Chapter 20
Chapter 20: Entrance
"Alright! I can do this!"
I tightly slung the quiver over my shoulder as I started to run fast. Over my chest was another string of a magical brown bag containing all of my weaponry.
As I continued to move forward, the gush of the wind kissed my cheeks. I could feel the dim light of the moon passing through the spaces of the billowing tall trees. The heavy thud of my heavy boots against the dry leaves and fallen branches, accompanied by the soft clatter of the wooden arrows behind me overwhelmed the whole place.
Until the thick roots that I failed to notice slipped under my foot, in a moment, I found myself sprawled on my stomach.
"Shit!"
I irritatingly kicked the thick root before I got up. I remained seated for a while, with my hands pressed on the ground behind me, and then I looked up. I suddenly felt like I was already in the heart of the forest with the canopy that seemed to be swirling before my eyes.
I closed my eyes, took a deep breath, and shook my head. "Let's go, Kezalli!"
I stood up and looked around.
Sa saglit na sandaling ipinakita sa akin ni Tobias ang daan gamit ang kanyang mga mata niya, hindi na ako nahirapan tahakin ang daan ko sa kagubatang iyon. Isa iyon sa katangian mayroon ako, mabilis akong turuan at lalong hindi ako nakalilimot.
I am basically made to survive. Ganoon na rin talaga siguro kung iyon na talaga ang nakalakihan ko. Noong una'y nanatili akong naglalakad hanggang sa masundan iyon muli ng pagtakbo.
I took a different route. Kahit naririnig ko na ang ingay na nagmumula sa grupo nina Claret ay pilit akong nagpatuloy sa pagtakbo.
Si Tobias na rin mismo ang nagsabi sa akin na kaya na iyon ng grupo nina Claret. I should reach the old castle, find a best spot to help them, because that's how I could effectively help them with my ability in a long range combat.
I surpassed Claret and her group.
Panay ako sa pagtakbo hanggang sa matigil ako nang makakita ng apat na kakaibang nilang. Baboy ramo?
Hindi lang ako ang natigilan dahil maging ang mga ito'y tila hindi inaasahan na may bampira silang makikita sa lugar na ito, nasisigurado kong patungo rin ang mga ito sa grupo nina Claret.
Tuluyan na akong tumigil sa pagtakbo. Ilang beses akong napaatras habang ang isang kamay ko ay inaabot na ang aking mga pana sa likuran. Hindi na rin nagpatuloy pa ang apat na baboy ramo na namumula ang mga mata dahil ang atensyon nilang nagtungo na sa akin.
"Ilang kilo kaya ang maaari kong benta sa palengke kapag dinala ko kayo sa mundo ng mga tao?"
Inaakala kong hindi sila ganoon kabilis tumakbo ngunit nang kapwa nila nailagan ang pana ko, napailing na ako at napatalikod.
"Shit! Takbo!"
Wala akong ibang nagawa kundi magpaulan ng mura habang kumakaripas ng takbo habang habol ng baboy ramo.
The horns on their nose, forehead, and the heavy thud of their feet would kill me in an instant. "No! Shit shit!"
Hindi ko na naalala ang daan dahil ang tanging ginawa ko na lang ay tumakbo at sa tuwing lumilingon ako ay mas lumalapit na sa akin ang mga baboy ramo.
"Oh no . . ."
Mariin kong isinarado ang isipan ko. Ayokong makikita ako ni Tobias sa ganitong sitwasyon. I told him that I could reach the old castle without a problem, and then he'd see me like this?
Hindi na ang lahat at hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtakbo nang makarating kami sa mas mababang lupa.
"Oh god!"
Wala nang tinatapakan ang paa ko. Pababa na ako!
Nagpagulong-gulong ang katawan ko pababa sa lupa, ganoon din iyong apat na bilog na baboy ramo, sabay-sabay kaming sumisigaw lima.
Hanggang sa tumama ang katawan ko sa isang puno. Dadaing pa sana ako nang sakit nang makita kong parating na sa akin ang gumugulong na mga baboy ramo, kaya pilit akong gumapang at hinayaan ko na ang sarili kong gumulong. Akala ko ay katapusan ko na nang ang huling bagsakan ng katawan ko ay tubig.
Malakas na ingay ng pagbagsak ng katawan ko sa tubig ang siyang narinig ko, at nasundan iyon ng apat na beses. Sobrang linaw ng tubig na nagagawa kong pagmasdan ang liwanag mula sa buwan at ang pigura ng mga baboy ramo na lumulutang.
Agad akong lumangoy sa itaas at marahas akong huminga nang malalim. Kasalukuyan nang pilit naglalangoy iyong mga baboy ramo. Hindi ko sila pinansin at naglangoy na ako sa pangpang.
"Goodness!"
Napasalampak na lang ako sa lupa habang tumutulo ang tubig sa buong katawan ko. Wala sa sarili akong tumanaw sa malalim na ilog kung saan nalulunod iyong mga baboy ramo.
Natingala akong muli sa langit nang may mapansin akong bumabagsak dito. Inilahad ko ang aking palad. Bukod pa sa nyebe at ulan ay marami pang bumabagsak mula sa langit ng mundong ito?
"Blue dust?"
Tumayo na ako at handa ko nang iwan iyong mga nalulunod na baboy ramo nang may mapansin ako sa kanila.
The ugly looking boars turned slowly into regular looking boars, hindi na sila sobrang nakakatakot, hindi na rin kulay pula ang kanilang mga mata at wala na silang sungay.
Napasinghap ako at muli kong inilahad ang palad ko sa ere para damhin ang asul na alikabok. "Healing dust . . . si Claret . . ."
"Wait! I have a rope!"
Wala akong pinagpilian kundi maghanap ng kahoy, itinali ko iyon sa taling hawak ko at inihagis ko iyon sa mga baboy ramo. "I will pull you!"
Para akong baliw na pilit na humihila ng apat na baboy na nalulunod sa malalim na ilog. Kasalukuyan na akong nakatalikod sa kanila habang dalawang kamay ko na ang may hawak ng lubid na nasampay na sa balikat ko.
I shouldn't be wasting my time for this, but I couldn't just let them drown not that Claret made an effort to probably heal every creature in this forest. Nang sandaling makita kong nakaahon na ang apat na baboy ramo, napahilata na lang ako sa lupa. Nakabuka ang mga braso at napatutulala na sa pangyayari.
Dapat ay nagrereklamo na ako sa sitwasyon ko, ngunit nakita ko na lang ang sarili kong tumatawa at lumuluha.
Because for the very first time, I saved lives— without drenching my hands with blood. Lumapit na sa akin ang apat na baboy ramo at ilang beses nilang dinilaan ang pisngi ko habang lumuluha at tumatawa ako.
Naupo na ako at ilang beses kong hinaplos ang ulo nila. "Live well! Hindi ko na kayo ibebenta sa palengke."
I tilted my head and imagined King Tobias with an apron filled with blood, butcher knives, his long hair, and his very skilled way of slicing the pork. Iyong tipong itatago niya sa likuran ng talim ng mga kutsilyo ang kalahati ng mukha niya para mata niya lang ang kita bago hiwain ang ulam kung pang adobo or pang sinigang.
"Hmm . . . why not? Bombero sa umaga, model ng gel sa tanghali, all around ambassador ng anti-dengue campaign, magtitinda ng baboy sa weekends, sideline model ng gel, at boyfriend ko gabi-gabi, syempre!"
I patted the heads of the wild boars, now my friends. "Thank you for the ideas."
Dahil sa dami ng pinagdaanan ko, hindi rin nagtagal ay natuyo na ang damit ko. Kung kanina ay madali ko lang nasundan iyong daan na dapat kong tahakin ay pansin kong naliligaw na ako.
Nakailang balik yata ako sa posisyon ko bago ko napansin iyong mga baboy ramo na tila hindi pa rin umaalis. "Go! Baka madamay pa kayo!"
But in the end, they stay beside me. Iyong isa sa mga baboy ramo ay kinakagat na iyong kasuotan ko. "What?"
Until it was too late for me to realize that they were trying to lead me the way. Siguro ay alam na nilang nagmamadali ako kaya nang tumakbo na sila ay agad ko na silang sinundan. Ilang beses man akong natalisod ay hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa matanawan ko na muli ang lumang palasyo.
"W-wait! We can stop here!" sabi ko sa mga baboy ramo.
Hindi ko alam kung paano nila ako naintindihan dahil nang sabihin ko iyon ay tumigil na sila at tila namalikmata ako nang yumuko sila sa akin nang sabay-sabay.
I smiled at them and curtsy with my dress. "It's a pleasure!"
Nang iwan na ako ng mga baboy ramo ay nagsimula na akong kumilos. Agad akong namaywang at nag-angat ng tingin sa nagtatayugang mga puno hanggang sa makapili ako ng tamang posisyon.
"Gotcha! I can see better in that spot."
Kinuha ko iyong mga kagamitan sa bag ko at hinila ko muli ang ginamit kong tali kanina. May itinali muna akong punyal sa tali bago ko iyon inihagis sa sanga ng puno. Ilang beses ko pa iyong paulit-ulit na ginawa hanggang sa maging kampante na akong hindi ako nito ibabagsak.
"One, two, three!" Ilang beses ko rin iyong hinila.
I wiped the sweat on my forehead with my right arm. "Madali lang ito! Sanay kaya ako sa akyatan!"
Bumibilang ako sa isipan ko habang umaakyat ako sa malaking katawan ng puno hanggang sa makarating ako sa matayog na sanga nito.
Inilagay ko ang isang kamay ko sa aking noo habang sinisipat ang paligid ko. Napasipol ako nang mas malinaw kong matanaw ang lumang palasyo mula sa direksyon ko. "Alright—"
Natigilan ako nang higit kong pagmasdan ang sitwasyon sa iba. I saw two women, severely wounded, whose chests were bleeding in front of the old castle on a wooden platform. They were kneeling, neck tied with ropes, and hands chained behind their back.
I gasped.
Nangatal ang buong katawan ko at nagmamadali kong hinugot ang mga pana ko mula sa aking likuran. Marahas ko nang itinutok ang mga panang iyon sa babaeng tila nag-uutos sa mga aninong higit na pahirapan ang mga babaeng iyon.
I was breathing heavily, almost touching my cheek as I felt the intensity of the wood beneath my fingertips electrify my senses. At the side of my eyes, as the strings tightened I could see green sparks as if it was about to surge with an explosion, with my eyes burning in fury.
What is wrong in this world?
A tear fell and glided down my cheeks— I couldn't let go of the arrow.
Until Claret and her group arrived, they were as desperate as I was when they saw the two wounded women.
Habang nangangatal pa rin ako sa kinatatayuan ko, hindi na tumigil sina Claret at ang mga kasamahan niya sa pagsugod sa kastilyo at pilit na tinutulungan ang mga babaeng iyon sa kamay ng babaeng malakas na tumawa.
They couldn't break the barrier.
Kung kanina ay buo ang loob ko na tumulong, bigla akong natakot at higit na kabahan habang pinagmamasdan ang kapangyarihang nakikita ng aking mga mata.
Can I really help them?
I asked myself as the green sparks from my arrows were igniting more.
Habang walang tigil sa pag-atake sina Claret at ang grupo niya sa harang ay napalingon ako sa grupo ng bagong dating. Kapwa sila natigilan sa kanilang nakikita, ngunit ang dahilan kung bakit ko naibaba ang aking pana ay dahil sa babaeng katabi ng isang lalaki.
"Eyah . . ."
Napaluhod na ako sa kinatatayuan ko at mariin akong napahawak sa dibdib ko.
I gasped, my eyes suddenly dilated as if I was there again.
"Up!"
My lips were shivering, my eyes were all blurry, and my knees felt as if they were about to break. Akala ko ay mamamatay na ako at tuluyan na niya akong lulunurin ngunit ramdam ko pa rin ang mariin niyang hawak sa basa kong buhok.
"I told you that you're not allowed to lose. Alam mo ba kung magkano ang nawala sa aming pera?"
Muli niyang nilublob ang mukha ko sa drum at paulit-ulit niya akong pilit na nilulunod. "J-just kill me . . ." I said.
Hindi ko alam kung bakit malaki ang galit sa akin ni Eyah simula pa lang ng bata ako. I've been trying to survive and become their obedient pet. I never demanded more, but all I could see was hatred in her eyes.
Nang marinig ko ang nagsisimula nang lumayo ang mga hakbang ng tauhan niya at tanging kami na lang ang naroon sa kadiliman iyon, tila namalikmata ako nang nagkulay pula ang kanyang mga mata.
"No, I will not kill you, Little one. I don't think I can stop you from crossing your fate, but I can make them miserable on how they made her miserable— starting with this." Itinuro niya ang sentido ko. "They will witness how you'll crumble into pieces while your own mind is eating you."
Wala akong maintindihan sa sinabi niya. "But for now, you'll have to forget about me, Little One, before the foolish Sullivan and Javan find me."
Ang tanging naalala ko lang ay ang muli niyang paglublob sa mukha ko sa drum na punung-puno ng tubig.
I choked. Mariin ko nang hawak ang dibdib ko habang higit na nanlalabo ang mga mata ko. Eyah was here and she had been trying to make my life miserable, and now I'd see her as what? An ally?
Huminga ako nang malalim at pilit akong tumayo, muli kong hinawakan ang pana ko at lumuluha na akong nakatindig upang itutok iyon kay Eyah.
"I will kill you."
The glowing green sparks beneath my fingertips, dancing along the wooden arrows as I pulled them tightly with the string made me feel as if everything around me was ablaze.
I took a deep breath, my eyes digging into her death, but when I heard Claret's voice— shouting desperately to save the women from death. I quickly shifted my arrow, and before I knew it, the arrow together with the green searing light was surging, with the howling whisper of the wind, desperately aiming directly at the ropes hanging around the women's neck.
The glint of floating water emerged around the castle, with Tobias's familiar form saving the women from the execution.
My chest was heaving, the wind swirling around me, tears gliding down my cheeks, arms shaking as I pulled another arrow from my back.
See this, Eyah? You may hide behind the façade in the eyes of these creatures— you might be aware that I can no longer recognize you, but allow me to dance with your orchestrated performance, and before you realize it, my arrows will find their mark on your chest.
Before I knew it, everyone was looking at me.
Claret, the prince of the prophecy, Tobias, the woman from the castle, the women that were saved, Divina and Seth, and Eyah.
Ah, yes, this is the entrance that I always wanted.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro