Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1


"Heto na uniporme mo, 'nak!"

Napatigil ako sa panunuklay sa mahaba't tuwid kong buhok nang pumasok ang mama kong nakangiti sa kwarto dala ang uniporme na sinasabi niya. Napasimangot ako't inilang hakbang ang pagitan namin dalawa saka ko kinuha sa kamay niya ang uniporme.

Ganito ang nangyayari araw-araw. Palagi niya akong pinagsisilbihan kahit kaya ko naman. Kagaya nito, nauunahan niya 'kong kunin ang uniporme ko kahit kaya ko namang kunin sa sampayan. Minsan kahit ayaw kong makipagtalo sa kanya ay hindi ko na talaga matiis, ayaw niyang ako ang man-laba sa mga damit ko keyso raw kaya naman niya. Kaya minsan tinatago ko ang mga damit na pinag-suot-an ko saka 'pag umalis siya ng bahay ay roon ako maglalaba.

Hindi ko alam kung bakit 'to ginawa ni Mama... kung bakit niya ako trinato nang ganito kung kaya ko naman. Kung tutuosin ay siya dapat ang pagsilbihan ko.

"Last na po talaga 'to, 'Ma," kinagat ko ang labi saka niyakap si Mama. "Kaya ko naman ang sarili ko. Malaki na po ako. 'Di niyo na dapat 'to ginagawa..."

Mahina siyang natawa at marahang tinapik ang likod ko. "Magtatampo at magagalit si Mama sa 'yo, gusto mo 'yon?"

"Magagalit rin ako."

Mas lumakas ang tawa niya't kumalas sa yakap. "Sige nga, 'pakita mo sa akin kung paano magalit ang baby Daphne ko..." panunukso niya, tinusok-tusok ang tagiliran ko.

"Mama naman, e!" panguungot ko.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi, matamis na ngumiti. "Hangga't nandito si Mama mo ay aalagaan kita, mmm?"

"'Ma..."

"Diyos kong batang 'to... Sige na, magbihis ka at baka ma-late ka sa klase," tinulak niya ako patalikod bago siya lumabas ng kwarto.

Napabuntong-hininga akong napatitig sa pintong nilabasan niya. Ayaw niya talagang magpatalo...

Nang matapos akong magbihis ay wala na akong sinayang na segundo at lumabas para hindi ako maiwan ng jeep. Sa kusina na ako dumeritso, nakita kong naghuhugas si Mama sa pinagkainan namin. Nalutos pa siya sa kinatatayuan nang yakapin ko ito patalikod.

"Alis na ako, 'Ma," bulong ko.

Humangikgik siya at hindi na nag-abalang lingunin ako. "Ingat ka, huh?"

Tumango ako at hinalikan ang pisngi niya saka patakbong lumabas ng bahay. Inayos ko sa likuran ang backpack bag ko at nilakad ang 'di kaluyang waiting shed para roon na hintayin ang jeep. Habang hinihintay ko ang jeep ay 'di ko maiwasang magkunot ng noo, mapakagat ako ng labi nang mapasulyap ako sa mambisig na relo. An'tagal.

"Ba't 'di mo ko 'inintay?!" napatigil ako, palihim na napangiti nang lingunin ko sa may gilid ang boses na iyon. Agad kong nasalubong ang abo niyang mga mata.

Napangiwi ako nang makita ang anyo ng kaibigan ko, Asher. "Ang tagal mo kasi."

Wala itong dalang pang-eskwelang gamit, tanging akay-akay niya lang ay ang guitar case na nakasabit sa likuran niya. Promise, 'yan talaga ang bag niya. Nakakunot ang noo niyang humihingal at halatang kagagaling tumakbo. Napakurap-kurap ako nang mapansin ko ring hindi maayos ang pagkakasuot ng uniform niya. Lukot ang kwelyo ng puting polo na suot, hindi niya iyon binatones kaya lantad ang t-shirt na panloob, kulay itim pa talaga. Maging ang I.D. niya'y nag-iba na rin ng direksyon. Pero kahit ganoon siya'y mukha pa rin siyang presko.

"Iwan din kita 'pag ako ang na-una," pangmamasungit niyang bulong saka umupo sa tabi ko. Inilapag niya rin sa tabi ang kulay itim na guitar case.

"Alam kong alam mo rin na hindi 'yon mangyayari..." tungon ko at matamis siyang nginitian.

Dwayne Asher Vasquez. Pagbasa ko sa I.D. niya. Dwayne Asher ngunit mas gusto kong Asher ang itawag sa kanya. Maliban kasi 'pag galit ang Mama niya'y ako lang ang tumatawag sa kanya ng ganoon. Karamihan kasi Dwayne o 'di kaya'y Ash. Ewan ko ba ngunit mas gusto ko iyong Asher, kahit ayaw niya sa pangalan niyang 'yon dahil maalala niya raw ang galit na itsura ng Mama niya wala pa rin siyang magawa. Hinyaan niya lang ako hanggang sa nasanayan na.

Ilang taon na mula nung makilala ko ang masungit na si Asher na ngayon ay maligalig na. Galing sila Maynila at lumipat dito sa Lucena na naging kapit-bahay namin. Ayaw ko talaga sa kanya noong unang araw nila rito. Bukod sa mukhang snob ay bad boy rin ito kung sa mukha ang pagbabasihan. Akala ko talaga hindi ko siya makakasundo, dahil wala talaga akong balak na kaibiganin siya. Ngunit may masamang hangin siguradong sumapi sa kanya nung bigla niya akong kausapin. Napatanga pa ako nung una dahil baka nagkamali lang ako, but when I saw him smile and a dimple appeared on his right cheek I smiled and talked to him back.

Mula nung araw na 'yon, palagi na kaming magkakasama. Kung nasaan ako ay nandoon din siya. He also has friends besides me because we are not of the same grade and school. Ngayon grade 11 na siya at sa Shire University siya nag-aaral; malaki, pribado at kilalang paaralan dito sa Lucena. Habang ako naman ay grade 10 at sa publikong University lang dito sa Lucena, Serim University.

Alam ko namang mayaman sila kasi nakikita ko na talaga iyon nung unang araw ng lipat nila. Ngunit kahit ganoon ay parang wala lang sa kanya iyon, mas gusto pa nga niyang dumidikit sa akin kesa sa iba niyang mga kaibigan na mayayaman din tulad niya.

"'Uy, may jeep na," napatanga ako nang tanggalin ni Asher ang bag ko na nasa likuran ko. "Ako na magdadala. Mukhang mabigat, e," napaiwas siya ng tingin nang ipaubaya ko iyon.

Tamad magdala ng sariling bag ngunit malakas makaagaw sa 'di kanya! May tupak din ang isang 'to.

Tumayo ako at marahang pinagpagan ang puwetan ko. "Ako na magdadala ng gitara mo," pang-presenta ko.

"Ako nga magdadala ng bag mo para 'di ka mabigatan ta's aakuin mo pa 'to?" tapik niya sa gitara. "Ano pang saysay ng pagbit-bit ko sa bag mo..." halos bulong niyang dugtong bago niya ako iniwan.

Napalabi ako. "Hintay nga!"

Tulad nang nakasanayan ay hinintay niya ako at pinaunang sumakay ngunit napatigil nang 'di pa ako tuluyang nakapasok nang makitang dalawang upuan na lang ang bakante ngunit hindi magkatabi. Mahina akong napatikhim saka nilingon si Asher na nakaapak ang isang paa sa paanan ng jeep at halatang nagtataka rin sa akin.

"Hindi tayo tabi, ayos lang?" mahina kong tanong.

Kumunot ang noo niya at sumulyap sa loob. And because he was tall,  walang kahirap-hirap niya 'yong dinungaw. Nagulat ako nang tumungtong rin siya sa jeep kaya halos magkadikit na kami, amoy na amoy ko na rin magaan niyang pabango at ang gamit niyang shower gel.

"Ate ganda, puwedeng makisuyo?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya napaligon ako, kinausap niya lang naman ang babaeng nasa malapit sa bukana ng jeep. "Kung pwede usog po kayo kunti ro'n? 'Di pa kasi ayos 'tong paa ng kasama ko. Napilay."

Napakagat ako sa sariling labi, nakahanda na sanang kurutin ang katabi nang hulihin niya ang pulsuhan ko saka pinisil.

"Medyo masakit pa po ang paa ko, Ate..." maging ako ay nangilabot nang marinig ko ang sariling boses.

Mabuting tinitigan ng babae ang paa ko paakyat sa mukha ko bago bumaling ang tingin kay Asher, nakangiti pa talaga.

"Walang problema," anito at walang alinlangang umusog.

Kaya ang kinalabasan, naging dalawang bakante na ang upuaan malapit sa bukana ng sasakyan. Ang lawak ng ngiti ni Asher nang nauna itong pumasok at umupo, pagkatapos ay senenyasan akong umupo sa tabi niya. Pinilit kong ngumiti at sinunod ang sinabi niya saka maya't maya'y umalis na rin ang sinakyan namin.

"'Uy, galit ka?" tanong niya nang mapansin ang katahimikan ko mula kanina.

"Hindi."

"Alam ko. 'Di ka naman marunong magalit," sumandal siya habang nakakunot ang noo. "Tampo ka?" tanong niya ulit, napapikit na.

"Ginawa mo pa 'kong sinungaling..." giit ko.

"Sorry."

"Hindi mo na dapat 'yon ginawa. Okay lang naman sa akin kung 'di tayo—"

"'Di 'yon okay sa 'kin, Daph..."

"Mali pa rin 'yong ginawa mong pagsisinungaling..."

Napabuntong-hininga siya at sinalubong ng mga mata niyang abo ang tingin ko. "Kaya nga sorry, 'di ba?" parang bata na saad niya. "Sorry, hmm?"

Napalabi ako at tumango sa kanya na ikinangiti niya at ikinalabas ng dimple niya. Muli kaming nagtahimikan, pikit na uli siya habang ako'y 'di nayayamot sa suot kong palda. Panay kasi ang usog nito papataas kaya panay naman ang hila ko pababa. Gusto ko na itong palitan—bumili ng bago dahil nga umikli na ito sa akin ngunit hindi ko ginawa. Nagtiyaga na lang ako dahil ilang buwan na rin ay mag-si-senior na ako. Saka sayang ang pera kung bibili pa ng bago.

"Ang init," narinig kong pangrereklamo ni Asher. Ako pa ang nahiya sa kanya dahil baka narinig iyon ng iba ngunit parang hindi naman. "Hindi ka naiinitan?"

"Hindi?" naguguluhan kong sagot.

Hindi naman talaga. Kahit puno ang jeep, hindi talaga ako naiinitan. Pasimple kong nilingon ang ilang pasahero ngunit gaya ko ay mukha hindi naman sila nakaramdam ng init. Kaya takang tumaas ang tingin ko kay Asher na ngayon naka-t-shirt na lang, hawak niya ang polo niya.

"Ikandong mo," pautos niyang sinabi at pinakita sa akin ang hawak na polo.

"Huh?"

"'Di ka naiinitan, 'di ba?" tumango kahit naguguluhan. "So, kandong mo."

Nang mamataan niyang wala akong balak kunin 'yong polo ay siya na ang nagkusang ilagay iyon sa kandugan ko. Gulat at naguguluhan ako sa ginawa niya lalo't inayos niya pa talaga iyon tila ba tinatakpan ang balat ko.

"'Ayan kasi kuripot, ayaw pang bumili ng bagong palda. 'Di naman 'yon abot ng 'sang libo..." naiinis niyang bulong bago muling tumuwid habang ako ay nanatiling nakamaang at titig sa polo na nasa aking kandungan.

Natahimik na ako at naging komportable hanggang bumababa kami ng jeep, dahil iyon sa polo ni Asher. Pagkababa agad namin sa shed ay ibinigay ko sa kanya ang pulo kasabay sa pag-agaw sa bag ko na dala niya pa rin. Ngunit dahil matangkad siya ay mabilis niya iyong nailayo sa akin at nagsimulang pinanhik ang daan patungo sa skwelahan ko. Patakbo ko siyang sinundan at hinila ang guitar case kaya napatigil siya sa paglalakad.

"Doon ang daan patungo ng Shire, Asher. Doon," tinuro ko ang kabilang daan ngunit ngumiti lamang siya. "Ano?"

"Ihatid muna kita."

"Anong—baka ma late ka. 'Wag na. Kaya ko naman, e."

Umiling siya. "Mabigat nga kasi bag mo. Baka 'di mo makayanan ang bigat kaya hatid na kita."

Napapikit ako at sinalubong uli ang mga mata niya. "Dalawang maninipis na libro, baon, dalawang notebook, isang lapis, isang ball pen... sige isama natin 'yong hairpin ko. So..." ngumisi ako. "Mabigat ba?"

Napalunok siya, marahas na nilihis ang tingin sa akin. "E, nabibigatan ako... pake mo."

"Ibahin mo 'ko. Sige na, Ash! Baka ma-late pa tayong pareho nito, e!"

"Ash?" ngiwi niyang pangulit.

"'Kaw naman kasi, e! 'Akin na nga 'yang bag ko," pang-mamakaawa ko, inilahad ang dalawa kong palad sa harapan. "Asher, please?"

Titig na titig ang abo niyang mata sa akin at kapagkuwa'y bumuntong-hininga, labag sa kalooban na ibigay ang bag sa akin. Ngumiti ako at isinampa 'yon sa likuran ko at nangangasar ang ngiting humarap sa kanya.

"Sa susunod kasi magdala ka ng iyo," tumawa ako't tinalikuran siya ngunit bago paman ay kinawayan ko siya. "Bye, Asher! Kita na lang tayo mayang uwian!"

Nakarating ako sa gate ay ang dami ng estudyanteng nagsipasukan. Iba't ibang klaseng uniporme. Uniporme ng junior, senior at college. Bumuntong-hininga ako't hinintay na kumunti ang mga tao bago ako pumasok. At tulad ng regular student, leksyon, quiz, recess, lunch, leksyon, ang ganap. Nakatuon lang talaga ang buong atensyon ko do'n. At kapag wala ang teacher o 'di kaya'y break time ay mapapadalas akong nando'n sa library. Maliban sa tahimik ay malamig din do'n.

'Di ako tulad ng ibang estudyanteng ka-edad ko. Ang ilan ngang classmate kong babae ay kung ano-ano na ang ilalagay sa mukha nila. Marami silang kaibigan 'di gaya ko. Yes, wala akong kaibigan—well, maliban kay Asher. Ngunit kung sa pinapasukan ko ang pag-uusapan ay wala talaga. Hindi ko alam kung bakit. Minsan pa nga ang sasama ng tingin nang ilan sa akin at hindi ko rin alam kung bakit. Maliban na sa shismis na ayaw nila sa akin dahil daw pakitang tao ako. Painosente raw, may tinatago raw baho ang maamo kong mukha, lalabas daw ang tunay kong ugali, keyso raw nagpabait-baitan ako.

Hindi ko talaga sila maintindihin. E, ano ba ang gusto nila? Nag-maldi-malditahan ako, aaktong galit kahit labag sa akin?

"Oh my..." napatigil ako at napaatras nang may kulay pulang sauce na natapon sa pulo ko. "Hala, my... sorry, Daph!" boses niyon ng babae at nang pag-angatan ko ito ng tingin ay nandiri pa itong hinawakan ang polo ko kaya napaatras muli ako.

"Ayos lang. Pauwi na rin naman," ngumiti ako at sinalubong ang nandiri niyang mata.

"No!" parang bata siyang nagpapadyak. "Wipe it!" sigaw niya sa dalawang kasama.

Alinlangan silang humakbang ngunit bago pa sila nakalapit ay umatras uli ako. Kagat ang labing sumulyap sa ilang dumaraan sa may gilid, hallway. Naagaw namin ang atensyon ng lahat. Even the higher levels have looked at us as well.

Ang ayaw ko sa lahat... Atensyon!

Kung ano mang plano nitong school mates kong babae na halatang may galit din akin ay wala rin akong alam. Batid sa itsura at panamit niya'y kilala siya ng ilan ngunit dahil hindi ako mapanuring tao ay hindi ko siya kilala, maliban na lang nang masulyapan ko ang I.D. niya.

"Don't worry, Christina. I'm fine. Hindi mo naman siguro intensyong itapon 'yon sa akin, 'di ba?" ngumiti ako.

"Of course not!" inirapan niya ako. "Dumaan lang kami ta's bigla ka na lang bumangga sa akin..." kinagat niya ang upper lip niya.

So, ako pa ang may kasalanan? Hmm, sige. Again, again! Ganito naman ang eksina palagi. Aakuin ko ang kasalanan na hindi naman talaga sa akin.

"Yes... siguro nga kasalanan ko," nagmamakaawa ang mga mata kong ngumiti. "Sorry, Tina..."

Nakita kong nagtagis ng ngipin ang schoolmate kong babae dahil siguro hindi uli sila nagtagumpay na palabasin ang demonyo kong ugali. Kung ako nga mahirapan balasin iyon, sila pa kaya?

"Alam mo bang nakakapikon na 'yang itsura mo?" at tuluyang lumabas ang totoong dahilan niya. "Nakakairita 'yang pagmumukha mo. Alam kong galit ka na, kaya bakit hindi mo pa ilabas, huh? Scared? Takot kang malaman ng lahat ang tunay mong ugali?"

Ayan, paulit-ulit nilang reklamo!

Mapupungay ang mata kong umiling. "Sorry, Tina... Hindi talaga ako galit, ahm... siguro nagulat lang pero galit?" umiling ako. "Hindi talaga..."

Galit niya—nila akong tinignan bago nila ako tuluyang iniwan. Wala silang nakuha sa akin, nagsayang lang sila ng laway.

Napabuga ako ng hangin at nagsimula na ring umalis. Hindi ko na pinansin ang tinginan ng ilan sa damit ko ngunit nang maalalang sabay pala kaming uuwi ni Asher ngayon ay umiba ang pinanhik kong daan. Tinungo ko ang banyo upang sana tanggalin ang ketchup ngunit kahit anong tanggal ay 'di talaga makuha. Mas lalo pa iyong kumalat 'pag pilit kong tanggalin.

Pinalobo ko ang bibig ko at nangapa ng maaring puwedeng gawin para matakpan 'tong damit ko, para hindi makita ni Asher. Ilang minuto na akong nasa loob ng cr ngunit wala akong nakapa. Sa sandaling iyon ay alam kong hinihintay na ako ni Asher ngunit natatakot akong lumabas, natatakot akong makita niya 'to. Natatakot akong magsumbong siya kay Mama.

Naalala ko kasi nung may nangyari ring ganito sa akin, talagang nagalit si Asher. Muntik pa nga niyang sugudin ang gumawa sa akin no'n ngunit pinigilan ko siya. Maging ako ay nasali sa galit niya, 'di niya ako pinansin ng ilang araw, keyso raw ba't hindi ko pinatulan, bakit hindi raw ako nagsumbong sa principal. Maging ang ugali ko ay sinisita niya. At nabalitaan ko na lang isang araw sinumbong niya na pala ako kay Mama.

At dahil gusto ko na talagang makauwi ay ang bag ko ang pinagdeskitahan ko. Kinabit ko ito sa harapan upang matakpan ang ketchup na nasa pulo bago ako nabubuhayang lumabas. Kahit medyo 'di kapanipaniwala ang maari kong isasagot sa kanya ay inihanda ko na lamang ang sarili. At tama nga ako, nang makalabas ay nakita kong nakahilig si Asher sa malaking ding-ding, tulad kaninang umaga ay guitar case uli ang dala niya. Hindi rin alintana ang mga estudyanteng nakatingin sa gawi niya. Mababae o lalaki. Ngunit kadalasan talaga'y babae at halatang kinukuha ang kanyang atensyon.

At dahil siya si Asher Vasquez na kaibigan ko'y hindi sila magtagumpay—parating bigo.

"Asher..." sambit ko sa pangalan niya nang mapansin kong wala man lang siyang balak mag-angat ng tingin.

Gusto kong matawa nang makitang nakasimangot niya akong tingnan. Base sa ekspresyon niyang iyon, alam kong kanina niya pa ako hinihintay. Ngunit ang nakasimangot niyang mukha ay napalitan ng pagtataka nang bumaba ang tingin niya sa bag ko. Alam kong 'di niya 'to palalagpasin kaya inunahan ko na.

"Natanggal ang dalawang butones nitong polo kaya ginanito ko ang pagdala," taas noo ko iyong sinabi. Walang kautal-utal, pangalinlangan.

Saglit siyang napatitig sa mga mata ko animong sinusuri iyon at sa kauna-uhang pagkakataon ay ako ang unang lumihis ng tingin. May kung ano sa mga mata niya na napaiwas ako ng tingin nang ganoon kadali! What's wrong with me?

"Bili ako pin do'n saglit. Dito ka lang—"

"'Wag na! Ayos lang naman sa akin 'to."

Matapos ko iyong sabihin ay marahan ko siyang hinila papaalis. Naiilang ako sa bawat sulyap ng mga estudyante sa aming dalawa. Alam ko namang si Asher ang tinitigan nila dahil Shire ang uniporme nito ngunit dahil kasama niya ako ay nadadamay na rin ako.

"Ba't ka nanghahatak?" paanas niyang tanong nang makalayo na kami.

"Hindi ka ba naiilang sa bawat titig nila sa 'yo?" 'di makapaniwalang tanong ko.

He bit his lower lip before grinning. "Hindi. Sanay na akong tinitigan nila ang ka-gwapuhan ko."

"Wow," sarkastikong giit ko at nilagpasan siya.

Well, everyone knows, even me, that he's handsome... 'nga lang sumobra 'ata ang confidence niya ngayon. Tsk!

"Teka nga, Daph. Nilalayo mo lang 'ata ako sa totoong pakay ko, ah..." habol niya sa akin.

"Gaya ng ano?"

"'Yang polo mo!" asik niya. "Ba't 'tanggal ang dalawang butones?"

"Nilalaro ko kanina kaya natanggal," simpleng sagot ko kahit sa kaloob-looban ay kinakabahan na ako.

"Liar," nag-tsked siya.

"Totoo nga!"

"Ayaw mong magsinungaling ngunit nagsisinungaling ka sa 'kin ngayon..." aniya na ikinatigil ko sa paglalakad. "Tama ako, 'di ba?"

"Huh?"

"Tanggal ang butones, huh? Nangapa nga lang nang alibi palpak pa," seryoso niyang sinabi.

Napaawang ang labi ko. "S-Sinabi mo bang nagsisinungaling lang ako?"

"Hindi ba?"

Ayaw kong dagdagan ang kasinungalingan ko kaya nanatiling tahimik ako at nang wala siyang makuhang sagot ay napailing siya at nagsimulang lumakad. Tahimik lang kaming dawala sa shed habang hinintay ang jeep na dadaan patungong bahay namin. Sa katahimikan namin ay tila ba hindi kami magkakilalang dalawa. Kung normal lang sana kami ngayon ay nagsidaldalan na sana kami. I-kwento niya sana kung anong ginawa niya sa buong araw. Mag-ku-kwentuhan na sana kami tungkol sa mga sinulat niyang kanta.

But it's impossible for him to know what happened to my polo, isn't it?  He probably didn't know... kasi kung alam niya e'di sana sininghalan na niya ako. Pinagalitan.

Palihim ko siyang sinusulyapan nang nasa loob na kami ng jeep. Katabi ko nga siya ngunit parang ang layo niya sa akin. Komportable itong umupo, medyo nakabukaka pa ang mga binti niya, pikit ang mga mata. Palibhasa kasi hindi puno ang jeep kaya magawa niya lahat ang gusto.

Siguro naman may nangyari lang na hindi maganda sa school nila kaya siya ganito o baka naman may 'di pagkakaunawaan na naganap kanina habang nag-pra-practice sila ng basketball? O baka naman may nakaaway siya kanina? O baka may nangyari sa music room nila kanina? Jeez! Asher, pinapasakit mo ulo ko!

"Ining, lumabas na kasama mo," napakurap-kurap ako nang iniwagayway ni manong kondoktor ang kamay niya sa ere. "'Ku ayaw mo bang bumaba?"

"Ho?"

"'Di ba kasama mo 'yon?" sabay turo niya kay Asher na napahikab, iritado ang mukha at tila hinihintay akong bumaba.

"Hala, pasensya na po," nagakyatan pataas sa mukha ko ang init sa katawan at batid kong namumula na ang mukha ko sa kahihiyan!

Narinig ko ang hagikhik ng kundoktor bago nawala sa paningin ko ang jeep. Nakakahiya. Nakakahiya. Nakakahiya! Ano na lang ang tingin nila sa akin? Na baliw na ako? No way! Si Vasquez talaga ang may kasalanan nito, eh!

"Ba't 'di ka pa umalis?" malumanay bagaman may bahid na iritado ang tuno ko.

Iyon naman palagi. Iritado na nga ako ngunit 'di naman mahalata sa tuno at ekspresyon ng mukha ko. Hanggang sa ako lang talaga ang nakakaalam na naiirita na ako. Ako lang ang nakakaalam kung kailan malapit na akong mairita. Hindi ko alam kung bakit hindi nila iyon napapansin.

"Kanina pa ako tawag nang tawag sa 'yo, 'di ka naman nakikinig," sagot niya.

"Kaya iniwan mo 'ko sa loob, ganoon?" bumaba ang boses ko.

Umawang ang labi niya. "Aba't bumaliktad yata ang sitwasyon ngayon, a. Ako ang galit dito, Daphne, ako." Tinuro-turo niya pa ang sarili.

"E, ba't ka nga galit?"

"E, ba't ka nga nagsinungaling?"

"Hindi naman ako nangsi—"

"Then, I won't tell you either what made me angry."

Anong gusto niya... sasabihin ko ang tunay na nangyari sa suot ko kapalit ng sasabihin niya kung ano ang ikinagalit niya? Napalunok ako at magsasalita na sana nang makita kong umalis na pala siya. Iniwan niya ako sa tapat ng bahay namin. Ni hindi siya nagpa-alam sa akin. Galit talaga siya.

"'Ma, puwede po ba 'kong pumunta sa bahay nina Asher?" sinabi ko kay Mama nang matapos kaming kumain.

Kanina pa kasi ako 'di mapakali. Iniisip ko kung ano ang problema ni Asher hanggang sa naging kuryoso ako. Kaya heto ako, kusa ng lumalapit sa kamahalan, susuyuin ko nang sa ganoon ay mapaamin ko.

"Tamang tama, 'nak, may adobong manok pang natira. Paborito ni Ash 'to. Teka lang, ha. Ibabalot ko lang," dumoble ang galaw ni Mama habang inabot ang 'di kalakihang tupperware sa may gilid.

Nang matapos siya ay inabot niya 'to sa akin at talagang hinatid niya pa ako hanggang labas. Ganyan 'yan ka-mahal ni Mama si Asher. 'Pag napadpad 'yon sa bahay ay pinagluluto iyon agad ni Mama ng paborito niya. Naging malapit na rin kasi 'yon kay Mama. Maingay kasi, ang daming mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Agad akong nag-doorbell nang nasa tapat na 'ko ng gate nila. Maliwanag sa labas ng bahay nila, maging sa second floor ay ganoon rin. Nang makita kong lumabas ang Mama ni Asher ay mabilis akong tumuwid ng tayo at sinalubong ito sa masuyong ngiti.

"Hi po, Tita. Si Asher po?" mahinhin kong tanong.

Lumabas ang panunukso niyang ngiti at nilakihan ang pagkakabukas. "Pumasok ka, hija," anyaya niya kaya pumasok na ako. "Nasa kwarto niya, Daph. Mukhang galit?"

"Galit nga po..." halis bulong ko ng tugon na ikinahagikhik niya. "'Tsaka nga pala, Tita. Binigay ni Mama."

Nangning-ning ang mga mata niya. "Adobong manok, tama?" ngumiti at tumango ako. "Tamang tama... hindi pa kumakain ang anak ko!"

"Bakit po?

"Angry nga, 'di ba?" tumawa siya at tuluyan akong inakay papasok ng bahay.

Dala ang trey ay umakyat ako sa pangalawang palapag nang nautusan ako ni Tita na kung puwede hatiran ko raw ng makakain si Asher. Tutal si Asher naman ang totoong pakay ko ay tumango na lang ako. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako kumatok ng dalawang beses sa pinto ng kwarto niya. Kakatok na sana uli ako nang bigla siyang sumigaw sa loob.

"Hindi nga ako kakain, 'Ma! Busog pa 'ko!"

Napalunok ako at muntik ng napaatras sa sigaw niya. Ngunit nang maalala ko ang pakay ay humugot ako ng lakas.

"Asher?" halos hindi ko na marinig ang sariling boses ngunit batid ko namang naisaboses ko iyon. "Hoy, Asher—" naputol ang sasabihin ko nang bumukas ang pinto at niluwa roon si Asher na nakaputing t-shirt at pinarisan ng kulay maroon na jersey short.

"Ouh?"

Tumikhim ako at iniwasang mapatingin sa kulay abo niyang mata. "Abodong manok. Bigay ni Mama," kinagat ko ang gilid ng labi ko.

Suminghap siya at niluwagan ang pagkabukas. "Pasok."

Nahihiya akong ngumiti, dala pa rin ang trey ay pumasok ako. Isang busog pa nga, Asher!

Sinuyod ng mga mata ko ang kabuuan ng kwarto niya at nang matapos ay napako ang paningin ko sa kama niyang makalat. Nakalapag ang gitara niya roon at mga papel na nilokot na batid kong reject. Maging ang study table niya rin ay makalat, gaya ng kama ay marami ring papel.

"Ba't gumawa ka pa ng kanta, e alam mo na mang wala ka sa mood?" 'di ko maiwasang magsalita.

Imbes na sagutin ang tanong ko'y kinuha niya sa akin ang pagkain saka nilapag niya iyon sa kama. Sinundan ko siya ng tingin at 'di maiwasang ngumiti nang magsimula itong kumain. Hindi ko na siya inabala, hinayaan ko na lang siyang kumain. Inaliw ko na lamang ang sarili sa mga papel na nagkalat nang sa ganoon ay hindi ako makaramdan ng kaakwardan sa pagitan namin.

"I want to go into your world... you shining like a jewel," pangbabasa ko papel na hindi nalukot.

Napatawa ako at umiling. Lumakad uli ako pata tingnan pa ang ilan nang malutos ako sa kinatatayuan nang may nakaagaw ng pansin ko. Mabilis kong kinuha ang papel na nasa lapag saka binasa gamit lamang ng mga mata ko.

'Si Daphne sinungaling!' kinirisan iyon ng ball pen.

Napalabi ako matapos iyong mabasa saka napabuntong hiningang sumulyap kay Asher na tapos nang kumain.

"Why you lying?" pandidiin niya pang tanong.

Hindi ako sumagot. Mariin kong hinawakan ang papel habang niyuko ang ulo.

"Ilang ulit ka na nilang ginagano'n?" nagtanong uli siya.

Kahit gulat ako kung paano niya nalaman ay pinatili kong sinara ang bibig.

"Sila kaya ang tapunan ko ng ketchup... What do you think?"

Nanlaki ang mga mata ko at nag-angat ng tingin sa kanya. Sinalubong ang madilim niyang titig.

"W-Wag," kagat-labi akong umiling. "Hindi naman nila 'yon sinasadya—"

"Pero inako mo?" asik niya at talagang hindi na maipinta ang mukha, maging ekspresyon sa mukha niya ay hindi ko na mabasa.

"Paano mo nalaman?" mahina kong tanong.

"Sa uwian 'yon nangyari. Maraming mata ang nakakita. Maraming bibig. Kaya umabot sa akin," sarkastikong sagot niya.

And again, I bowed.  My tears are already welling up.

"Gusto mo bang malaman kung ano ang ikinagalit ko?" napalunok ako nang maramdaman ang presensya niya. Tumango ako. "Ikaw."

Kahit nahihiya akong makita niyang lumuluha ako'y tumingin pa rin ako sa kanya. Nagtataka kung paano naging ako.

"It was your kindness that made me angry, Daph..." inisang hakbang niya ang pagitan namin at marahang tinuyo ang luhang tuluyang bumagsak sa mata ko.

"Ayaw ko lang lumaki 'yong gulo..." bulong ko.

"Pero hindi pa rin tama 'yong pagako mo sa kasalanan ng iba..."

"E, anong gagawin ko?"

"You have nothing to do, Bff..." bulong niya. "Siguradohin nilang hindi ko malalaman ang pinag-gagawa nila sa 'yo. Siguradohin lang nila."

PMINTGREEN

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro