Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Venis POV,

Nandito ako ngayon sa bahay namin dito sa Pilipinas, kakadating lang namin at dito ako dumiretso kasi namiss ko yung kwarto ko dito at si Henry naman nasa condo nya daw. Susunduin namin ngayon si Lara sa bahay nya,siguradong kanina nya pa kami hinahantay.

Nagaayos ako ng dadalhin ko ngayon kasi pupunta kami nila Lara sa Art museum. Halata naman sigurong mahilig ako sa arts. Nagpepainting din ako minsan pero hindi ko sya binebenta,ginagawa ko lang syang collection ko kasi lahat ng painting ko may meaning sakin. Minsan naman ginagamit nila dad yun pag may event sa company nil.....

Oh yeah, oh yeah
Yeah, ooh, yeah

When a day is said and done
In the middle of the night, and you're fast asleep, my love
Stay awake looking at your beauty
Telling myself I'm......

"Hi Lara" Sagot ko sa tawag

("V! bakit ang tagal mo?) Narinig kong tanong ni Henry.

("Bestfriend pumunta kana dito hinahantay ka nila Mommy at Ate Ella dito") sabi ni Lara

"Oo papunta na" sabi ko habang palabas ng kwarto ko

("Bilisan mo V!") Rinig kong sigaw ni Henry sa kabilang linya

("Tumahimik ka nga Henry".............. "Bestfriend bilisan mo ah, hantayin ka namin bye bye")  sabi ni Lara

"Bye" pinatay ko na ang tawag at tumakbo nako palabas.

Lumabas nako at sinalubong ako ng driver namin pero dahil ayoko ng may kasamang driver, kinuha ko sa kanya yung susi at ako ang nagdrive papunta sa bahay nila Lara.

Pagdating ko don sinalubong agad ako ng yakap ni Ate Ella, ate ni Lara.

"Hii Venis, we miss you" sabay kiss nya sakin sa pisngi

"I miss you too ate Ella" sabi ko kasabay ng paglabas ni tita Rita.

Sinalubong ako ng yakap ni tita Rita.

"Hi Venis. How are you?" Tanong ni tita Rita sakin habang tinatap ang ulo ko.

"Okay naman po tita" nakangiti kong sagot

Sumunod namang lumabas si Lara sabay takbo sakin at dinambahan ako ng yakap.

"Bestfriend!Namiss kita!..
Lets go na, gusto kong makita yung bagong painting ni Hiro Davis." Sigaw ni Lara habang hinihila hila ang braso ko

"I miss you too Bestfriend! Pero nasan si Henry? Akala ko nandito na sya?" Tanong ko sa kanya. Akala ko nandito na yun, narinig ko sa kanina sa tawag eh

"Umalis sya kanina, may bibilihin daw sya" sabi ni Lara

Pumasok na kami sa loob at nagtanong si tita Rita kung kamusta daw sila mommy tsaka yung business nila daddy sa Spain. Kinuwento ko naman sa kanila kung pano naging busy sila mommy dahil nanakawan sila sa company ng 10 million.Habang nagkukwentuhan kami nila tita Rita, biglang dumating si Henry na may dalang ice cream?\(^o^)/

"Ice cream yan?" Tanong ko sa kanya

"Oo, rocky road flavor gusto mo?" Nakangiti nyang tanong

"Really Henry? Tinanong mo pa talaga kung gusto nya? Alam mo namang favorite nya yan eh" sabi ni Lara sa kanya ng nakakunot na noo

"Ice creammm pleaseee" sabi ko habang nakapout at nakaabang na kamay ko na bigyan nya ng ice cream.^____^

Binigay naman agad sakin ni Henry yung isang ice cream sa plastic at yung isa naman ay biglang hinablot ni Lara.

"Uyy Cookies and cream! Pano mo nalamang favorite ko yung cookies and cream Henry?" Tanong ni Lara ng nakangiti pero sinamaan lang sya ng tingin ni Henry

"First of all, ice cream ko yan tsaka hindi ko alam na favorite mo yung cookies and cream no. Paborito ko kaya yan." Sabi ni Henry sabay agaw ng ice cream sa kamay ni Lara.

Nakasimangot naman na tumingin si Lara sakin kaya tinawanan ko lang sya. Pagkatapos naming kumain ng ice cream umalis na kami para pumunta sa Arts museum.

"Wow every year talaga nagiiba yung Arts Museum." Manghang sabi ni Lara

Nilibot ko lang yung mata ko sa bawat arts na nakikita ko, mula sa labas hanggang sa loob. Humiwalay si Lara para daw tingnan yung painting ni Hiro Davis. At si Henry naman pununta don sa mga Vase Arts.

Ako naman ay papunta sa isang painting na sobrang pamilyar sakin.Tuwing tinitingnan ko ang painting na yon ay may nararamdaman akong kakaiba at hindi ko alam kung ano yun.

Last year nung nakita ko din ito dito sa museum. Hindi daw nila tinatanggal to kasi importante daw sa may ari ang painting na to. Binasa ko ang title ng painting.

"Lighthouse of the Other World" kahit ilang beses kong isipin kung san ko ba nakita ang painting na to hindi ko maalala. Tiningnan ko yung pangalan ng nagpaint nito at sobrang pamilyar sakin ng pangalan.
"Briana Santiago" parang kilala ko sya pero hindi ko alam kung panong nangyari yon eh ngayon ko lang naman narinig yang pangalan nayan.

Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"He's right. Ang ganda nga ng pinaka una at pinaka huling painting nya." Sabi ng babae sa likod ko kaya napalingon ako sa kanya

"Kilala mo po yung nagpainting nyan?" Tanong ko sa babaeng ngayon ay nasa harapan ko na. Maganda sya at matangakad, mahaba din ang buhok nya at bumagay sa kanya ang dress nyang blue.

"Not really, hindi ko pa sya nakikita pero alam ko ang pangalan nya kasi lagi syang nababanggit ng kapatid ko..." sabi nya habang nakatingin sa painting at nakangiti.

"...pero patay na sya 2 years ago." Biglang nawala ang ngiti  nya pagkabanggit nya non.

Nagulat ako sa sinabi nya. Tiningnan ko ulit ang painting at may nararamdaman nanaman akong kakaiba. Tumingin ako sa katabi ko ng maakita ko syang tumingin sa relo nya.

"Oh right I gotta go." Sabi nya at tumingin sakin

"By the way, I'm Cheska Davis" nakangiti na ulit sya ng inabot ang kamay nya para makipag shake hands.

"Venis. Venis Alcantara"sabi ko at nagkipag shake hands sa kanya

"Nice to meet you. See you around Venis.Bye!" sabi nya bago sya umalis

"Bye" sabi ko habang kumakaway

Bago ako umalis tiningnan ko ulit ng isang beses ang painting ni Briana Santiago.
Hinahantay ko sila Henry at Lara sa labas ng Art museum dahil maglulunch na. After ng ilang minutes ay nakita ko nadin silang lumabas.

"Bestfriend! Nakita mo ba yung painting ni Hiro? Sobrang ganda!" Exaggerated na kwento nya.

"Anong maganda don eh parang rainbow lang na ginulo" sabi ni Henry at sabay kaming natawa ni Lara

"HAHAHA wala ka talagang alam sa Arts ano?" Natatawang sabi ni Lara

"Meron kaya. Mas maganda pa kaya yung mga painting ni V sa mga nasa loob nyan." Sabi ni Henry sabay turo sa Arts museum.

"Tumigil na nga kayo. Nagugutom nako, kain nalang tayo sa restaurant nyo Lara." Nauna nakong maglakad papunta sa kotse ko at sumunod naman agad si Lara at Henry. Iniwan ni Henry ang sasakyan nya sa bahay nila Lara kasi tinatamad daw syang magdrive.

Nakarating na kami sa restaurant nila Lara. Ako ang naunang bumaba dahil gutom na talaga ako kanina pa pero napahinto ako kasi parang sarado yung restaurant dahil wala akong nakikitang tao sa loob.

"Lara, hindi ba kayo nagopen ngayon?" Tanong ko sa kanya

She shrugged"Wala namang sinabi si mommy na magsasara sila"

"Sa Jollibee nalang tayo kain kung sarado" sabi ko at naglakad na ulit ako pabalik sa kotse. Pero napahinto ako ng malaman kong hindi sila sumusunod.

"C'mon, I'm hungry." I said. Para nakong bata dito dahil pinapadyak padyak ko sa lupa yung paa ko.

"I think it's open, tara na sa loob" sabi ni Henry kaya bigla akong napangiti at tumakbo pabalik sa kanila

"Really? Lets go then." Nauna nakong pumasok sa loob at nagulat ako kasi pagpasok ko nakita ko na may nagiisang tao sa restaurant. It's Jeffrey Enriquez.

Lalabas na sana ulit ako pero huli na dahil pumasok na sina Lara at Henry. Tumingin ako kay Lara at nakita ko din ang gulat sa kanyang mga mata pero agad ding napalitan ng blankong expression. Lumapit sya kay Jeffrey hanggang sa ilang metro nalang ang layo nila sa isa' isa.

"What are you doing here?!" Madiin na tanong nya sa taong nasa harapan nya.

__________________
A/N: Good morningggg,good afternonnnnn and good eveningggg redearssss..
Abangan nyo po yung mga susunod na chapter.

Don't forget to VOTE, COMMENT and SUPPORT!

~K8~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro