Ika-6 ng Pebrero - Paghahayag ng Wattpad Rebrand
Noong itinatag nina Allen Lau at Ivan Yuen ang Wattpad noong 2006, ang kanilang pananaw ay ang gawing accessible ang pagbabasa sa mga mobile devices.
Sa pagsisimula ng Wattpad, ang mga gumagamit ay maaaring magbasa ng imported public domain na mga kwento tulad ng "Pride and Prejudice" o "A Christmas Carol". Sa unang dalawa hanggang tatlong taon, ang pangunahing layunin ng Wattpad ay hayaan ang 'reading on the go'. Lumipas ang sampung taon, ang Wattpad ay naging pinakamalaking reading and writing platform sa buong mundo na mayroong lagpas 70 milyong taga-tangkilik kada buwan.
Ang nagsimula bilang lugar para makakita at makapagbasa ng mga kwento ay naging tahanan ng milyon-milyong magkakaibang tinig na nagbahagi ng higit pa sa 565 milyong orihinal na kwento.
Kung kaya't nagbabago ang ating brand. Kinalakihan na natin ang ating lumang logo at tagline, "Stories you'll love." At tulad ng iba pang kumpanya (at mga tao), tayo ay lumago at nagbago sa nakalipas na 13 taon.
Sinimulan na naming ipakita ang aming bagong visual identity para sa aming corporate presence, para sa Wattpad Studios, at para sa Wattpad Brand Partnerships. Maaaring nakita na ninyo ang aming bagong logo at visual identity, at maaaring nahulaan na ninyo ang pagbabagong paparating sa Wattpad platforn.
Ano ang magbabago?
Mula sa 'Stories you'll love' papunta sa 'Where stories live.'
Bilang pinakamalaking reading at writing platform sa buong mundo na may taga-tangkilik na lagpas 70 milyon at lagpas 500 milyong mga kwento, palagi naming ipinagmamalaki na kami ay isang lugar kung saan makakikita ka ng kwentong iyong mamahalin. Ngunit, ang "Stories you'll love" ay hindi kumakatawan sa kung ano ang nagbubukod sa Wattpad: ang ating kumunidad.
Ang ating komunidad ay pinag-uugnay ng mga kwento. Ang mga kwento sa Wattpad ay nagiging buhay. Iniimbitahan nila ang mga mambabasa sa isang paglalakbay na humahawak sa inyo at pinakikislap ang inyong imahinasyon. Ang ating bagong tagline, "Where stories live" ay inclusive at naglalayong kumatawan sa lawak at lalim ng mga boses, mga kwento, at pagkakaiba-iba ng ating komunidad.
Mapapansin mo agad na ang Wattpad logo ay nagbago. Ang aming lumang logo ay static at totoong ginawa mula sa isang libreng font type, kung saan ang aming founder ay literal na ginawang baliktad ang letter "M" upang maging "W". Habang ang kapansin-pansin at mabilis na pag-iisip na ito ay naging simula ng aming startup bootstapping days, hindi na ito kumakatawan sa kung ano ang Wattpad sa kasalukuyan. Ang aming bagong logo ay nagbibigay ng postibong enerhiya na may organic hand-penned form at nagbibigay ng personal na ugnayan sa kung ano ang kahalagahan ng ating Wattpad community. Ang "tt"'s sa bagong Wattpad wordmark ay magkaugnay upang magmukhang magkahawak-kamay at sumisimbolo rin sa ating konektadong community.
Ang likuran ng ating user interface ay ginawang puti, para mas maipakita ang inyong mga kwento at pinatingkad ng isang masigla at mas modernong kahel.
Ang mga pagbabagong ito ay matutunghayan sa buong mundo sa iOS at Android apps simula Pebrero 6, 2019 at sa web sa Marso 2019.
Ano ang hindi magbabago?
Mananatili ang layunin ng Wattpad at hindi magkakaroon ng problema sa paraan ng inyong pag-upload, pagbabasa o pag-uugnay sa mga kwento. Kami rin ay mananatiling nakatuon bilang isang lugar sa daan-daang milyong libreng mga kwento kung saan ang mga manunulat ay maaaring magbahagi ng kanilang kakaibang mga boses at ang mga mambabasa ay makakapag-ugnay sa mga kwentong nagpapakita ng kanilang iba't ibang interes.
Ang aming approach sa bagong brand ay intensyonal at mula sa pagmamahal -- at nararamdaman naming ang resulta ay isang matibay na brand na makapagpapalago sa mga values ng Wattpad at kung ano ang nasa puso ng ating komunidad: ikaw. Umaasa kaming ikaw ay nasasabik din gaya namin sa pagpapakilala ng bagong brand sa buong Wattpad community habang tayo magkasama sa journey na ito.
Ang inyong mga kaibigan sa Wattpad HQ
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro