Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5


Totoo ba 'to? Pumunta nga siya! Ibig sabihin pumapayag siya sa deal?

I stared at him for seconds bago ako nagpanic at nag-isip ng pwedeng masabi.

"Y-you..came." I stuttered a bit ngunit mukhang hindi naman noticeable 'yon. He just stared at me in return at napaiwas ako ng tingin. It's too intense, maybe because of his chinky eyes? I don't know.

Naagaw ang pansin namin nang dumaan 'yong library personnel at sinenyasan kaming umalis. Uh yeah, it's already 6 pm, hanggang 6:30 lang bukas 'yong library ng high school department. Isinukbit ko na 'yong bag ko sa aking balikat.

"Let's go." I said before I started walking. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin. Agad akong humarap sa kanya no'ng makalabas na kami ng library. Actually hindi ko alam sasabihin ko, should I ask him kaya kung kaylan niya ako pwedeng turuan? This is hard.

"When are you free?" I asked him without looking at his eyes.

"After class." Tipid niyang sagot, looking unbothered as ever. Lakas!

"Library then? Tomorrow." I don't know if I'm saying it right, hindi kaya ang rude ko? Ako pa 'yong nagdedecide pero 'yon lang naman sa ngayon 'yong alam kong peaceful place to study dito sa school.

"K." 'Yon lang ang naging sagot niya bago niya inilipat 'yong kanyang tingin sa field, sa mga naglalaro. I felt my phone vibrated kaya agad ko 'yong kinuha sa bulsa ng bag ko. I saw mom calling, oh my! Lumayo ako ng bahagya to take the call.

"Sweetie, where are you? Nandito na ako sa labas ng school niyo." Aniya.

"Palabas na mom. Wait, I'll be there in 5 minutes." After that ay ibinaba ko 'yong tawag at nilingon ko siya. He's still standing there, still watching the athletes.

"Hey? Uhm, I'll go first, my mom's already waiting for me. Bye." Mabilis akong sabi bago ako tumakbo palayo. I hate it, I'm palpitating, nasobrahan na nga yata ako sa chocolates.

I went to school early the next day, I can't explain it but I can feel the excitement on my nerves! Our Math teacher gave us a freaking hard assignment, nakakainis lang, hindi pa nga niya naeexplain ng maayos.

I tried hard not to smile when I saw him taking the seat beside me. Finally! Matuturuan na ako! Nandito kami ngayon sa library, it will be our first tutoring session. Inilabas ko na ang Math textbook ko, notebook, paper, at ballpen. He also did the same thing, I saw how he flipped the pages swiftly at saktong tumigil 'yon sa page kung saan nakalagay 'yong assignment namin.

I waited for him to start talking but I realized that he won't when he started solving our assignment already. What the? Am I just going to watch him? He's not going to explain it to me? Napakunot 'yong noo ko at tumingin sa kanya pero mukha ngang wala siyang balak. Fudge. Sinundan ko nalang 'yong pagsosolve niya. Ang unique naman niya magtutor, no sound!

I rolled my eyes secretly, pinili mo 'to Astrid.

"He's the best naman, konting pasensya lang."

Of course, I said that to myself, baka kapag sinabi ko ng malakas ay iwan nalang ako bigla dito. He's that type of a person pa naman.

Somehow kahit papaano ay may naiiintindihan ako sa ginagawa niya. He's just so fast at minsa'y gusto kong magtanong dahil nalilito ako, pero hindi ko na ginagawa dahil parang maiisturbo ko kasi siya ng sobra kapag ginawa ko 'yon.

He finished solving the 10 problems already at natapos niya iyon sa loob lamang ng 15 minutes. Fudge! He's so fast, I really can't keep up. Marami akong gustong itanong dahil nalilito pa rin ako lalo na do'n sa mga may fraction na equations.

"Where did it came from?" I asked him saka ko itinuro 'yong nakahiwalay na equation. Hindi siya sumagot, nagdraw lang siya ng arrow at nagsolve ulit do'n sa gilid. I actually got it, pero gusto ko ulit itanong kung nakakapagod ba magsalita? Kasi hindi naman ako napapagod kapag nagsasalita ako. Siya ba napapagod?

"Is it tiring to speak?" Curious kong tanong. He just looked at me.

"No." He answered. Mas lalong kumunot 'yong noo ko dahil sa sagot niya, hindi naman pala, eh bakit hindi siya nagsasalita? Marami pa akong gustong itanong tungkol sa hindi niya pagsasalita but I decided not to ask again, baka mainis pa ako sa sagot niya.

"How about this? How did it become zero?" I asked him again while looking at problem number 8. He again explained it silently by just writing it.

I asked few more questions, after that, I decided to make our Fil assignment, essay 'yon at alam kong weakness niya 'yon. Binuksan ko 'yong book namin sa page kung saan nakalagay 'yong assignment namin.

"Let's try to do it muna. I'll just check yours later." I gently said.

I finished mine in ten minutes, hindi naman kasi ako mahilig sa sobrang habang essay. For me, basta nandoon na lahat ng importanteng points at supporting details ay okay na 'yon. He finished for more than 15 minutes pero okay lang 'yon, it's still fast actually.

"I'll read it." I said saka ko kinuha ang papel niya. Napansin ko ang pagsunod ng tingin niya sa kanyang papel. I started reading it at medyo napapangiwi ako whenever may nababasa akong medyo baluktot at hindi angkop na sila. Naiintindihan ko naman, medyo hindi lang siya partikular sa pagkakaiba ng 'dito' at 'rito', 'kapag' at 'kung' pati rin sa mga panghalip na ginagamit niya, nasa present tense ang ginagamit niya kahit na dapat ay past tense na. Medyo redundant din yong pagkakagamit niya ng words.

Nang matapos ko 'yong pagbabasa ay bumaling ako sa kanya, I noticed that he's still looking at me. Is he curious ba sa sasabihin ko?

Unlike Math, hindi ko pwedeng iexplain to sa kanya by writing. I need to speak in order to explain it.

"Here, dapat ay 'ginawa' lang at hindi 'ginagawa', dito naman....." I continued explaining to him, nakatingin lang siya sa papel. Nakikinig naman siguro siya, ano?

"I'll teach you the past, present, and future tense in Filipino, para hindi ka na malito." I said saka ako nag explain ulit sa kanya. Hindi siya nagsalita o nagtanong man lang all throughout my explanation. He's just looking at the paper silently.

"Ayan, okay na. You know already what you will change, am I right?" I asked him. Hindi siya nagsalita. Tss. I was about to speak again when he talked.

"Yes." Ang tagal niya sumagot, English naman sinabi ko ah?

"You know what?" I want to tell him something na kanina pang nasa isipan ko. Lalo na kanina no'ng medyo naiinis ako sa kanya habang tinuturuan niya ako sa Math.

"Hindi ka talaga matututo ng lubusan kung hindi mo susubukang magsalita." I chose to say this in Filipino because I want him to answer me in Filipino too. Sa gano'ng paraan ako natuto ng ibang lengguwahe no'ng bata pa ako. Kinakausap ako ng Mom ko ng Korean at Nihonggo kaya mabilis akong natuto.

He just looked at me.

"Ang ibig kong sabihin ay mas madali kang matututo kung makikipag-usap ka sa ibang tao palagi, mas masasanay ka kapag gano'n."

"To whom will I talk to? Myself?"

Medyo nagulat ako sa tanong niya, sa sagot pala niya in general, that was the longest he had said to me so far.

"Ako, pwede mo akong kausapin!" I immediately want to punch myself for saying that because I don't think I can keep up with him, tahimik din ako eh. Paano kami makakapag-usap ng maayos kung pareho kaming tahimik? Pakiramdam ko nga ngayong kasama ko siya, ang daldal ko na bigla.

Hindi siya umimik, umiwas lang siya ng tingin.

"Okay fine, I won't force you! I am just giving that advice because it worked for me!" I said saka ko sinimulang ayusin 'yong mga gamit ko, malapit na kasing mag six, mamaya papaalisin na kami dito. Isinukbit ko na 'yong bag ko sa balikat ko saka ako humarap ulit sa kanya.

"Hindi ka pa ba lalabas?" He didn't answer pero inayos na rin niya 'yong mga gamit niya. Hinintay ko nalang na matapos niya 'yon para sabay nalang kaming lumabas.

"Hey, thanks for today. I'll go now." Mabilis kong sabi pagkalabas namin ng library saka ako mabilis na naglakad palabas ng campus. My mom must be waiting for me now.

I tried to solve our assignment when I went home. Surprisingly, for the first time, it felt easy for me to solve such problems. May natutunan din naman pala talaga ako sa writing explanation niya.

He's really weird. I just hope na may natutunan din siya mula sa akin. Honestly, I love explaining anything related to academics, lagi akong napapraise ng mga teacher dahil do'n kaya I'm somehow confident naman na may matututunan siya. Medyo awkward lang talaga dahil sa sobrang tahimik niya, sanay na kasi akong laging may nagtatanong anytime I'm explaining. Mga classmate ko pa ba, kahit naman naiiintindihan nila magtatanong pa rin dahil may grade sa class engagement.

Kinaumagahan ay pumasok ulit ako ng maaga. Sa unang pagkakataon ay excited akong magpasa ng assignment sa Math. I'm early pero nando'n na sa room si Samuel pagdating ko, kami palang dalawa 'yong naroon.

I didn't talk to him or what, diretso lang akong pumasok at umupo sa upuan ko. As usual, may flower at letter, I noticed na kakaiba 'yong flowers ngayon, medyo maliliit, it's actually cute. Gaya ng lagi kong ginagawa, binuksan ko 'yong letter at binasa ng bahagya.

It's just the usual admiring letter kaya nilagay ko nalang din sa bag ko. Tinatago ko 'yong letters sa bahay, hindi ko kayang itapon because I think it's rude to do that.

Aksidente kong naibaling ang tingin ko sa kanya and I saw him looking at me.....sa rose pala. Nagandahan siguro. Well. Hinayaan ko nalang siya, nilagay ko nalang 'yon sa spot na kung saan mas makikita niya total mukhang gusto naman niyang pagmasdan. Teka, marami namang nagbibigay sa kanya ah, araw-araw din 'yon. Maraming nagkakacrush sa kanya dito sa school, especially higher years, wala nga lang makalapit dahil sa sobrang ilap at tahimik niya. Tahimik din naman ako pero madaldal na ako kung ikukumpara sa kanya.

Hindi nagtagal ay dumating na rin 'yong iba naming kaklase. They're busy talking with something, hindi ko lang marinig dahil mahina naman boses nila.

Math time came, we were instructed to exchange papers kaya 'yon nga ang ginawa namin. Nagtanong si Ma'am kung sino 'yong gustong magsolve sa board, some raised their hands, syempre isa na sa mga 'yon si Nadia at yong mga nasa study group niya. I actually want to raise my hand too.I glanced at Samuel's direction before I raised my hand.

Natawag din ako, number 7 'yong sasagutan kong problem. Mabilis ko lang 'yong nagawa, I did what Samuel taught me.

Tama naman 'yong sagot ko. Pero may mali pa rin pala ako sa sagot ko sa number 10, because I got confused with signs again. Sayang, pero isa lang naman 'yong mali ko. Madalas ay tatlo hanggang lima. Only Samuel got the perfect score, kung kinopya ko 'yong sagot niya ay malamang perfect din ako but cheating is not my thing, I will just fool myself if I do that.

It was after lunch time when I decided to stay at the corridor to have some fresh air. It's refreshing, ipinikit ko ng ilang saglit 'yong mga mata ko, I only opened it when I heard someone's voice beside me.

"Miss, kaklase mo si Samuel Yu?" A petite girl asked me, I look at him from head to foot, trying my best not to seem offending. She's pretty!

"Oh! I'm sorry! You're Astrid Del Estrella pala." She said and I furrowed my brows. It's really weird whenever someone calls me 'Astrid', because it's only my family who calls me that.

"It's Julianna. Why are you asking if Samuel is my classmate?" I asked her back. Is she one of his admirers nanaman?

"I just have something to tell him. Can you please call him for me?" Hindi naman masama na utusan ako pero medyo naiinis ako dahil naisturbo niya 'yong pagmumuni-muni ko. I didn't answer her 'yes or no', tinalikuran ko lang siya at pumasok sa classroom.

Samuel is just sitting on his chair at gumuguhit ng kung anu-ano sa papel niya.

I cleared my throat.

"Someone's looking for you." Kalmado kong sabi ng walang bahid ng inis, although naiinis ako dahil naisturbo ng admirer niya 'yong moment ko with fresh air.

As usual, he didn't answer. Tss.

"I said someone is looking for you." Medyo tumaas boses ko pero hindi pa rin naman ako mukhang galit, I'm just making sure that he will hear it. Some of our classmates glanced at our direction.

He just looked at me at tila walang balak lumabas. Aba! Inabala na nga ako nga admirer niya para tawagin siya tapos hindi siya lalabas.

"Are you deaf?" I asked him. He looked at me again and after that ay tumayo siya, ngunit hindi naman siya umalis, nanatili lang siyang nakatayo sa harap ko.

"I'm not."

"Then are you just pretending not to hear what I said? Uulitin ko. Someone is looking for you outside." I tried hard to hide my annoyance.

"So?" I looked at him in the eyes when he said that.

"Are you not going to see her? Kanina pa siya naghihintay." Malumanay kong sabi saka ako tumingin sa may pintuan kung nasaan nakatayo 'yong babae.

"Should I?"

My brows furrowed. Bakit naman niya ako tinatanong? Ako ba siya? He's really weird.

"Why would I decide on that? I'm not you!"

Nalilito kong sabi saka ko tinapunan ulit ng tingin ang babae sa labas. She seemed excited, poor her!

"I'm just asking for an advice." I was startled by his answer and I just realized one thing. Geez, we are just having a conversation right now. And he's asking for what? A freaking advice?

"Do I look like an expert when it comes to dating stuffs? Sorry, but I can't give you any advice for that." I said saka ako lumayo ng bahagya sa kanya. I noticed him shrugged his shoulders for a bit saka siya nagsalita.

"I'm sleepy." He said saka siya bumalik sa pagkakaupo at inub-ob sa desk 'yong ulo niya.

What the frick? Ang tino niyang kausap. Sobrang tino talaga!

Mukhang nakita rin ng babae 'yong nangyari, she's now looking at me from outside. Tss. I secretly rolled my eyes before going near her. Nakakainis, ako pa 'yong ginawang messenger but I don't want to be rude so I tried to calm my self before heading out. She's no longer smiling now and already know why, it's because her crush doesn't give a damn.

"He said he's sleepy." I straightly said, I noticed her raising her brows for a bit, napakabilis lang no'n pero napansin ko. Tss.

"Pero kanina parang hindi naman ah?" Wow? Mukha kaya akong nagsisinungaling? I somehow hate the way she asked me but I still tried my best to smile.

"I'm sorry but that's what he said." Iyon na lamang ang sinabi ko bago ko siya tinalikuran. She looked crazy with him, gano'n ba talaga kapag crush mo 'yong isang tao? Ugh. I can't imagine myself being like that.

Hindi pumasok 'yong teacher namin sa Science kaya I decided na gumawa nalang muna ng assignments sa iba naming subject. After that ay pinatransfer kami ng ibang room for our Art Class, it's just a room with no armchairs, we were instructed to sit on the floor while Sir Felicio is explaining what we'll going to do with our project this grading period.

"Since the school fair will be on the last week of this month, I decided that the projects that you're going to submit will be displayed on the Art booth." He further explained na ang kailangan naming gawin is magcreate ng artwork using recycled materials.

"This will be done by pair. You're free to choose your partner." What? Pair? Agad namang nagsitayuan 'yong mga kaklase ko, nagsihanapan na sila ng kapares. Tumayo na rin ako and I don't know what to do, for sure wala namang lalapit sa akin dahil wala naman akong kaibigan dito.

I sighed.

Mukhang walang pag-asa na magkakaroon ako ng partner. I'll just talk to Sir nalang kung pwedeng mag-isa nalang ako, kaya ko naman kasing gawin iyon ng mag-isa.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa table niya, he immediately lifted his head and smiled at me.

"Yes, Miss Del Estrella? Is there anything wrong?" He asked me smiling. He's one of those profs that I like the most, magaling siyang magturo at hindi siya 'yong tipong nagpapadikta sa mga estudyante.

"Sir, wala po kasi akong partner. Pero I can do it in my own naman po. Is it okay lang po ba?" I asked him, hindi siya sumagot agad, inikot niya muna sa loob ng classroom 'yong paningin niya bago bumaling ulit sa akin.

"Did you ask your classmates?" Nahihiya akong umiling because I never ask. Pero gano'n naman 'yon, wala naman yatang may gustong makapartner ako, because like I said, parang laging hindi sila kumportable sa presensya ko, ang makapartner pa kaya ako?

Bigla siyang tumayo kaya tumahimik 'yong mga kaklase ko.

"Sino 'yong wala pang partner dyan?" He asked. As expected, walang nagtaas ng kamay dahil lahat sila may partner na.

"Wala?"

"Teka! Lumabas si Samuel, panigurado walang partner 'yon!" One of our guy classmates answered. What the f? Samuel? Oo nga pala, I was too preoccupied at nawala sa isip ko na hindi lang pala ako 'yong nag-iisang outcast sa room namin. Samuel is also like me, but I don't like him to be my partner kasi hindi siya matinong kausap.

"Okay. Miss Del Estrella, si Mr. Yu ang magiging partner mo." What? Geez. It's going to be tough. I want to protest pero baka lagyan pa nila ng kung anong meaning kapag ginawa ko 'yon. I just pursed my lips and returned to the floor spot where I sat earlier.

I saw Samuel entered our room again, he has a bottle of chocolate drink on his right hand. He looked confused with the classroom set up, he's late kasi.

"Partner mo si Julianna!" Turo ng lalaking nagsalita rin kanina. Sa pagkakaalala ko, Kent yata pangalan non. Samuel just looked at me, hindi man lang ba 'yon magtatanong ng gagawin? Wala lang ba sa kanya 'yong gagawin naming 'yon? For Pete's sake, it's a project.

Sir instructed us to do the project sa loob ng three hours, my classmates panicked at nagsimula na silang maghanap ng gagamitin. Good thing is, the Art Club provided some materials that could help us, like plastic straws, newspapers, plastic cups, candy wrappers, popsicle sticks, at iba pang hindi ko na alam 'yong tawag.

Mukhang walang balak lumapit sa akin 'yong magaling kong partner kaya ako nalang 'yong lumapit. Nahiya naman ako sa kanya! Paespesyal masyado!

"Do you have a plan in your mind?" I immediately asked him because I believe that time shouldn't be wasted.

"I don't have." Tss. What am I expecting? Napahawak nalang ako ng bahagya sa sentido ko at pinilit mag-isip. I love creating things back then pero matagal ko ng nagawa 'yon.

"Hey! Mag-isip na tayo ng gagawin! Time is running!" I tried my best to sound calm even though I'm already panicking a bit inside.

"Decorations?" I looked at him when he said that.

Pwede 'yon. May idea ka ba kung anong pwede?" I suddenly hate myself dahil wala akong maisip.

"Small ones?" It's more like a question pero gets ko naman ang gusto niyang iparating.

"We have limited time, so I guess creating small piece is a good idea." I answered, I suddenly remembered some ideas.

"Hmm. Vase? Lantern? Dreamcatcher? Lamp?" Argh. Yon lang naaalala ko.

"Lamp is a good idea." Napatingin ako sa kanya. But I suddenly remembered na hindi ako marunong sa circuit.

"Hindi ako marunong sa circuit."

"I can do it." He said, nagulat pa ako na marunong pala siya do'n. I wonder kung saan niya natutunan 'yon, hindi pa naman kasi natuturo sa amin. Maybe he learned that at home.

"Okay. I'll do the design then." He just gave me a nod bago siya umalis ng room, baka maghahanap ng gagamitin. As far as I know, may store dito sa campus for electrical stuffs, sa college department nga lang 'yon. Pumunta na ako sa harap kung nasaan nakalagay 'yong boxes, nando'n kasi 'yong mga materials na binigay ng Art Club. Kumuha ako ng paper cups, plastic spoons, popsicle sticks, kumuha na rin ako ng pintura, glue gun, at gunting.

I love designing things kaya madali akong nakaisip ng disenyo. Pinagdikit-dikit ko 'yong mga ginupit kong plastic cups at hinulma ito na parang hugis puso. I designed it using the spoons and popsicle sticks. Pagkatapos no'n ay saka ko ito kinulayan. Sa sobrang abala ko sa ginagawa ko ay hindi ko namalayang kanina pa pala na nasa likod ko si Samuel.

"Are you done with that?" Tinuro ko 'yong electric circuit na ginagawa niya.

"Almost." Tapos na ako sa ginagawa ko kaya pinanuod ko nalang siya habang kinakalikot niya 'yong mga wires.

Ang bilis ng kamay niya, tila ba parang sanay na sanay na siya. Dami naman niyang alam, pero bakit pagsasalita 'Filipino' hindi?

"Done." He said, chineck ko naman if dry na 'yong paint para mainsert na niya 'yong gawa niya sa loob.

"Insert mo na." I commanded.

Pinanuod ko ulit siya habang gumagawa. He successfully inserted the circuit, binuhat naman niya 'yon at pumwesto siya malapit sa may saksakan, maybe to try kung iilaw nga ba.

I'm somehow scared. Baka sumabog? Pero siguro alam naman niya 'yong ginagawa niya?

Agad naman akong nakahinga ng maluwag no'ng umilaw ito, tumambad 'yong pinaghalong asul at putting kulay ng ilaw.

"Whoa! Tapos na kayo?" Tanong ng isa kong kaklase kay Samuel. As expected, he didn't answer. Lumapit ako sa kanila.

"Finishing touches pa." I said, saka ko kinuha ang pantakip para hindi makita 'yong circuit na nasa loob.

I fixed it at pagkatapos no'n ay pinailaw na ulit namin.

"It's done!" I said trying to suppress my smile. I tried looking at Samuel but he's just looking at the lamp.

"Cute." That's what he said before walking away.

"How did it became negative one?" I asked him. Now is our second tutoring session. I was so confused with our lesson earlier and it's driving me insane.

"Because of this." Sinundan ko 'yong ginawa niya, pero may tanong pa rin sa isip ko kaya tinanong ko pa siya, sumasagot naman na siya ngayon, matipid nga lang, but it's better than not answering at all.

"Okay. I got it!" He let me solve the equations left in our assignment, after that ay binigay ko na sa kanya para macheck niya.

"It should be positive three." He said, agad naman akong napatingin sa mali kong 'yon. Oh, that was so careless, nalito nanaman ako sa sign.

"Be careful with signs." Aniya. Tumango ako pero parang iba 'yong dating non sa akin.

Signs? Darn it. I'm guilty, pero kailangan ko nga yata talagang maging maingat sa mga 'yon mula ngayon.

"Uh..okay." Yon nalang ang nasabi ko bago ko ibinalik 'yong atensyon ko sa aking papel na chinicheck niya.

Binalik na rin niya 'yon sa akin pagkatapos.

"Hey. Wala tayong assignment sa Filipino, but I will teach you!" Seryoso kong sabi, batid sa mukha niya ang hindi pagsang-ayon but that won't work for me.

"Magsalita ka ng Filipino." I said habang inaayos ko 'yong mga gamit ko. He just looked at me like he didn't care at all. Aba, paano siya matututo niyan kung ganyan siya. I know I shouldn't meddle with his decisions in life, but I just want to help him because he's helping me in Math.

"Bawal Ingles!" Itinaas ko 'yong pointing finger ko. "Bawal din ang tumahimik lang, dapat nagsasalita ka."

"Okay."

"Ingles 'yan!" Agad kong sabi.

"Wala akong sasabihin." Nakayuko niyang sabi.

"Kahit ano, kahit walang kwenta, basta magsalita ka lang. Ensayo lang naman." Dirediretso kong tugon.

"Ayoko."

"Ha?"

"Ayoko walang kwenta." Ano? Gusto ko na sana magalit kaso bigla kong napagtanto. Pero gusto kong sakyan 'yong maling pagkakasalita niya.

"Walang kwenta? Ano 'yong walang kwenta?" I asked him furrowing my brows.

"I..Ibig kong sabihin, ayoko, ng walang kwenta."

"Ano o sino ba 'yong walang kwentang tinutukoy mo?"

"Salita."

"Bakit ayaw mo ng walang kwenta?"

"Kasi..wala?" I furrowed my brows again, I actually want to laugh now. Marunong naman pala siyang magsalita, masyadong lang tipid.

"Anong wala?" I asked again.

I asked more questions, gaya nga ng sabi ko, walang kwenta halos lahat ng 'yon. May kulang siyang words minsan at minsa'y mali 'yong words na nagagamit niya kaya mahirap intindihin, but I guess madali naman siyang matuto.

And for some reason, I somehow enjoyed roasting him indirectly kapag may mali siyang nasasabi.

"Hey. Thanks for today, mauuna na ako!" Mabilis kong sabi bago kami naghiwalay paglabas namin ng library.

Naging maayos naman 'yong mga sumunod na araw. Hindi na ulit kami nag-uusap ni Samuel, wala pa kaming sched for the next tutoring session. Medyo naglie low 'yong teacher namin sa Math for the past two days kaya hindi pa ako masyadong namomoroblema. But when Friday came, do'n nanaman ako hindi mapakali dahil may quiz kinahapunan. May sinama siyang topic na hindi niya nadiscuss agad kaya namomroblema nanaman ako. We're still in our English class discussion pero natetense nanaman ako. I tried to glance at Samuel's direction, as usual, mukha nanaman siyang walang pakialam sa mundo, agad akong napaiwas ng tingin no'ng napatingin siya sa direkyon ko. Maybe he noticed that I'm looking at him.

Tss. Sensitive freak.

Absent ulit 'yong teacher namin sa Science dahil nagkaroon daw ng dengue. Wala kaming klase, wala rin kasing pumasok na substitute at wala ring iniwang activity para sa amin. I want to ask Samuel kung pwede ba niya akong turuan ngayon dahil mamaya na 'yong quiz at natatakot ako, pero nandito mga classmates namin kaya medyo nahihiya ako.

When I saw him going out of the classroom ay agad din akong lumabas at sumunod sa kanya. Good thing, I brought my notebook with me.

"Hey!" Tawag ko sa kanya at sinubukan kong humabol sa mabilis niyang paglalakad.

"Why?" He turned to my direction.

"Can you teach me? May mga hindi kasi ako maintindihan." Agad kong tanong sa kanya, medyo hinihingal pa ako dahil sa pagtakbo ko.

"Okay. Where?" Napaisip ako, hindi pala kami pwede sa library ngayon dahil may ginagawang shelves doon, kahapon pa nga pala actually, pero hindi pa rin natatapos hanggang ngayon.

Maingay. Hindi kami makakapag-aral ng maayos at wala ring pinapapapasok na estudyante do'n ngayon.

"Uh..." Luminga-linga ako sa paligid, trying to find a good spot. I saw the mango tree near the soccer field. Sigurado ako na malamig at fresh 'yong ihip ng hangin do'n.

"There!" Tinuro ko 'yong spot na 'yon. Tumango lang siya at nagsimula kaming maglakad patungo do'n.

Umupo kami malapit sa puno mismo, agad kong naramdaman 'yong malamig na ihip ng hangin. Ang refreshing lang sa pakiramdam, nakakabawas ng stress. Binuklat ko na 'yong notebook ko at hinanap 'yong kinaiinisan kong equation.

"Eto, paano ba to?" I asked him.

"It doesn't have an answer." Agad niyang sagot.

"What? Are you kidding?"

"No. She did that on purpose." Wow naman! Halos hindi na ako makatulog kakasolve, pero 'yon pala walang sagot.

"Uh, I hate it. How about this one?" Tinuro ko naman 'yong isa pang nagpapabaliw sa akin.

"Just cancel this two and the answer will be one." What? Gano'n lang? Parang umiinit na talaga dugo ko sa teacher namin.

That simple? Are you serious?" Hindi talaga ako makapaniwala na parang pinaglalaruan nalang kami ng teacher namin.

"Always." I furrowed my brows. Oo nga naman, lagi nga siyang seryoso. Hindi lang basta seryoso, kundi seryosong seryoso, hindi na nga malapitan, hindi mo makitang ngumiti at tumawa. He has a stoic face!

"Oo nga naman, sobrang seryoso pa." I don't know if he noticed the sarcasm or what, bahala na siya umintindi.

"You too." Napabaling ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"What? I am not." He looked at me.

"Di ka nga ngumingiti." I was startled dahil sa biglaan niyang pagsalita ng Tagalog.

"Ngumingiti ako." Giit ko sa kanya. Totoo naman ah, ngumingiti ako. Kahit nga naiinis na ako, ngumingiti pa rin ako.

"Pero di totoo." I want him to speak Tagalog but now that he's using it against me ay medyo naiinis ako.

"Ano 'yong gusto mong iparating?" I asked him again, lifting my left brow.

"Ngiting aso." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano? Saan mo natutunan yan? Mali!" Masama pa rin 'yong tingin ko sa kanya. I actually don't want to get angry dahil malamang hindi naman niya alam 'yong ibig sabihin no'n.

He just shrugged his shoulders.

"Mali 'yon!" Pag-uulit ko pa. Magsasalita pa sana ako ulit pero bigla ng tumunog 'yong bell, hudyat na oras na ng lunchbreak. Kita mula sa kinaroroonan namin ang paglabasan ng mga estudyante sa kanya-kayang silid.

"Hindi ka kakain?" Anong nakain nito ngayon? But it's actually a good thing dahil nagsasalita na siya.

"Ikaw?"

"Una kang tinanong." I hide my smirk.

"Kitang dapat 'yon!" Iniligpit ko na 'yong notebook at ballpen ko saka ako bumaling ulit sa kanya.

"Lunch?" I asked him pero hindi siya sumagot, tumayo lang siya kaya tumayo nalang din ako. Siya 'yong unang naglakad, nakasunod lang ako sa kanya, maintaing an approximately two meters of distance.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro