Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Chapter 15: Ruins of the Old Museum

I swung my bag across my chest. I tightened my grip on its strap as I strode the long, white hallway of the hospital. Blurs of people passed by— doctors, nurses, other hospital staff, and even patients, I might have felt their eyes on me, maybe most of their brows were creased, some might grimace, and maybe some of them might have that look at me with curiosity or even pity, but I couldn't care less.

My face was still swelling, two band-aids covered the cuts on my cheeks, my neck was wrapped with a bandage and my whole body was still aching.

I could hear my every footstep as I followed the familiar path towards Dave's room. Nang sandaling makarating na ako sa harapan ng silid niya, ang tanging nagawa ko lang ay tumitig sa katawan niyang napupuno ng aparato.

It was all my fault. "You have to be alive, Dave. Ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat para mabuhay ka. And . . . I'd do everything in my power to put Vito and Eyah down. But not now . . ."

Napayuko ako. Ano nga ba ang kaya ko sa mga oras na ito?

They have the power and influence— and I don't have those. Madali nila akong mababaliktad at wala akong ibang paraan upang suportahan si Dave. Sino naman ang biglang magmamagandang loob na akuin ang lahat ng pangangailangan niya?

Hindi ko alam kung sino ang pamilya niya at tanging ako lang ang itinuring niyang pamilya— kapatid na nagdala pa sa kanya sa ganitong sitwasyon.

Huminga ako nang malalim at hinawakan ko saglit ang bubog ng kanyang silid bago ako tumalikod at lumabas na sa hospital na iyon.

The moment I stepped outside of the hospital, I forced a smile on my face. "Alright! Here we go again!"

I spent years fooling everyone about my age, kaya nagagawa kong makapagtrabaho, isa pa hindi na rin naman iyon bago dahil marami rin katulad ko na maagang namulat sa hirap ng buhay. Pinasok ko lahat ng kaya kong trabaho para buhayin ang sarili ko.

"Kezalli, kunin mo ang order sa table number twenty-three!"

"Coming!" Masiglang sagot ko.

"What's your order, Sir?" Nakangiting bati ko sa mga customer.

Katulong ako sa kusina sa pagluluto, naghuhugas din ako ng plato, at nagmo-mop ng sahig. Akor in ang katulong nila sa pagpupunas ng mga lamesa.

Nakaranas din akong maging tindera sa palengke. Hindi mawala ang ngiti ko sa bawat araw habang hinaharap ko ang bawat tao sa bawat trabaho ko.

"Isang case daw po ng Red horse," sabi ng isang boy.

"Okay!"

"Dalawang bote ng mantika."

"Isang kaha po ng Malboro."

Ganoon lang ang bawat araw ko tuwing bakasyon. Minsan ay nasa mga parlor din ako na siyang naglilinis, kaya naturuan na din ako ng mga bakla roon kung paano maggupit.

Sa dami ng ginagawa ko ay hindi nakalilimot sina Eyah at Vito na magpadala ng mensahe sa akin sa mga susunod kong laban. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa ako sa dami at bigat ng mga ginagawa ko.

I just felt that I was born with a body with high survival skills. Dahil maging ako'y napapahanga na rin sa sarili ko dahil nagagawa kong mabuhay sa bawat laban ko.

Kasalukuyan kong sakbat ang malaking bag ko at nakatingala ako sa nasunog na museleo ng lolo't lola ko. Hindi ko akalain na matatagpuan ko muli ang sarili ko sa harapan ng lugar na ito, ngunit sa kabila ng lahat ng nararanasan ko, tila may bagay na pilit nagpapabalik sa akin.

May mga harang na roon at mayroon ng babala sa mga maaaring pumasok dito na delikado ito, ngunit hindi ko iyon pinansin.

I'd been in a dangerous situation for years. I am still alive and breathing. What could an abandoned building possibly do for me?

"Right! This is Kezalli Lanoire! I am not scared of anything!"

I put my huge bag on the ground with a heavy thud and rummaged through it until I found a hammer.

"Gotcha!"

I exaggeratedly stretched my body as I lifted one of my arms while the other one held my elbow, and I did it alternately creating a dramatic start. Gripping firmly at the handle of the hammer, I started pulling the nails one by one, and with my bare hands, I took all the wood, feeling the roughness of it against my skin.

The pile of wood was already at the side, my hands were at my waist, my chest heaving with the intense heat of summer and a grin started to creep on my lips, feeling the satisfaction.

Feeling the sweat on my forehead, I brushed it against my arms. I took a tumbler at the side of my black bag and drank my water, anticipating the refreshing feeling of it. I even placed the tumbler on my cheek to gently feel as I closed my eyes— a mixture of my sweat and droplets of moisture on the cold surface of the container glided down from my cheeks to my neck. "Ah, ang init talaga."

Nang malamigan na ako saglit ay kinuha ko na muli ang bag ko at pumasok na ako sa museleo.

Isa pa rin sa rason kung bakit ako naririto ay dahil sa kursong pinili ko— BS Archeology. Dahil bata pa ako noon ay hindi ko na naisip pa ang kahalagahan ng iniwan sa akin nina lolo't lola, ngunit ngayong nagkaisip na ako at may nais akong manatiling buhay sa akin na konektado kina lolo't lola, nais kong mangarap nang mataas. Kung magkakaroon ako ng pagkakataong maging matagumpay sa buhay— o sabihin ko nang kung mabubuhay pa ako nang mas matagal, bubuhayin kong muli ang museleong ito.

Ilang beses na malalaking hakbang ang ginawa ko dahil sa mga bumagsak ng bahagi ng museleo. Napapahawak pa ako sa malalaking bato at nauuna pa ang isang hita ko para lang makadaan ako. Natalisod dahil sa mga bakal na mga nakaharang.

It was good that I was dressed properly, with my usual black top, baggy jeans pants, and my combat boots. Lagi na rin akong naka-bag na malaki na sa tuwing may nakakakita sa akin ay napapagkalamalan akong pinalayas ng aking land lady— well most of the time.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong lumipat ng apartment. Mabuti na lang at may mga kaibigan ko na nagpapatuloy sa akin ng ilang araw hanggang sa maka-ipon ako ng pera.

I shook my head. Ang hirap ng buhay, Kezalli!

As I took my steps more, I could hear the crunch of my combat boots against the crushed cement floor, mingling with some broken statues, and even glasses of windows.

Ilang beses pa akong muntik nang madulas.

Napatingala ako dahil sa halip na kadiliman ang bumalot sa lugar na iyon, at higit kong katakutan, hindi ko maiwasang humanga sa nakikita ko.

I was in the middle of an old museum, and everything was destroyed, but the combination of nature embracing it, made it feel as if I was in the forest— a forest showing me a treasure.

It wasn't just the ruined floors, statues, and pillars that greeted me, but also the remnants of the historical items that my grandparents treasured with their lives. The place was also filled with dried leaves, crawling vines, and even small animals. The high windows were broken, allowing the branches of the trees to creep inside— the greeneries were all over the roof as the glistening sunlight touched it through the window, birds were flying, there were butterflies from small flowers growing on some corners, and even some wild cats with their curious gaze upon me.

Huminga ako nang malalim at unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata— dahilan kung bakit tila naririnig kong muli ang tawanan namin nina lolo't lola. Hindi ko mapigilan na mapaluha habang dama na tila niyayakap nila ako, hanggang magtungo ang mga alaala ko sa panahong nagku-kuwento sa akin si lola.

"Alam kong isa kang napakabuting bata, Kezalli, at kailanman ay hindi magkakamali ang asul na apoy sa pagpili. Darating ang panahon na magkakaroon ka ng isang mabigat na responsibilidad, at nasisigurado kong magagampanan mo iyon. Ngunit huwag kang mag-alala, Apo, hindi ka nag-iisa, may mga tutulong sa 'yo."

"Sino po?"

"Mga kaibigan, at higit sa lahat may makikilala kang kailanman ay hindi ka ipagpapalit at tatalikuran. Mamahalin ka niya nang walang hanggan."

"Mas sobrang pagmamahal kaysa sa inyo ni lolo?"

Tumawa si lola. "Siyempre, kami ang higit na nagmamahal sa 'yo, ngunit sa sandaling wala na kami, walang makahihigit sa kanya."

May hinila si lola sa kanyang cabinet at may inabot siyang aklat sa akin. "Basahin mo ang nilalaman ng aklat na ito sa tamang panahon, Kezalli. At kung magkaroon man ng hindi inaasahang sitwasyon sa museleong ito, Apo, huwag na huwag mong iiwan ang salamin."

Marahas akong napamulat nang maalala ko ang pag-uusap naming iyon ni lola. "Ang libro . . . ang salamin."

Napakamot ako sa aking ulo dahil paano ko pa iyon mahahanap gayong natupok na halos ang museleong ito ng apoy?

Ngunit kong higit na pagmamasdan parang hindi naman ito nakaranas ng sunog, sa halip ay lindol. Wala man lang akong makitang bakas ng sunog— na tila nagkaroon ang pagkakataon ng lokal na pamahalaan ng bayang ito na bigyan ng pansinin ang abandonadong lugar na ito.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad habang naghahanap ng mga bagay na maaaring isalba, may ilan din naman akong gamit na nakuha at inilalagay ko iyon sa aking bag. Pasipol-sipol ako habang lumilinga-linga sa paligid. Nagawa ko pang bigyan ng tinapay iyong pusa na kanina pang nakasunod sa akin.

"Akin ang lugar na ito. Huwag mo akong niyayabangan, ah?"

Ilang beses kong hinaplos ang ulo nito. Nang matapos niyang kainin ang tinapay ay bigla na lang iyong tumakbo.

"Wait! Saan ka pupunta?"

Sumunod ako sa pagtakbo ng pusa hanggang sa makarating kami sa isang pintuan, sira na ang kalahati niyon at nakikita ko ang loob. Kaiba sa labas na maliwanag, sobrang dilim na halos wala akong makita.

"Ano ngang parte ito? Is this the winery section?"

Tanda kong mayroon din silid kung saan naroon ang mga lumang alak ni lolo na ipinagmamalaki niya sa akin noon. Itutulak ko na sana ang pinto nang hindi iyon mabuksan, kaya ipinasok ko muna ang isang braso ko sa loob at kinapa ko ang lock niyon.

"Shit!"

Sinubukan kong hilahin ngunit matigas na at nasisigurado kong puno na ng kalawang. Kaya wala akong pinagpilian kundi ilang beses na banggain iyon ng katawan ko hanggang sa tuluyan ko na iyong masira.

Muli akong napamura nang tumilapon ang katawan ko sa dilim at mapasubsob ako sa sahig, ngunit ang nakapagpangiwi sa akin ay basa ang sahig kaya marahas akong napabangon. Naririnig ko ang ingay ng tubig na tila tumatagas.

"Ano ba 'to?!"

Kinapa ko ang flashlight ko sa aking bag at binuksan ko iyon.

Nagkalat ang bote ng alak at kasalukuyan nang naghahalo ang mga laman niyon sa sahig, mayroon pang naroon sa mga cabinet na nakatumba at natatapon na.

Mas lalong kumunot ang noo ko. This museum had been abandoned for years— but it looked as if I could see the recent wreckage of it.

Nang mas itapat ko ang flashlight ko sa unahan, higit akong natigilan nang halos wala na akong makita sa dami ng mga gumagapang na halaman na nakaharang sa akin. As someone who has a huge bag on her back, I rummaged through it again and took my small knife. Pinuputol ko na iyong mga halamang ugat na humaharang sa akin habang patuloy ako sa paghakbang, payuko, at pag-iwas sa dinadaanan ko.

Surprisingly, the cat was still with me. I could hear the continuous dripping of water— or let's say wine, the footsteps of my combat boots on the wet floor, the swooshing of my small knife against the wine, and the strange sound— as if someone was whispering.

Sa huling hakbang ko at paghawak ko sa gumagapang na halaman ay natinik pa ako. "Shit!" agad ko iyong dinala sa bibig ko.

Nang tuluyan na akong makalampas sa mga halamang gumagapang ay natigilan ako at napatulala sa nakikita ko.

Ang salamin at sa harapan nito ay ang librong ibinigay sa akin ni lola. Dalawang bagay na hindi ko aakalain na makikita ko pang maayos sa lugar na ito.

I saw my reflection in the mirror— I suddenly saw my little self, staring at it with my hands wrapped with bandages pressed on it, and my grandmother behind me.

"Iyan ang salamin mo, Kezalli."

Until the mirror showed me what I had become. A woman dressed in a black shirt, and baggy pants, covered in dirt. My skin was tanned, hair thrown into a messy bun, a face full of sweat, scars on my arms, cuts on my eyebrows and lips, and visible hard muscles.

A soft smile curved my lips, I looked so strong, tough, messy— a damn survivor.

Sumagi sa isip ko ang maliit na kamay ko noong bata ako at ang mga sugat na natamo ko. "My arrows . . ."

Parang nagkaroon ng sariling buhay ang katawan ko dahil napalingon ako sa paligid at pilit kong itinapat ang liwanag sa maaari kong makita, hanggang natigil iyon sa nakasabit na pana at palaso sa pader.

Kasabay nang pagkuha ko niyon ay ang biglang paggalaw ng museleo, napatingala ako sa alikabok na nagtutungo sa katawan ko. "Shit!"

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon, isinakbat ko sa aking balikat ang pana at palaso ko, inilagay ko sa aking bag ang libro at agad kong binuhat ang malaking salamin.

As the ground continued to shake, I dashed outside the room, I followed the similar path I had taken earlier which made it easy for me, the cat ran beside me, the birds flew wildly left through the windows, and other small animals were running desperately beside me, and the debris of the museum was about to crush me.

No way!

"Shit shit shit!"

Mas mabilis pa ang pagtakbo ko hanggang sa tuluyan ko nang makita ang pinto na pinasukan ko nang tumingala akong muli mas malaking parte ng museleo ang babagsak at siyang papatay sa akin. Kaya ginawa ko na ang alam kong makatutulong sa akin, bago pa man tumama sa amin ang pabagsak na gusali, marahas na akong tumalon sa labas, nabitawan ko na ang salamin, inihiwalay ko na ang sarili ko sa malaking bag ko at nagpagulong-gulong ako.

Napamura ako at napadaing sa sakit, ngunit hindi ko agad ininda iyon, halos gumapang ako para tingnan ang salamin, at nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi iyon nabasag.

Tila higit pa ako sa nabugbog ng araw na iyon, punong-puno ako ng galos, dumi, alakibok, magulong buhok at halos hindi na ako makatayo sa pagkakasalampak sa daan, ngunit ang higit na nakapagpatulala sa akin ay ang hitsura ng musuleo.

Because the museum looked different from the first time I saw it— now the museum looked old, wrecked, and filled with ashes. A total image of a place that was abandoned by a fire. There were no trees around it, birds, or even possible animals that could live inside it.

Haunted.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro