Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

NB 08




Isang araw na lumipas na mangyari ang aksidente. Hindi pa rin nagising si Laura na ikinabahala ng Doctor na nagbabantay. 

“Nasuri  ko na ang pasyente pero wala naman lumabas na may problema sa kaniyang katawan. Bakit hindi pa rin siya nagigising?” 

Napabaling ang tingin nito sa dalaga na kasalukuyang tulog. Napakunot noo ang Doctor na bumuka ang bibig ni Laura na paulit-ulit ginawa pero walang boses na lumalabas. 

“I think hindi na normal ang nangyari sa pasyente ko.” 

Bumukas ang pinto pumasok ang guro na lalaki. 

“Kumusta siya, Vanessa?” 

“I'm so sorry, hindi ko magawang ng paraan. Ilang beses ko na siya tiningnan at gumawa ng pagsusuri pero wala problema. Sa tingin ko natutulog lang siya.” 

“Ganoon pala. Ano sa tingin mo ang nangyayari sa kaniyang? Huwag ka bumatay sa agham, Vanessa.” 

“Sa tingin ko lang, base sa mga senyales nakikita ko. Kasalukuyang nasa loob ang dalagang ito sa kaniyang panaginip. Maraming beses ko na siya narinig na binubulong ang katagang “Pakawalan mo ako.” 

“Maraming salamat sa tulong, Doc Vanessa. Ako na bahala sa kaniya.” 

“Walang anuman, Sir Baron. Mauna na ako sa iyo.”

Sinundan ng tingin ng lalaki ang babae na lumabas ng silid hanggan sa hindi ito na kita. Napabaling ang kaniyang tingin na marinig ang bulong ni Laura. 

“Pakawalan mo ako.” 

Noong una mahina pa lang ang bawat sambit nito. Pero hindi nagtagal bigla ito sumigaw na naging sanhi ng paghawak sa dibdib ang lalaki saglit. 

“Kailangan ko siya magising sa lalo madaling panahon kung hindi ko magawa, baka matagal pa siya magising.” 

Lumapit ang lalaki kay Laura na kasalukuyang nakahiga sa kama. Tumigil ang lalaki, minabuti niya sinuri ang katawan ng babae base sa pag tingin nito.  Tumango lang ito. 

Ang sunod na ginawa nito ipinatong ang palad sa noo ng dalaga sabay bulong sa hangin ng mga salita hindi maintindihan. Napakunot noo ang lalaki ka makita ang reaksyon ng katawan ni Laura. Lumitaw ang itim na ugat sa leeg nito patungo sa mga mata nito. 

“Sinasabi ko na nga ba. Demon ang may gawa, incubus?” sabay panginginig ng buong katawan ni Laura. 

Samantala sa loob ng panaginip napadpad muli si Laura sa loob ng kastilyo. Sa bawat nangyari ito sa kaniya dito siya napadpad.  Inilibot ang tingin sa malawak na hardin. 

“Nandito ako ulit. Bakit ayaw ako tigilan ng Incubus na yun?!” 

Bumaba siya sa hagdanan habang nagmamadali tumakbo. Hindi niya magawang lumingon sa likod sa takot na masilayan ang madilim na awra ng nilalang. 

Napahinto siya saglit na marinig ang mga yabag na mula sa ibaba ng hagdanan. “Kung hindi ako nagkakamali patungo siya sa itaas. Kailangan ko bumalik sa itaas.” nagsimula siya tumakbo na may takot nabuo sa kaniyang puso. 

Nakarating siya sa huling palapag, bumungad ang mga bungo nagkalat. “Ano ito?” sa takot na makakita ng ibang nilalang. Minabuti niya maghanap ng mataguan. Nakita niya ang isang lumang kabinet. Napagpasyahan niya doon mag tago kahit walang kasiguraduhan ligtas. 

Lumipas ang maraming minuto dumating ang nilalang. Kaagad nito nilibot ang tingin, nag baka sakaling makakita ng tao. 

“Mukhang hindi pa nag balik ang babaeng yun. Siguraduhin ko, aking na siya. Hindi ko siya papakawalan,” patawang sambit nito. 

Tumigil ang mga mata nito sa lumang kabinet. Dahan-dahan lumapit na walang nagawa na tunog pero alam ni Laura papalapit sa kaniya ang nilalang. 

Sinipa ng nilalang ang kabinet na kaagad naman ito tumilapon kasama si Laura. Pagtama nito sa puder kasabay nasira at pagbagsak nito sahig na wasak na naging sanhi na makita si Laura ng Demonyo. 

“Huli ka!” 

Bumangon si Laura pero huli na ang lahat na mahawakan ang kaniyang binti ng nilalang. “Ang kainis nito.” dinilaan ng nilalang ang binti ni Laura na parang lollipop. 

Buong pwersa Sinipa ni Laura ang mukha ng nilalang. “Pakawalan mo ako!”  nabitawan ng demonyo nang bumagsak ito sa sahig. 

Nagpagulong gulong si Laura na akmang abutin siya nito. Huminto siya saka tumayo ng matuwid. “Pakawalan mo ako...!” galit na saad niya dito. 

“Hinding hindi mangyari yun. Akin ka lang, tandaan mo yan!” 

Kumaripas ito ng takbo pa lapit sa kaniya. Akmang hahawak na siya nito pero sa takdang oras kaagad tumalon si Laura sa gilid na naging dahilan na bumangga sa pader ang demonyo. 

May sinasabi ang demonyo na hindi marinig ni Laura. Na bigla na lang siya, may pumuluput sa magkabilang binti niya na mga banging na may tinik. 

“Diyos ko.” 

“Please pakawalan mo ako.” 

Humarap ang demonyo na may ngiti sa labi. Hindi man kita ni Laura ang mukha nito. Pero ramdam niya ang kasayahan nito. 

“Sa wakas matitikman muli kita. Hindi ko na mapigilan nag init ang aking katawan.” 

Bumagsak ang magkabilang tuhod ni Laura sa sahig.  “Kung panaginip ito, magagawa ko ang imposible. Masubukan ko nga imagine ang mga bagay bagay na gusto kong gawin,” bulong niya sa hangin. 

Napantingin siya sa itaas na mag liwanag ng nakakasilaw. Lumipas ang isang segundo narinig niya ang tinig ng kaniyang guro na tinatawag ang kaniyang pangalan. 

Binuka niya ang kaniyang bibig kasabay iniisip na bumuga siya ng apoy. Hindi pa man tuluyan na kalapit ang nilalang na papalapit sa kaniya, bigla na ito na pa atras na lumabas sa bibig ni Laura apoy. 

“Walang hiya ka.” 

Nag palit anyo ang nilalang patungo sa sobrang delikado subalit binalot si Laura ng liwanag ayon sa kaniyang kagustuhan na magising. Hindi nagtagal nagising siya na habol hininga. Napataas ang magkabilang kilay ng bumungad ang nag-alala ang tingin ng guro. Sa kaniyang pag ka bigla na itulak niya ito na naging dahilan na muntik na ito matumba. 

“Pasensya ka na Sir Baron. Hindi ko sinasadya, na gulat lang ako.” 

“Wala yun, Laura. Ang mabuti pa magpahinga ka muna bago makipag kwentuhan sa akin. O nga pala, gusto ko malaman kung anong nangyayari sa iyo.” 

Hindi sumagot si Laura sa halip tumango na lang ito.  Nagdalawang isip na ikwento ang nangyari sa kaniya nitong nagdaan araw pero nangingibabaw sa kaniyang kaisipan ng kasagutan. Lumipas ang maraming minuto, ramdam niya ayos na siya. 

“Sir Baron!”  tawag niya dito. 

“Ayon yun, Laura?” 

“Sir, pwede ba ako mag tanong?” 

“Oo naman. Basta masasagot ko yan walang problema.” 

“Sir ano ang dahilan ng mga demonyo na lumapit sa panaginip para lang makipagtalik sa isang tao?” 

Natigilan ang kaniya guro sa tanong niya. Dahan-dahan lumingon ito sa kaniya, nag bago ang ekspresyon nito.

“Naaakit sila gumawa ng kasalanan kasabay o kasama ang mga tao na innocent. Sa aking palagay lumalakas sila sa tuwing nagagawa nila ang kanilang balak. Hindi ko alam ang eksaktong dahilan. Pasensya ka na Laura hindi kita mabigyan linaw sa katanungan mo. Pero may kilala, sigurado ako ma tulungan ka niya tungkol diyan.” 

Nakahinga ng maluwag si Laura. Napangiti siya ng malapad pero biglaan na lang ito na walang malay. 

Matahimik ang silid sa loob ng clinic. Nakagawa ng mga tunog na mag simula bumangon ang babae na kakagising pa lamang mula sa bangungot. Inilibot ang tingin pero wala siya nakita maliban sa pusa nakaupo sa gilid ng bintana. 

Hindi niya namalayan na malapit na pala siya nito. Binuksan niya ang bintana na wala sa sarili. Hinanap niya ang pusa pero hindi na niya ito nakita na kaniyang pinag taka. 

Nagpaikot ikot ang kaniyang mga mata sa kaniyang nakita mula sa kabilang building.  Isa sa mga bintana naroon, may isang itim na pigura ang nakatayo habang kumakaway. Hindi niya alam kung sino ang ka koneksyon nito. 

“Ano?” tanging lumabas sa kaniyang bibig na tumalon ang pigura mula sa ikatlong palapag. Sinundan niya ito ng tingin pero dahil may kadiliman na ang paligid. Hindi niya masyadong nakita pero sigurado siya wala bumagsak. 

“Anong nangyayari sa paaralan ito? Hindi ko masasabi delikado ito pero sisikapin ko, alamin ang history ng paaralan ito.” 

Sa hindi malaman dahilan nag sitayuan ang balahibo sa buong katawan na may bigla bumulong sa kaniya ng katagang “He is coming.” nakakakilabot ang boses nito na naging dahilan na nanginig ang katawan niya. 

Humarap siya. “Tigi—”  napaatras si Laura na bumukas ang pinto. Pumasok ang pamilyar na lalaki. Sinuri niya ito mula paa hanggang ulo. 

“Mabuti naman gising ka na.”

“May dala ako prutas sa iyo. May isang dumalaw sa iyo dito ayon sa nakakita na estudyante.” 

“Kailan po?” 

“Ngayon, ayon sa nakasalubong ko na estudyante may lumabas sa silid mo na lalaki na balot ng itim na kasuotan. Sino yun?” 

Napakunot noo siya na marinig ito. Minabuti niya hindi muna magsalita. Hinanap ng kaniyang mga mata ang bagay na hindi niya alam kung ano ito. 

“Laura?” Sabay lapag nito sa mesa ng Prutas. 

“Ah wala naman bumisita sa akin. Baka nagkamali lang ang estudyante nag sabi sa iyo, Sir Baron.” 

“Ganoon ba. O nga pala pwede ka na umuwi sa dorm kung ayos ka na.” 

Hindi mapigilan ni Laura na kumuha ng mansanas at kinain niya ito na hindi man lang makatingin sa guro. 

“Sa susunod na araw samahan kita sa kaibigan ko para tulungan ka sa problema mo.  Hindi ganoon kadali ang sitwasyon mo Laura. Magpakatatag  at huwag pa talo sa tukso ng demonyo.” 

Napabuntong hininga ang guro na hindi sumagot sa halip kumakain lang ito ng mga prutas na dala niya. Halata walang kain si Laura ng ilang araw base sa kaniya kilos. 

“Magawa pa kaya nito makaligtas sa demonyo?” bulong ni Baron. 

Napagtanto ng guro na may nakalimutan siya gawin kaya hindi nagtagal nag paalam na ito. Samantala malalim ang iniisip ni Laura sa mga bagay bagay tulad ng kung paano siya makawala sa demonyo at saan niya nakuha ang sumpa na ito. 

“Laura?” 

Sakto naman natapos na ubos lahat ni Laura ang mga prutas. Tumingin siya saglit sa bagong pasok. 

“Doc pwede na ba ako lumabas dito?” 

“Doc Vanessa, oo naman. Gusto mo ihatid pa kita sa dorm mo?” alok nito sa kaniya. 

“Huwag na po. Kaya ko naman. Ang katunayan nga niya malakas na ako, tingnan mo po.” Ipinakita ni Laura malakas na siya sa pamamagitan pag makita ng paging maliksi. 

Pumayag ang Doctor sa kagustuhan ni Laura at nakikita niya naman na maayos naman ito. Lumipas ang maraming minuto lumabas si Laura sa Clinic na mabagal ang bawat hakbang. 

Palinga-linga sa paligid, ramdam niya may sumusunod sa kaniyang pero wala naman siya nakita. Biglaan siya napalingon na halos matulala siya na mabilis dumaan sa kaniyang harapan ang itim na pigura. 

Tanging ilaw ng bombilya ang nagbigay liwanag sa madilim na kapaligiran. Nagpatuloy siya sa paglalakad na hindi mapakali. 

May humawak sa kaniyang balikat na naging dahilan na pag sigaw niya. Humarap siya sa may-ari ng kamay. Bumungad sa kaniya si Annabell na kasalukuyang nagtataka ng nakatingin sa kaniya. 

“Ayos ka lang?” 

“A-Ayos lang ako. Akala kung sino.” 

“Pasensya na ginulat kita. Galing ako sa clinic naabutan ko si Doctor Vanessa, ayon sa kaniya nakalabas ka na pala. Mag madali na tayo umuwi sa dorm natin kung hindi naabutan tayo ng mga kawal.” 

Wala naman alam si Laura kung totoo ang sinabi ni Annabell sa takot sumunod na lang siya sa sinabi nito. Lumipas ang maraming minuto na dumaan, natigilan siya na makarating sa dorm nila. Bukas ang pintuan nito pero walang ilaw. 

“Ako na mag pa ilaw, dyan ka lang.” 

Pumasok si Annabell na hindi man lang nilingon si Laura. Samantala na iwan si Laura habang nakaupo sa sahig, naghihintay kung kailan magka ilaw. 

“Annabell?!” 

Maraming beses niya ito tinawag pero walang sumagot. Nagsimula siya kabahan na may na aninag sa hindi kalayuan, isang pigura ng lalaki na kasalukuyang may hila-hila na isang bagay base sa tunog na gawa nito. 

Tumayo si Laura sa takot na maabutan siya nito. Sa kaniyang pag pasok kasabay naman umilaw ang loob ng silid. 

“Oh ayan, pwede ka na pumasok sa kwarto mo. Huwag mo kalimutan patayin ang ilaw kasi may nagmamasid na mga kawal kung makita nila may ilaw ang Dorm, hindi sila mag dalawang isip na kumatok at hindi sila titigil kakatok hangga't hindi mo i off ang ilaw,” mahabang paliwanag nito. 

Nagpasalamat si Laura pagkatapos pumasok na siya ng kaniyang silid. Minabuti niya ni lock ang pinto at mga bintana sa kadahilanan nakaramdam siya ng hindi maganda. 

“He is coming!” 

Napaatras siya na marinig ang boses na mula sa labas ng bintana. Napatingala siya na mag patay sindi ang ilaw. 

“He is Coming.” 

Pinatay ni Laura ang ilaw kasabay tumahimik ang paligid. Nakahinga siya ng maluwag, napagtanto na parang may mali pero hindi niya alam kung ano ito. 

“Annabell?” sambit niya na maalaala ang mga babala nito sa kaniya. 

Humiga na siya sa kama habang nakatingin sa hugis bilog na bintana. Maliit lang ito na may harang na mga bakal. Nanliit ang kaniyang mga mata na may mapulang mata ang sumilip sa bintana. 

“He is coming!” 

Kaagad niya tinakpan ang magkabilang tenga. Hindi niya inalis ang tingin sa malaking mata. Pero hindi nagtagal napagtanto niya hindi aalis ito hangga't hindi siya pumikit. 

Nang pumikit siya nararamdaman niya umalis ito base sa nagawang ingay nito.  Mariin niya pinikit ang mga mata para madali makatulog. Marami siya iniisip upang mapagod ang kaniyang isipan at maging sanhi ng antok. Hindi nag tagal na ka tulog siya na may takot sa kaniyang puso. 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro