Chapter 11
Chapter 11: Preparation
The muffled sound of my bare footsteps on the carpeted floor echoed throughout our room. I purposely placed my clasped hand behind my back as I looked closely at the items I'd requested from the servants. The materials were arranged properly at the long table, a grin started to creep on my lips as I nodded in approval.
I never imagined that my life would turn this easy, with everything I'd asked for would be granted so quickly.
I glanced at the nervous servants, they were bowing their heads, uncertain if it was their way of respect or simply a means to avoid meeting my eyes.
Was that fear?
Now that I spent days as a bitten vampire, adjusting to my advanced senses, I could vividly see their movement and feel their emotions. The hurried sound of their heartbeat, the subtle slickness of their sweat as it glided down on their foreheads, the way they gulped, and how their fingers fidgeted in anxiety. Even the clear vision of their veins made me feel as if I was new— powerful and above anyone else.
How could my life turn so different?
I was one of them before, with my bowed head, unsure if my life would be extended for another day. I could clearly remember how my knees trembled, my heartbeat hammered, and how I stuttered my words.
I took a deep sigh and looked at the servants. I never dreamed of receiving this kind of treatment from anyone. I didn't desire to be feared— but rather respected.
I smiled at them.
"You may rise, is this really necessary, Tobias? Hindi ba masakit sa likuran nila?" I asked.
They looked hesitant at first, I even had a hand gesture for them to stand up straight as I widened my eyes. "Come on, it's fine."
Nang lumingon ako ay akala ko'y malayo pa sa akin si Tobias, ngunit biglang tumama ang tungki ng ilong ko sa dibdib niya. "Ouch."
Napahawak ako sa ilong ko at napatingala ako sa kanya. I was confident a while ago that I already had a sharp sense as a bitten vampire, but I didn't even realize that he was an inch closer.
His right brow arched.
"Are you alright?"
He was about to touch me, but I stepped back.
He gave me his usual warm smile. Minsan nakakainis din talaga ang ngiti nitong Tobias, dahil alam kong hindi totoo iyon.
I rolled my eyes.
He chuckled.
I turned my back and faced the servants, but the king didn't even move. Instead, he gently bent his body to peek at me, and he carefully held my chin to meet my gaze. "Are you sure?"
Sa halip na magawa kong sumagot sa kanya napasulyap ako sa mga nakahilerang tagasunod na kanya-kanyang tingin sa iba't ibang direksyon sa inasal na iyon ng kanilang hari. Hindi ba nalalaman nitong si Tobias na hindi lang kami ang nasa silid sa mga oras na ito?
"A-ang clingy mo na," I gently pushed him.
Gumawa rin ako ng kaunting distansya mula sa kanya.
"Clingy?" He asked.
I shook my head. "Huwag ka nang magtanong, Tobias."
He chuckled again.
Mas lumapit ako sa mga nakahilerang gamit at ganoon din si Tobias, at sa halip na tumabi siya sa akin at humawak sa ibang gamit, naroon talaga siya sa likuran ko at saka lang siyang humahawak ng gamit kapag ibinaba ko na iyon muli sa lamesa.
Ang lawak-lawak ng silid na iyon pero sinasadya niyang ilapat iyong dibdib niya sa likuran ko na parang ang sikip-sikip ng silid niya at kailangan pa niya akong itulak.
Kunot na kunot na iyong noo ko nang lumingon ako sa kanya. He was so unbothered as he scanned the material in his hand.
Sinadya ko siyang titigan nang matagal hanggang sa magtungo na sa akin ang mga mata niya. He tilted his head innocently as if he was unsure why I was looking at him. I grimaced.
He blinked. "Why?"
Umawang ang bibig ko. Ako pa ang tinatanong niya ng why?
Niloloko ba ako nitong si Tobias?
Ibinaba na niya sa lamesa ang hawak niya at kapwa na lang ako napatitig sa magkabila ko nang sabay niyang inihawak ang dalawang kamay niya sa lamesa, dahilan kung bakit nakakulong ako sa kanya.
Hindi ko na pinigilan ang sarili ko, marahas kong hinawakan ang maluwag niyang kasuotan at hinila ko siya pababa sa akin. Tumingkayad ako at inilapit ko ang mga labi ko sa isa sa kanyang tainga. "Kung pinaalis mo na lang kaya ang tagasunod mo, Tobias? Kumagat ka na kung gusto mong kumagat."
He laughed. "No. It's alright, Love. I know that you're busy."
Ngumiwi ako. "Oh, talaga?"
Iritable ko na siyang itinulak at tumigil lang ako sa pagtulak sa dibdib niya nang makuntento na ako sa kaunting distansya sa pagitan namin.
"Keep that distance, Your Majesty."
Umirap ako sa kanya at tumawa lang siya saglit sa reaksyon ko. Sunod pa rin nang sunod sa akin si Tobias, at pansin kong sa halip na sa mga nakahilerang mga gamit ang atensyon niya ay sa akin lang siya nakatitig.
Napikit ako at pilit inalala kung anong klaseng dasal ba ang ginawa ko sa mundo ng mga tao, dahil hindi lang ako binigyan ng 9 in— million, isang napakaguwapong patay na patay na hari lang naman ang ibinigay sa akin.
"Thank you for all of these items!" Nakangiting sabi ko sa mga tagasunod.
Hahawakan ko pa sana iyong itim na kasuotan nang maagaw ang atensyon namin nang may kumatok sa pinto. It was quickly opened by one of the servants. It was Pryor and some of his knights on his sides.
"Your Majesty, we need you for this urgent matter outside."
Hindi na nagsalita pa si Tobias, tinawid niya ang kaunting distansya sa pagitan namin, yumakap ang isang braso niya sa baywang ko, at mabilis siyang humalik sa aking noo. "I'll return quick."
"Nah, take your time."
I tapped his cheek, but he gently took my hand and lovingly kissed it. Heat flushed my cheek, my heart tightened, and I bit my lip to suppress my smile.
Ano ba itong si Tobias?
Tinalikuran na niya ako at nagtungo na siya sa kapatid niya. Nagkatitigan pa kami saglit ni Pryor na nakakunot na naman ang noo. Inirapan ko siya. Bitter lang kasi.
Habol ang tingin ko kay Tobias hanggang sa unti-unting magsarado ang pinto at hindi ko na siya makita.
Napabuntonghinga ako.
Si Tobias kung kumilos ay parang hindi ko pa napakakagat, baka iniisip ng lahat na nagpapakipot pa ako sa hari nila. Kung alam lang nila . . .
I awkwardly glanced at the servants. Kung kanina ay ramdam ko na kinakabahan pa sila ngayon ay napapansin ko na rin ang pamumula ng kanilang pisngi. Maybe it was really new to them to witness how their king acted like a certified flirt.
I blinked. Was really this the first time? Sa tagal bago ako nakarating sa mundong ito ay wala pa siyang nagiging ex-girlfriend?
Mas humakbang ako palapit sa lamesa, kinuha muli ang itim na kasuotan ngunit sa pagkakataong ito mas inilapit ko ang mukha ko sa isa sa mga tagasunod.
"I have a question."
Mas yumuko siiya sa akin. "Sasagutin ko po sa abot ng aking makakaya ang lahat ng katanungan mo, Mahal na reyna."
Ngumiwi ako. Hanggang ngayon ay hindi pa ako sanay sa tawag na iyon sa akin, at kung hindi ako nagkakamali ay wala pa rin naman akong pormal na pagpapakilala sa emperyong ito kaya dapat na ba talaga akong tawagin sa paraang iyon?
"May ex-girlfriend ba si Tobias?"
I asked him about this before and he mentioned that he had friends.
"Ex-girlfriend?"
"Oh, sorry, dating kasintahan? May mga prinsesa ba, maharlika o di kaya'y magaganda siyang mananayaw?"
Hindi agad nakasagot ang tagasunod sa akin, nagkakasilipan pa nga silang ngayon ay gusto na muling yumuko sa akin.
"Oh . . . so mayroon nga?"
Wala pa rin sumasagot sa akin. I knew that they're all loyal to the throne, at nasisigurado ko na higit nilang pipiliin si Tobias sa akin, ngunit sa katulad ko na naranasang matayo sa kanilang posisyon, alam ko ang kahinaan nila.
Bigla na akong naupo sa mahabang lamesa at pinagkrus ko ang mga hita ko. "Paano kung sabihin ko na bibigyan ko kayo ng mga ginto at diyamante sa sandaling bigyan ninyo ako ng kasagutan? I will keep this a secret. Remember, I am going to be the queen of this empire— the riches of this empire will be mine. I don't mind sharing it with my loyal servants."
Sabay-sabay silang nag-angat ng tingin sa akin at pamilyar na ako sa kislap ng kanilang mga mata, araw-araw ko iyon nakikita sa salamin.
"Now, tell me."
"Hindi naging malapit sa kababaihan si Haring Tobias kaiba ni Prinsipe Rosh, ngunit hindi ipagkakaila na marami rin siyang tagahanga." Ilang beses akong tumango.
Huminga nang malalim ang isa sa kanila bago sinalubong ang mga mata ko. "Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng lahat na naging malapit si Haring Tobias kay Prinsesa Harper ng Sartorias."
"Oh, so there's a name na. Ex talaga siya ni Tobias? I mean dating kasintahan?"
Nagkatingnan muli ang mga tagasunod. "Naging usapan na sila'y nais piliin ang isa't isa. Ngunit huwag kayong mag-alala, Mahal na reyna, sa paraan ng titig ng mahal na hari sa 'yo'y nasisigurado naming lahat na tanging sa 'yo lamang niya iyon ginawa. Hindi sa ganoon sa prinsesa na tila ayaw nang humiwalay."
"Ah, okay. It's fine. I am cool with it. Hindi naman ako bitter." Huwag ko nga lang siya makikita na mas maganda sa akin.
After all, I am still that insecure human girl. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala na may guwapo akong boyfriend, isama pa na sobrang yummy.
Umiling na ako sa iniisip ko.
Tumalon na ako mula sa lamesa at isa-isa ko nang kinuha iyong mga gamit doon. "Maraming salamat! Maaari na kayong umalis. Ako na ang bahala rito."
Ako pa ang nagtungo sa may pinto at pinagbuksan ko pa ang mga tagasunod. "Tatawag na lang ako kung may kailangan pa ako sa inyo."
Isa-isa silang yumuko sa akin at nagpaalam. Nang isarado ko na ang pinto ay nagmadali na akong nagtungo sa kama, inilatag ang mga tela at kasuotan na inihanda nila at tinitigan ko iyon nang saglit.
"Alright!"
I asked the servants to prepare the smallest training clothes for their warriors. I might have stayed inside Tobias's room for long, but from his room, I could see the training grounds of the palace's knights, both men and women. The women were still wearing dresses— but not as extravagant and heavy as the usual dresses of women, but I don't think that it would be comfortable for them in the middle of a battle. Maybe I could modify the female warrior's outfit.
Kaya humingi ako ng mga panahi, panukat at iba't ibang kagamitan na maaari kong gamitin para ayusin ang kasuotan na gagamitin ko.
If I'd be training for two days before I could help Claret and Divina, maybe I'd start with my outfit. Alam kong imposibleng mangyari na magkaroon ako ng kapangyarihan gaya ni Tobias na kayang tumawag ng tubig. That's why I'd be more focused on combat— with my arrows. Kailangan ko gumalaw nang maayos.
Pinili kong doon maupo sa sahig nang simulan ko nang ayusin ang kasuotan ko. Fixing and adjusting an outfit was never challenging for me, sa dami ba naman ng naging trabaho ko sa mundo ng mga tao.
I spent hours fixing my combat outfit when the door swung open. "Kezalli?"
Inangat ko ang kamay kong may sinilid at karayom. "I am here!"
"Why are you there?"
Nakatayo na sa harap ko si Tobias at tumingala ako. "I like the way you look up there, Your Majesty," biro ko.
Kumunot ang noo niya at agad siyang naupo sa harapan ko. "Didn't I tell you that you'll no longer look up to someone? Everyone will bow to you."
Ngumiti ako. "Thank you."
"What are you doing?"
"Susuotin ko bukas. Hindi ba at magsasanay na ako?"
Inangat ko ang kasuotan sa harapan niya. "That?"
"Yes! Susukatin ko! I don't know why it's different with your measuring tape, parang pumayat ako? Or should I say I turned sexy? Lumaki ang dapat lumaki at lumiit ang dapat— or is it part of my transformation?"
"You're still the same in my eyes."
Natigilan ako sa sinabi niya. "Are you trying to be considerate?"
"You're very pretty, Kezalli. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng mga tao sa 'yo para isipin mong hindi ka maganda. If I could just burn that world for you."
My eyes widened. "No need. Grabe ka, ah?"
Nanatili nang nakaupo sa carpet si Tobias habang habol ang tingin niya sa akin. Humarap ako sa salamin at doon na ako nagbihis.
Surprisingly, Tobias stayed on his carpeted floor, but his eyes never left me. Ilang beses akong umikot sa harap ng salamin nang masuot ko na ang itim na damit na tamang-tama sa hakab ng katawan ko at ang pantalon na tama lang din sa baywang ko.
"See? Isn't this comfortable?"
"It's tightly fitting you. Can you still breathe?"
"Yes!"
Naka-tuck in iyong itim kong damit sa pantalon ko na maluwag sa hita. I wore a good pair of leather boots and I half-tied my short bushy hair.
"Where's my bow and arrow?" Nakangiting sabi ko sa kanya.
Nawala na siya sa sahig at natagpuan ko na siya sa likuran ko. Yumakap siya sa akin at inihilig niya ang baba niya sa balikat ko. "I hope we'll return soon. I hate to bring you this early with this dangerous mission, but as I look at you—determined to help, I can't help but admire you more."
"Tobias . . ."
"You're unsure in this world, you're scared, and even new to all the things around you, but you always have that smile— it's always so bright, Kezalli, that sometimes I can't breathe. I hope there will be a time that you'll tell me everything behind your half meant smiles."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro