Chapter 32
Chapter 32: Declaration
"N-no . . . I don't want to hurt you," I saw a tear fall on his cheek. He wiped it and he hysterically looked around as if he were asking for help.
"S-stop, why is s-she looking at me like that . . . someone tell her. Someone help me . . ."
I tightened my arms around my legs, pressing myself against the wall as if I could hide from it, my body was trembling in fear as I could hear the familiar crackling of burning fire inside the room — giving me an image of a shadow and laughter of a woman. Half of my face was buried behind my knees while my eyes glared at him.
Who is he? What does he want from me? He was trying to kill me . . . he was trying to burn me. Lumabas na ang totoong kulay niya ngayong nakikita niyang hindi na ako susunod sa kagustuhan niya. He was like Vito and Eyah who had been manipulating me after by hurting Dave.
Hindi na ako kailanman papayag na muling umikot sa palad ng taong katulad niya. And if Vito and Eyah gave me to him as his toy . . . I'd definitely give him hell.
"K-Kezalli . . ."
When he took another step, I screamed at the top of my lungs. "Huwag kang lalapit sa akin! Huwag kang lalapit!" paulit-ulit kong sigaw.
"K-King Tobias . . ."
He faltered when two women in blue dress gently touched his arm, I saw how they shook their heads in disapproval.
"S-She's in pain, please do something," he almost said in a whisper.
When he looked at me, he tried to open his mouth to say a word, but he stopped. He took a deep breath, tilting his head up as he stared at the ceiling for a while. His hand balled and unclasped, and then I saw how it trembled as he massaged the bridge of his nose.
He nodded at the women before longingly glanced at me, then turned his back. He almost stumbled as he held one hand on the door frame.
Higit pa sana akong manlalaban sa mga babaeng ngayon ay nagsisimula na namang lumapit sa akin. Nakailang mura at palag na ang ginawa ko sa kanila, ngunit sa pagkakataong iyon ay higit silang malalakas sa akin, at tila ang droga na itinurok nila sa akin ay nagbibigay na naman sa akin ng mga imahe na ang hirap paniwalaan.
All I did was scream, curse, and cry as my eyelids started to fall. Bakit ako nasa ganitong sitwasyon?
***
"Are you sure that she lost her memory?" I heard the voice of a woman.
"She is," replied the familiar voice of a man.
Lalong sumakit ang ulo ko. Umasa ako na isang masamang panaginip lang na napadpad ako sa lugar na may mga kakaibang tao at may kakaibang paniniwala, nanalangin ako na hindi ako tinuturukan ng kung anong droga para magkaroon ako ng mga nakikitang hindi kapani-paniwala, ngunit nang maalimpungatan ako at marinig ang kasalukuyang usapan ng mga taong nasisiguro kong nakapaligid sa akin habang natutulog ako ay gusto ko nang maghisterya.
But I tried to calm myself and pretended to sleep. Maybe they would leave the room and I could escape?
"What if she's faking it? Alam mo naman na gusto niya lang bumalik sa mundo niya," sagot pa ng boses ng isang lalaki.
"Pryor, I don't think she's faking it," sagot pa ng panibagong boses ng lalaki.
"How sure are you, Rosh?"
"Tumahimik ka kung wala kang magandang sasabihin, Pryor," sagot ng pamilyar na boses ng lalaki— ang lalaking may berdeng mga mata.
Namayani ang katahimikan sa apat na boses hanggang sa magsalita na muli ang babae.
"Do you think we have to inform everyone from Sartorias? We can ask for help."
I heard someone huff. "Right now? May karapatan pa ba tayong humingi ng tulong sa kanila? They lost Kalla. Finn is in coma, and we're all aware that . . ." he trailed off. "Ano ang karapatan nating humingi ng tulong sa kanila, Marah?"
"There's something wrong, Rosh. It can't be Veda, she's under the influence of Atlas, hindi isang Le'Vamuievos ang may gagawan ng lahat ng ito. Ang demonyong iyon ang siyang may dahilan ng lahat. No . . . hindi ba? Pareho tayo ng iniisip?" nangangatal na rin ang boses ng babae.
"How I wish that our sister was manipulated, but I've seen it, Marah, ipinakita ni Claret sa ating lahat ang nakita niya. If we're going to deny the truth just like how our parents covered Veda, ilang Kalla at Finn pa ang magiging biktima? Katulad ko ay hindi ko rin gustong paniwalaan ang mga nakita ko. But now that memories were starting to come back . . ."
"Rosh, isn't Veda a victim as well? Hindi naman masama ang hangarin niya sa mundong ito. She was just robbed by these filthy—" Hindi na nasundan pa ng lalaki ang kanyang sasabihin nang malakas na pagbagsak ang siyang narinig ko.
"One wrong word against Kezalli or to any woman from the prophecy, Pryor! And I will kill you!" Matigas na sabi ng lalaking may berdeng mata.
"Tumigil na kayo!" sigaw ng babae.
"N-now you're choking me to death, Tobias?" Hirap na sabi ng lalaki.
"I will! Kung hindi ka titigil!"
"And now our kingdom suddenly has a problem just because some sort of a woman tried to be heroic? Sino ngayon ang nakaratay sa kama at nasisiraan ng bait?"
"You bastard Pryor!" mas malakas na sigaw ng lalaking may berdeng mata na nasundan muli ng malakas na lagabag.
"Fuck! Stop it! Maghiwalay kayo!" sigaw ng isa pang lalaki.
Sa kabila ng pagkakagulo nilang apat ay pinanatili ko ang sarili kong nakapikit. Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nila. Are they bunches of idiots? Are they high? Ilang droga ang itinurok nila sa kanilang mga sarili at ganito ang lumalabas sa mga bibig nila?
Narinig kong umiiyak na ang babae habang nakakarinig na ako ng sunod-sunod na lagabag at mura.
"Sa halip na tulungan ninyo si Veda, you're ganging up against her— her siblings. Pointing fingers at her as the villain! She's a victim! She was cast away! Bigla siyang itinapon ng ipakilala ang mga babaeng hindi naman galing sa mundong ito! It was her throne, and when she's trying to claim it, she became a villain? Kapatid ninyo si Veda, ngunit ipinagpalit ninyo siya sa mga babaeng ano? Tawag ng laman ninyo."
"Fuck—" naputol ang mura ng lalaking may berdeng mga mata nang agad iyong nasundan ng boses ng ikalawang lalaki.
"Pryor! You asshole!"
"Rosh!" sigaw ng babae.
Kung kanina ay nagawa ko pang magkunwari ngayon ay nagsimula na akong bumangon. Wala sa akin ang atensyon ng apat dahil kasalukuyan na silang nakatalikod sa akin.
Nakayukong nakakuyom ang mga kamao ng lalaking may berdeng mga mata habang pinapanuod niya ang dalawang lalaki. Ang isa'y nakahiga na sa sahig habang ang isa naman ay lumilipad nang paulit-ulit ang mga kamao patungo sa lalaking nakahiga habang ang babae'y walang tigil sa pag-iyak.
"Rosh, please! Stop!"
Dumalo na ang babae sa lalaking sumusuntok at pilit niya itong hinihila papalayo sa lalaking ngayon ay dumudugo na ang labi.
"What the fuck is wrong with you, Pryor?!" sigaw ng lalaking inihiwalay ng babae.
Nanatiling nakaupo ang lalaking nasuntok na tinawag niyang Pryor sa sahig at pinupunasan na niya ang dugo sa kanyang labi. "I will give Veda a chance. I will save her. Kaiba sa inyo na itinuturo siya bilang kalaban dahil nakatakda siyang pigilan o kitilin ng mga babaeng itinakda sa inyo."
When he saw me sitting on bed, he smirked. Napansin na rin ako ng babae at kumunot ang noo niya sa akin. Marahan siyang tumabi sa lalaking nakaupo sa sahig.
"M-Marah . . ."
"I will give her a chance as well. Tama si Pryor, if you're willing to give endless patience or even help to others, Rosh, bakit hindi ang sarili mong kapatid? Aren't you a hypocrite for that? Bakit sa halip na tulungan natin siya ay sumama kayo sa mga nilalang na itinuturo siya? She is our sister. Nang sandaling nasa isip niyang nasa kanya ang trono, nasisiguro kong hindi siya nag-isip ng masama sa emperyo."
"I will not let any woman from the prophecy kill our sister," mas mariing sabi ni Pryor na nagkulay pula ang mga mata sa akin.
Doon lang napalingon sa akin ang dalawang lalaking nakatalikod. It was Tobias, the green-eyed man and the other man they called Rosh.
"Kezalli . . ."
Nang subukang lumapit sa akin ni Tobias ay bahagya akong umatras sa kama. Saglit lang akong tinitigan ni Rosh at muli niyang hinarap ang dalawa. Wala akong masyadong naiintindihan sa pinag-uusapan nila, ngunit madali kong napansin ang galit sa akin ng dalawang nasa unahan, sina Pryor at Marah.
But that didn't make me think that Tobias and Rosh were my allies. Hindi ko pa rin nakakalimutan na sinabuyan ako ng asido ni Tobias dahil minsan ko siyang tinakasan.
"How are you going to save her, Pryor? Tell me." Mas matigas na sabi ni Rosh.
"How dare you tell us that we're not trying to save our own sister? Sino ang naroon kasama ang mga Gazellian para iligtas siya? Sino ang nakipagsapalaran para muli siyang makita—" Tobias was cut off.
"Gusto kong sumama ngunit pinigilan mo—"
"You're a fool! Sa tingin mo ba ay isasama ka namin? You can't even handle a small mission just because a woman—" hindi na natuloy ni Rosh ang sasabihin niya nang marahas nang tumayo si Pryor at kinuwelyuhan niya si Rosh.
"Tumigil na sabi kayo!" Mas malakas na sigaw ni Marah.
Marahas tinabig ni Rosh ang mga kamay ni Pryor at itinulak niya pa ito dahilan kung bakit tumilapon ito sa pader, bumagsak at muling sumadsad sa sahig.
"Rosh!"
Tumakbo na si Marah patungo kay Pryor at dinaluhan na niya ang kapatid niya. Nanatiling hindi gumagalaw sina Rosh at Tobias sa kanilang kinatatayuan habang nakatanaw sila sa kanilang mga kapatid.
Marah looked sharply at me.
Biglang tumawa ng malakas si Pryor. "This is the difference between us and the Gazellians, sila, kaya nilang gawin ang lahat para sa mga kapatid nila. They would kill for their siblings—pero ano ang kaya ninyong gawin dalawa? After pointing out your own sister as a villain? How are you going to accuse me?"
"Pryor!" sigaw ni Tobias.
Tumayo na si Marah at iniharang na niya ang kanyang sarili sa pagitan ng kanyang mga lalaking kapatid habang nakabuka ang kanyang mga braso.
Tobias looked at me longingly. Gusto niyang lumapit, magsalita at manatiling nakatitig sa akin ngunit sa paraan ng pagtitig ko sa kanya ay siya na mismo ang nag-iiwas ng tingin sa akin.
I couldn't just trust anyone inside this room, lalo na't wala akong naiintindihan sa kanilang pinagtatalunan.
"Ano ang gusto mong gawin natin, Pryor, magbulag-bulagan katulad ng ginawa nina ama't ina? Do you think they didn't try to save Veda?" tanong ni Tobias.
Tumayo na si Pryor at itinaas na niya ang dalawa niyang kamay habang umiiling.
Hindi rin nagtagal ay isinilid na niya sa kanyang bulsa ang kanyang dalawang kamay. He spat blood from his mouth before he smirked at me.
"I don't want to listen to any of you. Because no matter how I tried to ask you to save your sister, you will never choose her because she is the destined villain and the women from the prophecy will always be the savior of this world. I'd not even be surprised if one of your hands would kill your own blood when Veda seeks her throne against a human girl to prove that you're a loyal pet to offer the throne to a human—"
In a moment I saw Pryor's body hanging on the wall as Rosh pushed him with both of his hands wrapped around his neck. Rosh was trembling, he had fangs and his eyes were burning red.
"VEDA WILL SEEK FOR ME. BECAUSE I HAVE THE THRONE. I WILL BE THE NEXT KING OF THIS WORLD. SHE CAN HAVE IT IF SHE DESERVES IT BETTER THAN I AM."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro