Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

Chapter 33: Agreement

"Veda will seek for me because I have the throne. I will be the king of this world. She can have it if she deserves it better than I am!" Rosh's voice thundered inside that room.

I didn't know everything going on between them, but the only thing that cleared at that moment was the intensity of Rosh's words with Pryor, Marah, and Tobias's reactions— as if it was a declaration of war.

I couldn't help but look outside of the window as if the heavens felt the tension inside this room, the sky darkened, the wind blew harshly with the curtains, and it started raining.

Marah gasped, took a step back, and covered her mouth, Pryor's eyes widened, while Tobias didn't even move an inch.

Everyone was unmoved, enveloped in silence, broken by the sound of the wind, and the splash of the raindrops against the window. I felt cold, scared, and lost.

What is going on? Who are these siblings? Why do I have this feeling that they are about to kill each other? Why can't I remember anything? How did I end up in this situation?

Wala sa sarili kong muling napahawak sa aking noo dahil sa biglang pagsakit niyon, at nang mapansin ni Tobias ang reaksyon kong iyon ay akma siyang muling lalapit sa akin nang tumalim ang mga mata ko sa kanya.

"K-Ke—" He closed his eyes, shook his head, and looked forward.

"Tama na iyan, Rosh, Pryor," babala niya.

Iritableng binitawan ni Rosh si Pryor na muling dumaosdos sa pader, lumingon sa posisyon ko si Marah na matalim ang titig sa akin.

I could feel it. Pryor and Marah's hatred of me. Kahit naman hindi nila ako hantarang ituro, alam kong mainit na ang dugo nila sa akin sa paraan pa lang ng pagtitig.

I had this urge to get off my bed and escape from these siblings, but I knew that it could be the worst move at that moment. Baka hindi na na namalayan na sa akin na pala tumama ang atake ng isa sa kanila. Lalo na't nasaksihan ko na ang pinsala na nagagawa nila sa isa't isa.

How could someone easily lift someone's body like that? How could someone pin someone on the wall like that? Who are these people?

Nanatili muling nakasalampak sa sahig si Pryor. "Narinig mo ba ang sinabi ng kapatid mo, Tobias?" tanong ni Pryor.

"I thought you never wanted the throne, now you're willing to take it from your brother— your twin at—" hindi maituloy ni Marah ang sasabihin niya dahil muling nagsalita si Rosh.

He was still towering Pryor as he placed his hands on his waist. "I think you failed to understand, Marah Heloise, my dear sister, my words. Tobias can still have the Deltora, I deserve a bigger throne."

Kapwa umawang ang bibig nina Marah at Pryor. Napansin ko pa na kapwa ang mga iyon lumingon kay Tobias na tila naghahanap dito ng kasagutan, ngunit nanatili itong tahimik habang nakatitig sa likuran ni Rosh.

"Y-you mean . . ." Marah gasped. "You're insane."

"Aagawan mo si Dastan? I thought this kingdom has pledged an eternal alliance . . . I don't understand," naiiling na sabi ni Pryor.

And then Rosh laughed in front of us. "Of course, because I am way better than Dastan. Kaya umayos ka Pryor dahil sa sandaling umupo na ako sa trono, baka hindi ka na makalabas sa kabaong mo."

He even flicked Pryor's forehead before he turned his back. Agad dumalo si Marah kay Pryor, handa pa sana itong magsalita nang sapilitan na siyang hilahin ng kapatid niyang babae sa labas ng silid.

Nang sandaling wala na roon sina Marah at Pryor, kapwa napabuntonghininga sina Rosh at Tobias. Ibinaba na ni Rosh ang kanyang mga kamay mula sa kanyang baywang at naupo siya sa paanan ng kama ko. Pinagkrus niya ang kanyang mga hita at braso bago lumingon sa akin.

Tobias tried to take another step closer, but all he did was clasp and unclasp his hand as if he was trying to control himself.

"If her memories were truly erased, Tobias, you don't have a choice but to start a new one with her."

Huminga ako nang malalim at magkasunod kong sinalubong ang kanilang mga mata. "I don't want to start a new with anyone. Hayaan ninyo na akong umuwi."

Kapwa lang tumitig sa akin ang dalawang lalaki at sa nakikita ko sa ekspresyon nila ay hindi nila iyon nais ibigay sa akin.

"Can't you see my situation? Hindi ko man tuluyang naintindihan ang pinagtatalunan ninyo kanina, alam kong hindi maganda ang tingin sa akin ng dalawang umalis. They hated me. They will hurt me or worst—"

"I will not allow anyone to hurt you." Agad na sabi ni Tobias.

Marahas akong lumingon sa kanya at muling tumalim ang mga mata ko. "Sinabuyan mo ako ng asido dahil tumakas ako sa 'yo!"

"Mahal ko . . . hindi ko ginusto ang nangyari—" Tobias was cut off.

Nawala sa pagkakakrus sa kanyang braso at hita si Rosh, minamasahe na niya ang kanyang noo. "Again? What acid?"

Sumulyap sa akin si Rosh na parang hindi siya makapaniwala na ginawa iyon sa akin ni Tobias.

Nanghihinang napaupo sa malapit na upuan si Tobias. "Didn't I tell you? My water turned acid when it touched her. It's as if my power turned lethal for her. I think we're cursed."

Nakahawak na sa ilalim ng kanyang baba si Rosh at muling sumulyap sa akin. "What really happened?" he asked me.

Umiling ako sa kanya. "Wala akong naalala. Hindi ko kayo kilala at hindi na ako natutuwa sa pinag-uusapan ninyo."

Are they high? Cursed? Are we in another world?

Sunod-sunod ang katanungan ko sa sarili ko at muli kong pinagmasdan ang dalawa. Sa paraan pa lang ng pananamit nila, ang pinong kilos at maging ang kakaibang lakas nila ay nakapagtataka na.

Are we high?

"I remember trying to enter her mind when we were still fighting against Atlas— her mind is filled with Eyah. But I think the one she followed was Mitchelle Thundillior."

"Eyah? Freya?" Rosh said, looking grim.

Kumuyom ang dalawang kamay ko sa ilalim ng kumot nang marinig ang pamilyar na pangalan ng babae. Kung ganoon ay tama ang hinala ko, kilala nila si Eyah.

Huminga na ako nang malalim.

"If this is one of Eyah's games and she sent me to play with you, tell her that I am done. Hindi pa ba siya masaya sa ipinagagawa niya sa akin at ngayon ay pinipilit niya akong maniwala na bigla na lang ako nawalan ng alaala sa kakaibang lugar na ito?"

I knew Eyah too well. If she was not enjoying her time with Vito or watching human fights filled with blood in a huge arena, she had more disgusting habits. She loves watching real emotions—as if it was her lifeline.

Iba't ibang emosyon ng paghihirap.

I wouldn't be surprised if one of these days Eyah would show herself with my sex tape with this man with green eyes.

"If this is really a curse, it's similar with . . ." hindi na itinuloy ni Rosh ang kanyang sasabihin nang tumango si Tobias.

"It's similar to Claret and Zen, Kezalli might not vanish with my touch just like Claret to Zen, but my power can kill her."

Rosh gasped, he stared at me for a moment. "If you and Kezalli have the same curse, then it could be . . ."

Muling tumango si Tobias. "Freya can be one of the witches or Mitchelle . . ."

Rosh looked at the ceiling with his hands pressed on the bed, behind his back. "They disappeared right after cursing Zen and Claret, at sila ang higit na may galit sa mga katulad ni Kezalli."

"Mga high ba kayo? I know that Eyah's a witch— or she can even surpass as a monster. Pero wala na akong panahong makipaglaro sa inyo, hindi ko alam kung biktima rin ba kayo ng organisasyon niya kaya wala na akong magawa kundi sumunod sa pag-arte na ito, pero wala na akong panahon."

Sa kabila nang panghihina ng katawan ko at pag-ikot ng paningin ko ay nagsimula na akong bumaba sa kama.

"Oh no . . . not again, is this a déjà vu?" nag-aalangan nang tumayo si Rosh na akma na akong pipigilan.

Kaiba ni Tobias na ngayon ay nanatili na lang nakaupo at pinagmamasdan ako.

Hirap na hirap na akong tumayo at nang sandaling nakahakbang na ako ay bigla nang humarang ang dibdib ni Rosh sa harapan ko. SInilip nila ang kapatid niyang nasa likuran ko.

"You're still weak, Kezalli. You'll collapse any moment."

"Please . . ."

Mariin siyang napapikit nang sabihin ko iyon at muli niyang tinanaw ang kapatid niyang nasa likuran ko. "I can try to ask them from Sartorias . . ." he said, agonizingly.

"No. This is our problem, Rosh. At tulad nga ng sinabi mo, gaano man kaganda ng relasyon natin sa mga Gazellian, higit pa rin na maganda na bigyan natin sila ng distansya matapos ang nangyari . . ."

"But . . ."

"You helped enough, Rosh. I know that everything's hard for you as well. Leave us for a moment."

Hindi na nagsalita pa si Rosh dahil tumango na siya sa kapatid niya, ngunit nang sandaling tatalikod na siya ay nangangatal ang kamay kong hinawakan ang laylayan ng kasuotan niya.

"D-Don't leave him alone with me . . ." nakayukong sabi ko.

"Oh, no . . . not because your memories were erased you can openly say that I am more attractive than my brother. Forgive me, Tobias."

Hindi ko inalis ang kamay ko sa laylayan ng kasuotan ni Rosh nang humarap na ako kay Tobias na nakakrus na rin ang mga hita at ang mata'y saglit na naglandas sa kamay kong nakahawak sa damit ni Rosh.

We're not in a relationship, and he's probably just my one-night stand. At kailanman ay hindi ko nais magtagal sa isang silid kasama ang mga taong nanakit sa akin.

"Give me four months, Kezalli. Sa sandaling hindi pa rin bumalik ang mga alaala mo ay malaya ka nang umalis sa mundong ito."

"One month."

Umiling siya. "Three months."

"Two months," I insisted.

Rosh gasped. "Two months is too short if we're going to find a cure."

"Two months it is," Tobias said with a nod.

Huminga ako nang malalim. "Then it's a deal."

"First you have to stop thinking that everyone was drugged in this world. You were not drugged, and not anyone from us. You were cursed." Panimula ni Tobias.

Iyon ang hindi ko pa rin kayang paniwalaan. Ano pa ang nangyayari sa mga tao rito? At paano niya nalaman na iyon ang iniisip ko? Isinumpa ako?

"Nasaan tayo?" tanong ko.

"You're not in the human world, Kezalli. You're in Nemetio Spiran, it's a world filled with vampires, witches, werewolves, and different creatures." Umawang ang bibig ko sa narinig mula sa kanya.

Hanggang sa bumalik sa alaala ko iyong biglang pagbabago ng anyo ni Rosh kanina nang galit na galit siya kay Pryor. Ang biglang pagpula ng kanilang mga mata, at ang kakaibang mga nakikita ko na akala ko ay parte lang ng droga na itinurok sa akin.

"You're not here to serve anyone, Kezalli. Everyone's willing to serve you," dagdag ni Tobias.

"Why?"

Saglit sumilay ang tipid na ngiti sa labi ni Tobias ngunit agad rin iyong nawala. "Because you're the queen of this kingdom— you are my queen."

Nang sabihin iyon ni Tobias, biglang bumalik sa alaala ko ang pagtatalo nilang magkakapatid kanina.

"Iyon ang pinagtatalunan ninyong magkakapatid hindi ba? Pyror and Marah are against this. Kung totoo man ang sinasabi mo, Tobias, hindi ba dapat pakinggan sila? Now that I couldn't remember anything, hindi ba ako pabigat na lamang? Paano kita matutulungan kong wala akong maalala?"

"That's why we're going to look for a cure?"

"I'd be honest with you . . . how should I call you? Your Majesty? Kilala ko ang sarili ko, kahit mawalan man ako ng alaala. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pipiliin mamuno sa isang lugar at tumanggap ng responsibilidad. Did you happen to offer money for me to be obedient? How was our relationship? Are we in love? Me? In love? This must be a blessing in disguise for all of us."

"Blessing in disguise? You and Tobias were utterly annoying during our mission," nakangiwing sabi ni Rosh.

Ngunit nagpatuloy ako at hindi ko na inalis ang mga mata ko kay Tobias.

"Or maybe I was faking it? I should feel something for you right now. None. I don't feel anything. Mas natatakot ako sa puwede mong gawin sa akin kapag hindi ako sumunod sa kagustuhan mo. Kaya papayag ako sa dalawang buwan, ngunit kapag wala akong maalala, palayain mo na ako. Unless I was your prisoner and not your lover— or your queen."

"K-Kezalli . . ." halos bulong na ang boses ni Rosh nang tawagin ako.

Hindi man lang kumurap sa akin si Tobias at ang tanging nagawa niyang tumango sa akin. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro