Chapter 19
Chapter 19: Beginning of an Adventure
I knew that it was important for me, one of the women from the prophecy, and a king's mate to learn more about the kingdom that welcomed me in this world.
I might have read some information from the book that my grandmother left me, but just like what Sullivan had told me, I needed to know more. At hindi lang tungkol sa responsibilidad ko bilang reyna, sa nakaraan at kapangyarihan ng Parsua Deltora, kundi maging pati na rin ang pamilya na siyang sumalubong sa akin.
Tobias had a short introduction about his family. Nakilala ko sa pangalan ang kanyang mga magulang at saglit kong nakausap sina Marah, Pryor, at narinig ang tungkol sa kapatid niyang si Rosh. Ngunit ang malaman na may isa pa pala siyang kapatid na babae at malaki ang koneksyon niya sa sitwasyong kinahaharap nina Claret at Divina, ngayon higit na buo ang desisyong kong tumulong.
This is not just all about my promise for Divina and Claret, but also my concern for Tobias, and his family.
Bigla akong napaisip. Sinadya ba ni Tobias na hindi sabihin na may isa pa siyang babaeng kapatid? Sa loob lang ba talaga iyon ng kanilang pamilya?
Huminga ako nang malalim at tumanaw sa labas ng karwahe. Sa dami ng ipinaliwanag sa akin ni Seth, halos wala na akong masyadong matandaan.
All we have to do is defeat Atlas and stop him from his evil plan to use Veda as his source of power to conquer this world.
Nawala na iyong magaang ngiti ni Tobias na madali niya lang ipinakikita sa akin at kahit sinong nilalang. Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. After all, this is all about his sister.
Tobias and I had a little time to dive into these details. I couldn't deny the fact that Tobias and I spent more time knowing each other first. Masyado kaming nalunod ni Tobias sa isa't isa na hindi na namin naisip na importante rin na may higit akong nalalaman.
"Everything will be alright, Tobias," ulit ko.
Hindi rin nagtagal ay tumigil na ang karwahe.
"We're here. We're about to cross the portal."
"Do we have plans?" tanong ni Tobias.
"When I left Trafadore was covered by thick snow," nakangiwing sabi ni Seth.
"Papa did that?"
Seth nodded.
"Why? Is he angry?" Divina innocently asked.
Natigilan si Seth. "Ah, yes. Galit na galit."
Ngumuso si Divina na tila iniisip kung bakit galit na galit ang kanyang ama. Huli na nang makita kong nakakunot na rin ang noo ni Seth nang sumulyap sa amin ni Tobias.
"A snowstorm and a rainstorm consecutively? Seriously. What are you trying to do with me? Let's go, Divina."
Nauna nang bumaba si Seth at binuhat na niya si Divina. Nagtataka akong lumingon kay Tobias. "Bakit parang biglang uminit ulo niya?"
Tumaas ang sulok ng labi ni Tobias. "I don't have any idea."
Nauna na rin bumaba ng karwahe si Tobias, inilahad niya ang kamay niya at inilalayan niya akong bumaba.
Nakayakap na si Divina sa leeg ni Seth habang nakatanaw siya sa amin ni Tobias. "King Tobias, I thought you injured your right leg? You seem fine na."
Natigil sa paglalakad si Seth, lumingon siya at mas ngumiwi. "It must be the imagination of the king."
Nagtuloy na sa paglalakad si Seth. "Kanina lang ay ayos pa siya sa atin, Tobias? Bakit parang bitter na siya."
"He must have remembered how they managed to surpass the storm recently. Ang narinig ko ay binaha ang kanyang karwahe at nagtulak pa iyong mga kapatid niya." Pansin ko ang pagpipilit ni Tobias na hindi matawa.
Bigla kong naalala iyong halos mabasag na ang salamin sa silid namin ni Tobias hababg abala kami sa isa't isa.
Napangiwi ako. How could we really think about the outside. May sarili na kaming mundo ni Tobias ng mga panahong iyon.
"Hmm . . . Now it get it. Ikaw ba naman ang nakaranas ng snowstorm tapos sasalubungin ka ng bagyo? Wala namang napahamak sa bagyong iyon, Tobias?"
Umiling siya. "My kingdom can withstand any kind of storm. We're the Kingdom of Waters. We will float but we will never sink."
"Wow. Iyan ang sinasabi ko sa fiancé kong bombero, hot, guwapo, at malaki pa— I mean malaki pa ang nasa bank account!" Nahampas ko pa ang braso ni Tobias. "May pa-float pa at never sink pa. Okay lang talaga na maumpog araw-araw sa kama, Love."
Tipid ngumiti si Tobias sa sinabi ko. "You're funny, Kezalli."
Dalawang babaylan na ang siyang naghihintay sa amin at sa tabi ng mga ito ay may napakalaking ibon na nahuhulaan kong siyang sasakyan namin.
"It's a Hontza. It's our air transportation in this world," paliwanag ni Tobias.
Nakatigil na si Seth ngunit buhat niya pa rin si Divina. Kasalukuyan na niyang kausap ang dalawang babaeng babaylan. Lumapit na rin kami ni Tobias, noong una ay hindi agad nila mamukhaan si Tobias dahil sa gupit nito pero si Seth na iyong nagpakilala sa kanya.
"That's King Tobias."
Nangangatal pa sa pagyuko ang dalawang babaylan sa pagbati kay Tobias.
"Tulad nang inaasahan ko ay hindi tayo ng mga ito direktang madadala sa eksaktong lokasyon nina Claret at Zen. We need to walk or at least find another transportation when we arrived at Trafadore."
"It's not a problem with me. Sanay naman akong maglakad. Ikaw, Mahal na Hari? Baka mapagod ka?" tanong ko kay Tobias.
I was genuinely concerned, to be honest. Sanay ako sa mabibigat na gawain at lalo na kung lakaran. Nakalabas na ba itong si Tobias? I heard kings usually stay inside their castle.
"I heard you injured your leg," dagdag ni Seth.
"Oh, kawawa naman si King Tobias if he will force himself," sabi ni Divina.
Gumala ang tingin ni Tobias sa aming tatlo at napabuntonghininga siya. "It's fine with me."
Hindi rin nagtagal ay sumakay na kami sa Hontza. Dahil iyon ang unang beses ko, hindi na ako nagugulat sa biglang kaba ko. Inangkla ko na ang braso ko kay Tobias, habang naroon na sa unahan namin sina Divina at Seth.
Divina looked really concerned. "You okay, Kezalli? Don't worry. Hontzas are kind and gentle. If you lose your balance they will catch you naman."
"Oh . . . great."
Nang makasabay ka kami sa likuran ng Hontza, kapwa na naglakad ang dalawang babaylan sa harapan namin. Nagharapan na silang dalawa at sabay nilang inilahad ang dalawa nilang mga kamay.
Noong una'y nasa lupa lamang ang bilog na nagliliwanag na lagusan habang unti-unti nila iyong pinalalaki, hanggang sa dahan-dahan nila iyong iangat sa ere na nagpatingala sa amin.
Nang sabay nang ibinuka ng dalawang babaylan ang kanilang mga braso ay tuluyan na rin higit na lumaki ang lagusan.
"Here we go," ani ni Seth.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang umupo si Seth habang ang isang braso niya ay yakap na si Divina, at ang isang kamay ay nakahawak sa likuran ng Hontza. Ganoon din si Tobias na lumuhod na agad sinundan ko, at ang braso niya'y nakapulupot na rin baywang ko.
Nang sandaling ibuka na ng Hontza ang kanilang malalaking pakpak, napasigaw na lang ako kasabay nang malulutong na mura nang bigla na itong lumipad paitaas na sobrang bilis. I suddenly remembered the last time I rode on a roller coaster.
Habang sumisigaw ako sa takot wala naman tigil sa pagtawa si Divina na parang nasa laruan lang kami.
This kid is really impossible!
But what was the worst? It was when I thought that the Hontza was already airborne and was about to calm down with its speed, but the moment we crossed the portal, the huge bird was actually diving.
What the hell? Nasa rollercoaster ba talaga kami?
Sigaw ako nang sigaw habang nanlalaki ang mga mata ko sa mga punong maliliit pa lang sa aking mga mata na ngayon ay nagsisimula nang lumaki.
"Shit shit shit!"
Narinig ko na rin tumawa si Tobias habang yakap ako. "You can close your eyes."
Hindi ko na nagawa iyon. Mariin na rin ang hawak ko sa braso ni Tobias habang patuloy kaming bumubulusok hanggang sa tuluyan na ngang kumalma ang malaking ibon at napahinga na ako nang maluwag.
Nawala na ang braso ni Tobias sa akin at mas napalugmok ako sa likuran ng ibon habang ang dalawang kamay ko ay nakatuon na sa likuran.
"That was fun! How are you?" Tumatawang sabi ni Divina.
Sabog na sabog ang buhok ni Divina at halos nakakain niya na ang buhok niya. She cutely fix her hair. Samantalang ako ay tulala pa rin. Nang sulyapan ko si Seth ay bahagya rin nagulo ang buhok niya, itong si Tobias lang ang mukhang fresh na fresh pa.
I shook my head and quickly fixed my hair. "I am fine. Thank you, Divina."
Nang mapansin ko na nasa unahan na ang atensyon ni Seth ay tumayo na rin ako. Inalalayan ako ni Tobias na agad ko naman tinanggap. Nagsimula na kami maglakad papalapit sa kanya.
"The Hontza will not fly us further. It will drop us soon."
Napatingin ako sa ibaba. Hindi pa naman kami ganoon kababa sa lupa. Nakalilipad ba si Tobias?
"I can feel them," dagdag ni Tobias.
"Yes."
Nakatanaw lang ako sa ibaba at ang tanging nakikita ko lang ay matataas na puno. Napakalawak na kagubatan na hindi na maabot ng aking tanaw. Nang mas bumaba na ang lipad ng Hontza at nang makita ko na humawak na muli si Seth kay Divina, huminga na ako nang malalim.
Higit na nanlaki ang mga mata ko nang biglang may pumagaspas sa likuran at natulala ako nang mas mapagmasdan iyon. The huge pair of enormous black wings were from Seth's back.
"You have wings?"
Magkasunod kong tiningan sina Seth at Tobias. "Isn't he a vampire?"
"He has a demon blood."
"We'll see you later. Let's go, Divina."
Nang tumalon na si Seth ay kumakaway pa sa akin si Divina. I started to panic when I couldn't see wings behind Tobias. "M-may pakpak ka rin ba?"
He smiled. "I don't need wings."
Tobias carried me in a bridal position, and without a warning, he jumped off the Hontza. Bigla akong napaisip kung ito na ba ang kabayaran sa lahat ng kalandian ko nitong nakaraang araw, para akong laging aatakehin sa puso sa ginagawa naming ito.
Sa halip na manatiling nakamulat ay humakap na ako kay Tobias at isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. "I don't think I can jump like that even if I turned into a vampire!"
He chuckled. "You're already a vampire, Love."
Malakas na pagbagsak ang narinig ko. Hindi agada ko humiwalay sa pagkakayakap kay Tobias at hinayaan niya lang ako sa ganoong posisyon.
"You alright, Love?"
Unti-unti akong humiwalay sa kanya at tumambad sa akin ang bitak ng lupa sa ilalim ng kanyang mga paa. "Ikaw ba? Ayos ka lang?"
"Of course."
"I can stand na, Tobias."
Inalalayan niya akong makatayo. Tumingala ako. "Nasaan na sina Seth at Divina?"
"They are on their way. We can just walk ahead. I can feel them."
Huminga ako nang malalim. Bago ako maglakad ay humarap na ako sa kanya. "I'll do my best, Tobias. Hindi ako magiging pabigat. And if we're going to enter a battle, let me in, just support me."
He nodded.
Akala ko ay higit na kaming magmamadali ni Tobias, ngunit nang nagsimula na kaming maglakad ay para lang kaming nasa harapan ng hardin ng kanilang kaharian.
"Aren't we supposed to run fast?"
Lalong tumitindi ang kaba sa dibdib ko at sa bawat hakbang ko, ramdam ko na ang pamilyar na presensiyang matagal ko nang nakikilala simula ng bata pa lang ako. It must be Claret.
Umiling siya.
"You have to take your time and calm yourself first."
Mas huminga ako nang malalim at ngumiti sa kanya. "Of course. Hindi na naman ako bago sa labanan."
Pansin ko na natigilan si Tobias at mas napatitig siya sa akin. "Kezalli—"
"It's fine, Tobias."
Mas dumikit ako sa kanya at inangkla ko ang braso ko sa kanya. "Date in the forest ba ito?"
Tobias and I casually walked silently in the middle of the forest, but the intense power of Claret was too overwhelming as if she needed more. Nang humigpit ang hawak ko sa braso ni Tobias ay yumuko siya sa akin.
"We're going straight ahead, Love, and I can feel that they're in the middle of a fight. We're about to reach the old castle."
Dahil higit na nagagamit ni Tobias ang mga mata niya bilang bampira nang sandaling magningas ang kanyang mga mata ay nakikita na niya ang sitwasyon.
"Share it with me."
Tumingkayad na ako at hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Tobias, idinikit ko ang aking noo sa kanya. Until I saw the current situation of them— Claret in her blue wings and around those unnamed creatures.
"I don't think they need our help with those creatures. We have to proceed to the castle."
Iyon din ang natatandaan kong sinabi ni Seth, na naroon sa lumang kastilyong iyon sina Atlas at Veda.
"Mauna tayo. Kailangan kong mauna. I have to find a better position."
"No."
Ngumiti ako kay Tobias. "Mahal ko, sanay ako sa kagubatan. Kung hindi mo natatanong ay madalas akong mag-isa—"
"This is different from the human world, Kezalli Lanoire," mas matigas na sabi niya.
"This is my first mission. Hindi ko naman sinasabi na iwan mo na ako. Just allow me to act on my own survival, Tobias. Sa totoo lang ay kanina ka pang nakaalalay sa akin."
"Because you need my guidance."
"I know. But for now? Will you trust me? Everyone is distracted right now. Sino ba naman ang makapapansin sa akin? I can't find a better spot if I have a powerful king with me that can attract attention. Malapit na naman tayo, hindi ba?"
"Please, Kezalli, this is. . ."
"Let's meet later, King Tobias." Humalik ako sa pisngi niya at mabilis na tinalikuran siya at tumakbo.
This is going to be one hell of an adventure.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro