"Shh..." marahang pag-aalo ni August sa akin.

Wala na akong nagawa pa kundi ang umiyak na lang. Nahirapan din kaming dalawa dahil wala naman kaming sapat na pera para gastusin, ang tanging dala lang namin ay ang ilang gamit.

"Sandali lang...bibili lang ako ng makakain," paalam ni August sa akin.

Halos mapagod ako sa pag-iyak. Ni hindi ko nga siya maka-usap ng maayos. Parang lalabas ang puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang bigat no'n. Hindi din ako makapag-isip ng maayos.

Nakaramdam ako ng pagsisisi, sana talaga hindi ako pumayag na ma-iwan si Nanay. Malaki naman ang tiwala ko kay Tay Vinci, pero iba pa din talaga pag kasama ko si Nanay.

"Magdadalawang araw na," sumbong ko kay August.

Kita ko din sa mukha niya ang pag-aalala.

"Hindi na tayo pwedeng magpalipas ng gabi dito, kailangan na nating humanap ng matutuluyan," sabi niya sa akin.

"Paano pag dumating sila?" tanong ko sa kanya.

"Babalik tayo dito bukas ng umaga, wala ka pang maayos na tulog," sabi niya sa akin.

Hindi ko din alam kung paano ang gagwin naming dalawa. Wala naman kaming kilala dito. Si Tay Vinci ang may mga koneksyon sa mga lugar na pinupuntahan namin.

Paalis na sana kami ng may lalaking lumapit sa amin.

"Kayo ba yung mga anak ni Vinci?" tanong niya sa amin.

Bigla akong nakaramdam ng takot na baka isa siya sa mga humabol kay Tay Vinci. Naging alerto kaagad kami ni August. Napakamot siya sa kanyang batok nang mapansin niyang pinagdududahan namin siya.

"Nandito ako para sunduin kayo, hindi ako kalaban..." sabi niya sa amin.

Hindi kami umimik, nanatili ang tingin naming sa kanya.

Sandali siyang nag-isip at tumingin sa malayo.

"Paano ba?" tanong niya sa kawalan.

Sa huli ay sumuko siya nang mukhang wala siyang ma-isip na paraan para mapaniwala kami.

"Basta, pinapasundo kayo ni Vinci. Ang sabi pa nga, bagong kasal lang ang mga anak niya...pinahanap pa nga ako ng matitirhan sa may Florida Blanca na may dalawang kwarto," kwento niya sa amin.

Nagkatinginan kami ni August.

Napabuntong hininga na lang kami at sumama sa lalaking nagpakilalang si Mang Fred. Habang naglalakad ay hindi sinasadyang napakapit ako sa suot na tshirt ni August. Napansin niya 'yon, bumaba ang tingin niya sa kamay ko, kinuha niya at pinagsiklop ng maayos ang mga kamay naming dalawa.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin.

Marahan akong tumango sa kanya. Kahit ang totoo ay ang bigat bigat pa din ng dibdib ko dahil hindi pa dumadating sina Nanay at Tay Vinci. Gusto kong ipakita na ayos lang ako, na kaya ko pang maghintay pero ang totoo ay para akong unti-unting pinapatay habang tumatagal na hindi ko nasisiguradong ayos lang si Nanay.

Sumama kami kay Mang Fred, mukha namang mapagkakatiwalaan siya. Nila niya kami sa isang maliit na bahay na gawa naman na sa bato. Pagkapasok sa loob ay tumambad kaagad sa amin ang dinning table, ni wala nga 'yong sala. May tatlong pinto para sa dalawang kwarto at isang pinto naman para sa banyo.

"Dito ko daw kayo dalhin pag dating niyo. Dito niyo na lang hintayin si Vinci," sabi niya sa amin.

Wala pa ding umimik sa amin ni August kaya naman napakamot na lang siya sa kanyang batok.

"Mauuna na ako. May cellphone ba kayo? Iiwan ko na lang ang number ko kung sakaling may tanong o kailangan kayo," sabi niya sa amin.

Marahang umiling si August.

"Wala. Si Tay Vinci lang ang meron," sagot niya dito kaya naman mukhang lalong kumati ang ulo niya.

Tuluyang umalis si Mang Fred kaya naman naiwan kaming dalawa ni August. Inilibot ko ang buong paningin ko sa bahay kahit maliit lang 'yon. Naging abala si August sa pag-check ng bawat kwarto.

"Nasaan na kaya sila?" tanong ko. Hindi ko na din mapigilan.

Hindi ata ako magsasawa na magtanong, kahit makulitan si August ay kusang lalabas 'yon sa bibig ko.

"Parating na din sila. Wag kang mag-alala," sagot niya sa akin. Pero alam kong hindi din siya sigurado.

Lumabas siya sandali para bumili ng makakain. Hindi ko din alam kung saan siya kumukuha ng pera, mukhang may ipon siya kaya naman kahit ilang araw kaming nahiwalay kila Nanay at Tay Vinci ay hindi naman kami nagkaroon ng problema sa pagkain.

"May naghahanap ng mekaniko diyan sa may kanto. Sinubukan kong kausapin yung may-ari," kwento ni August sa akin habang kumakain kami.

Tipid lang akong tumango sa kanya. Minsan nagu-guily ako sa tuwing nahihirapan siya kasama namin. Hindi deserve ni August Escuel na maranasan ang mga bagay na 'to. Pero hindi din naman naming siya magawang i-suko kaagad. Kagaya ngayon na may panganib sa buhay niya.

Sinubukan kong kumain, nilakasan ko ang loob ko para pagdating ni Nanay ay hindi siya mag-alala sa akin. Lumipas ang halos isang linggo na hindi sila kaagad nakasunod sa amin.

May masama na akong pakiramdam pero hindi ko pinansin. Isang araw ay dumating si Tay Vinci at kinumpirma sa akin ang kakaibang nararamdaman ko sa mga nag-daang araw.

Dahan dahan ang lakad niya palapit sa amin na para bang mabigat ang bawat paghakbang niya.

"Tay Vinci, si Nanay po?" nakangiting tanong ko sa kanya kahit ang totoo ay halos manginig na ang buong katawan ko.

Gusto ko na ding mag-umpisang umiyak nang makita kong siya lang ang dumating. Hindi niya kasama si Nanay...Nasaan ang Nanay ko?

Hindi siya umimik hanggang sa makalapit siya sa amin. Hinarap niya ako, napasinghap ako ng makita kong namumula ang mga mata niya, wala pa mang kahit anong salita na lumalabas sa bibig niya ay naiyak na kaagad ko.

"Si Nanay po?" tanong ko pa din sa kanya.

Humahanap ako ng pag-asa kahit pakiramdam ko ay wala...wala na.

"Nauna lang po kayo di ba? Parating na din po ba siya?" tanong ko at pumiyok pa.

"Vesper..." nag-aalalang tawag ni August sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Nanatili ang tingin ko kay Tay Vinci. Bumuhos ang luha sa aking mga mata ng umiling siya sa aking harapan.

"Po?" tanong ko. Para saan ang iling na 'yon? Para saan ang luha sa mga mata niya?

"Dinala ko siya sa hospital, pero..." pag-uumpisa ni Tay Vinci.

Hindi ko na siya pinatapos.

"Saang hospital po? Pupuntahan ko," sabi. Handa akong umalis kaagad sa oras na sabihin niya sa akin.

"Vesper...wala na si Fae," sabi niya sa akin at pumiyok pa.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Napuno ng luha ang aking mga mata dahil sa namuong luha.

Naramdaman ko ang hawak ni August sa akin.

"Hindi po 'yan totoo," laban ko kay Tay Vinci.

Nakita ko kung paano sunod sunod na tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

"Dinala ko siya sa hospital para ipagamot...para maagapan, hindi na kaya...hindi na niya kinaya," sabi niya sa akin kaya naman halos matumba ako dahil sa panghihina ng aking mga tuhod.

Kaagad kong naramdaman ang suporta ni August mula sa aking likuran para hindi ako tuluyang matumba.

"Hindi po 'yan totoo! Hindi...hindi gagawin ni Nanay 'to. Hindi ako iiwan ni Nanay!" umiiyak na sigaw ko.

Hinila ako ni August para paharapin sa kanya at kaagad na niyakap ng mahigpit. Umiyak ako ng umiyak sa bisig niya. Para akong mawawalan ng hangin sa katawan dahil sa hirap sa paghinga dahil sa kung anong mabigat sa dibdib ko.

"Hindi ako iiwan ni Nanay," umiiyak na sabi ko kay August.

Hindi ko matatanggap 'yo. Hindi ko tatanggapin ang balitang 'to.

"Patawarin mo ako, Vesper. Kung alam mo lang kung gaano ko ka-gustong sumunod dito kasama siya..." sabi pa ni Tay Vinci sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng galit, hindi ko na din alam ang pwede ko pang masabi, masyado na akong kinakain ng emosyon ko.

"Pinabayaan niyo po si Nanay! Pinabayan niyo ang Nanay ko...nangako ka po!" paalala ko sa kanya.

Mas lalong na-iyak si Tay Vinci.

"Nangako ka po!" umiiyak na sigaw ko ulit bago ako tumakbo papasok sa bahay at kaagad na nagkulong sa kwarto.

Hindi ko na napigilan at napahagulgol na lang. Hindi ko alam ang gagawin ko, gusto kong umalis, gusto kong puntahan si Nanay...pero hindi ko alam kung paano.

"Nay!" umiiyak na tawag ko sa kanya.

Bago nangako si Tay Vinci sa akin ay mas nauna si Nanay na nangako. Ang sabi niya magkikita ulit kami. Ang sabi niya susunod siya sa amin...

"Nanay...wag niyo po akong iwan," umiiyak na sabi ko sa kawalan.

Gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw ng malakas, malakas na malakas hanggang sa marinig niya ako at bumalik siya.

Halos maubos ang lakas ko kaka-iyak. Ilang beses na sinubukang kumatok ni August para pasukin ako sa loob pero hindi ko siya pinagbigyan.

Si Nanay ang kailangan ko ngayon, walang iba.

Paano na ako? Simula noon ay kaming dalawa na ang magkasama. Hindi ko alam kung paano mabuhay na hindi kasama si Nanay.

"Hindi niyo man lang naranasan ang maginhawang buhay...hindi ko man lang kayo nabigyan ng maginhawang buhay," umiiyak na bulong ko sa kawalan.

Huminahon na ang pag-iyak ko. Pero para naman akong mas lalong pinapatay sa sakit. Halos hindi na ako makakita ng maayos dahil sa pag-iyak. Hindi ko kaya...hindi ko kaya na wala si Nanay.

"Nay...bakit iniwan niyo akong mag-isa? Paano na?" tanong ko pa din sa kanya, umaasa na dalhin ng hangin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko papunta sa kung nasaan man siya ngayon.

Matapos kong umiyak ay nanatili na lang akong tahimik, nakatulala kung saan habang kung ano-anong scenario na ang pumapasok sa isip ko. Narinig kong nasa labas sina Tay Vinci at August, narinig ko ang kwento niya tungkol sa nangyari.

"Dinala ko siya sa hospital para ipagamot. Malala na ang sakit ni Fae, hindi naman ako pwedeng magtagal sa hospital, binantayan ko siya mula sa malayo...hindi ko naman siya iniwan. Hanggang sa isang araw...hindi na siya gumising," sabi ni Tay Vinci.

Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko habang nakikinig sa kwento niya. Ibig sabihin, nawala si Nanay na wala man lang na kahit sino sa tabi niya.

Nawala si Nanay na wala man lang ako sa tabi niya. Wala ako nung hirap na hirap siya. Wala ako para sa kanya.

"Hindi ko na nakita ang katawan niya...hindi ako nagkaroon ng pagkakataon dahil hindi nga ako pwedeng makita," sabi pa niya.

Hindi ko alam kung tam aba 'tong nararadaman ko, pero kaagad akong nakaramdam ng galit para kay Tay Vinci. Alam kong hindi niya ginusto ang nangyari...pero galit ako kay Tay Vinci.

Buong gabi akong nagkulong sa kwarto mag-isa. Narinig ko pa ang pagtawag ni August sa akin pero hindi ko siya pinansin. Buong gabi akong gising, ganoon din siya. Ramdam ko ang pag-upo niya sa labas, sa may pintuan ng kwarto.

Ilang beses niyang ipinaalala sa akin na nandoon lang siya, kung kailangan ko ng makaka-usap ay nandyan lang siya.

"Hindi kita iiwan, Vesper," paninigurado niya sa akin.

Sumikat ang araw, ni kahit sandali ay hindi man lang pumikit ang mga mata ko. Sa tuwing ginagawa ko kasi 'yon ay para bang mas lalo akong kinakain ng lungkot.

Hindi na pumayag si August na hindi makapasok sa kwarto ng bandang tanghali. Naramdaman ko ang pagbukas niya ng pinto, tahimik siyang pumasok, naramdaman ko ang paghiga niya sa kama. Nanatili akong nakatalikod sa kanyang gawi, nakatulala kung saan.

"Vesper...nandito ako," marahang sabi niya.

Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko, humilig siya para halikan ako sa ulo.

"Nandito ako," pag-uulit niya.

Muling bumuhos ang luha ko ng isumbong ko kay August kung gaano ako nasasaktan ngayon, tahimik siyang nakinig sa akin. Hinayaan niya akong umiyak hanggang sa kahit papaano ay gumaan ang dibdib ko.

"Hindi ko kaya na wala si Nanay..." sumbong ko.

Humigpit ang yakap niya sa akin.

"Nandito ako. Sasamahan kita...nangako ako kay Nanay, hindi kita iiwan," sabi pa niya sa akin.

Hindi naging madali ang mga unang araw.

"Kumain na muna tayo..." sabi ni Tay Vinci sa amin.

Ramdam kong gusto niyang pansinin ko siya, wala akong imik sa tuwing nandyan siya. Hindi ko din siya kinakausap, ni ang tingnan siya ay hindi ko magawa.

Magiging madali ata sa akin kung hayaan kong sisihin siya. Kailangan ko ng may ma-sisi para matanggap ko ng dahan dahan. Alam kong mali...alam kong hindi tama, pero anong magagawa ko? Sobrang sakit nito para sa akin.

"Mahal na mahal ka namin ni Fae," sabi pa ni Tay Vinci sa akin.

Bigla akong nahabag para sa kanya. Hindi ko din naman gusto na itrato siya ng ganito. Nakita ko din naman ang mga ginawa ni Tay Vinci para sa amin ni Nanay. Noong mga panahon na walang wala kami...nandyan siya para sa amin.

Puno ng luha ang aking mga mata ng hinarap ko siya. Ito na ata ang unang beses na tiningnan ko siya sa mga mata pagkatapos ng nangyari kay Nanay.

"Dapat hindi ko iniwan si Nanay. Hindi ko dapat iniwan si Nanay sa inyo," sabi ko sa kanya.

Sobrang bigat ng dibdib ko, sobra akong nasasaktan, hindi ko ma-kontrol ang sarili ko...gusto kong saktan ang damdamin ni Tay Vinci. Gusto ko ding maramdaman niya yung sakit na nararamdaman ko.

"Dapat hindi ako nagtiwala..." sabi ko pa.

Nakita ko kung paano bumagsak ang magkabilang balikat niya, nakita ko kung paano namula ang mga mata niya.

Tinanggap ni Tay Vinci ang lahat ng masasakit na salitang ibinato ko sa kanya. Nagpakumbaba pa din siya ng mga sumunod na araw, hindi siya sumuko at tumigil na suyuin ako.

"Mas makakabuti kay Vesper na tumuloy kayo sa Florida Blanca...doon, makakapag-umpisa kayo na kayong dalawa lang," rinig kong sabi niya kay August.

"Paano po kayo?" tanong ni August sa kanya.

"Mas mabuting malayo na muna kayo sa akin. Ayokong malagay ulit kayo sa kapahamakan dahil sa akin," sabi ni Tay Vinci. Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"Kung hindi lang ang buhay ni Vera ang nakasalalay dito...gusto ko na ding sumuko, pagod na pagod na din akong tumakbo at magtago. Pagod na din ako..." sabi ni Tay Vinci.

May kung anong bumara sa lalamunan ko.

Mas pinili niyang ilayo kami ni August mula sa kanya, dahil daw sa nangyari kay Nanay ay takot na ulit siyang madamay pa kami ni August sa susunod na magtago nanaman siya at tumakbo.

"Pwede ka bang maka-usap?" tanong niya sa akin.

Sinadya niya ako sa kwarto, abala ako sa pag-aayos para sa pag-alis naming ni August. Tutuloy kami sa Florida Blanca kagaya ng unang plano.

Hindi ako nagsalita, pero hinayaan ko siyang pumasok, umupo sa aking tabi.

"Hindi ko alam kung paano papagaanin ang loob mo. Hindi ko din hihilingin na mapatawad mo ako. Naiintindihan ko ang galit mo, Vesper...anak, gusto ko lang malaman mo na mahirap din sa akin 'to. Mahal ko ang Nanay mo, at wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko," pag-uumpisa niya.

"Alam kong wala akong karapatang humingi sa 'yo ng pabor. Pero sana tulungan mo ako...para ito kay August. Nasa panganib din ang buhay niya...kung hihinto tayo, kung hindi tayo mag-iingat, mapapahamak siya," sabi niya sa akin.

Parang bigla akong nagising. Si August na lang ang meron ako ngayon, siya na lang ang meron ako, hindi ko na kakayanin kung pati siya mawawala sa akin. Nakita ko kung gaano niya ako kamahal, kung gaano kahaba yung pasencya niya sa akin nitong mga nagdaang araw.

Hindi siya sumuko sa akin. Hindi niya ako sinukuan.

Marahang tango ang isinagot ko kay Tay Vinci bago may lumabas na hikbi sa bibig ko.

Ito din ang gusto ni Nanay bago kami magkahiwalay, gusto niyang iligtas ko si August. Gusto niyang gawin ko 'to. Hindi ko din siya bibiguin.

"Kaya niyo po bang mag-isa?" nag-aalalang tanong ni August kay Tay Vinci.

Kailangan na naming siyang iwang mag-isa sa Sta. Rita.

Marahan siyang tumango at ngumiti sa amin kahit kita ang lungkot sa mukha niya.

"Magiging ayos lang ako...basta ligtas kayong dalawa. Pupuntahan ko kayo minsan doon pag sobrang lungkot dito," sabi niya sa amin.

Niyakap niya si August. Ramdam kong nalulungkot din si August. Si Tay Vinci ang tumayong Tatay niya sa nagdaang taon.

Pagkatapos kay August ay naramdaman ko ang tingin niya sa akin, para bang kahit gusto niyang yumakap sa akin ay takot siyang magalit ako sa kanya.

Ako na mismo ang lumapit sa kanya. Walang imik kong tinanggap ang yakap niya sa akin.

"Mag-iingat kayong dalawa," sabi niya sa amin.

Umalis kami ni August sa lugar na 'yon para magsimula.

Kailangan kong magsimula na wala si Nanay, kailangan kong kayanin na kasama si August, kagaya ng sabi ni Nanay. Na kung nasaan ang asawa ko...doon ako.

"Ipinapangako ko sa 'yo na hinding hindi ka mag-iisa, Vesper. Tutuparin ko lahat ng pangako ko kay Nanay," sabi ni August sa akin pagdating namin sa bagong lugar.

Tipid akong ngumiti sa kanya, humilig siya para humalik sa aking noo. Panghahawakan ko ang mga salitang 'yon. Na hindi ako kailanman mag-iisa dahil nandyan siya.

Ginawa ko ang lahat para abalahin ang sarili ko, naghanap kaagad kami ni August ng trabaho. Swerteng nakahanap kami ng trabaho sa may palengke, sa prutasan ni Nay Vilma.

"Kailangan naming ng magbabantay sa bagong pwesto sa palengke...kargador din, pwedeng pwede 'tong asawa mo," sabi niya sa akin.

Nilingon ko si August, tango ang isinagot niya sa akin na para bang ayos na sa kanya ang trabaho na 'yon.

"Mas gusto ko dahil magkasama tayo," sabi niya sa akin.

Kayang kaya niyang humanap ng ibang trabaho, pero mas pinili niya 'yon para magkasama kami.

Pareho kaming nangapa sa mga unang araw, pero nang maglaon ay nakasabay na din kami.

"Ang gwapo gwapo talaga ng asawa mo, Vesper..." sabi ni Ruth.

Isa sa mga naging kaibigan ko. Nakilala ko sila ni Jade dahil magkakatabi lang ang pwesto naming sa palengke. Mga gulay naman ang tinitinda ni Ruth samantalang kagaya ng sa akin ay mga prutas din ang kay Jade.

Mas lalo kaming naging close na tatlo dahil kasama ni August sa pagkakargador ang asawa ni Ruth, at boyfriend ni Jade.

"Ipagkasundo na natin ang mga anak natin ha," sabi pa niya sa akin kaya naman nginitian ko na lang siya.

"Kamusta ba si August sa kama? Ano wala pa kayong balak mag-anak?" tanong ni Jade.

Tiningnan ko silang dalawa, hindi pa ako ganoon ka bukas sa ganoong usapin. Halos ilang buwan na din ng bumukod kami kay Tay Vinci at nagsimula ng buhay sa ibang lugar.

Sa mga nagdaang buwan na 'yon ay hindi pa din naming ginagawa ni August ang bagay na 'yon. Kontento na siya sa mga halikan sa tuwing magkatabi kami sa kama.

Hindi naman daw siya mamimilit kung hindi ko pa talaga kaya.

"Siguradong magaling! Si Bruce ko nga!" sabi ni Ruth bago kinain nanaman ng pantasya niya sa asawa.

"Ayan nanaman tayo! Halata namang inosente pa 'tong si Vesper. Wag mong itulad sa inyo ng asawa mong mga action star sa gabi," natatawang sabi ni Jade dito kaya natawa na lang din ako.

Natigil lang kami sa pag-uusap ng makita naming ang paghinto ng delivery truck nina August.

Sabay silang lumabas na tatlo doon at naglakad palapit sa pwesto naming. Naging aligaga kaagad sina Ruth at Jade para ihanda ang pagkain ng mga asawa nila.

Nanatili ang tingin ko sa paglapit ni August sa akin. Nakangiti siya kaagad habang nagpupunas ng pawis.

Inalabas ko na din ang lunch box na ginawa ko para sa amin. Sa umaga bago kami umalis ay nagluluto na ako para sa pagkain namin. Humilig siya para humalik sa labi ko bago siya tuluyang umupo at tumabi sa akin.

Tawang tawa nanaman kami dahil sa mga reklamo ni Ruth at pakikipag-asaran ng asawa niyang si Bruce sa kanya.

Nagkaroon kami ng mga kaibigan ni August kaya naman naging madali sa amin ang mag-adjust.

"Ang dami nanamang nagkagusto kay August doon sa pinagbabaan namin ng prutas," sabi ni Lino.

Napanguso ako habang kumakain, hindi naman nab ago. Kahit naman kasi dito sa pwesto ay marami talagang nakakapansin sa kanya.

"Baka mag-isip ng kung ano," suway ni August sa kaibigan.

"Hindi naman kailangan mag-alala ni Vesper. Sa ganda niyang 'yan? Hindi yan ipagpapalit ni August kahit kanino..." sabi pa ng kaibigan kong si Rose.

"Speaking..." si Jade at kaagad kaming pinanlakihan ng mata.

Nakita ko ang pagdating ni Susan. Umpisa pa lang ay nagpakita na ito ng interest sa aking asawa. Hindi naman ata niya ikinahiya 'yon.

"Andito nanaman tayo sa another episode ng Ang Suso ni Susan," sabi ni Ruth kaya naman kaagad na nagtawanan ang apat.

Tahimik na kumakain si August sa aking tabi, ni hindi binigyan ng pansin ang pagdating ni Suso...este ni Susan.

Mga isda at suso kasi ang tinda ni Susan dito sa palengke kaya 'yon na ang ibinansag sa kanya ng mga kaibigan ko. Bukod kasi doon ay medyo revealing siya magsuot, kaya naman maraming mag-asawa dito sa palengke ang nag-aaway sa tuwing nakikita ng mga misis nil ana nakikipag-usap ang mga asawa nila dito.

"Ang laki at ang haba ng saging niyo ngayon..." sabi niya, pero kay August siya nakatingin.

Nagsipag-ubo ang mga kaibigan ko kaya naman pinanlakihan ko sila ng mata.

"Malaki talaga...bagong dating lang 'yan," sabi ko sa kanya.

Ngumisi siya sa akin. Ni hindi ko nga siya matingnan ng maayos, kahit ako ay nalulula sa laki ng hinarapa niya.

"Hi, August!" tawag niya dito ng mukhang hindi siya natuwa dahil hindi siya pinigyan ng pansin ng asawa ko.

Hindi siya pinansin ni August kaya naman mas lalong natawa ang mga kaibigan namin. Nagmamaktol na umalis si Susan palayo sa amin.

Nilingon ko si August, nagtaas siya ng kilay sa akin ng tiningnan niya ako pabalik.

"Wag na magselos," sabi niya sa akin.

"Hindi naman kaya..." sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Humilig siya sa akin para bumulong.

"Maaga tayong umuwi ngayon," sabi niya kaya naman kumunot ang noo ko.

Ngumisi siya at nagtaas ng kilay kaya naman naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko.

Ilang buwan na din kaming kasal ni August. I guess it's time.

"Uhm...subukan na natin," mahinang sabi ko sa kanya. Sakto lang ang lakas para sa aming dalawa.

Siya naman ang kumunot ang noo ngayon.

"Ang alin?" tanong niya.

"Yung ano...yung ganon," magulong sabi ko.

Nakita ko kung paano nagtaas baba ang adams apple niya, nag-iwas siya ng tingin sa akin. Mas lalong napabilis ang subo niya ng pagkain.

"Maaga tayong uuwi ngayon," pinal na sabi niya kaya kinabahan ako. Kaya mo 'yan Vesper.



(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro