Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

NB 10


Isa na naman panibagong araw ang kakaharapin ni Laura. Ginagawa niya ang pang araw-araw na gawain sa umaga tulad na mag luto kasama ang Dorm mate na si Annabell. Hindi sila ganoon ka close, minsan lang mag-usap kung may kailangan. 

Sabay ang dalawa lumabas ng silid. Halata puyat base sa mabagal na pag kilos nito lalo na si Laura. Umayos si Laura na makita sa malayo ang ilang estudyante na tinawag na Seniors nila. 

Na magkasalubong ang kanilang landas, napahinto sila na mapansin kakaiba tingin nito. 

“Sila na ang bago?” 

“Oo yata pero... Kaawa awa sasapitin nila sa hinaharap gaya natin.” 

“Tahimik.” 

Lumagpas ang mga senior na hindi sila mapalagay. Nagkatinginan silang dalawa sa isaʼt - isa. Tumango na lang at nag patuloy sa paglalakad. Nakarating sila sa isang silid na sobrang dilim sa loob. Nagtataka sila noong una pero hindi nag tagal na sanay ang kanilang paningin subalit kasabay naman ito sunod-sunod bumukas ang ilaw. 

Nandoon na lahat ang kanilang kaklase nakaupo sa sahig habang nakapikit ang mga mata. 

“Nandito na pala ang kulang. Pwes mag tungo na kayo sa bakante na puwede niyo upuan.” 

Napayuko na lang sila sa sinasabi na nito. Nagtungo ang dalawa sa mag ka ibang pwesto. Nasa kanan ng hulihan si Annabell samantala si Laura nasa kaliwa. 

“Hindi ko na Ipaliwanag ulit gaya ng kanina. Sa mga huling dumating, gagawin niyo lang gayahin sila i pikit ang mga mata at mag pokus sa iisang gusto niyo gawin. Huwag matakot kung ano man ang kahihinatnan sa halip maging kalmado upang maiwasan ang panganib.” 

Lumipas ang maraming minuto tumahimik ang paligid. Halos naririnig sa buong silid ang pag kilos at pag hinga nila maliban sa guro nanatili nakatingin sa kanila habang nakaupo sa mesa. 

Ang tanging nasa isip ng guro kung makikita niya ba ang mga sumpa ng lahat ng estudyante upang masukat kung gaano ka lakas at ka tagal na manatili sa kanilang katawan. 

Nagbago ang ekspresyon na sunod sunod nag silitawan ang mga aura. Naka depende sa kulay at lakas nito kung gaano ka panganib at ka tagal ito.  'Hindi ko akalain muli ako makakatagpu ng tulad nila. Mas mabuti alam ko, kung sino ang dapat iwasan. Last year na baliw ang guro na pinalitan ko. ʼ isip ng guro. 

... 

Naglalakad silang lahat para ipasa ang assignment na pinagawa sa kanila. Ang solving hindi naman ganoon ka hirap lalo nag tulungan sila para lahat makapasa sa subject na ito. Wala pa rin ang guro kaya minabuti nila ito ibinigay sa pinagkatiwalaan ng guro. 

Nag tungo na sila sa pe. Pagdating nila sa labas ng paaralan nakatayo ang isang lalaki habang abala ito nag lalaro ng buhangin sa kamay. Huminto na napansin sila. 

“Nandito na pala kayo. Ako si Merwin ang instructors niyo sa pe. Ito pa naman unang araw niyo sa pe. Tumakbo kayo hanggang sa pinakamalapit na shop na makikita niyo at bumalik dito.” 

Pilit na ngumiti silang lahat maliban kay Laura. Kahit ayaw nila ito sundin pero natigilan na akmang tatakbo na. 

“Excuse me, Sir. Isang beses lang ba namin gagawin yun?” taas Kila na tanong ni Annabell. 

Hindi na ito sumagot sa halip tumango lang ito. Tinitigan sila saglit bago umupo sa damuhan habang dinukot sa bulsa ang isang itim na hugis bilog. Na bigla sila na ibato sa eri kasabay ang pag sabog. 

Nagtataka ang ilang sa kanila kung bakit walang lumabas na mga estudyante. Pero sinimulan na nila tumakbo na sumigaw ang guro. 

Hindi sanay si Laura na tumakbo kaya siya ang pinaka huli sa kanilang lahat. “Kahit anong shop ang makita ko at doon na ako hihinto saka babalik,” reklamo nito. 

Bahagya na hinto si Laura na hindi niya makita ang mga kasama niya. Nilibot niya ang tingin subalit hindi niya makita kahit pigura lang sa malayo.  Nag patuloy na siya kahit hinihingal kakatakbo. Palihim tumingin siya sa palibot lalo na sa mga tao may pagtataka na ekspresyon na makita siya. 

Hindi nag tagal na kita niya ang Coffee Shop. Subalit wala naman ito katao-tao maliban sa isang pulubi nakatayo habang abala nakatingala sa kalangitan. 

Sa kaniyang pag hinto sa tapat kasabay umayos ng tayo ang matanda saka tinapunan siya ng masamang tingin bago ngumiti ito sa kaniya. Hindi siya nag dalawang isip na lapitan pero hindi pa naman siya tuluyan na ka lapit sa matanda. 

“Are you a student?” Pailing iling na saad nito. 

“Yes,” mahinang sagot ni Laura. 

“Royal University, right?” Patawang saad nito. 

“How did you know?” seryoso sagot ni Laura, “Why are you laughing, is there funny?!” sigaw niya. 

“No Royal University school in this country.  Be careful, many dangers are waiting for school. While you have more time, you leave school ...!” 

Napaatras siya sa sinabi nito. Napalingon saglit na may tumawag ngunit sa pag tingin niya muli sa harap wala na ang matanda. Kahit nagtataka bumalik na siya sa paaralan na puno ng katanungan ang gumugulo sa kaniyang isipan. 

Dumating siya sa paaralan na may pagtatakang tingin. Nakaupo ang lahat ng kaklase niya sa damuhan habang naghihintay na mag salita ang kanilang guro. Sa kaniyang pagdating kasabay naman tumayo ang guro. 

“Walang papel sa loob ng paaralan ang mahina,” galit na sambit nito habang nakatingin sa kaniya saglit na masama makatingin. Napansin niya ang kakaibang mata nito na parang nag bago saglit subalit hindi siya sigurado sa kaniyang nakita. 

Na tahimik na lang siya, tumabi sa kaniyang kaklase na nakayuko ang ulo. Nagpatuloy ang pagtuturo ng guro sa pag paliwanag sa kanila kung bakit ginagawa nila ang tumakbo. Ayon dito para tumibay ang ang kanilang binti sa pag takbo at masanay na hindi madali mapagod. 

Matapos maipaliwanag ang lahat at dito nag tapos ang kanilang klase. Nanatili nakaupo si Laura sa damuhan habang nakatitig sa paaralan na seryoso. Wala na Kapansin sa kaniya sapagkat abala ang lahat sa pag kwentuhan at nakalimutan nila si Laura. 

Tumayo ng tuwid si Laura saka itinuro ang paaralan saka nanliit ang tingin saglit. “Totoo ba?” gumugulo sa kaniyang isipan ang sinabi ng matanda. Napabuntong hininga siya na marinig ang pag tunog ng bell. 

Hindi mapalagay si Laura nakaupo sa hardin kaka isip tungkol sa sinabi ng matanda. “Paano ko malalaman kung totoo o hindi ang sinabi niya sa akin?” mahinang sambit. Ginulo niya ang buhok na sumakit ang ulo nito. 

Natigilan siya na marinig ang sigaw na mula sa likod ng malaking puno. Sa kaniyang pagtataka, maingat lumapit siya dito upang malaman. “Impossible?” mahinang sambit niya. 

Nakalutang ang babae si Princess Nadia sa hangin habang pinipigilan kumilos. Kitang-kita sa mga mata nito ang takot. Kapansin pansin ang maitim na ugat na lumitaw mula leeg hanggang mukha.  Papalapit na ito dumaloy sa mga mata pero.

“Princess Nadia?!” Nanginginig na saad niya. 

Bumagsak sa Damon si Princess Nadia nauna ang pang-upo. Nagmamadali naman ito tumayo kahit nanghihina at maingat inalis ang dumi sa damit. 

“Omygosh super dumi ko na ito. Thank you pero huwag mo na uulitin yun.” Tina asan lang si Laura ng kilay nito bago umalis. 

“Ano 'yun?” Napakamot na lang siya. 

“Siguro iyong ang sumpa niya pero bakit ganoon? Hindi ko lubos maisip nakapasok ako sa maling paaralan, ang ibig sabihin lang nito...” 

Umupo na lang siya sa damuhan habang inilibot ang tingin sa palibot. “Ano ba ang dapat ko gawin? Mag pasya na lang ako kung may mangyayari hindi maganda.” Hinawakan niya ang damo sabay pisil. 

“Kainis, hindi man lang ako nag-iisip.”

Lumipas ang isang oras na pamalagi ni Laura. Tumayo na rin siya sa wakas para sana umalis pero. “Laura?” Napalingon siya sa likod. Nakangiti sa kaniya ang lalaki may asul na mga mata. “Lucio?” takang sambit niya. 

“Anong ginagawa mo ba dito?” 

“Nagpahahangin, Lucio. Eh ikaw?” 

“Hinahanap ko si Diego, nakita mo ba? Alam mo naman hindi niya kaya kontrolin ang kaniyang sarili pag dating sa babae.” 

“Hindi ko siya nakita. Kanina pa ako nandito. May nangyari ba?” 

“Wala na—”

Nagkatinginan sila sa isaʼt isa na marinig ang hiyaw mula sa kagubatan. Ang hardin ang huling bahagi ng paaralan bago ang gubat. Kaunti lang pumunta na estudyante sa hardin lalo na ang ibang section sa hindi malaman dahilan. 

Hinawakan ang kamay ni Laura saka hila sabay takbo patungo roon. Walang magawa si Laura kung hindi ang mag pa hila, gusto rin niya malaman kung ano. 

Pagdating nila sobrang dilim, nagtataasan ang malaking puno na naging dahil na walang sinag ng araw ang nakapasok. Hindi nagtagal na hanap nila si Diego ngunit labis ang kanilang pag ka bigla na makita may kinakain ito habang abala nakayuko na parang may pinulot na kung ano man. Nang makalapit sila halos masukat si Laura na makita ang karne kinain ni Diego ay mula sa loob ng tiyan ng babae na walang buhay. 

Tumigil ito saglit upang tingnan sila bago mag patuloy. Hindi makagalaw si Laura halos nanginginig ang kaniyang buong katawan subalit nanumbalik siya sa normal na tapikin siya ni Lucio. 

“I yang ang sumpa tinataglay ni Diego. Nakaka awa pero ito ang katotohanan na kaylangan natin tanggapin. Hindi ko alam kung nakakabuti ito sa kaniya na pumasok sa paaralan ito. Ako naging dahilan kung bakit siya nakapasok.” 

“Bakit... Hindi mo siya pigilan sa kaniyang ginagawa ngayon?” 

Tinapunan siya ng blankong tingin. “Sa tingin mo maging ayos ang lahat pag ginawa ko 'yun. Hindi. Mas lalo siya maging mabangis na parang h*yop. Nakikita mo naman kung paano siya kumilos ngayon.” 

Na tahimik si Laura, napalunok ng apat na beses. Hindi niya alam kung ano isasagot nito. “Sa totoo lang hindi ako mapalagay sa paaralan ito. Alam mo 'yun pakiramdam na parang pinaglalaruan lang tayo na kung sino man?” nakahinga ng maluwag si Laura na may mapagsabihan ukol dito. 

Isang buwan na sila sa paaralan mag kasama ngunit minsan lang sila mag-usap lalo na ang ibang kaklase niya. Marami na siya napansin na hindi tama pero nanatiling tikom ang kaniyang bibig. 

“Malalaman natin yan sa mga susunod na buwan,” malamig na sagot nito. 

“Mauna na ako sa iyo, hindi ko kaya makita ang kalagayan ni Diego lalo na kumakain siya ng lamang loob ng tao. Paalam!” Tumalikod siya sabay taas ng kanang kamay at kaaway ng kamay. 

Nagsimula na mag-isip si Laura kung inferno ang kaniyang pinasukan. Umabot na siya sa punto na mag duda kay Riza. Hindi niya alam kung anong sumpa mayroon Si Riza. Lalo na napansin niya mula sa hindi kilalang pamilya kahit mula ito sa mayaman pamilya pero ang mga impormasyon mula sa loob ng pamilya pinagmulan ni Riza ay nanatiling lihim. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro