Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

NB 11




Na makapasok sa loob ng paaralan kumaripas ng takbo si Laura sa takot na baka bigla nagbago ang sitwasyon. "Aray ko!" Bumagsak si Laura sa sahig na may bunggo siya na matigas na bagay. Wala siya panahon tingnan kung sino ito. Nakatuon ang kaniyang atensyon sa kaniyang mga iniisip. "Paano ba ito?" napabuntong hininga siya na matapos makatayo.

"Sa susunod mag-ingat ka, eha."

Bago pa man siya tumingin sa nag salita. Nag lakad na ito pa layo. Nakatitig lang siya sa lalaking nakatalikod may bitbit na libro. Hindi niya maiwasan nakaramdam ng lungkot na maalaala ang kaniyang ama na mahilig rin ito humawak ng libro pero hindi naman binabasa. Wala ng panahon para pag tuonan ang kaniyang emosyon sa ganitong bagay.

Takbo ng takbo na parang may humabol sa kaniya. Pinagtawanan na siya ng ibang section na mga estudyante sa tuwing makasalubong sa kadahilanan para siyang baliw na nakawala sa mental hospital.

Sumigaw ng napakalakas lakas na muntik na tumama sa kaniyang mukha ang bola kung hindi tumagilid siya. Sinundan niya ng tingin kung saan tatama ang bola, tumama ito sa pader at bumagsak sa sahig.

"Sorry, Miss."

Tinapunan niya masamang tingin ang lalaki nasa harapan niya na na kasalukuyang nakayuko. "Sa susunod kung mag laro, doon ka sa malawak na ground. Hindi ka na bata para mag laro dito sa loob. Dagdag stress, maka alis na nga." Linagpasan niya ang lalaki na hindi tiningnan ito.

Napahinto siya saglit na marinig ang sinabi nito. "kabago bago ganyan na umasta, sana huwag mo gawin yan sa iba. Payong Kaibigan lang." Umiling siya bago magpatuloy sa pag lakad. Hindi pa man siya tuluyan nakalayo. Napalingon siya saglit subalit wala siya makita na kahit isang tao sa paligid.

"Sino 'yun?" muli siya nag lakad nakataas ang magkabilang kilay. "Habang tumatagal ako sa paaralan ito parang lumitaw na ng malinaw ang mga senyales na hindi maganda. Kaylangan ko mag-ingat sa lahat, ang tanging kakampi ko sa panahon ito kung hindi ang sarili ko," bulong nito sa hangin.

May mga bagay na malabo. Hindi na muli nagpakita sa panaginip ni Laura ang demonyo ngunit hindi siya nag kampante lalo tuso ang mga ito. Naglaho na nga na parang usok ang demonyo subalit napalitan ito ng takot na labis nag pag gising sa kaniyang sistema. Sa tuwing naaalala niya ang mga kaklase na may kakaibang sumpa. Para sa kaniya ito ang lubhang mapanganib lalo na kung hindi ma kontrol, maging banta ito sa kaniya.

Hindi pa man nakikita at nalaman kung anong sumpa ang iba, takot na siya sa mga ito. Hindi maalis sa isipan ni Laura ang mga sinabi ng Senior niya at Matandang nakilala niya kaninang umaga.

Huminto siya sa harap ng pintuan ng dorm na habol hininga. Pawisan ang buong katawan para na siyang naliligo kung tingnan maigi. Mabilis kumikilos ang mga mata nito na parang hinahanap. Binuksan ang pintuan at pumasok. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa silid niya.

...

Sa pag mulat ng mga mata kadiliman ang nakikita ni Laura. "Hindi...!" Nagmamadali tumakbo si Laura sa walang katapusang na kadiliman. Alam niya sa kaniyang sarili nasa loob siya ng panaginip. Panaginip na hindi niya alam kung kapahamakan ang naghihintay sa kaniyang pag mulat sa mundo ng panaginip.

Huminto si Laura kasabay nagbago ang palibot, ang dating kadiliman napalitan ng magandang tanawin. Hindi alam ni Laura kung matutuwa siya o hindi. Sa unang pagkakataon napanaginipan niya ang kaniyang isa sa mga pangarap ang matanaw ang mala paraisong hardin. Nakaramdam si Laura na may hindi tama. Nagtataka siya walang hayop kahit isa ang kaniyang nakita kahit insekto man lang.

Ang tanging hinahanap niya sa magandang Paraiso na tulad ng lugar na ito, ang likas na ingay ng kalikasan. Yumanig ang lupa na naging sanhi na hulog siya sa malaking butas na hindi niya napansin. Mabilis ang kaniyang pagkahulog sa walang katapusang butas. "Ito na ba ang katapusan ko? Pag hindi ako nagawa ng paraan hindi ako magigising nito...!" Paikot-ikot ang pagkahulog niya hanggang sa may lubid ang tumama sa kaniyang mukha. Nang ma hawakan niya ito, may bigla humila pa itaas. Nakatingala si Laura sa itaas kung saan ang liwanag na nagbibigay liwanag sa madilim na kapaligiran.

...

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Laura na ikina gising nito na habol hininga. Tulala siya sa kaniyang harapan na nakatingin. "Sino ka...?!" Walang nagawa si Laura na patulugin muli siya gamit ang spray na hawak ng kung sino man.

"Malapit mo na ako makita sa realidad. Pag nangyari iyung, magiging akin ka na," patawang sambit nito.

Nagtungo ang nagsalita sa bintana na bukas, matapos halikan sa labi si Laura. Sa huling pagkakataon tinitigan niya si Laura bago tumalon.

Isang araw na lumipas ang mangy kay Laura ngunit wala siya maalaala sa gabi iyong maliban sa natulog na lang siya pagdating sa kwarto niya.

Nandito muli siya sa library para basahin ang libro inangkin niya. Nasa sulok siya na tago na hindi kita ng mga ibang tao ang nasa loob sa library. Binuksan niya ang libro na may simbolo ng puso. Unang pahina bumungad sa kaniya ang nag-iisang nakasulat.

"Sacrifice."

Muli niya ni lipat ang pahina ngunit blanko at muli niya ni lipat ang pahina ng ilang beses ganoon pa rin. Na tigil siya sa isang pahina may nakasulat at may litrato na agaw atensyon sa kaniya.

"Ang mga sumpa ay mula sa demonyo o ipinatapon sa mundong ito para magpatuloy sa paggawa ng kasamaan. Upang maging malaya sa sumpa na kahit ano, kamatayan ang susi sa dilim."

Matapos mabasa ni Laura ang nakasulat, natulala na siya nakatingin sa litrato. May babae nakaluhod sa dalawang estapwa ng hayop na may sungay. Sa bibig ng dalawang estapwa ay umagos ang dugo roon patungo sa malaking Kawa at pa daloy sa mga na butasan na hugis bituin na nakapalibot sa babae.

"Hindi ako maaaring mag ka mali isa itong ritwal. Base sa nakikita ko sa litrato nakipag sundo ang babaeng ito sa demonyo para makuha ang nais nito. Ang tanong, ano ito?"

Natigilan siya na marinig ang mga yapak na patungo sa kaniya. Mabilis niya sinara ang libro nang may humawak sa kaniyang balikat.

"Ang seryoso mo yata ngayon ah? Baka naman pa share ng binasa mo."

Dahan-dahan lumingon si Laura. "Akala ko, kung sino. Ikaw lang pala Princess Nadia. Naisipan ko mag study at para lumawak pa ang aking kaalaman. Sorry hindi ito pinapahiram ang hawak ko." Binawi ng babae ang kamay saka napatawa sa naging akto ni Laura.

"Relax wala naman ako gagawin masama sa iyo maliban kung pinag kalat mo ang iyong nakita."

"Anong pinagsasabi mo dyan? Nakita sa ano, saan at kailan? Gutom ka lang yata Nadia," mababasa sa tuno ng boses na sagot niya.

Hindi makapag salita si Nadia. Akmang mag salita siya ngunit. "First time natin mo ako kausap Nadia. Kung ano man yan sinasabi mo, hindi ko alam. May sadya ka pa ba maliban dyan?" Taas kilay saka bumalik ang tingin sa libro.

"Okay."

Nag madali umalis si Nadia na may ngiti sa labi.

...

Sa loob ng silid na tahimik ang lahat ng dumating si Laura nakapikit ang mga mata. Nararamdaman ni Laura na maraming mga mata ang nakatingin sa kaniya pero wala siyang pakialam. Nag mulat mata siya na tawagin siya ng Adviser.

"Yes, Sir Baron?"

"Itong mga nakaraan araw madalas kana absent sa subject ko. May problema Laura?"

"Meron," mahinang sagot nito.

"May sinasabi ka ba Laura?"

"Wala sir. Nahuhuli ako palagi dahil hirap ako makatulog gabi-gabi."

Hindi na sumagot ang guro sa halip itinuro nito ang upuan ni Laura. Naintindihan naman ni Laura kaya sumunod na siya pag mag simula na ito sa pagtuturo.

Walang pinansin si Laura nang umupo siya. Habang seryoso nakinig bigla na lang dumilim ang kaniyang paningin. Nanlaki ang mga mata na makita ang nag-iisang nilalang nakikita niya sa kadiliman na balot ng apoy ang magkabilang kamay nito. Hindi maari siyang nag ka mali, ang nasa harapan niya ang demonyo adik sa kaniyang kagandahan at katawan.

Biglang sumigaw si Laura na mag laho ang nilalang at lumitaw sa kaniyang ng malapitan na naging dahilan na tumba ang inupuan niya. Nang bumagsak ang upuan kasabay naman bumalik sa realidad ang palibot.

"Laura ayos ka lang?" tanong ng kaniyang guro pero wala siyang marinig at dahan-dahan lumabo ang kaniyang paningin. Bago pa man siya mawalan ng malay na sambit pa niya ang katagang "Beast Demon" na isang uri ng demonyo na puno ng kasamaan pagdating sa katawan at kaisipan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro