Chapter 10
CHAPTER 10: NEWS
When I first arrived in this world, motivated to fulfill a promise, I thought everything would be simple. Magagawa kong tumulong kay Claret, pakikisamahan ko lang si Tobias nang kaunting panahon at magagawa ko nang makabalik sa mundo ng mga tao. Ngunit sa kaunting panahon na nakasama ko si Tobias, sa unang araw pa lang na salubungin niya ako sa mundong ito, unti-unti nang lumalabo ang mga plano ko.
At hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman, ngayong hindi na lang ako si Kezalli mula sa mundo ng mga tao, kundi isang babaeng itinakda mula sa salamin at isang bampira na magiging reyna ng isang malaking kaharian.
I knew the moment I saw Divina that her mother needed me.
I couldn't deny the fact that Tobias's presence in this world made my mind clouded for a while. Who wouldn't? I was just slapped by his nine...million.
Sino ang hindi makakalimot ng dapat gawin o matutuliro?
I shook my head. I shouldn't be thinking about his nine million right now. Divina's already waiting for us.
Huminga ako nang malalim at ilang beses kong tinapik ang pisngi ko.
"Let's go, Tobias! Divina's waiting for us."
Nauna pa akong humakbang sa kanya patungo sa pinto, ngunit natigil din ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa mga kamay naming magkahawak bago ko muling sinalubong ang kanyang mga mata.
Tipid akong ngumiti sa kanya.
He looked worried and unsure. Of course, he knew that I was new in this place. Ngayon pa lang namin kinikilala ang isa't isa na dapat siyang dapat naming gawin, ngunit hindi rin ako mapapanatag na higit akong manatili sa loob ng kastilyong ito at walang ginagawa.
"Are you aware that Claret and Divina's one of the reasons why I came here? I promised the innocent kid that I'd help her mother."
I sighed remembering those memories I had with Claret when I was still young. Claret was there, begging me to survive during one of the toughest parts of my life. Hindi ko makakalimutan ang pangangatal ng mga kamay niya, ang boses niya at ang pagluha ng kanyang mga mata noon.
Tipid na ngumiti sa akin si Tobias. "I am aware, because if not for them you'll forget that you sold the mirror, right?"
My eyes widened and I smiled awkwardly at him. "You know...it wasn't like that, my king. I was just trying to protect the mirror."
Now he looked amused. Akala ko ay tuluyan na kaming lalabas nang dalhin niya ang isang kamay ko sa mga labi niya.
"Pero ang handsome mo talaga sa haircut mo, Tobias! For sure, mauuso ang haircut na ganyan sa Parsua Deltora."
I licked my thumb finger and styled the side of his hair.
"What is that?"
"Styling. Walang hair gel sa mundong ito, hindi ba?"
"Hair gel?"
Ngumisi na lang ako at umiling. "Okay! That's going to be one of our businesses! And you'll be my model! Bukod sa bombero at ambassador ka ng anti-dengue campaign! We'll sell hair gel."
Dalawang beses kong ginawa iyon sa magkabilang gilid ng ulo ni Tobias para ayusin ang buhok niya at hinayaan niya ako. I thought he'd just timidly watch me do his hairstyle, but I gasped when he cupped my face.
He slowly licked the sides of my cheeks. My eyes widened.
Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha at tainga ko. Bahagya akong dumistansya sa kanya. "Bakit lagi mo akong nilalawayan, Tobias?"
"Now it's fair. Shall we?" Inilahad niya sa akin ang kanyang braso.
Umawang ang bibig ko habang nakatulala sa kanya. He didn't even look affected as if he just casually closed his book.
And what? Fair? But that was different! Hindi naman dila ang ginagamit ko nang direkta sa kanya!
"Paano kung gawin ko iyon sa 'yo?"
He tilted his head and he let his eyes glowed in red. "Then I'll have to bite you."
"Wow."
Tipid lang siyang ngumiti. Siya na ang humawak sa kamay ko at naglagay sa braso ko. Agad kaming nagtungo sa silid kung saan naroon ang prinsipeng may ngalang Seth at si Divina. Hindi pa man kami nakakailang hakbang doon ay agad kong nakita si Divina. She looked very delighted to see me. Agad siyang tumakbo patungo sa akin at yumakap.
"Kezalli! You're so pretty in that dress!" Nakatingalang sabi niya.
King Tobias tilted his head and friendly smiled at Divina. "You're really close with the queen."
Napatingin ako kay Tobias, gusto ko sana siyang sabihan na huwag niya munang gamitin ang salitang queen sa akin dahil alam kong hindi pa ako nararapat sa titulong iyon.
"She's my friend, King Tobias," Divina said innocently.
Nang sulyapan ko si Seth ay nakangiwi pa rin siya sa bagong hitsura ni Tobias, habang tulalang-tulala naman ang mga kapatid niya.
"W-what happened to your hair?" Tanong ni Marah.
Samantalang kunot na kunot ang noo ni Pryor. He even looked at me accusingly. Nakita iyon ni Divina, tumingala siya sa akin at iniharang niya ang isa niyang kamay sa labi niya. "He's bad and scary. Be careful of him."
Ngumiwi ako at ilang beses tumango. Kahit bata pala ay hindi na makasundo si Pryor.
"Come here, Divina. You shouldn't greet the king and queen like that," sabi ni Seth.
"But Kezalli's my friend—" Hindi na siya hinayaan pa ni Seth na mas lumapit sa akin at hinawakan na niya si Divina papalayo sa akin.
Hinawakan muli ni Tobias ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa upuan. Naroon na sina Seth, Pryor at Marah. Nakaupo rin si Divina at kasalukuyan silang nagkakatitigan ni Pryor.
Hindi ko na talaga alam kung bakit tila galit sa mundo itong si Pryor. Did someone dump him or what?
"Why is the little princess in this meeting?" Tanong niya.
"I am part of the group!" Malakas na sagot sa kanya ni Divina. "Are you part of the group, Prince Pryor?"
Mas nanliit ang mga mata ng dalawa sa isa't isa. Napakamot na sa kanyang ulo si Seth na may alaga kay Divina at binigyan niya ulit ito ng tinapay na agad tinanggap ng bata.
Tobias cleared his throat. "Shall we start?"
Huminga ng malalim si Seth. "Again, I'd like to introduce myself, I am Seth Viardellon the thirteenth prince from Parsua Avalon, and one of the vampires from the prophecy. I am the next in line . . ." tipid siyang ngumiti habang nakatitig sa akin.
"N-next in line?" Tanong ko.
"I mean . . . my mate will arrive next."
"Oh. . ." ilang beses akong tumango at sumulyap kay Tobias.
"Now let's get back to our real deal. Claret and the rest of the princes of the prophecy gave me a task to ask for your help. I know that you just recently arrived in this world— and the most important thing that you must do is to spend your hours with Tobias and learn new things inside this kingdom, but we believe that you could be a help to us. We're going through a tough situation."
Hindi ko na tinanggal ang tingin ko kay Seth.
"Narito ako para sa pangako ko kay Claret. Alam ko na marami pa akong kailangan malaman at kakulangan, ngunit gagawin ko ang lahat para tumulong."
"What's the situation in there?" Tanong ni Pryor.
Pansin ko na saglit na natigilan si Seth. Isa-isa niyang sinalubong ang mga mata ng magkakapatid na tila nag-aalangan siya sa sasabihin niya.
"I know that Rosh should be the one telling you this . . ."
"What? Just spill it, Viardellon." Ulit ni Pryor.
"This is something about your sister."
"Huh? Me?" Itinuro ni Marah ang kanyang sarili.
Nanghihinang umiling si Seth. "The other one."
Sabay napatayo sina Marah at Pryor sa sinabi ni Seth. Agad silang lumingon kay Tobias na natulala rin kay Seth.
"A-again?"
For the first time, I saw Tobias stutter. Napatingin akong muli kay Seth at hinintay ang anumang sasabihin niya.
"H-how? What's happening? How did—" Halos hindi magawang ituloy ni Pryor ang mga katanungan niya.
Napahakbang si Marah na tila gusto na niyang hawakan si Seth. Ilang beses na akong nagpabalik-balik ng tingin sa magkakapatid.
"W-what's going on?"
"V-Veda?" Tanong ni Tobias.
Seth weakly nodded. Hindi na napigilan ni Marah ang lumuha at nagawa niyang takpan ang bibig niya.
Huminga muli nang malalim si Seth bago niya sinimulan ang lahat ng detalyeng nalalaman niya, simula ng umalis sila ng mga itinakdang prinsipe sa Parsua at makarating sila sa Trafadore. Doon ay nagkaroon na sila ng iba't ibang karanasan hanggang sa tuluyan na nilang makilala ang totong saralin sa lahat ng kaguluhan.
Simula sa pag-aakala ni Claret na ang kanyang ina ay may nais gawing masama
kay Divina, hanggang sa katotohanan na ang lahat ng nasa likuran nito ay si Atlas at ang misyon nito na buhayin ang babaeng mahal niya.
Atlas was the villain of the story. A demon and the mate of another Le'Vamuievos— Veda Le'Vamuievos.
Maging ako ay naguguluhan. Buong akala ko ay apat lang silang magkakapatid. Sino si Veda? Bakit hindi siya nasabi sa akin ni Tobias?
"I'll go with you," agad na sabi ni Pryor.
Umiling si Tobias. "I don't think it's ideal if we leave the kingdom with just Marah. You must stay here with her. Tama nang kami ni Rosh ang lumabas ng kaharian."
"B-but—" Hinawakan na ni Marah ang kamay ni Pryor.
"Ngayon na ba tayo aalis?" Tanong ni Tobias.
"As early as possible," agad na sagot ni Seth.
Lumingon sa akin si Tobias at ilang beses akong tumango sa kanya. Magsasalita na sana ako nang muling humarap si Tobias kay Seth. "We will. But can you give us a day or two? Kezalli needs to know the basics of being a vampire. You know, the queen just recently converted . . ."
Agad yumuko si Seth. "I can understand."
Sinulyapan ko si Divina na tahimik lamang at kumakain ng tinapay habang nakikinig sa aming usapan. I wonder how an innocent child could take this information. Masyado pa siyang bata upang makinig sa suliranin ng matatanda sa mundong ito.
"Does it mean Kezalli's not spending her days with me?" Divina innocently asked.
Muling hinawakan ni Tobias ang kamay ko at ngumiti siya nang matamis kay Divina. "I am afraid that the queen needs her training with me."
Ngumiti si Divina. "It's fine! Kezalli needs to be stronger!"
Hindi na humaba pa ang usapan dahil nagpaalam na kami ni Tobias. Habang sina Seth at Divina naman ay inihatid na ni Marah sa kanilang silid. Hindi pa man kami nakararating sa harapan ng pintuan ng aming silid ni Tobias ay nakalapit na sa amin si Pryor.
"We need to talk, Tobias."
"Maaari kang pumasok sa aming silid."
"No. We need to talk alone."
Natigil sa paglalakad si Tobias at lumingon sa kapatid niya. Pilit kong binitawan ang kamay ni Tobias.
"Tobias, it's okay. . ."
"Kezalli, you're my queen, you should be aware that everything in this kingdom is also your concern."
Kahit bakas sa ekspresyon ni Pryor na hindi niya ako gustong kasama sa usapan ay wala siyang nagawa. Pumasok na rin siya sa silid at naupo siya sa isang upuan doon.
"What is that? Hindi man lang nagsabi sa atin si Rosh?" Bungad ni Pryor.
"Si Rosh lang ba? Aren't you the same, Pryor? Hindi ka rin naman nagsasabi ng nangyayari sa misyon mo. What happened to the witch? Bakit narito ka? Why did you leave her?"
Pryor rolled his eyes. "I don't think it's necessary to include her in our conversation, Tobias."
"Then don't question, Rosh, and his decision. I will go there. You don't need to worry."
Mas lalong kumunot ang noo ni Pryor. "Why are you so casual about it, Tobias? Our parents tried to hide it for years... and suddenly—" Napailing na lang si Pryor.
"You're a fool if you believe it will forever be buried." Mahinang sagot ni Tobias.
"Are you sure that you don't need—"
"Rosh is there. I have Kezalli with me."
Sumulyap sa akin si Pryor na may tingin na hindi man lang ako pagkakatiwalaan.
"Kailangan ni Marah ng kasama sa kaharian. Manatili ka rito, at matapos ang kaguluhang ito ay humabol ka sa grupo na iniwan mo."
Pryor frustratingly brushed his hair. "I'll talk with Seth."
Tumango si Tobias bago yumuko sa kanya si Pryor. Hindi man lang ako sinulyapan ni Pryor bago ito lumabas sa aming silid.
"Next time, I'll chop his head off if he forgot to give you respect."
Ngumiwi ako. "Hindi na kailangan. Hindi rin naman ako nagugulat, Tobias. Ganoon naman talaga kapag bago ka sa pamilya, hindi agad lalagay ang loob sa 'yo ng lahat. Isa pa, pansin ko na hindi lang naman sa akin ganoon ang kapatid mo. It's his personality to everyone. Brokenhearted ba 'yon?"
"What's brokenhearted?"
"Huh? Sad boy? Rejected ng babae? Hindi type? Ipinagpalit?"
"Ah." He chuckled. "I really don't know."
Inilahad ko ang dalawang kamay ko sa kanya at tinitigan niya iyon na may pagtataka. "Give my bow and arrows, Tobias. Allow me to show you my little ability."
Lumambot ang titig niya sa akin at sabay niyang hinawakan ang dalawang kamay ko. Hinayaan ko iyong dalhin niya sa kanyang mga labi. "Thank you for giving me these wonderful hands— the hands of my queen."
"Kamay lang ba ang binigay ko? Ibinigay ko na lahat— bigay na bigay pa."
And then he laughed— his laughter that I was afraid to let go.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro