Chapter 4 : Seven days of nothing
4.
Seven days of nothing
Third Person’s POV
ONE WEEK LATER.
“Ma! Nakita mo ba ang ipod ko?!” Umalingawngaw ang sigaw ni Ponzi sa buong bahay nila. Hindi mapalagay ang binata, panay ang paghalughog niya sa bawat sulok ng kwarto dahilan para magkalat ang kanyang mga damit at gamit sa sahig ng kwarto.
“Tingnan mo sa kwarto ni Kikoy, baka hiniram niya!” Sigaw pabalik ng ina na nagluluto pa sa kusina kaya napabuntong-hininga na lamang si Ponzi at tumayo habang marahas na kinakamot ang ulo.
Bago tuluyang lumabas mula sa kanyang kwarto ay napasulyap si Ponzi sa iilang mga litratong nakadikit sa kanyang pader. Narito ang mga litrato niya kasama ang pamilya, sina Ford, sina Dustin at isang Polaroid kung saan kasama niya si Sisa at kapwa sila nakaakbay sa isa’t-isa habang pabirong ngumingiwi.
Nang maalala ang dalaga ay napasulyap si Ponzi sa kanyang cellphone. Matapos ang ilang sandali ng pag-iisip, umiling-iling si Ponzi saka muling napabuntong-hininga. “Hindi.. Maayos na ang buhay niya. Nakabalik na siya sa kanila.” Aniya saka nagtungo na lamang sa kwarto ng nakababatang kapatid.
“Kikoy kinuha mo na naman ba ang ipod ko?” Pagpasok pa lamang ni Ponzi sa kwarto ng bata ay nagtaka siya nang makita niyang wala ito sa loob.
Nagsimulang maghanap at maghalungkat si Ponzi sa kwarto ng kapatid. Hinanap niya ang Ipod sa kama at bag nito ngunit wala. Binuksan niya ang ilaw at tiningnan ang bawat sulok ng sahig at mga gamit sa pagbabakasakaling nalaglag lamang ito ng kapatid pero nagtaka siya nang may mapansing kakaiba. Habang naghahanap ay may nakita siyang iilang hibla ng mga buhok—Kulay pulang buhok.
Itinaas ni Ponzi ang mga hibla at tinitigan ng mabuti. “Buhok ba to?” Mahina nitong sambit saka isa-isang pinagmasdan ang mga laruan ng kapatid na tila ba hinahanap kung saan ito nanggaling.
Biglang nakarinig ng ingay ang binata mula sa aparador kaya agad niya itong nilapitan at binuksan. Laking gulat niya nang madatnan sa loob si Kikoy. Nakikinig ng musika mula sa Ipod habang yakap-yakap ang kanyang teddy bear. Para itong takot at nagtatago.
“Kikoy anong ginagawa mo diyan?!” Agad na kinarga ni Ponzi ang nakababatang kapatid.
Hindi kumibo ang bata, sa halip ay yumakap lamang ito sa kanya. Labis ang pagtataka at pag-aalala ni Ponzi lalo na’t hindi ito ang unang beses na nadatnan niya sa ganitong sitwasyon ang kapatid.
*****
"Kikoy kainin mo yang Bacon mo, sige ka uubusin yan lahat ni Kuya Ponzi mo." Biro ng ama nang mapansing hindi na naman ginagalaw ng bata ang pagkain niya.
"Dad patay-gutom ba talaga ako sa paningin mo?" Biro ni Ponzi na maya't-mayang napapasulyap sa kapatid na tila ba walang gana sa kinakain.
"Boys, stop using mean words." Paalala ng ina sa kanila kaya nagtawanan na lamang ang mag-ama. "Kikoy anak, masama na naman ba ang pakiramdam mo? Ba't ba parati ka nalang walang ganang kumain?" Nag-aalalang sambit ng ina habang hinahaplos ang noo ng bata.
"Hayaan mo na 'yan ma, baka nagda-diet lang. Ayaw mo 'yun, papayat na ang biik natin?" Biro ni Ponzi pero agad siyang sinamaan ng tingin ng kanyang ina kaya napa-peace sign na lamang siya dito.
"Nga pala, nakausap ko na yung real estate agent, ready na daw ang bahay na lilipatan natin. Ponzi, tomorrow fix your records para ma-enroll ka na sa lilipatan mong university." Sabi ng ama kaya agad na tumango si Ponzi at nag thumbs up na lamang dahil may laman pang pagkain ang kanyang bibig.
"Anak si Sisa pala, sabihan mo dito na sa atin mag-dinner mamaya. Nakakamiss narin ang batang 'yon eh." Dahil sa sinabi ng ina ay agad na nahino si Ponzi at pati narin si Kikoy.
Pasimpleng bumalik si Ponzi sa pagkain at nagkibit-balikat na lamang, "Ma wala na po si Sisa sa Crimson Lake. Umuwi na siya sa kanila."
"Ah, siya pala ang dahilan kung bakit ayaw mong umalis ng Crimson Lake noon. Kabataan nga naman." Tumatawang sambit ng ama. "I like that girl, she reminds me of Cooper."
"Anak nag-away ba kayo? Simula kasi noong pumunta--" Natigil sa pagsasalita ang ina nang bigla na lamang umalis sa hapagkainan si Kikoy kahit na hindi pa tapos ang kinakain.
"Ma, pwede po bang wag na natin siyang pag-usapan?" Deretsahang sambit ng seryoso na ngayong si Ponzi kaya saglit na nagkatinginan ang mga magulang niya.
"LQ?" Mahinang sambit ng ina niya.
"Anong LQ?" Tanong pa ng ama niya.
"Ma! Pa!" Bulyaw ni Ponzi at dahil sa inis ay maging siya'y umalis nadin sa hapag. Pupuntahan niya sana si Kikoy sa kwarto nito nang bigla na lamang siyang makatanggap ng mensahe mula sa hepe ng pulis at pinapupunta siya sa estasyon.
*****
Pagkarating ni Ponzi sa estasyon ng mga pulis ay nagtaka siya nang maabutan ang isang lalake sa opisina kasama ng hepe. Pormal ang pananamit nito, matangkad, singkit, at hindi pa masyadong matanda--Ang doktor ni Spermy.
"Ba't niyo ho ako pinatawag?" Kunot noong sambit ni Ponzi na walang kaide-ideya sa nangyayari.
"Teka, ba't niyo nga ba siya pinatawag?!" Inis na sambit ng doktor. Tumayo ito na tila ba tuluyan ng naubusan ng pasensya, "Chief 'wag niyong sinasayang ang oras ko, may mga pasyente pa ako sa ospital. Makinig ka, andito ako para mag-report ng isang nawawalang dalaga. Oo ni hindi ko alam ang pangalan niya pero imposibleng bigla siyang mawala ng ganun-ganun nalang. Tatlong araw siyang tumira sa ospital para lang bantayan si Borneo Grady, ni wala nga siyang balak na umuwi man lang, paanong bigla siyang hindi babalik ng pitong araw?! Chief pitong araw na, baka may kung ano ng nangyari sa kanya."
Lalong naguluhan si Ponzi sa mga narinig.
"Doc, pwede niyo ho bang i-describe sa kanya ang dalagitang sinasabi mong nawawala." Pakiusap ng hepe sabay turo kay Ponzi.
Naiinis man, napabuntong-hininga na lamang ang doktor saka lumingon kay Ponzi, "Babae, may mahaba at kulay pulang buhok, maputi, hindi masyadong matangkad, makapal parati ang lipstick at eyeliner, walang preno ang bibig---"
"Si Sisa?" Gulat na sambit ni Ponzi. "Teka, hindi pwedeng si Sisa ang ibig mong sabihin. Matagal na siyang umalis ng Crimson Lake. Nasa bahay na siya ng mga magulang niya." Giit ni Ponzi na labis paring naguguluhan sa naririnig.
Napakamot na lamang sa kanyang ulo ang doktor at tumayo saka kinuha ang attache case niya. "Chief, can you just make sure that she's not on any trouble? Call her family, ask where she could be. Hindi ako naniniwalang basta-basta nalang siya hindi magpapakita sa ospital." Sabi pa ng doktor na agad umalis kaya naiwan sa kinatatayuan si Ponzi na hindi makapaniwala sa narinig.
"Ponzi, sigurado ka ba talagang nakauwi siya sa kanila?" Muling tanong ng hepe pero hindi na sumagot si Ponzi, sa halip ay agad itong lumabas ng opisina at kinuha ang kanyang cellphone upang tawagan ang mga magulang ng dalaga.
"Hijo? Napatawag ka? Kasama mo ba si Sisa?" Pambungad na tanong ng ina ni Sisa dahilan para manlaki ang mga mata ni Ponzi sa gulat.
"W-wala po ba siya diyan?" Nauutal na sambit ng binata.
"Umalis siya isang araw matapos mo siyang ihatid dito. Nag-iwan siya sa amin ng sulat na lalayo daw muna siya para makapag-isip isip. Akala ko nasa Crimson Lake lang siya. Teka, hindi mo ba siya kasama?" Naguguluhang sambit naman ng ina kaya mistulang nabingi si Ponzi sa narinig.
Magsasalita na sana ang binata nang mapansin ang mga missing poster na nakapaskil sa bungad ng estasyon. Unti-unti niyang ibinaba ang cellphone na hawak nang isa-isang masilayan ang mga poster ng nawawalang dalaga sa loob ng napakaraming taon.
"Hindi... hindi pwede..." Mahinang sambit ng binata na bakas ang takot at pag-aalala sa mga mata.
END CHAPTER 4.
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro