Chapter 12
Chapter 12: Metal Rings
I tightened the lace of my boots, half-tied my bushy brown hair, and swung the sling of my bow and arrows on my shoulder.
Today's the first day of my training as a woman from the blue fire's prophecy. Sinabi ko sa sarili ko na kailanman ay hindi ko hahayaan ang sarili kong maging pabigat sa magiging misyong ko sa mundong ito. Hindi man sapat ang dalawang araw na pagsasanay ko, sisiguraduhin ko na marami akong matututunan.
I'd lived my life in the human world surviving— fighting alone. Ngayon na ipinadala ako sa ibang mundo, at may mga nilalang na handang tumulong sa akin, ngayon ko pa ba hahayaan ang sarili kong maging mahina?
I took a deep breath.
"Are you ready?" Tobias asked.
I nodded at him.
Sabay kaming humarap sa pinto ng silid bago ko itinulak iyon ng dalawa kong kamay.
As I took my every step, I felt as if the time slowed down. The warm wind entered the castle, blowing the curls of my hair. The dim moonlight from the windows was gently kissing my cheeks, while the sound of the wooden arrows behind me echoed as we continued to stride down the long hallway.
Ilang beses napapalingon ang mga tagasunod ng Parsua Deltora nang sabay kaming lumabas ni Tobias sa aming silid.
I led the way as Tobias followed me with his new suit. I was not aware of how he usually dressed during his training, but with the servants' expression, this might be their first time to see their king dressed like this.
I felt like Tobias, and I was about to enter a huge battlefield with intense background music ringing inside my mind.
Hindi man ako tuluyang lumingon para higit na pagmasdan ang reaksyon ng mga taga palasyo, alam kong hindi na nila magawang tanggalin ang kanilang mga mata sa amin. It's the time that I felt so powerful— like the main character.
Because all my life I'd been the side character, and I never imagined that there would be a part of my life that would be told like this.
My life has been conflicted since the moment I learned about this world— but now no matter how unsure I was, I knew that I'd do my best to help Claret and Divina.
I continued walking until I realized that we were about to reach the intersection of the hallway.
I grimaced.
I awkwardly turned to Tobias and scratched my cheek. "Saan nga ang daan?"
Tobias looked at me amusingly. "Here, My Queen."
Kaswal niyang inilahad ang isa niyang kamay para ituro ang direksyon ko. Umirap ako sa kanya at taas noo akong muling naglakad na kanya namang sinundan.
He chuckled.
Parang biglang naging bodyguard si Tobias dahil hindi siya naglalakad sa tabi ko. Naroon lang siya sa likuran ko habang nakasalikop ang mga kamay sa kanyang likuran. Kapag liliko na kami ay siya ang nagsasabi ng direksyon ko.
Nang wala na akong nakitang mga tagasunod ay lumingon na ako kay Tobias. "Bakit ka ba nariyan? Bakit ka sumabay sa akin?"
Mas tumawa siya sa sinabi ko. "You look like you're enjoying it, My Queen. You should have told me that you wanted to role-play. I can be your knight tailing you."
I rolled my eyes. Naglakad na ako at tumabi sa kanya. "Pagpapasensiyahan kita, Tobias, dahil guwapo ka."
He chuckled again.
Maglalakad na sana kami nang matigilan ako sa nilalang na nasa harapan namin ni Tobias. Katulad rin namin siya ni Tobias na nakasuot ng pangkaraniwang kasuotan ng mga kawal sa tuwing nag-e-ensayo ang mga ito.
Nakangiwi sa amin si Pryor na parang hindi niya gusto ang kasuotan namin ni Tobias. Siya lang ba ang puwedeng magsuot ng katulad ng sa mga kawal?
Don't tell me . . .
I looked at Tobias accusingly.
"Pryor will be training with us."
"Oh . . ."
Nag-angat ng kilay sa akin si Pryor bago siya tumalikod. Hindi na sinalubong ni Tobias ang mga mata ko dahil alam niyang hindi ko gusto ang ideyang kasama pa namin ni Pryor. Hindi na ako magugulat kung bigla niya akong mapatay.
He hated me.
Akala ko ay sa labas kami ng palasyo mag-e-ensayo nang mas bumaba pa kami ng palasyo, hanggang sa makarating kami sa isang malaking pintuan. Nanatili kaming nakasunod ni Tobias sa kapatid niya nang pumasok ito habang may hawak na bagong sindi ng simbo.
We descended a long stair with the only light as Pryor's wooden torch. All I could hear were the sound of our boots on the marbled stairs, and the crackling of the small fire on the torch.
Hindi na ako nagtanong kung bakit dito nila ako napiling turuan lumaban dahil sa estado ko. They should introduce me to this kingdom as a new queen that they everyone would admire— with strength and power.
Ano na lang ang iisipin ng mga taga palasyo sa sandaling makita nila kung paano ako lumaban?
Sullivan and Javan might have trained me for a while, but I knew that Pryor wouldn't be kind enough to understand that I had a little amount of time to train— or should I say I was a little bit stubborn to avoid the training before?
I could feel the intense hammering of my chest.
Gusto ko man sabihin kay Tobias na hindi ako natutuwa sa ideyang ito, ngunit alam ko na higit na makatutulong ang presensiya ng kapatid niya kaysa kami lang ni Tobias. We shouldn't waste more time. Dapat ay matutunan ko na ang dapat matutunan.
Panibagong pinto ang siyang sumalubong sa amin. Isinabit ni Pryor ang simbong hawak niya bago niya tuluyang binuksan ang pinto. Hindi man lang siya lumingon sa amin nang pumasok na siya roon.
Huminga ako nang malalim at sumunod ako sa kanya.
Mayroon nang kaunting liwanag doon dahil sa ilang lampara na nakasabit, ngunit nang makita ko na sinugatan ni Pryor ang palad niya gamit ang espada niya at ilagay niya iyon sa harapan niya, ay higit na nagliwanag ang kabuuan ng lugar.
There were number of pillars with fire ignited around us.
I gasped as the water from the pillar where Pryor had dipped his blooded hand overflowed, slowly crawling on the floor. The symbols on the floor suddenly ignited as the water trailed over them. Until I could hear the intense sound of raging waters— I looked around, and my eyes widened when suddenly we were surrounded by waterfalls.
Droplets of water were kissing my cheeks, the air now filled with the cool breeze, as the greenery vines crawled on the floor.
I felt like I was whisked into the middle of a rainforest in just a second.
I could feel the cold sweat on my temple as Pryor looked at me with those crimson eyes.
"This place will only recognize the blood of a Le'Vamueivos," Tobias said.
This place could be called a paradise with its sudden transformation— a place as if it had been blessed by the forest fairies, but in reality, it was just a single drop of Le'Vamuievos blood.
"Go, Love . . ."
Tobias gently pushed me. Marahas akong napalingon sa kanya nang makita kong nagtungo sa gitna si Pryor.
Is he going to let me fight with his brother? He looked murderous!
"W-what?"
"As much as I want to seal you inside my room and hide you away from your dangerous responsibilities, Kezalli . . . I know that it will not give you any advantage."
Mariin akong pumikit at tinalikuran na si Tobias.
"Ah, shit. Bahala na."
I gripped my bow, and I approached the floor as Pryor waited for me. I took a step back when Pryor didn't even try to lower his guard as he savagely revealed his red eyes, fangs, and even his long nails.
Tang ina nito, kapag lumakas ako, siya ang una kong babalikan.
Tobias positioned himself at the side of the arena, standing tall in the center with his clasped hands behind his back and his expressionless face as he watched us.
Pryor and I circled each other as we walked around the arena.
I couldn't hear well with the waterfall around us.
I quickly pulled one of my arrows and drew it, but Pryor simply tilted his head to avoid it. Sunod-sunod ko iyong ginawa ngunit wala man lang tumama sa kanya.
Gusto kong magmura. Ano bang klaseng laban ito? Napakalayo ng agwat ng kakayahan namin ni Pryor! Idagdag pa na kumukulo ang dugo nito sa akin.
Nanatiling mariing nakahawak ang mga kamay ko sa palaso. Mabibigat ang paghinga ko habang gumagala ang mga mata ko sa paligid.
I knew that when it came to combat— my ability has always been needed in long range attacks. Ito ang paulit-ulit na paalala sa akin ni Sullivan, dapat ay magawa ko pa rin makalaban kahit nasa malapit ang kalaban.
Inaasahan ko nang makakatanggap ako ng atake na hindi ko man lang magagawang Ilagan, ngunit maging ako ay nagulat sa sarili kong mga mata nang bigla ko nang makita si Pryor.
He was about to attack me with his arm! He's trying to target my neck! Tatamaan ako!
Mabilis akong yumuko sa takot ko, nawalan ako ng balanse at tuluyan na akong napaupo sa sahig na ngayon ay may umaagos na mas maraming tubig. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingala kay Pryor na nakatuwid ang braso na may matutulis na kuko na tila handang pugutin ang ulo ko.
He even looked surprised when he saw me below him.
"Shit!"
Nagmadali akong tumayo at tumakbo mula sa kanya. Agad akong humila ng palaso at sunod-sunod ko iyon pinaulan sa kanya. Hindi ako makatama!
Sa pangalawang beses na atake ni Pryor, nawala na ang suwerte ko. I cursed when he was still trying to be considerate as he gave me an attack using the back of his hand. Tumama iyon sa tagiliran ko ngunit tumilapon ang katawan ko.
Ilang beses akong nagpagulong-gulong. Nabitawan ko ang aking mga palaso at nahiga na ako sa sahig na napupuno na ng tubig.
I was waiting for Tobias to save me, but he didn't even move an inch. Ibang-iba siya ngayon kaysa sa haring sumalubong sa akin sa mundong ito.
He was just there, standing firmly as his brother walked slowly towards me. Nagagawa ko man sundan na ang kilos ni Pryor, iba pa rin ang lakas niya. Kung hindi siguro ako isang bampira na, nasisigurado kong wala na akong buhay sa paraan ng pagtilapon ng katawan ko kanina.
"Shit. Shit."
Akala ko ay hindi ko na mararanasan ang bagay na ito sa mundong ito. Nangangatal ang katawan ko habang pilit akong bumabangon.
I could hear Pryor's footsteps on the watered floor. Hinayaan niya akong kuhanin muli ang aking palaso, ngunit kung inaakala niyang iyon pa rin ang gagamitin ko nagkakamali siya. Isinakbat ko nang muli ang palaso ko sa aking balikat.
Huminga ako nang malalim nang sabay kong hinila ang isa bagay na matagal ko nang isinusumpa, ngunit alam ko sa sarili kong maaari kong magamit sa sandaling kailanagan kong iligtas ang sarili ko.
I pulled the two-ring blades with chains hanging on my waist, removed it from its sheath, and positioned myself in a familiar stance. I spread my legs, bent them, and placed both of my arms in front of me.
I closed my eyes as tears fell on my cheeks. Biglang nawala ang ingay ng tubig sa paligid at napalitan iyon ng sigawan ng iba't ibang boses, napakaraming lengguwahe, ingay ng bakal, boses mula sa mikropono, tawag sa pangalan ko, tunog ng bulto-bultong mga ginto, tunog ng binibilang na pera, at ang malakas na gong.
I opened my eyes.
I shook my head and looked straight at Pryor.
Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang nabigla nang nawala ako sa harapan niya. Mabilis akong tumakbo sa paligid niya dahilan kung bakit siya ngayon ang nasa gitna at pilit na hinahabol ang susunod kong atake.
He grinned and made an attack.
Hindi ako nagulat nang agad akong nahawakan ng malaki niyang kamay na ngayon ay kasalukuyan nang nasa leeg ko habang nakalutang na ako.
He's choking me to death. Sa kabila nang nawawalang hangin sa aking katawan at panlalabo ng aking mga mata, narinig ko pa ang reaksyon ni Tobias.
"Pryor!" Sigaw ni Tobias.
"I should stop her and the other women who made our sister—"
I saw how Tobias turned into a water figure and teleported himself between us, he was about to remove his brother's arm when I used the remaining strength on my body and moved the metal ring in my hands.
Kapwa ko iyon inihagis, unang pumulupot ang cadena sa leeg ni Tobias, bago pumulupot ang isa sa leeg ni Pryor. The ring blade hit Pryor's face. Si Tobias mismo ang humila sa kapatid niya dahilan kung bakit sila kapwa natumba kasabay ko.
Nangangatal akong nagmadaling bumangon kasabay ng paghila ko ng aking palaso. Agad akong naupo sa dibdib ni Tobias.
I positioned my shaking arms in front of Tobias's face as I pulled the end of the arrow with my blazing eyes against him.
Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko dahil sa kagagawang ito ni Tobias. Sullivan might have discovered it and he informed Tobias's about my horrible past.
Walang tigil ang pagtulo ng luha ko habang nakatutok ang palaso sa mukha niya na ngayon ay nababasa na ng mga luha ko.
Lumambot ang mga mata niya sa akin at marahang nag-angat ang isa niyang kamay upang haplusin ang pisngi ko.
"Ano ang ginawa ng mundo ng mga tao sa 'yo, Mahal ko?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro