Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3


"Do you have a crush na ba?" Lorraine asked me. It's a lazy afternoon, pareho kaming nakatayo sa balkonahe ng kwarto ko habang pinagmamasdan 'yong kakahuyan sa harapan.

"Wala."

Is it really normal to have a crush sa edad namin ngayon? Kasi for me, we're too young pa. Lorraine is a year older than me pero same grade level lang din kami dahil naaccelerate ako.

First day of classes na namin bukas, August 18. Sila Lorraine naman ay kalagitnaan pa yata ng September ang pasukan kung kaya't nandito pa siya, she's studying in US, umuwi lang sila dito para magbakasyon.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising, gusto kong pumasok ng maaga since it's the first day of high school. Ibinraid ko sa gilid ang buhok ko at inipit ito ng maliit na pulang ribbon. Pinagmasdan ko muna 'yong sarili ko sa salamin, the uniform looks so nice. Two inches above the knee 'yong skirt namin na kulay pula at itim na stripes, puti naman ang blouse at may necktie na kakulay ng skirt, mayroon naman itong logo ng Harisson sa gitna.

Hindi ko maiwasang di mamangha sa nagtataasang pine trees na madadaanan papuntang Harisson. Honestly, Harisson U is really a nice place, the view there was amazing, dalawang beses na akong nakapunta pero manghang-mangha pa rin ako hanggang ngayon at hindi na yata mababago pa 'yon. Ang una kong tungo rito ay no'ng entrance examination, pangalawa ay no'ng nag-enroll ako.

The school is elevated dahil nasa itaas ito ng burol, kaya tanaw na tanaw ang kabuoan ng siyudad ng Luna del Fuego.

Huminto ang aming sasakyan sa tapat ng mataas na silver gate. I kissed my mom on her cheek before going out of the car.

Maaga pa kaya naglibot-libot muna ako, there's a soccer field, a beautiful garden, huge library at marami pang iba. I can say that this school is really something. After that ay hinanap ko na agad 'yong classroom ko, Section 1 ako.

I smiled to myself, I should do well.

Pumasok na ako no'ng binuksan na 'yong pintuan, mayroon din akong mga kasabay na medyo maingay dahil mukhang magkakakilala, I tried my best to move silently dahil ayoko ng atensyon. Hindi nagtagal ay dumating ang isa pang grupo, pamilyar ito sa akin dahil grupo ito nila Nadia, magkaklase nanaman kami pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako.

Mukhang napansin naman niya ako kaya ngumiti siya at kumaway sa akin.

"Julianna! Magkaklase pala ulit tayo, this is nice!" Nakangiti niyang sabi sa akin, ngumiti lang ako ng tipid sa kanya, hindi ako kumportable dahil sa tingin ng mga kasama niya. Nadia is always nice to me, pero 'yong mga kasama niya ay hindi ko alam, parang lagi silang hindi kumportable sa presensya ko. Well, ako rin naman.

Mas lalong dumami ang tao sa classroom namin, ang iilan ay pamilyar sa akin pero karamihan ay hindi. Alam kong matatalino ang lahat ng nandito, the entrance exam was no joke and we're on section A. It's really challenging.

Pinili kong maupo sa gilid ng bintana because I like checking the sky from time to time at nakakarelax kasi 'yong view, especially the green plants.

I was busy admiring the view nang biglang may humila ng upuan sa pinakalikuran ng column na inuupuan ko. Medyo malakas 'yong pagkakahila niya kaya I napalingon ako, nagulat ako no'ng makakita ng isa pang pamilyar na mukha.

Si Samuel.

We are classmates again?

This will be tough, my high school will really be tough.

Naiimagine ko palang ang mga nakakadugo ng utak na equation sa Math ay nanghihina na ako.

A woman in mid 30's entered our classroom, she has eyeglasses at nakangiti siya sa aming lahat.

"Good morning class, I'm Precious Gabuco, I will be your adviser for this school year." She looks nice and approachable, buti naman at hindi katulad ni Ma'am Mendez.

The first day of school rituals continued, 'yong walang kamatayang self-introduction, curriculum intro, at pagpapaliwanag ng rules and regulation. I tried my best to be attentive dahil kailangan kong malaman 'yong mga 'yon.

The first day of school was okay, so as the following days. Wala namang masyadong ganap, I like our teachers because they're very professional. Our Math teacher is also nice, medyo vague lang minsan kapag nagpapaliwanag kaya nahihirapan kaming umitindi.

We already have a lot of tasks to pass during our second week kaya medyo naging abala na rin kaming lahat.

I have to go to the locker room first to get some of my things before going inside the classroom. Nagulat naman ako no'ng makita kong may mga letters sa loob ng locker ko. What is this? Kinuha ko 'yong isa at binasa.

To: Miss Snow White

What?

I opened and read it.

'Hi Miss Del Estrella, I've admired you the first time I laid my eyes on you.'

Isang line palang ang aking nababasa ay ayaw ko ng ipagpatuloy pa ito. I immediately closed my locker at nagmadaling tumungo sa classroom.

Napailing nalang ako nang may madatnan akong tatlong rosas, dalawang box at ilang letters sa ibabaw ng desk ko.

"Dami mong admirers, Julianna." Stephanie said habang tinuturo ang mga nakalagay sa upuan ko.

Did she just say admirers?

I have admirers?

How? Why?

"Admirers?" I asked her again pero nakita kong nakatingin siya sa upuan ni Nadia, mayroon ding mga nakalagay do'n ngunit mas marami nga lang 'yong nasa akin.

"You guys have freaking admirers, I'm so jealous." Muli niyang sabi bago maglakad palayo. Hindi ko naman alam irereact ko, at tsaka anong gagawin ko sa mga 'to? Marami naman kaming bulaklak sa bahay. Omg! Scratch that, hindi ko 'to pwedeng iuwi because my mom will question me about it, and she might also tease me. Argh.

"Nadia have too, mas marami nga lang 'yong sa iyo." Nakangiting sabi ng isa ko pang kaklase pero hindi ko na maalala pangalan niya, basta she's a girl din.

Inilagay ko nalang muna 'yong mga iyon sa ilalim ng upuan ko. Pero ayokong maging rude, ang sama naman kung itatapon ko at ipamimigay 'yong binigay nila sa akin, maybe I'll find a way to bring this home without my mom noticing it. Isisiksik ko nalang siguro sa bag ko. Bakit kasi may paganito? Is it normal for highschoolers? Geez, I should read more.

Hindi ako lumabas ng classroom no'ng lunch break namin dahil may dala akong baon. All my classmates went out para pumunta ng canteen at 'yong iba naman ay lumabas ata ng campus. Medyo may kalayuan 'yong mga restaurant mula dito sa school, nasa ibaba pa 'yon ng burol, mga maliliit na karinderya lamang ang meron sa tabi ng daanan. I actually want to try eating there pero nakakahiya dahil wala akong kasama.

I was busy eating habang nakatanaw sa labas ng bintana no'ng biglang may pumasok na naghahagikhikan sa classroom.

"Hey! Di ko alam upuan niya. Should we ask?" Rinig kong tanong ng isa. Hindi ako lumingon, hindi naman ako 'yong kinakausap eh.

"I think we should ask."

Ilang segundo lang ay naramdaman kong lumapit sila sa akin, wala silang ibang mapagtatanungan dahil ako lang naman 'yong nag-iisang naiwan sa room.

"Hi Miss, do you know Samuel Yu's seat?" The first girl who spoke earlier asked, dahil do'n ay lumingon ako. They seemed shocked when I turned my back, hindi ko rin alam kung bakit, nakakatakot nanaman ba mukha ko? Uh, geez. Do I really have resting bitch face? I hate it!

Agad kong itinuro 'yong upuan sa dulo.

"There." Pinagmasdan ko sila ng mabilis, hindi sila mukhang grade-7 din na katulad namin kaya I assume na higher grades sila. Napansin ko namang may dalang box at letter 'yong isa.

What? His admirers?

They have a crush on him?

Napailing nalang ako, gano'n pala 'yong type ng mga tao. Ang dami kasing nagkakagusto sa kanya, so siguro tipo nga talaga nila 'yong tahimik, weird at mukhang masungit na katulad ni Samuel.

Nagkibit-balikat nalang ako at tinuloy ang pagkain.

Days passed, mahigit dalawang buwan na rin since the classes started. It was easy at first but it's now becoming harder, especially Math. I swear it's making me crazy, ang taas pa tuloy ng expectation ng Math teacher sa section namin dahil nandito si Samuel. That freak!

Tahimik akong naglakad sa hallway, I'm searching for a plant para sa task namin sa Science. Mayroon din naman sa bahay pero baka may makita rin ako ditong mas maganda, nagbabakasakali lang ako. I stopped for a while dahil nakaramdam ako ng pananakit sa ibabang bahagi ng tiyan ko. Puson yata 'yong tawag dito. I'm sure hindi naman 'to dahil sa gas since nagtake na ako ng gamot for that kanina. Hindi rin naman ako gutom, ewan ko ba, nawala rin naman 'yong pananakit kaya ipinagpatuloy ko na 'yong paglalakad ko.

Nagningning naman 'yong mata ko no'ng matanaw ko sa di kalayuan ang isang kakaibang halaman na ngayon ko lang nakita. Great! Pero 'yon nga lang ay dadaan ako sa Science building kung saan naroon ngayon 'yong mga grade 9 na nagpapractice yata ng sayaw, medyo nakakahiya pero dadaan lang naman ako kaya hindi naman siguro nila ako mapapansin.

Be calm, Julianna.

I tried to calm myself because that's what I need to do, I need to look unbothered and confident.

Nagsimula na akong maglakad patungo roon, tinahak ko 'yong open field para makaiwas ng bahagya sa mga nagkukumpulan roon, although madadaanan ko pa rin sila, pero atleast hindi sa harapan nila mismo.

Nakahinga ako ng maluwag no'ng makarating na ako sa kabilang hallway, but geez, marami rin palang tao dito, hindi ko nga lang alam kung anong grade sila.

I'm about to continue walking when I suddenly felt someone behind me. The heck? Agad akong lumingon at nakita ko si Samuel na nag-iiwas ng tingin sa akin.

Anong problema nito? Bakit ang lapit niya?

Lumayo ako at tiningnan siya ng puno ng pagtataka saka ako humugot ng malalim na hininga bago magsalita.

"Why?"

I asked him. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin, hindi na rin ako nagtataka dahil ganyan naman talaga siya. Pero bakit siya lumapit sa akin ngayon? Pansin ko naman 'yong tingin ng mga dumadaan sa gilid namin. Oo nga pala, crush ng bayan siya.

"There's a blood."

Blood, huh? What is he talking about?

"Huh? What do you mean?"

He's weird! Bigla-biglang sumusulpot at lumalapit, matagal na kaming magkaklase pero never siyang nakipag-usap sa akin, kahit kanino naman gano'n siya. Kung introvert ako, siya naman ay super super duper introvert. Tapos ngayon ano daw? May dugo? Wala naman akong sugat ah.

"There's a blood in your pants." He said na parang hirap na hirap siya. Ano daw? Sa pants ko may dugo? Naka-PE uniform ako ngayon, kulay gray na jogging pants at white shirt 'yong uniform namin. Tiningnan ko naman yong jogging pants ko, wala naman, niloloko ba niya ako?

"Back."

Dahil sa sinabi niya ay nilingon ko ang jogging pants ko sa bandang likuran at halos gusto ko ng tumakbo no'ng makita ko 'yong dalawang malaking dot doon. What the heck? Anong nangyari?

Bigla ko naman naalala 'yong sinabi sa akin ni Lorraine no'ng bago sila umaalis at yong mga nabasa ko sa iba't ibang libro about adolescence. Oh my gosh! Ito na ba yon?

First menstruation?

I want to cover my face so bad at magtago, what if maraming nakakita? It's embarassing! Anong gagawin ko ngayon? Should I run na?

Nagulat naman ako no'ng hinubad niya 'yong kanyang jacket at inilahad sa harap ko. Saglit kong tinitigan 'to at saka ko lang tinanggap no'ng mapagtanto ko kung bakit niya iyon inilalahad. Itinali ko ito sa beywang ko at nakahinga ako ng maluwag, natakpan din. Gosh! I should thank him, I was about to say something when I turned around but he's no longer there.

Geez, he's gone. Parang kabute na biglang susulpot at parang bula naman na biglang naglalaho.

Pero mukhang mas okay na 'yon, nakakahiya kasi sa kanya, pero buti nalang siya 'yong nakakita kasi mukhang wala naman siyang pakialam sa gano'n, at mukhang wala naman sa vocabulary niya ang mang-asar. Gulat na gulat lang talaga ako kanina no'ng makita ko siya sa likod ko.

Iniimagine ko palang, what if dumiretso ako sa paglalakad kanina at nakita ng mga tao? Omg! That's major kahihiyan, ekis na ekis 'yon. Lilipat na talaga ako ng school kung ganoon!

I immediately went home that day. Nahihiya ako masyado at hindi ko kayang ipagpatuloy 'yong araw knowing that I'm bleeding down there. Nakonsensya pa ako because I have to ask mommy to fetch me in the middle of the day.

Speaking of mom, ang dami niyang sinasabi about menstruation, mga dapat kong gawin at hindi para maiwasang magkaroon ng dysmenorrhea. And she's also teasing me na dalaga na raw ako.

I went to school early the next day. Sumilip ako sa loob ng classroom at napangiti ako no'ng makita kong wala pang tao. I carefully placed Samuel's jacket on his table, pinalabhan ko na 'to kagabi, I even sprayed my favorite perfume on it, nag-ipit din ako ng maliit na note do'n. Thank you lang naman 'yong nakasulat.

Hindi naman nagtagal at nagsidatingan na 'yong iba naming classmates, even him. Mas lalo kong itinuon sa harap 'yong atensyon ko, ayokong lumingon, nakakahiya kahit na wala siyang pakialam regarding that, nahihiya lang ako para sa sarili ko.

Lumipas 'yong oras at Math time na namin, last week was our monthly exam, kaya most probably ay ibabalik na sa amin 'yong papers ngayon. Kinakabahan ako, ang hirap kasi ng exam, sabagay lagi namang gano'n para sa akin. Ginagawa ko naman 'yong makakaya ko pero feeling ko hindi pa rin sapat, kasi ang baba pa rin ng nakukuha ko.

The papers were returned alphabetically. Nadia was called at sunod naman akong tinawag para kumuha sa harap.

Napasimangot ako no'ng makita ko ang score ko. Ang baba pero buti nalang pasado pa. Absent nanaman kasi ako no'ng nakaraan kaya nahirapan nanaman akong magcatch-up, this is so frustrating.

Tinitigan ko lang 'yong papel ko ng ilang minuto bago ko ito inilagay sa bag ko.

80, huh. So low, I should study harder.

Impressed na impressed naman 'yong mga kaklase ko at teacher kay Samuel dahil perfect ulit siya, well, lagi naman, kaylan pa ba hindi nakakuha ng perfect score 'yon? While Nadia got 89, sobrang nasayang pa siya kasi 1 point nalang 90 na. Buti pa sila matalino sa Math, sana ako din!

Todo ngiti naman ako sa Science na namin, sure ako na mataas ako don dahil kinabisado ko talaga iyong mga kasama sa exam namin do'n.

Mrs. Vicente announced the highest and I'm so happy that it's me. I got a perfect score! Pambawi sa mababang Math ko.

Inannounce naman 'yong second to the highest and sobrang gulat ko lang na it was Samuel. Pati ba naman Science? Hmp, hindi naman ako galit dahil wala siyang kasalanan, hindi niya kasalanan na mataas score niya.

He got 98, 2 points lang pagitan namin. Nakakachallenge. Kailangan ko na yatang mas maging active sa recitation dahil do'n siya mahina, hindi kasi siya halos nagsasalita sa class pero magaling siya sa written.

Buti nalang at bumawi talaga ako sa English at Filipino, I got perfect score on both. Siya naman, pasang-awa yata dahil kinausap siya ng adviser namin after our class. Hindi ko alam, gusto ko siyang malamangan pero nakokonsensya ako. Wala naman kasing masama kung matalino siya sa Math, ako nga yata 'yong masama dahil sa mga iniisip ko. Pero seryoso, I'm really challenged now.

Ano ba 'yong pwede kong gawin para maging matalino sa Math? Should I try getting a tutor na ba? Matutulungan ba talaga ako non?

I tried talking to mom and she asked me if I'm sure with that pero napaisip naman ako, I really think it's not a good idea lalo na kung adult 'yong tutor ko, I'm still scared but I decided to give it a try.

The next Sunday, mom introduced a tutor to me. She's a part-time teacher at Harisson U pero nasa college department siya. Babae siya, she's nice and patient in explaning pero parang katulad din siya ng teacher namin, hindi ko pa rin gets kasi mahirap mag explain. Ganoon talaga siguro kapag magaling sa Math?

Plus, she reminds me of that yaya of mine who tried to kidnap me, they have the same physique and voice kasi. Hindi ko alam, baka napaparanoid nanaman ako. I really hate myself.

We just had 3 meetings and I already gave up. I'm really not comfortable, call me maarte or what, it's just really hard to fight uneasiness whenever I'm around someone, mas lalo lang akong hindi makapag-aral ng maayos.

But I'm really having a problem now, malapit na kasi 'yong first periodical test namin at hindi ko pa rin masyadong gets 'yong last topic dahil wala nanaman ako no'ng time na yon. Nagkasakit kasi ako last week that's why I didn't go to school.

"Okay, exchange your papers." Napakagat nalang ako ng labi habang inaabot sa kabilang row 'yong paper ko. We just had a quiz, 20 items lang naman, pero ang hirap! May fraction pa sa equation, weakness ko pa naman mga ganon.

Natapos na kaming magcheck. As usual, perfect nanaman si Samuel, sobrang napuri pa siya dahil may ginamit daw siyang ibang technique, manghang-mangha teacher namin do'n dahil mas madali daw palang gamitin 'yon, parang shortcut. Curious naman ako kung ano 'yon, sana naman nangsishare siya. Tahimik kasi siya masyado, sana kaugali nalang niya si Nadia, 'yong madaldal at may bonus turo pa sa classmates that's why everyone in our section loves her. Mabait na, matalino pa, hindi pa madamot. I'm not saying this to say na madamot si Samuel, naiintindihan ko naman na baka hindi siya kumportable na magshare.

Perfect din nga pala si Nadia. Sana ako rin, I tried to console myself by remembering my perfect scores on other subjects.

Wala kaming klase no'ng hapon dahil may faculty meeting but instead of going home, nagstay nalang muna ako sa library to study. Kailangan ko talagang magsunog ng kilay dahil malapit na 'yong exam, gusto ko pa ring maging top 1, I don't want to disappoint mom and dad.

5:30 na no'ng lumabas ako, wala na halos tao dahil kanina pa nagsiuwian 'yong iba. 'Yong iilang naglalaro nalang sa field ang natira, baka mga varsity players sila. Medyo takot ako sa bola ng football kaya patakbo kong tinahak 'yong open field.

"Miss! Nahulog panyo mo!" I immediately turned my back and I was greeted by a familiar face. Isa siya sa mga naglalaro and he's not wearing eyeglasses right now.

Heaven. I remembered his name.

Mukhang nagulat din siya, naaalala niya rin siguro ako.

"Nagkita muli tayo." He smiled, agad ko namang kinuha 'yong panyo ko sa kanya.

"Thank you,. Uh, sa pagpulot." Itinaas ko ng bahagya 'yong panyo.

"No worries. See you around!" Ngumiti ulit siya at kumaway sa akin habang lumalayo.

He's studying here? And he's a football player? Or what?

Napatingin ako sa direksyon nila at nakita kong tinapik siya sa balikat ng mga kasama niyang naglalaro.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro