NB 04
Ilang araw hindi nagigising si Laura ngunit umaagos ang kaniyang nag uunahan luha. Hindi maintindihan ni Iza kung anong nangyayari rito. Ang tanging alam lang niya kailangan niya mag pasok ng bagong biktima sa Kastilyo para siya ay yumaman pa.
“Hindi ko alam anong eksaktong nangyari kay Laura ngunit mas mabuti na rin yan kaysa mag wala siya.” lumabas si Iza sa silid.
Naglalakad siya patungo sa kabilang silid. Huminto siya sa harapan nito na makita ang isa nila kaklase na may ginawa.
“One, two, three. Finally!” masasayang saad ng babae.
Hindi makita ni Iza kung ano kinakain nito pero sigurado siya karne ito ng tao. Base sa dugo bumaha sa sahig.
“Hannnah. Isang sa mga babae naka ngarap na makatapos sa pag-aaral ngunit ngayon waley. Masyado yata na sobrahan ko siya. Hindi ko akalain yan ang tunay niya katauhan, isang Aswang.”
Natigilan ang babae naramdaman ang presensya ni Iza sa labas ng kaniyang silid nito. Humarap ito sa kaniya sabay bitaw ng hawak. Napataas ang magkabilang kilay ni Iza na makita ang nahulog na kamay ng bata.
Masama nakatitig si Hannah Kay Iza. Nagmamadali ito lumapit sa rehas na pinto. Paulit-ulit sinubukan sirain ang pinto ngunit sa kasamaan palad nabigo lang ito.
“Walang hiya ka, Iza. Pinaniwala mo ako may naghihintay na malaking opportunities pero ang lahat ng iyong kasinungalingan lang!”
“Opps, sorry. Kung hindi kayo tanga. Hindi sana kayo nandito. Don't worry may new ka naman kasama kaso nasa katabi mong silid,” patawang sagot ni Iza.
“Makakalabas lang ako, Iza. Ihanda mo na ang iyong sarili!”
“Wow, bravo. Palakpakan natin ang palpak tumakas. Na takot naman ako kaso kaunti lang.”
Nagsimula na naman mag wala siyang Hannah sa kadahilanan hindi makontrol ang emosyon nito.
“Sayang ka day. Next.”
Naglakad na si Iza at umabot sa bandang dulo ay lumiko naman ito pakanan. Hindi pa man siya na malapit sa pinto. Kitang-kita ng dalawang mata niya na kasalukuyang naglalaro ng manika. Ang isang babae may mahabang buhok na hanggang bewang.
“kagandahan ang aking nakikita ngunit sayang isip bata ang isang to. Ana-Annabel.”
Sa kaniyang pag lapit sa pinto kasabay naman humarap ang babae. Masama rin ito tumingin gaya ni Hannah.
“I-Ikaw, niloko mo ako. Akala ko dami laruan dito. Mama...!”
Napailing si Iza sa reaksyon ni Annabel. “Baby hindi kita niloko, sayda abno ka lang talaga.” sabay hampas ng kamay nito sa rehas na ikinatumba ng babae.
“Ikaw loko mo si Annabell. Sumbong teka kay Mama Ana kasi pinapaiyak mo si Annabell.”
Nagsimula na ito sumigaw habang paulit-ulit sinasabi manloloko si Iza. “Tahimik, isip bata...!” Huminto si Annabell at hindi nag dalawang isip na ibato ang hawak na manika nito.
Napaatras si Iza kasabay tumama ang manika sa rehas at nakagawa ng nakakasakit na tunog.
“Umalis ka rito. Baka magalit si Annabell sa iyo. Masama ka, umalis ka rito...!”
Nagmamadali naman tumakbo palayo si Iza habang walang tigil kaka reklamo. Huminto siya sa pang huling silid.
“Kagandahan ang aking nakikita sa iyo mga mata. Titig mo parang apoy, ako'y nalulusaw sa iyong kapangyarihan. Dinggin mo ang aking tinig, ngayon din mismo sa akin kinalalagyan!”
Walang balak si Iza na lumapit sa silid na ito. Kakaiba ang nasa loob na babae. Wala siya sapat na information tungkol dito. Hindi niya maalaala kung paano niya niloko ang babaeng ito.
“Hay nako, makalabas nasa Dark Castle!” sabay gulo ng buhok nito.
Samantala si Laura nasa ilalim pa ng matinding bangungot. Paulit-ulit ang eksena hanggan pagsawaan siya ng demonyo.
“Diyos ko. Iligtas mo ako sa kapahamakan ito. Nais ko maging malaya sa aking kaisipan. Ito man ang maituturing na kulungan subalit hindi ito ang tunay kong tahanan.”
“Sarap lamasin ng papaya. Gusto ko pa magla—”
Hindi na tuloy ang sasabihin nito na magising si Laura sa realidad. Habol hininga at pawisan. Hindi siya gumalaw sa kadahilanan hindi gumagana ang kaniyang isipan. Nanatiling blanko ng ilang oras habang patuloy umaagos ang luha sa kaniyang mga mata.
Bumalik ang kaniyang isipan sa realidad na may kumalabog sa katabing silid. Bumangon siya saka nag tungo sa rehas na pinto.
“Anong ginagawa ko dito?”
“Tulungan niyo ako...!”
Na tahimik siya na may sumagot sa kaniya.
“Ikaw ba ang bago biktima ni Riza?” malalim ang boses nito.
“Ako nga. Nasaan ba tayo?!”
“Nandito tayo kung saan kailangan mo baguhin ang iyong sarili, kung ika'y mag tagumpay.”
Napahawak si Laura sa kaniyang buhok sabay sabunot. Hindi niya maintindihan sumakit na lang bigla ang kaniyang ulo sa hindi malaman dahilan.
“Tulungan mo ako...!”
Napaupo siya sa sahig. Nagsimula makarinig ng mga bulong. “Anong nangyayari sa akin?” nalilito saad niya.
“Nagsimula na ang kadiliman saʼyo isip. Labanan mo ito kung hindi mo gusto ang iyong nakita sa iyong panaginip.”
“Anong kinalaman ng panaginip ko? Sa mangyari sa akin.”
Rinig niya ang tawanan ng kung sino man. Ang sakit sa tenga pakinggan halos lahat nakakakilabot na boses.
“Iyong pinapakita ng tadhana sa iyo kung ika'y mapa sa ilalim ng kadiliman. Kung ika'y matalo, ang maipapayo ko sayo magpa—”
Hindi niya marinig ang sunod na sinabi ng babae. 'Aming ang kadiliman, sundin ang amin nais. Ito ang bagong Kinabukasan sa bagong Kalayaan.ʼ paulit-ulit narinig niya sa isipan.
“Huwag mo gayahin ang naririnig ng iyong isipan kung hindi a—”
Buong lakas sumigaw si Laura sa sobrang sakit na halos mabiyak ang kaniyang ulo. Napapikit siya saglit ngunit sa kaniyang pag mulat. Wala siya makita kung hindi puro kadiliman. Kadiliman na walang hangganan.
“Wala akong makita!”
“Laura na bulag ka ng iyong isipan. Huwag ka maniwala sa iyong nakikita at naririnig kung hindi magaya ka sa amin!” sagot ng babae sa kabilang silid.
“Hindi kita maintindihan. ang lahat ng ito pinamulat sa akin ang Realidad. Nasaan ang hindi totoo? Sabihin mo nga sa akin.”
“Alam mo. Makinig ka sa akin. Ako ang nauna rito kaya alam ko ang lahat. Isipin mo ang pamilya mo naghihintay sa iyo.”
“Hindi ko na alam.”
“Alamin mo kung kanino ka lumalaban. Para saan pa ang iyong paghihirap sa simula pa lang. Sino ang iyong lakas, Laura.”
Na bigla si Laura na malaman kilala siya nito. Tinanong niya muli ang babae ngunit wala na siya natanggap na sagot mula rito. Humiga na lang siya sa sahig habang nag iisip kung ano ang gagawin.
“Sino ako?”
Unang katanungan pumasok sa kaniyang isipan. Mula bata may kakaiba sa kaniya na kung minsan nakaharap niya na ito sa kaniyang pag ka bata. Pamilyar ang ganitong senaryo.
“Tatanggapin ko na lang ba ito?” pero na isip niya bigla ang kaniyang pamilya ng naghihintay sa kaniya at umaasa sa kaniyang pagbabalik na may magandang balita.
“Paano ako makakalaya?”
Ito ang gumugulo sa isipan ni Laura. Hindi man niya alam ang tunay na kasagutan. Nagdasal siya ng taimtim sa may likha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro