NB 13
“Asan ako?”
Dumilim ang palibot at tanging kandila ang nagbibigay liwanag sa kadiliman kinalalagyan niya.
“Akin ka lang Laura. Nasa panaginip o mapa realidad nandyan lang ako palagi nakatingin sa iyo. Madali ka lang na hulog sa akin patibong.”
“Ano?”
Nilibot ang tingin sa palibot pero wala siya naramdaman kahit tunog o presensya ng nilalang.
Sinubukan niya mag isip na maari makatulong sa kaniya pero wala nangyari sa unang pagkakataon.
“Isa lang ito panaginip na maari ko kontrolin pero bakit ayaw gumana?”
Natigilan si Laura na marinig ang mga yapak patungo sa hagdanan mula sa itaas kahit hindi niya nakikita ito, nararamdaman niya.
“Ano ba ang kailangan mo sa akin?!”
“Ikaw ang kailangan ko. Gusto ko manatili ka sa puder ko.”
Hindi makasagot si Laura. Dahan-dahan nagliwanag ang paligid, labis ang kaniyang pagkabigla na makita sa kaniyang harapan ang isang nilalang na nakatayo habang nakalahad ang kamay nito.
May anyong tao subalit ang wangis nito ay maihahalintulad sa lion at mabuhok ang katawan na ka kulay ng lion. Nakasuot ng pang prince na kasuotan at may korona sa nakapatong sa ulo.
Nanginginig ang kamay na tinanggap ni Laura. Napatitig siya nito, matutulis ang kuko at malaki ang palad na sapat pisilin ang kaniyang kamay ng nilalang kung gustuhin.
“Ang lahat ng narating mo ngayon dahil sa akin. Hindi ka kasali na imbitahan na pumasok sa paaralan subalit gusto kitang makuha.”
Napanganga si Laura na marinig ang sinabi nito. Hindi siya makakilos, hindi niya alam ang gagawin na ngayon alam na niya ang katotohanan.
“Halika sumayaw tayo.” Hinala si Laura ng nilalang. Nang tuluyan siya nakatayo, napayakap siya sa halimaw ng saglit sa takot na matumba.
Nagsimula may nagkantahan na mga nilalang mula sa kadiliman kasabay naman may nag piano. Nagparaya na lang si Laura na mag simula sumayaw ang halimaw at sinabayan na lang ito sa takot na mapahamak.
Maraming oras ang lumipas hindi pa rin tapos ang sayawan sa pagitan ni Laura at ang halimaw. Nakahinga ng maluwag si Laura na tumahimik bigla ang palibot kasabay huminto rin ang halimaw.
“Pagsilbihan mo ako kung ayaw mo magising. Kahit makatakas ka pa sa panaginip magkikita pa rin tayo sa realidad.”
Binitawan ng halimaw si Laura saka nagmamadali nagtungo ng upuan at Umupo ito habang naghihintay ng pagkain.
“Pumunta ka ng kusina, kasama ang mag ito.” Turo niya sa mga bagay na kusa kumikilos.
Tumango si Laura na naiiyak pero kahit ganoon pa man nag balak pa rin siya natatakas. Nakasunod si Laura sa walis, at mesa na pabilog na naglalakad patungo sa kusina. Sa bawat hakbang sobrang bigat ang nararamdaman niya.
Samantala sa loob ng Clinic nataranta si Doctor Vanessa na biglang nag ingay si Laura.
“Nahihirapan huminga siya,” sambit ng bagong dating.
Napalingon si Doctor Vanessa sa nag salita. “Ikaw na ba ang pinadala Sir Baron? Para tulungan ako sa estudyanteng ito,” Kinakabahan sagot.
Hindi sumagot ang matanda sa halip lumapit ito kay Laura na kasalukuyang tulog. “Ako nga.” Hinawakan ng matanda ang pulso ni Laura.
“Bihag siya ng demonyo!”
Tumilapon si Doctor Vanessa sa hindi malamang dahilan, tumama ito sa pader bago bumagsak sa sahig.
Hindi makagalaw si Doctor Vanessa kahit binuhos na niya ang lahat ng lakas subalit na uwi lang ito sa wala.
“Mahirap ito, sinasabi ko na sa inyo dati, itigil niyo na ang kahibangan ginagawa niyo,” malungkot na sambit ng matanda.
“Ang lahat ng estudyante nakapasok na binigyan niyo ng imbitasyon ay pinapahamak niyo lang. Ang lahat ng ito ay kalokohan, na hulog kayo sa patibong ng demonyo.”
Nalilito nakatingin si Doctor Vanessa sa matanda. Hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi nito na naging sanhi ng pagsakit ng kaniyang ulo dahil sa pag pumilit na halungkatin sa kaniyang alaala.
“Mabuti na lang hindi ako na sama sa inyo kung hindi lahat tayo ay alipin ng demonyo. Alipin na taga hatid ng biktima.”
Dahan-dahan lumutang ang katawan ni Laura subalit pinigilan ito ng matanda sa pamamagitan sa pag hawak sa leeg.
Na bigla si Doctor Vanessa sa ginawa ng matanda. Gusto man niya pigilan ang matanda subalit wala siyang magagawa kung hindi titigan na lang ang nangyari sa kaniyang harapan.
...
Sa kabilang banda nag ka gulo ang lahat ng guro na makita sa screen ang demonyo nakatingin sa cctv. Parang pamilyar sa kanila ito, ang hugis at laki ng nilalang ay minsan na nila ito nakita subalit hindi nila na alaala kung saan nga ba.
Hindi napansin ni Baron ang mga kasama niya sa loob ng office ay sandali na mula ang mga mata. May usok na pumapalibot sa ibabaw ng ulo. Kapansin pansin ang pag bago ng ibang guro sa pag anyong usok hanggang sa naglaho na hindi namalayan ni Baron.
Nanliit na lang ang tingin ni Baron na pumasok ang Guidance Counselor na may masama ekspresyon sa principal.
Dumaan ito sa kaniyang likod at narinig ang katagan “Malapit ko na masisira ang illusion,” galit na bulong nito sa sarili.
...
Sa panaginip ni Laura kasalukuyan siyang naghahanda ng pagkain kasama ang mga bagay na may buhay bilang katulong niya sa gawain binigay sa kaniya ng demonyo.
Ang lahat ng bagay na may buhay, pakiramdam niya naawa ito sa kaniya kahit hindi pinapakita sa kilos ng mga ito.
Nag lakas loob mag tanong si Laura kahit walang kasiguraduhan kung may makuha siya na kasagutan. Hindi naman siya na bigo na may sumagot ngunit hindi niya ito makita.
Wala naman pakialam ang ibang bagay na may buhay sapagkat nakatuon ang kanilang atensyon sa paghahanda. Bilang alipin ng demonyo patay na ang kanilang kamalayan sa kadahilanan patay na sila sa tunay na mundo at ang kanilang kaluluwa ay nanatili sa mundo ng demonyo na wala silang laban nito.
“Nandito ako!”
Napalingon si Laura sa isang walis na malaya kumikilos. “Ikaw?” gulat na sambit ni Laura.
Akmang babalik na sana ulit si Laura sa kaniyang ginawa ngunit natigilan siya.
“Ako nga. Gusto mo na maging malaya?”
Nanlalaki ang mga mata sa kaniyang narinig. Dahan-dahan lumingon siya bago tuluyan humarap sa walis.
“Ang lahat ng bagay nakikita mo. Kami ay namatay nakulong sa panaginip. Pag nag sawa ang demonyo ginawa niya kami kasangkapan upang hindi maka alis sa mundong ito.”
“Kaya ikaw habang may pag-asa, hanapin mo ang pintuan palabas ng palasyo upang makamit ang kalayaan.”
Akmang magsalita pa sana si Laura pero hindi niya na tuloy na marinig ang tunog ng bell na ang ibig sabihin tapos na ang oras.
Nakahanda ang lahat ng pagkain sa mesa kulang na lang bumaba ang demonyo para kumain. Maraming minuto na ang lumipas na naghihintay si Laura ngunit hindi pa rin dumadating ang demonyo. Ilang araw na siyang ganito palagi, hindi niya alam kung gaano na siya ka tagal sa mundo ng panaginip.
Hindi na siya napalagay sa kaniyang sitwasyon. Nag alala sa kaniyang katawan kung ano na ang nangyari. Pinag dasal ni Laura na sana walang mangyari masama.
Natigilan siya sa pag iisip na bumaba ang demonyo na may ngiti sa labi. Umupo ito na parang may hindi maganda gawin. Kahit alam niya sa sarili na sinadya iyung ng demonyo para mas matakot siya na gumawa laban sa demonyo.
Lumapit si Laura, huminto sa gilid ng demonyo na kasalukuyang kumakain. Nanatiling nakatayo si Laura naghihintay sa utos ng demonyo. Minsan na pasulyap si Laura katawan ng demonyo, hinahanap niya ang susi ngunit wala siya makita sa katawan nito. Labis ang kaniyang pagtataka, nalilito kung ang pinto tinutukoy ng walis ay nangangailangan ng susi o hindi. Hindi pa niya ito na hanap sapagkat malaki ang palasyo, bawat oras nagbabago ang lahat.
Matapos kumain ng demonyo muli na naman sila sumayaw na labis hindi maintindihan ni Laura kung bakit kusa lumalabas sa kaniyang mga mata ang luha. Napansin niya habang tumatagal hindi na niya kaya kontrolin ang kaniyang sarili na isang senyales na nanghihina ang spiritual niya.
Ngunit natigilan ang demonyo na biglaan sumakit mga mata nito. Hindi maintindihan kung ano ang naging dahilan pero nag hinala siya kay Laura na may ginawa ito. Sa galit ng demonyo na pisil ang kamay ni Laura na naging dahilan na pag hiyaw niya sa sakit.
Kaagad naman binitawan ng demonyo na mag sawa ito. Iniwan si Laura nahihirapan huminga nakaupo sa sahig. Naglaho sa dilim ang demonyo na parang usok. Nagmamadali siya tumayo upang mag simula maghanap ng pintuan palabas ng palasyo.
Parang baliw ang bawat kilos ni Laura kakahanap ng pinto. Takbo dito at takbo doon kahit nakaramdam man ng pagod ay balewala lang ito sa kaniya.
“Isang pintuan na lang ang hindi ko napuntahan. Nakasisiguro ko nandoon ang hinahanap ko.”
...
Nasa harapan si Laura sa pinto. Sa pag tulak niya sa pinto kasabay nagmamadali lumapit ang demonyo sa kaniya subalit wala ito nagawa na isipin ni Laura na may harang kaya ligtas siya nakalabas.
Natulala si Laura nakatingin sa harapan wala siyang nakikita bukod sa tulay patungo sa kung saan. Hindi siya nag dalawang isip na tumapak dito. Hindi nagtagal nag liwanag ang buong niya katawan.
...
Samantala sa loob ng clinic nakalutang ang katawan ni Laura habang sinakal siya ng matanda habang nagdadasal.
Nag mulat mata si Laura na ikinabigla ng matanda. Malinaw niya nakikita nakalaya na ito sa demonyo ngunit ang aking taglay na sumpa ng dalaga ay hindi ganoon kadali para alisin ito sa katawan.
Bumitaw ang matanda kasabay naman bumagsak si Laura sa higaan na halos mabali ang kaniyang likod sa sobrang lakas nito.
“Tulungan mo ako!” ang tanging na sambit ni Laura.
“Tutulungan kita pero isang kondisyon. Hikayatin mo ang iba na gumawa ng mabuti sa kapwa at umalis sa paaralan ito. Alam ko nasa iyo ang dalawang libro na tiyak na makakatulong sa inyong sitwasyon na kinakaharap.”
“Salamat.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro