Chapter 8
Chapter 8: Memories
I woke up earlier than King Tobias. It was good news for me, but if he was peacefully spooning me with his legs entangled with mine, arms protectively wrapped around as if I'd escape, and how he buried his face in my bushy hair— how could I possibly get up without waking him up?
I felt like a little rabbit that couldn't even move with those huge legs of the king of the jungle— the lion.
I glanced at the mirror with my claw mark with the trace of our mixed blood. Ramdam ko ang biglang pag-iinit ng pisngi ko nang biglang bumalik sa isip ko ang ginawa naming dalawa sa harap ng salaming iyon. Mabuti hindi nabasag?
Ibinalik ko ang atensyon ko sa brasong nakapulupot sa akin. And when I noticed Tobias' hand, I miserably closed my eyes to stop myself from remembering how those hands with their visible veins tightly gripped the mirror frame just to fully thru—I shook my head.
But didn't I request it?
Dahil marami nang pumapasok sa isip ko dahil kay Tobias na nakayakap sa akin, dahan-dahan ko nang inangat ang braso niya. Ilang beses akong nagdasal sa isipan ko na sana hindi siya magising pero nang hindi ko pa man tuluyang natatanggal ang braso niya ay mas humigpit pa ang yakap niya.
"Kezalli. . ."
I blinked. Gising na ba siya?
Hinintay ko siyang magsalita at kausapin ko pero ang tanging narinig ko lang sa likuran ko ay ang banayad niyang paghinga.
Did he just call my name in his sleep?
Sa pangalawang pagkakataon ay sinubukan ko ulit kumawala sa kanya, at sa pagkakataong iyon ay nagawa kong makababa sa kama nang hindi siya nagigising. Pinakatitigan ko pa siya nang matagal bago ako umalis sa tabi ng kama bago ako nagtungo sa harapan ng cabinet at naghanap ng isusuot na damit.
Ilang beses pa akong sumulyap kay Tobias habang nagmamadali ako sa pagbibihis. At nang matapos ako, agad akong humarap sa salamin. Gusto kong sumigaw dahil sa nangyari sa buhok ko, dahil nagmukha lang naman akong mangkukulam dahil sa sabog kong buhok.
Mariin akong napahawak sa salamin pero agad ko rin iyong binitawan na tila napaso ang aking dalawang kamay nang biglang bumalik sa alaala ko kung paano kami ni Tobias halos dumikit na doon. Ilang beses akong napaatras at hinilamusan ko ang sarili ko dahil kahit anong gawin ko ay naalala ko nangyari noong gabi.
I never even thought that we'd do it like that. . .
Tumalikod na ako sa salamin habang nakasabunot sa sarili ko. I started to pace around. I need to distract myself. Our memory of last night might trigger my hunger and thirst again. And with Tobias, still sleeping right now that means I must have been taken too much of his blood.
"Distraction. . . distraction. . ." bulong ko sa sari ko.
Until I realized what's the most important thing for me— for the human Kezalli. Nagmadali na akong nagtungo sa drawer ko at kinuha ko ang susi. At halos tumakbo na ako sa harapan ng vault ko para kuhanin ang nine million ko.
I grabbed my money by arms and hugged it with my chest. Naglaglagan pa nga ang ilan nito sa sahig bago ko ilatag iyon sa sofa. Pinulot ko muna ang lahat nang nahulog bago ko ilagay rin iyon sa sofa.
Since the money looks good on our long sofa, I chose to kneel in front of it. Nilanghap-langhap ko pa ang amoy ng pera at hinawakan na ng dalawa kong kamay iyon habang ipinapaypay sa sarili ko. Ilang beses ko pa iyon itinapik sa magkabilang pisngi ko.
"Focus tayo sa goal, Kezalli. This is the real nine million of your life."
Ilang beses ko pa iyong binilang kahit nabilang na namin iyon ni Tobias. I kept telling myself that I'd be one of the known businesswomen in human world with my money and some loot that I'd be able to bring from this room.
Niyakap ko na ang pera ko sa sofa at pilit ko nang iniisip ang mangyayari sa akin sa mundo ng mga tao. "I will not stay here—that night was just part of the process."
"Part of the process?"
Sa gulat ko bigla na lang akong napalingon sa likuran ko habang panay ang paghaplos ko ng pera sa pisngi ko, ngunit iyon ang isang malaking pagsisisi ko.
Because as I turned my head with my bundle of money that I repeatedly hit my right cheek, I was welcomed by another nine million that slapped my left cheek.
"Oh, my gosh. . ."
Tuluyan na akong nawalan ng balanse kaya napahawak na ako sa binti niya para alalayan ang sarili ko, mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang nag-angat ako ng tingin, nagmadali akong lumayo sa kanya at pilit akong nagsumiksik ng upo sa sofa na nakataas ang paa habang pilit tinatakpan ang nag-iinit kong mukha.
"Y-you idiot king! Get dressed!"
"You're making it a habit. On your cheek. . ." he casually said.
Mariin ko siyang itinuro. "I said get dressed! Alam mo Tobias, kaunti na lang malapit ko nang makalimutan ang hitsura mo kapag nakadamit ka! Lagi ka na lang hubad!"
He chuckled. He turned his back and went slowly in front of the cabinet. Gusto kong ilang ulit sabunutan ang sarili ko, napakaraming pera na ang ikinalat ko, ilang beses kong binilang at ipinaypay sa sarili ko, tapos ganoon lang ang mangyayari?
When I looked at him, he was wearing his robe, but still with that weak knot. "Halika! Ako magtatali!"
Lumapit siya sa akin at hinayaan niya akong mariin magtali ng roba niya. "I enjoyed last night." He said softly. My eyes narrowed at him. I will not admit it.
"Do you want to eat?"
I nodded.
He walked on his small table and rang his small bell. Bumalik na ako sa kama at sinimulan ko nang tanggalin ang mga bed sheets na napupuno ng dugo namin.
"What are you doing?"
"May washing machine ba kayo rito? Ako na maglalaba nito."
Lalong nag-init ang pisngi ko nang makita ko ang bakat ng kamay ko roon, at ang kamay ni Tobias. Halos sira na nga iyon dahil may mga kamot ko na rin, kagat, at kung ano-ano pang epidensiya nang nangyari kagabi.
Actually, the whole room was a mess.
Sumilip ako sa bintana, mabuti na lang ay tumila na rin ang malakas na ulan. Kahit masyado kaming abala ni Tobias kagabi ay napansin ko pa rin ang malakas na ulan, akala ko nga ay mababasag na ang mga bintana sa lakas ng hangin.
"Washing machine?"
"This bed sheets, Tobias. I have to wash it. The maids will see our evidence."
He chuckled. "We are mates. That's what mates usually do together. And I don't think it's a secret in this empire."
Naglakad na si Tobias sa may bintana at binuksan niya iyon. "It's good news for everyone."
Hindi rin nagtagal ay may pumasok na ngang tagasunod. Tobias was already seated on his working table, reading some paper, while I busied myself with my money. I could hear how the maids whispered and giggled as to serve us food and clean up the room.
Nagkunwari na lang akong walang napapansin at pilit kong binilang ang pera ko.
"Would you like me to help you?" tanong ni Tobias mula sa kanyang lamesa.
"No. It's okay. I can manage."
Nang matapos na ang mga tagasunod sa paglilinis at paghanda sa amin ng pagkain, yumuko pa sila sa amin ni Tobias bago sila nagmadaling lumabas. Kasasarado pa lang nang pintuan ay narinig ko na ang impit na tilian nila.
"See? Everyone is happy. Now come here, let's eat."
Ibinaba ko na ang hawak kong pera at lumapit na ako kay Tobias na iniwan na rin ang ginagawa niya. Just like the usual days, we ate together, he offered me to try different foods, and he even tried to feed me.
"Ganito na ba talaga ang buhok ko, Tobias? Can I cut it?"
"It's beautiful."
"Eh? Sabog kaya. I look horrible."
"There must be something in your eyes. You're beautiful and I like your hair," ulit niya.
Mas lalo akong ngumiwi sa sinabi niya. "Liar."
Hinawakan ko ang buhok ko. "I will cut this. Ayoko nang mahaba ang buhok ko."
"It will grow back."
"Can you do something about it?"
"Parsua Deltora has witches that can do something about it."
"Can you ask them for me?"
"You don't need to ask. Just tell me everything you want," he said casually with his crossed legs, before sipping his tea.
Hindi ko maiwasang ngumisi. "Ang dulas mo na naman, Tobias."
"I can be smooth for you in different ways, My Queen."
Nagsalin na rin ako nang tsaa at agad ko iyon hinigop.
"Wala talo talaga ako nitong gagong 'to sa salitaan."
Hindi na ako masyadong nagsalita pa habang kumakain kami ni Tobias, dahil alam kong madudulas lang ako sa mga sasabihin niya.
But what I noticed about him was how patient he was, dahil alam niyang gusto ko siyang iwasan o kaya'y hawakan siya, hinayaan niya lang akong dumistansya sa kanya, pero iyong titig niya at pasulyap-sulyap talaga ang hindi niya kayang tigilan.
May dumating nang tagasunod na may dalang gunting at agad ko na iyong tinanggap. "Thank you!"
"Please call the empire's greatest hair—"
"May stylist kayo rito, Tobias? Don't worry. Ako na lang ang gugupit sa sarili ko. Marunong ako."
He suddenly looked amused. "Really?"
"Yes."
He quickly dismissed the maids. Nang humarap na ako sa salamin at sumalampak ako sa sahig para gupitan ang sarili ko, agad nagtungo si Tobias sa likuran ko.
"Are you sure?"
"Yes. Cutting hair is also one of my jobs before."
Binuhat na ni Tobias ang upuan niya at dinala niya iyon sa harapan ng salamin. He watched me while I happily cut my bushy hair. And it took me just a few minutes before I reached my desired length and style. "See? This is better. Long hair will hinder my arrows too. It's inconvenient."
He nodded. "And I can see your neck, my love."
Tumayo na ako at pinagpagan ko ang sarili ko, nanatiling nakaupo si Tobias at bahagyang nakaangat ng tingin sa akin. "Can you cut my hair as well?"
"Huh? A-are you sure?"
He nodded.
"B-but. . ." wala na akong hihilahin.
Agad akong umiling sa pumasok sa isip ko. Tobias smiled. "It will grow back. Don't worry. I just want to try."
"Don't read my mind," kunot noong sabi ko.
"Learn to close it, my love."
Umirap ako sa kanya. "Are you sure? You have a nice hair. Daig mo pa ang rebonded." Pumunta na ako sa likuran niya at hinawakan ko ang buhok niya.
"Rebonded?"
Umiling ako. "Ano ang gusto mong style? Katulad ng kay Pryor?"
"Your choice."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "You will not hate me even if I failed?"
"I don't think I can hate you no matter what you do to me."
Napaawang na lang ang bibig ko. "Wow! Like how can you do that?"
Tobias can effortlessly utter his smoothest words without even batting an eye. Para lang siyang CEO na nagsabing napirmahan na niya ang papeles at kunin ko na lang sa lamesa niya.
Dahil baka lalo lang akong mabaliw sa mga salita ni Tobias, sinimulan ko na siyang gupitan. Let's test your patience, then.
Hindi ka magagalit, ah?
Kung inaakala niyang bibigyang awa ko ang rebonded niyang buhok, nagkakamali siya. Kinuha ko na ang suklay ko para mas maayos ang pagkakagupit ko sa kanya, hanggang sa unti-unti nang tumaas ang pagkakagupit ko na halos hindi ko akalain na makikita ko siya sa ganoon.
Pero yummy talaga! Kahit anong klaseng gupit!
Napailing ako at mariing napakuyom sa hangin. I heard him chuckle. "I said stop reading my mind!"
"I am not reading it. I was just watching your expression. You're funny."
Pinagpatuloy ko ang paggupit sa kanya. I watched his facial expression, but it was still the same. Tobias was just casually moving his head sideways to see his reflection. "Are you done?"
"Hindi pa! May final touch pa. Do you have a small blade?"
"Dagger?"
"Hindi, mas maliit pa."
Dahil walang maibigay sa akin si Tobias, tumawag pa siya nang tagasunod. Dahil ayaw kong may makakita sa kanya, nagmadali akong tumakbo sa pintuan at isinungaw ko lang ang ulo ko.
I explained to the maid the description of the small blade. I waited for few minutes before they gave me a blade. "I think this will do. Thank you!"
Nakasunod lang sa akin ang mata ni Tobias habang nakaupo siyang nakakrus ang hita sa harap ng salamin. "This will be quick, my love."
Humarap na ako sa kanya at yumuko para ahitan ang kilay niya. He wasn't even surprised. "C-can you close your eyes?"
Sumunod lang sa akin si Tobias, hinawakan ko ang mukha niya at inihanda ko na ang talim ng hawak ko. Ilang beses ko na itong ginawa noon pero hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.
That's why when I made that eyebrow slit along the right side of his head, I accidentally deepened his cut. It's bleeding!
"No. . . I'm sorry. Tissue. . ."
I gasped. Nataranta ako at ilang beses akong lumingon sa paligid, at agad akong naghanap ng puwedeng ipunas sa nagdurugo niyang ulo at kilay. Ramdam ko ang pangangatal ng buong katawan ko habang pinupunasan si Tobias.
"Please. . . no, huwag ninyo po akong tanggalan ng trabaho. Huwag ninyo po akong tatanggalin. . ." I uttered repeatedly as if I was inside one of my jobs again, desperate to earn money, to pay my tuition, to eat, and to keep living.
Biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko habang pinupunasan ko si Tobias, ngunit napansin ko rin ang panlalaki ng mga mata niya nang masaksihan niya ang biglang pagbabago ko.
He grabbed my hands and pulled me. He embraced me tightly and he kept kissing the top of my head. "I'm sorry. I'm sorry that I couldn't help you during those days of your life . . ." he cupped my face and met my eyes. "Huwag ka nang bumalik sa mundong iyon. . ."
"If you suffered enough in that world. Allow me to give you memories, you will not beg for food, a warm bed, or clothes, and do things out of your will. You will never suffer again. I will give you everything in my power. Lahat lahat, mahal ko. . ."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro