Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21



I've never felt such emotions in my entire life. Gusto kong magalit, gusto ko ring umiyak. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, pakiramdam ko'y biglang napako 'yong paa ko sa kinatatayuan ko. I want to leave because I somehow don't want them to see me but I couldn't move my feet, I don't think I'll be able too lalo na ngayon na nakangisi na si Nadia habang nakatingin sa akin while my bestfriend seemed so surprised to see me.


I smiled.


Siya pala 'yon. Siya pala 'yong tinutukoy nila kanina. Siya pala 'yong lalaking posibleng ipagkasundo sa kanya.


At siguro nga, siya 'yong babaeng gusto niya.


Ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Kaya siguro lumapit si Nadia sa akin no'ng nakaraan, para ipaalala kung saan ako dapat lumugar. Gaya nga ng sinabi nila, bestfriend lang ako. At bilang bestfriend ni Samuel, siguro nga ay dapat ko siyang suportahan gaya pagsuportang ginagawa niya sa akin.


Kumaway ako sa kanya at ngumiti.


"Congrats. Uh, uuwi na ako Samuel." I said before turning my back and walking away.


"Astrid!" He called me.

Bakit mo pa ba ako tinatawag Samuel? You should be happy dahil aalis na ako at hindi ko na kayo iisturbohin.


"Samuel! Hintayin mo ako, sabay na tayong umuwi." Ayan Samuel, you should listen to your girl, hindi mo alam na baka sinasaktan mo na siya dahil sa pakikipagkaibigan mo sa akin.


I felt him following me kaya tumakbo na ako. I'm not fond of running, in fact, it's been a long time since I ran like this, pero ayoko talagang maabutan niya ako kaya ginawa ko ulit ngayon.


"Wait for me, Astrid!" Buti nalang ay malapit na ako sa gate kaya mas binilisan ko pa 'yong takbo ko, nakahinga naman ako ng maluwag when I immediately saw our car and Manong Leo was outside.


Binuksan ko na agad 'yong pinto at pumasok.


"Tara na Manong." I said before wiping my sweat.


"Okay ka lang, Ma'am?"


Tumango ako but I really hate myself dahil tila nasa paligsahan 'yong mga traydor kong luha at nag-uunahan silang bumaba mula sa mata ko.


Hindi ko rin maintindihan 'yong sarili ko, sana nga ay pumayag na ako no'ng gusto na niyang sabihin sa akin kung sino 'yong babaeng gusto niya. Kung nakinig lang sana ako ay hindi ako magugulat ng ganito.


Ang tanga mo, Astrid!


Dumiretso ako sa kama pagdating ko sa bahay, buti nalang ay wala pa si mommy kaya hindi niya nakita 'yong pagmumukha ko ngayon. I look like a total mess now.


"Bakit ba ako umiiyak? Dapat nga masaya ako." I said to myself while looking at the mirror, namamaga 'yong mga mata ko ngayon dahil sa pag-iyak ko.


Maging masaya ka nalang Astrid, please! Best friend mo 'yon, dapat mo siyang suportahan kagaya ng pagsuporta niya sayo.


Kinaumagahan ay napilitang akong magsuot ng eyeglasses para kahit papaano'y maitago ko 'yong pamamaga ng mata ko.


"Anong nangyari sa mata mo?" Mom asked habang kumakain kami. "Did you cry?" Agad naman akong umiling. Ottoke? I have to lie again, I guess.


"I don't know mom, ganito na siya no'ng nagising ako, maybe some insect bit it." Mom looked at me like she's not buying it pero nakahinga naman ako ng maluwag no'ng hindi na rin siya nagtanong ulit. Maybe my lie is believable afterall.


Pakarating ko sa school ay nakayuko akong naglakad sa pathway ngunit hindi ko 'yon mapanatili dahil sa mga bumabati sa akin.


"Hi Pres!" The girl waved her hand, I also did the same thing and gave her a smile.


Huminga ako ng malalim bago pumasok ng room. Act normal, Astrid!


"Hi Julianna!" Liz smiled at me pero napawi naman agad 'yon.


"Anong nangyari sa mata mo? Umiyak ka ba?" Oh my! Halata pa rin yata, umiling naman ako.


"Nakagat lang ng insekto habang natutulog." Diretso kong sagot, papanindigan ko na nga yata 'yong kasinungalingan na 'yon.


Umupo na ako sa upuan ko, wala pa ngayon si Samuel, baka sinundo pa niya 'yong girlfriend niya o baka naman nagdate pa sila. Sweet naman kung gano'n, I smiled at my thought. Binata na nga talaga 'yong best friend ko kaya dapat masayang mukha 'yong ipakita ko sa kanya.


Agad kong pinilit 'yong sarili ko na ngumiti ng malapad no'ng makita ko siyang paparating, agad niya akong tinitigan no'ng makarating siya sa upuan namin. Mamaya tatanungin ko siya kung gusto na niyang lumipat ng upuan, okay lang naman sa akin kung gusto niyang makatabi 'yong babaeng gusto niya. Ayoko namang maging antagonist sa relasyon nilang dalawa.


"Let's talk, Astrid." Seryoso niyang sabi sa akin, napakunot naman 'yong noo ko.


"We're talking now."


"Privately." Madiin niyang sabi, hahawakan na sana niya 'yong kamay ko ngunit inilayo ko 'to.


"Pwede namang dito, Samuel!"


Imbes na pakinggan ako ay hinila niya ako ng marahan palabas ng room.


"Samuel." Pinilit kong kumalas sa hawak niya, he looked at me with furrowed brows ngunit hindi ako nagpatinag. "Let go of me." Madiin ang pagkakasabi ko, hindi ko na gusto 'to dahil baka magalit si Nadia na makita kaming ganito.


"I won't let go of you, Astrid." Hinuli niyang muli ang mga mata ko at tinitigan ako. "Mag-usap tayo."


"Nag-uusap na tayo."


Hindi naman niya ulit ako pinakinggan, he continued dragging me and he pushed me inside a room na walang tao.


"Talk then." Medyo inis kong saad dahil hindi ko siya maintindihan.


"About what you saw yesterday," he looked away. "I'm sorry for that." Kumunot 'yong noo ko, hindi siya dapat nagsosorry sa akin. Kasi bakit naman?


"Why are you saying sorry to me? As your bestfriend, masaya ako para sayo at sa babaeng gusto mo." Mabilis at diretso kong sabi bago umiwas ng tingin. Ang daling bigkasin ngunit taliwas pa rin ang nararamdaman ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Damn.


"Hindi ko siya gusto!"


Nagulat ako dahil sa pagtaas ng boses niya. Eh?


"Don't deny it Samuel. Masaya ako para sayo." Sinubukan kong tumingin sa kanya ngunit hindi ko na naituloy dahil sa intensidad ng titig niya.


Why so intense, Samuel? And why is it making me weak? Damn, hindi ko na rin alam.

"I don't like Nadia! Fvck, I don't like other girls!" Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako.


"Kung gano'n," I stopped because I suddenly felt so scared to ask him the question that I have in my mind.


I took a deep breathe. Para sa ikakatatahimik ng isip ko, susubukan kong maging matapang ngayon. Kahit hindi ko man magustuhan 'yong maririnig ko ay tatanggapin ko.


"Kung gano'n, sino ba talaga 'yong tinutukoy mong gusto mo? The truth Samuel, I want to know it."


Bahagya akong napapikit dahil naramdaman ko nanaman ang kanyang paglapit.


"Are you sure you want to know the truth?"


Tumango nalang ako bilang sagot dahil pakiramdam ko ay nawalan ako bigla ng lakas para magsalita dahil sa lapit niya sa akin.


"Close your eyes and I'll tell you."


What?


I'm actually hesitant to follow what he said pero para matapos na 'to ay nagdesisyon nalang akong sumunod sa sinabi niya. Arte naman, bakit may pa 'close your eyes' pang nalalaman.


It was only after a second of closing my eyes when I felt his soft lips against mine.


What the? He fooled me!


Agad ko siyang itinulak at sinamaan ng tingin.


"Stop kissing me and tell me the truth!"


I was surprised when he suddenly pinned my hands to the wall and stared at me. Pakiramdam ko ay nanghina nanaman bigla 'yong tuhod ko dahil sa paraan ng pagtitig niya.


"I just kissed the girl I like."


Huh?


"Ano?" Anong pinangsasabi niya? Natatanga na ba siya? Pinagloloko ba niya ako?


"Wala! Kalimutan mo na 'yon. Basta hindi ko gusto si Nadia, okay? Wala akong girlfriend at wala rin ako gusto, gawa gawa ko lang 'yon."


Tinalikuran naman niya ako pagkatapos niyang sabihin at napahawak pa siya sa ulo niya.


"But I heard them talking about the girl you like."


Tumingin naman siya saglit sa akin ngunit iniwas niya rin 'yong tingin niya. "It's you, Astrid! I like you because," lumayo naman siya ng bahagya at humalukipkip.


"I like you because you're my best friend."


Narinig ko naman siyang nagmura pagkatapos niyang sabihin 'yon. Pero ano? Gusto niya ako dahil best friend niya ako? Gusto niya ako bilang kaibigan? Gano'n ba 'yon? Hindi 'yong gusto niya ako romantically?


Hindi ko alam pero medyo nakahinga ako ng maluwag at may narealize din ako.


"I like you too din," diretso kong sabi kahit na medyo nakakunot pa 'yong noo ko. "Same reason!" Narinig ko naman 'yong pagbuntong-hininga niya saka siya lumapit at niyakap ako.


"You're the only girl I like Astrid, trust me."


I'm so happy that before the day passed ay okay na kami although hindi nga naman yata kami nag-away. Nakasimangot si Nadia pagbalik namin ng room.


"Anong ginawa mo kay Nadia?" Seryoso kong tanong kay Samuel habang nagsusulat kami.


"I told her that I don't like her."


Tumango-tango naman ako, parang gusto kong ngumiti kahit na medyo bad idea 'yon. Syempre nasaktan din 'yon, ilang taon na yatang may crush 'yon kay Samuel eh.


"Bakit nga pala ayaw mo pang magkaroon ng girlfriend?" I asked him dahil curious ako sa idea na 'yon, karamihan kasi sa mga kaklase naming lalaki ay may girlfriend na at 'yong iba naman ay nagrereklamo dahil wala pa silang girlfriend. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit mukha siyang unbothered.


"Ikaw bakit ayaw mo pang magkaroon ng boyfriend?" Napasimangot naman ako sinagot niya rin ng tanong 'yong tanong ko. Tss, pero madali lang namang sagutin 'yon kaya sasagutin ko na.


"I'm too young for that."


He looked at me after I answered his question.


"Same answer, Astrid."


Eh? Okay.


Monday came at laban na nila Samuel, excited ako dahil unang beses kong manunuod ng laro nila kalaban 'yong taga ibang school.


Nagpahatid ako kay Mang Leo sa LDF Sports Complex dahil do'n gaganapin 'yong laro. Pagkapasok ko sa covered gym ay parang nalula ako dahil sa dami ng tao. Iginala ko 'yong tingin ko at nakahinga ako ng maluwag no'ng makita ko sila Liz, buti nalang ay may kakilala ako. Baka sa kanila ako tumabi dahil kahit hindi kami magkakaibigan ay mabuti naman ang pakikitungo nila sa akin.


But before I could even go to them ay may humila na sa akin palabas ng gym.


"Samuel." Nginitian ko siya pagkalabas namin ng gym.


"Sandali lang." Napakunot 'yong noo ko lalo na no'ng pumunta kami sa parking lot at pinapasok niya ako sa sasakyan nila.


"Bakit? Hindi pa ba magsisimula 'yong laro?" Nagtataka kong tanong.


"I just want," he paused and leaned closer to me. "I want to get my good luck." Mas lalong kumunot 'yong noo ko. He wants a good luck?


"Good luck."


Sumeryoso naman bigla 'yong mukha niya at mas inilapit pa niya sa akin.


"Can I get it?" Nalilito ko naman siyang tinitigan. Nagsabi naman na ako ng good luck, paanong good luck ba 'yong gusto niya?


"Hindi kita magets."


"Just a minute, Astrid."


I was about to ask again when he kissed me, tila nagets ko naman 'yong ibig niyang sabihin kaya hinayaan ko nalang siya. Parang gusto ko namang hawakan 'yong dibdib dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso, parang mauubusan ako ng hangin. I closed my eyes to savor his kisses.


We're both gasping for air when he let go. Ang sama! Sumobra na nga yata ng 1 minute.


"Now it's really a good luck. Thank you." Hinalikan naman niya ako sa noo bago kami lumabas ng sasakyan.


Gaya nga ng plano ko kanina ay tumabi ako kila Liz, ngiting ngiti naman sila sa akin no'ng makita ako.


"Whoa! Dito ka Julianna." Nakangiti niyang sabi saka niya itinuro 'yong bakanteng espasyo sa tabi niya.


"Salamat."


The game started and I was so nervous, ganito pala kapag actual game 'yong pinapanuod mo. Mapapatayo ka pa sa sobrang intense, sabagay it's a championship game kaya normal siguro na intense talaga.


"Uy sayang!" Nanghihinayang nilang saad no'ng hindi naishoot ng isa sa mga players ng HUHS 'yong bola.


"Yu lang malakas!" The crowd cheered when Samuel successfully shoot the ball from the three-point line.


"Ang galing ng best friend mo, Julianna." Liz exclaimed at napangiti nalang ako sa kanya.


"Go Samuel!" Hindi ko na matukoy kung saan nanggaling 'yong sigaw na 'yon dahil sa dami ba naman ng nagchicheer. Should I cheer and shout too? But it's not my thing kaya tahimik nalang siguro akong magchicheer.


56-43 'yong score pagkatapos ng second quarter, lamang 'yong Harisson. Napatingin ako sa direksyon ni Samuel and I saw him looking at me, pawis na pawis siya habang umiinom ng tubig.


"Oh my gosh! Ang gwapo talaga ni Samuel Yu! Ang galing pa!"


"Wala pa yang girlfriend diba?"


"Wala pa daw, may pag-asa pa."


Parang natetemt akong lumingon dahil alam kong literal na nasa likod lang namin 'yong mga nag-uusap na 'yon. Wala lang naman, gusto ko lang naman tingnan 'yong mga admirers ng bestfriend ko.


I heard Liz clearing her throat saka siya bumaling sa likod.


"Wala nga siyang jowa girl, pero sorry may bestfriend na siya na mahal na mahal niya." Tumingin naman siya sa akin pagkatapos niyang sabihin 'yon at parang gusto ko namang umalis bigla dahil napatingin lang naman sila sa akin pati na rin 'yong iba tao na malapit sa amin.


"Hala! Del Estrella yan diba?"

Dinig ko pang tanong ng isa sa kanila. Tila nahihiya naman akong ngumiti at saka ko ibinalik 'yong tingin ko sa harap. Argh! That was embarrassing!


"Sorry Julianna! Ang daldal ko talaga eh ano?" Nag peace sign naman si Liz sa akin at tumawa.


"Err, okay lang. Huwag mo nalang ulitin."


The game resumed, hindi muna pinaglaro si Samuel no'ng 3rd quarter maybe to make him rest, isa kasi siya sa mga key players ng team. Bumaba naman 'yong lamang sa lima kaya medyo mas naging maingay 'yong crowd dahil do'n.


Medyo bumalik naman 'yong kaba sa dibdib no'ng tatlo nalang 'yong lamang pagkatapos ng 3rd quarter. Pinasok na rin si Samuel no'ng 4th quarter kaya do'n na ako tuluyang kinabahan. Gosh!


"Go Samuel!" Liz shouted, napatingin sa direksyon namin si Samuel, nagkatinginan kami saglit bago siya tumakbo ulit.


"Julianna, magcheer ka." Liz encouraged me pero parang hindi ko yata kaya na sumigaw kagaya ng ginawa niya kanina, pero bahala na yan!


It was only five seconds left at hawak ni Samuel 'yong bola. Liz looked at me meaningfully. Ugh! Sige na nga!


"GO SAMUEL! GO BESTFRIEND!"


I shouted with all my strength, first time kong sumigaw ng gano'n ka lakas. Liz tapped my back, kasabay naman non ang pagtunog ng buzzer, hudyat na tapos na 'yong laro.


"Yehey! We won!"


Napangiti naman ako. Nanalo sila! Nanalo kami!


"Congrats, champion!" Agad kong bati kay Samuel nang lumapit siya sa direksyon namin.


"Thanks." Lalapit na sana siya para yakapin ako pero hindi niya tinuloy dahil basang-basa siya ng pawis. Kinuha ko naman 'yong towel na nakasabit sa balikat niya at pinunasan 'yong pawis niya sa mukha.


"Don't go home yet, may awarding pa." Aniya. Tumango naman ako.


Bumalik siya sa mga ka-team niya at nagsimula ng magsalita 'yong head yata ng tournament, may iilang opisyal pa na tinawag para sa awarding.


"This year's LDFC Highschool Basketball League Champion.. Congratulations, Harisson University Howling Wolfs!"


Pumalakpak naman kami. I'm so proud of them, especially kay Samuel. Nagsitilian naman 'yong mga fangirls 'daw' niya no'ng sinuotan siya ng medal. Pagkatapos naman no'n ay naging maingay ulit dahil iaannounce na 'yong MVP.


"This year's MVP, with the total of 28 points in this game," the announcer paused.

"Congratulations, Samuel Dionysius Yu from Harisson University Howling Wolfs."


Omg! Bigla naman akong napatalon kasama nila Liz pero napatigil din agad ako! Lagi talaga akong nakakagawa ng mga bagay na hindi ko naman ginagawa no'n nang dahil kay Samuel. Tss. Pero seryoso na masaya ako at proud sa kanya.


Gaya nga ng sinabi niya ay hinintay ko siya. Nagpaalam na sila Liz sa akin dahil sa kabilang bayan pa sila uuwi. Bumaba naman ako para makalapit sa court at para na rin batiin 'yong mga players ng school namin, I feel like I should greet them as their SC President.


"Congratulations!" Nakangiti kong bati sa kanila saka ko inextend 'yong kamay ko. Nag-unahan naman silang tanggapin 'yon kaya napakunot ako ng noo.


"Uy si Pres! Umayos nga kayo, magpasalamat kayo ng maayos! Lagot kayo sa best friend niyan!" The boy with Herrera surname on his jersey uniform spoke. "Thank you, Pres!" Ngumiti naman siya sa akin.


"Hey." Nakangiti akong lumingon kay Samuel, katatapos lang yata siyang kausapin no'ng mga nagbigay ng award.


"Congrats, MVP." Itinuro ko naman 'yong trophy niya.


"Salamat sa good luck." My face heated when I remembered what he did to me before the game started.


"Uh.. Anong oras ka uuwi?" I awkwardly smiled dahil nakatingin sa amin 'yong ibang players at may nakapinta pang nakakalokong ngiti sa mga mukha nila.


"Ngayon na." Lumingon naman siya at narinig kong nagpaalam sa mga kasama niya.


"Hindi ka na aattend ng afterparty?" The boy who spoke earlier asked him.


"Hindi na, Thome."


Hinawakan naman niya agad 'yong kamay ko at marahan akong hinila palabas ng gym.


"Nandyan na ba 'yong sundo mo?" Umiling naman ako, nakalimutan ko kasing itext agad si Mang Leo kanina kaya papunta palang siya ngayon.


"Okay, I'll just wait until your driver arrive."


Umupo naman kami sa bench na malapit sa parking lot, it's already 6 pm kaya medyo pawala na 'yong araw. Napaisip naman ako kung ano 'yong pwede naming gawin habang hinihintay namin si Manong.


"Let's take a picture." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Show your trophy." Tinuro ko naman 'yong trophy niya na nakalagay sa bench. Kinuha naman niya 'to.


"Smile."


He smiled and I pressed the shutter. Hinalikan ko naman siya sa pisngi sa pangalawang shot.


"Samuel, I have a question nga pala." I said when I remembered something na dapat ay noon ko pa itinanong sa kanya.


"Ano?"


Itinuro ko naman 'yong jersey uniform niya na nakalagay sa bench, malapit sa trophy niya.


"Bakit number 26?"


Ngumiti naman siya sa akin at tumingala sa langit.


"12 plus 14."


Kumunot 'yong noo ko dahil hindi ko agad nakuha 'yong ibig niyang sabihin but when I finally realized what he meant by that ay naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro