Chapter 53
Chapter 53: Rumored Dance
I woke up early in the morning without Tobias beside me. I lazily got up and remained seated on our bed, staring at his empty pillow, with no signs that he had been there.
Malapit na akong masanay na ganoon ang sumasalubong sa akin sa bawat araw. I knew that it was part of his responsibility to be more involved in this most awaited event of the kingdom, but I couldn't help but feel empty every time that he was not around. Lalo na't unti-unti na rin bumabalik ang mga alaala ko sa kanya.
Now I feel guilty feeling this way. Sa totoo lang ay ngayon lang ulit bumabawi si Tobias sa Deltora dahil halos nasa akin na ang atensyon niya nang mga panahong gusto ko nang bumalik sa mundo ng mga tao.
I sighed. I hugged my legs to my chest and buried my face behind my knees. Claret might be here with her stories and guidance in this world, but I knew that it would always be different if it were Tobias.
Pakiramdam ko nga ay hindi ko pa napagbabayaran ang hirap na ipinaranas ko sa kanya. He just chose to forget everything and continue as a king, I know that I should be thankful for that— he was so kind and considerate, but I couldn't help but feel like everything seemed so easy for me just because I was the mate of the king.
Hindi ako umalis sa posisyon ko habang iginagala ko ang tingin ko sa paligid. I could see Tobias's usual table, the pile of papers, his quill, books, parchments, and the small flower vase. Even the mirror, that now he could freely leave inside his room even with my presence. Since my memories were starting to return, now I realized that I had spent most of my time inside his room even before I had encountered those witches.
Mas niyakap ko ang sarili ko. "I miss you . . ."
Higit pa akong nanatili sa kama bago ako tumiwid sa aking pagkakaupo. Ilang beses pinilig ang ulo at tinapik ang pisngi. "You should get going, Kezalli. You still need trainings that will help him in the future." Sabi ko sa sarili ko.
I was about to leave our bed and take the small bell to call the servants when I saw a small, folded paper on our bedside table. And when I opened it, I saw the familiar neat handwriting of my mate.
I can't wait to end this Water Festival to spend time with you. I miss you – Tobias Ceasar.
I just stared at his note for a minute. I even noticed how some of my fingers trailed the cursive letters on the scented paper. Tobias had good penmanship.
"Ang guwapo pa ng pangalan . . ." umiiling na sabi ko.
Itinupi ko na muli ang papel at ipinatong sa lamesa. Kinuha ko na iyong maliit na bell at agad nagpakita sa akin ang mga tagasunod. Kung noong una ay pinipilit ko pa si Tobias na huwag nang tumawag ng mga tagasunod dahil kaya ko na naman asikasuhin ang sarili ko, ngayon ay unti-unti na akong nasasanay.
Kapwa nakayuko ang apat na babaeng tagasunod, isa sa kanila ay may hawak ng tuwalya, ang isa'y bagong bote na napupuno ng likido na ipinapahid nila sa aking katawan, ang isa'y kasuotan at ang isa naman piraso ng mga bulaklak.
Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko na silang alalayan ako sa paliguan.
Ang tanging ginawa ko lang doon ay tumayo habang hinububaran nila ako at nang tuluyan na akong walang kasuotan, ay saka lang ako unti-unting humakbang patungo sa maligamgam na tubig—sa lugar kung saan natatandaan ko kung saan ako unang bumagsak.
Ibinabad ko lang saglit ang katawan ko doon bago ako bumalik sa mas mababaw upang higit akong paliguan ng mga tagasunod.
These servants are new ones. Hindi na ibinalik pa ni Tobias iyong mga tagasunod na nakasaksi kung paano ako nahirapan noon habang kinakalaban ko ang aking sarili. Tobias told me that as much as possible he'd eliminate everything that would make me remember how I chose to be vulnerable before.
"Nasaan ang mga dating nagsisilbi sa akin? Nawalan ba sila ng trabaho dahil sa akin?" Nag-aalangan pa ako sa katanungang ito.
"Hindi mo, Mahal na Reyna, dinala lamang sila sa ibang posisyon. Maaaring sa kusina, sa hardin, o kaya'y sa paghahanda ng mga dekorasyon sa palasyo."
Napahinga ako nang maluwag sa kasagutan ng pinakabata sa kanila. Kung tutuusin ay siya lang iyon madalas sumagot sa akin, kumpara sa mas matatanda sa kanya na tila natatakot pa sa akin.
"Mahal na Reyna, kayo po ba ay magtutungo muli sa pagsasanay ninyo ng pinunong babaylan?"
"What is your name?" Tanong ko pabalik sa kanya.
Mas lalong yumuko ang tatlong tagasunod at hinampas pa ang braso ng nakababa dahil sa katanungang iyon. "Paumanhin, Mahal na Reyna, ngunit nakalilimutan yata ng batang ito ang respeto."
Tipid akong ngumiti. "Hindi masamang kausapin ang reyna. Huwag kayong mag-alala." Sinalubong ko ang mga mata ng kababata sa kanila. "Your name?"
"Alice."
Mas ngumiti ako sa kanya. "Ngayon, Alice,
malaya kang magbigay sa akin ng komento at mga kuwento na naririnig mo sa loob ng kaharian."
Namilog ang mga mata ng batang bampira at hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Gagawin mo po akong kanang kamay, Mahal na Reyna?"
Napangiwi ako pero dahil ayokong tanggalin ang tuwa sa mga mata ng bata ay tumango na ako. "Now tell me . . ." lumingon din ako sa mga kasamahan niya. "Kayo rin."
Habang pinaliliguan nila ako ay nagsimula nang magsalita si Alice. Ang ilan sa mga sinasabi niya sa akin ay pamilyar na. Si Rosh na napakaraming tagahanga hindi lang sa Deltora, ang mga proyekto nito, ang mga pagdiriwang at produkto ng kaharian na dinadayo ng taga ibang emperyo, ang repustasyon ni Pryor na hindi nakasusundo ng lahat at sa balitang may hinuhuli daw ito sa mahabang panahon ngunit hindi niya mahuli-huli.
"Hindi ba't usap-usapan na nahuli na daw ni Prinsipe Pryor?"
"Ang balita'y napasa-ilalim sa sumpa at napa-ibig ng mangkukulam?"
"He was sent to a mission, but he returned unexpectedly!"
"Isa rin sa usapan na ang prinsesa ng mga Le'Vamueivos at itinakda sa pinakamalakas na lobo sa Parsua at usap-usapang sa buong Nemetio Spiran pa."
Napalingon na ako sa kanila. "Talaga? Is it a conflict? She's a princess and her mate is a werewolf."
"Noon ay isang malaking problema ito. Ngunit natigil din dahil sa isang prinsesa mula sa Sartorias."
"Ang kasulukuyang reyna ng Nemetio Spiran ang tumapos ng malaking problema sa pagitan ng mga lobo at bampira."
Ilang beses akong napatango sa sinasabi nila, hanggang sa maalala ko iyong ilang kuwento sa akin ni Claret tungkol sa mga Gazellian. She told me that she'd give me more about this world, iyon ka lang ay sa sobrang dami ay pinili niya na lang higit magbigay ng impormasyon sa mga nalalaman niya sa Deltora.
"W-wala ba kayong naririnig tungkol sa akin matapos ang anunsyo ni Tobias sa lahat?"
Natigilan silang apat sa katanungan ko. Ilang beses pa silang nagkatitigan, may nakakunot na noo na tila iniisip ko minsan na nga bang napasok sa usapan ang ngalan ko.
And then suddenly, Alice flicked her finger and widely smiled at me. "Mahal na Reyna, nakahanda ka na ba sa iyong pagtatanghal?"
I blinked. "Pagtatanghal?"
Nagkatinginan muli ang apat nang makita nila ang reaksyon ko. "Sa tuwing bubuksan ang unang araw ng pangmalakihang pagdiriwang dito sa Deltora ay nagkakaroon ng pagtatanghal ang mga maharlika sa palasyo. Usap-usapan na ang reyna ang siyang magbubukas nito."
Nanlaki ang mga mata ko at bigla na lang akong napatayo, dahilan kung bakit humantad ang aking kahubaran sa kanilang apat.
"W-walang nasasabi sa akin si Tobias."
Hinampas ng isa sa kanila si Alice. "Posibleng hindi muna ang reyna ang magbubukas dahil bago pa lang siyang ipinakilala sa kaharian."
"Sino ang nakaraang nagbukas ng pagdiriwang?" tanong ko.
"Noong nakaraang mga taon ay sama-sama pa ang magkakapatid, nang huling taon ay si Prinsipe Rosh lamang. Ngunit nagsimula lang ang tradisyong iyon dahil kay Reyna Raeliana. The Queen has the most breathtaking water dance in the history of Parsua Deltora."
"The Queen?"
They nodded in unison. Water dance? Paano iyon? Biglang sumakit ang ulo ko.
Maybe Tobias wasn't really planning to include me. I knew that he was just trying to protect me after the incident, pero hindi ba dapat ay sinabi niya lang sa akin ang tungkol dito?
Bigla kong naalala iyong pagbaba namin ni Tobias sa kaharian. I saw how Rosh played with his flute. Kung si Rosh na nga ang nagbukas noong nakaraang taon, hindi nga malayong isipin ng mga nilalang sa kahariang ito na ako na ang susunod.
"Pero sino ang naririnig ninyong inaasahan ng lahat?" Muli kong tanong, nagbabakasali na mali ang iniisip ko.
Nag-aalangan pa silang nagkatingan sa isa't isa, bago kumakamot sa kanyang ulong sumagot si Alice. "Maging kami ay inaakala namin na ikaw, Mahal na Reyna, kaya napapadalas na kasama mo ang pinunong babaylan."
Kumunot ang noo ko. "Si Claret? Bakit?"
"The first goddess from the prophecy is known for her sword dance. Kumalat ang balitang iyon sa buong Nemetio Spiran nang magtanghal siya sa Mudelior."
Nanghihina akong napaupo muli at ibinabad ang katawan ko sa tubig. Mariin akong napapikit nang maalala ko bigla ang pag-uusapn namin ni lola noon nang bata pa ako. I remember when she told me that at least I had to learn a certain dance. Kinakausap niya pa ako noon sa harap ng salamin.
Napahilamos na lang ako sa sarili ko at bigla na lang ako natawa nang may naalala ako.
Natapos ako sa paliguan na maraming nalaman mula sa mga tagasunod. Agad akong nagtungo sa silid kung saan kami nag-aaral ni Claret ngunit nang pumasok ako roon ay kasama na niya si Zen.
"Kezalli, it's alright if I'll borrow my Claret for today?"
Kasalukuyang nakaupo sa lamesa si Zen, nakakrus ang mga hita habang may hawak na nakabukas na aklat.
Claret smiled at me apologetically. "Of course."
Napabuntonghininga si Claret. "Kezalli needs more lesson, Zen."
"She agreed, right, Kezalli?"
I nodded.
"I know that you'll enjoy the Floating City today, baby. Let's go."
Wala nang nagawa si Claret nang hilahin siya ni Zen, ngunit bago lumampas sa akin si Zen ay humilig siya saglit para bumulong. "I think Tobias is about to finish his tasks today as well. And he's a little bit thirsty . . ."
Nakangisi siya sa akin bago niya hinapit ang baywang ni Claret. Napatili pa ito nang halos buhatin siya ng prinsipe.
Ang tanging nagawa ko na lang ay tumindig doon sa silid na iyon at tumanaw sa labas ng bintana. Saan naman kaya ako magtutungo?
Handa na sana akong lumabas sa silid na iyon at magtungo sa ibaba ng palasyo nang matigilan ako nang salubungin ako nang nagliliparang maliliit na diwata na muntik nang tumama sa mukha ko.
"Queen!"
I grimaced. I even remembered how Pryor threatened me not to invite these pixies. "Hindi pa kayo natatakot kay Pryor? He might be around."
Sabay-sabay lang silang umiling sa akin. Kapwa nila pinagkrus ang kanilang mga braso habang nakangisi sa akin. "Why are you here? Kung naririto na naman kayo para magsumbong sa akin na may kinausap na babae si Tobias—" they cut me off.
"Mahal na Reyna! Inaasahan na ng buong Parsua Deltora ang iyong unang pagtatanghal! We're all excited to make you a dress!"
Nang sabihin nila iyon, nagliparan sila sa kabuuan ng silid habang nagtatawanan, napuno ng kumikinang na alikabok ang paligid, at ang ilan pa sa kanila ay napapaawit.
"Should we make her a blue dress?!"
"It should be white!"
"How about green just like King Tobias's eyes!"
"We'll make her the most beautiful! Because she chose the pixies of this kingdom as her right hand!"
I waved my hand dismissively. "No. I did not announce that."
Alam ko na kahit si Tobias ay sasakit ang ulo sa kaalamang sila ang napili kong kanang kamay. They only loved to talk about gossip, stories, and issues about the kingdom. Hindi na rin ako magtataka kung sila na rin ang dahilan ng hindi pagkakaunawan dahil sa pinagpapasa-pasa nilang istorya.
"And please, stop it. Umuwi na kayo. How can you make me a dress? I don't think I can dance. I don't know if it's fine—" napailing ako. Papanuorin ko na lang siguro si Rosh sa pagtugtog ng plauta.
Natigilan silang lahat sa sinabi ko.
"You will not dance?!"
"Yes. The King didn't even inform me."
Nagkatingan silang lahat sa sinabi ko. Iiwan ko na sana silang lahat sa silid na iyon nang muling naulit ang pangyayari na alam kong magiging dahilan kung bakit posibleng sumakit ang ulo ni Tobias.
Because the pixies just attacked me, turned me into their size, and kidnapped me from the castle. "The Queen should open the festival with a dance! We will teach you!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro