Chapter 8: Samson
8.
Samson
(1 WEEK AGO/ 1 DAY AFTER PROLOGUE)
"Are you okay? Don't worry, you're safe now. " Sabi sakin ng doktor na nagtutulak sa stretcher na hinihigaan ko.
Wowness, let me just have an osum recap shall we? Binalibag lang naman ako ni big show. Yeah, I was tackled and pinned down by a dude stronger than me. My head is still spinning and I think it's still bleeding. My back hurts. My shoulders hurt. My soul hurts. My heart hurts too because little biik—and by little biik I mean Kikoy—cried because of me, sure natutuwa akong magpaiyak ng bata pero kapag nangt-trip lang. To psychologically scar a child is not my thing. That's a no-no.
The look on Kikoy's face... he was traumatized for sure. Poor kid. Kailangan kong bumawi. But speaking of the cute biik, where is he? Andito ba siya? Si Ponzi? Andito rin ba siya? Uh oh, parang magkikita ata kami ng wala sa oras ni Ponzilita nito. Oh well, I actually want to see him right now. I dunno. Namiss ko siya bigla, yung asarin siya, yung ganun. Akala ko kasi mapapatay na ako ni big show, akala ko tuloy no ponzilita na.
Paulit-ulit kong kinurapkurap ang mga mata ko pero sadyang napakalabo ng paningin ko. Naaninag ko lang iilang mga ilaw sa kisame na nadadaanan namin at maya't-maya kong nasusulyapan ang mukha ng doktor. Si doc pogi ba to? Di ko maaninag kasi may suot siyang face mask at white cap.
Wait? Anyare pala? Ba't andito ako sa ospital? Ugh, wala na akong maalala. Ugh, kill me now—Oh wait, what if I'm dead and I'm just hallucinating? That would be so cool. But then again, may pizza ba sa heaven? God may Pizza ba sa heaven? Clap once if yes, give me pizza if no. Joke, I dowanna die yet. I'm too osum to die but yet I'm too osum to live—fuck what I'm I saying again.... God I'm just kidding. Don't mind me, I'm just a bit scared.
Sinubukan kong magsalita pero bakit ganun? Ba't walang boses na lumalabas mula sa bibig ko? Shit, I can't move. Why can't I move? What's happening to me?! Why can't I move my lips?! Why can't I even lift my finger?!
I opened my eyes, wide as I can. Hindi ako makapagsalita o makagalaw man lang kaya pilit kong kinukuha ang atensyon ng doktor sa pamamagitan ng mga mata ko.
"Hija, alam kong natatakot ka kasi hindi ka makagalaw pero wag kang mag-alala. Nasa mabuting kamay ka. May mga itatanong ako sayo at kailangan tapat ka sa lahat ng sagot mo. Naiintindihan mo ba ako? Isang kurap kung oo, dalawa kung hindi." Aniya kaya kumurap ako ng isang beses. Ugh, kurap-kurap is lame. How about raise my middle finger if yes, Pitik-kulangot if no. That would be so awesome but then again, I can't move how sad.
"Are you scared?" Tanong niya.
Ugh, that's the wrong question. Dapat "Are you osum?" ganun!
Oh well, I still blinked once.
"Don't be scared. I'll make you a better person." Aniya habang tinutulak parin ang stretcher na hinihigaan ko. Aish, antagal naman naming makarating sa operating room. Teka saan ba ako dadalhin ng doktor nato? Ugh, hindi ko makita ang paligid, puro kisame lang ang nakikita ko. Kakainis naman. Bummer bruh.
Pero wait, make me a better person? Gagu diba dapat make me a healthier person? Mas connected pa 'yon sa field niya. Bobo to. Pero what if magpe-perform siya ng lobotomy sa utak ko? Oh sweet potato that would be so gross. Hahahaha... wait fuck, he won't perform lobotomy on me right? Right? Fuck no no no no no. He's a doctor, he'll just probably operate on my wounds. Baka nasaksak lang ako or whatevs.
"Do you drink?"
I blinked twice. Only softdrinks and juice touches this lips, ponzi too. Hihi.
I was in third grade, the first time I got drunk. First communion namin 'yon at medyo umiral ang powerful curiosity ko habang nasa church kami. Sabihin nalang nating, biglang may umagaw at lumaklak ng wine na para sana sa pari at boom nalasing bigla. Buti di ako pinaliguan ng holy water... laway lang ng nanay ko kasi super machine gun mode bibig niya nun sa sobrang galit. Hihi. Puked over and over again that day and since then I vowed never to get drunk again. Well one time I got drunk again but that's the last I swear.
"Do you smoke?" Tanong niya ulit.
I blinked twice. Eww no. Just no. I'm too osum for that.
"Are you sure?" Muli niyang tanong.
Ugh, pwede bang kahit middle finger lang pwede kong igalaw? Kainis eh, ayaw maniwala. Mukha ba akong mabisyo? Sa ganda kong to? Bruh you aint cool. Kill yoself fool. I kid.
"Serenity are you being honest with your answers?" Aba gagong 'to, ba't ayaw—Wait what did he just called me? Wait who the fuck are you?!
Shit! Bibig gumalaw ka! Boses lumabas ka! Shit bakit ba hindi ako makagalaw?! Holy mother of bruhs! Nasa ospital ba talaga ako?!
"Serenity can you hear me?"
Wait... That voice.... I heard it before...
"You never should've cried murder."
OH SHIT.
Bigla kong naramdaman ang pagkarga niya sa lupaypay kong katawan. Dahil sa ginawa niya ay nagkaroon ako ng pagkakataong makita ang paligid—puti.. kulay puti ang lahat... walang bintana at iisa lang ang pinto. Walang ibang tao—Wala ako sa ospital pero hawig sa ospital ang kinaroroonan ko.
Oh God where am I? Please tell me this is just a bad dream. Please let this be a bad dream. I'm scared. Fuck, I'm really really scared. I don't want to die yet. I can't die yet. I haven't talked to Ponzi yet. God don't. Please don't.
Bigla niya akong inihiga sa isang kamang napakalamig. Parang gawa ito sa metal. Nakatuon lamang ang tingin ko sa kanya, kung sino man siya. Nakasuot siya ng kulay putting lab coat, maskara sa bibig at takip sa kanyang ulo. May gloves rin siya sa mga kamay. Shit anong gagawin mo sakin?!
"Don't be scared. I'm going to make you a better person. Everything will be better. Let me help you." Marahan niyang sambit habang nakaharap sa isang mesa. Isang mesang puno ng mga scalpel at kung ano-anog mga aparato!
Shit! Sisa gumalaw ka! Oh my God!
Pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait. Pinipilit kong gumalaw pero hindi ko magawa. Pinipilit kong sumigaw pero tanging sa isipan ko lang ito nagagawa. Mabigat na hininga lamang ang napapakawalan ko.
Bigla kong naramdaman na may humawak sa kamay ko kaya pinilit kong ibaling ang paningin ko sa kaliwang bahagi ko.
May naaninag ako. Isa pang kama.
May babae. Nakaputi. Nakahiga. May kung anong nakakabit na metal sa mga pulso at paa niya. Hindi siya makagalaw nang dahil sa mga ito pero sa sobrang lapit namin ay nagawa niya parin akong mahawakan. May kung ano-anong mga nakakabit din sa ulo niya, parang mga metal na nakapalibot sa ulo niya.
Teka... Kilala ko siya...
Umiiyak siya. Duguan. Andami niyang sugat at may dugo pang umaagos mula sa gilid ng bibig niya pero sa kabila nito ay nakangiti parin siya. Nginingitian niya ako habang nakahawak parin sa mga kamay ko.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong maluha.
Ayoko sa kanya. Galit parin ako sa kanya. Pero awang-awa ako sa kanya. Natatakot ako. Natatakot ako sa nangyayari sa kanya at natatakot ako sa maaring mangyari sakin.
"P-paris?" Sa unang pagkakataon, nagawa kong makapagsalita. Siguro sa gulat, siguro sa takot.
****
Napabalikwas ako habang humahangos. Tagaktak ang pawis ko. Agad akong napatingin sa mga kamay ko at paulit-ulit itong binukas-sara. Nakakagalaw na ulit ako. Naigagalaw ko na ulit ang labi ko.
"Newbie's awake. Told you she'd be out for the whole day."
May narinig akong boses kaya agad kong iniangat ang mukha ko.
Tumindi ang nararamdaman kong takot at pag-aalala nang makita ko ang rehas sa paligid ko. May tatlong haligi na gawa sa pader na nakapalibot sakin pero sa harapan ko ay isang napakalaking rehas. Para akong nasa isang kulungan—Para kaming nasa isang kulungan na may kanya-kanya ang selda.
"Where am I?!" Nahihilo man, dali-dali akong tumayo at paulit-ulit na kinalampag ang rehas.
"Hell." Narinig kong nagsalita ang isang babaeng katapat ko ng selda. Matangkad, maganda, may mahaba at kulot na buhok. Nakakaawa siyang tingnan dahil sa dami ng sugat at peklat sa buo niyang katawan.
"Sisa, you feeling okay?" Narinig kong may nagsalita mula sa katabi kong selda—si Paris.
"Paris." Hindi ko mapigilang maiyak. "Oh my God, Ada!" Napasigaw naman ako nang makita ko siya sa kabila. "Tama ako! Imposibleng maglayas ka sa lakas ng wifi niyo!" Bulyaw ko na lamang habang isinasandal ang noo ko sa malamig na bakal.
Anim kaming lahat. Napapagitnaan ako ng selda ni Paris at ng isa pang babae habang nasa tapat ko naman ang isang selda kung saan naroroon yung kulot. Sa gilid niya ay si Ada samantalang sa kabila naman ay isa pang babaeng di ko kilala. Lahat kami parang magkaka-edad lang. Lahat kami pare-pareho ng suot na suot—White sleeveless shirt at white pajama. Ternong-terno sa pintura at tiles na nakapaligid sa amin.
"I'm Kerry. What's your name?" Ngumiti sakin ng tipid si Kulot este Kerry.
"S-sisa." Sabi ko na lamang habang pinupunasan ang luha ko.
Narinig kong tumawa ang babaeng nasa katabi kong selda, "What the hell is that name?"
"An osum name." Giit ko saka nag-flip ng buhok ko kaso ba't ganun? Ba't parang walang gumagalalaw? Wait... ba't parang gumaan ang ulo ko?
"What's wrong?" Tanong ni Kerry sakin. Napansin niya siguro ang panlalaki ng mga mata ko.
"W-why can't I flip my hair?" Nauutal kong sambit. Natatakot akong hawakan ang ulo ko. Natatakot akong malaman ang sagot sa tanong ko.
"On the bright side hindi ka kinalbo." Sabi ng babaeng nasa katabi kong selda. Wait ngayon ko lang narealize, kalbo siya. Oh my bruh!
"Sisa please don't mind your hair. Please, don't look at yourself." Pangungumbinsi sakin ni Paris pero lalo lamang akong natakot. Oh my God! Anong nangyari sa buhok kong osum gaya ko?!
Napatingin ako sa seldang kinaroroonan ko. May kama, may unan, may mesa, may toilet, may shower at may isang salamin.
Habang humahakbang ako papalapit sa salamin ay lalong tumitindi ang takot at kabog ng dibdib ko. Para na akong masisiraan ng bait.
"Sisa don't do it! Don't look at yourself! Please!" Paulit-ulit na sambit ni Paris pero hindi ko siya pinakinggan. Lumapit parin ako sa salamin at tiningnan ang sarili kong repleksyon.
Pakiramdam ko ay biglang huminto ang mundo ko. Para akong paulit-ulit na sinagasaan ng pison at ipanalapa kay Jabba the Hut.
Ang nakikita ko sa salamin. Hindi ko na ito kilala.
Hanggang tenga na buhok at hindi pantay ang pagkakagupit.
Black.
BLACK.
B L A C K !!!!!!!!!!
"PUNYETAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!"
END OF CHAPTER 8.
Note: BIG SHOW is a wrestler. Yey WWE! Hahaha. Meanwhile Jabba the hut is an uber iconic character from Star Wars. Lobotomy on the other hand is a medical procedure involving the brain to cure some mental disorders :)
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro