Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Chapter 13: Her Backstory

"Ano ang ginawa ng mundo ng mga tao sa 'yo, mahal ko?"

Sa huli ay hindi ko rin napakawalan ang palaso upang saktan si Tobias. Sa halip ay marahas kong tinabig ang kamay niya at itinusok sa sahig ang hawak kong pana, malapit sa gilid ng kanyang mukha.

Agad na akong humiwalay sa kanya at tumalikod ako. Marahas kong pinunasan ang luha sa aking pisngi at pilit akong pinakalma ang sarili ko. Napahawak ako sa aking baywang at ilang beses akong nagpalakad-lakad.

Ramdam ko ang pangangatal ng tuhod at kamay ko.

Hindi naman ako magtatagal dito. Tutulungan ko lang sina Claret at Divina, wala akong balak umupo sa puwesto o di kaya'y maging reyna. Everything was just my delusion to have my new world because I still have my own world waiting for me.

Hindi ako nararapat sa posisyon na naghihintay sa akin dito.

May mga naghihintay sa akin. I couldn't abandon them.

And this emotion with Tobias was nothing—maybe this was just a way for me to forget everything. Babalik ako sa mundo ng mga tao.

Napahilamos ako sa aking sarili.

"Oh, oh . . . someone has a dark side."

Marahas akong lumingon kay Pryor. "I am."

He laughed.

"I know that you were trying to kill me. Hindi ko alam kung ano ang galit mo sa akin, Pryor, pero hindi kita hahayaang magtagumpay sa pinaplano mo. Baka unahan kita—" Itinigil ko ang anumang sasabihin ko.

Pryor looked amused.

Saglit tumalim ang titig ni Tobias sa kapatid niya bago niya ibinalik ang kanyang atensiyon sa akin.

"Kezalli . . ."

Humakbang ako paatras.

Marahas kong itinuro si Tobias. "Shut up! You good for nothing—" Napailing ako.

"I thought you loved me? What is this? You're trying to make me remember—" Mariin akong napailing.

"I want to know everything, Kezalli."

"Huh? Is that even necessary? May magagawa ka ba? Hindi ba't hindi ka rin naman makatatawid sa mundo ng mga tao? Ano pa ba ang gusto mo? Hindi ba't ginagawa ko naman ang lahat ng gusto mo?"

Pryor seemed to be enjoying the sudden shift of situation.

Nagkibit pa siya at ngumisi sa akin bago niya kami iniwanan ni Tobias.

"Why am I surrounded by women who are trying to hide their identity—"

Umiling ako. "Tobias, I am not trying to hide my identity. Kung anuman ang nakikita mo at ang paraan kung paano ko tinanggap ang mundong ito at ang sitwasyon ko, parte ko iyon. Isa iyon sa mga katangian na nakasayanan ko na, ang mabilis tanggapin ang mga bagay na nasa harapan ko. But I am still that warm woman who wants to smile every day. Dahil sa sandaling hindi ko nilabanan ng ngiti at saya ang buhay ko, mababaliw ako."

Hindi ko muling napigilan ang pagpatak ng luha ko habang pinunpunasan ko iyon ng mga braso ko.

"Tell me, I'd do everything in my power, Kezalli," Tobias said, determined.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa akin. I flinched when he was about to touch me, and I saw pain flash in his eyes.

"Do you want to forget it? Do you want me to get rid of them? I will find a witch, a priestess, or anyone who can remove those painful memories."

I bit my lower lip. Kung ganoon ay tama ang hinala ko, nakarating na kay Tobias ang pilit kong itinatago sa mundo ng mga tao. "H-how can you still look at me like that, Tobias?"

Nanatiling nakatitig lang sa akin si Tobias.

"I am a sinner. I lied to you when I told you that—" I shook my head. "I am not worthy of your love, the throne, and the respect. Please, hayaan mo na lang akong bumalik sa mundo ng mga tao. Doon ako nararapat."

"No. No . . ."

I saw alarm in his eyes. Hindi na siya nag-alangang tawirin ang distansiya sa pagitan namin at hinawakan na niya ang magkabilang pisngi ko. "Tell me what you want. Do you want revenge? Gusto mong bumalik sa mundo ng mga tao? I will do everything to find a way to cross a damn portal to your world. I will kill them; we will kill them together—everyone who made your life miserable. Do you want to forget them? I can look to the most skilled witch, priestess, or any vampire who can manipulate memories."

"No."

Ngunit higit kong hindi inaasahan ang sunod kong masasaksihan dahil unti-unting bumaba ang mga kamay ni Tobias mula sa pisngi ko patungo sa aking mga kamay, at natagpuan ko na lang ang haring nakaluhod sa harapan ko.

"Tell me what to do. We can compromise. I don't think I can let you go with the idea that you'll not come back. Hindi kita pakakawalan, Kezalli. I know that it will turn into hatred, you'll curse me, I'll make you cry, and I'll see myself as the same selfish man in this empire caging you in this castle. Command me, tell me what to do—but not to let you go. I thought I had prepared myself, and I would not walk the same path as my father, the other kings, or even Zen."

Tobias has always been composed in my eyes, but for the very first time, I saw the desperation, panic, and fear in his eyes. "Maybe if I turned into something—a creature common in your world. Maybe I can cross the mirror with you. Maybe I can ask some witches or priestesses. I'll get crazy, Kezalli."

Hindi na nakatitig sa akin si Tobias, sa halip ay tila kinakausap na niya ang kanyang sarili sa mga dapat niyang gagawin sa sandaling umalis ako sa mundong ito.

"R-Rosh, my brother can lead this kingdom. We can be together, Kezalli. I'll come with you, and if you're going to seek revenge . . ."

Napatulala ako habang pinagmamasdan si Tobias.

Bago ako tumawid sa mundong ito'y nagawa kong magbasa ng aklat tungkol sa pagmamahal ng isang bampira, lalo na mga itinakdang nilalang na nakatadhanang maghintay ng mga babaeng magmumula sa mundo ng mga tao.

I've read that most of them had this kind of love—something that would turn into madness. Na ginagawa nilang kitilin ang sarili sa sandaling bawian ng buhay ang kanilang kapareha. Nang una kong makita si Tobias ay hindi ko maisip na masasaksihan ko siya sa ganitong sitwasyon.

That he'd beg and become desperate.

"T-Tobias . . ."

Unti-unti na akong lumuhod upang magpantay ang mga mata namin. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

Hindi ganito ang gusto ko. Maayos akong sinalubong ni Tobias sa mundong ito at hindi ko pinangarap na may lalaking magkaganito sa akin. "I don't think we're meant to be together. Hindi tayo nararapat sa isa't isa. Magagawa mo bang mahalin ang babaeng katulad ko? These hands were drenched in blood. I've done every kind of sin that I wish I never did."

He took my hands and brought them to his lips. "I love you."

I bit my lower lip. "No. Wala akong mukhang ihaharap sa mga babaeng itinakda, Tobias. Isang malaking kahangalan ang mangyayari kung ang mundong ito'y hahangaan at titingalain ang katulad ko."

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Tobias at ipinikit ko ang aking mga mata. I knew that he had been considerate. He was trying to respect me or ignore everything that I had kept even though he already had an idea.

"I'm sorry . . ."

He cupped my face and shook his head. "Don't be."

I leaned my forehead against him, feeling the rush of the waterfalls around us.

***

Nakailang beses na akong tumakas sa iba't ibang ampunan at hindi man lang ako tumatagal nang isang buwan doon. I didn't know if it was a talent or my natural skills.

Isa pa, ano ba ang sinasabi nilang suwerte kami dahil may kumukupkop sa aming ampunan? We were like prisoners. Mas gusto ko pa sa labas kung saan magagawa ko ang lahat ng gusto ko.

I could survive just fine.

Ngayon ay nagbabalak na akong muling tumakas. Nakasakbat na ang bag ko na naglalaman ng mga pagkain, damit, at bagong aklat na nagustuhan ko.

I was glad that before my grandparents left me in this world, I already knew how to read and write.

Inihahagis-hagis ko sa ere ang mansanas na kinuha ko sa kusina at nang sambutin ko muli iyon ay saka ko iyon kinagat. Natigil ako nakasarang opisina ng nangangalaga ng ampunang iyon, ngunit ang higit na umagaw sa atensiyon ko ay ang mga nakapaskil na mga litrato sa labas nito na nakasalamin. Naroon ang mga may-ari ng ampunan, ang mga bata, at ang mga volunteer na nagpupunta rito.

Engr. Astrid Noella Fontanilla.

Hindi na ako bago sa pangalan at mukha ng babaeng ito dahil lagi kong nakikita ang litrato niya na laging may mga kasamang mga bata sa bawat ampunan na tinitigilan ko. Pero kailanman ay hindi ko nakita nang personal, ang huli kong narinig tungkol sa kanya ay nasangkot siya sa isang aksidente.

Simula nang iwan ako nina Lolo't Lola, wala na akong pakialam sa paligid ko, ngunit hindi ko alam kung bakit lagi na lang naaagaw ng babaeng ito ang atensiyon ko.

"Ang ganda niya, huh? Buhay ka pa kaya? Sayang ka."

I gave her a salute before biting into my apple. Tightening my grip on the strap of my bag, I pulled my cap down to cover my face and started running.

Wala nang nakahabol sa akin nang tumawid ako sa bakod. Tawa ako nang tawa at nagawa ko pang ihagis ang sombrero ko nang magawa ko na namang makatakas sa ampunan.

***

I spent my childhood in the streets—fighting for survival. Mas namulat ako sa kahirapan ng mundo. Lagi kong sinasabi na ito ang pinili ko, at hindi ko hinayaan ang sarili kong makulong sa lugar na iyon.

Dumaan ang matinding tag-araw, nasusunog na ang aking mga balat, pumuputok ang mga labi, at nanunuyot ang lalamunan. At ang tanging nagagawa ko lang ay tumanaw sa mga batang akay ng kanilang mga magulang galing sa masasarap ng kainan.

Dumaan ang tag-ulan na ang tanging nagagawa ko'y maupo at sumilong sa iba't ibang gusali na paulit-ulit itinataboy ng mga tao.

"Umalis ka dito! Ang dungis-dungis mo!"

Nakaamba nang hahampasin ako ng batuta ng malaking guwardiya nang mabilis na akong tumakbo.

Yakap ko ang aking sarili habang malakas ang buhos ng ulan. Ang tanging nagawa ko lang ay manatili sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa pagitan ng daan na walang dumaraang sasakyan at sa malamlam na espasyo sa gilid ng daan kung saan napupuno ng mga namatay na.

Isang libingan.

It was a small-spaced graveyard filled with gray tombstones. Bagaman siksikan na sila, maganda pa rin ang pagkakaayos at hilera nito. Sa kabila ng iisang kulay na nakikita ko sa libingan, may nag-iisang nilalang na naroon na katulad ko ay nababasa rin ng ulan.

A monk in his yellow clothing.

Hindi ko alam kung bakit sa halip na magpatuloy ako ay nakita ko ang sarili kong lumapit doon at tumapat sa kanya. I glanced at him, and just like the other people around me, he looked the same. Pansin ko na magkadaop ang kanyang palad.

"Sino iyang ipinagdarasal mo?"

Hindi man lang siya nagulat at tila inaasahan na niyang may batang babae na bigla na lang magpapakita sa kanya.

"Isang napakatapang na babae."

Tumango ako.

"May pagkain ka ba?" tanong ko.

May kinuha ang monghe sa ilalim ng kanyang kasuotan, nakaplastik na tinapay iyon kaya hindi nababasa.

"Salamat!"

"Hindi mo ba nais sumama sa akin, hija?"

Umiling ako. Inangat ko ang tinapay. "Salamat uli rito! Sumilong ka, ah? Baka lagnatin ka pa."

Naglakad na ako papalayo sa monghe, at nang lumingon ako muli sa kanya sa sementeryo, ilang beses akong napalunok nang makitang wala na siya.

"Shit."

***

Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng isang fast food restaurant. Sanay na akong mamalimos, at karamihan talaga sa nagbibigay sa akin ay iyong mga teenager.

May nakilala na rin ako sa lansangan at may naging kaibigan na ako. Si Dave ang batang itinuring ko nang nakababatang kapatid. Lagi ko siyang hinahatian ng pagkain sa tuwing may nagbibigay sa akin.

Kasalukuyan na akong nakatanaw sa kanya sa malayo. Naroon siya sa unahan ng isa pang fast food restaurant at nakikita kong may nagbibigay na sa kanya.

Magiging maayos na sana ang lahat nang may dalawang malaking bata ang lumapit sa kanya, ang isa'y itinulak pa siya at marahas na inagaw ang kanyang pagkain. Napatayo na ako kasabay ng pagkuyom ng mga kamay ko.

"Kezalli!"

Hindi ko pinakinggan ang tawag ni Dave dahil hinabol ko ang dalawang batang lalaki. Mas maliit man ako sa kanila, alam ko sa sarili ko na mas malakas ako sa dami na ng pinagdaanan ko. Nang sandaling hablutin ko ang damit ng isa sa kanila ay agad ko na iyong marahas na hinila.

Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ng batang lalaki dahilan kung bakit ito natumba at tumilapon ang burger na hawak niya. Rinig ko ang pangangatal ng boses ng isa pang bata at napaatras dahil sa takot sa akin.

"Ano?! Huwag na huwag kayong lalapit sa lugar na ito!" sigaw ko.

Sabay nagtakbukan ang mga bata. Noong una'y pananakot lang ang ginagawa ko, hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili kong nakapangibabaw sa isang bata at pinauulanan ko ng suntok.

Malakas na pito ng pulis ang siyang narinig ko at malalaking kamay ang pilit na pumipigil sa akin.

"Dapat sa mga batang ito, ikinukulong! Magiging salot sila sa lipunan!"

Tandang-tanda ko kung paano ako kaladkarin ng mga pulis at ang malakas na pag-iyak ni Dave, ngunit nagbago nang bigla ang sitwasyon nang may nakaitim na lalaki na may gintong singsing sa kanyang daliri ang nag-abot ng pera sa isang pulis.

Marahan niyang hinawakan ang kamay ko. "Sumama ka sa akin. Bibigyan kita ng magandang buhay."

Ngumiti ako at lumingon kay Dave. Nakalahad na ang kamay ko sa kanya. "Dave, tayo na . . ."

I wasn't naïve that time—I needed the money. I needed to survive, and this man would give it to me.

I looked back at the policeman. I recognized his body build when I heard his conversation with other gruesome men at the back alley and how he desired to have a taste of young girls like me. How I wished I had enough strength to beat him and his friends to death.

I had already expected that they would go against the man who interrupted them, but the policemen unusually stood still, without even trying to make a move.

This man I might have the power to scare them.

But before riding in the car, I threw my middle finger.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro