NB 15
Simula mapagtanto ni Laura na mali ang kaniyang iniisip ukol sa ginagalawan niyang mundo. Sinubukan niya mag palabas ng apoy sa kamay ngunit bigo siya. Pero nong hindi niya sinadya mahulog ang baso kusa na lang ito lumutang.
Mas lalo lumakas ang kaniyang hinala na pinaglalaruan lang siya ng demonyo. Hindi niya alam kung ang mga kasama niya sa loob ng panaginip, kung kagaya rin ba na biktima.
Lumipas ang maraming araw nanatili tikom ang kaniyang bibig ukol sa kaniyang nalaman na katotohanan. Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat, ang Royal Battle na gaganapin sa buong paaralan. Sa kahit saang sulok ka man mapunta halos may mga dekorasyon nakakatakot at musika na mas lalong bumagay sa tema ng Royal Battle.
Si Laura ay kasalukuyang nakaharap sa Salamin. Seryoso nakatingin sa kaniyang sarili. Nakasuot siya ng korona, mahabang dress na mala sirena ang hangganan nito sa ibaba, sandal na sakto lang ang taas nito. Kulay itim ang kaniyang kasuotan mula ibaba hanggan itaas.
Maingat na hinawakan ang pisngi niya. “Ang mukha ito gagamitin ko para makalaya sa kadiliman ito.”
Napagtanto ni Laura na wala siyang matibay na alaala sa kaniyang buhay. Halos lahat ay pawang ka sinungaling lamang ang hawak niyang alaala.
Huminga siya ng malalim bago mag pasya umalis sa harap ng salamin. Dinamput niya ang pumpkin na sa sahig. Linapag sa mesa saka kumuha ng kutsilyo. “Oops hindi ko na pala kailangan, tapos na pala ito.” Binitawan niya ang kutsilyo na bumagsak sa sahig.
Dinamput niya muli ang pumpkin na may maingat na pag hawak. “Nakahanda na ako!” sabay naman kusa nagkaroon ng apoy ang kandila nasa loob ng pumpkin.
...
Kandila ang nagsilbing ilaw sa kahit saang sulok ng paaralan. Sa kabilang banda, nakapila naglalakad ang mga estudyante na may hawak na pumpkin. Ang lahat ay may isang direksyon, ito ay patungo sa hardin. Nakapasok ang lahat sa hardin na may pagkamangha sa kanilang mga mata.
Kaniya kaniya umupo ang bawat estudyante sa mga bakanteng upuan. Na makaupo ang lahat. Nagsimula naman ang mag patugtog ng musika. Nag silitawan ang malaking Hologram sa itaas ng Stage.
Nakasulat doon kung ano ang gagawin nila para makapasok sa kahit anong posisyon sa paaralan. Sa madilim na bahagi ng hardin kung saan kaunti lang ang mga tao nandoon. Nakaupo ang babae habang uminom ng alak. Nakatitig sa Hologram.
'Sa tingin ko, sinusubukan nila akitin ang lahat na lumahok sa paligsahan pero pasensya na sila hindi ako interesado. ʼ isip ng babae.
Sa nakasulat sa Hologram hinahayaan lang sila kung mag simula agad o hindi sa paligsahan. Gumawa lang naman ng nakakatakot at nakaka akit na gawain ng bawat estudyante.
Binasag ang ka tahimik an ng babae na may umupo sa kabilang upuan na ka harap sa kaniya. Inangat niya ang tingin dito.
“Hannah?”
'Siya yun babae sa panaginip ko na baliw.” isip nito.
“Ako nga, Luara. Ayaw mo ba sumali sa kanila?” sabay turo nito sa mga estudyante nag ka gulo sa pag gawa ng pakulo para manalo lang.
“Hindi na kailangan. Wala naman ako mapapala dyan.”
Nanlaki ng mga mata ni Hannah. “Bakit?” mahinang sambit nito.
“Bakit may alam ka ba? O ideya para saan yan ginagawa nila? Bigyan mo ako ng dahilan para sumali dyan,” taas baba ng kilay na sagot ni Laura.
Nag seryoso ang mukha ni Hannah. “Kung ganoon alam mo na pala kung nasaan tayo. Sabagay nga naman, sino ba hindi ma Kapansin sa mga walang kabuluhan pangyayari sa mundong ito. Pero alam mo ba, kung paano makalaya?”
Na bigla si Laura sa kaniyang nalaman. Muli siya nag salita na may mababa na tuno. Tinawanan lang siya ni Hannah na marinig ang kaniyang sagot.
Natigilan ang pag palitan ng salita ng dalawa na huminto ang musika. Napantingin sila sa stage, kasalukuyang nakatayo ang principal hawak ang may microphone na may ngiti sa labi.
“Huwag kang makinig sa kaniya. Takpan mo mabuti ang iyong mga tenga gaya ng ginawa ng kaibigan mo si Lucio at Annabell. Tingnan mo sila,” biglang salita ni Hannah.
Tumingin siya sa direksyon ng dalawa, kasalukuyang nakayuko at tinakpan ang tenga habang pailing iling nakapikit.
“Gawin mo, Laura!” galit na sigaw ni Hannah saka hinampas ang mesa.
Kahit nalilito sumunod si Laura. Hindi niya inaasahan ang nangyayari na makita ang mga estudyante pumanik sa stage na may ngiti sa labi kabilang na doon si Christ, Gray, Inaza at guro nila na babae.
Ipinatong sa kanila ang mga korona kasabay lumitaw sa ibabaw nito ang kulay itim na usok. Halos hindi makagalaw si Laura na unting-unti nagbabago ang paligid. Sa kisapmata bumungad sa kaniya ang patay na mga halaman at sira-sira kabuohan ng paaralan.
Napatingin muli siya kay Hannah pero nakaramdam siya ng mabigat sa kaniyang dibdib na masilayan ang tunay na kalagayan.
“Isa rin ako bihag ng demonyo, Laura. Maraming beses na ako nagbabala sa section niyo. Ngunit hindi nakinig sa akin ang iba. Ang Guidance Counselor, si Doctor Vanessa at si Sir Baron sila mga dati biktima na iwan matatag na hindi sumuko magpapa alipin at maniwala sa kanilang nakikita. Maraming beses na sila pinaglalaruan ang kanilang alaala.”
Unti-unting naglaho ang katawan agnas ni Hannah sa harap ni Laura. “Ang kalayaan ay kamatayan, tandaan mo yan!“ Hindi maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Hannah.
Nanumbalik ang lahat ng alaala simula na punta siya sa mundo ng bangungot pero ang parte ng alaala niya sa tunay na mundo ay nanatili blanko.
Nalilito palinga-linga sa palibot si Laura. Hindi niya alam ang eksaktong nangyari sa kaniya. Nanatili siya nakaupo kahit kadiliman at usok ang bumalot sa buong palibot.
Nawalang na siya ng lakas para mag salita. Na tanaw niya ang kaklase niya ngunit ganoon din ang sitwasyon walang magawa kung hindi ang manatili sa kinalalagyan nito.
'Ano ang dapat kong gawin? Hindi ko na kaya ang takot nararamdaman ko, para ako pinatay ng paulit-ulit, ʼ isip niya.
Ang mga tao nakasuot ng mga kurona ay naging ganap na kaluluwang ligaw. Hindi inaasahan ang kinalabasan ng paligsahan ito. Akala niya hindi ganoon kalala ang sitwasyon pero ang makita ang mga tao biktima na naghihirap ay hindi niya kaya matiis marinig at makita. Lumitaw ang mga kaluluwa sumunod ang apoy na lumulutang.
“Ano ito?”
Lumitaw sa kaniyang harapan ang pamilya ni Laura, subalit kahit anong pagpupumilit ng mga ito sa kaniya na umalis sa kinalalagyan pero nanatili siya hindi kumilos.
“Hindi ako naniniwala kamatayan ang susi para makalaya sa mundong ito...!”
Naglaho ang pamilya itinuturing ni Laura. Hindi inaasahan nakatayo sa kaniya ang nilalang na umalipin sa kaniya. Hindi makapag isip ng maayos si Laura nakaharap na niya ang naging dahilan ng paghihirap niya.
“Sumama ka sa akin, halika naghihintay sila,” masayang pahayag ng nilalang. Itinuturo ng nilalang ang kaniyang mga kilala at kapamilya na kasalukuyang nakangiti.
Gusto man niya tanggapin ang palad ng nilalang subalit pinipigilan niya ang kaniyang sarili na magpadala sa nakikita.
“Hindi ito ang mundo ko at lalong hindi ka totoo. Tigilan mo na ako, hindi ako naniniwala na totoo ka,” mahinang sagot nito.
Hindi kumilos ang nilalang sa halip nanatili lang ito naghihintay na tanggapin ang kamay. Mas lalo niya inakit si Laura sa iba't ibang paraan ngunit sa bandang huli, na bigo ang nilalang.
Iniisip ni Laura ang kaniyang sarili, napagtanto mismo ng sarili lang ang makaligtas sa kapahamakan ito. Sumpa man ituring ng naka salamukha niya ang pananatili sa mundong ito na hawak ang mga kakayahan na hindi pangkaraniwan.
Pinili niya maniwala na sana magising na siya sa katotohanan. Katotohanan na puno ng buhay at pag-asa. Walang nagawa ang nilalang na dahan-dahan binalot ng liwanag ang katawan ni Laura. Napapikit siya ng mariin na mag simula makarinig ng boses ng lalaki. Pakiramdam niya may humalik sa kaniyang labi.
Natigilan siya na manumbalik ang kaniyang tunay na alaala. Malinaw niya nakikita ang imahe na sa isipan niya, isang babae na ka mukha niya ang napahamak dahil sa kaniyang kagandahan. Kagandahan na akit ang demonyo matagal ng naghahanap ng babae aalipinin sa pang habang buhay.
Na alaala niya, kung sino man ang may balak na manligaw ay makatulog ito na sumisigaw dahil nakikita nila ang bangungot na hindi nila gusto mangyari muli.
Dahil dito may isang babae na labis ang pag ka inggit at galit kay Laura. Isang gabi habang masaya ang kwentuhan ni Laura sa babaeng ay palihim na ito nakipag sabwatan sa ibang babae.
Nag paalam na si Laura napagtanto niya lasing na siya. Maingat ang bawat hakbang sa pagbaba sa hagdanan subalit may tumulak sa kaniya na naging dahilan na pag ka hulog at pagulong gulong pa ibaba sa hagdanan.
Pagkarating ni Laura sa ibaba, sakto naman tumama ng malakas ang kanyang ulo sa pader naging dahilan na mawalang ito ng malay. Ito ang huling alaala niya bago makatulog ng mahabang panahon.
“Hindi…!” huling sigaw ni Laura bago tuluyan balutin ng liwanag. Sa paghupa ng liwanag ay linamon naman siya ng kadiliman.
Sa loob ng lumang silid may isang kama, may nakahiga na magandang babae na kasalukuyang natutulog. Sa tabi naman ng kama may upuan na may nakaupo na matandang babae.
Ang matandang babae nakasuot ng pang doctors, halata sa mukha nito ang labis na kalungkutan lalo na ang mga mata na hindi marunong mag sinungaling sa tunay nararamdaman.
Lumipas ang mga oras hindi namalayan ng matanda na malaya dumaloy ang luha pinipigilan pa niya kanina. Hindi kayang kontrolin ng matanda ang matagal na sugat na tumatak sa kaniyang nakaraan lalo sa babae natutulog.
Mahigpit na hinawakan ng matanda ang rosaryo kahit nanginginig ang kamay nito. Ipinag dasal sa may likha na sana magising na ang babae matagal na niya hinintay na magising.
“Apo?” Nanlaki ang mga mata na masilayan na dahan-dahan gumalaw ang mga daliri sa kamay ng babae.
“A-apo,” nanginginig na sambit ng matanda na makita dahan-dahan nag mulat ng mata ang babae.
“Nasaan a-ako?” mahinang sambit ng babae.
Tumayo ang matanda, lumapit sa babae saka hinawakan ang mukha ng babae. “Nandito ka sa bahay ko apo. Huwag ka mag alala wala ng makapanakit sa iyo, pangako.”
Nalilito man ang babae. “Sino ka po?” takang sambit nito.
Hindi na gulat ang matanda sa tanong nito. Inaasahan niya mangyayari ito. “Ako ang Lola mo, Laura.”
...
Lumipas ang mga araw at buwan tuluyan gumaling si Laura ngunit ang ikina lungkot ng matanda, hindi pa nanumbalik ang alaala nito. Pero wala ng dahilan para ipaalaala pa niya ang masamang nakaraan, hindi man alam ng matanda kung sino ang naging dahilan ng pagtulog ng kaniyang apo ng mahabang panahon. Pero wala na siya pakialam doon. Hahayaan na lang niya ang tadhana ang mag pasya para sa kaniyang apo tungkol sa may sala.
Naging masaya ang buhay ni Laura sa piling ng kaniyang Lola. Kung minsan dinadalaw siya ng bangungot pero mas matindi at malawak ang kaniyang paniniwala sa diyos para labanan ang takot.
Wakas.
Author Note:Maraming salamat sa pagbabasa sa kwentong ito at umabot ka sa huling pahina.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro