Faithfulness
Unforgettable (Completed)
Forgiveness (Completed)
Faithfulness
———
The stars embroidered in the sky
I try to draw you from the window
You who used to be so little
Must be the shiniest now
I apologize to you
I know it was very difficult
But there was nothing I could do
Couldn't even laugh
"That star... I hope my voice reaches to that star... You have no idea how beautiful you were. I wanted to tell you everything... For you to see and laugh... You were very smart... And I thought you would remember all the pain—"
Napatigil ako sa pagkanta at napakagat sa sariling labi sa kahihiyan nang may mapansing nakauniporme sa harapan ko. Wala akong ka-ideya kung kanina pa ba ito nakatayo sa harap o kararating lang nito ngunit nang angatan ko ito ng tingin ay doon ko lang napagtantiya—base sa itsura niyang nahihiyang ngumiti ay kanina pa siya. Kaya gano'n na lamang ang pagkahiya ko.
Napatikhim, tumuyid sa pagkakaupo saka magtatanong na sana nang unahan na niya ako.
"Pasensiya sa abala, Doc. Alam naming hindi pa 'to oras nang inyong duty ngunit nagwawala kasi 'yong pasyente ro'n sa kabiling silid..." huminto ito, tila ba nahihiya sa anomang idudugtong. "E, kasi po, ayaw niya pong inumin ang gamot hangga't hindi raw po ikaw ang magpapainom sa kanya. Pasensiya na po talaga...You're the one she's looking for."
Napakurap ako sa sinabi ng kaharap, napangiti at kapagkuwa'y tumayo saka mahinang tinapik ang kanyang balikat, tumango.
"Give me a minute," nando'n pa rin ang ngiti ko habang inabot ang coat sa may gilid saka sinuot.
"Hulog ka talaga ng langit, Doc!" humangikgik ang babae kaya ngumuso akong bumaling sa kanya. "What? Totoo naman, ha! Mula noong dumating ka rito't ikaw ang doctor na makaduty ay mapapasunod mo ang pasyente na walang kahirap-hirap."
Ngumiti ako saka umiling. "The patients here aren't tough. You'll just have to be patient."
"Hindi," umiling siya, halatang ayaw magpatalo. "Noong nakaraang buwan no'ng wala ka pa rito'y halos magkadaiyak na kami kung paano mapaamo ang mga matitigas na pasyente! Kaya masaya talaga kami dahil dito mo naisipang mag-apply."
Lumambot ang puso ko sa sinabi ni Jen, isa mga nurse na naging kasundo ko nang nakaraang linggo. Magiisang buwan pa lang nang makauwi ako galing Canada ngunit wala akong sinayang na oras kaya nag-apply na rin ako ng trabaho. Sa kabutihang palad ay natanggap ako, bilang isa mga psychiatrist—sa isa sa malaking branch ng Aldez Hospital dito sa Manila.
Masasabi ko nga na medyo nahirapan ako noong una at pangalawang araw ko dahil sa nababaguhan ako sa nakapalibot sa akin ngunit nang unti-unti ko ng nakukuha ang pamamalakad nila at mapag-aralan ang bawat galaw ng mga tao ay unti-unti ko ring 'yong natatangap.
Hindi na kasi bago sa akin ang maraming pasyente at kabayolentehan nila, galaw, kasi sanay na ako ro'n sa Hospital sa Canada. Kung totousin ay mas malulubha pa ang kalagayan ng mga pasyente roon kesa rito sa Pilipinas. Sa sobrang kabayolentehan ng pasyente at muntik na itong makakitil ng buhay nang isa mga nag-assist sa kanya.
Hindi ko na batid kung ano nangyari dahil 'yong araw ding iyon ay ang pag-resign ko roon ko bilang Doctor. Basta ang naririnig ko lang sa bali-balita ay gumamit raw iyong pasyente ng druga at wala na raw itong tamang pagiisip.
"Ayaw ko ngang inumin ang pesteng gamot na 'yan, e!"
Isang malakas na sigaw at may kung anong naglalaglagang gamit ang umalingaw-ngaw sa buong silid nang makapasok kami ni Jen. May tatlong lalaking nurse na nasa may gilid ng pasyente ngunit walang may naglakas loob na umawat sa ginawa nang babaeng pasyente.
Maging si Jen na nasa tabi ko'y napatalon sa gulat nang magsimula na naman itong mag-wala. Maski ang tatlong lalaki na aambang aawat ay mapapaatras nang isa-isa nitong pagkakalmutin ang mga balat nila.
Napabuga ako ng hangin, dahan-dahang humakbang—pinulot ang gamit na nagkalat sa sahig saka ipinatong ko uli sa kalapit na mesa, sa tabi ng kanyang higaan. At nang naramdaman nito ang presenya ko'y napatigil ito sa kasisigaw at naging maamong tupa na humarap sa akin. At ganoon na lang ang gulat ko nang abutin niya ako sa yakap at humangolngol ng iyak.
Mahina akong natawa nang makita ko ang pagsinghap sa kaginhawaan ang dalawang lalaki sa may gilid. 'Yong isa naman ay napailing, napaupo sa kalapit na upuan at namumula ang mukhang napakamot sa kanyang batok.
"Gusto ko pong ikaw ang gagamot sa akin... Gusto ko pong ikaw ang doctor ko..." sinabi niya sa pagitan ng kanyang paghikbi.
Marahan kong hinagod ang likuran niya saka pinatakan ng halik ang kanyang buhok. "Tahan na, okay? I'll talk to the doctor assigned to you if I can be your doctor..." humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Okay ba sa 'yo iyon?"
Malambing siyang tumango sa pagitan ng balikat ko na ikinangiti ko. Pagkatapos ng eksenang 'yon ay niyaya ko siyang uminom nang gamot na sinunod niya naman na walang pangrereklamo. Nang matiyak kong hindi na siya magwawala ay pinaalis ko na ang tatlo maging si Jen, nagpaiwan ako at sinamahan ang dalagitang babae hanggang ito'y nakatulog.
Kaya kinabukasan, ginawa ko nga ang pangakong binitawan ko sa dalaga, ang kausapin ang doctor niya tungkol sa gusto niyang mangyari. At ganoon na lang ang pagkataka ko nang mabilis sumang-ayon ang doctor na naka-assign sa kanya tila ba gusto na rin nitong ipamigay ang kanyang pasyente.
"Mabuti pa nga at sinalo mo ang batang 'yon! Tch, nakakapikon, nakakainis, nakakairita na kasi 'yong alagaan! My gosh! Salamat at naisipan mong saluin, Doc Daph," maarteng ngumiti ang doctor sa akin bago ko tuluyang lisanin ang silid niya.
Hindi ko alam kong paano niya nasabi iyon sa akin. Nakakapikon? Nakakainis? Nakakairita? Paano niya nasabi iyon gayong alam niya na talaga na ganoon ang mga pasyente niya? Bakit ganitong propesyon pa ang kanyang kinuha kung hindi naman pala mabaha ang kanyang pasensya?
Ngunit hindi ko rin naman siya masisisi dahil minsan rin ay makaramdan din ako ng ganoon. Ang kaibihan lang namin ay isaakin ko lang 'yon at hindi magtatagal saka mahaba rin ang pasensya ko ganito. Hindi ako mabilis mairita at hindi ako mabilis magalit. Iniintindi ko muna ang sitwasyon at hindi magpadalos-dalos.
"Good Afternoon po, Ma'am," yumuko ako bilang galang nang makita kong nando'n ang ina ng Lisa, na nakabantay sa kanya. "Akala ko po kasi walang bantay kaya pumasok na ako."
Mabilis tumayo ang ginang saka pinanhik ang kinatatayuan ko. "Hala! Wala po 'yong kaso sa akin, Doc." Ngumiti ito at giniya ako sa upuang katapat niya. "Masaya nga ako nang mai-kwento niyang ikaw ang bago niyang doctor."
Ngumiti ako sa pamamaraan ng pagtitig niya sa kanyang anak, kung paano masuyong hinawakan nito ang kamay ng anak.
"Alam mo ba, doc, na sobrang saya ko nang makita kong unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ng anak ko? I didn't know what I was going to do the day she started like this. I was shocked when I came home from work, she's become like this. Nagwawala at kadalasan ay nagwawala at halatang takot na takot..." napatanga ako nang makitang mariin na niyukon niya ang kanyang palad. "...at nalaman ko na lang na ginalaw pala siya ng amaang ama niya," dugtong ng ginang na ikinalamig ko.
"Po?"
"My husband, her step father, raped her..." at doon tuluyang humangolngol ang ginang na agad ko ring sinuyo.
Maging ako'y pinangilidan ng luha nang marinig iyon. At sa oras na iyon napagtugma-tugma ko ang kalagayan ng dalaga. Kaya pala bayolente ito kung nasa paligid niya ang mga lalaking nurse, kaya pala nagwawala. Saka noong osang araw na nagtungo rin ako rito sa kwarto niya'y yakap-yakap niya ang mga tuhod habang umiiyak, nag-mamakaawang 'wag siyang gagalawin, sasaktan.
Kahit bumabagabag sa akin ang biglaang pag-amin ng kanyang ina'y hindi ko 'yon hinayaang nakaapekto sa akin gayonman ay iyon pa ang naging lakas ko para siguraduhing muling bumalik sa dati ang dalaga.
At sa dalalawang linggo ko bilang doctor niya ay sa wakas nakikita ko na unti-unting na siyang naging maayos. Maaliwas na ang mukha niya tila bumabalik na ang dating siya na ikinatuwa ko.
"Ate Daph, puwede po bang manuyo?" marahan akong bumaling kay Lisa nang magsalita ito. "Hindi niyo naman po tatangihan, 'di ba?"
Alinlangan kong nilingon ang ina niyaang nasa may tabi niya na tipid na ngumiti sa akin. Napakagat ako sa pang-ibabang labi saka dahan-dahang tumango.
"Yeah, sure..." pero hindi talaga ako sure, sa totoo lang.
"I like you talaga, Ate Daph... Ang ganda-ganda at ang bait niyo pa!" malawak siyang ngumiti kaya ngumiti na rin ako. Ayaw kong sirain ang kasiyahan niya.
"What is your request?"
Nilalaro niya ang kanyang kuko bago niya ako tiningala. "It's embarrassing but I really want to have their autograph. Ayaw ko namang utusan ni Mama kasi may trabaho pa siya saka sabi niyo po hindi pa ako puwedeng lumabas..."
"Autograph? Sino?"
"Nexus po, Ate..." magiliw niyang sinabi na muntikan ng ikawala nang hininga ko.
Nakatanga akong sinusuri ang isang album na may nakalagay na 'Cool' sa unang pahina. Isang oras na mula nang tanggapin ko ito at pumayag sa gusto ni Lisa. Wala akong magawa kundi ang tanggapin ang album kasi bigla akong nakonsensyang tanggihan nang makita ang kislap ng mga mata niya. Kahit sobrang labag talaga 'yon sa kagustuhan ko'y hindi ko iyon pinahalata sa kanya bagaman ay ngumiti na lang.
"You're a fan of theirs too, Doc? That's why last week, you sang their song!"
Nilihis ko ang tingin sa album at napabuntong-hiningang napataas ang tingin patungo kay Jen na kapapasok lang sa opisina ko. Hindi ko magawang tumango o tumanggi man lang. Sinundan ko lang ang lakad niya hanggang sa huminto siya sa harap ko at marahan na inigaw ang album na hawak ko.
"Sold out 'to, ah... Sa'n mo nabili?" kuryosong tanong niya habang sinusuri ang album na halatang hindi pa binubuksan. "Sino ang idol mo sa kanilang apat?"
Palihim akong napalunok at nawala sa sarili ng ilang segundo. Nalilito ako kung saan sa tatlo niyang tanong ang uunahin kong sagutin. Ngunit bago pa man ako nakasagot ay nagsalita na naman siya.
"Fan din ako, doc..." aniya, halatang pinipigilan ang pagtili sa kilig. "They're so handsome, aren't they? Naka-ka-buntis ang mga itsura nila!"
Napaubo ako sa sinabi niya, mabilis na napahawak sa bandang dibdib at tinapik-tapik ko iyon. Bakit ako pa ang nahiya gayong hindi naman sa akin nangaling ang mga salitang 'yon?!
"Ayos ka lang, Doc? Gusto mo ng tubig?" umiling ako. "So, ano na ay mali, sino pala?"
Nangangapa ako ng sagot. "Silang lahat?" hindi pa sigurado!
"Sana all, silang lahat!" humalakhak siya bago nilapag ang album. "Guwapo naman talaga sila lahat, talintado..." ngumiwi ako nang makitang para siyang teenager kung makaasta. "Pero bias ko talaga si Asher!"
Ang nakaawang kong labi ay biglang napatiklop nang marinig ang pangalang 'yon. Ang kaninang malapad kong ngiti ay napalitan ng pangalinlangan.
"Ayos ka lang, Doc?" kapagkuwa'y tanong niya nang mapansin ang pananahimik ko. "May nasabi ba akong hindi maganda?"
"Uh-ah, nothing! I'm fine... Just thinking."
"Hmm?"
Kumislap ang mga mata ko sa tuwa nang may naisip. Mabilis kong hinila ang swivel chair patungo sa kanya. I-kinuwento ko sa kanya na 'di naman sa akin 'tong album. Maging ang plano ko ay sinabi sa kanya.
"I like your idea, doc, but this time I'll reject it... I want to go but I can't."
"Why?"
"Pupunta kami ng boyfriend ko sa bahay nila sa araw mismo ng fan signing ng banda," umiling siya. "Kahit gusto ko ayaw pa rin..."
Lumaylay ang balikat ko at unti-unting tinatanggap na wala nang ibang pagpipilian kundi ang dumalo sa fan signing ng banda. Kahit idolo ko ang bandang Nexus, kahit gusto ko ang mga kanta nila'y hindi ko naman pinangarap na makaharap sila.
Hindi ko pinangarap na makita sila. Sapat na sa aking makita na magkalat ang itsura nila, sapat na marinig ko ang mga kantang ginagawa niya—nila, sapat na sa akin ang makita sila sa malayo para tawagin ko ang sariling isang fangirl, silence fangirl.
Silence fangirl since then, pero 'di ko maiwasang masaktan...
Nang dumating ang araw ng fan signing ng banda ay pinatatag ko ang sarili. Titig ako sa sariling kabuuan sa salamin. Marahan kong sinuklay ang buhok kong tungtong sa balikat lang saka pagkatapos ay sinuyod ang tingin sa suot kong puting blusa na hapit sa katawan ko saka pinarisan ko ito nang maong na pantalon.
Pero bago ako tuluyang nagtungo sa sinasabing venue ay sinadya kong dumaan kay Lisa para magpaalam. Kitang-kita ang tuwa sa mukha niya kaya determinado akong tinungo sa venue.
Kahit kabado ay pinilit kong maging normal... at ginawang isang normal na tagahanga ang sarili kahit labag sa kalooban.
Kung hindi lang talaga naaawa kay Lisa, kung hindi lang ako natutunaw sa ngiti at tawa niya'y hindi talaga ako pupunta!
At nang i-announce na puwede nang pumila dahil papunta na ang Nexus ay nagsidumugan ang mga tao para lang makauna sa linya.
Kung kagaya lang nila ako'y baka nakisali na rin ako ngunit hindi. Mas pinili kong magpahuli para mas lalo ko pang ihanda ang sariling harapin ang banda, para makahanda ako sa anomang sasabihin ko.
Ngunit napatigil ako sa pagiisip nang magsigawan ang mga tao sa loob ng venue—sa sobrang sigaw ay halos hindi ko na marinig ang background music.
May ilang nagtutulakan para makasilip sa bagong dating. Kung sila gusto nang makita ang apat na lalaki ay kabaliktaran naman ako. Habang papalapit ako ng papalit ay siya namang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Malapit na ako sa apat ngunit kahit isang segundo ay hindi ko man lang magawang sulyapan sila ng tingin. My eyes remained on the two albums I held—yes, two albums. I brought mine too. Remembrance as well.
"Puwede palagyan nang I love you?" narinig kong tanong ng babaeng unahan ko nang siya na ang nag-pa-fan-sign.
"Yeah," isang baritong boses ang sumagot, humalakhak.
Hindi ko na magawang makinig sa mga tanong ng fan hanggang sa ako na. Nanginginig man ang kamay ay tinango ko iyon saka inilapag ang dalawang album na iba ang pustura. Alam kong naguluhan ang bokalista ng banda sa kanyang nakita kaya't tumingala siya.
"These two?" paninigurado niya, nahihiya akong tumango.
Matapos niyang pirmahan ang dalawang album ay tumingin siya sa akin at inabot ang ito.
"Thank you..."
Binaliwa ko ang pagtataka sa gwapo nitong mukha at humakbang patungo sa pangalawang meyembro. Gaya nung una ay nagtaka ring nag-angat ng tingin ang bassist ng banda. Why did I bring their first album?! What kind of mindset do you have, Daphne?!
"Just my signature?" tanong niya at tininuon ang atensyon sa dalawang album.
"Yes."
Napailing siya saka nag-angat ng tingin para sana ibigay ang album nang naiwan sa ere ang kamay niya, sinusuri ang mukha ko. Animong nakilala ako? Putik!
"Have we met before, Miss?" bahagyang kumunot ang noo niya nang magtanong. "Pamilyar sa akin ang mukha—"
Mabilis kong inagaw ang dalawang album saka marahas na umiling. "Hindi. I'm a fan of yours so maybe I'm familiar with you. Thank you."
Alam kong nagtaka ang bassist ng banda sa inaakto ko. Alam kong nagtataka rin ang karamihan dito, kung bakit ang bilis ko lang umusad. Ang kasunod kong babae ay nasa kay Levi pa, kaya bakante si Nathan at mabuti akong tiningnan. Tulad kanina, binaliwa ko siya.
Nang nasa harap ako ni Jethro, ang drummer ng banda ay talagang nilalayon kong yumuko upang mahulog ang mga hibla ng aking buhok upang matakpan ang aking mukha.
Hindi tulad nung dalawa ay tahimik lang si Jethro, hindi nagrereklamo at tuloy lang siya sa pagpirma. Kahit sabi ng ilan na kawalan siya nang ekspresyon sa mukha ay nagawa niya namang ngumiti sa akin, ngiting walang nilabas na ngipin. Tama nga sila!
Kabado kong inabot ang dalawang album na nasa kamay niya, hindi pa ako gumalaw dahil hinihintay ko pang matapos ang babaeng nakipag-chikahan pa sa huling meyembro.
"'Kaw na, Miss..." ngumuso ang labi ni Jethro sa may gilid ko kaya diniin ko ang pagkagat sa pang-ibabang labi ko bago ngumiting tumango.
Nawala ang ngiti ko sa labi nang mamataan kong nakatingin sa akin ang huling lalaki sa linya. Nakakawala man ng respeto ay nanatiling nagyuko ako at ibinaba ang dalawang album sa harapan niya.
Ngunit bago ko pa nabawi ang kamay kong kinakabahan ay may kamay na pumigil doon. Napaawang ang labi ko nang sakupin ng palad ni Asher ang palad kong namamasa na. Masuyo niyang tinuyo ang basa kong palad gamit ng palad niya. Ngunit bago pa may nakapansin ay maagap kong inagaw ang sariling kamay na tila napapaso sa pagkakahawak niya.
"You're nervous..." mahina ngunit malamig na sinabi niya.
Am I?
Hindi ko alam kung alam niya bang ako itong nasa harapan niya? I shed tears and tried to hold back especially since I was in front of him... nasa harapan ng maraming tao.
"I am not," kaswal kong sagot.
"Why you sweating, then?" tanong niya at sa pagkakataong ito'y sinalubong niya ang tingin ko gamit ng malamig niyang titig. Hindi man lang siya nagulat nang makita ako. "Hmm?"
Gusto kong matawa. Gusto kong magtanong, kung bakit parang normal lang sa kanya ang itanong iyon. Na para bang hindi niya ako sinaktan noon?
Sa tuno ng pananalita niya'y para bang tulad pa kami nang dati, ngunit may kulang... Wala na ang malambing niyang tuno, pag-alala, ngunit napalitan ng kalamigan at kawalan ng interes.
Ngunit bago tuluyang tumulo ang luha ko, kinuha ko ang album ni Lisa na siyang unang natapos ni Asher sa pagpirma at saka mabilis na umalis sa harap niya. Wala akong pakialam kung naiwan ko man ang isang album kanya. Ang mahalaga sa akin ay makalayo sa kanya, malayo ako sa kanyang presensya.
Narinig ko ang pagtawag niya sa akin para sa naiwan kong album ngunit hindi na ako nakinig at nagpatuloy sa pag-lakad, papalayo.
Sa inaakto niya'y para siya pa ang galit, tila ako pa ang nanakit at nakagawa ng kasalanan sa kanya...
Gayong siya naman talaga... siya ang nagtulak sa akin papalayo, sinaktan niya ako...
I should be the one to get angry and not him.
PMINTGREEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro