NB 05
Isang sampal ang nag pagising kay Laura. Nagmamadali siya bumangon sa higaan na may nanlalaki tingin sa kaibigan.
“Ayos ka lang, kanina pa kita ginising.”
'lahat ng yun. Panaginip lang pala akala ko totoo. Mabuti na lang. ʼ isip ni Laura.
“Magmadali ka na riyan mala late tayo nito. Ayaw ko ng ganito, first day then late kaagad. Omygosh Laura, bilisan kumilos diyan kung hin—”
Nagmamadali siya pumasok ng Cr at hindi pinansin si Iza na patuloy kaka reklamo. Lumipas ang ilang minuto lumabas si Laura na ikina tigil ni Iza kakasalita.
“Oyy Girl, tikom yan bibig mo? Ikaw din baka pasukan yan ng langaw,” patawang saad ni Laura.
“Tsk. Ganda yan? Saan banda?”
“Ito at ito.” sabay turo ni Laura sa kaniyang magkabilang pisngi.
“Oo na. Tayo na, doon na lang tayo kakain sa Academy.”
Hinila naman si Laura palabas ng kwarto nila. Nagtataka siya noong una bakit walang tao sa sala.
“Girl walang tao ngayon sa bahay. Nandoon na lahat ng gamit natin sa Academy.”
“Academy?”
“Ay seryoso? Amnesia yan. Hay naku, nakalimutan mo yata may dorm sa Academy. Siguro marami ka diyan iniisip. Girl kalma ka lang.”
Sakto naman lumabas sila kasabay huminto sa kanilang harapan ang magandang kulay itim na kotse. Lumabas ang driver at pinagbuksan sila ng pintuan.
Pumasok naman ang dalawa habang tuloy pa rin ang kwentuhan. Sinarado ng driver ang pinto saka naman ito pumasok at nag simula na ito patakbuhin.
“Baʼt hindi mo sinabi mag-aaral ka rin dito?”
“Nakalimutan mo yata nag-aaral din ako. Hindi mo ba na isip kung bakit sumama ako sa iyo.”
Humingi ng pasensya si Laura. Dumating na sila sa Royal Academy sa unang pagkakataon na silayan ni Laura ang Academy, subalit nanlalaki ang kaniyang mga mata pareho ito sa kaniyang panaginip.
'Una nagtataka ako bakit hindi ko naririnig ang ibang wika nila sa tuwing nagsasalita. Totoo kaya ang panaginip ko na may kakayahan makaunawa ng wika ng iba. ʼ isip ni Laura.
Pumasok na silang dalawa na puno pa nanabik sa kanilang bagong paaralan. Maraming nagkalat na mga estudyante. Huminto sila sa sa isang silid kung saan piasukan ng lahat ng estudyante.
“Dalian mo. Wala na tayo panahon para mamangha.”
Pumasok ang dalawa at nag tungo sa unahan kung saan malapit sa stage upang makita at maunawaan nila ang mga anunsyo.
Huminto sila sa na halos hindi na sila makapag pa tuloy dahil hinarangan na ito ng ibang estudyante.
“Good morning everyone. Alam ko sabik na kayo pumasok at mag simula ang iyong kapalaran sa loob ng Royal Academy.”
Nag palakpakan kami na tumahimik ang babae.
“Ako pala Guidance Counselor, Trisha Una Vilasco. Unang araw niyo rito sa Royal Academy. Napag pasyahan namin na walang klase ngayon kung hindi simulan ang Guest Quest!”
“Ano?” gulat ng karamihan.
“Opps, nakalimutan ko sabihin ang tungkol dito. Ang Guest Quest ay isang entrance exam para sa Class!”
Nagsipalakpakan muli ang lahat na huminto sa pag salita. Maraming katanungan ang mga bagong estudyante at isa na roon sina Laura, at Iza.
Lumitaw ang isang Hologram sa kumpas ng babae. Maigi binasa ni Laura ang nakasulat doon. Hindi niya maiwasan kabahan na mabasa. “The Royal Academy is for everyone who likes to learn and know their ability.” natulala na lang si Laura.
May kawal ang lumabas mula sa likod ng Stage. Sunod sunod hinati sa grupo ang mga estudyante sa apat upang maiwasan ang magulo pagkuha ng Quest.
Hindi makasama ni Laura si Iza sa isang grupo nang kinuha ito ng kawal patungo sa ibang estudyante. Na tahimik ang lahat na matapos ang mga kawal at nagsilbing harang sa bawat grupo.
“Ngayon tapos na tayo para sa pag ayos sa grupo. Ihahatid kayo ng kawal sa pinto nararapat para sa inyo.”
Sumunod silang lahat sa bawat matabang kawal patungo sa pinto. Pumasok ang kawal na sinundan ni Laura sa Itim na pinto.
Wala silang makita maliban sa kadiliman nang nakapasok sila. Bahagya na gulat ang lahat na bigla nagsara ang pinto na makapasok ang lahat ng estudyante sa grupong ito.
Lumitaw ang Hologram sa gitna ng kadiliman. Binigyan ang bawat isa ng itim na tela na labis ipanagtaka nila.
“Ang itim na tela na binigay ay may kinalaman sa Quest. Ngayon malalaman natin kung sino ang may potential nararapat mapunta sa class na nais niyo.”
Bigla bumukas ang kulay pula na liwanag sa loob ng silid. Kitang-kita ng dalawang mata ni Laura ang mga iba't ibang bagay na ngayon lang niya nakita kagaya ng mga buto ng tao.
“Timer Start, now!”
Nagmamadali tumakbo si Laura sa mga libro at binasa ang code na nakasulat sa bawat libro.
Sumakit ang kaniyang ulo na mabasa ang Instructions sa harap ng bookshelf.
“Kailangan ko buohin ang code habang may takip ang aking mga mata. Impossible?”
Wala na siyang nagawa kundi ang nakasulat. Sinimulan niya kapain ang libro, una niya nahawakan ang hugis puso na libro, sumunod ang crown, upuan, kamay, hagdanan, dress at pang huli ang cube.
“Kung hindi ako nagkakamali ang sagot ay Crown Princess or Crown Prince!”
Nang matapos niya gawin lumipat naman siya sa nagkalat na mga kalat kaso balot ito ng nakakadiri na likido.
“Kailangan ko kumuha kahit isang bagay para gamitin at dala-dala sa pang araw-araw.”
Binalot ni Laura ang kanang kamay ng itim na tela. Hindi nag dalawang isip na pulutin ang isang kwintas. Hindi na niya ito tiningnan sapagkat hinahabol niya ang oras. Sa bawat quest may bantay.
Sumunod naman na pinuntahan niya ang solving na madali niya lang na sagutan. Ang pang huli ay umupo na siya habang nakatingin sa papel nakalagay sa mesa. Palihim siya nakangiti na mabasa niya ang mga tanong. Madali niya nasagutan ang mga tanong ngunit napatigil siya.
'If you have power. What is this and why? Seryuso? Ano ito fairytale? ʼ isip ni Laura.
Mahinang natatawa si Laura sa kaniyang na isip. “Nightmare Beauty” hindi niya alam kung bakit ito ang pumasok sa kaniyang isip. Ang dahilan ni Laura para siya ay katakotan ng kung sino man.
“Ano?” bigla naglaho ang huling tanong at sagot niya. Napalitan ito ng panibagong tanong. Nahihirapan siya dahil tungkol ito sa technology na halos kaunti lang ang kaniyang kaalaman.
Kung ano ang kaniyang kaisipan, yun na lang ang tanging na sagot niya.
Lumapit sa kaniya ang kawal at pinalabas siya. Nakita niya ang ibang estudyante mula sa ibang grupo na kaunti pa lang ang nakalabas sa pinto pinasokan nila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro